Thank you, Sir Rheal - La Salle Green Hills

Transcription

Thank you, Sir Rheal - La Salle Green Hills
PUNLAD
PUNLAD
THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF LA SALLE GREEN HILLS – ADULT NIGHT HIGH SCHOOL THIRD TRIMESTER S.Y. 2014-2015 VOL. XIII NO. 3
Learn to value your relationship with God
By Edmarie Rose L. Vizcara, 5-B
Mr. Dayrit passes the torch to Maribel San Andres, the Student Council President with Br. Victor A. Franco FSC as a witness to the continuing commitment of students to be the change they want to be.
―Your stay in ANHS should
have helped you deepen your faith in
God and in yourselves,‖ according to
Br. Victor A. Franco FSC, the LSGH
President in his message to the graduates during the ANHS Baccalaureate
Mass and Graduation Rites 2015 held
last March 20, 2015 at the St. Benilde
Gymnasium.
The event started with the
mass presided by Rev. Fr. Jun Solomon Jr. as a form of thanksgiving for
all the goodness God has shown to his
people. After that was the Graduation
Rites which gave recognition to the
outstanding contribution of students.
Christine M. Acuña, First Honorable
Mention recalled how she was able to
surpass the trials in her life for God
has always been there in good and
bad times. The recipients of Awards
of Distinction were Erma J. Lasquite
(St. Br. Benilde Award), Tommy D.
Mayor (St. Br. Miguel Award and
Blessed Br. Solomon Award), and
Maribel P. San Andres (St. Mutien
Marie Award). Other awards given
include Special Awards, Subject
Awards, Organization Awards, Loyalty Awards and TVET Awards.
The event was filled with
recognition. The Principal Recognition for this year was given to Lolita
A. Velasquez of 5B who has never
been absent nor late in her entire stay
in ANHS for five years. The Class
Spirit of the Year (CSYA) Award was
given to Basic Computer Thursday
under Mrs. Jackeline M. Baay. Miss
Milagros C. Reyes who will be retiring this year was also awarded for her
service to ANHS . Mr. Rheal D. Dayrit, the ANHS Principal was given a
plaque of appreciation and a token by
the school for his immeasurable con-
tribution to ANHS as its Principal for
seven years. Mr. Dayrit will be leaving ANHS but will be transferring to
a new administrative post next school
year. Br. Vic thanked him for everything that ANHS has accomplished
through his leadership, citing the reaccreditation for five years given by
PAASCU in the recent re-survey visit
and 100% passing rate of 8 out of 9
courses in TVET.
Truly, ANHS is blessed to
have people who tirelessly commit
themselves to the mission through
giving their service to our students.
Thank you, Sir Rheal
Mr. Dayrit leaves ANHS and faces new administrative post in LSGH
By Maribel K. Ramirez, Joseph P. Lirios, and Edmarie Rose L. Vizcara, 5-B
The ANHS community is truly blessed and grateful to have Mr. Rheal D. Dayrit who served as its Principal for seven
years from 2008-2015. Under his leadership, the Department accomplished many things. ANHS was granted back-to-back five
year re-accreditation by PAASCU in the re-survey visits in 2009 and 2014 respectively. ANHS was also given Level II Status
by the Federation of Accrediting Agencies of the Philippines (FAAP) in 2009. In the same year, ANHS became a Certified
Fund for Assistance to Private Education—Educational Service Contracting (FAPE-ESC) School. In December 2011, NFE Program ascended from TESDA No Training Regulation (NTR) to TESDA with Training Regulation (WTR). In 2011, NFE was
called TVET and ANHS became an accredited TESDA Assessment Center.
In an interview, Mr. Dayrit shared his memorable experiences in ANHS. When asked about his impression on students
when he first entered ANHS, he said that they were very timid and they needed a lot of guidance not only in academics but also
on how to battle with life. The good thing, however, is the students improve on this regard as they progress from Grade 7 up to
higher years. The timidity diminishes and confidence builds up. When asked if he was able to fulfill his goals as a Principal, he
said it was a difficult question. He feels there are certain goals that he has set his eyes on and was able to achieve. ―If I go by the
numbers, I will say that I think I have accomplished many of my goals,‖ he says. When asked about his worst experience and
how he has overcome it, he said that the most painful experience was to make the decision not to rehire a teacher or to dismiss a
student. Sometimes it is a choice between compassion or justice. He adds, it also hurts when a student is stripped of awards. “Walang masayang teacher pero siyempre sa mga pagkakataong ganoon ang pinananaig ay ang sama-samang karunungan ng mga guro, may masaktan man, mayroon mang hindi mapagbigyan ay samasama kaming gumagawa ng desisyon.”
According to Mr. Dayrit, one of his most memorable experiences in ANHS was the publication of the Night School Diaries, a compilation of inspiring stories.
He believes that the faculty, staff, and students have very deep experiences, and their stories are worth sharing with the entire world. “Yung mga bagay na hindi kadalasang nakikita sa labas, yung mga bagay na binabahagi dito sa opisina ang hindi ko talaga malilimutan.” His message to ANHS students is “Unang-una huwag
na huwag kayong manglalamang ng kapwa. Sapagkat kapag nakuha mong manlamang sa maliit na bagay, pagdating ng panahon malamang sa trabaho ay manlalamang ka rin. Pangalawa ay habang may buhay may pag asa, at pangatlo "Live Jesus in our hearts" because everything is really for God. Hindi ka manlalamang sa
kapwa mo kung kakampi mo ang Diyos at laging may pag-asa dahil may Diyos.” Thank you, Sir Rheal for everything. May God bless you in your next journey.
CAMPUS
PUNLAD
THIRD TRIMESTER 2014-2015 2
ANHS holds first
Academic Fair
By Alvin Paul M. Montealegre, 4A
With the aim of showcasing
the talents and skills of students and
proving that excellence knows no age,
the ANHS commenced the first Academic Fair 2015 last February 26,
2015 at the Br. Rafel S. Donato Center FSC Center for Performing Arts.
Various activities were conducted in order to show student exemplars in different events. The first one
was the British Parliamentary Debate
on the proposition, ―This House Believes that the Philippine Government
should declare an all-out war against
the MILF.‖ The winning team was
the Opposition composed of Edmarie
Rose L. Vizcara (5B), Alvin Paul M.
Montealegre (4A), Niño Rico Wong
(9B) – Best Speaker, Kristine Joyce
Ayeras (8A), and Ramon Joshua Gonzales (7B). The second activity was
Talumpatian where the students delivered a speech about their idea of success. Winners were Maribel K.
Ramirez (5B) – First Place, Christine
Acuña (5B) – Second Place, Nerrisa
D. Pura (5A) Third Place, and Rolan
G. Sison (5A) – Fourth Place. The
third activity was ―Pagsasatao‖ where
students showca
cased their talents in acting in presenting the famous stories from Philippine Literature: Ibong Adarna,
Florante at Laura, Noli Me Tangere,
and El Filibusterismo. The winners
were Angelita Pocong (4B), Ryan
Fampolme (4A), Catherine Gloria
(4B), and Evelyn Chua (4B) – Best
Performer. The Board of Judges for
the said events were Mrs. Maria Leila
P. Cayetano, Miss Jennifer Mendoza,
and Mr. Gilbert Ortega. The last activity was Quiz Bee on Science,
Math, Christian Living, Computer,
and Araling Panlipunan subjects.
Winners were Michelle Sinadjan
(7B), Prince Calpito (8B), Junel
Reyes (9C), Angelita Pocong (4B),
and Maribel Ramirez (5B). The night
was made more enjoyable by Mae
Rose Fontanilla of 9B and Eduardo
Ceballos of 4A as maters of ceremonies. The best projects of students
were also exhibited at the high school
Library corridor.
The success of the said activity was made possible through the
collaboration of teachers from different subject areas under the supervision of the Academic Coordinators.
Photo by Dangie Espayos, 4-A
Participants in the Academic Fair pose after the awarding for successfully sharing their
talents and skills to the ANHS community
Photo by Joseph P. Lirios, 5-B
Outputs of ANHS students are exhibited at DLSL during the DLSP Academic and
Cultural Meet
ANHS joins DLSP Academic and
Cultural Meet
By Joseph P. Lirios. 5-B
In order to display the talents, skills, and creativity of Lasallians, the De La Salle Philippines
(DLSP) Academic and Cultural Meet
was held last January 23, 2015 at De
La Salle Lipa (DLSL) in Batangas
which was participated in by ANHS.
Different activities were
conducted in order to highlight the
unity and spirit of La Salle schools
proving that there is indeed One La
Salle. The morning program included
the Academic Exhibit led by Br. Henry Virgil FSC in DLSL gymnasium.
The exhibit showed the various projects and products of their home cities
and provinces. ANHS showcased the
beverage can stove and digital t-shirt
printing done by Joseph Lirios of 5B,
Michelle
Sinadjan
and
Bern
Kunzthalle Cahutay of 7B. Mrs. Maria Leila P. Cayetano, ANHS Academic Coordinator guided the students in this undertaking. In the afternoon, the fun began with the Academic Challenge in DLSL Sentrum.
The said activity started with Quiz
Bee and ended with Amazing Race.
Students from different schools and
levels must cooperate with their teammates, share their ideas, and show
their skills in order for the team to
win. After that was the Cultural Program where students displayed their
talents. The audience cheered as each
school fought for their glory and
pride. The LSGH Air Force captivated the audience as the crowd roared
while the group was dancing on stage.
The said activities in the
academic and cultural meet showed
the sportsmanship of participants and
dedication to the one who started it
all, Saint John Baptist De La Salle.
―One La Salle,‖ the song that expresses the Lasallian spirit was sung at the
end of the program. Truly, ―When
Lasallians unite the future is bright,
one heart, one soul, one dream, one
goal, one hope, one faith…One La
Salle.‖
8 out of 9 courses in TVET obtain 100% passing rate
in TESDA Assessment
By Maribel K. Ramirez, 5-B
The Technical-Vocational Education and Training (TVET) Department of ANHS got 100% passing rate for eight out of its nine courses in the assessment
conducted by the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) last January 28-29, 2015 for Dressmaking NC II and on February 8-16, 2015 for
the rest of the courses.
The following were the courses which obtained 100% passing rate in the assessment: Automotive Servicing NCI under Mr. Jose B. Torres Jr., Bread and
Pastry Production NC II under Mrs. Milagros C. Reyes, Computer Hardware Servicing NCII under Mr. George B. Cadano, Commercial Cooking NC II under Mrs.
Milagros C. Reyes, Dressmaking NCII under Miss Estelita P. Dacumos, Food and Beverage Services NC II under Miss Mercedes B. Andrade, Hairdressing NC II
under Mr. Jose Albert P. Mutuc, and Shielded Metal Arc Welding NC II under Mr. Jaime M. Martinez. Electrical Installation and Maintenance NC II under Mr. Ramon G. Baquiran got a passing rate of 80.25%.
TVET students use the knowledge they have gained and applied the skills they have learned from the school. They can really prove that they deserve to pass
the assessment. They were very thankful to their teachers who taught their skills which they will bring as they go out the portals of the school to join the workforce.
According to Mr. Roy S. Daz the TVET-THEM Coordinator, the Grade 9 students will also take the first and initial TESDA Competency Assessment and
Certification for High School, either in Food and Beverage Services NC II or in Computer System Servicing NC II. It is indeed another milestone for the ANHS community as it continuously promotes excellence in the field of Technical-Vocational Education.
LATHALAIN
PUNLAD
THIRD TRIMESTER 2014-2015 3
Mag-aaral ng Ikaapat na Taon
bumisita sa CIW
Ni Aeriel Jasmine F. Porwelo, 4-A
Nagkaroon ng reach-out ang mga mag-aaral ng ANHS na nasa ikaapat
na taon kasama ang mga miyembro ng Kampil, Kalahing Pilipino, at Basic Ecclesial Community noong ika-20 ng Pebrero 2015 sa Correctional Institute for
Women sa Mandaluyong City.
Nagsimula ang programa sa Pambungad na Panalangin na
pinangunahan ni Resie Quilang ng 4-A. Nagkaroon ng maikling oryentasyon
tungkol sa mga programa ng CIW. Binigyang pansin dito ang iba’t-ibang programa at serbisyo na isinasagawa para sa mga inmates o bilanggo upang mas
lalo pa nilang mapalago ang kanilang mga sarili habang nasa kulungan. Kabilang dito ang livelihood projects, education, at skills development. Pagkatapos
nito ay nagpamalas ng kanilang talento sa pagsayaw ang mga inmates na siya
namang ikinamangha ng mga estudyante. Hindi rin nagpahuli ang mga magaaral ng ANHS nang inanyayahan silang sumayaw sa entablado. Pagkatapos
nito ay nagkaroon ng interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at mga inmates
upang mas lalo pa nilang makilala ang isa’t-isa sa pamamagitan ng pagbabahagi
ng kanilang karanasan at mga natutunan sa buhay. Sabi ni Ralph Buban ng 4-A
nang tanungin kung ano ang kanyang naramdaman na makasama at makasalumuha ng mga inmates, ―Masaya akong nabigyan ng pagkakataon na makasama
sila kahit sa kaunting panahon. Kahit ganoon ay nagbahaginan kami ng karanasan. Ito ay magkahalong lungkot at saya.‖
Pagkatapos ng pagbabahaginan ay nagkaroon ng mga palaro na siya
namang ikinatuwa ng mga inmates. Sila ay malayang ngumiti at naglarong parang mga bata. Nagbigay din ang ANHS ng munting regalo at kaunting salosalo para sa kanila. Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa pangunguna
ni Bb. Ana Ria B. Aguilar, Social Concerns Program Moderator kasama ang
mga gurong tagapayo na sina G. Baldwin Noelito I. Que ng 4-A, Bb. Bernadette
P. Nolasco ng 4-B, at Bb. Rhea Namol, Interpreter for Deaf Learners.
Pagbalik sa ANHS, nagkaroon ng processing o pagbabahagi ng kanilang karanasan at repleksyon ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang pagbisita.
Sinundan ito ng recollection na pinangunahan ni G. Jojo Baustista mula sa
Grade School Department.
Photo by Alvin M. Montealegre, 4-A
Ang mga nagwagi sa ginanap na SC Election sa pangunguna ni Angelita Pocong kasama
sina G. Rheal Dayrit at Gng. Lelila Cayetano.
3Ps, nanguna sa SC Election
Ni Aeriel Jasmine F. Porwelo, 4-A
Nagwagi ang karamihan sa
kandidato ng 3Ps o Pro Student Perform Productively sa ginanap na Student Council Election noong ika-30
ng Enero 2015 sa pangunguna ni
Angelita Pocong ng 4-B na siyang
nahalal bilang bagong Presidente.
Makakasama ni Pocong ang
mga sumusunod na mag-aaral na
magsisilbi sa kanilang kapwa estudyante: Ryan Fampolme ng 4-A
(Vice-President), Rhodora R. Macahilig ng 8-A (Secretary), Lenie F.
Valdopeña ng 4-A (Spiritual Moderator), Niño Rico Wong ng 9-B (Sports
Coordinator), Ferdie F. Genouin ng 4
-B (Deaf Representative), Ralph
Gregor T. Buban ng 4-A (5th Year
Representative), Frank L. Orden ng 9
-C (Grade 10 Representative), Rico
D. Balagot ng 8-A (Grade 9 Representative), at Ramon Joshua Gonza-
les ng 7-B (Grade 8 Representative).
Noong Miting de Avance,
nang tanungin tungkol sa isang aral
na kanilang natutunan mula sa
ANHS, sabi ni Pocong, ito ay ang
pagtulong sa kapwa tulad ng ginagawa ng LSGH. Kahit sa maliit na
bagay ito ay kanyang gagawin. Ayon
pa sa kanya, nararapat lamang na
pagyamanin ang kakayahang maglingkod sa kapwa na bigay ng Diyos.
Ayon kay Pocong, ang
kanyang pagtutuunan ng pansin ay
ang kagustuhan ng mga estudyante
gaya ng pagsusuot ng toga sa Graduation, pagpapalawig ng break time sa
15 minuto mula sa orihinal na 10
minuto lamang. Iminumungkahi niya
rin na magkaroon ng PE shirt.
Ipagpapatuloy niya rin ang Batch
Shirt na sinimulan ni Dante Gorembalem, Presidente ng SC noong 2013.
House Building Project isinagawa
Ni Maribel K. Ramirez, 5-B
Photo courtesy of CIW
Masayang pinaunlakan ng mga mag-aaral ng ANHS ang paanyaya ng mga inmates na
sumayaw sa entablado sa tugtuging “Gentleman.”
ANHS, nakiisa sa
Mangrove Tree Planting
Ni Dangie Espayos, 4-A
Upang makatulong sa kalikasan at makaiwas sa mga hindi magandang
dulot ng climate change, nagkaroon ang LSGH ng Mangrove Tree Planting activity sa Big Liag Batangas noong ika-28 ng Pebrero 2015 na nilahukan ng mga
mag-aaral, guro, at kawani ng iba’t-ibang departamento ng LSGH.
Ang ANHS ay nakiisa sa adhikaing ito sa pangunguna ni Bb. Ana Ria
B. Aguilar, ang Social Concerns Program Moderator. Ang mga mag-aaral mula
sa iba’t-ibang organisasyon ay naglaan ng kanilang oras at lakas upang ipakita
ang kanilang pagmamalasakit sa kalikasan sa kanilang munting paraan.
Nagkaroon ng panayam sa mga mag-aaral na nakilahok sa Tree Planting tungkol sa kanilang saloobin at repleksyon kaugnay ng nasabing aktibidad.
Ayon kay Mark Joseph Sudaria ng 8-A, ―Tinuruan kami ng tamang pagtatanim
ng mangrove sa dalampasigan ng Batangas. Dahil dito, nakatulong kami sa inang
kalikasan. Uulitin ko ito kapag may ganitong programa pa ang paaralan.‖ Ayon
naman kay Laiza Martinez ng 4-A, ―Sobrang saya ng aktibidad dahil nakatulong
ako sa pamamagitan ng pagtatanim kahit sobrang sakit ng paa ko. Hindi masusukat ang sayang naramdaman ko noong araw na iyon.‖ Sabi naman ni Joshua
Gonzales ng 7-B, ―Sa simpleng pagtatanim naranasan ko kung gaano kahirap
ang dinaranas ng mga magsasaka upang tayo ay makakain lamang at makatulong
sa ating kapaligiran.‖
Ang mga mag-aaral na nasa ikalimang taon at Food and Beverages Services (Friday) ay nagtungo sa Paranaque para sa kanilang reach-out na tinawag
na House Building Project noong ika-9 ng Enero 2015.
Nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makisalamuha sa kanilang kapwa. Ang mga kababaihang mag-aaral ay nagturo sa mga bata kung
paano ang tamang pag-aalaga sa kanilang katawan at panatilihin ang kalinisan
upang makaiwas sa sakit. Sila rin ay naghanda ng ilang palaro na nagbibigay ng
kasiyahan sa mga bata. Ang mga kalalakihan naman ay tumulong sa paggawa ng
bahay. Ang mga mag-aaral naman ng TVET ay nagturo kung paano gumawa ng
longganisa na maaaring gawing negosyo ng mga naninirahan doon.
Taon-taon ay ginagawa ang nasabing reach-out upang kahit sa mumunting
paraan ng paaralan at mga estudyante ay makatulong sila sa mga naninirahan
doon. Ang ilan sa kanila ay mga biktima ng bagyong Yolanda at ang iba naman
ay mga informal settlers.
Sa iilang oras nang pananatili doon ng mga mag-aaral, mababakas ang
kasiyahan sa kanilang mga mukha. Sa pangunguna nina Bb. Ria B. Aguilar at G.
Edserlito C. Renos, muli na namang nakatulong ang mga mag-aaral ng ANHS sa
ating kapwang nangangailangan din ng tulong. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi
kailanman matutumbasan ng anumang materyal na bagay dito sa mundo.
Photo courtesy of Miss Ana Ria Aguilar
Masayang nagtutulong-tulong ang mga kalalakihan ng ikalimang taon para sa proyekto.
PUNLAD
OPINION
THIRD TRIMESTER 2014-2015 4
EDITORYAL
Araw na Pinakahihintay
Ang bawat tao ay may karapatang mag-aral at pag-aralin ng kani
-kanilang mga magulang. Ang edukasyon ay isang karapatan na kung
minsan ay napakahirap abutin o kaya naman ay ipinagkakait sa atin.
"Edukasyon ang susi tungo sa magandang kinabukasan." Ang
mga salitang ito ay siyang madalas nating itinatanim sa ating isipan
upang mas lalo pa nating pagsumikapan ang ating pag-aaral. May mga
taong tunay ngang pinagpala na makapag-aral nang walang hinaharap
na suliranin, nakakapag-aral sa mga mamahalin at magagandang
eskwelahan, at walang iniisip kundi ang kanilang pag-aaral lamang.
Subalit, may mga taong tila pinagkaitan na ng lahat sapagkat kahit ang
makapagtapos ng pag-aaral ay tila hindi nakatadhana para sa kanila
gayong mayroon namang mga pampublikong paaralan. Dahil sa mga
hindi inaasahang pangyayari ay may mga taong inabot na ng katandaan
ay hindi man lamang nakapagtapos kahit na hayskul lamang. Kaya naman kami ay lubusang naniniwala na ang bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle, ng mga La Salle Brothers, at ng buong pamayanang
Lasalyano na makapagbigay ng libreng edukasyon sa mga taong napagkaitan nito ay tunay ngang kabigha-bighani.
Ang mga taong pinagkaitan ng pagkakataong makapag-aral ay
nabigyan ng panibagong pagkakataon na tuparin ang kanilang mga
pangarap. Pagtatrabaho sa araw at pag-aaral sa gabi, pagiging asawa,
anak, kapatid, ina, ama at marami pang iba ay ilan lamang sa mga nagsilbing hamon sa mga mag-aaral upang makapagtapos ng pag-aaral
subalit, sa kabila ng mga hamong ito kami ay sumasaludo sa mga magaaral na hanggang sa huli ay pinagsikapang makapagtapos ng pagaaral. Hindi sila huminto sa pagkamit ng kanilang mga pangarap at hindi lamang sila naupo sa halip ay pinagtrabahuhan nila ang kanilang
mga nais at hindi lang basta umasa sa mga taong tumutulong sa kanila.
Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay nakatutuwang malaman
na hindi sila sumuko sa halip ay mas lalo pang nagsumikap upang
makamit ang kanilang minimithi. Isa lamang itong patunay na ano man
ang kalagayan natin sa buhay, napagkaitan man tayo ng pagkakataon,
huwag nating kalilimutan na may mga taong darating sa ating buhay na
handang tumulong at dumamay sa atin hanggang sa tayo ay magtagumpay. Marami man tayong pinagdaanan, ang mahalaga ay
pagkatapos ng laban nakangiti tayong uuwi sa ating mga tahanan na
may bitbit na diploma sa ating mga kamay bilang katuparan ng ating
mga pangarap.
PUNLAD
LUPONG PATNUGUTAN
S.Y. 2014-2015
Punong Patnugot
Pangalawang Patnugot
Tagapamahalang Patnugot
Patnugot ng Balita
Patnugot ng Panitikan
Patnugot ng Buhay at Kultura
Patnugot ng Grapiks
Patnugot ng Larawan
Mga Kontribyutor
Edmarie Rose L. Vizcara
Joseph P. Lirios
Aeriel Jasmine F. Porwelo
Maribel K. Ramirez at Angerico R. Salazar
Alvin Paul M. Montealegre at Marielle D. Aclao
Gecel G. Samontanes
Evalyn T. Asañon
Dangie Espayos
Ryan L. Fampolme, Adrian T. Asañon,
Celine L. Guinid, Peter John G. Corral, JL
Dexter Bactad, at Vergel Berona
Gurong Tagapamagitan
Bb. Bernadette P. Nolasco
Para sa mga komento tungkol sa mga nailathala at sa mga gustong mag-ambag ng
kanilang artikulo maaari lamang na magpadala ng liham sa Silid 201, Gusaling San
Jose Manggagawa, La Salle Green Hills, Lungsod ng
Mandaluyong
o sa
[email protected].
Dibuho ni Adrian T. Asañon, 4-A
EDITOR’S OPINION
Tunay na Kahulugan ng Tagumpay
Ni Edmarie Rose L. Vizcara, 5-B
Ang lahat ng bagay dito sa daigdig ay magkakaugnay. Ang ginagawa ng bawat nilalang dito sa mundo ay may mga dahilan. Mayroon
tayong iba’t-ibang paraan upang makamit ang ating inaasam, ang pinakarurok ng tagumpay. Ngunit kailan nga ba natin masasabing ang isang
indibidwal ay tunay na matagumpay?
May iba’t-ibang uri ng tao sa lipunang ating ginagalawan. May
mga mayayaman, kapuspalad, estudyante, guro, pulitiko, pari, manggagawa, at marami pang iba. Ang bawat indibidwal na ito ay may kani-kanyang
kuwento kung paano nila nakamit ang kanilang tagumpay. Bilang isang
mag-aaral, masasabi kong ang pagiging matagumpay ay yaong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lamang ito usapin tungkol sa kung ang isang
mag-aaral ba ay nakapagtapos ng pag-aaral kundi ito ay usapin tungkol sa
kung paano niya nalinang ang kanyang pansariling kakayahan, kung paano
nabuksan ang isipan sa mahahalagang kaalaman, kung paano pinagyaman
ang sarili tungo sa pakikipagkapwa tao, at kung paano niya pinagtibay ang
pananalig sa Panginoong Diyos. Sapat nang dahilan ang mga bagay na ito
upang masabi ng isang mag-aaral na napagtagumpayan niya ang kanyang
buhay sa loob ng paaralan sapagkat ang tagumpay ng isang mag-aaral ay
hindi nasusukat sa dami ng medalya at sertipiko na kanyang naiuwi kundi
sa kung paano siya maaalala at kikilalanin ng kanyang paaralan dahil sa
mga bagay na kanyang nagawa at naiambag at kung paano siya naging
mabuting mag-aaral sa loob ng paaralan.
Nararapat lamang na taglayin ng isang mag-aaral ang mga mabubuting bagay na kanyang natutunan hindi lamang sa loob ng paaralan
kundi maging sa labas nito kung saan naroroon ang mga tunay na hamon
ng buhay. Kinakailangan niya itong dalhin sa kanyang paglisan upang ito’y
kanyang mapagyaman pa at maibahagi sa mga taong kanyang makakasalamuha kung saan man siya dalhin ng kanyang kapalaran.
Bilang isang mag-aaral ay tagumpay na maituturing ang makapaguwi ng diploma sa aming tahanan kasama ng mga bagay na aming natutunan, mga bagay na maaari pang mapagyaman kung amin itong gagamitin
sa mga mabubuting layunin sa buhay. Higit sa lahat, ang tagumpay na ito
ay tunay ngang mas mainam kung atin itong iaalay sa Poong Maykapal.
OPINYON
PUNLAD
THIRD TRIMESTER 2014-2015 5
Ichiban No Takaramono
(My Most Precious Treasure)
Joseph P. Lirios, 5-B
Minsan ngingiti na lamang tayo sa mga araw na darating dahil ang
buhay ay puno ng alaala ng nakalipas. Ang mga ngiting ito ay dulot ng mga
masasayang pinagsamahan kasama ang mga kaibigan at kaklase. Tunay ngang
ang ating pinagsamahan sa bawat agos ng panahon ay hindi makakalimutan. Ito
ay patuloy na magpapaligaya sa ating buhay. Kahit pa abutin ng mga araw,
buwan, o taon ang muling pag-uusap o pagkikita, sila ay mananatili sa ating
mga puso at magiging bahagi ng ating pinakaiingatang kayamanan.
Sa aming pagtatapos marami ang mapapalayo upang tahakin ang kanikaniyang landas. Ang iba ay mangingibang bansa upang magtrabaho. Ang iba
naman ay magiging abala na sa kanilang susunod na yugto ng kanilang buhay.
Ngunit kahit lumipas man ang panahon, hindi natin malilimutan ang ating mga
pinagsamahan at maituturing pa rin silang kaibigan kahit sa maikling panahon
ng pananatili natin sa paaralan. Kahit anong mangyari ay naging bahagi na sila
ng ating buhay. Hindi matatawaran ang mga alaala sa paglipas ng panahong
kasama ang mga guro, kaklase, at mga taong ating nakasalamuha sa buhay.
Ang mga alaalang ito ang ating babalikan kapag nagkita-kitang muli pagkatapos ng mahabang panahon kapag magkakaroon na ng reunion.
Bakas ng nakalipas ang ating pagkatao. Huwag nating kalimutan ang
mga taong kasama natin sa maikling panahon. Narito tayo sa ating kinalalagyan
ngayon dahil sa kanila. Sabi nga nila, kahit anong tayog ng lipad, tandaan na
kailangang ilapat ang mga paa sa lupang pinanggalingan. Ako ay nagpapasalamat sa mga kaibigan, guro, kaklase, mga tao na nakasama ko dito sa LSGHANHS. Kayo ay bahagi na ng aking buhay. Mananatiling buhay sa aking puso
ang ating pinagsamahan dahil kasama kayo sa aking ichiban no takaramono.
Hanggang sa muling pagkikita. Maraming, maraming salamat po.
Mamulat sa Katotohanan
Edmarie Rose L. Vizcara, 5-B
Ano nga ba ang tunay na nangyari sa Mamasapano na ikinasawi ng 44
SAF Commandos? Sino nga ba ang dapat na sisihin at managot sa
pangyayaring ito? Dapat nga bang sisihin ang Pangulo dahil sa nangyari?
Kailangan ba talaga nating maghanap ng masisisi?
Ipinadala ang mga miyembro ng SAF sa Mamasapano noong Enero
25, 2015 upang tugisin ang mga kriminal na sina Basit Usman at Marwan na
pinaniniwalaang kinukupkop ng mga bandidong Muslim o BIFF at MILF. Nagtagumpay ang mga miyembro ng SAF na mapatay si Usman subalit 44 sa kanila ang sinasabing brutal na pinatay ng mga nakasagupa nilang MILF at BIFF.
Dahil sa pangyayaring ito ay kung sino-sinong tao na ang sinisisi at sinasabing
may pananagutan. Unang-una na riyan ang ating Presidente na sinasabing
maaaring walang ginawa habang nagaganap ang bakbakan. Mayroon na ring
mga nasibak na opisyal nang dahil sa pangyayaring ito. Ngunit, hindi ba natin
naisip na maaaring naghahanap na lamang tayo ng masisisi sapagkat sa tuwing
mayroong hindi magandang nangyayari sa bansa ay palagi tayong naghahanap
ng mga taong madidiin? Maaari ngang may pananagutan ang Presidente subalit
hindi dapat kalimutan na siya ay tao lang din naman. Siya ay may mga kalakasan at kahinaan kung kaya huwag sana natin siyang ikumpara sa mga super
hero na kayang gawin ang lahat. Naghahanap tayo ng hustisya para sa mga namatay na myembro ng SAF pero huwag nating kalimutan na simula nang pasukin nila ang kanilang propesyon ay kalahati ng kanilang mga paa ay nasa hukay
at anumang oras ay maaari silang mamatay. Bakit hindi na lang natin
ipagpasalamat na hanggang sa huli ay pinatunayan nila na karapat-dapat silang
tawagin na mga bayani sapagkat handa silang mamatay magampanan lamang
ang kanilang tungkulin.
Maaaring nangyari ang mga bagay na ito upang ipamulat sa lahat ng
tao na kinakailangan ng pagbabago. Paano matatapos ang mga karahasan kung
atin itong susuklian ng karahasan din? Isipin natin na hindi nagbuwis ng buhay
ang mga miyembro ng SAF upang mamayani sa ating mga puso ang galit sa
halip ay matuto tayong magpatawad at magpakumbaba. Matuto tayong umako
ng mga pagkakamali at harapin natin ang katotohanan na kahit mayroong hindi
pagkakaunawaan ang gobyerno at mga rebeldeng Muslim ay kapwa Pilipino pa
rin natin sila. Huwag nating hayaang manahin ng mga susunod na hinerasyon
ang karahasan sa halip ay tuldukan na natin sa pamamagitan ng tahimik at
maayos na pamamaraan.
Working Students
Maribel K. Ramirez, 5-B
Ginoo
Angerico R. Salazar, 4-B
Students in ANHS are composed of solo parents, housemaids, drivers,
security guards, working mothers, and full time students. We can say that our
struggles are different compared to other students.
Every day is always another day for us. We do our daily routine. We
need to wake-up early before the sun rises because we have to do our jobs so
that we can earn money to sustain our own needs and help our families. We go
to school in the afternoon because we want to learn more from our teachers. We
sleep late at night because we have to do our assignments, projects, and other
tasks given to us.
As working students, we work hard every single day in order to
achieve our goals in life. We want to achieve more than what we have now
even though sometimes we are bounded by fears. We want to have decent jobs,
to have high salary, to provide good future for our family, and to be a better
person. It seems like all of these are not easy to achieve because the long road
that we are trying to pass has curves and dark spots which are blocking our
ways to reach our dreams. We cry, laugh, and sometimes give-up because of
the trials that we encounter in our journey.
We face obstacles in life; however, we are still standing strong to handle
the challenges because we have our weapons to fight our battle cry. Those
weapons are our families, sons, daughters, teachers, friends, enemies and most
especially Him. God will never give up on us. They are the reasons why until
now we are inspired to live every day. I believe life is more entertaining and
better if we face struggles. These trials are testing us how we live our lives as
we put our faith in Him. We must also trust ourselves that we can do it. We had
proven it because finally we made it by finishing high school despite the odds!
Some of us are already successful in life, and that is because of hard work.
―Hijo,‖ ito ang madalas niyang itawag sa amin kapag hindi niya kami
kilala sa aming mga pangalan, pero sa pangalan pa lang niya kahit hindi pa
namin siya nakikita daig pa namin ang kinalbong tupa kung umasta. Kung
gaano kiligin sa kanya ang mga kamag-aral kong babae ganoon naman katakot
ang mga lalaking estudyante. Hangga’t maaari ay ayaw naming makita siyang
galit nang dahil sa amin. Isa siyang maginoo, mabait, seryoso at matandaing tao
―Ito talaga ang ayoko sa kanya,‖ ang kanyang sasambitin. Apat na taon na rin
simula noong unang tumuntong kami sa paaralang ito at marami na ang
nagbago. Sa mga nagdaang panahon ng pananatili namin sa paaralang ito, isa
kami sa maraming saksi sa pagtulong ng aming punongguro sa aming mga kapwa mag aaral. Sa totoo lang halos lahat kami ay tinulungan niya. Hindi siya
nagkulang sa halip sinobrahan pa niya ang pagtulong sa amin. Bukod sa akademya na natutunan namin gabi-gabi ay may mga bagay pa kaming natutunan na
puwede naming gamitin sa labas ng paaralan. Inalalayan niya rin kami sa pagaaral kapag nakikita niya kaming nahihirapan na matustusan ang aming pamasahe. Tinuruan niya kami kung paano gamitin nang tama ang mga ibinigay ng
paaralan. Si Ginoo ay isa sa mga pinakaaktibong punongguro. Kung Lunes
hanggang Biyernes ay Punongguro siya, tuwing Sabado naman ay isa siyang
guro sa isang subject ng Grade 9. Ramdam naming lahat ang pagtulong niya.
Nakakahiya mang sabihin pero para kaming mga munting bata kung ituring
niya dahil hindi pa man namin hiningi ay ibinigay na niya ito sa amin. Alam
niya ang mga pagkukulang namin kaya siya na minsan ang nagpupuno ng mga
ito. Nagpapasalamat kami dahil doon at pinaranas niya sa amin ang mga bagay
na puwede lang naming maranasan sa loob ng paaralan. Subalit lahat ng bagay
ay may katapusan. Ngayong taon ay lilisanin na ni Ginoo ang silid kung saan
palagi siyang nakikita. Bagama’t lilipat lang siya, nakakalungkot isipin na hahanapin namin ang kanyang presensya sa mga susunod na taon: si Ginoo na
tumulong sa amin, na parang naging tatay na namin, na iginalang at pinagkakautangan namin nang malaki. Kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang
pagdisiplina ninyo sa amin sa tuwing kami ay maingay. Salamat po sa tiwala na
ibinigay ninyo sa amin. Asahan po ninyong tatapusin namin ang aming takbuhin na nasimulan apat na taon na ang nakakaraan at gagamitin namin ang
aming natutunan noong mga panahon na kayo pa ay naririto pa sa ANHS. Masaya po kami dahil kayo po ang taong una naming nakita at ang unang taong
tumanggap sa amin upang maisaayos ang mga naputol naming mga pangarap.
Maraming salamat po G. Rheal D. Dayrit
PUNLAD
PANITIKAN
THIRD TRIMESTER 2014-2015 6
Pag-ibig sa Bayan
Ni Peter John G. Corral, 9-C
Pag-ibig sa bayan ay pag-ibayuhin
Wala nang hihigit pa sa bansang sinilangan
Hindi na mapipigilan ang sarili
Sabihin ang hinaing sa Bayang inalipin
Hindi sa pagtatakip ng kasalanan
O sa pagsira ng mga ebidensiya
Ang makalulunas sa sakit ng bayan
Tanging ako at ikaw lamang ang katugunan
Bigyan natin ng tuwirang solusyon
Ang problemang minana pa natin noon
Pagyamanin natin para sa susunod na henerasyon
Ang tunay na pagmamahal para sa Inang Bayan
Ang Tunay na Tagumpay
Ni Maribel K. Ramirez, 5-B
Ang buhay nating mga tao ay punong-puno ng kagalakan at kapighatian. Ito ay parang gulong. Kung minsan tayo ay nasa ibabaw at
kung minsan naman ay nasa ilalim. Tanging tayong mga tao lamang
ang nilikha ng Diyos para mabuhay bilang kawangis Niya.
Dito sa mundong ibabaw, tayong lahat ay pantay-pantay.
Tayong lahat ay mga anak ng Diyos at sa paningin niya ay walang
lumalamang. Subalit tayong mga nilalang Niya ang hindi marunong
tumingin nang pantay-pantay. May mga taong nag-uunahan sa paghakbang para sa magandang posisyon upang magkaroon ng magandang
pangalan sa bayan. May mga taong gumagamit ng karahasan para sa
sariling kapakanan. May mga taong nakalilimot sa kanilang sarili para
sa ambisyon sa buhay. Ang pinakamasaklap na naging resulta sa paghahangad ng sobra-sobrang tagumpay ay ang mga taong naapi at lalo
pang nababaon sa hirap dahil nakakalimutan nating mahalin ang ating
kapwa. Nakakalimutan natin ang tunay na kahulugan ng tagumpay.
Masasabi ba nating ito ay tagumpay kapag tayo ay yumaman
ngunit ang iba ay naghihirap? Masasabi ba nating nakamit natin ang
tagumpay kapag tayo ay humahalakhak ngunit ang iba ay umiiyak sa
madilim na sulok? Masasabi ba natin na tayo ay matagumpay kapag
tayo ay nakatanggap ng gantimpala subalit may halong pandaraya?
Masasabi ba natin na tayo ay nagwagi kapag tayo ay may naaapi?
Nakakalungkot isipin na mayroon tayong ganitong katangian. Bilang
isang tao na gustong magpakatao, para sa akin ang tunay na kahulugan ng tagumpay ay naririto sa ating mga puso na kailanman ay
hindi nadidiktahan ng isipan sa halip nagsimula ang tagumpay sa ating
damdamin dahil iniutos nito ang mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Ito ang pagmamahal na maaring ipamana sa
susunod na henerasyon. Ang pagmamahal sa ating kapwa ay isang
tagumpay na kailanman ay hindi matutumbasan ng ano mang materyal
na bagay dito sa daigdig. Darating ang panahon na tayong lahat ay
mawawala at ni isang bagay o kusing ay wala tayong madadala. Walang masama sa sino mang gustong magtagumpay sa buhay subalit
kaakibat nito ay ang pagpapakita ng tunay na pagmamahal alang-alang
sa tagumpay ng katauhan natin.
Kaya naman ating mahalin at bigyang halaga ang ating kapwa,
ang ating pamilya, ang ating kaibigan totoo man o hindi, ang ating mga
kaaway dahil sila ang magbibigay ng determinasyon sa ating buhay.
Sila ang mga taong magsisilbing ilaw para bigyang liwanag ang madilim
nating buhay. Sila ang mga taong aakay sa atin at tutulong kapag tayo
ay nawala sa tamang landas. Sila ang mga taong pinakamahalagang
sangkap sa ating pang-araw-araw na pamumuhay habang tayo ay
nabubuhay. Gamitin nawa natin ang ating damdamin kasabay ng tamang gabay ng pag-iisip dahil dito natin mararamdaman ang tunay na
kaligayahan ng tagumpay.
Ang Munti Kong Paraiso
Ni Ryan L. Fampolme, 4-A
Sa bukang liwayway kalam ang tiyan,
Dampi ng tubig kulang sa lalamunan.
Lakas ay hindi sapat sa dayuhang laban,
Kailangang matapang nang makamit ang yaman.
Umulan, umaraw walang agam-agam
Matarik man, handang makipagsabayan
Sa pagdating ng buhos saluhin ng lubos,
Malakas o mahina man ang biyaya ng Diyos.
Patak ng ulan dinagsa ng walo
Naglapitan ang ilan na tila langgam sa gulo
Ulan, ulan nawa’y hindi huminto
Sapagkat nakasalalay sa iyo yaring kinabukasan ko
Sa pagtila’y hindi alintana, masangsang na amoy
Titiisin maging init ng apoy
Sikmura’y titibayan tulad ng bakal at marmol,
Bituka’y sasanayin nang hindi magbuhol.
Laman man ng kaban ay apaw sa hangganan
Talo pa rin sa pagbilog ng buwan
Tumimbang man ng humigit kumulang
Hindi pa rin akma sa edad o gulang
Sapat o hindi handang mamahinga
Lakas ay ipunin sa pagpikit ng mata,
Maikli man ang kumot natutong mamaluktot,
Ayaw man ay sumikat buo at walang takot.
Simbolo ng Pananampalataya
Ni JL Dexter Bactad, 8-B
Pitong taong gulang ako nang mag-umpisa akong magkaroon ng interest sa pangongolekta ng mga imahen ng mga santo.
Lumaki ako sa pamilyang aktibo sa mga gawain ng aming parokya.
Ang aking lola ay may antigong imahen ni Santa Veronica na ipinuprosisyon tuwing Mahal na Araw. Kaya hindi nakapagtataka na
makahiligan ko ang mangolekta ng mga imahen at magbasa ng
mga talambuhay ng mga banal o santo. Nang ako ay tumuntong sa
edad na labing-isa, naglingkod ako sa aming parokya bilang isang
altar server. Dito ay lalong lumago ang aking pagkahilig sa mga
bagay-bagay na may kinalaman sa Katolisismo. Habang tumatagal
ay natutuklasan ko ang malalim na mensahe ng mga imahen ng
mga banal at ito ay ang maging huwaran sila ng pananampalataya
sa Diyos at higit sa lahat ay magaya ang mga magagandang asal
na kanilang ipinamalas noong sila ay nabubuhay pa.
Ayon nga kay Msgr. Rico Santos, kura paroko ng San
Agustin, Baliuag, Bulacan, “Ang mga imahen ng banal ay dapat
nag-aakay sa atin sa higit na pagkilala, pagsunod at pagmamahal
kay Hesus. Dapat na sila ay maging hamon at paanyaya sa atin na
higit na mahalin ang ating pamilya, maglingkod nang tapat sa ating
bayan, higit na dumamay at magmalasakit sa kapwa, at mag-aral
nang mabuti upang makatulong sa pagbabago ng sarili.
Sa ngayon ay naglilingkod pa rin ako sa aming parokya at
ang aking koleksyon ng mga santo ay hindi bababa sa sangdaan
na may maliliit at malalaki. Iba’t-iba ang sukat ngunit ang mahalaga
ay pagninilay at panalangin na kalakip ng bawat imahen. Sa
paraang ito ay nagaganap ang tunay na pagpapagaling ni Hesus.
Dahil dito tumitibay ang aking pananalig, nabubuhay ang aking
pag-asa, at nag-aalab ang aking pag-ibig sa Kanya at sa kapwa.
LITERARY
PUNLAD
THIRD TRIMESTER 2014-2015 7
Joie de Vivre
By Celine L. Guinid, 4-B
Happiness is
A little angel from a place everyone
Would deem forsaken
Accepting, with utmost humility and purity
A very modest toy
A piece of precious childhood rendered foreign to her by life
Coincidentally in the same color as the ray of the sun
As if to tell us simply that
Even in the midst of despair and nothingness
Happiness springs eternal
I Beg Your Justice
By Roziel G. Arevalo, 4-B
The Fall of My Summer
By Alvin Paul M. Montealegre, 4-A
Phrases echoed at the depths of my uncertainty
Left behind by my thoughts of an untold elegy
As the season falls back into another unpredictable catastrophe
Questions that dig within my heart
where is the answer that your lips can utter bluntly
Summer had passed and took away blissful days of this life of mine
Endurance is a defiant part of my system
that I have been trying to incline
Tears are the manifestations of
my shattered dream of being with you
Courage to let you go is strength of a love
that exists yet being left without a clue.
Loneliness is a road that I have been trying
to surpass along with my condemnation
How much is the cost for my trembling heart
to be free from the state of contortion?
My discretion to be free from a spell
that you created within me is a strong force of admiration
It is your heart that I could never own,
a heart that is tied with him that sets me into a state of omission
Counting my days in chaos,
clouds seem too dark for my heart to perceive a beam of light.
Justice, you should be for everyone
Your diligence should be offering this to us,
But why on your hand people are suffering?
I am a bird on your twigs
Resting on it, and seeking for comfort.
But why is your hand hitting me
And your trunk disgusts my plea?
Where are you when I needed you the most?
Upon this storm that hits me to the end?
Now my life is on the desert of grief,
I am shouting and crying.
Do lend an ear please
Hear my cry and wipe my tears.
The Journey of Sun Wukong
By Vergel Berona, 8-A
The Monkey King, Protector of the Children, Obsidian
Destroyer, and Keeper of the Magical Staff: all these names we
may call him. His name is Sun Wukong. He was once a human
being, but a mystical fruit changed his life. He became a
monkey. One day he came to the Hermits Mountain to find the
cure in order to be a human being again. All of a sudden, the
Elders could not find answer to his question, so he thought that
he would be a monkey forever. He left the Mountain and suddenly he was captured by Ionian Troops. He was hopeless and
had nowhere to go. His only hope was to pray to God. Suddenly, something strange in the corner glowed. He found the
magical staff that could change his life. When touched by this
staff, he would become swift and unstoppable.
With his magical staff, he could find the cure and he
would be a human being again. He travelled to the West. While
he was travelling, he found a village which was on fire. He
raised his staff and span it to create a wind to stop the fire. The
bandits saw him and tried to fight the Monkey King, but no one
could beat him because of the power he had brought by his
magical staff. When the fire had been wiped out and the bandits
were defeated, the Villagers were happy because they were
saved by the monkey. Sun Wukong was given a heartwarming
welcome in the village and they called him the “Protector of the
Children.”
Despite all the recognition given to him by the villagers,
Sun Wukong was not happy because he was still a monkey. All
he needed to do was to ask the villagers how to become human
again. The villagers said, “You need to go to the Jade Palace
and defeat the Jade Emperor.
To be continued...
FEATURES
PUNLAD
THIRD TRIMESTER 2014-2015 8
Sa Liwanag ng Pag-Asa
Ni Joseph P. Lirios, 5B
Ang buhay nating mag-aaral sa ANHS ay puno ng mga pagsubok na
minsan tila ba tayo ay mapapasuko. Ngunit ang mga nasabing pagsubok din ang
nagpapalakas sa atin upang magpatuloy at magtagumpay. Isa sa mga estudyante
ng ANHS na magpapatotoo na kaya nating malabanan ang mga pagsubok ng
buhay at magtagumpay ay si Tommy D. Mayor ng 5-A.
Marami ang nakakakilala kay Tommy bilang isang lider at mabuting
kaibigan. Inamin niya na noon ay isa rin siyang malokong estudyante, tambay,
at walang hilig sa pag-aaral. Ngunit ang lahat ay nagbago nang ipinasok siya ng
kanyang tiyahin na madre sa kumbento upang magtrabaho sa retreat house ng
mga madre. Dito siya namulat at naalala niya ang mga pangarap na tila nabaon
na sa limot. Napagtanto niya na walang patutunguhan ang buhay niya kung hindi siya magtitiyaga. Sa pamamagitan ng kanyang tiyahin ay nalaman niya ang
tungkol sa ANHS at nagkaroon siya ng interes na bumalik sa pag-aaral. Kinalimutan na rin niya ang masasamang barkada,
babae, at iba pang hadlang upang siya ay
magkaroon ng pokus sa pag-aaral. Dahil din
sa kanyang pamamalagi sa kumbento siya ay
natuto na huwag sumuko sa mga pagsubok
ng buhay. Naniniwala siya na ang mga problema ay palaging nariyan at hindi nauubos
kaya marapat lamang na tayo ay maging
matatag at magtiwala sa ating sarili. Ang
kaniyang naging inspirasyon upang mabago
ang kanyang buhay at magpatuloy ay ang
mga taong humamak at nagmaliit sa kanyang
pagkatao. Nais niya na umangat at baguhin
ang kanyang buhay upang kapag siya ay
nagkaroon na ng pamilya ay hindi nila maranasan ang hirap na kanyang dinanas sa
buhay. Pinaghuhugutan din niya ng lakas ang
Panginoon, pamilya at kapwa. Nais niya ring
tumulong sa kanyang kapwa na nangangailangan.Naniniwala siyang kung wala ang
Panginoon wala siyang lakas na malampasan ang lahat ng pagsubok at hirap sa buhay.
Fanny Serrano serves as judge in
TVET’s Project Runway Plus
By Maribel K. Ramirez, 5-B
―Exemplifying Lasallian Commitment to Transformation‖ was the
theme of this year’s TVET Fair held last January 12-14, 2015 which culminated
in Project Runway Plus held at the BDC where Fanny Serrano served as the
Chairman of the Board of Judges. Other activities in the said fair were Bazaar,
Exhibit, and Forum on Social Media Etiquette.
The program at BDC started with the Forum on Social Media Etiquette spearheaded by Miss Jemelle C. Astronomo and Mr. George B. Cadano
as Masters of Ceremonies and Project Heads. Mr. Amir A. Austria from the
Grade School Department was the speaker who stressed on the importance of
being cautious when posting any information online. After the forum was the
Project Runway Plus which was the highlight of TVET Fair. Students of Hairdressing and Dressmaking showcased their skills as an application of what they
have learned in their courses. They were supervised by Mr. Jose Albert M. Mutuc and Miss Estelita P. Dacumos as their course trainers respectively. The winners of Project Runway Plus: Hair and Make-up Competition (Hairdressing NC
II) were Judy Ann C. Valero (First Place), Anna Marie Angeline D. Bernales
(Second Place), and Kristel Joy W. Sapiandante (Third Place). Winners of Project Runway Plus: Fashion Design Competition (Dressmaking NC II) were
Jomilyn M. Odoño (First Place), Rosalie D. Venida (Second Place), and Noemi
M. Torres (Third Place). The winners of Top Models were Jennifer S. Sevilla of
4A (First Place), Weena A. De Gracia of Bread and Pastry Production NC II—
Wednesday (Second Place), and Janna Mariah Clarisse B. Gonzales from Food
and Beverage Services NC II—Wednesday (Third Place). Other judges include
Mr. Adrew Galindon, Mr. June Laguardia, and Mrs. Gloria Katipunan.
Timothy Gabriel D. Tibayan and Vicent Jansen R. Cabato from 8B gave
life to the program through their funny and enjoyable hosting. The head of this
project as well as choreographer/director was Mr. Jose Albert A. Mutuc including Miss Estelita P. Dacumos. Ima Castro, a theater Actress and Michael M.
Operario the ANHS Ambassador were the performers of the night.
Photo by Angerico Salazar, 4-B
Working mother
graduates in ANHS
By Maribel K. Ramirez, 5-B
―Happy Life, Happy Wife‖ is a fitting title for Mrs. Rosielyn A. Lopez of 5A
who has achieved one of her dreams in life
which is to finish her secondary education.
She graduated last March 20, 2015 from the
Adult Night High School (ANHS). It may be
hard for some to believe that she was able to
finish her studies because of her responsibilities as a mother, wife, and employee. With
her determination, she was able to surpass her
trials just to reach her goal. She was featured in TV5 for her inspiring story. She
was also given by STI College a scholarship for four years where she can take
any course of her choice.
She said in an interview that she pursued her secondary education because she dreamed of working someday. She also wanted to serve as an inspiration to her two daughters who have not finished their college yet. She learned
about ANHS from ―24 Oras,‖ a news program which was featuring the Batch
2012 Graduation that time. She was encouraged to enroll because of what she
saw. During her first day in school, she felt nervous and excited because after 28
years, she was finally back in school. Her boss did not know that she was studying. It was when she was being interviewed for her feature story in TV5 that her
boss learned she was about to graduate. Her boss and the people who know her
were shocked. Some of them were happy while some had negative impression
about her achievement. After her graduation, she will grab the offer of STI College to her. She said that it was not easy balancing her time at work, family, and
study. But she believes that ―Strategy lang ang kailangan. Kapag mahal mo ang
ginagawa mo at gusto mo, pilit mo itong kakayanin.‖ She confessed she almost
gave up her study when her mother died in 2014, but her determination was
stronger than the trials she faced. Her advice to all mothers who want to finish
their study is ―Do not hesitate to pursue your goal. Ignore the people who have
negative minds. Always pray to God for strength, and love what you are doing.‖
LSGH-ANHS Faculty Association
nagsagawa ng reach-out
Ni Joseph P. Lirios, 5-B
Photo courtesy of Mrs. Rosemarie Katipunan
Si G. Noel Que at Bb. Cristina Sarmiento habang ipinakikita sa mga kabataan ng
Pangarap Shelter ang tamang paggawa ng ice cream.
Pinangunahan ng LSGH-ANHS Faculty Association ang Faculty
reach-out na ginanap noong ika-21 ng Enero 2015 sa Pangarap Foundation sa
Pasay City. Ang nasabing foundation ay naitatag noong 1989 na nagbibigay ng
Kristiyanong pamamaraan ng pagtulong at pag-aruga sa mga kabataang
nangangailangan.
Ang mga guro ng ANHS ay nagbahagi ng kanilang kaalaman sa paggawa ng ice cream sa pangunguna nina G. Noel Que at Bb. Cristina Sarmiento.
Nagkaroon din ng sesyon para sa Study Habits ang mga Guidance Counselors
na sina Bb. Josefina Biscocho at Gng. Millie Eustaquio. Pagkatapos nito ay
nagkaroon ng pagkakataon ang mga guro na makausap ang mga kabataan ng
Pangarap Foundation na nagbahagi ng kanilang mga kuwento sa buhay. Nagbigay kasiyahan din sa kanila ang Face Painting na pinangunahan ni Bb. Rose
Panlasigue. Ang ating mga guro ay hindi lang dito sa ating eskwelahan nagtuturo at tumutulong kundi bitbit nila ang kalooban at puso ni Saint john Baptist de
La Salle na magbigay serbisyo sa mga nangangailangan.
Ayon kay G. Jose Z. Isip, isa sa mga namahala ng programa, ―May
mga tao na nangangailangan ng ating serbisyo at tulong bilang mga guro para
makadagdag sa kaganapan ng buhay ng mga estudyante sa Pangarap Shelter sa
pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng ating mga kakayahan.‖ Ayon naman
kay G. Joseph G. Lavina, Pangulo ng Faculty Association, ―Ang pangunahing
layunin ng reach-out na ito ay upang ibahagi sa mga kabataan ang kakayahan ng
mga guro ng ANHS sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain. Ito rin ay isang
paraan upang madagdagan ang kamulatan ng mga guro sa katayuan ng mga
kabataan sa ngayon.‖

Similar documents

Republic of the Philippines

Republic of the Philippines Tuguegarao and Zamboanga last December 2006. The results of examination with respect to four (4) examinees were withheld pending final determination of their liabilities under the rules and regulat...

More information