Mahalaga ang pagpapasuso - Best Start Resource Centre

Transcription

Mahalaga ang pagpapasuso - Best Start Resource Centre
Mahalaga ang
pagpapasuso
Isang mahalagang gabay sa
pagpapasuso para sa mga
kababaihan at ang kanilang
mga pamilya
MGA PASASALAMAT
Ang Best Start Source Resource Centre ay nagpapasalamat sa Mga Yunit ng
Pampublikong Kalusugan sa Ontario na nagbigay suporta sa paglikha at pagpapaunlad
ang mapagkukunan nitong probinsya at nagmagandang loob na ibahagi sa kanilang mga
pagkukunan at kadalubhasaan.
Ang Best Start Source Resource Centre ay nagapapasalamat din sa maraming mga buntis
at mga kababaihang nagpapasuso na nagrepaso at nakilahok sa pagdisenyo nitong
mapagkukunan .
Ang impormasyon sa libritong ito ay napapanahon noong panahon na ginawa ito ngunit
ang impormasyon ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Lahat ng pagsisikap ay
gagawin upang siguraduhin na ang impormasyon ay manatiling kasalukuyan.
Itong mapagkukunan ay nirepaso at inaprubahan ng Baby-Friendly Initiative Ontario at
tumutugon sa mga pamantayan ng Baby-Friendly Initiative.
Pinondohan ng Pamahalaan ng Ontario.
Breastfeeding Matters
2
Talaan ng Mga Nilalaman
S E KSYO N 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3
Ang Kahalagahan ng Pagpapasuso
• Bakit Magpapasuso?
• Mga Karapatan ng Mga Ina na Nagpapasuso
• Ang Inisyatibong Pang-sanggol
• Paggagawa ng Pasiya na may Kaalaman
• Ang Mga Panganib sa Pagpapakain ng Pormyula
• Suporta ng Pamilya
• Suporta ng Ina-sa-Ina
• Mga Pahiwatig na Mabuti ang Pagpapasuso
• Mga Pagpipiga ng Suso
• Ang Aking Sanggol ba ay Nakakakuha ng Sapat
na Gatas?
• Ang Laki ng Tiyan ng Iyong Sanggol
S E K S Y O N 4 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 26
Mga Mahalagang Bagay na Malaman
S E K S Y O N 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 11
• Paggigising sa Inaaantok na Sanggol
Pag-uumpisa
• Pagkakalma ng isang Mabusising Sanggol
• Ang Pagtutulong sa Iyong Sanggol Magkaroon
• Pagdidighay ng Iyong Sanggol
ng Mabuting Pag-umpisa
• Mga Biglang Paglaki
• Balat-sa-Balat
• Masakit na Mga Utong
• Pagsusunggab Batay-sa-Sanggol
• Paggamit ng Pacifier
• Pagpapasuso Batay-sa-Pahiwatig
• Pagtatabunan
• Pagpipiga ng Colostrum o Gatas Galing
• Pagtatabi ng Iyong Gatas Galing sa Suso
sa Suso
S E K S Y O N 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17
Matuto na Magpasuso
• Mga Posisyon sa Pagpapasuso
• Pagtutulong sa Iyong Sanggol na Magsunggab
• Paano Malaman Kung ang Iyong Sanggol ay
Nakasunggab Nang Maayos
S E K S Y O N 5 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 33
Mga Katanungan Madalas Itinatanong (FAQs)
S E K S Y O N 6 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 43
Paghingi ng Tulong
• Kailan hihingi ng tulong?
• Saan hihingi ng tulong?
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
1
SEKSYON 1
Ang Kahalagahan ng Pagpapasuso
Ang gatas galing sa suso ay ang natural na pagkain ng mga bagong silang. Ito ay mayroong
nilalaman ng lahat na kinakailangan ng iyong sanggol. Walang katanungan, walang debate, walang
duda. Ang Public Health Agency ng Canada, ang Mga Dietitian ng Canada, ang Canadian Paediatric
Society at ang College of Family Physicians ng Canada ay sumasang-ayon na:
• Ang mga sanggol ay nangangailangan lamang ng gatas sa suso sa unang 6 na buwan.
• Halos 6 na buwan ang mga sanggol, sila ay nangangailangan kumain ng matitigas na mga
pagkain at patuloy sa pagpapasuso hanggang 2 taon at mahigit. Mag-umpisa ng mga matitigas
na pagkain na may sustansiya, lalung-lalo na mga pagkain na mataas sa iron.
Bakit Magpapasuso?
Sa kasalukuyan, halos lahat ng mga ina sa Ontario ay nagpasiya na magpasuso sa kanilang
mga sanggol.
Ang pagpapasuso ay mahalaga dahil…
•L
ahat ay nakikinabang sa pagpapasuso: ikaw, ang iyong sanggol, ang iyong pamilya at ang
iyong komunidad.
• Ang gatas ng suso ay madali, palaging tama ang temperatura at nakukuha anumang oras.
• Ang pagpapasuso ay libre.
• Ang pagpapasuso ay nagtatatag ng pagbubuklod ng iyong sanggol at ikaw.
• Ang pagpapasuso ay magiliw sa kapaligiran.
• Ang pagpapasuso ay nagbabawas sa
gastos sa pag-aalaga ng kalusugan para
sa iyong pamilya at lipunan.
Ang pagpapasuso ay mahalaga sa iyong
sanggol, dahil ang pagpapasuso ay…
•P
inoprotektahan ang iyong sanggol sa
maraming mga impeksyon at mga sakit.
• Pinanangatawan ng mga ugali ng malusog
na pagpapakain.
• Nagtataguyod ng wastong pag-uunlad ng
panga (jaw).
• Nagtataguyod ng pag-uunlad ng malusog
na utak.
Ang pagpapasuso ay mahalaga sa iyo,
dahil ang pagpapasuso ay…
• Nagkokontrol sa pagdudugo pagkatapos ng panganganak.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
3
•N
akakatulong sa iyo sa pagbabawas ng madalian ang timbang na nadagdagan habang ikaw
ay buntis.
• Pagtatagal ng pagbalik ng iyong regla.
Mga Karapatan ng Mga Ina na Nagpapasuso
Ikaw ay may karapatan na magpasuso kahit saan, anumang oras. Itong karapatan ay protektado
ng Canadian Charter of Rights and Freedoms. Kung sa iyong palagay ang iyong karapatan sa
pagpapasuso ay hindi ginagalang, magsabi sa Ontario Human Rights Commission. Ang mga grupo
katulad ng La Leche League Canada o INFACT Canada ay maaaring magbigay ng karagdagang
suporta. Para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa mga grupong ito, pumunta sa seksyon
ng Pagkukuha ng Tulong sa pahina 40 nitong librito.
Isang babae na nagpapasuso at bumabalik sa pagtatrabaho ay may karapatan is ilalim ng Ontario
Human Rights Commission na patuluyin sa pinagtatrabahuan upang siya ay makapagpatuloy ng
pagpapasuso ng kaniyang sanggol. Bisitahin ang www.ohrc.on.ca upang tingnan ang patakaran sa
Discrimination Because of Pregnancy and Breastfeeding o pumunta sa: www.beststart.org/
resources/wrkplc_health/index.html.
Naririto ang 2 karagdagan na mapagkukunan para sa higit pang impormasyon
10 Napalaking Mga Dahilan na Mapagpapasuso ng Iyong Sanggol
www.phac-aspc.gc.ca/hp-ps/dca-dea/stages-etapes/childhood-enfance_0-2/
nutrition/reasons-raisons-eng.php
10 Mahalagang mga Tip para sa Matagumpay na Pagpapasuso
www.phac-aspc.gc.ca/hp-ps/dca-dea/stages-etapes/childhood-enfance_0-2/
nutrition/tips-cons-eng.php
4
SEKSYON 1 – Ang Kahalagan ng Pagpapasuso
Ang Inisyatibong Pang-Sanggol
Maaaring narinig mo ang salitang, Pang-Sanggol (BabyFriendly). Ang Inisyatibong Pang-Sanggol ay isang
internasyonal na programa na idinisenyo para
suportahan ang lahat na mga ina at mga sanggol sa
pamamagitan ng:
• Pagsusuporta sa mga ina upang gumawa ng pasiya
na may kaalaman tungkol sa pagpapakain ng
kanilang sanggol.
• Pinoprotektahan sila sa mga pinagdidiinan ng mga
pagbebenta ng mga kompanya ng pormyula.
• Pagtatatag ng mga kaugalian nagbibigay sa mga
ina at sanggol ng isang malusog na pasimula.
May mga ospital, mga yunit ng kalusugan at mga sentro
ng kalusugan ng komunidad na nakatanggap nitong paghirang o gumagawa patungo dito. Mataas
na mga pamantayan ay ginagamit kung paano sila ay makakasuporta sa mga ina at sa kanilang
mga pamilya. Itong mga pamantayan ay makakatulong sa iyo upang:
•G
umawa ng pasiya na may kaalamanan kung paano pakainin ang iyong sanggol.
• Maging handa na may wastong impormasyon tungkol sa pagpapakain ng sanggol.
• Maramdaman na may suporta habang natututunan mo sa pagpakain at pag-alaga ng
iyong sanggol.
Nakahanap ako ng suporta sa isang pangkat ng mga lokal na mga
nars ng kalusugan, ang aking ina, ilan na malapit na mga kaibigan,
at ng aking asawa. Ngunit ang pinakamalaking suporta ay ang
kaalaman na binibigyan ko ang aking maliit na sanggol lahat na
kailangan niya upang lumaki ng malusog at malakas, at magkaroon
ng protektadong sistema ng pananggalang (protected immune system).
Gagawin ko ito ulit kaagad!
Gumawa ng isang Pasiya na may Kaalaman
Sa sandali na ikaw ay nabuntis at bago nito, ikaw ay gumagawa ng mga pasiya na nakaka-epekto
sa iyong sanggol. Sa panahon ng iyong pagbubuntis at ng buhay ng iyong sanggol, ikaw ay
gagawa ng marami pang mga pagpapasiya. Hindi palaging madali ang mga ito. Upang tulungan
gumawa ng pinakamabuting pasiya para sa iyo at iyong sanggol, kailangan mo ng mabuting
kalidad na impormasyon. Itong librito ay magbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa
pagpapakain ng iyong sanggol.
Halos lahat ng impormasyon tungkol sa pormyula ng sanggol ay direkta galing sa mga kompanya
ng pormyula. Sila ay sumusubok na himukin ka na magpakain ng pormyula sa iyong sanggol.
Kapag ang mga kababaihan ay nagpasiya magpakain ng pormyula, kailangan nilang bumili ng
pormyula at mga kagamitan sa pagpapakain hanggang ang kanilang sanggol ay hindi bababa ng
isang taong gulang. Maraming mga pamilya ay nagugulat sa mga gastos sa pagtagal ng panahon.
Ang mga kompanya ng pormyula ay kadalasan nagbibigay ng mga sampol ng pormyula sa mga
ina “baka sakali” kakailanganin nila. Itong libreng pormyula ay maaaring dumating sa panahon
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
5
kapag ikaw ay napapagod, kinikilala ang iyong
sanggol at wala pang tiwala tungkol sa
pagpapasuso.
Kapag ang mga ina ay may mga sampol ng pormyula:
• Mas marahil sila ay magpapakain ng
pormyula sa kanilang sanggol.
• Ang panustos ng gatas ng ina ay hindi
nagiging matatag at bumabawas kung
pinapakain niya ng mga suplemento ng
pormyula sa kaniyang sanggol. Ang
panustos ng gatas ay direktang naka-ugnay
kung gaano kadalas pinapasuso mo ang
iyong sanggol.
• Ang mga sanggol na nakakatanggap ng mga
suplemento ng pormyula ay mas marahil
kaunti sa pagpapasuso at nangangailangan
ng pormyula.
• Ang mga ina at mga sanggol na gumagamit
ng pormyula sa mga unang linggo ng
pagpapasuso, ay mas marahil titigil sa
pagpapasuso ng mas maaga kaysa sa plano.
Kung ikaw ay nagpaplano magpasuso, alamin ang
tungkol sa mga mapagkukunan sa iyong komunidad
upang makakuha ka ng suporta na kailangan upang
may tiwala ka sa pagpapasuso ng iyong sanggol.
May mga oras na ang iyong sanggol ay kailangan
ng dagdag na gatas. Kung ito ay mangyayari sa
iyong sanggol, pinakamabuti ay ibigay ang iyong piniga na gatas ng iyong suso. Para sa karagdagan
na impormasyon sa pagpipiga ng gatas ng suso, pumunta sa pahina 14 nitong librito. Ang mga
sanggol, lalung-lalo na ang mga kulang sa buwan at lubhang may sakit, ay minsan maaaring
makatanggap ng gatas ng ‘donor’ mula sa bangko ng gatas ng tao. May mga panahon na
kinakailangan magbigay ng pormyula. Ang ilang mga dahilan na magbigay ng pormyula ay:
•A
ng sanggol ay may medikal na kondisyon na kinakailangan na ipakain ng pormyula
o espesyal na pormyula.
• Ang ina ay may medikal na kondisyon at hindi makapagpasuso sa kaniyang sanggol.
• Ang ina at sanggol ay hiniwalay sa bawat isa at ang ina ay hindi nakakuha ng sapat na gatas
sa suso para sa kaniyang sanggol.
Kung sa iyong palagay kailangan mo magbigay ng pormyula sa iyong sanggol, kumuha ng tulong
kaagad. Ang iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan, nars ng ospital, nars ng komunidad o
pampublikong kalusugan ay maaaring tulungan ka o magbigay sa iyo ng mga ibang mga dalubhasa
o grupo sa iyong komunidad.
Mag-aral tungkol sa pagpapasuso at lahat ng mga kabutihan bago
dumating ang iyong sanggol. Gumawa ng iyong pasiya, ipagpaalam
sa mga nagmamahal at nagsusuporta sa iyo, at ilagay sa lugar ang
suporta bago ka mag-umpisa ang iyong paglakbay sa pagiging ina.
6
SEKSYON 1 – Ang Kahalagan ng Pagpapasuso
Mga Panganib sa Pagpapakain ng Pormyula
Kung iniisip mo na magbigay ng pormyula sa iyong sanggol isaalang-alang ang mga sumusunod:
Ang mga sanggol na pinapakain ng pormyula ay mas may higit na panganib sa:
• Mga impeksyon tulad ng tainga, dibdib at pantog.
• Mga pagkasira ng tiyan at gat, nagiging sanhi ng pagtatae o sa paglipas ng panahon mga
problema sa bituka.
• Sudden Infant Death Syndrome (SIDS)
• Labis na katabaan at mga talamak na sakit sa paglipas ng panahon ng kanilang buhay.
• Ilang na mga kanser ng pagbabata.
Para sa mga ina, ang HINDI pagpapasuso ay dumadagdag sa kanila ang panganib ng:
• Pagdudugo pagkatapos ng panganganak.
• Kanser sa suso o obaryo.
Suporta ng Pamilya
Lahat ng mga bagong ina ay makikinabang mula sa suporta ng kanilang mga pamilya at
komunidad. Sila ay maaaring magpakita ng kanilang suporta sa pamamagitan ng:
• Pag-aalaga sa iyo, upang ikaw ay makakapag-alaga ng iyong sanggol.
• Siguraduhin na makakakuha ka ng tulong, sa panahon na ito ay kailangan mo.
Ang pamilya at mga kaibigan ay maaaring gawin matagumpay ang pagpapasuso
Ang pagsususo ay natural at ang mga sanggol ay isinilang upang sumuso. Sa mga maagang
panahon pagkatapos ng pagsilang, ilang mga sanggol at mga ina ay nangangailangan ng panahon
matuto at gawing tama. Kung ano ang sinasabi o paniniwala ng ibang tao ay may epekto sa iyong
karanasan sa pagpapasuso. Ang iyong
pamilya at mga kaibigan ay maaaring
tulungan ka magbigay ng pinakamabuting
pagsimula sa buhay sa iyong sanggol.
Naririto ang ilan mga bagay na maaari
mong gawin:
• Ipagbigay-alam sa iyong pamilya at
mga kaibigan na plano mong
magpasuso at hilingin sila na ikaw
ay suportahan.
• Himukin sila na maging pamilyar
sa libritong ito, upang malaman
nila kung paano sila maaaring
makapag-suporta sa iyo at anong
tulong na makukuha sa iyong
komunidad.
• Pahintulutan sila na alagaan ka,
upang maalagaan mo ang iyong
sanggol.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
7
Sa aking isipan mahalaga na
ang mga pamilya ay
nauunawaan ang kahalagaan
ng pagpapasuso. Mga bagong
ina ay nangangailangan ng
maraming suporta mula sa
buong pamilya at hindi
lamang sa kaniyang kabiyak.
Ang pasensiya at pagpupursigi
ay kinakailangan at ito ay
pinakamagandang pag-iisa
na karanasan, isa na itataglay
na walang hanggan.
Ang pamilya at mga kaibigan ay maaaring tumulong sa sumusunod na mga paraan:
1. M
agkaroon ng kaalaman. Kumuha ng maraming impormasyon tungkol sa pagpapasuso na
makakayanan mo bago isilang ang sanggol. Makipag-usap sa mga kaibigan, mga kamag-anak,
ibang mga pamilya na nagpapasuso at mga dalubhasa sa kalusugan upang matutunan kung
paano gawing matagumpay ang karanasan ng pagpapasuso. Basahin itong libritong ito upang
tulungan ka na malaman ang higit pa tungkol sa pagpapasuso.
2.
Alamin kung saan makakakuha ng suporta. Maging pamilyar sa mga mapagkukunan sa
iyong komunidad at tulungan ang ina sa pagkuha ng mga ito.
3. Magbigay ng lakas-loob at pag-asa. Isang bagong ina ay maaaring mag-aalala na hindi sapat
ang kaniyang gatas para sa kaniyang sanggol. Halos lahat ng mga kababaihan ay mayroong
mahigit sa sapat na gatas ng suso. Sabihin sa kaniya na ang pagpapasuso ay ang pinakamagandang paraan sa pagpapakain ng kaniyang sanggol. Sabihin sa kaniya na naniniwala ka sa
kaniya. Sabihin sa k
4. Huwag istorbohin. Ilimitado ang mga bisita, mga tawag sa telepono at ibang mga pag-aabala sa
mga unang mga linggo pagkatapos isilang ang sanggol upang ang ina at sanggol ay maaaring
magpapakilala sa isa’t isa at matutunan kung paano maging matagumpay ang pagpapasuso.
5.
Himukin ang pagpapahinga. Isang bagong ina ay nangangailangan ng maraming lakas
upang mag-pokus sa sanggol. Tumulong sa kaniyang pang-araw-araw na pangangailangan
tulad ng paghahanda ng pagkain, mga paghugas ng pinggan at paglalaba, paglilinis ng bahay
at pag-aalaga ng ibang mga anak.
6. Tumulong sa ina sa pag-aalaga ng sanggol. Ang mga sanggol ay umiiyak sa maraming dahilan
– hindi lamang sa gutom. Pag-aralan ang iba’t ibang mga paraan sa pagpapaginhawa ng sanggol
tulad ng paghawak ng balat-sa-balat, paglalakad, pagkakanta, o pagsasayaw. Ang pagliligo at
pagpapalit ng lampin ay iba pang mga paraan na makilala ang sanggol bilang isang tao. Sa
pagpapaginhawa, pagpapaligo o pagpapalit lampin ng sanggol ikaw ay maaaring nagbibigay sa
ina ng mas maraming oras sa pagpapasuso at pag-aalaga ng kaniyang sarili.
7. Magkaroon ng makatotohanang inaasahan. Ang bagong sanggol ay nagpapabago ng buhay ng
walang hanggan. Normal lamang magkaroon ng halong damdamin sa mga pagbabagong ito. Ang
8
SEKSYON 1 – Ang Kahalagan ng Pagpapasuso
pagsusuko sa pagpapasuso ay hindi nagpapatigil nitong mga damdamin. Ang pagpapasuso ay
makakatulong sa ina at sanggol.
8. Humingi ng tulong. Kapag nararamdaman ng ina na ang pagpapasuso niya ay hindi mabuti,
himukan siya na humingi ng tulong.
9. Alalahanin na bawat ina ay magkaiba. Itanong sa kaniya kung ano sa kaniyang pakiramdam
na makakatulong sa kaniya.
Suporta ng Ina-sa-Ina
Ang mga ina ay makikinabang mula sa suporta ng ibang mga ina na nagpapasuso. Maaari na
mayroon kang mga kaibigan o mga kamag-anak na nagpapasuso na kanilang mga sanggol o kung
kailan lang ay nagpasuso. Maaaring makikilala mo rin ibang mga buntis o mga ina nagpapasuso
sa pamamagitan ng:
• Mga klase ng bago nga kapangannakan.
• Mga grupo sa pagiging magulang.
• Mga lambat pansuporta ng pagpapasuso
• Mga grupo ng La Leche League Canada
Para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa suporta sa pagpapasuso, pumunta sa pahina 40
nitong librito.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
9
­­S E K S Y O N 2
Pag-uumpisa
Pagtutulong sa Iyong Sanggol sa Magandang Pasimula
Maaaring tulungan mo ang iyong sanggol na matuto na sumuso sa pamamagitan nitong
pinakamahalagang kasanayan sa pagka-umpisa:
• Paghawak ng iyong sanggol balat-sa-balat.
• Pagsusunggab Batay-sa-Sanggol
• Pagsusunod ng mga pahiwatig ng iyong sanggol.
• Pagtututo kung paano pagpipiga sa kamay ang
colostrum.
Balat-sa-Balat
Ang balat-sa-balat ay isang paraan sa
paghahawak ng iyong sanggol na
parehong mga sanggol at mga
magulang ay masaya. Ang sanggol ay
nakasuot lamang ng lampin at
hinahawakan na nakataas na posisyon
sa nakahubong dibdib ng ina.
Isang magaan na kumot ay nakakurtina
sa likod ng sanggol. Kapag ang mga
sanggol ay hinawakan ng balat-sabalat, naririnig nila ang tibok ng puso
at hinga ng kanilang ina, at naamoy at
nararamdaman nila ang kaniyang balat.
Ito ay pamilyar at nakakaginhawa para
sa mga sanggol.
Umabot sa 6 na linggo para ang aking sanggol na lalaki ay
sumuso. Kinailangang kong magbomba at pakainin siya ng gatas
ng suso habang kaming dalawa ay natututong magpasuso.
Maganda na mayroong suporta. Isang bagay na natural, hindi
palaging madali, ngunit maaaring matuto ka, kung mayroon kang
wastong mapagkukunan, suporta at maraming pasensiya.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
11
Balat-sa-Balat…
• Nagpapatibay ang tibok ng puso ng iyong
sanggol, paghihinga at asukal sa dugo.
• Nananatiling mainit ang iyong sanggol sa
init ng iyong katawan.
• Tinataguyod ang pagbubuklod at
pagpakilala ng iyong sanggol.
• Nakakatulong sa iyong sanggol maging
kalmado at hindi masyadong umiiyak.
• Nakakatulong sa iyo maging mas tiwala at
nakapagpahinga.
• Nakakatulong sa agos ng iyong gatas at
maaaring mapabuti sa panustos ng iyong
gatas.
• Tinataguyod ng mabuting pagsusunggab.
Ibig sabihin nito ay mas kaunti ang
pagkakataon na magkakaroon ka ng
mahapding mga utong at ang iyong sanggol
ay makakakuha ng mas maraming gatas.
Hawakan kaagad ang iyong sanggol balat-sabalat pagkatapos ng pagsilang. Hawakan ang
iyong sanggol balat-sa-balat ng isang oras o
mahigit, hanggang kailan nais mo. Habang
lumalaki ang iyong sanggol, patuloy na hawakan
ang iyong sanggol balat-sa-balat ng madalas at nang matagalan na panahon. Ang mga sanggol na
kulang sa buwan ay makikinabang din dito. Minsan ay tinatawag itong Kangaroo Mother Care.
Ang iyong kabiyak, o ibang tao na malapit sa iyo, ay maaari ring paminsan-minsan magbigay ng
balat-sa-balat na pangangalaga upang maginhawaan at alagaan ang iyong sanggol.
Pagsusunggab Batay-sa-Sanggol (Baby-Led Latching o tinatawag ding
Laid-Back Breastfeeding)
Ang pagsusunggab batay-sa-sanggol ay natural at simpleng paraan para sa iyong sanggol na
hanapin ang iyong suso pagkatapos ng pagsilang o anumang oras ikaw ay nagpapasuso. Ito ay
lalong nakakatulong kapag ang iyong sanggol ay nag-aaral sumuso, kapag ang iyong sanggol ay
hindi sumususo ng mabuti, o kapag ang iyong mga utong ay mahapdi.
• Umupo ng kompartable na may suporta, nakasandal ang likod.
• Hawakan ang iyong sanggol balat-sa-balat sa taas ng iyong dibdib at sa pagitan ng iyong
mga suso, para ang kaniyang tiyan ay nakadikit sa iyong dibdib.
• Ang iyong sanggol ay ipinanganak na may reflex na tumutulong sa kaniya na hanapin ang
iyong utong. Ito ay tinatawag na “rooting” reflex. Mapapansin mo na iniikot niya ang
kaniyang ulo o kinikilos niya pataas at pababa hinahanap ang iyong suso. Maaaring parang
tumatango-tango o tumutuka-tuka.
• Suportahin ang likod at puwet ng iyong sanggol ng iyong bisig at braso at kamay habang
siya ay kumikilos patungo sa iyong suso. Kapag ang kaniyang balikat at baywang ay
nakasuporta, maaari niyang itikwas ng kaunti ang kaniyang ulo ng patalikod. Ito ay
makakatulong sa kaniya na magsunggab.
12
SEKSYON 2 – Pag-uumpisa
•M
ahahanap ng sanggol ang iyong utong. Maaaring hawakan niya muna ng kaniyang kamay.
• Pagkatapos ng ilang pagsubok ang iyong sanggol ay itutulak ang kaniyang baba sa iyong
suso, aabutin ng kaniyang bukas na bibig, at magsusunggab sa iyong suso.
• Kapag ang iyong sanggol ay nakasunggab, maaari mong palitan ang iyong posisyon at ang
posisyon ng iyong sanggol upang siguraduhin na pareho kayong kompartable.
Ang Pagpakain Batay-sa-Pahiwatig
Madalas na magpasuso ng iyong sanggol. Halos lahat ng mga sanggol ay kumakain ng
pinakamababa 8 beses sa loob ng 24 oras. Tingnan ang mga pahiwatig ng iyong sanggol. Ang
iyong sanggol ay magsasabi sa iyo kung kailan siya handang kumain at kung kailan siya
matatapos. Ang iyong sanggol ay magpapakita na siya ay handa at sabik kumain. Siya ay
magpapahiwatig ng mga pahiwatig na tinatawag ‘feeding cues’. Para tingnan kung ano ang mukha
ng mga pahiwatig, bisitahin ang: www.health.qld.gov.au/breastfeeding/documents/feeding_cues.pdf.
Maagang mga pahiwatig: “Gutom ako.”
•G
umigising, ginagalaw ang mga bisig at
braso.
• Bumubukas ang bibig, himihikab o
dumidila.
• Mga kilos ng kamay patungo sa bibig.
• Pagilid-gilid ginagalaw ang ulo.
• Rooting, naghahanap ng mga bagay sa
pamamagitan ng kaniyang bibig.
Mga gitnang pahiwatig: “Ako ay talagang gutom.”
•
•
•
•
agbabanat.
P
Marami-raming paggalaw.
Mga kilos ng kamay patungo sa bibig.
Mga ingay na sumusupsop, kumukurukurutok o nagbubuntung-hininga.
Mga atrasadong pahiwatig: “Kalmahin mo ako,
pagkatapos pakainin mo ako.”
•U
miiyak.
• Mga kilos napupukaw na katawan.
• Namumula ang kulay.
Kung ang iyong sanggol ay nagpapakita ng mga
atrasadong pahiwatig, oras na aliwin ang iyong
sanggol bago siya pakainin. Maaaring gawin mo
ito sa pamamagitan ng:
•
•
•
•
agyayakap.
P
Paghahawak balat-sa-balat.
Pakikipag-usap o pagkakanta.
Paghihimas o paguuga.
Sa umpisa ng pagpakain, ang
iyong sanggol ay mayroong
mababaw at mabilis na mga
pagsupsop. Sa pag-umpisa ng
agos ng iyong gatas, ang
pagsupsop ay nagiging malalim
at mabagal. Mapapansin mo
ang paghinto habang sumususo,
ito ay kapag ang bibig ng iyong
sanggol ay nakabukas ng
pinakamalaki. Ang iyong
sanggol ay umiinom ng gatas
habang nakahinto at baka
maririnig o makikita mo siya ay
lumulunok.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
13
Pagpipiga ng Colostrum o Gatas ng Suso
Ang pagpipiga ng kamay ang colostrum o ang unang gatas sa suso ay mahalaga dahil ito ay
nakakatulong sa iyo na:
• Magpiga ng ilang patak ng gatas upang maging interesado ang sanggol na sumunggab.
• Dahan-dahan pahiran ng ilang patak na gatas ang iyong mga utong upang maiwasan ang
pananakit.
• Palambutin ang iyong mga suso na malapit sa iyong mga utong bago magpasunggab sa iyong
sanggol, kung ang mga ito ay puno.
• Bigyang ginhawa ang iyong mga suso kung mga ito ay puno at iyong sanggol ay hindi sumususo.
• Magpiga ng gatas para sa iyong sanggol kung ikaw ay malayo sa kaniya o kinikailangan pakainin
siya na hindi direkta sa suso.
Maaari kang kaagad magpasanay sa pagpipiga ng gatas sa suso matapos sa pagsilang ng iyong sanggol
o kahit na isa o dalawang linggo bago isilang ang iyong sanggol. Sa unang 2 – 3 mga araw pagkatapos
ng panganganak, makakakuha ka ng kaunting colostrum, halos 5 – 10 ml (1-2 kutsarita) o mas mababa.
Ang colostrum, isang masagana, dilaw na likido, ay ang unang gatas. Mahalaga para sa iyong sanggol
na makakuha ng colostrum, dahil ito ay nakakatulong sa sistemang pagtatablan ng iyong sanggol at ito
ay masaganang-masagana sa sustansiya.
14
SEKSYON 2 – Pag-uumpisa
idiin (pabalik patungo
sa iyong dibdib)
pigain
ipahinga
Sa pagpiga ng colustrum para sa iyong sanggol:
•H
ugasan ang iyong mga kamay nang mabuti.
• Maghanap ng isang lugar kung saan ka komportable at makakapagpahinga.
• Dahan-dahan masahiin ang iyong mga suso mula sa labas patungo sa iyong utong. I-rolyo
ang iyong utong sa pagitan ng iyong mga daliri.
• Hawakan ang iyong suso sa isang kamay, huwag masyadong malapit sa utong. Ang
hinlalaki at mga daliri ng iyong kamay ay dapat kasalungat sa isa’t isa at mga 2 ½ - 4 cm
(1 hanggang 1 ½ pulgada) ang layo mula sa iyong utong. Buhatin ng kaunti ang iyong
suso, at dahan-dahan idiin ang suso paluob patungo sa iyong dibdib.
• Bahagyang pigain ang iyong hinlalaki at mga daliri ng magsama at i-rolyo patungo sa utong.
•P
ahingain ang iyong mga daliri ng ilang segundo pagkatapos ulitin ang parehong hakbang.
Huwag ipitin ang ilalim ng iyong utong, dahil ito ay magpapatigil ng agos ng gatas.
• Galawin ang palibot ng iyong suso upang mapiga ang buong suso. Patuloy itong gawin
hanggang ang agos ng gatas ay tumigil. Maaaring gusto mong magpalit ng pwesto ng mga
kamay mula sa isang suso sa kabila.
• Kolektahin ang gatas sa isang kutsarita o lalagyanan na malaki ang bukana kung ang iyong
anak ay hindi sumunggab at kumain. Maaaring pakainin mo ang iyong sanggol ng
colustrum gamit ang isang tasa o kutsarita. Magtanong sa iyong tagapagbigay-alaga ng
kalusugan, ospital o pampublikong nars kung paano gawin ito.
Minsan ang isang ina ay maaaring mahiwalay
sa kanyang sanggol pagkatapos ng panganganak.
O ang iyong sanggol ay maaaring hindi makasuso
kaagad. Sa parehong mga kaso, mahalaga na
magpundar at manatili ng panustos ng iyong
gatas. Kung ang iyong anak ay hindi nakapagsuso
ng direkta sa iyong suso, maaaring magpundar
ng iyong gatas sa pamamagitan ng pagpipiga
sa kamay o sa pagbobomba. Mahalaga na
ang pagpundar ng gatas ay kasing dami ng
pagpapakain ng isang sanggol, hindi bababa
ng 8 beses sa 24 oras. Kung kailangan mo ng
higit na impormasyon tungkol sa pagpipiga sa
kamay, pagpupundar at pagpapakain ng iyong
gatas sa suso, pumunta sa
www.beststart.org/resources/index.html.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
15
SEKSYON 3
Matuto na Magpasuso
Mga Posisyon sa Pagpapasuso
Kapag ikaw ay magpapakain ng iyong sanggol siguraduhin na ikaw at iyong sanggol ay
nakaposisyon na madaling makapagpasuso. Ang mga ina at mga sanggol ay maaaring magpasuso
sa iba’t ibang mga posisyon. Sa umpisa, maaaring nararamdaman na mas komportable ka sa isang
tiyak na posisyon tulad ng pag-uupo sa isang paboritong upuan o humihiga sa iyong kama. Habang
ikaw at ang iyong sanggol ay naging eksperto sa pagpapasuso, ikaw ay makakapagpapasuso sa
iyong sanggol saanman, habang naglalakad, kinakarga siya sa isang carrier, o naka-upo sa mesa.
Kung alinmang posisyon na gusto mong gamitin (nakaupo o nakahiga habang nagpapasuso), ang
iyong sanggol ay dapat naka-posisyon na nagpapahintulot na malalim ang pagsusunggab at
madaling lumunok. Naririto ang ilan mga payo na alalahanin:
• Ang iyong likod ay naka-suporta ng mabuti.
• Siguraduhin na ang iyong posisyon ay hindi magdudulot ng sakit sa iyo (mula sa episotomy
o c-seksyon).
• Ang tainga, balikat at balakang ng iyong sanggol ay naka linya ng matuwid.
• Ang ulo ng iyong sanggol ay dapat kumikiling ng kaunting patalikod. Ito ay nagpapahintulot
sa kaniya na magsunggab ng malalim at lumunok ng madali.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
17
Pagtutulong sa Iyong Sanggol na Sumunggab
Ang malalim ng pagsunggab ay
pinakamahalaga dahil ito ay
nagpapahintulot sa iyong sanggol
uminom ng gatas na madali na hindi
nasasaktan ang iyong utong o mga
suso. Kukunin ng iyong sanggol ang
buo o halos ang madilim o rosas na
bahagi ng iyong utong (iyong areola)
sa kaniyang bibig. Ito ay
nakakatulong sa kaniya na “gatasan”
ang iyong suso at hindi saktan ang
iyong utong.
18
• Kapag ang iyong sanggol ay
handang sumunggab, dalhin mo
siya sa iyong mga suso.
• Siguraduhin na ang iyong
sanggol ay nakaharap sa iyo o
nakahiga sa ibabaw ng iyong
dibdib – Tiyan sa Ina.
• Habang ang iyong sanggol ay
nag-umpisa maghanap sa iyong
suso, suportahan ang kaniyang
katawan para ang kaniyang ulo
ay patag o pantay sa iyong mga
suso – Mukha sa Suso. Kung
ikaw ay nakaupo, maaaring
kailangan mo ng suporta sa
kaniyang mga balikat at leeg
gamit ang iyong palad. Ito ay
pahihintulutan ang iyong
sanggol igalaw o itaas din ang
kaniyang ulo.
• Tulungan ang iyong sanggol makakuha ng isang posisyon na ang kaniyang ilong ay pantay sa
iyong utong. Ito ay makakatulong buksan ng malaki ang bibig at kunin isang malaking subo ng
iyong suso – Ilong sa Utong.
• Kung ikaw ay naka-upo, isuksok ang buong katawan ng iyong sanggol ng malapit, ang
kaniyang puwet at paa rin.
• Kung ikaw ay mayroon mga malaking suso, minsan nakakatulong na hawakan ang iyong suso
sa pamamagitan ng iyong kamay. Ang iyong mga daliri ay dapat ay nakalayo sa maitim o rosas
na bahagi (areola) sa paligid ng iyong utong. Ang iyong hintuturo ay dapat nakalagay sa iyong
suso sa ilalim ng baba ng sanggol at iyong hinlalaki ay sa taas ng kaniyang ilong. Ito ay
pinahihintulutan na sumunggab ng malalim ang iyong sanggol.
• Ang baba at ang ibaba na labi ng iyong sanggol ay unang hahawak ng iyong suso.
• Ang iyong utong ay nakaturo sa ilong ng iyong sanggol habang hinihintay mo na ang kaniyang
bibig na bumukas ng malaki sa itaas ng iyong utong.
SEKSYON 3 – Matuto na Magpasuso
• Ang iyong sanggol ay kailangan na mas malawak ang lugar sa iyong suso na nasa ilalim ng
iyong utong (kaysa sa itaas ng iyong utong) sa kaniyang bibig.
Hindi mo kailangan itulak ang iyong sanggol sa iyong suso. Ang katotohanan, ang mga sanggol ay
ayaw na itinutulak at maaaring tumulak ng pabalik laban sa iyong kamay. Maaaring iisipin mo na
ang iyong sanggol ay ayaw kumain.
Ang pagpapasuso ay isang proseso na pinag-aaralan, at maaaring ito ay
mas matagal kaysa sa inaasahan mo. Ito ay pinaka-maginhawa at
nagbubuklod ng damdamin at karanasan na maaaring mayroon ka sa
iyong sanggol. Kahit na sa 6 na buwan, kung siya ay talagang
nababalisa, ang paghawak sa kaniya ng balat-sa-balat at/o pagpapasuso
sa kaniya palagi ay nagpapaginhawa sa aking anak na babae.
Kung ang iyong sanggol ay nababalisa at ayaw sumunggab, subukan itong mga sumusunod na
mga bagay:
• Ibalik siya sa patayo na posisyon sa pagitan ng iyong mga suso.
• Himasin at kausapin ang iyong sanggol.
• Aliwin ang iyong sarili. Ito rin ay magpapa-aliw ng iyong sanggol.
• Kapag na-aliw na ang iyong sanggol, subukan ipasunggab ulit.
• Pigain ang suso ng ilan patak ng gatas at hayaan ang iyong sanggol na tikman ito sa iyong
utong.
• Maaaring ito ay makakakuha ng kaniyang pansin.
Kung hindi mo makayanang ipasunggap sa iyong sanggol, humingi ng tulong. Para sa
impormasyon sa Paghingi ng Tulong, pumunta sa pahina 40 nitong librito.
Paano Malalaman Kung Ang Iyong Sanggol ay Nakasunggab nang Maayos
Habang ang iyong sanggol ay sumususo, malalaman mo
kung ang iyong sanggol ay nakasunggab ng maayos kapag
ang mga bagay na ito ay nangyayari:
• Ang pagpapasuso ay komportable sa iyo.
• Ang iyong sanggol ay may malakas, mabagal, regular
na pagsuso.
• Naririnig mo ang paglulunok.
• Ang bibig ng iyong sanggol ay nakabukas ng malaki
na ang kaniyang mga labi ay maluwag.
• Ang mga mga tainga o sentido ng iyong sanggol ay
gumagalaw habang sumususo.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
19
Kapag ang iyong sanggol ay natapos nang sumuso:
• Ang iyong mga utong ay mayroong normal, bilog na hugis at hindi dapat sila mukhang naipit.
• Ang iyong mga suso ay maaaring parang mas malambot. Ito ay mapapansin sa mga unang mga
linggo ng pagpapasuso.
• Ang iyong sanggol ay dapat nananahimik at kuntento. Ang mga mas batang sanggol ay
maaaring makatulog kapag natapos silang sumuso. Ang mga mas nakatatandang sanggol ay
maaari manatiling gising ngunit ipapaalam sa iyo na tapos na sila sa pagsuso sa pamamagitan
ng paglihis o nag-umpisang maglaro.
• Mga mas batang sanggol ay kadalasan natutulog habang nasa suso, ngunit kapag inalis sila sa
suso, nagigising sila muli. Kung ginawa ito ng iyong sanggol, ito ay isang pahiwatig na hindi pa
siya tapos.
Mga Pahiwatig Nagasasabi na ang Pagpapasuso ay Mabuti
Gaano kadalas na kailangan ko magpasuso at gaano katagal?
Halos lahat na bagong silang na sanggol ay kumakain ng hindi bababa sa 8 beses sa loob ng
24 oras. Ang pagpapasuso ay nagbibigay ng pagkain sa iyong sanggol upang lumaki at umunlad.
Ito ay nakakaginhawa rin at nakakatulong sa iyo at sa iyong sanggol na magkaroon ng malapit
na pag-uugnay ng damdamin. Ilan sa mga sanggol ay kumakain na regular at nagtatatag ng
karaniwang gawain kaagad, ang mga iba ay gustong maikling pagpapakain na mas madalas
lalung-lalo na sa gabi. Ito ay tinatawag na kumpol na pagpapakain (cluster feeding). Ito ay
pinaka-karaniwan sa mga unang linggo.
20
SEKSYON 3 – Matuto na Magpasuso
Pakainin ang iyong sanggol kung kailan siya ay nagpapakita ng mga pahiwatig ng nais kumain.
Pakainin siya hangga’t gusto niyang kumain. Kapag siya ay tumigil sa pagsuso sa unang suso,
padighayin siya at ialok ang ikalawang suso. Ito ay nagtitiyak sa iyo na may mabuting panustos ng
gatas habang lumalaki ang iyong sanggol. Ilang mga sanggol ay sumususo ng 20 minuto, ang mga
iba ay mas matagal. Hindi kailangan na orasan mo ang kaniyang pagsuso o mag-alala sa kaniya
kapag ang iyong sanggol ay:
• Sumususo nang madalas, hindi bababa ng 8 beses sa 24 oras.
• Sumususo nang malakas at lumulunok.
• Mayroong maraming basa at maduming mga lampin.
• Dumadagdag ang timbag na hindi pabagu-bago (tingnan ang tsart sa pahina 22).
Tandaan: Tingnan ang iyong sanggol, hindi ang relo.
Habang lumalaki ang mga sanggol maaaring sila ay magbago kung gaano katagal o gaano kadalas
ang kanilang pagsuso. Sundin ang mga pahiwatig ng iyong sanggol. Alam ng iyong sanggol kung
kailan siya gutom o kailan siya busog.
Kailanman na gusto ng iyong sanggol sumuso, mag-umpisa sa suso na hindi nasususuan ng iyong
sanggol. Kung sa parehong suso siya ay sumususo, mag-umpisa sa huling suso na sumuso ang
iyong sanggol. Hayaan sumuso ang iyong sanggol hangga’t siya ay interesado. Lumipat sa kabilang
suso.
• Oras na nararamdaman na ang unang suso ay mas malambot.
• Hindi na aktibong sumususo ang iyong sanggol.
• Inalis ang suso o natulog ang iyong sanggol.
Siguraduhin na ang iyong sanggol ay regular na sumususo sa parehong suso. Ilan sa mga
kababaihan ay naglalagay ng laso sa kanilang bra o pulseras sa kanilang kamay bilang pahiwatig.
Gawin kung ano ang mabuti para sa iyo at sa iyong sanggol.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
21
Ilang mga sanggol ay bumibitaw ng suso, ang iba ay hindi. Kung ang iyong sanggol ay madalas
tumitigil at hindi na lumulunok, maaaring alisin mo siya sa iyong suso. Ipuslit ang iyong daliri sa
pagitan ng iyong suso at bibig ng iyong sanggol upang pigilin ang pagsipsip. Ilan sa mga sanggol
ay palaging sumususo sa parehong mga suso, ang iba ay hindi. Ilan sa mga sanggol ay natutulog
ng maikli at pagkatapos sumuso sa kabilang suso.
Mga Pagpipiga sa Suso
Ilan sa mga bagong-silang na sanggol ay madaling natutulog habang sumususo. Upang himukin
ang iyong sanggol ituloy ang pagpapasuso hanggang siya ay busog, maaaring gamitin ang
pagpipiga ng suso. Kung nakatulog ang iyong sanggol pagkatapos ng ilang minuto sa suso, pigain
ang iyong suso sa likod ng areola upang tulungan ang agos ng iyong gatas. Huwag ipitin ng
malakas dahil ito ay masakit. Ito ay makakatulong na sumuso ulit ang iyong sanggol. Maaaring
gawin ito habang nagpapasuso o sa dulo ng pagpapasuso kapag ang iyong sanggol ay naguumpisang maantok.
Ang aking Sanggol ay Nakakakuha ba ng Sapat na Gatas?
Ito ang mga pahiwatig na ang iyong sanggol ay nakakakuha ng sapat na gatas (tingnan ang tsart
sa ilalim):
• Ang iyong sanggol ay sumususo ng hindi bababa sa 8 beses bawat 24 oras.
• Ang iyong sanggol ay may sapat na basa at maduming mga lampin alinsunod sa kaniyang edad.
• Ang iyong sanggol ay aktibo at may malakas na iyak.
• Ang iyong sanggol ay may basang, kulay rosas na bibig, at maliwanag na mga mata.
Upang siguraduhin na ang iyong sanggol ay nakakakuha ng sapat na gatas sa unang linggo,
tandaan ang ilang mga basa at maduming mga lampin sa loob ng 24 oras.
Sa umpisa maaaring mahirap para sa mga bagong magulang na malaman kung ang lampin ng
kanilang sanggol ay basa. Isang basang-basa na lampin ay mas mabigat kaysa sa tuyong lampin.
Kung gusto mo malaman ang pakiramdam ng isang basang-basa na lampin, magbuhos na 30 ml
(2 kutsara) na tubig sa isang tuyong lampin. Ang ihi ng iyong sanggol ay dapat malinaw o
namumutlang dilaw, at hindi dapat may amoy. Kapag mabigat ang isang maduming lampin, ito ay
nabibilang na basang lampin na may dumi.
Kung ang iyong sanggol ay walang sapat na basa at maduming lampin, humingi kaagad ng
tulong!
22
SEKSYON 3 – Matuto na Magpasuso
MGA PATNUBAY PARA SA MGA INA NA NAGPAPASUSO
Ang Edad ng Iyong Sanggol
1 LINGGO
1 ARAW
2 ARAW
3 ARAW
4 ARAW
2 LINGGO
5 ARAW
6 ARAW
3 LINGGO
7 ARAW
Gaano Kadalas na Kailangan
Mong Magpasuso?
Bawat araw, sa pangkaraniwan
higit sa 24 oras
Hindi bababa ng 8 pagpapasuso bawat araw (bawat 1 hanggang 3 oras). Ang iyong sanggol ay sumususo ng malakas,
mabagal, matatag at madalas lumulunok.
Ang Sukat ng Tiyan ng
Iyong Sanggol
Sukat ng cherry
Sukat ng walnut
Sukat ng apricot
Sukat ng itlog
Mga Basang Lampin:
Gaano Karami, Gaano Kabasa
Bawat araw, sa pangkaraniwang
higit sa 24 oras
Hindi bababa Hindi bababa Hindi bababa Hindi bababa
ng 1 BASA
ng 2 BASA
ng 3 BASA
ng 4 BASA
Hindi bababa ng 6
NA MABIGAT NA BASA NA MAY MAPUTLANG DILAW O MALINAW NA IHI
Maruming Mga Lampin:
Bilang at Kulay ng Dumi
Bawat araw, sa pangkaraniwang
higit sa 24 oras
Ang timbang ng Iyong
Sanggol
Ibang Mga Pahiwatig
Hindi bababa sa 1 hanggang 2
ITIM O MADILIM NA BERDE
Hindi bababa sa 3
ITIM, BERDE O DILAW
Mga sanggol ay nawawalan ng pangkaraniwang
7% ng kanilang timbang sa pagsilang sa unang
3 araw pagkatapos ng pagsilang
Hindi bababa sa 3 malaki, malabot at parang butong
DILAW
Mula sa Araw 4 at pagkatapos ang iyong sanggol ay dapat may dagdag ng
20 hanggang 35 gramo bawat araw (2/3 hanggang 1-1/3 onsa) at nabawi ang
kaniyang timbang sa pagsilang sa 10 hanggang 14 araw.
Ang iyong sanggol ay kailangang may malakas na iyak, aktibong kumikilos at madali magising. Ang iyong mga suso ay nadadama
na mas malambot at bawas ang pagkapuno pagkatapos ng pagpapasuso.
Ang gatas sa suso ay lahat ng pagkaing kailangan ng sanggol sa unang anim na buwan – Sa anim na buwang gulang mag-umpisang
magpakilala ng matitigas na pagkain habang patuloy sa pagpapasuso hanggang sa dalawang taon o mahigit. (WHO, UNICEF, Canadian Pediatric Society)
Kung kailangan ninyo ng tulong magtanong sa iyong doktor, nars or komadrona. Upang hanapin ang pinakamalapit na departamento ng
kalusugan, tumawag sa INFO line: 1-800-268-1154. Para sa suporta sa pagpapasuso tumawag sa La Leche League Canada
Referral Service 1-800-665-4324
Upang i-download itong tsart, pumunta sa: www.beststart.org/resources/breastfeeding/index.html
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
23
Ang mga sanggol ay nawawalan ng pangkaraniwang 7% ng kanilang timbang sa pagka-silang sa
unang 3 araw pagkatapos ng pagsilang. Halimabawa, isang 7 lbs na sanggol ay mawawalan ng
mga 230 gramo o ½ libra. Mula sa araw 4 at mahigit ang iyong sanggol ay dapat nakapagdagdag
ng 20-35 gramo (2/3 – 1 2/3 onsa)
bawat araw at nabawi ang kaniyang
timbang sa pagsilang sa 10-14 mga
araw. Sa panahon ng unang 3-4
mga buwan ang iyong sanggol ay
dapat patuloy dumadagdag ng 20 –
35 gramo (2/3 – 1 1/3 onsa) bawat
araw. Kung hindi sapat ang
pagdagdag ng timbang, gisingin ang
iyong anak para sa dagdag ng
pagpapasuso, at kumuha ng tulong
upang siguraduhin na ang iyong
sanggol ay napapasuso ng mabuti.
Palaging magpasuso sa iyong
sanggol kapag siya ay tila gutom.
Hanggang mga 3 linggong gulang,
ang mga sanggol na sumususo ay
dapat mayroong 3 o mahigit na
malaki, malambot, parang butong
dumi (stools) bawat araw. Pumunta
sa seksyon ng Paghingi ng Tulong
sa pahina 40 kung ang iyong
sanggol ay hindi nagkakaroon ng 3
o mahigit na dumi bawat araw sa
ilalim ng 3 linggong gulang.
Mga isang buwan na gulang ilan sa
mga sanggol ay maaaring may 1 -2 dumi bawat araw. Ilan ay mayroon isang malaking dumi bawat
ilan mga araw. Ito ay normal at ang iyong sanggol ay sumususo ng mabuti, parang kuntento at
ang kaniyang dumi ay malambot. Kung ang iyong sanggol ay hindi sumususo ng mabuti, mas
mabalisa kaysa karaniwan o hindi nagdumi ng mahigit nang isang linggo, pumunta sa seksyon
Paghingi ng Tulong sa pahina 40 nitong librito.
Mga kabiyak o mga miyembro ng pamilya ay maaaring
makakatulong sa maraming paraan. Pagpapalit ng lampin sa
sanggol, pagdidighay, pag-uuga o pagkakanta ay maaaring
makakatulong sa kanila na makilala ang sanggol at malaman na sila
ay gumagawa ng kanilang bahagi.
Ang Sukat ng Tiyan ng Iyong Sanggol
Ang iyong sanggol ay kailangang madalas na pinapasuso, dahil maliit ang kaniyang tiyan. Nang
isinilang ang iyong sanggol, ang kaniyang tiyan ay mga kasing laki ng cherry at tumitimbang ng
5-7 ml. Sa araw 3, ang tiyan ng iyong sanggol ay lumalaki ng mga kasing laki ng walnut at
tumitimbang ng mga 22-27 ml. Mga 7 araw na gulang, ang tiyan ng iyong sanggol ay mga kasing
laki ng itlog at tumitimbang ng mga 60 ml. Makikita mo ito sa tsart sa pahina 22.
24
SEKSYON 3 – Matuto na Magpasuso
Breastfeeding Matters
25
SEKSYON 4
Mga Mahalagang Bagay na Malaman
Pagigising ng Isang Naantok na Sanggol
Ilan sa mga bagong silang na sanggol ay naaantok. Ibig sabihin ang iyong sanggol ay maaaring
hindi gigising ng sarili nang hindi bababa sa 8 beses sa loob ng 24 oras. O ang iyong sanggol ay
maaaring magsunggab at maaaring matulog kaagad pagkatapos sa maumpisahan ang pagsuso.
Hangga’t ang iyong sanggol ay regular sa paggigising at dumadagdag ng timbang ng matatag,
maaari na minsan na lamang kailangan gisingin ang iyong sanggol.
Mga tip upang gisingin at pagpasuso sa isang inaantok na sanggol:
26
• Patatiliing malapit ang iyong sanggol sa iyo upang mapansin mo kung kailan siya ay
nagpapakita ng mga ilan pahiwatig ng pagsuso. Ang mga sanggol ay maaaring sumuso kahit
sila ay hindi gising na gising o inaantok, ngunit pinakamabuti kung kailan sila ay nagpapakita
ng mga pahiwatig ng pagsuso.
• Magpasuso sa iyong sanggol
kaagad habang siya ay nagpapakita
ng ilang mga pahiwatig ng pagsuso,
o maaaring bumalik sa malalim
na tulog. Upang malaman
tungkol sa mga pahiwatig ng
pagpapasuso pumunta sa pahina
13 nitong librito.
• Mas madalas na ang iyong sanggol
ay magsususo, kung siya ay
nanatiling balat-sa-balat sa iyong
dibdib habang ikaw ay gising.
• Alisin ang balot ng iyong sanggol at
ihubad siya. Palitan ang kaniyang
lampin kung ito ay basa o madumi.
• I-angat siya sa iyong balikat at
himasin ang kaniyang likod.
I-masahe ang kaniyang katawan.
• Dahan-dahan i-rolyo siya ng
pagilid-gilid. Kausapin mo siya.
• Pigain ng kaunting gatas mula sa
iyong utong kapag inilalagay mo
siya suso para mayroong
nagtutukso sa kaniya.
• Ang paggamit ng pagpipiga ng suso habang nagpapasuso ay naghihimuk sa mga inaantok na
sanggol na maging listo at dinadagdagan ng dami ng gatas. Upang matutunan tungkol sa
pagpipiga ng suso pumunta sa pahina 21 nitong librito.
SEKSYON 4 – Mga Mahalagang Bagay na Malaman
Pag-aaliw ng Isang Nababalisang Sanggol
Ang mga sanggol ay umiiyak sa maraming mga dahilan
– pagkabalisa, paglulumbay, gutom, takot, tensyon, o
pagod. Ilan sa mga sanggol ay mas umiiyak kaysa sa
iba kahit na sila ay malusog at pinakain ng mabuti. Ito
ay nangyayari ng madalas sa unang tatlong buwan.
Ito rin ay mas nangyayari sa gabi. Hindi mo maaaring
sundin ang layaw ng iyong sanggol sa paghahawak
at pag-aaliw. Sa katotohanan, ang mga sanggol ay
mas umuunlad kapag ang kanilang mga magulang
ay tumutugon sa kanilang mga kinakailangan at
mga pahiwatig.
Kapag ang iyong sanggol ay parang umiiyak ng walang
dahilan, subukan itong mga mungkahi:
• Kapag alam mo na ang iyong sanggol ay hustong
pinasuso at dinighay, subukan ang balat-sa-balat,
paglalakad, pag-uuga o pagtatayo at pag-uugoy. Ang sanggol ay nagiging pamilyar sa tibok ng
puso ng kanilang ina, boses at mga kilos sa mga buwan bago sila isinilang at sa paraang ito ay
nakakalma.
• Palitan ang lampin ng iyong sanggol kung ito ay basa o madumi.
• Baguhin ang mga balabal o mga damit ng iyong sanggol kung siya ay parang masyadong
naiinitan o masyadong nalalamigan.
• Alukin muli sa iyong suso. Gamitin ang pagpipiga ng suso at muling alukin ang una at
ikalawang suso.
• Gumamit ng mga estratehiyang pang-aliw upang kalmahin ang iyong sarili, tulad ng
pagbibilang ng mabagal hanggang sampu, huminga ng malalim, o magkunwari na ikaw ay
nagpapalipad ng mga bula. Ang mga estratehiya na ito ay kadalasan ay pinapakalma rin ang
iyong sanggol.
• Kung ikaw ay nabibigo, hilingin sa iyong kabiyak o ibang tao na hawakan ang iyong sanggol
habang ikaw ay nagpapahinga.
Pagdidighay ng Iyong Sanggol
Ang sanggol na pinasuso ay hindi lumulunok ng masyadong hangin. Magandang ideya pa rin na
padighayin ang iyong sanggol. Ilang mga sanggol ay nababalisa kung kailangan nilang dumighay.
Ang pagdidighay ay maaari rin makatulong sa paggising ng iyong sanggol upang siya ay
magpatuloy sa pagsususo kung nais niya. Tingnan ang iyong sanggol upang makita kung gaano
kadalas niyang kailangang dumighay.
• Ilan sa mga sanggol ay kailangan idighay habang nagpapasuso at muli sa pagtatapos.
• Ilan sa mga sanggol ay dumidighay nang mag-isa, habang sumususo o kailan sila ay natapos na.
• Ilan sa mga sanggol ay maaaring hindi palaging dumidighay.
• Ilan sa mga sanggol ay dumudura pagkatapos na sumuso. Habang ang iyong sanggol ay
mukhang kuntento at dumadagdag ng timbang sa mga linggong dumarating, huwag mag-alala
sa pagdudura ng maraming gatas.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
27
Para idighay ang iyong sanggol:
• Hawakan ang iyong sanggol kasalungat ng iyong balikat o paupuin siya sa iyong kandungan.
• Suportahin ang kaniyang ulo at tapikin o masahiin ang kaniyang likod. Isang bulabok (bubble)
ng hangin ay lalalabis ng mas madali kung ang kaniyang likod ay tuwid.
Mga Biglang Laki
May mga ilang araw na ang sanggol ay parang mas gutom kaysa sa karaniwan. Ang mga panahon
na ito ay tinatawag na ‘growth spurts’ o mga biglaang paglaki at karaniwang nangyayari ng mga
10 araw, 2 – 3 linggo, 6 na linggo, at 6 na buwang gulang. Kapag nangyayari ito, ang ilang mga
ina ay nag-aalala na hindi sapat ang kanilang gatas. Hindi dapat mag-alala. Mas maraming beses
kang nagpapasuso ng iyong anak, mas maraming gatas ang nagagawa.
Masakit na Mga Utong
Sa umpisa, halos lahat ng mga ina ay nakakaramdam ng hatak kapag sumususo ang kanilang
sanggol. Ito ay maaaring di-kompartable. Hindi mo dapat na nararanasan anumang sakit sa utong.
Ang pinaka-karaniwang sanhi ng mahapding mga utong ay di-maayos na pagsusunggab.
Kung ang iyong mga utong ay mahapdi dahil sa di-maayos na pagsusunggab, maaaring makita mo na:
• Ang kirot ay nag-umpisa sa 1-4 na araw pagkatapos na manganak.
• Ang hapdi ay maaaring malala sa umpisa ng pagpapasuso, at pagkatapos ay bubuti.
• Ang iyong mga utong ay maaaring makitang naipit o nawalang hugis pagkatapos ng mga
pagpapasuso.
• Ang iyong mga utong ay maaaring may pinsala o dumudugo. (Ang paglulunok ng dugo mula
sa iyong mga utong ay hindi mapanganib sa iyong sanggol.)
Upang iwasan at mapabuti ang mahapding utong, siguraduhin na:
• Ang bibig ng iyong sanggol ay nakabukas ng malaki at
nakasunggab sa areola.
• Ang dila ng iyong sanggol ay nasa ilalim ng utong at ang
kaniyang mga labi ay maluwag.
• Ang ulo ng iyong sanggol ay nakatikwas ng kaunting patalikod
upang maibukas niya ang kaniyang bibig ng malaki.
• Ang iyong kamay ay naka-posisyon sa likod ng utong at ang
iyong mga daliri ay hindi dumadampi sa pisngi o mga labi ng
iyong sanggol.
Tingnan ang impormasyon tungkol sa pagkukuha ng malalim na
pagsusunggab sa pahina 19.
28
SEKSYON 4 – Mga Mahalagang Bagay na Malaman
Kung ikaw ay may mahapding mga utong:
• Maghaplos ng piniga na gatas ng suso sa iyong utong pagkatapos ng pagpapasuso.
• Patuyuin sa hangin ang iyong mga utong pagkatapos ng mga pagpapasuso. Maaaring
maramdaman mo na mas komportable na iwanang bukas ang mga takip ng iyong bra kung
posible sa pagitan ng mga pagpapasuso at magsuot ng maluwag na na T-shirt (cotton). Maaari
rin na ilantad ang iyong mga utong sa hangin habang ikaw ay natutulog.
• Panatiliing tuyo ang iyong mga utong at palitan ang mga mamasang narsing pad nang madalas.
• Magpasuso muna sa suso na hindi masyadong mahapdi hanggang ang iyong utong ay mabuti na.
• Subukan ang “laid-back” na pagpapasuso, tingnan sa pahina 12, o subukan ang ibang
posisyon.
• Kung ikaw ay nakaupo, suportahan ang iyong suso habang nagpapasuso.
• Kumuha ng tulong upang siguraduhin na ang iyong sanggol ay may malalim na pagsunggab o
tingnan kung ano ang sanhi sa hapdi ng iyong utong.
Kung hindi mo nararamdaman na may mga pagbubuti sa loob ng 24 oras o napansin mo
namumula, mga pasa o mga biyak, tumawag sa iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan para
tulungan ka. Tingnan ang seksyon ng Paghingi ng Tulong sa pahina 40 nitong librito.
Paggamit ng Pacifier
Maraming mga sanggol na pinasuso ay hindi kailanman gumagamit ng pacifier. Ang pagsipsip ng
mga sanggol sa pacifier ay magka-iba sa pagsipsip nila sa suso. Habang ang iyong sanggol ay
natututo pang sumuso, mahihirapan siyang magpalit mula sa suso papunta sa pacifier at bumalik
muli sa suso. Minsan ang mga sanggol ay binabago ang kanilang pagsipsip sa suso at nagbabawas
ng kanilang kakayahan. Maaaring maging dahilan ng paghapdi ng mga utong, o ang sanggol ay
hindi makakapagdagdag ng timbang. Ang paggamit ng pacifier ay maaaring dahilan na ang mga
ina ay magkaroon ng mas kaunting gatas. Ang mga pacifier ay maaaring magpataas ng panganib
sa sanggol na magkaroon ng impeksyon sa tainga at sa habang panahon magkaroon problema sa
ngipin. Kung ikaw ay nagpasiya na gumamit ng pacifier, bigyan lamang ito ng sandali pagkatapos
siya ay mapasuso.
Engorgement (Pagtatabon)
Halos lahat ng kababaihan ay nararamdaman nila ang kanilang mga suso ay parang mas malaki at
mas mabigat sa ika-3 o 4 na araw pagkatapos maisilang ang kanilang sanggol. Ito ay maaaring
magtagal nang 48 oras. Kung ang iyong mga suso ay parang namamaga at masakit, ito ay
tinatawag na “engorgement” o pagtatabon. Kung ang iyong mga suso ay natabunan, maaaring
mas mahirap na sumunggab ang iyong sanggol.
Ang pagtatabon ay kadalasan nangyayari sa unang linggo ng pagpapasuso, kapag ang paglalahad
ng iyong gatas ay nagsisimula nang magbago mula sa colostrum patungo sa pagiging gatas. Ito ay
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
29
maaari mangyari dahil sa:
• Pagdagdag ng agos ng dugo sa iyong mga suso.
• Pamamaga ng mga tisyu ng iyong suso.
• Mas maraming gatas sa iyong mga suso kaysa sa iniinom ng iyong sanggol.
Maaari mong madalas na iwasan ang pagtatabon kung ikaw ay:
• Nagpapasuso kung kailanman gusto ng iyong sanggol, at hindi bababa ng 8 beses sa loob ng
24 oras.
• Siguraduhin na ang iyong sanggol ay nakasunggab ng maayos at epektibong sumususo. Dapat
naririnig mo nang madalas ang paglunok ng iyong sanggol.
• Gamitin ang dalawang suso sa bawat pagpapasuso. Kung ang iyong sanggol ay hindi sumuso
sa ikalawang suso, at nararamdaman mo na masyadong puno, pigain ng sapat na gatas mula
sa suso na iyon upang maging komportable ka. Pagkaraan ng ilang araw, ang iyong mga suso
ay magiging mas komportable ang pakiramdam.
Kung ang iyong mga suso ay natabunan:
• Pasusuin nang madalas ang iyong sanggol.
• Kung ang iyong sanggol ay hindi nakasunggab, pigain ang suso upang palambutin ang areola
pagkatapos subukan muli.
• Ilan sa mga ina ay mas komportable na gumamit ng bra. Ang ibang mga ina ay mas gusto na
walang bra. Kung ikaw ay gumagamt ng bra, siguraduhin na hindi ito mahigpit.
• Maglagay ng balot na yelo o cold compress sa iyong mga suso sa pagitan ng mga pagpapasuso.
• Kung hindi bumubuti ang pagtatabon at ang iyong sanggol ay parang hindi sumususo ng
mabuti, pigain ang iyong mga suso hanggang ang mga ito ay parang mas malambot at humingi
ng tulong.
Pagkatapos na mawala ang pagtatabon (mga 10 – 14 araw) ang iyong mga suso ay mas malambot
at hindi gaanong puno. Ang dahilan nito ay ang pamamaga ay nawala. Hindi ibig sabihin na
nawala ang iyong gatas.
30
SEKSYON 4 – Mga Mahalagang Bagay na Malaman
Pagtatabi ng Iyong Gatas sa Suso
Kung ikaw ay nagpiga ng suso at gusto na manatili ito para sa iyong sanggol, gamitin ang mga
patnubay na ibinigay sa iyo ng iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan. Sa ilalim ay mga patnubay
sa pagtatabi mula sa Academy ng Breastfeeding Medicine.
Mga oras
ng pagtat
abi para
malusog
sa
na mga s
anggol sa
Kung ikaw
ay nagpip
bahay
iga
na
para sa is
sanggol s
ang sumu a bahay, magtabi n ang wastong-buwa
n
sunod na
g gatas sa
mga patn
suso gam
• Sa temp
ubay:
it
eratura ng
kuwarto:
• Sa koole
3-4 na or
r na may
as
fr
e
ezer pack
• Sariwan
:
2
4 oras
g gatas sa
pridyeder
• Tinunaw
: 3-5 araw
na gatas s
a pridyed
• Sa freez
er: 1 araw
er ng prid
y
e
d
e
r
(hiwalay
3-6 na bu
ang pintu
wan
an):
• Sa mala
lim na fre
ezer: 6-12
na buwan
Gumamit ng malinis na baso o matigas na mga plastik na lalagyanan na libre sa BPA, o mga supot
para sa pagyeyelo ng gatas. Huwag gumamit ng mga liner ng botelya ng sanggol dahil madalas
sila ay nabubutas. Ilagay ng petsa ng piniga mong gatas sa lalagyanan. Gamitin muna ang mas
lumang gatas. Itapon ang anumang gatas na mas luma kaysa sa mga petsa ng pagtatabi na
ibinigay sa patnubay.
Maaari mong gamitan ng tasa o kutsara sa pagpapakain ng piniga na gatas sa suso sa iyong
sanggol. Kung nais mo ng karagdagan impormasyon o tulong, makipag-ugnay sa iyong lokal na
yunit ng pampublikong kalusugan o pumunta sa Paghingi ng Tulong sa pahina 40 nitong librito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Pagpipiga at Pagtatabi ng Iyong Gatas sa Suso
pumunta sa www.beststart.org/resources/breastfeeding/index.html.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
31
SEKSYON 5
Madalas na Katanungan na Tinatanong (FAQs)
Kung ang aking suso ay maliit, maaari ba akong makagawa ng sapat na gatas?
Maliit at malaking mga suso ay maaaring
makagawa ng parehong dami ng gatas. Ang
dami ng gatas na magagawa mo ay direktang
may kaugnayan sa dami ng gatas na nawala sa
iyong mga suso kapag ang iyong sanggol ay
sumususo, o kung kailan ka pumipiga ng gatas
sa suso.
Ako ay nagkaroon ng operasyon sa
suso. Puwede ba akong magpasuso?
Ang paggagawa ng sapat na gatas pagkatapos
ng operasyon sa suso ay depende sa ilang
mga sanhi:
•A
ng uri ng operasyon na nagkaroon ka.
•P
aano ginawa ang operasyon.
•K
ung mayroong pinsala sa mga nerbiyo
at mga maliit na tubo.
•A
ng tagal ng panahon mula ginawa ang operasyon.
Imposibleng hulaan kung anong uri ng tagumpay magkakaroon ang isang babae sa pagpapasuso
pagkatapos ng operasyon sa suso. Ang tanging paraan lamang na sigurado na malaman kung maaari ka
magpasuso ay ang subukan. Maaari na mas matagal kaysa sa karaniwan ang pagsisimula ng pagpapasuso.
Dapat regular dalhin ang iyong sanggol sa isang tagapagbigay-alaga ng kalusugan sa mga unang linggo.
Ang aking mga utong ay patag o baliktad. Maaari ba akong magpapasuso?
Halos lahat ng mga sanggol ay natututo sumunggab anuman ang laki o hugis ng iyong mga utong, kahit
na sila ay patag (flat) o baliktad (inverted). Maaaring matatagalan para sa iyo at sa iyong sanggol na
matuto kung ano ang dapat para sa inyo. Kung ikaw o ang iyong sanggol ay nagkakaroon ng mga
problema, humingi kaagad ng tulong. Pumunta sa seksyon ng Paghingi ng Tulong sa pahina 40 sa
libritong ito.
Paano kung wala akong sapat na gatas sa suso?
Halos lahat ng mga kababaihan ay may higit sa sapat na gatas para sa kanilang mga sanggol. Naririto
ang ilang mga bagay na magagawa mo upang siguraduhin na marami kang gatas para sa iyong sanggol.
•M
agsimula kaagad ng pagpapasuso pagkatapos mong isilang ang iyong sanggol.
•M
adalas na pasusuin ang iyong sanggol, na hindi bababa ng 8 beses sa loob ng 24 oras o higit pa.
•H
angga’t posible, hawakan ng madalas ang iyong sanggol balat-sa-balat.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
33
•A
lukin ang iyong suso kapag ang iyong sanggol ay nababalisa o nagpapakita ng mga pahiwatig
ng pagpapakain.
Ikaw ay nag-aalala, kumuha ng tulong. Pumunta sa seksyon na tinatawag ng Paghingi ng Tulong sa
pahina 40 sa libritong ito.
Bakit ang aking sanggol ay lumalagok, nabubulunan at nababalisa o umaalis
kaagad sa suso pagkatapos na simulan ko ang pagpapasuso sa kaniya?
Minsan masyadong mabilis ang pagdating ng gatas sa umpisa ng pagpapasuso. Ito ay tinatawag na
sobrang-aktibo na pinabalik na paglabas ng gatas o “ejection reflex” (let-down). Maaaring ito ang
sanhi ng kabag, pagdudura o pagkakaroon ng matubig na dumi ng iyong sanggol. Ito ay pinakakaraniwan sa unang 6 na linggo ng pagpapasuso. Naririto ang ilang mga bagay na magagawa mo:
•M
agpasuso kaagad sa paggising ng iyong sanggol, bago pa siya makaramdam ng sobrang gutom.
Ang iyong sanggol ay mas mahinahon na sususo.
•M
agpiga ng suso bago simulan ang pagpapasuso. Kapag ang iyong gatas ay nag-umpisa
tumalamsik, maghintay hanggang ang tilamsik ay tumigil bago ilagay ang iyong sanggol sa iyong
suso.
•H
umiga o kumiling ng patalikod habang nagpapasuso para ang gatas mo ay umaagos ng pataas.
•H
ayaan na ang iyong sanggol sumuso ng mas matagal sa unang suso bago ilipat siya sa kabilang
suso. Sa ilang mga kaso nakakatulong na magpapasuso sa isang suso bawat pakain. Ipalit sa
kabilang suso sa susunod na pakain.
•H
uminto at idighay ang iyong sanggol kung ang iyong sanggol ay lumalagok, umuubo,
o nabubulunan.
34
SEKSYON 5 – Madalas na Katanungan na Tinatanong (FAQs)
Pakinggan ang iyong sanggol! Alam nila kung kailan sila ay gutom at
kailan sila kailangang aliwin. Magtiyaga dahil ito ay magiging mas
madali… bigyan ng hindi bababa sa dalawang buwan upang magkakilanlan kayo sa isa’t isa. Ito ay maikling panahon lamang sa kabuuan
ng mga bagay.
Ang mga suso ay parang mas malambot
kaysa sa umpisa. Ang aking gatas ba ay
mas kaunti?
Ang dami ng iyong gatas sa iyong mga suso ay walang
kaugnayan sa iyong pakiramdaman ng iyong mga suso.
Nagbabago ang iyong mga suso sa habang tumatagal
ang panahon at tumutugon sa paglalaki ng iyong
sanggol. Kadalasan, ang pagkakaroon ng isang mas
nakatatandang sanggol, ang mga suso ay lumalambot.
Ako ay may lagnat at isa sa aking mga suso
ay masakit. Maaari ba ako magpasuso?
Kung ikaw ay mayroon mahapdi, pamamaga o
pamumula iyong suso at mayroon lagnat, maaaring
mayroon kang impeksiyon sa suso, na tinatawag rin na
mastitis. Ayos lamang na magpatuloy sa pagpapasuso.
Ang katotohanan, mahalaga na regular na ubusin ang
laman sa suso na kasama ng impeksyon o ang
impeksyon ay magiging malala. Makipag-ugnay sa sa
iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan upang magamot. Para sa karagdagan impormasyon sa mastitis,
tingnan ang www.beststart.org/resources/breastfeeding/index.html.
Napansin ko ang isang bukol sa aking suso? Ano ito?
Kung napansin mo ang isang bukol sa iyong suso habang ikaw ay nagpapasuso, maaaring ito
ay isang nakaharang na maliit na tubo. Magpatuloy sa pagpapasuso ng iyong sanggol at tingnan
ang impormasyon tungkol sa nakaharang mga maliit na tubo sa
www.beststart.org/resources/breastfeeding/index.html. Ipagbigay-alam sa iyong tagapagbigay-alaga
ng kalusugan kung mayroon kang bukol sa iyong suso na hindi nawawala.
Mas marami ang aking gatas kaysa sa kailangan ng aking sanggol. Ang
katotohanan, marami akong tinabing gatas sa aking freezer. Ano ang maaari
kong gawin?
Sadyang normal na ilang mga ina na magkaroon ng mas maraming gatas kaysa sa kinakailangan ng
sanggol sa unang mga linggo ng pagpapasuso, lalung-lalo na kung mayroon kang maliit o kulang sa
buwan na sanggol. Kadalasan naaayos ito makalipas ang ilang linggo.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
35
Ang ilang mga ina ay patuloy na nagkakaroon ng sobrang panustos na gatas. Ito ay maaaring natural
para sa iyong katawan o maaaring sanhi ng regular na pagpipiga ng gatas sa suso at pati na rin sa
pagpapasusuo ng iyong sanggol. Kung ikaw ay nagpipiga ng iyong gatas sa suso, bawasan nang ilang
beses nang pagpipiga ng iyong gatas hanggang hindi ka na nagpipiga ng gatas na higit sa
kinakailangan ng iyong sanggol.
Kung sobrang-sobra ang iyong panustos na gatas nang hindi nagpipiga, subukan ang pagpapasuso sa
iyong sanggol sa isang suso lamang sa bawat pakain. Ito ay makakabawas ng iyong panustos ng gatas.
Maaari mong gamitin ang gatas na itinabi sa iyong freezer at haluin sa cereal na pang-sanggol, o ibang
pagkain ng sanggol kapag nagsimula ng matigas na pagkain ang iyong sanggol. Kung nais mo ibigay
ang iyong gatas para sa may sakit o kulang sa buwan na mga sanggol, makipag-ugnay sa bangko ng
gatas ng tao. Sa Ontario, pumunta sa www.milkbankontario.ca.
Ang aking sanggol ay ilang linggong gulang lamang at nakakasunggab ng
maayos. Bakit ang aking mga utong ay biglang mahapdi?
Minsan ang ina o ang kaniyang sanggol ay nagkakaroon ng isang kondisyon na tinatawag na thrush.
Ito ay maaaring sanhi ng pananakit ng iyong mga utong. Maaari na mapapansin mo mga puting patse
sa bibig ng iyong sanggol. Makipag-ugnay sa iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan at tingnan ang
impormasyong tungkol sa thrush sa: www.beststart.org/resources/breastfeeding/index.html.
Kailan makakatulog ng buong gabi ang aking sanggol?
Bawat sanggol ay magkaka-iba at ang mga sanggol ay nangangailangan kumain sa loob ng buong
araw, lalo na sa mga una na mga araw. Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng sanggol dahil sa
kaniyang maliit na tiyan at makakatulong sa iyo sa pamamagitan ng madalas na pagpapasigla ng iyong
mga suso. Ang matagalang pagitan ng hindi pagpapasuso ng iyong sanggol sa gabi ay hindi
nakakatulong sa mga unang mga buwan.
36
SEKSYON 5 – Madalas na Katanungan na Tinatanong (FAQs)
Mapapansin mo na ang iyong sanggol ay
nagigising nang madalas sa gabi kapag:
•A
ng iyong sanggol ay mayroon “growth
spurt”.
•A
ng iyong sanggol ay may sakit.
•A
ng iyong sanggol ay natututo ng
bagong karunungan tulad ng paggulong
o pagtatayo.
•A
ng iyong sanggol ay nangangailangan
na makaramdam ng kaligtasan.
• Ikaw bumalik sa pagtatrabaho o pagaaral at malayo sa iyong sanggol ng
mas madalas kapag sa araw.
Habang ang iyong sanggol ay lumalaki, siya
ay hindi gaano magigising sa gabi. Hindi ka
nag-iisa… lahat na mga bagong ina ay
nangangarap kung kailan sila makakatulog
ng buong gabi. Sa ngayon, humingi ng
tulong at magpahinga kung posible kapag
ang iyong sanggol ay natutulog.
Nararamdaman ko na gusto kong
umiyak, nababalisa at iritable.
Nararamdaman ko rin na hindi
ako natutuwa sa aking sanggol.
Bakit ganito ang aking nararamdaman?
Ilan sa mga ina ay nararamdaman ang lungkot o hindi interasado sa anumang bagay, pati na rin sa
kanilang sanggol. Hindi lang ikaw ang ina na ganito ang nararamdaman. Halos 1 sa 5 sa mga ina ay
nagkakaroon ng kondisyon ng pagtapos ng panganganak na karamdaman (postpartum mood disorder).
Mayroong tulong. Ang postpartum ay maaaring gamutin ng mga gamot, pagpapayo at suporta mula sa
ibang mga ina na dumadaan sa ganitong karanasan. Makipag-ugnay sa iyong tagapagbigay-alaga ng
kalusugan kung ito ay nararamdaman mo. Maaari rin kumuha ng impormasyon mula sa:
www.lifewithnewbaby.ca.
Makapagpapasuso ba ako kapag ako ay may sakit?
Kahit na ikaw ay may sakit, karaniwan ay maaari ka pa ring magpasuso ng iyong sanggol. Kung may
sipon, trangkaso o ibang uri na impeksyon, ang iyong katawan ay gumagawa ng mga antibody upang
labanan ang sakit. Malilipat mo ang mga ito sa iyong sanggol sa pamamagitan ng gatas ng suso. Ito ay
magbibigay sa kaniya ng ilang proteksyon laban sa sakit. Kapag ikaw ay may sakit, pinakamabuti na
palaging makipag-ugnay sa iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan kung may anumang mga pag-iingat
na dapat mong gawin.
Ano ang dapat kong kainin kapag ako ay nagpapasuso?
Magpatuloy at kainin lahat ng iyong paboritong malulusog na pagkain. Kahit na ang iyong diyeta ay
hindi perpekto, ang iyong gatas ay mayroon mga pagkain na kailangan ng iyong sanggol. Para sa
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
37
impormasyon tungkol sa suplemento ng bitamina D para sa sanggol, pumunta sa pahina 37.
Para sa iyong sariling kalusugan, sundan ang Canada’s Food Guide, uminom ng maraming likido, at
magpahinga ng marami. Tumawag sa iyong lokal na yunit ng pampublikong kalusugan para sa kopya
ng Eating Well with Canada’s Food Guide, o pumunta sa website
www.hc-sc.gc.ca/fn-an/food-guide-aliment/index-eng.php.
Kung mayroon kang karagdagang mga katanungan tungkol sa iyong pagkain, makipag-ugnay sa
Eat Right Ontario sa: www.eatrightontario.ca o tumawag sa 1-877-510-510-2.
Ligtas ba para sa akin na uminom ng alak kapag nagpapasuso?
Ang alak ay lumilipat sa pamamagitan ng gatas ng suso. Ito ay maaaring makaapekto sa paglaki ng
iyong sanggol, at mabawasan ang gatas na nagagawa mo. Pinaka-mabuti na piliin mo na walang
alkohol habang ikaw ay nagpapasuso. Kung pinili mo uminom ng alak, pinaka-mabuti na huwag
magpasuso ng hindi bababa sa 2 oras bawat ininom na alkohol. Para sa impormasyon tungkol sa paginom ng alak at pagpapasuso, tingnan ang www.beststart.org/resources/alc_reduction/index.html.
Ang Motherisk na website ay mas maraming impormasyon sa pag-iinom habang nagpapasuso:
www.motherisk.org. Maaari rin na tawagan ang Motherisk sa 1-877-439-2744.
Ligtas bang uminom ng gamot habang ako ay nagpapasuso?
Halos lahat ng mga gamot ay ligtas kapag ikaw ay nagpapasuso, ngunit palaging magtanong sa iyong
tagapagbigay-alaga ng kalusugan, sa iyong parmasiyotiko o Motherisk. Kausapin ang iyong
tagapagbigay-alaga ng kalusugan tungkol sa pagpapasuso kung ikaw ay gumagamit ng droga. Ang
droga ay mapanganib sa iyong sanggol. Kung ikaw ay may anumang katanungan tungkol sa mga
gamot o ibang mga droga at pagpapasuso, bisitahin ang Motherisk sa www.motherisk.org o tumawag
sa 1-877-439-2744.
38
SEKSYON 5 – Madalas na Katanungan na Tinatanong (FAQs)
Kung ako ay naninigarilyo, dapat ba ako ay magpapasuso?
Ang pagpapasuso ay mabuti para sa iyong sanggol kahit na ikaw ay naninigarilyo. Kung maaari,
subukan na bawasan o tumigil sa paninigarlyo. Ang paninigarilyo ay sanhi ng pagbabalisa ng iyong
sanggol. Ang malakas na paninigarilyo ay maaaring mabawasan ang dami ng iyong gatas.
Kung ikaw o ibang tao sa iyong bahay ay naninigarilyo, bawasan ang paglalantad ng iyong sanggol sa
usok galing sa sigarilyo. Ang mga sanggol at mga bata ay lalong mahina sa mga epekto sa usok galing
sa sigarilyo. Naririto ang ilang mga ideya:
•M
agpasuso bago ka manigarilyo.
•M
anigarilyo sa labas ng iyong bahay at kotse.
•H
ugasan ng mabuti ang iyong mga kamay at alisin ang mga damit panlabas pagkatapos kang
manigarilyo.
•H
umiling sa mga tao na huwag manigarilyo sa paligid mo at sa iyong sanggol.
Para sa tulong upang gawin ang iyong kapaligiran na malaya sa usok ng sigarilyo, pumunta sa:
www.beststart.org/resources/tobacco/index.html.
Kung gusto mong tumigil sa paninigarlyo, tumawag sa linyang tumutulong sa mga naninigarilyo sa
1-877-513-5333 o bisitahin ang www.smokershelpline.ca.
Dapat ba bigyan ko ang aking sanggol anuman mga bitamina?
Ang Public Health Agency ng Canada at ang Canadian Paediatric Society ay nagpapasiya na lahat ng
mga pinapasuso na sanggol ay bigyan ng mga patak ng Bitamina D. Makukuha mo ito sa iyong lokal
na parmasyotiko. Kausapin ang iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan tungkol sa dami na ibibigay
sa kaniya.
Hindi ako komportableng magpasuso sa publiko. Ano ang magagawa ko?
Lahat ng mga ina ay may karapatan magpasuso sa kanilang mga sanggol sa pampublikong lugar, kahit
saan, anumang oras. Ang mga ina ay nagiging komportable sa pagpapasuso sa pampublikong lugar
kapag ginawa nila ito ng maka-ilang beses. Maaari kang maglagay ng isang kumot na tinatakpan ang
iyong sanggol na nasa iyong suso, o gumamit ng mga pambalabal na damit upang takpan ang
nakalantad na balat. Kung hindi ka komportable sa pagpapasuso sa pampublikong lugar, maraming
mga mall at mga pampublikong gusali na may mga malinis, pribadong lugar para sa mga ina na
nagpapasuso. Kung hindi mo alam kung saan ito, magtanong lamang.
Kailan ko dapat pakainan ang aking sanggol ng mahigit sa gatas ng suso?
Ang mga sanggol ay nangangailangan lamang ng gatas ng suso at mga patak ng Bitamina D sa unang
6 na buwan.
Kapag ang iyong sanggol ay halos 6 na buwang gulang, maaari mong ipakilala siya sa mga matitigas
na mga pagkain na masustansya at mataas sa iron. Upang malaman tungkol sa pagpapakilala at
pagpapakain ng mga matitigas na pagkain sa iyong sanggol tingnan ang libritong Pagpapakin ng Iyong
Sanggol mula 6 na Buwan hanggang 1 Taon sa: www.beststart.org/resources/nutrition/index.html o
tumawag sa iyong lokal na yunit ng pampublikong kalusugan.
Maaari kang magpasuso ng iyong sanggol nang 2 taon o mahigit. Ang gatas ng suso ay isang
mahalagang bahagi ng pagkain ng iyong sanggol at paglaki sa panahon na ito, kahit na ang iyong
sanggol ay kumakain ng lahat ng uri na pagkain sa mesa.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
39
Maghanap ng ibang mga ina sa iyong komunidad. Ang Early Years Centre
na pinuntahan ko ay ang pinakamagandang bagay na ginawa ko.
Pumupunta pa rin ako bawat linggo, at ang aking anak na babae ay
10.5 buwan gulang na. Kami ay nakikipag-usap, nakikinig, nakikibahagi
ng mga kuwento at natututo. Ito ay kahanga-hanga kahit na ang
pagpapasuso ay isang natural na bagay, marami pa ring matututunan.
Kailan ko maaring ibigay ang gatas ng baka sa aking sanggol?
Maaari mong ipakilala ang gatas ng baka habang nagpapatuloy sa pagpapasuso. Maghintay ng
9 hanggang 12 buwang gulang ang iyong sanggol, bago ipakilala ang gatas ng baka. Kapag nag-umpisa
ka na gumamit ng gatas ng baka mahalaga na gumamit na pasteurized whole milk (3.25%) na gatas.
Ang taba at kalorya ng gatas ay kinakailangan nga utak ng iyong sanggol upang mag-develop ng
wasto. Huwag magbigay ng skimmed milk, 1% o 2% na gatas hanggang ang bata ay 2 taong gulang.
Ano kaya kung ako ay bumalik sa pag-aaral o trabaho?
Kapag bumalik ka sa pag-aaral o pagtatrabaho, maaari pa rin na pakainin ang iyong sanggol ng
gatas ng suso. Tingnan ang Pagpipiga, Pagtatabi, and Pagpapakin ng Gatas ng Suso sa
www.beststart.org/resources/breastfeeding/index.html.
Maaari rin na tingnan ang polyetong Pagbabalik sa Trabaho Pagkatapos ng Sanggol sa
www.beststart.org/resources/wrkplc_health/index.html.
Anong uri ng birth control na magagamit ko?
Ang pagpapasuso at birth control ay magkatugma. Sa tamang paraan, magbigay ng panahon nang
hindi bababa sa 18 buwan sa pagitan ng panganganak at pagbubuntis ng isa pa. Ikaw at ang iyong
kabiyak ay may ilang mapagkakatiwalaan na birth control na mapagpipilian.
Ang mga sumusunod na mapagpipilian ay walang epekto sa relasyon ng pagpapasuso at kadalasan
maaaring umpisahan pagkatapos ng panganganak o ang pagtsek-up pagkatapos ng panganganak.
40
•A
ng Lactational Amenorrhea na Pamamaraan (pinapaliwanag sa ibaba)
•M
ga Kondom (lalaki at babae)
•M
ga Spermicide (foam, gel, vaginal contraceptive film)
• Intra-Uterine Device (I.U.D.) (Aparato para sa panloob ng bahaybata
•D
ayapram (kinakailang muling sukatan pagkatapos ng panganganak)
•V
asectomy (permanente para sa lalaki)
•P
agtatali (permanente para sa babae)
SEKSYON 5 – Madalas na Katanungan na Tinatanong (FAQs)
Mayroon mga pagpipigil sa pagbubuntis na batay-sahormone. Kung nagpasya kang gumamit ng pagpipigil
sa pagbubuntis na batay-sa-hormone, inirerekomenda
na ang mga ina ay gumamit ng Progestin-lamang na
isang uri ng birth control na maaaring umpisahan
kapag ang iyong sanggol ay 6 na linggong gulang.
Kasama sa mga mapagpipiliang birth control na
batay-sa-hormone ay:
Progestin-lamang
•M
ini Pildoras
•D
epo Provera
Estrogen at progestin
•B
irth Control na Pildoras
•B
irth Control Patch
•S
ingsing pangpigil sa pagbubuntis sa loob ng ari (Vaginal Contraceptive Ring)
Ang Lactational Amenorrhea Method (LAM) ay isang epektibong uri ng birth control, ngunit ito ay
maaari lamang kapag nasagot mo ng “Oo” ang lahat ng sumusunod na mga pahayag:
❑ A ng aking sanggol ay mas mababa sa
6 buwang gulang.
❑ A ng aking buwanang regla ay hindi pa bumabalik (ito ang ibig sabihin ng “Amenorrhea”)
❑ A ng aking sanggol ay buong-buo o halos buong-buo na pinapasuso.
❑ A ng aking sanggol ay sumususo ng hindi bababa ng tuwing apat na oras sa araw at hindi bababa
ng tuwing anim na oras sa gabi.
Ang ibig sabihin ng “buong-buo na pinapasuso” ay ang lahat ng pagkain ng iyong sanggol ay mula sa
pagpapasuso. Ang ibig sabihin ng “halos buong-buo na pinapasuso” na dagdag sa pagpapasuso at
Bitamin D, ang iyong sanggol ay tumatanggap lamang ng isa o dalawang subo ng ibang mga likido o
matitigas na pagkain bawat araw.
Kung hindi ka nagpaplano ng isang pagbubuntis at sumagot ng “hindi” kahit sa isa sa mga pahayag,
kinakailangan mong gumamit ng ibang uri ng birth control.
Makapagpapasuso ba ako kapag ang aking sanggol ay magkaroon ng ngipin?
Maraming mga ina ay nag-aalala na kapag ang kanilang sanggol ay may ngipin na, kakagatin o
ngunguyain niya ang utong. Maraming mga sanggol kailanman ay hindi ginagamit ang kanilang ngipin
habang sumususo. Kung ang iyong sanggol ay kumakagat, ang iyong natural na gagawin ay aalisin
ang sanggol sa iyong suso. Ito ay kadalasan hindi na mahimok pa ng karagdagan pangangagat.
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
41
SEKSYON 6
Paghingi ng Tulong
Kailan hihingi ng tulong?
Natural ang pagpapasuso, ngunit maaaring matagal ang panahon upang matuto. Mayroong mga
oras na kailangan mong humingi ng tulong mula sa isang propesyonal. Kung kailangan mo ng
tulong, makipag-ugnay sa iyong tagapagbigay-alaga ng kalusugan o iyong yunit ng pampublikong
kalusugan.
Siguraduhing kaagad na humingi ng tulong kung napansing mayroong anumang mga pahiwatig
na ito:
• Ang iyong sanggol ay sumususo ng mas mababa sa 8 beses sa loob ng 24 oras.
• Pagkatapos ng Araw 4, ang iyong sanggol ay may maitim na dumi.
• Pagkatapos ng Araw 4, ang iyong sanggol ay mas mababa kaysa sa 3 dumi o mas mababa
kaysa sa 6 na basang-basa na lampin sa loob ng 24 oras.
• Ang iyong sanggol ay di-pangkaraniwang naaantok, nababalisa, o hindi mapakali.
Ang mga ito ay ibang mga pahiwatig na mayroong di-tama.
• Sumasakit ang iyong utong.
• Matigas at masakit ang iyong mga suso.
• Nararamdaman mo na para kang may trangkaso.
Saan Hihingi ng Tulong?
Mga mapagkukunan na nag-aalok ng tulong at suporta ng tao, sa telepeno o sa internet
• Mga Yunit ng Pampublikong Kalusugan (Public Health Units)
www.serviceontario.ca
• La Leche League Canada – suporta ng ina-sa-ina sa pagpapasuso
www.lllc.ca or call 1-800-665-4324
• Telehealth Ontario – libreng pag-uugnay sa isang rehistradong nars 24 oras,
tumawag sa 1-866-797-0000
www.health.gov.on.ca/en/public/programs/telehealth/
• Motherisk – impormasyon tungkol sa mga droga at gamot
www.motherisk.org o tumawag sa 1-877-439-2744
•E
atRight Ontario
www.eatrightontario.ca o tumawag sa 1-877-510-510-2
• INFACT Canada
www.infactcanada.ca
May Kahalagahan ang Pagpapasuso
43
Narinig ko mula sa aking mga kaibigan na nagkaroon ng mga
sanggol kung paano nila ginamit ang mga tagapayo sa paggagatas
(lactation consultants). Sila ay kamangha-manghang pagkukunan
ng tulong, kung ikaw ay nahihirapan sa pagpapasuso.
Mga Tagapayo sa Paggagatas
• Upang hanapin ang isang tagapayo sa paggagatas sa iyong lugar, pumunta sa www.ilca.org,
i-click ang “Directories” at pagkatapos “Find a Lactation Consultant”. Maaaring may isang
tagapayo sa paggagatas na malapit sa iyong tinitirhan.
Mga mapagkukunan na maaari mong i- download o i-print sa Ingles o Pranses
Ang Best Start Resource Centre ay may mga mapagkukunan sa sumusunod na mga paksa:
• Pagpapasuso – http://beststart.org/resources/breastfeeding/index.html
• Alkohol at Pagbubuntis/Pagpapasuso – http://beststart.org/resources/alc_reduction/index.html
• Pagsisigarilyo/Tobako – http://beststart.org/resources/tobacco/index.html
Mga Lokal na Mga Mapagkukunan
May maraming mga lokal na mapagkukunan na magagamit. Alamin ang tungkol sa iyong lokal
na mapagkukunan mula sa iyong yunit pangkalusugan, ang iyong tagapagbigay-alaga ng
kalusugan, ang iyong ospital, ibang mga ina o sa internet. Ilista sila sa patlang sa ilalim para sa
madaliang sanggunian.
44
SEKSYON 6 – Paghingi ng Tulong
Lubos akong nagpapasalamat sa libritong ito at mga grupo na
nagsusuporta ng pagpapasuso. Nang ang aking anak na babae ay
unang ipinanganak, ako ay malayo ang isip at nababagabag ang
damdamin. Ako ay nalula sa lahat ng mga suporta na inalok ng aking
lugar. Ang ibang mga nanay sa mga grupong pansuporta ay kamanghamangha! Pagkukwento ng aming mga kuwento, mga tagumpay at mga
kahirapan ay nagbigay-daan sa akin na umalis doon na may tiwala sa
sarili na magpasiya na magpatuloy sa pagpapasuso. Ang mga grupong
ito at mga librito ay talagang mahalaga.
Best Start: Ontario’s Maternal, Newborn and Early Child Development Resource Centre
www.healthnexus.ca | www.beststart.org
Itong dokumento ay inihanda sa mga pondo na binigay ng Pamahalaan ng Ontario.
Binago noong Marso 2013

Similar documents