delikado ang kalusugan ng hindi naninigarilyo
Transcription
delikado ang kalusugan ng hindi naninigarilyo
MAS DELIKADO ANG KALUSUGAN NG HINDI NANINIGARILYO NGUNIT MADALAS NA MAKALANGHAP NG USOK NG SIGARILYO Ilan sa mga laman ng usok ng sigarilyo... BENZENE ARSENIC natatagpuan sa gasolina FORMALIN CHROMIUM gamit sa pangembalsamo ng patay POLONIUM-210 isang kemikal na radioactive gamit sa paggawa ng pesticide gamit sa paggawa ng bakal LEAD Ang tinatawag na “SECONDHAND SMOKE” pinagbabawal na gamit sa paggawa ng pintura o usok na ibinubuga ng mga naninigarilyo ay nagtataglay ng: CYANIDE CADMIUM higit sa 6,000 na kemikal at higit sa 50 na kemikal na ito ay nagdudulot ng kanser gamit sa chemical weapons VINYL CHLORIDE gamit sa paggawa ng tubo AMMONIA gamit sa paggawa ng baterya maraming nakapipinsalang metal na nagdudulot ng pagkasira sa utak at bato (kidneys) at mga nakalalasong gas na nagdudulot ng pinsala sa puso, baga, lalamunan at mata gamit sa paglinis ng kubeta TOULENE natatagpuan sa paint thinner BUTANE gamit sa paggawa ng lighter fluid NICOTINE natatagpuan sa insecticide CARBON MONOXIDE natatagpuan sa tambutso ng sasakyan TAR alketran at aspalto Mas maraming usok ang ibinubuga ng naninigarilyo kaysa pumapasok sa katawan nito, kaya mas delikado ang lagay ng kalusugan ng mga hinidi naninigarilyo ngunit laging nakakalanghap ng secondhand smoke. Ang secondhand smoke ay dalawang (2) beses o higit pa na nagtataglay ng NICOTINE at TAR kaysa sa nilalanghap ng taong naninigarilyo. Ito rin ay nagtataglay ng limang (5) beses na dami ng CARBON MONOXIDE na kumukuha ng oxygen sa dugo na nagreresulta sa panghihina ng resistensya ng katawan at nauuwi sa pagkakasakit. HINDI LIGTAS ANG USOK NG SIGARILYO KONTI MAN O MADAMI ANG MALALANGHAP MO Mahigit sa 60% ng kabataang Pilipino ay nakakalanghap ng secondhand smoke sa loob mismo ng kanilang tahanan. (Ito ay ayon sa Philippines Global Youth and Tobacco Survey 2007.) Masamang Epekto sa Sanggol Masama ang secondhand smoke sa sanggol na wala pang isang taong gulang. Dahil ang katawan ng sanggol ay mahina pa at wala pa siyang sapat na pananggalang laban sa sakit at impeksyon, sadyang napakadali niyang maapektuhan ng mga kemikal at lason na nagmumula sa usok ng sigarilyo. Ayon sa mga eksperto, ang SUDDEN INFANT DEATH SYNDROME (SIDS) o ang biglaang pagkamatay ng sanggol sa kanyang pagtulog, ay malamang bunga ng pagbabago sa kondisyon ng utak at baga ng sanggol na nagreresulta sa pagbabago ng paghinga nito sa kanyang pagtulog . Ang mga kemikal na taglay sa usok ng sigarilyo ang isa sa itinuturong dahilan kung bakit nangyayari ang SIDS. Masamang Epekto sa Bata Lumalabas sa maraming pag-aaral na ang mga bata na may isa o parehong magulang na naninigarilyo ay mas madaling kapitan ng sakit. Ang baga ng mga batang ito ay hindi lumalaki ng sapat at tumitibay kumpara sa mga batang hindi nakakalanghap ng secondhand smoke. Kung kaya’t sila ay mas madaling magkaroon ng bronchitis at pulmonya. Madalas din silang makaranas ng ubo, sipon, hirap sa paghinga at may tunog na paghinga (wheezing). Ang secondhand smoke ay nakapagpapalala din ng sintomas ng allergy, lalo na ang hika. Maaaring maging sanhi din ito ng iritasyon sa mata, pananakit ng ulo, pagkahilo, pagduduwal, pagdurugo ng ilong at impeksyon sa tenga. Ito ay isa rin sa itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng kanser ang mga bata, tulad ng leukemia, lymphoma at tumor sa utak. Ang batang lumalaki sa tahanang may maninigarilyo ay madalas din magkasakit. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkakaroon ng sakit sa puso sa pagtanda ay nagsisimula sa madalas na paglanghap ng usok habang bata pa lamang. Makakasama din ang pag-iwan ng sigarilyo, posporo, lighter, ashtray na may laman upos at abo dahil ang mga ito ay maaaring paglaruan ng bata at maging sanhi ng pagkalason, sakuna at sunog. Masamang Epekto sa Kabataan Ayon sa mga pag-aaral, ang kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pito (7). Paano naman kasi, sadyang tinatarget ng industriya ng tobako ang kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng patalastas, anunsyo, promosyon at pagsponsor ng iba’t ibang aktibidad na kinahihiligan ng kabataan. Binubulag din ng kumpanya ng sigarilyo ang kamalayan at isipan ng mga kabataan upang sila ay mahikayat na magsimula at tuluyang malulong sa masamang bisyo ng paninigarilyo. Pinapalabas ng industriya ng tobako na ang paninigarilyo ay “uso, cool, macho, sexy o sosyal.” Ngunit ang katotohanan ang paninigarilyo ng kabataan ay nagdudulot ng: • Mabahong amoy ng hininga, buhok at damit; • Kawalan ng panlasa at pang-amoy; • Pagkasira o pagkabulok ng ngipin, daliri at kuko; • Pangungulubot ng balat at mabilis na pagtanda ng hitsura; • Paghingal at madaling pagkapagod; • Problemang sekswal, tulad ng: - pagbaba ng bilang ng itlog (ova) ng babae - mahirap o matagal na panahon na pagbubuntis ng babae - kawalan ng kakayahang tigasan o mapanatiling matigas ang ari ng lalaki - pagiging abnormal ng laki, dami o bilis kumilos ng punla (sperm) ng lalaki at - pagkabaog Masamang Epekto sa Kababaihan Ang paninigarilyo o madalas na paglanghap ng secondhand smoke ng kababaihan, lalo na ang mga nasa edad na pagdadalaga at pagbubuntis (reproductive age) ay may masamang epekto hindi lamang sa pansariling kalusugan kundi pati na rin sa kalusugan ng kanilang magiging anak. Mapanganib sa mga buntis ang paninigarilyo o ang madalas na paglanghap ng secondhand smoke dahil ito ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng kumplikasyon tulad ng pagdurugo, hindi maayos na pagkapit ng sanggol sa inunan (placenta), pagbubuntis sa anunang punlay o sa iba pang parte sa labas ng matris (ectopic pregnancy), pagkamatay ng bata sa loob ng matris (stillbirth), pagkalaglag, panganganak ng kulang sa buwan, mababang timbang ng sanggol at ang hindi pag-unlad ng baga ng sanggol sa sinapupunan. Ang mga sanggol na iniluwal ng mga naninigarilyong ina ay may mas mataas na antas ng panganib na mamatay bago ang kanilang unang kaarawan dahil sa sakit sa baga at paghinga. Ang paninigarilyo at paglanghap ng secondhand smoke ng kababaihan ay nagdudulot din ng mga kulubot sa mukha at pinapabilis ang pagtanda, kabilang na ang pagpapaaga ng dating ng menopause. PARA SA KALUSUGAN NG PAMILYA, ANG PANINIGARILYO AY TIGILAN NA Tinatayang 8 sa 10 naninigarilyo ay gusto nang tigilan ang kanilang masamang bisyo. Sa kadahilanang ito ay isang adiksyon at may tinatawag na withdrawal symptoms, nahihirapan ang ilan tigilan ang paninigarilyo. Mahirap man, ngunit ito ay posibleng gawin. Ang tinatawag na “Cold Turkey” o ang biglaang pagtigil sa paninigarilyo ay ang sinasabing pinakamabuting paraan. Mapo-protektahan na ang sariling kalusugan, maililigtas pa ang kalusugan ng buong pamilya na naapektuhan ng secondhand smoke. Ang unang hakbang na dapat gawin ay magtalaga ng “Quit Date” o petsa kung kailan planong tigilan ang paninigarilyo. Habang hinihintay ang araw na iyon, gawin ang sumusunod: • Itapon ang lahat ng sigarilyo, ashtray, lighter at iba pang gamit sa paninigarilyo sa loob ng bahay at sasakyan. • Kausapin ang pamilya, kasama sa bahay at kaibigan sa plano mong ito upang matulungan ka nilang ipagpatuloy ang pagtigil sa paninigarilyo. • Planuhin kung paano mo haharapin ang mga lugar at sitwasyon na alam mong mauudyok kang magsigarilyo. Hanggat maaari ay iwasan mo muna ang mga ito sa loob ng ilang linggo. • Tandaan na ang pananabik sa paninigarilyo ay lilipas din matapos ang ilang minuto. Upang makalimutan ito, huminga ng malalim, uminom ng tubig, kumain ng candy o kaya’y maging abala sa paggawa ng ibang bagay. • Handugan mo ang sarili ng magandang bagay mula sa perang maiipon mo na pambili sana ng sigarilyo. • Kung bumalik ang paninigarilyo, huwag mawalan ng pag-asa. Normal lang ito, kung kaya’t sikapin mo muling tigilan ang paninigarilyo sa mga susunod na araw. Magiging matagumpay pa rin ang desisyon mong ito sa kinalaunan. Sa magulang at bawat miyembro ng pamilya... • Kung ikaw ay naninigarilyo, ihinto mo na ang masamang bisyo na ito. • Kung hindi mo mapigilan, manigarilyo ka sa labas ng bahay o sasakyan at malayo sa ibang tao, lalung-lalo na malayo sa mga bata. • Ang pagbubukas ng bintana o paninigarilyo sa kuwarto o ibang bahagi ng bahay ay hindi sapat na proteksyon para mailayo mo ang usok ng sigarilyo sa mga bata at iba pang miyembro ng pamilya. Tandaan na ang usok ng sigarilyo ay kumakapit din sa iba’t-ibang bagay tulad ng damit, kurtina o kasangkapan at ang epekto nito ay nakakasama din sa kalusugan. • Huwag mong pahintulutan ang bisita o ibang tao na manigarilyo sa loob ng bahay o sasakyan. • Alisin lahat ng sigarilyo, ashtray, lighter o iba pang gamit sa paninigarilyo sa loob ng bahay o sasakyan. • Kung iiwan ang mga maliliit na bata sa isang day care center, siguraduhing hindi pinapahintulutan ang paninigarilyo sa loob, labas at paligid nito. • Huwag dalhin ang mga bata sa mga lugar na pinapahintulutan manigarilyo sa loob ng gusali. • Huwag utusan ang maliliit na bata o menor de edad na bumili ng sigarilyo para sa iyo. • Turuan ang mga bata na lumayo sa taong naninigarilyo. • Pagsabihan o i-report ang mga sari-sari store o iba pang tindahan na nagbebenta ng sigarilyo sa mga bata o kaya’y nagbibigay ng kung anu-anong bagay para sa promosyon ng sigarilyo sa mga kabataang wala pang 18 taong gulang. • Suportahan ang mga batas, ordinansya o patakaran na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Sa mga health at social workers ng komunidad... • Ilista ang mga tahanan/pamilya na pinapahintulutan ang paninigarilyo sa loob ng bahay o sasakayan at ipaalam ang masamang epekto ng paninigarilyo at paglanghap ng usok ng sigarilyo sa kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya. • Mag-organisa ng pagtuturo, pagsasanay at iba pang aktibidad sa mga miyembro ng komunidad tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo at paglanghap ng usok ng sigarilyo lalo na sa kalusugan ng kababaihan, sanggol at bata. • Magbigay ng payo sa mga babaeng nasa mga edad ng pagdadalaga at pagbubuntis (reproductive age), lalo na ang mga buntis at mga bagong panganak na huwag manigarilyo o lumayo sa usok ng sigarilyo. • Hikayating ang mga tatay at iba pang miyembro ng pamilya na naninigarilyo na tigilan na ang masamang bisyo o kaya naman ay huwag manigarilyo sa loob ng bahay at sasakyan lalo na sa harap ng mga kababaihan at mga bata. • Turuan ang mga bata na lumayo sa taong naninigarilyo. • Maghanda ng listahan ng mga sari-sari stores at iba pang tindahan na nagbebenta ng sigarilyo at iba pang produkto ng tobako, at ipaalam sa mga may-ari at tagabantay ng mga ito tungkol sa mga nakasaad na alituntunin sa Republic Acr 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003 na nagsasabing: - ang pinakamababang edad na pinapahintulutan bumili, magtinda at mabigyan ng anumang bagay sa promosyon ng tobako ay 18 taong gulang; - ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pasilidad na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan o pangkawang-gawa at sa mga lugar na pinupuntahan ng mga kabataan tulad ng paaralan, dormitory, playground at iba pang palaruan. - ipinagbabawal din ang pagtitinda at pagbibigay ng anumang bagay sa promosyon ng sigarilyo at iba pang produkto ng tobako sa loob, labas at paligid ng mga lugar ng pinupuntahan ng mga kabataan na may layo na 100 metro o katumbas sa sukat ng tatlong basketball courts. • Maglagay ng mga karatulang NO SMOKING sa loob ng gusali ng mga pampublikong lugar at maging sa loob, labas at paligid ng mga lugar na pinupuntahan ng kabataan. • Suportahan ang mga batas, ordinansya o patakaran na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Similar documents
Letter to Santanian
Bukod sa polusyon ng Abra River, kinakaharap ngayon ng mamayan ng Ilocos Sur ang banta ng black sand mining. Kaya hindi malayong ang karahasang ginawa sa mga miyembro ng SMM ay mangyari sa mga mama...
More informationROAD SAFETY NEW PHILIPPINO:ROAD SAFTY A5 GREEK
Mga importanteng paalala para sa pagmamaneho sa Cyprus: Dito sa Cyprus, ang pagmamaneho ay nasa kaliwa at hindi sa kanan. Para sa kanilang kaligtasan at kaligtasan ng lahat, ang mga driver ay narar...
More information