Aralin 1 Ako Ito Unang Araw

Transcription

Aralin 1 Ako Ito Unang Araw
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 1
Ako Ito
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan
Wikang Binibigkas
Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng sarili
Gramatika
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat
Pagsulat at Pagbabaybay
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salita
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Punan ng angkop na salita ang sumusunod na pangungusap upang mabuo ang talata.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang Batang Masipag Mag-aral
Si Lilia ay isang batang masipag mag-aral.Bago siya matulog sa gabi muli
niyang binabasa ang _______ na itinuro ng kaniyang _____ upang sa
kinabukasan ay makasagot at makasali sa talakayan sa klase.Sa panahon
ng pagsusulit, walang oras na hindi nag-aral si ______ dahil para sa kaniya
makatutulong ito upang makakuha ng mataas na marka. Hindi rin siya
nakalilimot na tumulong sa kaniyang_____ sa mga gawaing-bahay.
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong ayon sa napakinggang kuwento
Naisasagawa nang may kaayusan ang pagpapakilala sa sarili
Paksang-Aralin
Pagpapakilala ng Sarili
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang ipakilala ng mga bata ang kanilang sarili.
Tumawag ng mga volunteer para sa gawaing ito.
2. Paglalahad
Anong karanasan sa unang araw ng pasukan ang hindi mo malilimutan?
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.
Ano kaya ang nangyari sa unang araw ng pasukan?
2
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas.
Unang Araw ng Pasukan
Unang araw ng pasukan sa Paaralang Elementarya ng Sta.
Clara.Makikita ang tuwa at galak sa bawat isa. Natutuwa ang lahat
na makitang muli ang mga kaklase at kaibigan. Abala ang lahat
sa paghahanap ng bagong silid-aralan , maliban sa isang batang si
Ella. Siya ay bagong mag-aaral sa paaralan. Bagong lipat lamang sila
sa lugar kaya wala pa siyang kakilala o kaibigan man lang. Palingalinga siya sa paglalakad. Pasilip-silip siya sa mga silid-aralan. Ang
takot niya ay pilit na itinatago hanggang sa mapaiyak na siya nang
tuluyan.Ilang saglit lang, isang maliit na boses ang kaniyang narinig.
“ Ano’ng pangalan mo?” Isang matamis na ngiti ang kaniyang
iginanti sabay sabing, “Ako si Ella. Ikaw?”
DRAFT
April 10,2014
Itanong:
Ano ang nararamdaman ng mga bata sa unang araw ng pasukan?
Bakit masaya ang mga bata?
Bakit kakaiba ang nararamdaman ni Ella?
Bakit siya malungkot?
Ano kaya ang sumunod na nangyari?
Paano mo ipakikilala ang iyong sarili?
Basahin sa mga bata ang sinabi ng bagong kaibigan ni Ella.
Para sa Guro : Gumawa ng puppet upang magamit sa gawain na ito.
Ipakilala ang puppet na ginawa sa pamamagitan ng pagsasabi ng :
Ako si Marina.
Ako ay pitong taong gulang.
Nasa ikatlong baitang ako.
Nakatira ako sa Purok 4.
Itanong:
Ano ang unang sinabi ni Marina tungkol sa kaniyang sarili?
Ano-ano pa ang sinabi niya?
Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng kaniyang sarili sa kapwa bata?
Paano kung sa matanda siya magpapakilala?
4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng isang musikang patutugtugin.
Iayos pabilog ang mga bata.Sabihin sa kanila na habang tumutugtog ang
musika ay ipapasa nila ang bola sa kanilang katabi sa kanan. Kung sino ang may
hawak ng bola paghinto ng tugtog ang siyang magpapakilala ng sarili sa
3
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap na nasa tsart . Ulitin ito hanggang
sa makapagpakilala ang lahat ng bata.
Ako si ________________
Ako ay _________ taong gulang.
Ipinanganak ako noong _______________.
Nakatira ako sa___________________________.
Ang aking mga magulang ay sina________________ .
5. Paglalahat
Itanong:
Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili?
Pasagutan sa mga bata ang mga patlang sa ibaba upang higit na maunawaan ang
mga dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili.
Sa pagpapakilala ng aking sarili ay unang sinasabi ang aking _____.
Sinasabi din ang araw, buwan at taon ng aking ______.
Ang lugar kung saan ako nakatira ay tumutukoy sa aking _______.
Binabanggit din ang pangalan ng aking mga ______.
6. Karagdagang Pagsasanay
Tumawag ng ilang bata na magsasabi ng isang pangalan ng kaniyang kaklase at
ilang impormasyon na natatandaan niya tungkol sa tinukoy na kamag-aral. Ipaturo
din sa tinawag na bata ang inilalarawang kaklase.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Paksang-Aralin
Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Linangin ang salitang pista sa pamamagitan ng concept map.
Itanong: Nakadalo na ba kayo sa isang pista?
Ano-ano ang inyong nakita o naranasan?
Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa concept map.
pista
Ano ang ibig sabihin ng salitang pista? Ipagamit ang bagong salita sa mga bata.
4
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Sabihin ang kahulugan ng may salungguhit na salita na matatagpuan din sa loob
ng pangungusap.
1. Si Kaka Felimon ang pinakamatanda sa pamilya kaya maraming humihingi ng
kaniyang payo.
2. Ipinagmamalaki ng mga Bikolano ang Bulkang Mayon sa kanilang lugar.
3. Ang pamahalaang lokal ay nagbigay ng mahalagang anunsiyo tungkol sa
padating na bagyo sa kanilang lugar.
4. Marami palang malilikhang kapaki-pakinabang na bagay mula sa indigenous
materials tulad ng basket na gawa sa kawayan.
Ipagamit sa mga bata ang mga bagong salita sa sariling pangungusap.
Itanong
Nakapunta ka na ba sa isang pistahan?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.
Itanong:
Ano ang nais ninyong malaman sa kuwento?
Isulat sa pisara ang mga tanong na ibibigay ng mga bata. Gabayan sila
upang makapagbigay ng tanong.
3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa “Ang Pistang Babalikan Ko” sa Alamin Natin, p. 2.
Balikan ang mga tanong na ginawa ng mga bata bago nila basahin ang kuwento.
Pasagutan ang mga ito sa kanila.
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong binasa?
Ano ang katapusan ng kuwento?
Anong okasyon ang inilalarawan sa kuwento?
Ano-anong kaugaliang Pilipino ang nabanggit sa kuwento?
Ginagawa pa ba ang ganito sa inyong lugar?
Dapat pa ba ito ipagpatuloy? Bakit?
Paano natin mapapahalagahan ang mga kaugaliang sariling atin?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang Linangin Natin , p. 3.
5. Paglalahat
Pagawain ng kiping ang mga bata. Magpagupit ng isang dahon mula sa isang
berdeng papel. (Maaaring ipakita muna sa mga bata kung paano ito isagawa.)
Ipasipi at ipakumpleto sa mga bata ang pangungusap batay sa natutuhan niya sa
aralin.
Itanong:
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang Pagyamanin Natin p. 4.
DRAFT
April 10,2014
5
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay
sa paligid
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Sabihin sa mga bata na magmasid sa paligid.
Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyo sa paligid?
Gabayan ang mga bata na bumuo ng pangungusap tungkol sa nakita nila sa
paligid.
Itanong : Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap?
2. Paglalahad
Itanong : Ano ang ginagawa mo kung malapit na ang pista sa inyong bayan?
3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang “Pista sa Aming Bayan” sa Alamin Natin, p. 4.
Itanong:
Ano ang magaganap sa bayan?
Ano-ano ang ginagawang paghahanda ng mga tao?
Ganito rin ba ang ginagawa sa inyong pamayanan tuwing sasapit ang kapistahan?
Anong kaugalian ang ipinakita sa talata?
Ano ang katangian ng mga tao na binanggit sa talata?
Dapat ba silang tularan? Paano mo sila tutularan?
Paano ka makatutulong kapag may okasyon sa inyong bahay?
Bigyan ang mga bata ng isang card. Ipasulat sa mga ito ang mga ngalan ng
tao/bagay/lugar/pangyayari sa talatang muling babasahin ng guro.
Ipadikit sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Linangin ang bawat salita.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Alin-aling salita ang dapat magkakasama?
Pabigyang-katwiran ang ginawang pagsasama ng mga salita.
Paano isinulat ang mga salita sa bawat kategorya?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 5.
5. Paglalahat
Ipakumpleto ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin, p.5 .
Ano ang pangngalan?
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook/lugar, o pangyayari.
6. Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 5.
DRAFT
April 10,2014
6
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikaapat na Araw
Layunin
Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat
Nasisipi nang maayos at wasto ang mga salita
Paksang-Aralin
Pagsipi ng mga Salita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpaskil ng ilang salita sa paligid ng silid-aralan.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-ikot sa loob ng silid-aralan.
Ipasipi sa kanila ang limang salita na kanilang nababasa at nauunawaan ang
kahulugan.
Ipabasa sa mga bata ang kanilang ginawa.
Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita.
2. Paglalahad
Magpakita ng isang alkansiya.
Pag-usapan ito sa klase.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
Isulat ang mga sagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata “ Ang Aking Alkansiya” na nasa Alamin Natin, p. 6.
Balikan ang mga hula ng mga bata sa simula tungkol sa mga mangyayari sa
kuwento.
Itanong: Tama ba ang hula mo?
Tungkol saan ang kuwento?
Ilarawan ang batang nagkukuwento.
Dapat ba siyang tularan? Bakit?
Ano-anong ginagawa niya na ginagawa mo rin?
Ipabasang muli ang kuwento sa mga bata.
Ipasipi sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan.
Ipabasa ang mga ito.Linangin ang bawat salita.
Tama ba ang pagkakasipi ninyo?
Paano mo sinulat ang bawat salita?
May sapat bang layo ang mga letra sa isa’t isa?
Pantay-pantay ba ang pagkakasulat mo?
4. Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 6.
5. Paglalahat
Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng ngalan ng tao? Bagay? Lugar?
Hayop?
Ipakumpleto sa mga bata ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin, p. 7.
6. Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 7.
DRAFT
April 10,2014
7
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
1. Makagawa ng sariling name tag
2. Maipakilala nang maayos ang sarili sa mga bagong kaklase
3. Masipi ang pangalan ng limang bagong kaklase
Gagampanan ng bawat mag-aaral
1. Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng sariling name tag sa loob ng 10 minuto.
2. Gamit ang name tag, ipapakilala ang sarili sa mga kaklase. Matapos ipakilala ang
sarili, isusulat ang nakalap na limang pangalan ng bagong kaklase at isasagawa ito
sa loob ng limang minuto.
3. Paupuin nang pabilog ang mga bata. Ihagis sa isang bata ang bolang hawak na
magsasabi ng pangalan ng dalawang pangalan ng kaniyang kaklase. Matapos ang
gawain, siya naman ang maghahagis ng bola upang sumunod sa kaniyang ginawa,
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay magpapakilala ng sarili at magkakaroon ng bagong mga
kakilala. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.
Bunga
Naipakilala ang sarili sa limang bagong kamag-aaral.
Pamantayan sa Pagsasagawa
4 3 2 1
Malinaw at wasto ang pagkakasulat ng pangalan
.
DRAFT
April 10,2014
Malinaw at maayos ang pagpapakilala ng sarili sa ibang bata.
Nasipi nang may wastong baybay ang pangalan ng limang
kaklase.
Natapos ang gawain sa itinakdang oras.
Aralin 2
Pamilya Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa ng napakinggang
teksto
8
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa
Kamalayang Ponolohiya
Natutukoy ang salitang magkakatugma
Gramatika
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay
sa paligid
Pagsulat at Pagbaybay
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salitang magkakatugma
Estratehiya sa Pag-aaral
Nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng aklat
Paunang Pagtataya
Sabihin ang bahagi ng aklat na tinutukoy sa bawat pangungusap.
Piliin ang inyong sagot sa kahon.
Paunang Salita
Karapatang Pag-aari
Pahinang Pabalat
Talaan ng Nilalaman
DRAFT
April 10,2014
1. Talaan ito ng bilang at pamagat ng yunit, mga kuwento, tula at ang mga pahina
nito.
2. Makikita rito ang nagmamay-ari ng sinulat na aklat at ang naglathalang kompanya.
3. Ang pamagat ng aklat, ang pangalan ng mga may-akda at publikasyon ng aklat.
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa ng napakinggang
teksto
Paksang-Aralin
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Tekstong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tumawag ng ilang bata upang magsabi ng pangalan ng kanilang kaklase at kung
ano ang natatandaan nila na ginawa nila noong nagdaang bakasyon kasama ang
kaniyang sariling pamilya.
2. Paglalahad
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong:
Ganito rin ba ang pamilya mo?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Iparinig ang teksto.
9
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ang Aming Simpleng Pamilya
Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking Nanay at Tatay. Ang aking
Tatay Pio ay isang simpleng kawani ng gobyerno. At si Nanay Conching naman
ay isang guro sa paaralang aking pinapasukan.
Tatlo lamang kami sa aming bahay. Pero ang lahat ng gawain ay nagiging
madali dahil sa aming pagtutulungan. Ang aming hapag-kainan ay napupuno ng
tawanan sa pagkukuwentuhan namin ng mga pangyayari sa buong maghapon.
Kapag may libreng oras at may sobrang pera, namamasyal din kami sa kung
saan-saang lugar. Sa panahon naman na may problema, ito rin ay nagiging
magaan dahil na rin sa pagmamahalan namin sa isa’t isa at sa pagtitiwala sa
Poong Maykapal.
Itanong:
Tungkol saan ang talatang napakinggan?
Sino-sino ang bumubuo sa pamilya ni Mang Pio?
Ilarawan ang bawat isa.
Ano-ano ang masasayang sandali para sa kanila?
Ganito rin ba kayo sa inyong pamilya?
Ano-ano ang ginagawa ninyo kasama ang buong pamilya?
Ilarawan ang sariling pamilya.
Katulad din ba ito ng pamilya ni Mang Pio?
Ano ang kayamanan ng pamilya nila?
Ikaw, ano ang kayamanan mo? Ipaliwanag ang sagot.
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatin ang klase.
Ipakuwento sa bawat bata sa pangkat ang mga gawain ng kanilang sariling
pamilya.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pagawain ang mga bata ng simpleng larawan ng pamilya sa pamamagitan
ng pagguhit.
Hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang ginawa at makapagkuwento sila
tungkol sa iginuhit.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Kahulugan sa Binasang Tula
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong Ano ang ginawa mo kagabi kasama ang pamilya mo?
10
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
Pagbabahagi ng karanasan ng mga mag-aaral.
Paglalahad
Ipaawit: “Nasaan si Tatay?”
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin sa mga bata ang tulang “Ang Aming Mag-anak” sa Alamin Natin, p.7.
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Ilarawan ang pamilyang binanggit sa tula.
Paano ipinakita ng bawat isa ang pagtutulungan? Pagdadamayan?
Ganito rin ba ang iyong mag-anak?
Hayaang sagutin ito ng mga bata batay sa kanilang sariling karanasan.
Paano mo ipakikita ang pagmamahal at pagmamalaki sa sariling pamilya?
Ipabasang muli ang tula.
Ipasuri ang mga salitang may salungguhit.
Ipasulat ang mga ito sa pisara.
Ipabasa ang mga salita. Linangin ang bawat salita.
Itanong:
Aling mga salita ang dapat magkakasama?
Ipaliwanag ang ginawang pagsasama-sama ng mga salita.
Ano ang napansin mo sa hulihang tunog ng mga salita?
Aling mga salita ang magkakatugma?
Pagpapayamang Gawain
Gumawa ng isang puno ng mga salita. Isulat ang mga salita sa bawat dahon na
ididikit sa puno. Siguraduhin na may mga salitang magkakatugma. Ipagawa ang
Linangin Natin, p. 8.
Paglalahat
Ano-ano ang salitang magkakatugma?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 8.
Karagdagang Pagsasanay
Isulat ang ilang mga tugma sa isang malinis na papel. Siguraduhin sapat ang
laki ng mga ito upang mabasa ng lahat ng mag-aaral. Basahin ang mga
tugma kasama ang mga bata. Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 9.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasabi ng mga pangalan ng mga tao, lugar,
at bagay sa paligid
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pangngalan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Sabihin sa mga bata na ipakilala ang bawat kasapi ng pamilya.
Bawat bata ay gagawa ng hand puppet.
11
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Sa bawat daliri ng puppet, isusulat ng mga bata ang ngalan ng bawat kasapi ng
kaniyang pamilya.
2. Paglalahad
Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya?
Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang ginawang puppet at magsabi ng ilang
bagay tungkol sa sariling pamilya.
Isulat sa pisara ang ngalan na babanggitin ng mga bata. Ipabasa ito sa mga bata.
3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa muli ang tula sa Alamin Natin, p. 8.
Sino-sino ang kasapi ng pamilyang binanggit sa tula?
Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Ipabasa ito. Tanungin ang mga bata ng iba
pa nilang alam/ginagamit na katawagan sa bawat kasapi ng pamilya.
Ano ang katangian ng bawat isa sa tula?
Ganito rin ba ang pamilya mo?
Paano mo pinahahalagahan ang mga ginagawa sa iyo ng ibang kasapi ng iyong
pamilya?
Ipabasa sa mga bata ang sinulat na mga pangngalan na hinango mula sa mga sagot
nila sa puppet at sa pagtalakay ng tula.
Ano ang tinutukoy ng bawat ngalan?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasang muli sa mga bata ang mga salitang inilista mula sa tula. Ipagawa ang
Linangin Natin, p. 8.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Maghanda ng ilang larawan tungkol sa pamilya. Ipakita ang bawat isa sa mga
bata. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 9.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng aklat
Paksang-Aralin
Ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya?
Paano ka tinutulungan ng iyong pamilya sa mga gawain mo sa paaralan?
2. Paglalahad
Itanong: Ano-ano ang bahagi ng bawat aklat?
Ano ang gamit ng bawat isa?
Ipabasa ang tulang “Mga Bahagi ng Aklat” na nasa Alamin Natin, p. 9.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
12
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Ano-ano ang bahagi ng aklat?
Ano ang tungkulin ng bawat bahagi ng aklat?
Paano mo pangangalagaan ang bawat bahagi ng aklat?
Paano mo pahahalagahan ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya?
3. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, 9.
Ipakuha sa mga bata ng sariling aklat. Ipatukoy sa kanila ang bawat bahagi nito.
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan ninyo sa aralin?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 10.
5. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.10.
Ipakuha ang gamit ng mga bata sa Art.
Gabayan ang bawat bata na makagawa ng dummy ng isang aklat.
Ipasulat ang ngalan ng bawat bahagi ng aklat.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
Makalikha ng isang tula ukol sa sariling pamilya
Mabigyang- buhay ang tula sa malikhaing pamamaraan
Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral
1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Gagawa ang bawat pangkat ng
isang tula sa loob ng 15 minuto at karagdagang 10 minuto upang bigyang-buhay
ito sa malikhaing pamamaraan. (Maaaring kantahin, lagyan ng akmang kilos o
galaw at iba pa. Bigyang-laya ang mga mag-aaral sa kung paanong paraan nila ito
bibigyang-buhay. )
2. Pagtatanghal ng bawat pangkat.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng tula ukol sa sariling pamilya. Lalapatan nila ito
ng sariling interprestasyon. Ito ay tatayain sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.
Bunga
Tula tungkol sa sariling pamilya
13
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pamantayan sa Pagsasagawa
4
3
Malalim at
Makahulugan ang
Makahulugan
kabuuan ng tula.
ang kabuuan ng
tula.
Piling-pili ang
mga salita at mga
parirala.
May ilang piling
salita at mga
parirala.
2
Bahagyang may
lalim ang kabuuan
ng tula.
1
Mababaw ang
kabuuan ng tula.
Ang mga salita ay
hindi gaanong
pinili.
Ang mga salita ay
hindi pinili.
Aralin 3
Pag-uugali Ko
DRAFT
April 10,2014
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magalang na pananalita sa pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng
paumanhin
Pag-unawa sa Binasa
Nakasusunod sa nakasulat na panuto
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang magkasingkahulugan
Gramatika
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa
paligid
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
Nakababasa ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantig
Komposisyon
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala
Paunang Pagtataya
Mag-usap tayo!
Pangkatin ang mga mag-aaral. Ang bawat pangkat ay muling hahatiin upang
makabuo ng tig-iisang pares.
Ipagawa sa mga mag-aaral ang usapan sa pamamaraang dyad .
Ano ang iyong sasabihin sa bawat sitwasyon?
Sitwasyon 1: Isang umaga, nakita mo ang nanay ng iyong kaibigan.
Inaasahang sagot: “Magandang umaga po, Gng. _____.”
Sitwasyon 2: Dinalaw mo ang iyong lolo at lola na matagal mo nang hindi nakikita.
Inaasahang sagot: “Kumusta po kayo Lolo at Lola?”
14
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pag-uulat ng bawat pangkat gamit ang gabay na katanungan:
1. Ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba-iba ng sagot ng bawat pares.
2. Anong karagdagang kaalaman ang natutuhan?
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagbati, pakikipag-usap, at paghingi
ng paumanhin
Paksang-Aralin
Paggamit ng Magagalang na Pananalita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipalarawan sa mga bata ang kanilang lolo at lola.
Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang karanasan tungkol sa kanilang lolo at
lola.
2. Paglalahad
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Dumalaw si Lea sa kaniyang kaibigang may-sakit.
( bumisita, nagtampo, nagpaalam )
2. Masarap tumira sa probinsiya dahil payak ang pamumuhay doon.
( maingay, simple, marumi)
3. Maraming magandang tanawin ang makikita sa probinsiya ng Ilocos.
( lungsod, bayan, lalawigan)
4. Sabi ng tatay ko, manang-mana ako sa kaniya dahil pareho kaming
mabait.
( magkaiba, magkatulad, magkabagay)
Sabihin ang pamagat ng babasahing teksto.
Itanong : Ano kaya ang nangyari kina Lolo at Lola?
Isulat ang hula ng mga bata sa pisara.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
Ang Mahal kong Lolo at Lola
Bakasyon nang dumalaw ang pamilya ni Benjie sa kaniyang Lolo Benny at
Lola Berna sa Bicol. Payak at masaya ang buhay ng kaniyang Lolo at Lola sa
probinsya kaya naman gustong-gusto ni Benjie ang magbakasyon sa kanila.
DRAFT
April 10,2014
Lolo Benny: Salamat at dinalaw ninyo kami.
Benjie:
Mano po, Lolo. Mano po, Lola. Magandang umaga po!
Nanay:
Pasensiya na po kayo at ngayon lang kami nakadalaw.
Kumusta po?
Lola Berna: Ayos lang ‘yun, apo. Ang mahalaga andito ka na ngayon.
Saan mo ba gustong mamasyal?
15
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Benjie:
Naku, Lola, gusto ko lang kayong makasama.Tutulungan ko kayo
sa inyong mga gawaing-bahay.
Lolo Benny: Ito talagang apo ko, manang-mana sa akin!
Lola Berna: Mana sa iyo o sa akin? (mapapaupo na parang nahihilo)
Benjie:
O, Lola, ayos lang po ba kayo?
Lola Berna: Nahihilo lamang ako, dahil siguro sa panahon.
Lolo Benny: Dapat kasi ay hindi ka na masyadong nagkikikilos dito sa bahay.
Benjie:
Tama po si Lolo Benny, Lola. Maari po bang ako na lang ang
gumawa ng gagawin ninyo? Ngayon na nandito po ako, ako muna
ang mag-aalaga sa inyo.
Lola Berna: Naku! Salamat, apo, pero huwag mo akong intindihin. Kaya ko pa
naman.
Lolo Benny: Hay ang apo ko talaga, mana sa akin. Napakabait!
Benjie:
Salamat po!
Nagkatinginan ang Nanay at Lola Berna. At sila’y nagtawanan.
Itanong :
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Kailan dumalaw ang pamilya ni Benjie sa Bicol?
Bakit sinabi ng lolo na hindi na dapat kumikilos ang lola ni Benjie?
Paano mailalarawan ang batang si Benjie?
Ano-ano ang magagalang na pananalitang ginamit ni Benjie sa usapan?
Ano-ano ang magagalang na pananalitang ginagamit sa pagbati?
Ano ang dapat tandaan sa pakikipag-usap sa mga matatanda?
(Bigyang-diin na ang paggamit ng po at opo ay kaugalian lamang ng mga
Tagalog. Ang mga Bisaya at iba pang pangkat etniko ng Pilipinas ay hindi
gumagamit nito, at hindi ibig sabihin na sila ay hindi na magagalang na
Pilipino. Sa halip, sa tono, intonasyon at diskurso makikita ang paggalang.)
Paano pa maipakikita ang pagiging magalang sa mga nakatatanda?
Ano ang dapat sabihin kung nais humingi ng paumanhin?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatin ang klase.
Magpagawa ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng
- magalang na pagbati
- pakikipag-usap sa nakatatanda
- pakikipag-usap sa mga hindi kakilala
- paghingi ng paumanhin
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan tungkol sa pagiging
magalang.
DRAFT
April 10,2014
16
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Nakasusunod sa nakasulat na panuto
Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang magkasingkahulugan
Paksang-Aralin
Pagsunod sa Nakasulat na Panuto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Isulat ang sumusunod na panuto sa isang malinis na papel at ipagawa ang mga ito
sa mga mag-aaral. Tingnan kung masusunod ang mga ito ng mga mag-aaral.
1. Umupo nang maayos.
2. Itaas ang dalawang kamay.
3. Sabihin nang malakas ang iyong pangalan.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang masipag.
Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong : Bakit kaya gustong-gusto ni Ian ang araw ng Sabado?
Isulat sa pisara ang hula ng mga bata.
Hula Ko
Tunay na Nangyari
DRAFT
April 10,2014
3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang “Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p.10.
Itanong:
Tama ba ang hulang ibinigay bago basahin ang kuwento?
(Balikan ang tsart na ginawa at lagyan ng sagot ang kolum ng tunay na nangyari.)
Sino ang bida sa kuwento?
Paano siya inilarawan sa kuwento?
Ano-ano ang patunay ng katangiang ito?
Bakit para kay Ian, masarap ang araw ng Sabado? Ganito rin ba ang pakiramdam
mo sa araw ng Sabado? Ipaliwanag ang sagot.
Dapat ba siyang tularan?
Ano-ano kaya ang mga tuntunin sa bahay nila na kaniyang sinunod?
Ipabasa sa mga bata ang mga nakasulat na panuto.
Ipagawa ang mga ito.
1. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, isulat ang pangalan mo.
2. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang puso. Kulayan ito ng pula.
3. Sa itaas ng bilog, gumuhit ng isang ulap. Isulat dito ang isang utos na
sinunod mo sa bahay.
17
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang isang bagay
na ayaw mong gawin.
5. Sa ibaba ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang “Ako ay
masunurin.”
Nasunod mo ba ang mga panuto?
Bakit? Bakit hindi?
4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng ilang learning centers sa loob ng silid-aralan.
- Art Center (lagyan ng kagamitan sa art)
- Music center (lagyan ng cassette o radyo, tape o CD ng mga awit)
- Writing center (lagyan ng papel , lapis)
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 11.
Sabihin sa mga bata na pumili ng isang center na nais nilang puntahan.
Ipagawa ang nakasulat na mga panuto sa center na pupuntahan. Bigyan sila ng
ilang minuto upang maisagawa ang mga panuto sa pupuntahan. Matapos ang
nakalaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang natapos na gawain at
pag-usapan ito sa klase.
- Art center – Gumuhit ng isang malaking puso. Magpunit ng maliliit na papel
mula sa colored magazine na makikita sa center. Idikit ito sa loob ng
malaking puso upang maging kulay nito.
- Music Center – Gumawa ng pangkat na may tatlong miyembro. Mag-aral ng
isang bagong awit.
- Writing center – Sumulat ng dalwang panuto na nais mong ipagawa sa ibang
kaklase.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Hayaang mamasyal ang mga bata sa loob ng silid-aralan .
Ipabasa at ipatala ang isang nakapaskil na panutong nasunod. Bigyan nang sapat
na oras ang mga bata na maisagawa ito. Matapos ang laang oras, ipabasa sa mga
bata ang nasunod nilang panuto.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar, at bagay sa
paligid
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Bigyan ng flashcard ang bawat bata.
Pasulatin ang bawat bata sa hawak na card ng isang pangngalan.
18
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
Ipapasa ito sa kaklaseng nasa kanan, magpasulat sa kaniya ng isang salita tungkol
sa pangngalang nakasulat sa papel.
Ipasa muli sa kanan ang papel. Hayaang gumawa ng pangungusap gamit ang mga
salitang nakasulat sa card. Ibalik sa orihinal na may-ari ang papel.
Tumawag ng ilang bata upang ipabasa ang pangungusap na nasa card.
Ipapaskil ito sa pisara matapos basahin nang malakas.
Paglalahad
Ipabasang muli ang ”Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p.10.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa kuwento? Ipatala ang mga ito.
Ipabasa sa mga bata ang nakatalang pangngalan.
Alin-alin ang ngalan ng tao? Bagay? Pangyayari?
Papiliin ang mga bata ng isang pangngalan. Ipagamit ito sa sariling pangungusap
na nakabatay sa binasang kuwento.
Balikan ang mga pangungusap na nakasulat sa card sa unang gawain.
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa bawat pangungusap?
Ipapangkat ang mga ito ayon sa kategorya.
Paano isinulat ang bawat pangngalan?
Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng ilang mga larawan ng tao, bagay, hayop at pangyayari.
Ilagay ito sa isang malaking kahon.
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 11.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 12.
Pakuhanin ang mga bata ng isang bagay mula sa hardin na ididikit sa kanilang
notebook. Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap tungkol dito.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakababasa ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantig
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala
Paksang-Aralin
Pagsipi ng mga Parirala
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Sumulat sa flashcard ng ilang salita na may dalawa at tatlong pantig.
Ipabasa ito sa mga bata.
2. Paglalahad
Ipabasa ang “Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p. 10.
3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Ipasipi sa mga bata ang mga salitang may dalawa at tatlong pantig.
19
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Gamitin ang format.
Dalawang Pantig
Tatlong Pantig
Ipabasa ang mga salitang may dalawang/tatlong pantig.
Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.
Ipasipi sa mga bata ang parirala na nagtataglay ng mga salita sa talaan.
Ipabasa ang mga parirala.
Itanong:
Ano ang mapapansin sa pagkakasulat ng parirala?
Ano ang pagkakaiba ng parirala sa pangungusap?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 12.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng parirala? Ipakumpleto ang pangungusap sa
Tandaan Natin, p. 12.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipabasang muli ang “Ang Aking Alkansiya” sa Alamin Natin, p. 6.
Ipasipi ang mga parirala na nagpapakita ng mga laging ginagawa ng tauhan sa
kuwentong binasa.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
Maipakita ang tamang paraan ng pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin
Gagampanan ng bawat pangkat ng mag-aaral
1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa ilang pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng
isang usapan na kinapapalooban ng tamang pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng
paumanhin sa loob ng 15 minuto at karagdagang 5 minuto upang makapag-ensayo.
(Bigyang-laya ang mga mag-aaral sa kung paanong paraan nila ito bibigyangbuhay)
2. Pagtatanghal ng bawat pangkat.
Kalagayan
Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng usapan ukol sa tamang pagbati,
pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin na sumasalamin sa tamang pag-uugali
o kaasalan. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.
Bunga
Usapang nagpapakita ng tamang pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng
paumanhin
20
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pamantayan sa Pagsasagawa
4
3
Nagamit nang
May isang
wasto ang mga
magalang na
natutuhang
pananalita na hindi
magagalang na
angkop sa
pananalita.
sitwasyong
ipinakita.
Naipahayag ang
ideya nang may
tama at wastong
lakas, bilis at diin
ng boses.
Ang usapan ay
kaugnay ng
paksang ibinigay.
2
May isa hanggang
dalawang
magagalang na
pananalita na hindi
angkop sa
sitwasyong
ipinakita.
Mahina ang boses.
Naipahayag ang
ideya nang may
katamtamang lakas,
bilis at diin ng
boses.
Ang usapan ay hindi May iba’t ibang
kaugnay ng paksang paksa na
ibinigay.
napakinggan sa
usapan.
1
Hindi gumamit ng
magagalang na
pananalita.
Halos hindi
napakinggan ang
usapan dahil sa
sobrang hina ng
boses.
Walang paksa ang
usapang ipinarinig
sa klase.
DRAFT
April 10,2014
Aralin 4
Maglibang Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa
pamamagitan ng larawan
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong binasa
Kamalayang Ponolohiya
Napapantig ang mga salita nang pabigkas
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Gramatika
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay
sa paligid
Estratehiya sa Pag-aaral
Nakakagamit ng diksiyunaryo
21
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paunang Pagtataya
Pangkatin ang klase.
Sa bawat pangkat, hatiin muli sa tigdadalawa (dyad) upang ipakilala ang sarili at
ikuwento kung anong ginagawa kapag bakanteng oras. Isagawa ito sa loo ng 2 minuto
at karagdagang 5 minuto upang ibahagi sa grupo ang narinig na kuwento.
Pag-uulat ng bawat pangkat gamit ang gabay na katanungan
1. Anong kasagutan ang magkakapareho? Magkakaiba?
2. Anong mensahe ang ipinararating nito?
Unang Araw
Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa
pamamagitan ng larawan
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang mga larawan.
DRAFT
April 10,2014
Tumatakbong
mga bata
Mananakbong
bata na may
hawak na
medalya
Mga
Mananakbong
bata sa starting
line
Ipaayos ang mga larawan sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Ipasalaysay sa mga bata ang kuwento na ipinakikita ng mga larawan.
Kailan nilalaro ang ipinakita sa larawan?
2. Paglalahad
Ano ang ginagawa ninyong magkakaibigan o magkakapatid pagkatapos ng ulan?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong: Bakit mapalad si Isan?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas ang kuwento .
Mapalad si Isan
ni Josenette Pallaza Brana
Matapos ang isang linggong pag-ulan, sumikat din ang araw.
“ Isan! Isan!,” tawag ng mga kaibigan niya.
“Akyat tayo sa bundok, maglaro tayo doon!” Masarap magpadulas sa mga
damo.”
22
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
“Hintay lang! Magpapaalam ako kay Inay,”sigaw ni Isan.
“Huwag anak. Mapanganib ngayon ang umakyat sa bundok. Hindi kayo dapat
maglaro doon. Katatapos lamang ng bagyo. Baka kung ano ang mangyari sa inyo.
masyadong madulas ang daan,” sagot ng ina.
Hindi na nagpilit si Isan. Mabuti na lamang at sinunod niya ang kaniyang ina.
Bandang hapon nakarinig sila ng balita na may pagguho ng lupa sa karatig-pook nila.
Nabalitaan din ang nangyari sa mga batang umakyat sa bundok.
“Mapalad ako,” ang bulong ni Isan.
Itanong:
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ano ang ibig gawin ng mga kaklase ni Isan?
Bakit hindi pumayag ang ina ni Isan na sumama siya sa bundok?
Ano ang huling nangyari sa kuwento?
Ano kaya ang maaaring mangyari kung sumama si Isan?
Anong magandang pag-uugali ang ipinakita ni Isan?
Tama ba ang mga ipinakita niyang ito?
Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan? Pangatwiranan ang sagot.
Kung ikaw si Isan, sino ang susundin mo: ang mga kaklase mo o ang iyong ina?
Pangatwiranan ang sagot.
Ano-ano ang libangan ninyong magkakapatid/magkakaibigan sa tuwing bakanteng
oras? Kung umuulan? Pagkatapos ng ulan? Kung mainit ang panahon?
4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng mga larawan tungkol sa kuwentong binasa (nang malakas) sa mga
bata. Ipakita ang mga ito.
Pag-usapan ang bawat isa.
Sabihin sa mga bata na iayos ang mga larawan ayon sa tama nitong pagkakasunodsunod.
Tumawag ng ilang bata upang isalaysay muli ang napakinggang kuwento sa tulong
ng mga iniayos na larawan.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pagawain ang mga bata ng filmstrip ng napakinggang kuwento.
Ipakita sa mga bata ang modelo ng filmstrip.
Ipaguhit sa bawat kahon ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento nang may
wastong pagkakasunod-sunod.
DRAFT
April 10,2014
23
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa
Paksang-Aralin
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Binasa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang ilang mga larawan tungkol sa laro ng lahi.
Ipatukoy sa mga bata ang ngalan ng bawat laro.
Luksong tinik
Tumbang
preso
Patintero
Sungka
2. Paglalahad
Gumawa ng mini-survey sa klase tungkol sa kung ano ang nilalaro ng bawat bata.
Ipatanong : Ano ang paborito mong laro? Ipatala ang sagot sa tsart na nasa ibaba.
Laro
Babae
Lalaki
Kabuuan
DRAFT
April 10,2014
Tumawag ng ilang bata upang iulat ang nakalap na impormasyon.
Isulat sa pisara ang mga inulat na impormasyon ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa nang tahimik ang “Tara na, Laro Tayo!” sa Alamin Natin, p.13.
Itanong:
Ano ang pamagat ng talata?
Tungkol saan ito?
Ano-ano ang laro sa computer na alam mo?
Ano ang mga laro ng lahi na tinukoy sa talata? Alam mong laruin ang mga ito?
Ipasalaysay sa mga bata kung paano ito laruin.
Ano ang isinisimbulo ng mga laro ng lahi?
Ano ang magandang naidudulot ng paglalaro sa ating isip at sa ating katawan?
Dapat pa ba nating laruin ang mga laro ng lahi? Bakit?
Balikan ang mini-survey na isinagawa.
Itanong: Alin-alin dito ang laro ng lahi?
Ano-ano pang libangan ang mabuti sa ating isipan at pangangatawan?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 14.
Hatiin sa pangkat ang klase.
Isulat ang isang teksto at ilang katanungan para sa bawat pangkat.
24
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ibigay ito sa bawat pangkat upang basahin at sagutan.
Pag-uulat ng bawat pangkat. Talakayin ang kanilang mga sagot.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan
Natin, p. 14.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 14.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay
sa paligid
Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig
Nababaybay ang mga salitang natutuhan
Paksang-Aralin
Ang Gamit ng Pangngalan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang ilang bagay tulad ng bola, sipa, sungka, lubid, at lata.
Itanong: Sa anong laro ito ginagamit?
2. Paglalahad
Sino-sino ang kasama mo tuwing maglalaro?
Saan kayo naglalaro?
Ipabasang muli ang “Tara na, Laro Tayo.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pangkatin ang klase.
Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ibinigay na tanong.
Anong laro? Sino ang maglalaro? Kailan lalaruin? Saan nilalaro?
DRAFT
April 10,2014
Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain.
Ipabasa sa mga bata ang mga salita sa bawat hanay.
Ano ang tinutukoy ng bawat salita sa unang hanay? Pangalawa? Pangatlo? Pangapat?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay tungkol sa isang laro na nasa talaan.
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatin ang klase. Gumawa ng sarili at bagong laro na ipakikilala sa klase.
Talakayin ang kagamitang gagamitin; kung sino ang maglalaro gayundin
25
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
kung saan ito lalaruin; at kung paano ito lalaruin.
Ipagawa ang natapos na laro sa ibang pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasalaysay sa mga bata ang isang laro na gustong-gusto nila. Pahulaan ito sa mga
kaklase. Ipatukoy din ang pangngalan na ginamit sa pagsasalaysay.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakakagamit ng diksiyunaryo
Paksang-Aralin
Paggamit ng Diksiyunaryo
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong :
Tuwing magbabasa ka, ano ang ginagawa mo kapag may salitang hindi
nauunawaan?
2. Paglalahad
Magpakita ng manipis o anumang diksiyunaryong magagamit.
Itanong:
Nakagamit na ba kayo ng diksiyunaryo?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang naging karanasan sa paggamit
nito.
Ipasuri ang isang pahina ng diksiyunaryo sa Alamin Natin, p.15.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamatnubay na mga salita sa pahinang ito?
Ano-anong salita ang nakatala sa pahina?
Ano-ano ang iba’t ibang entry sa diksiyunaryo na makikita sa pahina?
Paano inayos ang mga salita sa diksiyunaryo ?
Paano ang tamang pagpapantig sa salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto?
Ano ang kahulugan ng salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto?
Anong bahagi ng pananalita ang salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto?
Ipakita sa mga bata ang tamang paggamit ng diksiyunaryo.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 15.
5. Paglalahat
Paano ginagamit ang diksiyunaryo ? Ipakumpleto ang pangungusap sa p. 16.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 16.
Pabalikan ang “Tara na,Laro Tayo” sa Alamin Natin, p. 13.
Ipatala sa mga bata ang mga salitang hindi nauunawaan.
Ipahanap at sipiin ang kahulugan ng mga ito gamit ang diksiyunaryo.
DRAFT
April 10,2014
26
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
Makagawa ng collage na sumasalamin sa maganda o kaaya-ayang libangan ng mga
bata
Magamit ang pangngalan sa pagsasalaysay ng isang kuwentong may kaugnayan
sa natapos na collage
Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral
1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa ilang pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang collage na nagpapakita ng isang kaayaayang libangan. Magpakuha ng iba’t ibang gamit tulad ng papel, mga tuyong
dahon at maliliit na sanga, at plastic.
3. Gamit ang mga nakolektang kagamitan, ipagawa ang napagkasunduang larawan
ng kaaya-ayang libangan. Ipagawa ito sa kalahating bahagi ng isang manila paper.
4. Magpasulat ng isang talata na may apat hanggang limang pangungusap tungkol sa
natapos na collage. Paguhitan ang pangngalan na ginamit.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang collage na nagpapakita ng maganda o
kaaya-ayang libangan ng mga bata gamit ang iba’t ibang bagay na matatagpuan sa
loob o labas ng silid-aralan. Matapos silang makagawa ng collage, gagamitin naman
nila ito upang makagawa ng kuwentong isasalaysay sa klase. Ito ay tatasahin sa
pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.
Bunga
Collage at kuwento hinggil dito na ginagamitan ng pangngalan.
Pamantayan sa Pagsasagawa
Pamantayan
Inaasahang
Nakuhang
Puntos
Puntos
Naipakita nang malinaw at maayos ang ideya na
5
kaugnay ng paksang ibinigay.
Orihinal ang ideya na ipinakita.
5
Gumamit ng iba’t ibanbg texture sa paggawa ng
5
collage.
Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay
5
upang maipahayag nang wasto ang ideya.
DRAFT
April 10,2014
27
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 5
Pangarap Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naisasakilos ang tula na napakinggan
Pag-unawa sa Binasa
Naibibigay ang tauhan, tagpuan at banghay ng kuwento
Gramatika
Nagagamit ang mga salitang ako, ikaw at siya sa usapan at sitwasyon
Komposisyon
Nakasusulat ng may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra
upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyu
Paunang Pagtataya
A. Punan ng panghalip na ako, ikaw at siya ang patlang.
Ang Pangarap ni Ivy
Nasa bukuran ang magkaibigan. Pinanonod nila ang mga bituin.
Divine : Hayun, tingnan mo, may falling star.
Ivy
: Yehey, nag-wish ako. Eh, _____ Divine ano ang wish mo?
Divine : Wish ko na makarating _____sa buwan. Anong wish mo?
Ivy
: Makita kung sino ang nagpapadala ng mga falling stars.
Divine : Weh, tao ba yun?
Ivy
: Kung sino man _____ay gusto ko siyang makita.
Divine : Bakit gusto mo siyang makita?
Ivy
: Hihingi _____ng maraming bituin, para mas maraming
wishes.
DRAFT
April 10,2014
Unang Araw
Layunin
Naisasakilos ang tulang napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsasakilos ng Tulang Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipalagay sa graphic organizer ang mga salitang may
kaugnayan sa salitang pangarap.
28
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
pangarap
2. Paglalahad
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa mga salitang nasa
loob ng panaklong.
1. Langhapin mo ang bango ng bulaklak.
(titigan, amuyin, hawakan)
2. Ang puno ay hitik sa bunga, lahat ay nais kumuha.
(marami, malaki, kokonti)
3. Ang kaniyang damit ay mamahalin;siguradong ginto ang halaga.
(murang halaga, mataas ang halaga, walang halaga)
4. Masarap maglakad sa baybayin at panoorin ang mga bangkang papalaot.
(tabi ng dagat, malayo sa dagat, ilalim ng dagat)
5. Makakamtan mo ang tagumpay kung ikaw ay magsisikap.
(magagawa,makakamit, malalagpasan)
Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang may salungguhit.
Sabihin ang pamagat ng tula.
Magpagupit sa mga bata ng isang ulap. Ipasulat sa loob nito ang sagot sa
tanong na, “Ano ang pangarap mo sa buhay?”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Iparinig ang tula.
Pangarap Ko
DRAFT
April 10,2014
ni Elgee Ariniego
Pangarap ko’y magaganda ang mga bulaklak
Langhapin ang bango nito’t halimuyak.
Pangarap kong akyatin bundok na mataas
Sa puno na hitik ay makapamitas.
Pangarap kong sisirin dagat na malalim
Makakita ng mga perlas na mamahalin.
29
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pangarap kong maglakad sa pinong baybayin
Habang ang alon sa paa ko’y dadamhin.
Pangarap kong ito ay pangarap lamang
Sa pagsisikap ko ito’y makakamtan.
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng tula?
Sino ang sumulat ng tula?
Ano-ano ang pangarap niya?
Paano niya ito makakamit?
Tama ba na mangarap ang isang batang tulad ni Elgee? Bakit?
Paano mo makakamit ang pangarap mo?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ang bawat pangkat ng sipi ng tula.
Talakayin sa pangkat ang tula at hayaan silang gumawa ng pagsasakilos
tungkol dito.
Ipakita sa lahat ang inihandang pagsasakilos ng tula. Bigyang-halaga ang
ginawa ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Padugtungan ang napakinggang tula sa pamamagitan ng pagsasakilos ng
kanilang pangarap.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Naibibigay ang tauhan, tagpuan, at banghay ng kuwento
Paksang-Aralin
Ang mga Elemento ng Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Linangin ang salitang pangarap.
Ano ang pangarap mo? Ano ang gagawin mo upang maabot ito?
2. Paglalahad
Sino-sino ang kaibigan mo?
Pare-pareho ba kayo ng pangarap? Ano-ano ang kanilang pangarap?
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.
Itanong : Ano ang pangarap ng magkakaibigan?
30
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang kuwento na “Pulang Watawat” sa Alamin Natin, p.16.
Hatiin ang klase sa pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat:
Pangkat I – Iguhit kung saan naglalaro ang mga bata
Pangkat II – Igawa ng name tag ang mga bata na naglalaro
Pangkat III – Isadula ang mga pangyayari sa kuwento
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
(Tawagin ang Pangkat I)
Saan naganap ang kuwento?
(Tawagin ang Pangkat II)
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
(Tawagin ang Pangkat III)
Ano ang pangarap ng magkakaibigan?
Nakuha ba nila ito? Bakit hindi?
Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan sa kuwento?
Kung ikaw si Anna, ano ang gagawin mo?
Gagawin mo rin ba ang ginawa ng magkakaibigan?
Ano ang dapat nating gawin upang maabot ang pangarap natin sa buhay?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 17.
5. Paglalahat
Ano-ano ang elemento ng kuwento?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 18.
Ipabasa sa mga bata ang “Paglalakbay sa Baguio.” Ibigay ang hinihingi sa
organizer na nasa LM.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang ako, ikaw, at siya sa usapan o sitwasyon
Paksang-Aralin
Gamit ng Ako, Ikaw at Siya
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa flashcard.
ako
ikaw siya
Ipagamit ang bawat salita sa sariling pangungusap.
Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.
2. Paglalahad
Ano-ano ang pangarap ng magulang mo para sa iyo?
31
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3.
4.
Ipantomina ito at pahulaan sa kaklase.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tumawag ng tatlong bata na babasa at gaganap sa bawat tauhan sa usapan.
Habang binabasa ito ng tatlong bata, pasundan naman ang usapan sa Alamin
Natin, p. 17.
Itanong:
Ano ang pinagkuwentuhan ng magkakaibigan?
Ano ang pangarap ng bawat isa?
Sino ang tinutukoy ni Jacko nang sabihin niyang ikaw?
Sino ang tinutukoy ni Bobie nang sabihin niyang siya?
Sino ang nagsabi ng ako?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Kailan ginagamit ang ako? Ikaw? Siya?
Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata sa umpisa ng klase.
Tama ba ang pagkakagamit ng ako? Ikaw? Siya?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 19.
Pabuuin ang klase ng pangkat na may tatlong miyembro.
Pag-usapan ang pangarap ng bawat isa.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang panghalip na ako? Siya? Ikaw?
Pasagutan ang Tandaan Natin, p. 19.
Ginagamit ang panghalip na ako pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita.
Ginagamit ang panghalip na ikaw sa ngalan ng taong kinakausap.
Ginagamit ang panghalip na siya pamalit sa ngalan ng taong pinag-uusapan.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.19.
Pasulatin ang mga bata ng isang maikling script na may gamit na ako, ikaw at
siya. Pag-usapan ang pangarap ng bawat isa.
DRAFT
April 10,2014
5.
6.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra
upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyu
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong:
Ano-ano ang paraan ng pag-abot sa pangarap?
Gumawa ng mini-survey tungkol dito. Ipahanda ang papel at kuhanin ang sagot sa
tanong ng limang kaklase.
Punan ang tsart.
32
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Mga paraan
2.
3.
Bilang ng Lalaki
Bilang ng Babae
Kabuuan
Pag-usapan ang natapos na tsart.
Paglalahad
Itanong :
Ilang beses ka nang nakaliban sa klase?
Ano ang mangyayari kung lagi kang liban sa klase?
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang talatang “Pag-abot sa Pangarap” na nasa Alamin Natin, p.19.
Itanong:
Ano ang pamagat ng talata?
Tungkol saan ito?
Ano-ano ang dahilan ng mga bata sa hindi nila pagpasok sa paaralan?
Kung lahat ng bata ay ganito, sa palagay mo ba maaabot nila ang kanilang
pangarap? Pangatwiranan ang sagot.
Paano mo mahihikayat ang mga kaklase na huwag lumiban sa klase?
Ipabasa muli ang talata.
Ano ang pamagat ng talata?
Paano isinulat ang pamagat? Talata?
Paano sinimulan ang pangungusap? Talata?
Ano-anong bantas ang ginamit sa pangungusap? Talata?
Ano ang ipinapahiwatig nito?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 20.
Itanong :
Sang-ayon ka ba sa mga sinabi sa talata? Sumulat ng pangungusap tungkol dito.
Ipabasa sa mga bata sa klase ang isinulat na pangungusap.
Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata sa anyong talata.
Ipabasa ang natapos na talata at pasulatin ang mga bata ng pamagat para dito.
Hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang isinulat na pamagat.
Tama ba ang pagkakasulat ninyo?
Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 20.
Karagdagang Pagsasanay
Ipabasang muli ang talatang nagawa ng klase.
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 20.
Gabayan ang mga bata sa pagsusuri ng kanilang isinulat sa pamamagitan ng
sumusunod na tanong: (Isulat ito sa isang malinis na papel)
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
33
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Paano isinulat ang pamagat?
Nakapasok ba ang unang pangungusap sa talata?
Paano sinimulan ang mga pangungusap?
Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangngalang pantangi at pambalana?
Tama ba ang ginamit na mga bantas?
Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
Makagawa ng isang sulating pinamagatang “Ang Pangarap Ko” na binubuo ng
sampung pangungusap
Magamit ang tamang bantas at mga panghalip gaya ng ako, ikaw o siya
Gagampanan ng bawat mag-aaral
Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng isang sulatin na pinamagatang
“Ang Pangarap Ko” na binubuo ng tatlong pangungusap, at ginamitan ng tamang
bantas at panghalip gaya ng ako, ikaw o siya.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang sulatin na pinamagatang “Ang Pangarap
Ko” na binubuo ng tatlong pangungusap, na ginagamitan ng tamang bantas at
panghalip gaya ng ako, ikaw o siya. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na
pamantayan.
Bunga
Sulating pinamagatang “Ang Pangarap Ko”
DRAFT
April 10,2014
Pamantayan sa Pagsulat
PUNTOS
PAMANTAYAN
12
Nakabuo ng isang sulatin na may sampung pangungusap na :
a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, ikaw o siya,
at b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.
Nakabuo ng isang sulatin na may walong pangungusap na:
a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako o siya, at
b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.
Nakabuo ng isang sulatin na may limang pangungusap na:
a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, at
b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.
Nakabuo ng isang sulatin na may tatlong pangungusap na:
a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, at
b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.
9
6
3
34
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 6
Kakayahan Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa matatanda at
hindi kakilala
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong procedural
Gramatika
Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon
Kamalayang Ponolohiya
Natutukoy ang mga salitang magkatugma
Pagsulat at Pagbaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang di-kilala batay sa kanilang bigkas
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang pictograph
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Pagpangkat-pangkatin ang klase .
Bigyan ang bawat pangkat ng kagamitan para sa paggawa ng banderitas.
Pagawain sila ng banderitas na may limang tatsulok.
Ipasulat sa bawat tatsulok ang isang pares ng mga salitang magkakatugma.
Ipatapos ang gawain sa loob ng 8 minuto.
Ipasabit sa mga bata ang natapos na banderitas at magsagawa ng gallery walk.
Ano-ano ang nabasang salitang magkakatugma?
Unang Araw
Layunin
Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang
Paksang-Aralin
Pagsunod sa Panuto na may Dalawa hanggang Tatlong Hakbang
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipagawa sa mga bata.
Isulat ang buo mong pangalan sa isang malinis na papel.
Gumuhit ng isang malaking bilog na may bituin sa loob.
Kulayan ng pula ang bituin.
Pumalakpak ng tatlong beses.
Maupo nang maayos.
Itanong:Nasunod mo ba nang maayos ang mga panuto? Pangatwiranan ang sagot.
35
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Magpatugtog ng isang bilang na maaaring sayawan.
Sabihin sa mga bata na sundan ang mga kilos na ipakikita sa kanila.
Tingnan kung nakasusunod ang lahat.
Itanong:
Nakasunod ka ba? Bakit? Bakit hindi?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipagawa sa mga bata.
1. Gumuhit ng isang parihaba. Sa loob nito iguhit ang kakayahan mo.
2. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito iguhit ang hindi mo kayang gawin.
3. Gumuhit ng dalawang tatsulok. Sa loob nito, isulat ang isang kakayahang nais
mo sana na mayroon ka.
Ipasa ang natapos na gawain sa kaklase sa kaliwa.
Basahing muli ang mga ibinigay na panuto.
Patingnan sa kaklase kung nakasunod nang maayos ang kaniyang kapareha.
Palagyan ng tsek kung nasunod at ekis kung hindi nasunod ang bawat panuto.
Ipabalik sa mga bata ang iniwastong papel ng kaklase.
Ano ang ginawa mo at nasunod mo ang lahat ng panutong ibinigay?
Bakit hindi?
Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga utos/tuntunin?
Ano ang dapat gawin upang makasunod nang maayos sa mga nakasulat na
panuto/sinabing panuto?
Ano ang puwedeng mangyari kung hindi natin susundin ang mga nabasa o
napakinggang panuto?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa .
1.Gumuhit ng tatsulok at isulat sa loob nito ang nais mong maging paglaki.
2. Iguhit sa loob ng isang bilog ang isang taong iyong hinahangaan.
3. Isulat at guhitan ng dalawang beses ang gagawin mo upang maabot ang iyong
pangarap.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipalaro : “Ang Utos ng Hari”
Tumawag ng isang bata na tatayong “hari” na siyang magpapakita ng mga kilos
na gagayahin ng iba pang bata. Ang batang hindi makasusunod sa mga
ipinagagawa ng hari ang siyang susunod na maging “it” o taya.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong procedural
Paksang-Aralin
Pagsagot sa mga Tanong
36
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano ang isang proyekto sa Art na natapos na?
Paano ito isinagawa? Hayaang ibahagi ng mga bata ang mga hakbang na
kanilang sinunod?
2. Paglalahad
Ipakita ang isang tunay na alkansiya.
Itanong:
Ano ang gamit ng bagay na ito?
Paano kaya ito gawain?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang mga hakbang sa paggawa ng alkansiya sa Alamin Natin, p. 21.
Itanong:
Ano-ano ang kagamitang kailangan sa paggawa ng alkansiya?
Ano ang unang hakbang na ginawa? Pangalawa? Panghuli?
Ano kaya ang nangyari kung hindi mo sinunod ang mga nakasulat na hakbang?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p.21.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.22.
Ipaskil sa pisara ang paraan ng paggawa ng pinwheel. Maghanda rin ng
katanungan tungkol dito. Pasagutan ang mga ito sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang kami, tayo at sila sa usapan at sitwasyon
Nagagamit nang wasto ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa
nakatatanda at mga hindi kilala
Paksang-Aralin
Paggamit ng Kami, Tayo at Sila
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tumawag ng ilang bata upang magkuwento tungkol sa mga ginagawa nilang
magkakaibigan upang makatulong sa mga nangangailangan?
Ano-ano ang panghalip na ginamit sa pagkukuwento?
Ano ang pinalitan ng mga ito?
2. Paglalahad
Pag-usapan ang mga nakitang pagtutulungan ng mga Pilipino nang maranasan ng
bansa ang hagupit ng bagyong Yolanda.
Paano mo ipinakita ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo o ng iba pang
kalamidad na nangyari sa bansa?
37
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang usapang “Maliit Man ay Malaki Rin” sa Alamin Natin, p. 22.
Itanong:
Ano ang pamagat ng usapan?
Tungkol saan ang usapan?
Sino ang nag-uusap?
Ano ang ginawa ng bawat isa?
Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan?
Dapat ba silang tularan?
Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na may mga salungguhit na salita.
Sino ang tinutukoy ng kami? Tayo? Sila?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang Linangin Natin, p.23.
Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa
bawat pangungusap.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang sila? Kami? Tayo? Ipatapos ang pangungusap sa p. 24.
Ang kami at tayo ay ginagamit sa unang panauhan upang tukuyin ang taong
nagsasalita sa pangungusap.
Ang kayo ay ginagamit sa ikalawang panauhan upang tukuyin ang taong
kinakausap.
Samantalang,ang sila ay ginagamit sa ikatlong panauhan upang tukuyin ang taong
pinag-uusapan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 24.
Pangkatin ang klase.
Pagawain ng isang usapan gamit ang kami, tayo at sila upang ipakita ang mga
kaya nilang gawin sa pagtulong sa kapwa.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigyang- kahulugan ang pictograph
Paksang-Aralin
Pagbibigay Kahulugan sa Pictograph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang ginagawa mo upang makatulong sa mga taong kailangan tulungan
mo?
2. Paglalahad
Paano tayo makatutulong sa mga biktima ng kalamidad?
Isulat ang sagot ng mga bata.
38
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong: Ilan ang handang tumulong sa pamamagitan ng (Banggitin ang bawat
sagot ng bata sa unang tanong.) Itala ang bilang ng babae at lalaki na tutulong sa
paraang binanggit sa pamamagitan ng pictograph.
Gamitin ang tsart sa pagpapakita ng sagot ng mga bata.
Gawain sa
Bilang ng mga Bata
Pagtulong
3.
Bago magsimula ang klase maghanda ng cut-outs ng batang babae at lalaki. Idikit
ang mga cut-out ng babae at lalaki sa tapat ng bawat paraan ng pagtulong na
binanggit nila.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Tungkol saan ang graph?
Ano-ano ang paraan ng pagtulong?
Aling paraan ang may pinakamaraming gumawa? Pinakakaunti?
Ano ang kabutihang dulot ng pagtutulungan?
Ano ang gagawin mo kung hindi mo kayang pumunta sa isang relief center para
tumulong sa pag-iimpake para sa mga biktima ng kalamidad?
Paano mo maipakikita ang pagtulong sa mga taong nangangailangan sa iyong
paligid?
Pagpapayamang Gawain
Hatiin ang klase at ipagawa ang Linangin Natin, p.24.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.24.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
1. Makagawa ng isang isang liham pangkaibigan na kinapapalooban ng mga
pamamaraang (procedure) dapat sundin sa paggawa ng “Egg Sandwich”
2. Magamit ang tamang bantas at mga panghalip gaya ng kami o tayo o sila sa
pagbubuo ng pangungusap
Gagampanan ng bawat mag-aaral
1. Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang liham na pangkaibigan na
pumapaksa sa sumusunod na pamamaraan o procedure sa paggawa ng egg
sandwich.
1. Balatan ang isang nilagang itlog.
39
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Sa isang mangkok, durugin ang itlog gamit ang tinidor.
3. Lagyan ng limang kutsarang mayonnaise.
4. Lagyan ng sapat na dami ng asin upang magkalasa.
5. Haluin nang mabuti.
6. Kumuha ng isang tinapay at ilagay ang natapos na palaman.
2. Gagamitin ang tamang bantas at iba-ibang uri ng panghalip sa pagbuo ng
pangungusap.
3. Isasagawa ito sa loob ng 45 minuto.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang liham na pangkaibigan na kinapapalooban
ng ng mga pamamaraang (procedure) dapat sundin sa paggawa ng “egg sandwich”
na ginagamitan ng tamang bantas at panghalip gaya ng kami, tayo o sila. Ito ay
tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.
Bunga
Liham Pangkaibigan
Pamantayan sa Pagsulat
PUNTOS
PAMANTAYAN
Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na:
12
a) kinapapalooban ng lahat ng pamamaraang dapat sundin sa paggawa
ng egg sandwich; b) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng
kami o tayo o sila; at c) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng
pangungusap.
Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong
9
pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich; b) ginamitan ng
angkop na bantas; at c) at maliban sa isa may pagkakaugnay-ugnay ang
lahat ng pangungusap.
Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong
6
pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich; at b) ginamitan
ng angkop na bantas.
Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong
3
pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich
DRAFT
April 10,2014
Aralin 7
Paniniwala Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pakikinig
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan
Pag-unlad ng Talasalitaan
Natutukoy ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga kasalungat na
mga salita
40
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita
Pag-unawa sa Binasa
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa pamamagitan ng pangungusap
Gramatika
Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila sa usapan at sitwasyon
Pagsulat at Pagbaybay
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salita,
parirala at pangungusap na natutuhan sa aralin
Estratehiya sa Pag-aaral
Nakagagamit ng diksiyunaryo
Paunang Pagtataya
A. Bilugan ang magkasalungat na salita sa bawat pangungusap.
1. Ang pagdiriwang ng kapistahan ay tradisyon ng mga Pilipino. Sa loob at labas
man ng bansa ito ay ipinagdiriwang.
2. Mula pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, ang mag-anak ay abala sa
paghahanda ng mga pagkain para sa darating na mga bisita.
3. Si Rona ay masiglang bata samantalang si Jona naman ay matamlay.
4. Ang masipag na si Emma ay pinarangalan ng klase habang nakatingin nang may
panghihinayang ang tamad na si Mario.
5. Madali lang ang pagsusulit para kay Luisa dahil pinag-aralan niya ang mahirap
na aralin kagabi.
DRAFT
April 10,2014
Unang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan
Natutukoy ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga kasalungat na
mga salita
Paksang-Aralin
Pagsasalaysay Muli
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipatala sa mga bata ang naaalala nila kapag naririnig ang salitang tradisyon.
Pag-usapan sa klase ang itinala ng mga bata.
2. Paglalahad
Pangkatin ang klase. Bigyan ng puzzle ang bawat pangkat.
41
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Larawan ng fiesta na ginawang
puzzle
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas.
Pagdiriwang ng Pista
Tradisyon na ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng kapistahan taon-taon.
Ang lahat ay nananabik sa pagdating ng araw ito. Panahon ito ng pagkikita-kita
ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, magkakakilala at magkakapamilya.
Halos lahat ay nagiging abala sa pag-aayos ng sari-sariling bahay. Ang
iba naman ay nagbibigay ng oras sa pagkakabit ng banderitas. Bawat pamilya,
mahirap man o mayaman ay may mga handang pagkain upang may maihain sa
panauhing darating.
Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan, ang diwa ng
pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi
mawawala sa puso ng bawat Pilipino.
Itanong:
Ano ang pagdiriwang na binanggit sa teksto?
Paano naghanda ang mga tao bago pa man sumapit ang araw ng pista?
Sa mismong araw ng pista? Pagkatapos ng pista?
Ganito rin ba ang ginagawa ninyong paghahanda?
Paano ipinapakita ang pagkakaisa sa pagdiriwang ng kapistahan?
DRAFT
April 10,2014
Bakit nagdiriwang ng kapistahan?
Ano-ano ang paniniwala kung may pagdiriwang ng pista?
Magpakita ng mga larawan tungkol sa binasang talata.
Sabihin: Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa napakinggan.
42
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipasalaysay muli ang napakinggan sa pamamagitan ng larawan.
Ipabasa at ipasuri sa mga bata ang sumusunod na pangungusap.
1. Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan, ang diwa ng
pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi
mawawala sa puso ng bawat Pilipino.
2. Bawat pamilya, mahirap man o mayaman ay may mga handang pagkain
upang may maihain sa panauhing darating.
Ano ang ibig sabihin ng magarbo? Mahirap?
Ipagamit ang mga salitang ito sa sariling pangungusap upang matiyak na
naunawaan ng mga bata ang kahulugan nito.
Ipabasa muli sa mga bata ang pangungusap. Tukuyin ang kasalungat na
salita ng magarbo/mahirap.
Ipakita ang graphic organizer.
Ano ang salitang kasalungat ng salitang nasa loob ng bilog? (Isulat sa organizer
ang sagot ng mga bata.)
DRAFT
April 10,2014
payapa
* Ipalit ang bawat salitang nakalista na nasa loob ng bilog. Ano ang kasalungat na
salita ng bawat isa? Maaari rin namang gumamit ng ibang salita na natutuhan sa
nakaraang aralin.
mabango
mabigat
madilim
mataas
Ipagamit ang mga salita sa pangungusap upang maipakita ang pagiging
magkasalungat ng mga salita na binigyang-kahulugan.
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkatin ang klase.
Hayaang magkuwento ang isang bata sa pangkat.
Ipaguhit ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento.
Tumawag ng ibang bata upang isalaysay ang kuwento sa pamamagitan ng mga
iginuhit ng pangkat.
5. Paglalahat
Sa anong paraan pa maisalaysay muli ang isang kuwentong napakinggan?
Kailan nagiging magkasalungat ang mga salita?
6. Karagdagang Pagsasanay
Bumasa sa mga bata ng isang kuwentong hindi pa nagagamit sa klase.
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang bahagi na nagustuhan nila.
Matapos ang ilang minuto, hayaang ipakita ng ilang bata ang kanilang natapos na
gawain at ipakuwento ang pangyayari sa iginuhit na bahagi ng napakinggang
kuwento.
43
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa pamamagitan ng pangungusap
Paksang-Aralin
Pagsasalaysay Muli ng Binasang Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong: Ano ang suliraning naranasan na ng inyong pamilya?
Ano ang ginawa ninyo nang ito ay maranasan?
Hayaang magbahagi ang mag-aaral ng karanasan tungkol dito.
2. Paglalahad
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng mga tanong na nais nilang masagot habang
binabasa ang kuwento.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa Alamin Natin, p.25.
Itanong sa mga bata kung mayroon silang salita/mga salita na hindi naunawaan sa
kuwentong binasa. Itala ang sagot ng mga bata.
Linangin ang bawat salita.
Pabalikan ang mga tanong na ginawa bago bumasa. Pasagutan ito sa mga bata.
Ihanda ang sumusunod na tanong sa mga istrip ng cartolina.Ilagay ang mga ito sa
malaking kahon o basket. Magpatugtog ng musika habang umiikot ang basket ng
mga tanong. Pagtigil ng musika, ang batang may hawak ng basket ang siyang
bubunot ng tanong at sasagot nito.
Itanong :
Ano ang nangyari kay Mang Lando?
Bakit siya dinala sa ospital?
Ano ang naramdaman ng asawa at mga anak ni Mang Lando sa pangyayaring
naganap?
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Gitnang pangyayari? Huling
pangyayari?
Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
Iayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap.
Hayaang isalaysay muli ng mga bata ang binasang kuwento sa pamamagitan
ng pangungusap.
Paano ipinakita ng pamilya ang labis nilang pananalig sa Panginoon?
Anong katangian mayroon ang pamilya?
Dapat ba natin silang tularan? Bakit?
Ipabasa ang mga salitang mula sa binasang kuwento.
- sapa
- dama
DRAFT
April 10,2014
44
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Sabihin: Hanapin ang pangungusap kung saan ginamit ang mga salita.
Ano ang ibig sabihin ng salitang sapa? Dama?
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
Kung papalitan natin ang mga unang tunog ng bawat salita, ano ang bagong
salitang mabubuo?
Gamitin ang tsart sa pagtatala ng mga sagot.
Bagong Salita
sapa
mapa, tapa, kapa
dama
Ngayon naman, padagdagan ng tunog o pantig ang mga salita.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 26.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin? Ipakumpleto ang Tandaan Natin p. 26.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 26.
Matapos ang inilaang oras, ipabasa sa mga bata salitang itinala at mga nabuong
salita sa tulong ng kaklase.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salita,
parirala at pangungusap na natutuhan sa aralin
Paksang-Aralin
Gamit ng Kami, Tayo, Kayo, at Sila
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Basahin ang mga sitwasyon. Sagutin ang tanong.
1. Sina Mira at Maya ay may mabubuting kalooban. Sina Mira at Maya ay laging
tumutulong sa mga nangangailangan. Sina Mira at Maya ay laging bukaspalad sa mga lumalapit sa kanila.
Anong salita ang maaaring ipalit sa pangalan nina Mira at Maya?
2. Ako, sina Paolo at Mark ay nakapulot ng pitaka na may lamang pera. Hinanap
ko, nina Paolo at Mark ang nagmamay-ari ng pitaka upang isauli ito.
Anong salita ang maaaring ipalit sa pangalan ko at nina Paolo at Mark?
2. Paglalahad
Pangkatin ang klase.
Sabihin sa mga bata na pag-uusapan sa pangkat ang kani-kanilang
pinaniniwalaan.
Papaghandain ang bawat pangkat upang iparinig ang usapang ginawa. Ipagamit
ang kami, tayo, sila at kayo.
45
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Itanong :
Kailan ginagamit ang kayo? Sila? Kami? Tayo?
Ipasuri sa mga bata ang mga pangungusap sa Alamin Natin, p.27.
Ano ang salitang ipinanghalili sa ngalan nina Marco, Gab at ako? Peter, Gary,
ikaw at ako? Mang Carding, Aling Perla at ikaw? Carlos, Jenny at Edward?
4. Pagpapayamang Gawain
Magsagawa ng isang mini-interview sa loob ng klase.
Bawat bata ay magtatanong sa dalawa hanggang apat na kaklase ng kanilang
paniniwala tungkol sa multo, duwende, engkanto.
Matapos ang inilaang oras, ipagawa ang Linangin Natin, p. 27.
Pasulatin ang mga bata ng mga pangungusap tungkol sa nakalap na impormasyon.
Ipaalala sa mga bata na gamitin sa pangungusap ang sila, kayo, tayo at kami.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang sila? Kami? Tayo? Kayo? Ipakumpleto ang pangungusap sa
Tandaan Natin, p. 27.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 27.
Bigyang-halaga ang gagawing pagtatanghal ng bawat pangkat.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang diksiyunaryo
Paksang-Aralin
Wastong Paggamit ng Diksiyunaryo
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Paano gamitin ang diskyunaryo?
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa Alamin Natin, p. 24.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipatala sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan mula sa binasang
teksto.
Ipasipi mula sa diksiyunaryo ang isang kahulugan nito.
Ipagamit sa mga bata ang format na ito.
Salitang Hindi Ko Maunawaan
Kahulugan Mula sa Diksiyunaryo
Ano-ano ang salitang hindi nauunawaan mula sa binasa?
Itala sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
Ano ang kahulugan ng bawat isa?
46
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 28.
5. Paglalahat
Paano gamitin ang diksiyunaryo?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 28.
Ipatala sa mga bata ang tatlong salitang natutuhan mula sa mga nagdaaang aralin.
Ipasulat ang kahulugan ng bawat isa buhat sa diksiyunaryo.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
Makagawa ng talaan ng talahuluganan ng mga salitang pinamagatang “ Ang Aking
Diksiyunaryo”
Magamit ang kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa pagsusulat ng tatlong
salitang natutuhan sa talahuluganan ng mga salita
Magamit ang dictionary entry bilang gabay sa paggawa ng talahuganan ng mga
salita
Gagampanan ng bawat mag-aaral
Makasulat ng tatlong salitang hindi nauunawaan sa kuwentong “Huwag Mawalan
ng Pag-asa” at makagawa ng “Aking Diksiyunaryo.”
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng talaan ng talahuluganan ng mga salitang
pinamagatang “Ang Aking Disyunaryo”. Gagamitin bilang sanggunian ang
kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” upang makabuo ng talahuluganan na may
tatlong salitang bibigyan ng kahulugan. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng
nakalakip na pamantayan.
Bunga
Ang Aking Diksiyunaryo
Pamantayan sa Pagsasagawa
PUNTOS
PAMANTAYAN
Naisulat
nang
paalpabeto
ang
tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag
12
Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang
bawat isa nang wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry bilang
gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita.
Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag
9
Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang
dalawang salita ng wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry
bilang gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita.
DRAFT
April 10,2014
47
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag
Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang
isang salita nang wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry
bilang gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita..
Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag
Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.”
6
3
Aralin 8
Karapatan Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naibibigay ang mensahe ng napakinggang kuwento
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng wakas sa binasang kuwento
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit
Gramatika
Nagagamit ang panghalip na pamatlig na ito, iyan, at iyon
Komposisyon
Nasisipi nang maayos at wasto ang mga salita mula sa tekstong binasa
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na pantig
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Pangkatin ang klase at ipagawa ang isinasaad sa matatanggap na activity sheet.
Bigyan ang bawat pangkat ng activity sheet na nakasulat ang isa sa sumusunod.
Gawain 1 Naubos na ang berdeng krayola at nais ng buong
pangkat manghiram sa kabilang pangkat. Ipakita ang gagawin sa
pamamagitan ng isang dula-dulaan.
Gawain 2 Ano ang sasabihin mo kung manghihiram ka ng isang aklat sa
silid-aklatan? Isulat ang mga sasabihin.
Pagpapalahad ng sagot ng bawat pangkat.
Ano ang mga ginamit na salita upang ituro ang tinutukoy na mga bagay?
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong sa kuwento
Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa Napakinggang Kuwento
48
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang alam mong karapatan mo?
2. Paglalahad
Itanong:
Ano-ano ang mga salitang maiuugnay ninyo sa salitang mapalad?
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin sa mga bata.
Ano kaya ang nangyari kay Marina? Isulat ang sagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin ang kuwento.
Marinang Mapalad
Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na ang kaniyang
mga magulang sa isang aksidente. Kaya nga’t siya ay kinupkop ng kaniyang
tiyahin na walang anak. Itinuring siya ay parang tunay na anak. Pinag-aral siya.
Ibinili ng lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa lahat binigyan ng isang
pamilya na kaniyang matatawag. Tunay na mapalad si Marina.
Itanong
Sino ang inilalarawan sa kuwento?
Ano ang nangyari sa kaniya?
Bakit siya mapalad?
Ano-anong karapatan ang naibigay sa kaniya?
Ano-ano ang karapatang naibibigay sa iyo ngayon?
Paano mo pahahalagahan ang mga karapatang ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipakuha sa mga bata ng kagamitan para sa paggawa ng poster.
Ipaguhit ang mga dahilan ng pagiging mapalad ni Marina.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magpagawa sa mga bata ng isang maikling liham ng pasasalamat sa magulang sa
pagbibigay-buhay at pagpapaaral sa kanila.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang tanong tungkol sa binasang kuwento
Nakapagbibigay-wakas sa binasang kuwento
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan ng kanilang pamamasyal
kasama ang pamilya.
49
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Anong lugar sa Pilipinas ang nais mong mapuntahan?
Bakit gusto mong makarating dito?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong: Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng limang tulog?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang kuwentong “Limang Tulog” sa Alamin Natin, p.28.
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang
tapusin ang gawaing iaatas sa kanila.
Gawain 1 Isadula kung bakit excited si Flor.
Gawain 2 Iguhit ang mga naisip ni Flor.
Gawain 3 Isulat ang mga pangyayari sa kuwento.
Pagtatanghal ng bawat pangkat.
Balikan ang kasagutan sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang naging hula ninyo?
Bakit excited si Flor?
Ano ang nangyari sa kaniya?
Sa palagay mo, nakasama kaya siya? Bakit mo nasabi?
Ano ang gagawin mo kung hindi ka makakasama dahil may sakit ka?
Ano ang gusto mong maging wakas ng napakinggang kuwento?
Ano-anong karapatan ang tinamasa ni Flor sa kuwento?
Natatamasa mo rin ang mga ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 30.
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ng sitwasyon ang bawat pangkat.
Atasan silang isadula ang sa palagay nila ay naging wakas ng napiling kuwento .
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 30.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 30.
Tumawag ng ilang bata at pabasa ang natapos na gawain.
Kunin ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot. Bigyan ng puna
kung paano isinulat ang talata. Matapos bigyan ng puna, ibalik ito sa mga bata
upang muling maisulat ang talata.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit
Nagagamit ang ito, iyan / iyon sa pangungusap
Paksang-Aralin
Gamit ng Ito, Iyan, at Iyon
50
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong:
May ipinadadala ang iyong guro pero nakalimutan mo, ano ang gagawin mo?
2. Paglalahad
Ano ang nangyari kay Flor sa “Limang Tulog”?
Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 29.
Itanong:Ano kaya ang gagawin niya kung sa pasukan ay kulang ang kaniyang
gamit sa paaralan pero may pinaglumaan naman ang kaniyang ate o kuya?
Ano kaya ang sasabihin niya?
Isulat ang sasabihin ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata.
Itanong:
Alin sa mga pangungusap ang tamang pagsasabi na nais mong manghiram ng
gamit?
Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 30.
Bigyan ng pansin ang mga salita na nakasalungguhit sa usapan.
DRAFT
April 10,2014
Itanong:
Ano-anong gamit ang hiniram ni Flor?
Ano-anong salita ang ginamit niya sa panghihiram?
Ano ang sasabihin mo kapag pinahiram ka?
Anong salita ang ginamit sa pagtuturo ng mga gamit sa usapan?
Ano ang tinukoy ng ito? Iyon? Iyan?
Kailan ginamit ang ito? Iyon? Iyan?
Nasaan ang bagay na itinuro nang gamitin ang ito? Iyon? Iyan?
Ano ang karapatan ni Flor ang naipakita sa kuwentong binasa?
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa karapatan sa pag-aaral?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 31.
Pagawain ang bawat paresng bata ng isang usapan na gamit ang ito, iyan at iyon.
Pagtatanghal ng bawat pares ng bata.
Tama ba ang paggamit ng ito? Iyon? Iyan?
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 31.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 31.
Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid.
Ituro ito gamit ang wastong pamatlig na ito, iyan at iyon.
51
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikaapat na Araw
Layunin
Nasisipi ang mga salita mula sa tekstong binasa
Nababaybay at nasusulat nang wasto at maayos ang mga salita na may tatlo o
apat na pantig
Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon
Paksang-Aralin
Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat
Paglinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipalaro : Pinoy Henyo
Pahulaan ang bahagi ng aklat na nakasulat sa papel.
2. Paglalahad
Ipaturo sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng aklat.
Pag-usapan ang kahalagahan ng bawat bahagi.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipagawa sa mga bata ang panuto na mababasa sa Alamin Natin, p. 31.
Pagtalakay sa mga sagot ng mga bata.
Gabayan ang mga bata kung may maling kasagutan.
Saan makikita ang pahina ng isang tekstong nais basahin?
Saan makikita ang “Talaan ng Nilalaman?”
Kung wala ang “Talaan ng Nilalaman,” ano pang bahagi ng aklat ang maaaring
pagkunan ng pahina ng isang tekstong kailangan?
Paano mo pangangalagaan ang mga aklat?
Anong karapatan ang natatamasa mo kung nagkakaroon ka ng pagkakataon na
makabasa ng aklat upang malibang? Upang makakuha ng impormasyon na
kailangan mo sa pag-aaral?
Ipabasa ang mga salitang inilista mula sa binasang akda. Ipasulat ito sa mga bata
sa pisara.
Ilang pantig mayroon ang bawat salita?
Linangin ang bawat salita at ipagamit sa sariling pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 32.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan
Natin, p. 32.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 32.
DRAFT
April 10,2014
52
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
Makagawa ng album tungkol sa karapatan ng mga bata
Magamit ang panghalip na ito, iyan o iyon
Gagampanan ng bawat mag-aaral
Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makagawa ng album ng larawang
nagpapakita ng karapatan ng mga bata, at makasulat ng isang pangungusap tungkol
sa larawang ginupit at idinikit sa album.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng album na may tatlong larawan na
nagpapakita ng karapatan ng mga bata. Inaasahan din na makasusulat sila ng isang
pangungusap tungkol sa bawat larawang idinikit sa album.
Bunga
Album ng mga Karapatan ng mga Bata
Pamantayan sa Pagsasagawa
PUNTOS
PAMANTAYAN
Ang album ay malinis, maayos, makulay at naipakita ang mga larawan
12
sa malikhain at orihinal na pamamaraan. Naidikit ang tatlong larawan sa
isang malikhaing paraan at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit
ang panghalip na ito , iyon o iyan.
Ang album ay malinis, maayos, at makulay. Naidikit ang mga larawan
9
nang maayos at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit ang
panghalip na ito , iyon o iyan.
Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng tatlong larawan at
6
nakasulat nang angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito o
iyon o iyan.
Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng dalawang
3
larawan.
DRAFT
April 10,2014
Aralin 9
Tungkulin Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto
Wikang Binibigkas
Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa pamayanan
Gramatika
Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyon
53
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakagagamit ng pahiwatig sa pag-alam ng kahulugan ng mga salita (tulad ng
paggamit ng mga salitang magkasalungat)
Pag-unawa sa Binasa
Nagbabago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Pagsulat at Pagbabaybay
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga
parirala at pangungusap
Paunang Pagtataya
Basahin sa mga bata.
Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang isang marungis na bata na
kasa-kasama ang kaniyang maliit na kapatid. Ilang araw na raw silang hindi kumakain.
Ipasulat sa mga bata ang sagot sa kanilang sagutang papel.
1. Sino ang nanggaling sa tindahan?
2. Ano ang nangyari sa magkapatid?
3. Ano kaya ang ginawa ni Terry?
DRAFT
April 10,2014
Basahing muli ang sitwasyon at mga tanong.
Talakayin ang sagot sa bawat tanong.
Tama ba ang pagkakasulat mo sa ngalan ng tao? Sa pangungusap?
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto
Naiuulat ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa Napakinggang Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga larawan ng mga gawain sa bahay, paaralan, at pamayanan.
Ipakita ito sa mga bata.
Pag-usapan ang bawat larawan.
2. Paglalahad
Ipatala sa mga bata ang ginagawa nila sa bahay, paaralan, at sa pamayanan.
Ipagamit ang talaan na ito.
Ang mga ginagawa ko sa…
tahanan
paaralan
pamayanan
Ipabasa sa mga bata ang kanilang itinala.
Itanong: Bakit mo ginagawa ang mga ito?
54
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
May mga tungkuling na dapat gampanan sa paaralan, tahanan, at
pamayanan.
Ang sumusunod ay tungkulin sa tahanan: sumunod sa utos ng mga
magulang, iayos at iligpit ang mga laruan pagkatapos maglaro; magpaalam sa
magulang kung aalis; tumulong sa mga gawaing-bahay; at igalang ang mga
magulang at kasama sa bahay. Tungkulin ng mga bata sa paaralan na: sumunod at
makinig sa guro, gumawa ng takdang-aralin, sumunod sa mga batas at alituntunin
sa paaralan katulad ng pagsusuot ng uniporme, paggalang sa watawat at pagpasok
sa tamang oras. May mga tungkulin din sa pamayanan. Ang mga ito ay pagsunod
sa batas trapiko, pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan, pagpapanatiling
malinis sa lugar, at pakikipagkasundo sa mga kapitbahay.
Mahalagang isagawa ang mga nabanggit na mga tungkulin para sa
ikabubuti ng mga bata. Lalaki silang maayos, may respeto at may pagmamahal sa
sarili, sa magulang at sa kanilang bayan.
SES Teacher Nora
DRAFT
April 10,2014
http://rosericnors.blogspot.com/2012/02/tungkulin-ng-mga-bata-sa-paaralan.html
Itanong:
Batay sa binasa, ano ang ibig sabihin ng salitang tungkulin?
Saan-saan may tungkulin na dapat gampanan ang bawat isa?
Ano-ano ang tungkulin sa bahay? Paaralan? Pamayanan?
Ginagawa mo ba ang mga tungkulin na nabanggit?
Bakit? Bakit hindi?
Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng karanasan sa pagtupag ng tungkulin.
Ano ang kabutihang dulot sa pagtupad ng mga tungkulin?
Ano ang mangyayari kung hindi naman tutuparin ang mga tungkulin?
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng isang naobserbahang pangyayari sa
tahanan/paaralan/pamayanan na may kinalaman sa pagsunod sa isang tuntunin.
Ano ang dapat tandaan kung magsasalaysay ng isang pangyayari?
Ano ang dapat gawin kung magmamasid ng isang pangyayari upang iulat?
4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng mga istrip ng papel na may nakasulat na mga karapatan ng mga
bata.
Pabunutin ang bawat pangkat ng isang istrip ng papel.
Ipatanghal sa bawat pangkat ang tungkulin na katapat ng karapatang mabubunot.
Tumawag ng isang bata upang isalaysay sa kaniyang sariling salita ang
naobserbahang pangyayari.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pag-uulat ng isang pangyayaring naobserbahan?
6. Karagdagang Pagsasanay
Papikitin ang mga bata.
55
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipaisip sa kanila ang mga pangyayaring naobserbahan sa kanilang paglalakad o
habang patungo sila sa paaralan.
Ipamulat ang mga mata.
Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay ng kanilang naobserbahan.
Itanong sa mga batang nakapakinig ng pag-uulat:
Tama ba ang paraan ng kaniyang pagkakaulat?
Ikalawang Araw
Layunin
Nababago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
paggamit ng mga kasalungat na salita
Paksang-Aralin
Paggamit ng mga Magkasalungat na Salita
DRAFT
April 10,2014
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng larawan ng mga pagkain sa iba’t ibang pangkat ng pagkain.
Ibigay ang bawat larawan sa mga bata.
Ipadikit ang mga ito ayon sa kanilang tamang kategorya.
Suriin ang pagpapangkat na ginawa.
Ano ang go food? Grow food? Glow food?
2. Paglalahad
Pagpapalawak ng talasalitaan
Ipabigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Maraming kumain ng kanin ang nanay ni Rolly, kaya mataas ang
cholesterol niya. Pinayuhan siyang kumain lamang ng kaunti upang maging
mababa ang kaniyang kolesterol. (kasalungat- mababa)
2. Matapos kong kumain ng maalat na pagkain , kumain naman ako ng matamis
na tsokolate. (kasalungat - maalat)
3. Nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito
ay nakakataba. (kasalungat – nakakataba)
4. Ang tsokolate ay may antioxidants na maaaring makapagpakinis ng
magaspang na kutis. (kasalungat – magaspang)
Ipagamit ang mga bagong salita sa pangungusap.
Mahilig ka ba sa tsokolate?
Hayaang ibahagi ang karanasan ng mga bata na may kinalaman sa pagkain ng
tsokolate.
Ano ang alam mo tungkol sa tsokolate?
Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata.
56
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
ALAM KO NA
NGAYON KO LANG NALAMAN
Ano pa ang nais ninyong malaman tungkol sa tsokolate?
Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa nang tahimik ang teksto sa Alamin Natin, p. 32-33.
Matapos basahin ang teksto, ipasulat ang mga bagong natutunan tungkol sa
tsokolate.
Ipabasa ang kasagutan sa mga bata.
Ano-ano ang magagandang dulot ng pagkain ng tsokolate?
Kailan nagiging masama sa katawan ang pagkain ng tsokolate?
Ano-ano sa dating kaalaman mo sa tsokolate ang nagbago?
Ano ang tungkulin mo sa iyong sarili pagdating sa pagkain?
Paano mo maisasagawa ang tungkulin mo sa iyong sarili?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin,p. 34
Papunan ang tsart sa ibaba tungkol sa paniniwala mo tungkol sa tsokolate bago at
matapos basahin ang teksto.
NOON
NGAYON
Masama sa katawan
Mabuti sa katawan
DRAFT
April 10,2014
* Siguraduhin na ang ilalagay ng mga bata ay magkakasalungat na ideya.
Ipabasa sa mga bata ang natapos na gawain.
Talakayin ang kanilang kasagutan.
5. Paglalahat
Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.34.
Magsagawa ng isang gallery walk na nagtatampok ng mga iginuhit ng mga bata.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat bata.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang mga panghalip na ito, iyan, at iyon
Paksang-Aralin
Paggamit ng Panghalip na Ito, Iyan at Iyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Linangin ang salitang tungkulin.
2. Paglalahad
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
57
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipasuri ang mga larawan na nasa Alamin Natin , p. 34.
Ano ang ginagawa ng bata sa bawat larawan?
Alin-aling larawan ang dapat magkakasama?
Hayaang pagpangkat-pangkatin ng mga bata ang mga larawan.
Tumawag ng ilang pares ng bata upang tukuyin ang mga larawan gamit ang
salitang ito, iyan, at iyon.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 35.
Pabilugin ang mga bata.
Sabihin sa kanila na sa pagtigil ng tugtog, ang batang may hawak ng bola ang
magbibigay ng isang pangungusap na may gamit na ito, iyon at iyan.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ito? Iyan?Iyon?
6. Karagdagang Pagsasanay
Upang mapatibay at mapayaman ang nililinang na kasanayan, ipagawa ang
Pagyamanin Natin, p. 35.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at
pangungusap.
Paksang-Aralin
Pagsulat ng mga Pangungusap
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pasulatin ang mga bata ng ginawang tungkulin sa bahay nang nagdaang gabi.
Ipapaskil ito sa inilaang paskilan sa loob ng silid-aralan.
Bigyan ng tatlong minuto ang mga bata na makapaglibot sa loob ng silid upang
mabasa ang ginawa ng mga bata.
Matapos ang inilaang oras, itanong: Ano-ano ang ginawa ng mga kaklase ninyo?
Itala ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ito .
2. Paglalahad
Ipakitang muli ang mga larawan na ginamit sa Ikatlong Araw.
Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata. Pasulatin sila ng isang pangungusap
tungkol sa larawang ipinakita.
Bigyang muli ng panibagong istrip ng papel ang bawat bata.
Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na nagpapahayag ng damdamin
tungkol sa larawang ipakikita ng guro.
Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata upang isulat dito ang isang tanong tungkol
sa larawang ipakikita ng guro.
58
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang mga nagawang pangungusap sa mga bata.
Ipapaskil ang mga pangungusap sa pisara.
Itanong:
Alin-aling pangungusap ang dapat magkakasama?
Ano ang napansin sa bawat pangkat ng pangungusap?
Paano sinimulan ang mga pangungusap?
Paano nagtapos ang pangungusap na nagsasalaysay? Nagsasaad ng damdamin?
Nagtatanong?
Anong tawag sa mga bantas na ginamit?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 36.
Matapos ang inilaang oras, ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.
Tama ba ang pagkakasulat ng bawat pangungusap?
Paano iwawasto ang mali ang pagkakasulat?
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas?
Ginagamit ang malaking letra sa:
unang letra ng unang salita sa pangungusap
unang letra ng pangalan ng tao
unang letra ng tanging ngalan ng hayop, lugar at iba pa
Ginagamit ang maliit na letra sa karaniwang salita.
Ginagamit ang tuldok (.) sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay.
Ginagamit ang panandang pananong (?) sa pangungusap na nagtatanong.
Ginagamit ang panandang padamdam (!) sa pangungusap na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Ginagamit ang kuwit (,) bilang tanda ng pahinga o paghihiwalay ng mga salita.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 36.
Isulat nang wasto ang “Panatang Makabayan,” sa isang malinis na papel.
Matapos ang inilaang oras para sulatin ito ng mga bata nang walang huwaran,
ipakita sa mga bata ang wastong pagkakasulat nito.
Hayaang makipagpalit ng papel ang mga bata sa kanilang katabi. Palagyan ng
puna kung naisulat o hindi nang wasto ang teksto.
Ipabalik ang papel sa sumulat upang maiwastoito nang isinasaalang-alang ang
mga puna mula sa kaklase.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
A. Iparinig ang maikling talata. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang letra
ng tamang sagot.
59
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Isang maliit at magandang nayon ang aming lugar sa probinsiya. Sa bukid
nagtatrabaho ang aming mga magulang. Sila ay magsasaka. Nagtatanim sila ng
iba’t ibang uri ng mga halaman na ibinibenta sa bayan.
Isang araw, habang sila ay nasa bukid, naiwan kaming magkakapatid sa
bahay. “Ella, ikaw ang maghuhugas ng pinggan sa umaga at si Nico naman sa
gabi. Ako na ang magluluto ng ating pagkain,” wika ni Ate Lany.
Tulong-tulong ang magkakapatid sa mga gawain sa bahay, at ginagawa nila
nang maayos ang kani-kanilang tungkulin. Pag-uwi sa bahay ng mag-asawa ng
hapong iyon, nawika ng ina,“ Salamat mga anak, napapanatili ninyong malinis at
maayos ang ating tahanan.”
1. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang, sila ay ___________.
A. mangingisda
B. magsasaka
C. magtotroso
D. magkakaingin
2. Ang magkakapatid ay nagtutulong-tulong sa gawaing-bahay upang
A. mapanatili ang kalinisan
C. matuwa ang magulang
B. papurihan sila
D. mabigyan ng pabuya o regalo
3. Tama ba ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang ni Nico sa kanila? Bakit?
A. Oo, dahil lalaki sila na responsableng mamamayan.
B. Oo, dahil palaging matutuwa ang kaniyang mga magulang.
C. Hindi, dahil inaabuso ng kaniyang mga magulang ang kanilang karapatan.
D. Hindi, dahil hindi makatarungan na sila ay pagtrabahuhin sa loob ng tahanan.
B. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit.
4. Isang maliit na nayon ang tirahan namin sa probinsiya.
5. Malumanay magsalita ang aking nanay.
6. Ang magkakapatid ay tulong-tulong sa mga gawain sa bahay.
7. Tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya na magtulungan upang mapanatili ang
kaayusan.
8. Napapanatiling malinis at maayos ang ating tahanan kapag sama-sama.
C.
DRAFT
April 10,2014
Ipasulat muli ang talata gamit ang wastong bantas gayundin ang maliit at
malaking letra.
lunes maagang gumising si brille upang ihanda ang sarili sa pagpasok sa
eskwela matapos maligo dumiretso siya sa kusina at kumain busog nabusog si
brille sa napakasarap na umagahang inihanda ng ina humalik si brille sa pingi ng
ina at nagpaalam aalis na po ako inay masayang wika ni brille mag-iingat ka anak
ang tugon ng ina
60
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 10
Buhay Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento
Pag-unawa sa Binasa
Natutukoy ang mga elemento ng kuwento
Gramatika
Nagagamit ang ito, iyon, at iyan
Pag-unlad ng Talasalitaan
Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita
Komposisyon
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Basahin ang kuwento upang masagot ang mga tanong tungkol dito.
Nagmamadali Pa Naman
Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng
uniporme. Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya.
Malapit na siya sa gate ng kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid.
Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na rin niya hinintay na
makarating siya sa tamang tawiran.
“Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya.
Muntik na siya.
Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok
nang araw na iyon. Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi
ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo na ang pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa
kalsada.
Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Saan-saan naganap ang kuwento?
3. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa?
4. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid sa tamang tawiran?
5. Bakit nagmamadali si Rosa?
61
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga simpleng tanong tungkol sa napakinggang kuwento
Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Kahawig na Kuwento
Paglinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng isang larawan tungkol sa pamumuhay sa lungsod o sa baryo.
Ipakita ito sa mga bata.
Pag-usapan ang larawan.
2. Paglalahad
papikitin ang mga bata. Kung maaari, magparinig ng musika sa
mga bata habang ipinaalala sa kanila ang nagdaang bakasyon.
Ipaguhit ang naalala noong nakaraang bakasyon.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tumawag ng isang bata na magkukuwento sa buong klase ng sariling
karanasan gamit ang larawang iginuhit.
Pag-usapan ang napakinggang kuwento.
Bakit hindi malilimutan ang karanasang napakinggan?
Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento?
Ano-ano ang damdamin na nasa kuwento?
May ganito ka rin bang karanasan?
4. Pagpapayamang Gawain
Tumawag pa ng ilang bata upang magbahagi rin ng katulad na karanasan.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magparinig sa mga bata ng isang kuwento.
Hayaang magbigay ang mga bata ng orihinal na kuwento na may katulad na tema
nito. Tumawag ng ilang volunteer para magbahagi sa buong klase.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Natutukoy ang mga elemento ng kuwento
Paksang-Aralin
Mga Elemento ng Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Balikan ang napakinggang kuwento nang nagdaang unang araw.
Itanong:
Sino ang tauhan sa napakinggang kuwento?
62
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Saan ito nangyari?
2. Paglalahad
Ano ang napanaginipan mo nang nagdaang gabi?
Hayaang ikuwento ito ng mga bata.
Puwede kaya itong magkatotoo?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p.37.
Pangkatin ang klase. Ipagawa ang isang gawain sa bawat pangkat.
Gawain 1 – Igawa ng stick puppet ang tauhan sa kuwento
Gawain 2 – Iguhit kung saan naganap ang kuwento
Gawain 3 – Isulat ang unang, panggitna, at panghuling pangyayari sa kuwento.
Itanong:
Tungkol saan ang kuwento?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.)
Saan naganap ang kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.)
Ano ang napanaginipan ng tauhan sa kuwento?
Ano-ano ang pangyayari sa kaniyang panaginip?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.)
Ano ang isa mong panaginip na hindi mo malimutan?
Ipabahagi ito sa klase.
Nagkakatotoo ba ang panaginip?
Ano ang dapat gawin kung may masamang panaginip?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang kuwento sa Linangin Natin, p.38 at pasagutan ang mga
tanong sa pamamagitan ng T-Model na nakasulat sa isang manila papel o sa
cartolina. Bigyan ang bawat pangkat ng klase upang dito isulat ang kanilang
sagot.
DRAFT
April 10,2014
Patnubay na Tanong
Mga sagot
1. Ano ang pamagat ng kuwento
2. Sino-sino ang mga tauhan?
3. Saan ito naganap?
4. Kailan ito naganap?
5. Ano ang suliranin ng tauhan?
Wakas
Ibahagi sa bawat pangkat ang kanilang sagot.
Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtalakay sa kasagutan sa bawat
tanong.
5. Paglalahat
Ano-ano ang elemento ng kuwento?
63
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 39.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang natapos na balangkas.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyon
Paksang-Aralin
Paggamit ng Ito, Iyan at Iyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang ito, iyan at iyon.
Itanong:
Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon?
2. Paglalahad
Ipabasa at ipagawa ang Alamin Natin, p. 39.
Ipaguhit sa mga bata ang mga bagay na nakita ni Bernardo sa kaniyang
panaginip.
Pasulatin ang mga bata ng pangungusap upang maipakita ang wastong gamit ng
ito, iyon at iyan.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap.
Ipasulat ito sa pisara.
Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap?
Paano maiwawasto ang mga mali ng pagkakasulat?
Ano ang tinutukoy ng ito/iyon/iyan sa pangungusap?
Nasaan ang tinutukoy na bagay/lugar/tao?
Tama ba ang pagkakagamit ng ito? Iyan? Iyon?
Kung may mali, paano ito maiwawasto?
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p.39.
Ipaskil sa pisara ang mga larawang ginamit sa gawaing ito.
Hayaang isulat ng mga bata ang pangungusap na ginawa nila sa tapat ng angkop
na larawan.
Ipabasa ito sa mga bata.
Suriin kung tama ang pagkakagamit ng ito, iyon at iyan.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 40.
Pasulatin ang mga bata ng isang komik istrip gamit ang ito, iyan at iyon.
DRAFT
April 10,2014
64
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk upang makita ng
ibang bata ang ginawa ng kanilang kaklase at makapagbigay ng puna.
Bigyan din ng puna ang natapos na komiks ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata
upang maisaayos ang mga pangungusap na nangangailagan ng rebisyon.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Ulat
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipabasa ang ilang pangungusap na nakasulat sa pisara. (Siguraduhin na isulat ang
ibang pangungusap na may kamalian.)
Sabihin kung tama o mali ang pagkakasulat ng bawat isa.
2. Paglalahad
Ipagawa ang nakasulat sa Alamin Natin, p. 40.
Pangkatin ang klase.
Hayaang pag-usapan sa pangkat ang isang pangyayaring nasaksihan ng bawat isa.
Papiliin ang pangkat ng pangyayaring isusulat.
Ipasulat ito sa manila paper.
Ipabasa ang natapos na talata sa klase.
Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng pangkat.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap?
May pagkakaugnay-ugnay ba ang mga pangungusap?
Tama ba ang pagkakagamit ng malaki at maliit na letra?
Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?
Tama ba ang mga bantas na ginamit?
Sapat ba ang pagkakalayo ng mga salita na ginamit sa pangungusap?
Pantay-pantay ba ang pagkakasulat ng mga salita?
Tungkol saan ang isinulat na teksto?
Ipabasang muli ang talatang isinulat.
May pagkakaugnay ba ang mga pangungusap?
Natukoy ba ang tauhan at tagpuan nito?
Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat ng pangyayari?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 40
Ipasulat muli sa pangkat ang naunang talatang naisulat. Isasaalang-alang ngayon
ang mga nakitang pagkakamali habang tinatalakay ang naunang modelo ng talata
ng pag-uulat.
DRAFT
April 10,2014
65
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang pag-uulat?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pasulatin ang mga bata ng isang talatang may tatlo hanggang limang pangungusap
tungkol sa isang pangyayaring personal na naobserbahan.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Layunin
Nakabubuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kwento
Naisasadula ang nabuong kuwento sa malikhaing pamamaraan
Gagampanan ng bawat mag-aaral
Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang
kuwento na binasa ng guro.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang
kuwento at pagsasadula nito sa isang malikhaing pamamaraan.
Bunga
Pagbuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento.
Ang Malaking Kahon
Maagang nagising ang batang si Maricar. Isang malaking kahon ang nakita
niya sa may pintuan ng kanilang bahay.
“Ano kaya ang laman nito?” ang tanong niya sa kaniyang sarili.
Pilit niyang sinisilip ang laman nito, pero talagang balot na balot ito.
Sinubukan niyang amuyin, pero wala naman itong amoy. Binuhat din niya, hindi
naman niya makaya.
“Ano kaya talaga ito? Para kanino ito?”
“Para sa iyo ang kahon na iyan,” ang sabi ng tinig sa kaniyang likuran.
Dali-dali niya itong binuksan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang isang
napakalaki at napakagandang bahay-bahayan.
“Salamat ,Tatay. Salamat sa paggawa mo ng isang bahay-bahayan para sa
akin.”
Pamantayan sa Pagsasagawa
PUNTOS
PAMANTAYAN
Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May
12
pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari sa bawat isa. Nagamit ang
wika nang wasto at angkop sa bawat sitwasyon.
Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May
9
pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari maliban sa isa. May isang
salitang ginamit na hindi angkop sa sitwasyon.
DRAFT
April 10,2014
66
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
6
Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May
pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari ngunit may 2- 3 na walang
kaugnayan sa mga nauna.
3
Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento.
Walang pagkakaugnay ang mga pangyayari sa bawat isa.
DRAFT
April 10,2014
67
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3
Unang Markahan
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Kaalaman
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
napakinggang tula
Gramatika
2
2
2
Nagagamit ang
pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa
mga tao, lugar at bagay
Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan
ng tao
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
3
1
1
1
4
Mga Layunin
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
KAALAMAN
Pag-unawa sa Napakinggan
1-2
DRAFT
April 10,2014
Nasasagot ang mga
1
tanong tungkol sa
binasang teksto
KAMALAYANG PONOLOHIYA
1
1
5
Napapantig nang
pabigkas ang mga salita
PROSESO
1
1
1
6
Nailalarawan ang mga
bahagi ng kuwento
Napagsusunod-sunod ang
mga pangyayari sa
napakinggang kuwento sa
tulong ng mga larawan
Gramatika
2
1
1
7
1
1
1
8
Nagagamit ang
pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa
tao, bagay sa paligid
Nagagamit ang salitang
pamalit sa ngalan ng tao
sa usapan at sitwasyon
Kamalayang Ponolohiya
1
1
1
9
1
1
1
10
Natutukoy ang mga
salitang magkakatugma
Napapalitan at
nadaragdagan ang mga
pantig upang makabuo ng
mga bagong salita
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
11
1
1
1
12
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
tekstong binasa
2
2
2
13-14
Pag-unawa sa Napakinggan
68
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
1
1
1
15
2
1
1
16
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
napakinggang
kuwento/parabola
Nakasusunod sa mga
panutong may 2-3
hakbang
Gramatika
1
1
1
17
1
1
1
18
Nagagamit ang
pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa
tao, lugar at bagay
Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan
ng tao, lugar at bagay
Pag-unlad sa Talasalitaan
1
1
1
19
1
1
1
20
Nabibigyang-kahulugan
ang mga salitang kilala at
di-kilala sa pamamagitan
ng pagbibigay ng
kasingkahulugan at
kasalungat na salita
Kaalaman sa Limbag
1
1
1
21
Nahuhulaan ang
nilalaman/paksa ng aklat
sa pamamagitan ng
pamagat
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
22
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
tekstong binasa
Pagsulat at Pagbabaybay
1
1
1
23
Nababaybay nang wasto
ang mga salitang
natutuhan sa aralin
Nagagamit ang malaki at
maliit na letra at mga
bantas sa pagsulat ng
mga salita, parirala at
pangungusap
1
1
1
24
1
1
1
25
Mga Layunin
Kaalaman
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang
diksiyunaryo
Nagagamit ang iba’t
ibang bahagi ng aklat sa
pagkalap ng
impormasyon
PAG-UNAWA
Pag-unawa sa Napakinggan
DRAFT
April 10,2014
69
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Mga Layunin
Komposisyon
Nasisipi nang wasto at
maayos ang mga salita,
parirala at pangungusap
Nakasusulat ng
pangungusap nang may
wastong gamit ng malaki
at maliit na letra at mga
bantas
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang
diksiyunaryo
Produkto/Pagganap
Pag-unawa sa Napakinggan
Naisasakilos ang
napakinggang tugma o
tula
Wikang Binibigkas
Nakabubuo ng isang
kuwentong katumbas ng
napakinggang kuwento
Nagagamit ang
magagalang na pananalita
sa angkop na sitwasyon
Naisasagawa ang maayos
na pagpapakilala ng sarili
Naiuulat nang pasalita
ang mga naobserbahang
pangyayari
Gramatika
Nagagamit ang
pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa
mga tao, lugar, at bagay
na makikita sa paligid
Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan
ng tao, bagay, hayop at
lugar
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa
sariling karanasan
Nakapagbibigay ng
sariling wakas sa
binasang kuwento
Nagbabago ang dating
kaalaman base sa
natuklasang kaalaman
mula sa binasang teksto
KABUUAN
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
1
1
1
26
1
1
1
27
1
1
1
28
Kaalaman
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
29-40
1
1
1
DRAFT
April 10,2014
1
1
1
2
2
2
1
1
1
1
1
1
1
1
1
1
1
1
2
2
2
1
1
1
1
1
1
42
40
6
10
70
12
12
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
Ang Halayang Ube ni Maya
ni Dolorosa S. de Castro
Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalangabala sa pagluluto ng halayang ube.
“Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo, Inay,” wika ni Maya habang
lumalakad palapit sa Ina.
“Pihadong matutuwa na naman ang mga suki ko kapag natikman nila iyan,” may
pagmamalaking wika ni Maya.
Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Maya.
“Salamat anak, natutuwa ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko,” wika ng
ina.
Matapos maihanda ni Aling Maria ang ilalakong halaya ni Maya, binilinan niya
itong mag-ingat. Kapag naubos nang maaga ang kaniyang paninda, umuuwi siya kaagad
upang makapagpahinga.
DRAFT
April 10,2014
1. Ano ang uri ng kakanin na tinukoy sa kuwento?
A. bilo-bilo
C. sinukmani
B. halayang ube
D. sumang yakap
2. Sino ang matutuwa kapag natikman ito?
A. Maya
C. mga kalaro ni Maya
B. suki
D. mga kapitbahay ni Maya
3. Sino ang nagsabi? “Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo Inay?”
A. Aling Maria
C. Maya
B. Hana
D. Sonia
4. Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria.
Anong salita ang maaaring gamiting pamalit sa salitang Maya?
A. ako
C. kami
B. ibon
D. siya
5. Bakit maagang gumising si Maya?
A. maglaro
C. tumulong
B. magtinda
D. umalis
6. Ilang pantig mayroon ang salitang halaya?
A. apat
C. isa
B. dalawa
D. tatlo
71
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ang Tula ni Emma
ni Dolorosa S. de Castro
“Yehey!” ang malakas na hiyaw ni Emma.
Nanalo kasi ang kaniyang entry sa paligsahan sa paggawa ng tula. Pinamagatan
niya itong Isko Palito. Kaliwa’t kanan ang sa kaniya ay bumabati.
“Ang galing mo Emma,”, ang bati sa kaniya ng mga kaibigan.
“Salamat, inspirado lang talaga ako habang gumagawa ng aking tula,” sagot ni
Emma sa kaibigan.
Bago igawad ang medalya, tinanong si Emma ng isa sa mga hurado, “Sino si Isko
Palito sa iyong buhay?”
“Siya ang superman ng aming buhay, ang aking ama. Hindi niya inaalintana ang
hirap ng buhay, maitaguyod lamang ang pangangailangan naming lahat,” ang matalinong
sagot ni Emma.
Labis na natuwa ang hurado sa kaniyang isinagot. Buong giliw niyang isinabit
ang medalya sa leeg ni Emma.
DRAFT
April 10,2014
7. Saan naganap ang kuwento?
A. bahay
B. paaralan
C. parke
D. simbahan
8. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa kuwento,
a
b
c
C. bcad
D. bcda
A. abcd
B. bacd
d
9. Anong kategorya ng pangngalan ang inspirasyon ni Emma?
A. tao
C. hayop
B. lugar
D. pangyayari
10. Sa linyang,“Buong giliw niyang iniabot ang medalya,” anong salita ang maaaring
ipalit sa salitang medalya?
A. ito
C. iyon
B. iyan
D. diyan
72
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
11. Kung ang salitang katugma ng Lito ay palito, ano naman ang hurado?
A. barado
C. largado
B. kandado
D. pihado
12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang
malakas?
A. lumakas
C. malasa
B. mabikas
D. natakas
13. Ano ang unang ginawa ni Emma?
A. Gumawa ng tula.
B. Isinumite ang tulang ginawa.
C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak.
D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.
14. Ano ang pangalawa sa huling ginawa ni Emma?
A. Inabot ang medalya.
B. Magpasalamat sa mga hurado.
C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak
D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.
15. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng diksiyunaryo?
A. Paghanap ng mapa o larawan.
B. Paghanap ng mga kahulugan ng salita.
C. Paghanap ng tamang baybay ng salita.
D. Paghanap ng kasalungat na kahulugan ng salita
16. Nais ni Emma na malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang sanggunian.
Bukod sa aklat na kaniyang ginagamit, saang bahagi niya ito makikita?
A. indeks
C. bibliograpiya
D. talaan ng nilalaman
B. pabalat
DRAFT
April 10,2014
Si Tok
ni Dolorosa S. de Castro
“Tiktilaok! Tiktilaok! Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng
tandang na si Tok sa inaheng manok, baboy at baka. Iyan si Tok, masayahin, makulit
at palakaibigan. Isang kaugalian na lubos na kinagigiliwan ng kaniyang mga
kaibigan. Ang araw niya ay hindi makukumpleto kung hindi nakababati sa mga hayop
na nasa kamalig.
Isang araw, nagtaka ang lahat nang hindi nila narinig ang pagtilaok gayundin ang
masayang pagbati ni Tok. Nag-usap-usap ang mga hayop at hinanap si Tok. Nakita
nila si Tok sa dulong bahagi ng kamalig. Giniginaw at inaapoy ng lagnat.
Kani-kaniyang kilos sina inaheng manok, baboy at baka. Inalagaan nila si Tok
hanggang sa gumaling. Walang pagsidlan ang kaligayahan si Tok matapos makita at
maramdaman kung gaano siya pinahalagahan ng kaniyang mga kaibigan. Lubos na
pasasalamat ni Tok sa ginawa ng kaniyang mga kaibigan.
Nang gumaling si Tok hinigitan pa niya ang pakikisama at pagmamahal sa kanila.
73
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
17. Ano ang nagtulak sa magkakaibigang baboy, baka at inaheng manok upang
hanapin si Tok?
A. Paghanga sa kaibigan.
C. Pag-aalala sa kalagayan ng kaibigan.
B. Pagmamahal nila sa kaibigan.
D. Pagtataka kung bakit wala si Tok.
18. Iguhit sa loob ng kahon ang pangunahing tauhan ng kuwento.
Isulat ang hinihinging kaisipan sa bawat patlang.
19-20. Ang ___________________ ang tagpuan sa kuwento ni Tok. __________
ang nagsilbing tahanan nilang magkakaibigan.
21. Si Tok ay kinagigiliwan ng kaniyang mga kaibigan. Kung ang kasingkahulugan
ng salitang may salungguhit ay nagugustuhan, ano naman ang kasalungat nito?
22. Ano ang nilalaman ng kuwentong “Si Tok?”
23. Kung ikaw si Tok, ano ang mararamdam mo sa pag-aalalang ipinakita ng iyong
mga kaibigan?
24. Isulat ng papantig ang salitang magkaibigan.
25. Isulat muli ang pangungusap.
DRAFT
April 10,2014
nagpasalamat si tok sa mga kaibigan baboy baka at inaheng manok
26. Sipiin ang pangungusap.
“magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng tandang na si Tok.
27. Isulat ang buod ng kuwentong “Si Tok.”
28. Nagbabasa ka at may mga salitang hindi mo maunawaan ang kahulugan.
Ano ang gagawin mo?
Gawain sa Pagganap
Layunin
Makabuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggan o nabasang kuwento
Maipakitang kilos o maisadula ang nabuong kuwento
Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral
Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “Aba!
Nasaan si Lola.” Sa loob ng limang minuto, iisip ng katumbas na kuwento ang bawat
pangkat. May karagdagang limang minuto upang ihanda ang kinakailangang gamit para
sa pagsasadula.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral sa bawat pangkat ay makikinig ng isang kuwento, gagawa ng
isang katumbas na kuwento, magsasadula ng nagawang kuwento.
Bunga
Pagsasadula na katumbas ng napakinggang kuwento
* Gamitin ang rubrics na nasa pahina 66.
74
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aba!Nasaan si Lola?
ni Dolorosa S. de Castro
Isang umaga, binasag ang katahimikan nang malakas na tawag ni Ador sa Ina.
“Inay! Inay!” ang malakas na sigaw ni Ador habang patakbong lumalapit sa Ina.
“Inay, nawawala si Lola Agring,” nag-aalalang wika niya.
“Tiningnan mo na ba sa kuwarto? Sa salas? Sa kusina?” tanong ni Aling Lucia
sa kaniyang anak.
“Wala siya roon,” umiiling na wika ni Ador.
“Ganoon ba! Halika samahan mo ako. Hanapin natin si Lola Agring,” pagyaya ni
Aling Lucia sa anak.
Hinanap nila sa buong kabahayan subalit wala si Lola Agring. Nagpasya ang
mag-ina na maglakad-lakad hanggang sa makarating sila sa parke. Napangiti sila nang
makita ang maraming bata na naglalaro sa parke subalit gumuhit muli ang kalungkutan
nang maalala ang kanilang hinahanap.
Walang ano-ano, may narinig silang kumakanta.
“Arimunding-munding halina at magsayaw, arimunding-munding at pakundaykunday sa pag-indak-indak at sarap ng pag-imbay….”
“Inay,parang boses ni Lola iyon,” wika ni Ador.
“Oo nga, halika puntahan natin,” usal ni Aling Lucia.
Nang malapit na sila, laking tuwa ng mag-ina nang makita si Lola Agring na
masayang nakikipagkantahan at nakikipagsayawan sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
75
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Susi sa Pagwawasto
1. B
2. B
3. C
4. D
5. C
6. D
7. B
8. D
9. A
10. A
11. A
12. C
13. C
14. A
15. A
16. C
17. B
18.
DRAFT
April 10,2014
19. kamalig
20. Ito
21. kinaiiyamutan o kinaiinisan
22. kagbibigay halaga sa mga kaibigan
23. Kung ako si Tok lubos akong matutuwa sa aking mga kaibigan.
24. Mag-ka-i-bi-gan
25. Nagpasamat si Tok sa mga kaibigang baboy, baka, at inaheng manok.
26. “Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng tandang na si Tok.
27. Si Tok ay likas na palakaibigan kaya lubos siyang kinagigiliwan ng kaniyang mga
kaibigan.
28. Titingnan ko ito sa diksiyunaryo
76
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 11
Magbakasyon Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang
teksto
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng
story pyramid
Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa kuwentong napakinggan
Nakapagbibigay ng wakas sa isang kuwentong napakinggan
Naisasadulang muli ang kuwentong napakinggan
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang natutuhan sa aralin
Paglinang ng Talasalitaan
Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita
tulad ng paggamit ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salita
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Gramatika
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar,
pangyayari at bagay sa paligid
Pagsulat
Nakasusulat ng isang talata tungkol sa mga katulong ng pamayanan
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Ipalarawan sa mga bata ang isang katulong sa pamayanan na kilala.
Pahulaan sa ibang bata kung sino ang inilalarawan.
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang
teksto
Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad
ng paggamit ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salita
Paksang-Aralin
Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Kukunin ng mga bata ng papel, pangkulay, at lapis.
Iguguhit nila ang lugar na nais tirahan.
Matapos ang ilang minuto, tumawag ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag
ang iginuhit.
Pag-usapan ang mga ipinakita at napakinggan mula sa mga tinawag na bata.
77 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Linangin ang salitang baryo at lungsod .
Ano ang naaalala ninyo sa salitang baryo? Lungsod?
Iguguhit ng mga bata ang kanilang sagot.
Pag-usapan ang mga iginuhit ng mga bata.
Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.
Ibigay ang pamagat ng kuwento.
Itanong : Tungkol saan kaya ang kuwento?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas ang kuwento.
Magkaibang Mundo
Tahimik at simple ang pamumuhay ni Nerry sa nakagisnan niyang baryo.
Kung gusto niya ng sariwang gatas, pupunta lamang si Tatay sa bukid upang
gatasan ang kanilang mga baka. Kung gusto niya ng pinakbet, pipitas lamang
si Nanay ng mga gulay sa kanilang bakuran upang lutuin. Marami rin siyang
kaibigan. Masaya at lagi silang sama-sama sa pagpasok sa paaralan, sa
paghahabulan sa malawak na bukirin at sa paglalaro ng bahay-bahayan.
Si Trining naman ay batang nakatira sa lungsod. Sa isang mataas na gusali
nakatira si Trining at ang kaniyang pamilya. Kapag gusto niya ng gatas,
pupunta lamang si Nanay niya sa groseri. Kapag gusto niyang maglaro,
sasamahan siya ni Tatay sa isang mall. Marami rin siyang kaibigan pero hindi
sila naglalaro. Sabay-sabay lamang sila sa pagpasok sa paaralan sakay ng
isang dilaw na school service.
Isang bakasyon, bumisita si Nerry sa kaniyang tiyahin na nasa lungsod. Si
Trining naman ay nagpunta sa baryo upang dalawin ang kaniyang lola. Ano
kaya ang nangyari sa kanilang bakasyon?
DRAFT
April 10,2014
Itanong.
Sino ang dalawang bata sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Gamitin ang Character Map sa bawat tauhan.
katangian
katangian
Pangalan
ng tauhan
katangian
katangian
78 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Talakayin ang kuwentong napakinggan sa tulong ng Story Pyramid.
____________
Pangalan ng tauhan
________________
_________________
Dalawang salita tungkol sa katangian ng tauhan
___________________ ______________________
________________
Tatlong salita tungkol sa lugar at petsa ng pinangyarihan ng kuwento
_____________ ______________ ____________ ____________
Apat na salita tungkol sa ikinilos ng tauhan sa kuwento
Saan sila nakatira?
Paghambingin ang dalawang lugar na ito sa pamamagitan ng Venn Diagram.
Ipasulat sa unang bilog ang mga katangian ng baryo at sa ikalawa naman ay sa
lungsod.
Sa nagtatagpong bahagi ng bilog, ipasulat ang mga katangian ng baryo na
makikita rin sa lungsod, at ang katangian ng lungsod na nasa baryo rin.
Ano ang masasabi mo sa baryo at lungsod?
Saan mo ngayon nais manirahan? Ipaliwanag ang sagot.
DRAFT
April 10,2014
Alin-alin sa salitang inilista ang magkasingkahulugan? Magkasalungat?
Paano mo nasabi na ang pares ng mga salita ay magkasingkahulugan?
Magkasalungat?
Ano kaya ang nangyari sa pagbabakasyon ni Nerry? Ni Trining?
Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang ideya.
4. Pagpapayamang Gawain
Basahin nang malakas ang isang maikling kuwento sa mga bata. Siguraduhing
hindi pa nila ito nababasa o napapakinggan. (Gumamit ng isang story book sa
silid-aklatan o sariling pag-aari.)
Pasagutan sa mga bata ang isang Story Pyramid.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Hayaang humanap ng kapareha ang bawat bata.
Magkukuwento ang bawat isa ng sariling karanasan.
Maghahanda rin sila ng tatlong tanong na itatanong nila sa kanilang kapareha.
79 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong batay sa tekstong nabasa
Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang teksto
Paksang-Aralin
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Binasang Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Sino-sino ang katulong ninyo sa pamayanan?
Ipakilos sa mga bata ang kanilang sagot at pahulaan sa ibang kaklase.
Balikan ang kuwentong “Magkaibang Mundo.”
Sino-sinong katulong sa pamayanan ang nasa kuwento?
2. Paglalahad
Ano ang nararamdaman mo kung baguhan ka o dayo sa isang lugar?
Katulad din kaya ng bida sa ating kuwento?
Ipabasa ang “Maling Akala” sa Alamin Natin, p. 42.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang damdamin na ipinakita sa unang bahagi ng kuwento? Sa huling
bahagi?
Ganito rin ba ang mararamdaman mo kung ikaw ang isa sa mga tauhan sa
ating kuwento?
Bakit nagbago ang damdaming ito?
Sino-sinong katulong sa pamayanan ang binanggit?
Ano ang ginagawa ng bawat isa?
Mahalaga ba ang bawat isa sa kanila?
Ano ang mangyayari kung wala ang isa sa kanila?
Paano mo sila pahahalagahan?
Sino ang gusto mong tularan sa kanila? Bakit?
Sino-sino sa kanila ang nasa pamayanang kinabibilangan mo? Sa pamilya mo?
4. Pagpapayamang Gawain
Paano mo pasasalamatan ang mga taong nakatutulong sa ating pamayanan?
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 43.
Magpagawa ng card ng pasasalamat para sa isang taong nakatulong nang
malaki sa kanilang pamayanan.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin ?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 43.
Ipaguhit sa mga bata ang kanilang sarili sampung taon mula ngayon bilang isa
na ring katulong sa pamayanan.
DRAFT
April 10,2014
80 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, bagay, lugar,
at pangyayari
Paksang-Aralin
Ang Pangngalan sa Pagsasalaysay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy – Alam
Bigyan ang bawat bata ng card na may nakasulat na ngalan ng tao, bagay,
hayop at lugar. (Siguraduhin na ang pangngalan ay may pantangi at may
pambalana)
Sabihin sa kanila na sa pagsenyas mo, kailangan nilang hanapin ang kanilang
kapangkat.
Ipataas ang card ng mga bata bago umpisahan ang gawain.
Ibigay ang senyas sa paghahanap ng kapangkat.
Sabihing TIGIL. Tingnan kung nasa tamang pangkat ang bawat bata.
Gabayan ang bata na makikitang wala sa tamang pangkat upang makita niya
kung saang pangkat siya dapat.
Sabihin sa mga bata na sa pagsenyas mo hanapin muli ang kapangkat.
Sa pagkakataong ito susubukin ng mga bata ang kaalaman nila sa
pagpapangkat ayon sa uri ng pangngalang pantangi at pangngalang
pambalana.
Gawin muli ang unang hakbang.
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng iba’t ibang lugar sa isang pamayanan.
Tutukuyin mga bata ang mga katulong sa pamayanan na makikita rito.
Ipabasa nang malakas sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 42.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Sino-sino ang binanggit na katulong ng pamayanan dito?
Ipasulat sa mga bata ang sagot nila sa unang kolum. Ipabasa ang mga salita.
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?
Tukoy ba ang tiyak nilang ngalan?
Paano ito isinulat?
Ano ang tawag natin dito kung hindi tiyak o tukoy ang ngalan?
Ano ang pangalan ng bawat katulong sa pamayanan sa kuwento? Ipasulat sa
mga bata ang kanilang sagot sa ikalawang kolum.
Katulong sa Pamayanan
Tiyak na Ngalan
DRAFT
April 10,2014
Ipabasa ang mga ngalan na inilista.
Kilala mo na ba kung sino ang tinutukoy sa bawat ngalan?
81 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Paano ito isinulat?
Hayaang pumili ang mga bata ng pares ng pangngalan sa talaan.
Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang Linangin Natin, p. 43.
Tapusin ang talaan. Sa pangalawang kolum, ipasulat ang tiyak na ngalan ng
pangngalang pambalana na nasa unang kolumn. Sa ikatlong kolum, ipasulat
ang dalawang pangungusap gamit ang mga ngalan na nasa una at ikalawang
kolum.
5. Paglalahat
Ano ang pangngalang pambalana? Pantangi?
Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay at
lugar samantalang ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa
pangkalahatang pantawag sa tao, bagay at lugar.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 44.
Sabihin sa mga bata na makipanayam sa isang katulong sa paaralan. Pasulatin
ang mga bata ng tatlong pangungusap tungkol sa mga araw-araw na gawain
ng kinapanayam.
(Bigyan ng puna ang mga isinulat ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata upang
maisulat muli nang wasto ayon sa mga punang ibinigay.)
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat ma Araw
Layunin
Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan tulad
ng pagbibigay ng magkakasalungat na salita
Paksang-Aralin
Magkakasalungat na mga Salita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipagawa ang kabaligtaran ng sumusunod. Gawin ang mga kilos na may
kasabay na musika at pabilis nang pabilis.
- Umupo
- Ipikit ang mga mata.
- Tumawa.
- Itunghay ang ulo.
- Humarap sa kanan.
Itanong : Nakasunod ka ba? Bakit? Bakit hindi?
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 42
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Papiliin ang bawat pangkat ng isang katulong sa pamayanan mula sa binasa.
Igagawa nila ng character map ang napili.
82 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Character Map
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong: Batay sa binasang kuwento, ano ang katangian ng bawat katulong sa
pamayanan na binanggit?
Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang gawain.
Dapat ba silang tularan? Bakit?
Paano mo naman ilalarawan ang bawat isang katulong sa pamayanan na hindi
dapat tularan?
Ipagawa muli ang character map. Sa pagkakataong ito, isusulat ang
kabaligtaran ng mga katangiang isinulat sa unang mapa.
Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain.
Ipaskil ang mga mapa na ginawa ng bawat pangkat.
Tutukuyin ng mga bata ang pares ng mga salita na magkasalungat ang
kahulugan.
Gagamitin nila sa sariling pangungusap ang mga salita upang maipakita nila
na talagang nauunawaan ng mga bata ang kahulugan ng mga tinukoy na
salita.
Paano ka magiging mabuting katulong sa pamayanan?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 44
Tutukuyin nila ang magkasalungat na mga salita sa pangungusap.
5. Paglalahat
Kailan nagiging magkasalungat ang mga salita?
Ang pares ng mga salita ay magkasalungat kung ito ay magkaiba o
magkakontra ng kahulugan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 44
Ipaguhit ang magkaiba nilang mundo.
DRAFT
April 10,2014
83 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Basahin ang mga panuto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Pumili ng isang pares ng magkasalungat na mga salita.
mabilis
mabagal
mataba
makislap
payat
malabo
matigas
matamis
maalat
malambot
wasto
mali
2. Gamitin ang napiling pares ng salita sa isang pangungusap na maglalarawan
sa isang katulong sa pamayanan mula sa talaan.
guro
magsasaka
modista
nars
pulis
Aralin 12
Mamasyal Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Binasa
Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento
Naisasadula ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa kuwento
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon at
pagpapaliwanag
Kamalayang Ponolohiya
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Nahuhulaan ang nilalalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa
mga larawan
Pagsulat at Pagbabaybay
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala at pangungusap
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Ilagay ang sumusunod na sitwasyon sa ilalim ng upuan ng mga mag-aaral.
Nais mong dumaan sa gitna ng dalawang taong nag-uusap.
Isang umaga ay nakita mo ang Nanay o Tatay ng kaibigan mo.
Tinulungan ka ng kaklase mong maglinis ng silid-aralan.
Nakita mong nahulog ang cellphone ng kaeskwela mo.
Niloloko ng mga bata ang matandang babaeng may kapansanan.
Sabihin sa mga bata na may nakasulat na sitwasyon sa ilalim ng kanilang
upuan. Ipabasa ang makukuha ng bawat bata at tutukuyin nito kung ano ang
kanilang gagawin.
84 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Nahuhulaan ang nilalalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa
mga larawan
Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento
Paksang-Aralin
Pagsasabi ng Paksa ng Kuwento Batay sa Larawan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng mga magagandang tanawin sa bansa.
Tutukuyin ng mga bata ang ngalan ng bawat isa.
Alin sa mga lugar sa larawan ang nais mong marating?
2. Paglalahad
Ipakita at pag-usapan ang larawan ng isang batang lalaki na excited.
Bakit kaya siya nasasabik? (Isulat ang sagot ng mga bata)
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas.
Excited Kasi
Ilang tulog na lang at Linggo na. Sabik na sabik na si Fernando na
dumating ang kaniyang araw na pinakahihintay. Mamamasyal kasi sila ng
kaniyang pamilya.
Maagang nagising si Fernando. Naligo at naghanda para sa kanilang pagalis. Paglabas niya ng bahay, napansin niyang napaaga siya ng gising.Tahimik
pa ang paligid.Kaya’t kinuha niya ang kaniyang album sa klase at tiningnan
ang mga larawan ng magagandang lugar na puwedeng pasyalan.
“Saan nga kaya sila pupunta ngayon?” Lalong nanabik si Fernando sa
pamamasyal nila. Hindi niya tuloy namalayan ang paglabas ni Ate sa
kaniyang silid.
“O, ang aga mo naman. Saan ba ang punta natin?”
“Maiwan ka muna dito ha, pupunta kami ng ate mo sa palengke.
Mamimili kami ng babaunin natin para sa ating pamamasyal bukas,” ang bati
naman ng kaniyang nanay.
Napakamot na lang ng ulo si Fernando.
“Sabado pala ngayon. Bukas pala ang araw ng pamamasyal” bulong ni
Fernando sa sarili.
DRAFT
April 10,2014
Itanong:
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Bakit excited si Fernando?
Ano ang ginawa niya pagkagising?
Saan pupunta ang kaniyang ate at nanay?
Ano ang ibig sabihin nito?
Bakit napakamot ng ulo si Fernando?
85 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayamang Gawain
Basahing muli ang kuwento.
Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat 1
Ibigay ang hinihingi ng larawan.
Mga Pangyayari Tagpuan
Tauhan Tinapay ng Kuwento
DRAFT
April 10,2014
Pangkat 2
Paguhitin ang mga bata ng magagandang lugar na maaaring pasyalan nina
Fernando.
Pangkat 3
Isadula ng mga bata ang mahahalagang bahagi ng kuwento.
Pangkat 3
Sabihin sa mga bata na ayusin ang mga pangyayari ayon sa wasto nitong
pagkakasunod-sunod sa kuwentong napakinggan. Isulat ang sumusunod sa
istrip ng papel o metacard.
Lumabas si Ate sa kaniyang silid.
Naligo at naghanda na siya sa pag-alis.
Napakamot ng ulo si Fernando.
Sabik na sabik si Fernando na dumating ang araw na pinakahihintay niya.
Maagang nagising si Fernando.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magbasa muli ng kuwento sa mga bata. Siguraduhin na hindi pa nila ito
naririnig o nababasa.
Pasagutan ang graphic organizer na Bulaklak ng Kuwento.
86 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Mga Pangyayari
Tauhan
Pamagat
Bulaklak ng Kuwento
Ikalawang Araw
Layunin
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
Paksang-Aralin
Salitang Magkakatugma
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipahanda sa mga bata ang kagamitan nila sa Art.
Sabihin sa kanila na bakatin ang kanilang dalawang paa sa isang malinis na
papel.
Sumulat ng isang pares ng magkatugmang salita.
Ipakita ang natapos na gawain sa mga kaklase.
Tutukuyin ng mga bata kung tama ang pares na ginawa ng tinawag na bata.
2. Paglalahad
Maghanda ng isang puzzle. Isulat ang bawat letra na bumubuo sa salitang
Laguna sa malinis na papel.
Pagpangkat-pangkatin ang klase at ibigay ang puzzle.
Hayaang iayos ng pangkat ang mga pinaghalong letra.
Pasulatin ang mga bata sa bawat pangkat ng mga salitang maiuugnay nila sa
nabuong salita.
Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang nabuong salita at ang word
web na nagawa.
Pag-usapan ang nabuong salita.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang “Biglaang Lakad” na nasa Alamin Natin, p. 45.
Itanong:
Saan naganap ang kuwento?
Ano-ano ang nakita ng mag-anak sa mga lugar na pinuntahan nila?
Ipaturo sa mga bata ang lalawigan ng Laguna sa mapa.
DRAFT
April 10,2014
87 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano-ano pa ang lugar na puwedeng pasyalan dito?
Bakit “Biglaang Lakad” ang pamagat ng kuwento?
Nahikayat ka bang pumunta sa Laguna?
Ipaliwanag ang sagot.
Ano-ano ang mga salitang magkatugma ang ginamit sa kuwento?
Linangin ang bawat isa.
Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 46.
5. Paglalahat
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
Magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling tunog ng mga
salita.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 46.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang magalang na pananalita sa pagpapaliwanag
Paksang-Aralin
Paggamit ng Magagalang na Pananalita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong:
Saan-saang lugar ka na nakapasyal?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.
2. Paglalahad
Pangkatin ang klase.
Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 45.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipakita ang mga larawan na may kinalaman sa Laguna.
Pag-usapan ang bawat isa.
Itanong: Bakit dapat mamasyal sa Laguna?
Isulat ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga ito.
Paano isinulat ang bawat pangungusap?
Ano ang ipinahihiwatig ng bawat isa?
Paano naipakita ang paggalang sa pagpapaliwanag na isinagawa?
Paano mo mahihikayat ang iba na mamasyal sa Laguna?
4. Pagpapayamang Gawain
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng larawan ng isang magandang lugar sa Pilipinas.
Pag-usapan sa pangkat.
- Saan ito matatagpuan?
- Bakit magandang magpunta dito?
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 46.
DRAFT
April 10,2014
88 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Papaghandain ang bawat pangkat ng isang patalatastas na nagpapaliwanag
kung bakit kailangang piliing pasyalan ang lugar na napatoka sa pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan kung nagbibigay ng paliwanag?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 47.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala at pangungusap
Paksang-Aralin
Pagsipi ng Parirala at Pangungusap
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng mga makasaysayang lugar sa Pilipinas.
Idikit ang mga ito sa pisara at hayaang sumulat ang mga bata ng nalalaman
nila tungkol sa bawat isa.
Ipabasa ang mga naisulat ng mga bata.
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Biglaang Lakad.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Isulat sa papel na inistrip ang bawat tanong, bilutin ang papel. Ilagay sa isang
kahon. Kalugin ito at saka pabunutin ang tatawaging bata.
Saan nagpunta ang mag-anak?
Kailan itinayo ang mga gusali sa bayan ng Pila?
Bukod sa mga lumang gusali, ano pa ang nakita ng mag-anak sa bayan ng
Pila?
Ano ang natuklasan nila tungkol sa Bundok Makiling?
Isulat sa pisara ang sagot sa mga tanong.
Ipabasa ang mga ito.
Alin sa mga nakasulat sa pisara ang kumpleto ang diwa?
Ano ang tawag dito?
Paano ito isinulat?
Alin sa mga nakasulat sa pisara ang hindi kumpleto ang diwa?
Ano ang tawag dito?
Paano ito isinulat?
Ipabasang muli ang mga isinulat ng mga bata sa unang gawain sa pagsisimula
ng klase.
Alin dito ang parirala? Ipasipi sa mga bata.
Tama ba ang pagkakasipi mo?
Ipasipi ang isang pangungusap.
Tama ba ang pagkakasipi mo?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 47.
Ipabasang muli ang kuwentong “Limang Tulog na Lamang” sa p. 28.
DRAFT
April 10,2014
89 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng salita? Parirala? Pangungusap?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipakita ang talaan ng mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na
ginamit sa buong linggo. Ipabasa ang mga ito sa mga bata.
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 47.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Ipaguhit ang isang lugar na nais pasyalan. Kulayan ito.
Magpasulat ng isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit maganda itong
pasyalan.
Aralin 13
Alagaan Natin
Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nakapakikinig at nakalalahok sa talakayan ng klase tungkol sa napakinggang tula
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay ng tulang napakinggan
Kamalayang Ponolohiya
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
Nababasa ang mga salitang may klaster
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Gramatika
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay
sa paligid
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat
Pag-unawa sa Binasa
Nakasusunod sa nakasulat na panuto
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Pangkatin ang klase.
Bigyan ng tigdadalawang dilaw na meta cards at tigdadalawang berdeng meta
card .
Ipakita sa mga bata ang larawan ng maruming pamayanan.
Ipasulat sa dilaw na card ang mga dahilan kung bakit marumi ang pamayanan na
nasa larawan.
Isulat sa berdeng card ang maaaring ibunga ng larawang ipinakita.
Ipapaskil ang mga sinulat sa paligid ng larawan. Ipabasa ang mga ito.
90 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Nakikinig at nakalalahok sa talakayan ng pangkat o klase sa pagbibigay ng
pangunahing ideya ng tulang napakinggan
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay ng tulang napakinggan
Paksang-Aralin
Pakikinig sa Tula
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Papikitin ang mga bata.
Ipaisip sa kanila ang paborito nilang lugar.
Ipaisip ang mga ginagawa nila.
Ipaisip ang hitsura ng paboritong lugar kung magiging marumi ito.
Pamulatin na ang mata ng mga bata.
Itanong: Ano ang naramdaman mo? Bakit?
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi.
Talakayin ng klase ang mga damdamin na ipinakita ng mga bata.
2. Paglalahad
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Linangin ang salitang pamayanan at kayamanan.
Isulat ang salitang pamayanan at kayamanan sa dalawang magkabukod na
malaking papel.
Sabihan ang mga bata na pumunta sa dalawang papel at iguhit nila ang
nalalaman nila tungkol sa dalawang salita.
Talakayin ang sagot ng mga bata.
Ano ang ibig sabihin ng pamayanan? Kayamanan?
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa klase ang tula na “Ang Pamayanan ay Kayamanan,”
Alamin Natin, p. 48.
(Huwag pabubuksan ang Kagamitan ng Mag-aaral)
Itanong:
Tungkol saan ang tula?
Ano-ano ang hilig gawin ng bata sa tula?
Ano ang nasaksihan niya?
Ano ang naging reaksiyon niya sa pangyayaring ito?
Ano ang mangyayari kung magpapatuloy ang kaniyang nasaksihan?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang tula sa mga bata. Pabuksan ang Kagamitan ng Mag-aaral , p. 48
para sa kopya.
Sa pagkakataong ito, unang babasahin ng guro ang linya na susundan ng mga
bata. Matapos ito, pabayaan ang mga bata na sabay-sabay basahin ang
naturang tula. Gabayan ang mga bata upang maiwasan ang pag-uuna-unahan
sa pagbasa. Maaari ring tumawag ng ilang bata upang basahin ang tula nang
nag-iisa.
DRAFT
April 10,2014
91 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong :
Bakit dapat alagaan at ingatan ang pamayanan?
Paano ka makatutulong sa pangangalaga sa ating kapaligiran?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa pagtulong sa
pangangalaga sa kapaligiran.
Ipabasa muli ang tula.
5. Paglalahat
Ano ang mensahe ng tula?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pagawain ang mga bata ng isang poster tungkol sa “Ako at ang Pangangalaga
ng Aking Kapaligiran.”
Ikalawang Araw
Layunin
Nakasusunod sa nakasulat na panuto
Paksang-Aralin
Pagsunod sa Nakasulat na Panuto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng larawan ng mga babala o nakasulat na panuto na karaniwang
makikita sa kapaligiran. Maaaring gamitin ang mga simbolong pantrapiko.
Ipakita ang bawat larawan.
Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila kapag nakita ang mga
larawang ipapaskil mo sa pisara.
2. Paglalahad
Kung ang pamayanan ay kayamanan, ano ang gagawin mo upang hindi ito
mawala?
Ipabasa nang tahimik “Ang Pamayanan ay Kayamanan,” Alamin Natin, p. 48.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang tula?
Ano ang mensahe nito?
Maghanda ng isang mapa ng pamayanan. Isulat dito ang ilang panuto na may
kinalaman sa pangngalaga sa kapaligiran tulad ng sumusunod :
Bawal Magkalat.
Itapon ang basura sa tamang lagayan.
Bawal pumitas ng bulaklak.
Oras ng Pagtatapon ng Basura: 6:00 ng umaga
Dagdagan pa ang mga ito. Magsulat din ng mga panuto na nagpapakita ng
hindi pangngalaga sa kapaligiran.
Sabihin sa mga bata na magsasagawa ng “Maglakbay Tayo.”
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng mapa ng
pamayanan.
Pag-usapan sa pangkat kung paano nila mapapamalaging malinis ang
pamayanan.
DRAFT
April 10,2014
92 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipabasa ang mga panuto na makikita sa pamayanan. Pag-usapan ang gagawin
ng bawat isa sa mga nabasang panuto.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Pag-usapan ang sagot ng bawat pangkat.
Itanong
Ano-ano ang isinagawa ninyo sa mga lugar na napuntahan ninyo?
Ano ang dapat gawin kapag may nakita tayong nakasulat na panuto sa ating
kapaligiran?
Ano ang mangyayari kung hindi natin ito susundin lalo’t ito ay paalaala?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 49.
5. Paglalahat
Paano ka makasusunod nang maayos sa mga nakasulat na panuto?
Makasusunod nang maayos sa mga nakasulat na panuto kapag binasa at
inunawa ang mga ito.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 49.
Ikatlong Araw
DRAFT
April 10,2014
Layunin
Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pangngalan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Iparinig sa mga bata ang isang awitin tungkol sa kapaligiran.
(Gamitin ang anumang mayroon ka. Mas mainam kung may video ang
gagamiting awit. )
Kung may video ang ginamit: Ano-ano ang nakita sa video?
Bakit kaya nagkaganito ang kapaligiran?
Kung wala namang video: Ano ang naisip mo habang pinakikinggan ang awit?
Ano-ano ang nakikita mo sa iyong kapaligiran?
Isulat ang sagot sa pisara.
Pag-usapan ang mga posibleng dahilan ng sitwasyon na nakita ng mga bata sa
kanilang kapaligiran.
2. Paglalahad
Pag-usapan ang larawan na nasa Alamin Natin, p. 50.
Isulat sa pisara ang mga pangungusap na isasagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang pangungusap na kanilang ibinigay.
Ano ang isinasaad ng bawat pangungusap?
Paano ito isinulat?
Ano ang mga ngalan ng tao na ginamit sa mga pangungusap? Hayop? Bagay?
Pangyayari? Lugar?
Paano isinulat ang ngalan ng tao? Hayop? Bagay? Pangyayari? Lugar?
93 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Bakit malaking letra ang ginamit?
Bakit maliit na letra ang ginamit sa ilang ngalan?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Balikan muli ang mga isinulat na pangungusap na ibinigay ng mga bata sa paguumpisa ng klase.
Ipabasa ang mga ito.
Tukuyin ang mga pangngalan na ginamit dito.
Ipagamit ang mga salitang ito sa sariling pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 50.
5. Paglalahat
Ano ang pangngalan?
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar at pangyayari.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 50.
Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong
pangungusap tungkol sa isang larawan na mapipili.
Tumawag ng ilang bata upang basahin nang malakas ang kanilang isinulat.
Matapos ang inilaang oras, kung kaya pa ng oras, hayaang magpalitan ng papel
ang magkatabing bata. Hayaang bigyang-puna ng bawat bata ang pagkakasulat
ng talata sa tulong ng mga tanong na:
Tama ba ang simula ng pangungusap?
Wasto at angkop ba ang bantas na ginamit?
Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?
Bigyan din ng puna ang pagkakasulat ng mga bata ng kanilang talata. Ibalik ito
sa mga bata upang muling maisulat ito ayon sa mga puna na ibinigay.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigkas nang malinaw ang salitang may klaster
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan na
Paksang-Aralin
Mga Salitang may Klaster
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga card na may nakasulat na mga salitang natutuhan sa aralin
at mga salitang may klaster.
Idikit ang mga ito sa ilalim ng upuan at mesa ng mga bata sa loob ng silidaralan.
Ipahanap ang mga salitang nakadikit sa loob ng silid-aralan. Bigyan sila ng
senyas upang isagawa ito.
Ipapaskil sa mga bata ang card na nakuha sa tamang kolum.
Walang Klaster
May Klaster
Ipabasa ang mga salita.
94 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
Tama ba ang pagkakapangkat ng mga salita?
Ano ang klaster sa bawat salita na nasa ikalawang kolum?
Paglalahad
Ipabasa sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 50- 51.
Pagtuturo at Pagpapahalaga
Itanong:
Saan naganap ang kuwento?
Bakit nagpulong ang mga tao dito?
Ano-ano ang gagawin ng bawat isa?
Ano ang maaaring mangyari matapos ang pagpupulong na naganap?
Ipabasang muli ang maikling kuwento.
Ano-ano ang salitang may klaster sa binasa? Ipasulat sa mga bata ang kanilang
sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga ito.
Linangin ang bawat isa.
Ano ang napapansin sa mga salita?
Ano ang tawag sa dalawang katinig na magkasunod?
Gawing halimbawa ang salitang plastik.
Ano ang klaster sa salitang ito?
Ano ang mga katinig na bumubuo dito? (Isa-isahin ang mga bata sa pagsasabi
ng tunog ng mga ito, KUNG KAYA ng oras. Kung hindi naman, tumawag ng
ilang bata)
Ano ang tunog ng bawat letra?
Ano ang tunog ng pinagsamang katinig?
(Isa-isahin ang mga bata sa pagsasabi ng tunog nito, KUNG KAYA ng oras.
Kung hindi naman, tumawag ng ilang bata.)
Gawin ang ganitong hakbang sa iba pang salitang may klaster na ginamit sa
kuwento.
Pagpapayamang Gawain
Pasagutan sa mga bata ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng
mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. Tingnan ito sa Linangin
Natin, p. 51.
Paglalahat
Ano ang salitang may klaster?
Klaster ang tawag sa mga pinagsamang tunog ng dalawang katinig na
maaaring sa unahan, gitna o hulihan ng isang salita.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 52.
Ipahanap sa mga bata ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon.
Isulat nang wasto ang mga salitang makikita.
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang inilista.
Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
95 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng tatlong pangungusap na may klaster.
Bilugan ang mga salitang may klaster.
Pasalungguhitan ang mga pangngalan na ginamit.
Paksa : Paano mo pangangalagaan ang mga bagay sa iyong kapaligiran?
Aralin 14
Magkaibigan Tayo!
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Naisasakilos ang napakinggang tula
Kamalayang Ponolohiya
Natutukoy ang salitang magkakatugma
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita
tulad ng paggamit ng katuturan o kahulugan ng salita
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa
Pagsulat at Pagbabaybay
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga
parirala at pangungusap
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Ipaawit sa mga bata ang isang awit na alam nila.
(Ito ay kailangang Filipino o kaya ay awitin na nasa Mother Tongue ng mga
bata.)
Ano-ano ang mga ginamit na salitang magkakatugma?
Ipasulat ang mga ito sa show me board ng mga bata o sa isang malinis na papel.
Ipabasa ang mga salitang inilista.
Tutukuyin naman ng iba pang bata kung tama ang itinalang mga salitang
magkakatugma.
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tula
Naisasakilos ang tulang napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsasakilos ng Tula
96 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang logo.
Pag-usapan ang kahulugan ng logo.
Saan ito nakikita?
Patingnan ang gamit ng mga bata kung nasa gamit nila ito?
Ano ang ibig sabihin nito?
2. Paglalahad
Itanong:
Totoo bang may pera sa basura?
Basahin nang malakas ang tula.
Susundan ito nang tahimik na pagbasa ng mga bata sa tula na nakasulat sa
isang malinis na papel. (Siguraduhin na sapat ang laki nito upang mabasa ng
lahat sa klase.)
DRAFT
April 10,2014
Pera at Basura
Ako’y munting bata
Ng aming bayan
Ngunit maaasahan naman
Sa kasinupan at kalinisan.
Tamang pagtatapon
Ng mga basura
Lagi kong isinasagawa
At tunay kong pinahahalagahan.
Nabubulok at di nabubulok
Aking pinaghihiwalay
Bote, plastik at papel
Puwede pang pakinabangan.
Baka pagdating ng araw
Ako ay yumaman
Nang dahil sa basura
Na aking pinagtiyagaan.
97 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Ilarawan ang bata sa tula.
Paano pinaghihiwalay ang mga basura?
Ano-ano ang ginagawa ng bata sa tula?
Tama ba ang kaniyang ginagawa? Bakit?
Paano siya yayaman nang dahil sa basura?
Ipabasa sa mga bata ang tulang binasa kanina.
Dapat mo ba siyang tularan? Bakit?
Ano-ano ang puwedeng gawin sa mga bote? Plastik? Papel?
Bakit kailangang i-segregate o pagbukod-bukurin ang mga basura?
Ano ang mga puwede nating gawin sa mga bote? Plastik? Papel?
Ano ang mangyayari kung mag re-recycle tayo ng mga basura?
Ano ang nais iparating sa iyo ng tula?
4. Pagpapayamang Gawain
Basahin muli nang malakas ang tula.
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng isang taludtod.
Bigyan rin ang pangkat ng kopya nito.
Bigyan ng oras ang pangkat upang makagawa ng kilos para sa nakatokang
taludtod.
Pagtatanghal ng bawat pangkat.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Palapatan ng tunog upang maging awit o rap ang tula na binasa sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tula
Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita
tulad ng paggamit ng katuturan o kahulugan ng salita
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
Paksang-Aralin
Mga Salitang Magkakatugma
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Iparinig muli sa mga bata ang “May Pera sa Basura.”
Ipatala sa mga bata ang mga salitang magkakatugma.
Ipabasa sa mga bata ang ginawang listahan.
Tutukuyin nila kung tama o mali ang pares ng mga salitang magkakatugma.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang bilin.
98 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ano ang pagkakaunawa mo sa salitang bilin?
Ano ang tunay nitong kahulugan gamit ang diksiyunaryo? (Ipakuha ang
diksyunaryo ng mga bata.)
Ano-ano ang halimbawa ng bilin sa iyo ng magulang? Ng mga nakatatanda sa
iyo?
Ano-ano ang ilang halimbawa ng mga bagay na hindi bilin ng magulang? Ng
mga nakatatanda sa iyo?
Itala sa pisara ang sagot ng mga bata gamit ang Frayer Model.
Kahulugan Batay sa
sariling pang-unawa
Tunay na Kahulugan
bilin
Mga Halimbawa
Hindi Tamang
Halimbawa
DRAFT
April 10,2014
Basahin nang malakas ang tula sa Alamin Natin, p. 53.
Pasundan ito ng tahimik na pagbasa ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Batay sa tula, ano ang ibig sabihin ng mag-aangkin? Modelo? Tuparin
Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.
Ipagawa nang pangkatan.
Bigyan ng kahon na gagawin ang bawat pangkat. Isang kahon para sa isang
pangkat. Pasagutan ito.
Pamagat
ng Tula
Bilin ni
Lola at
Lola
Bilin ni
Tatay at
Nanay
Bilin ng
guro
Aral ng Tula
99 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula? (Tawagin ang pangkat na may hawak ng tanong.
Matapos silang mag-ulat, idikit ang kahon na may sagot sa tama nitong
lagayan sa organizer.)
Ano-ano ang bilin ni lola at lolo? Tatay at Nanay? Guro? (Gawin uli ang
isinagawa sa unang tanong)
Ipabasang muli nang malakas ang tula.
Ano ang aral ng tula?
Ilarawan ang bata sa tula.
Dapat ba siyang tularan? Pangatwiranan ang sagot.
Ano ang posibleng mangyari kung susundin ng lahat ng bata ang mga bilin na
sinabi sa tula?
Ipabasang muli nang malakas ang tula.
Tutukuyin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma sa tula.
Bakit sinabing magkakatugma ang mga salitang tinukoy?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipalaro: Unahan Tayo!
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay mag-uunahan sa paghanap
ng mga salitang magkakatugma na nasa loob ng kahon. Tingnan ang mga salita
sa Linangin Natin, p. 54.
Ipagamit ang pares ng mga salitang magkakatugma sa isang pangungusap o sa
dalawang magkakaugnay na mga pangungusap.
5. Paglalahat
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
Nagiging magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling tunog ng
mga salita.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 54.
Basahin muli sa mga bata ang “ May Pera sa Basura.”
Pasulatin ang mga bata ng tatlong pares ng magkakatugmang salita.
Ipabasa ang listahan na ginawa. Sasabihin ng ibang bata kung tama ang
tinukoy na mga pares ng naunang kaklase.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at
pangungusap
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Parirala at Pangungusap
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magdikta ng ilang parirala at mga pangungusap sa mga bata.
Sabihin muna ang buong parirala o pangungusap na ipasusulat sa mga bata.
Ulitin ito nang dahan-dahan upang maisulat nang tama ng mga bata.
100 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
Kung tapos na ang mga bata sa kanilang pagsulat, banggitin muli ang parirala
at pangungusap na ipinasulat. Ito ay gagawin upang mabasa ng mga bata nang
tahimik ang kanilang isinulat at maitama ang kanilang isinulat.
Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga ito.
Paglalahad
Pangkatin ang klase.
Pag-usapan ang mga bilin ng mga magulang sa kanila tungkol sa pagpili ng
magiging kaibigan.
Isulat ang mga ito sa isang malinis na papel.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Ipapaskil ng bawat pangkat ang mga isinulat.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang mga ginawa ng bawat pangkat.
Ano-ano ang napapansin sa mga isinulat?
Alin sa mga ito ang parirala?
Ipabasa ang mga parirala.
Paano isinusulat ang parirala?
Ipabasa ang mga pangungusap.
Paano isinusulat ang pangungusap?
Sabihin sa mga bata na pansisin ang pagkakasulat ng mga letra at mga salita.
Itanong: Tama ba ang pagkakasulat ng mga letra at ng mga salita?
Tama ba ang pagkakagamit ng malalaki at maliliit na letra?
Ano-anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap?
Tama ba ang pagkakagamit nito?
Ano ang ipinahihiwatig ng bawat bantas sa mga pangungusap?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 54.
Ipapaskil ang mga ginawa ng mga bata sa pisara. Hayaang bigyang-puna ito
ng ibang kaklase.
Paglalahat
Ano ang dapat tandaan kung sumusulat ng parirala? Pangungusap?
Ang parirala ay hindi nagsasaad ng buong diwa.
Ang pangungusap ay sinisimulan sa malaking letra at nagtatapos sa bantas. Ito
ay nagsasaad ng buong diwa.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 55.
Bigyang-puna ang natapos na gawain ng mga bata.
Bigyang-puna lamang kung paano isinulat ang parirala o ang pangungusap.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
101 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon
Paksang-Aralin
Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpakuha sa mga bata ng isang aklat. Siguraduhing hindi ito ang ginagamit
sa araw-araw na aralin sa klase. Maaaring kunin ito sa mini-library ng silidaralan o kung wala, maaaring manghiram ang guro sa silid-aklatan.
Hayaang ipakita nila ang bahagi ng aklat na babanggitin ng guro.
Mas mainam kung ang aralin na ito ay sa silid-aklatan gagawin.
Talaan ng Nilalaman
Pabalat
Talahuluganan
2. Paglalahad
Tutukuyin sa mga bata ang mga bahagi ng aklat at ang gamit ng bawat isa.
Pagawain ang bawat pangkat ng isang malikhaing pagtatanghal tungkol dito.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang tulang “Mga Bahagi ng Aklat” sa Alamin Natin, p.8
Saan mo ito makikita?
Pamagat ng Aklat
Listahan ng mga aralin
Listahan ng mga salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan nito.
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Hayaang maghanap ang mga bata ng paksa tungkol sa kapaligiran na makikita
sa aklat na gagamitin ng bawat pangkat.
Gamitin ang format na ito sa pag-uulat.
DRAFT
April 10,2014
Paksa/Pamagat ng Talata
Bahagi ng Aklat na Nakita Ito
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Ano ang gamit ng bawat bahagi ng aklat?
Paano mo aalagaan ang aklat?
4. Pagpapayamang Gawain
Pagpangkat-pangkatin muli ang klase.
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 55.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo tungkol sa mga bahagi ng aklat?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 55.
Ito ay hindi matatapos ng isang araw. Bigyan ang mga bata ng sapat na oras
102 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
upang maisagawa ito.
Matapos ang nakalaang araw, hayaang iulat ng mga bata ang kanilang
karanasan sa paghanap ng impormasyong kailangan nila.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
1. Ipabasa sa mga bata ang tula. (Isulat ito sa tsart.)
Si Dolly
Dolorosa S. de Castro
Ako ay may kaibigan
Dolly ang pangalan
Lagi kong kasama
Saan man magpunta
Araw at gabi
Siya ay lagi kong katabi
Sa pagkain at paglalaro
Siya ang kasa- kasalo
DRAFT
April 10,2014
Mundo ko’y sumasaya
Puno ng kulay tuwina
Pagkat laging nandiyan
Si Dolly kong kaibigan.
Kaya’t ating pahalagahan
Minamahal nating kaibigan
Upang sa tuwina ay magkaunawaan
Mundo’y mapuno ng pagmamahalan.
2. Tutukuyin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma.
3. Ipagawa: Ulan ng Magkakatugmang Salita
Magkakatugmang
Salita
103 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
a. Ipaguhit ang larawan sa isang malinis na papel.
b. Ipasulat ang mga natukoy na magkakatugmang salita sa bawat patak ng
ulan. Isang patak ng ulan, isang salita.
c. Pakulayan ang mga patak ng ulan. Magkakulay ang magkatugmang mga
salita.
4. Ipapaskil ang natapos na gawain ng mga bata, matapos ipakita at basahin sa
harap ng klase.
5. Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata.
Aralin 15
Maglaro Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
Pag-unawa sa Binasa
Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento: tauhan, tagpuan at banghay
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng
pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan, tagpuan at banghay
Wikang Binibigkas
Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng ibang tao
Gramatika
Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon
Komposisyon
Nakasusulat ng talata na may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit
na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Ihanda ito bago magsimula ang klase. Gawin na malaki ang mga kahon ng
organizer upang magkasya ang mga isusulat ng mga bata.
Ipakita ang organizer sa mga bata.
Pasulatin ang mga bata ng mga salita o parirala na angkop sa bawat kahon.
Ipabasa ang mga naisulat.
104 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap gamit ang isang tauhan, tagpuan
at banghay na nakasulat sa organizer.
Gamit ang natapos na organizer, hikayatin ang mga bata na buuin ang
kuwento.
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto
Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipabasa nang malakas ang mga salitang nakasulat sa card na ipapakita.
Siguraduhin na ang mga salita ay natutuhan na sa mga nakaraang aralin.
2. Paglalahad
Itanong : May liga ba sa inyong barangay?
Linangin ang liga ng barangay.
Gamitin ang “Ito ay… Ito ay Hindi”
DRAFT
April 10,2014
Ito ay …
Ito ay HINDI ….
Ipaguhit sa unang kolum ang nakikita kapag may liga ng barangay.
Ipaguhit naman sa ikalawang kolum ang mga walang kaugnayan sa liga ng
barangay.
Pag-usapan ang mga iginuhit ng mga bata.
Ano ang ibig sabihin ng liga ng barangay?
Sabihin sa mga bata na may babasahin kang maikling talata tungkol sa liga ng
barangay. Sabihin sa kanila na itaas ang kanilang kamay kapag may salitang
hindi sila maunawaan.
Kapag may nagtaas ng kamay, tumigil sa pagbasa at linangin ang salitang
binanggit ng bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas ang kuwento.
Liga ng Barangay
ni Louigrace Margallo
Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng
aming barangay. Abala ang lahat maging ang puno ng aming barangay.
Dumating na ang mga manlalaro kasama ang kanilang mga taga-suporta.
105 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayundin ang mga
cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo.
Nagsimula na ang laro at naging mainit ang bawat tagpo.
“Lamang na tayo!” sigaw ng isang manlalaro.
“Margallo, bumutas ng tres,” tawag ng referee sabay tayo ng mga
tagapanood.
Sa bawat bukas na pagkakataon ay pumapasok ang mga manlalaro para
makapuntos.
Tila hindi na pantay ang sahig dahil sa umaatikabong takbuhan. Natapos
ang laro, panalo ang Barangay 2!
Bagamat talo ang barangay namin sa larong ito, sinisiguro ng grupo na
babawi sila sa susunod na araw.
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sumusunod.
Pangkat 1- Ipakita sa pamamagitan ng piping palabas ang laro sa liga ng
barangay
Pangkat 2 – Iguhit ang mga taong nasa liga ng barangay
Pangkat 3 - Isulat at ilagay sa frame ang ngalan ng nanalo sa laro
DRAFT
April 10,2014
Itanong:
Ano ang naganap sa barangay?
Ano ang laro dito? (Tawagin ang Pangkat 1.)
Sino-sino ang nasa liga ng barangay? (Tawagin ang Pangkat 2.)
Ano ang ginawa ng bawat isa?
Sino ang nanalo sa laro? (Tawagin ang Pangkat 3.)
Ano ang mga damdamin sa kuwento?
Kailan ito naramdaman?
Kung isa ka sa mga natalo, ano ang gagawin mo? Mararamdaman mo?
Kung isa ka naman sa mga nanalo, ano ang gagawin mo? Mararamdaman mo?
Ano ang magandang kaugaliang ipinakita sa kuwento?
Dapat ba itong tularan?
Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kuwento.
Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng
aming barangay. Abala ang lahat, maging ang puno ng aming barangay.
Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayon din ang
mga cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo.
Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa bawat pangungusap?
Ipabasa muli.
Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng
aming barangay. Abala ang lahat maging ang puno ng aming barangay.
Ano-ano ang salitang magkatulad sa mga pangungusap? Pasalungguhitan ang
mga ito.
Ano ang ibig sabihin ng puno sa unang pangungusap? Sa pangalawang
106 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
pangungusap?
Ipabigkas ang mga salitang magkatulad sa mga pangungusap na ito.
Ano ang pagkakaiba ng mga salitang ito?
Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito?
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
Ipabasa.
Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayon din ang
mga cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo.
Ano-ano ang salitang magkatulad sa mga pangungusap? Pasalungguhitan ang
mga ito.
Ano ang ibig sabihin ng pito sa unang pangungusap? Sa pangalawang
pangungusap?
Ipabigkas ang mga salitang magkatulad sa mga pangungusap na ito.
Ano ang pagkakaiba ng mga salitang ito?
Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito?
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Ano ang ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit sa bawat pares ng
pangungusap? Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Umakyat ng ligaw ang binata sa dalaga mula sa kabilang bayan. ____
Ligaw ang laro ng aming koponan dahil wala ang aming captain ball.
a. nanunuyo
b. hindi maayos
2. Tumalsik ang tapon ng bote nang buksan niya ito. ____
Malayo ang tapon ng bolang inihagis ni Jeth. ____
a. hagis
b. takip na yari sa cork
3. Mabilis gumaling ang paso niya sa braso. ____
Bumili ako ng limang malalaking paso. ____
a. sugat sanhi ng pagkasunog
b. isang bagay na taniman ng halaman
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba nang bigkas at kahulugan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Papiliin ang bawat mag-aaral ng dalawang pares ng mga salita na iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang kahulugan. Ipagamit ang mga napiling salita sa
sariling pangungusap.
DRAFT
April 10,2014
daan
pasa
tala
baka
bunot
piko
upo
pasa
Ipabahagi sa klase ang kanilang nagawa.
107 baka
huli
bunot
huli
upo
piko
tala
daan
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Natutukoy ang bahagi ng kuwento
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng
pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan, tagpuan at banghay
Paksang-Aralin
Mga Bahagi ng Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga card na may nakasulat na pangalan ng tao, lugar at mga
pangyayari. Ilagay nang sama-sama ang magkakauring salita sa tatlong kahon.
Sabihin sa mga bata na bubunot sila ng isang card sa bawat kahon.
Ipagamit ang mga nabunot na salita upang makabuo ng isang maikling
kuwento.
Ipasulat ang nagawang kuwento sa isang papel at ipadikit sa pader.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na mabasa ang ginawang kuwento ng
kaklase.
2. Paglalahad
Nakaranas ka na bang makapaglaro ng tagu-taguan?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
Itala ang sagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang kuwento na nasa Alamin Natin, LM pp. 55 - 56.
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Ipakumpleto ang hinihingi ng story map.
DRAFT
April 10,2014
Bakit
Ano
Paano
Saan
Sino
Pamagat
Tanong ng Kuwento 108 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino-sino ang tauhan ng kuwento?
Saan ito naganap?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Ano ang suliranin sa kuwento?
Paano nalutas ang suliranin?
Bakit nagtawanan sina Aiah?
(Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang lugar sa graphic organizer.)
Patingnan kung tama ang sagot sa organizer na ginawa ng pangkat.
Ano kaya sa palagay mo ang naramdaman ni Von?
Kung ikaw si Von, ano ang gagawin mo?
Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na sinasagot ng tanong na sino? Saan?
Kailan? Ano-ano?
Kumpletuhin ang Banig ng mga Kuwento.
Sabihin sa mga bata na hatiin sa 16 na kahon ang isang pirasong papel.
Sa unang walong kahon, ipasulat ang hinihingi tungkol sa unang kuwento na
binasa (“Liga sa Barangay”) at ang ikalawang pangkat ng walong kahon ay
para sa ikalawang kuwento naman (“Tagu-taguan.”)
DRAFT
April 10,2014
Liga sa
Barangay
Pamagat
Tagpuan
Tauhan
Pangyayari
1
Pangyayari
2
Pangyayari
3 Pangyayari
4 Pangyayari
5 Pamagat
Tagpuan
Tauhan
Pangyayari
1
Pangyayari
2 Pangyayari
3 Pangyayari
4 Pangyayari
5 Tagu-taguan
Hayaang ipakita ng mga bata ang natapos na banig.
Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata sa pamamagitan ng pagtalakay sa
mga sagot sa bawat kahon.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 56.
Pumili ng isang kuwentong binasa mula sa mga nagdaang aralin.
Gumawa ng Story Pie para dito.
5. Paglalahat
Ano-ano ang bahagi ng kuwento?
Ang mga bahagi ng kuwento ay pamagat, tauhan, tagpuan at banghay.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang panuto sa Pagyamanin Natin, p. 57.
109 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikatlong Araw
Layunin
Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng ibang tao
Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon
Paksang-Aralin
Gamit ng Kami, Tayo at Sila
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Sabihin sa mga bata na ipakilala sa klase ang kasapi ng sariling pamilya sa
pamamagitan ng pagkukuwento.
Itanong: Ano-ano ang salitang ginamit sa pagpapakilala ng pamilya?
2. Paglalahad
Paggawa ng quilt ng klase.
Maghanda ng ginupit na papel na hugis parisukat. Bawat bata ay dapat may
hawak nito.
Bigyan nito ang bawat bata. Ipasulat ang kaniyang pangalan dito.
Hayaang ipakilala ng bawat bata ang sarili sa klase.
Matapos magpakilala, ipadikit sa kanila ang ginupit na papel sa isang
malaking manila paper upang matapos ang quilt ng klase.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Gawin ang panuto sa Alamin Natin, p. 58.
Bigyan ng sapat na oras ang pangkat upang mapaghandaan ang sagot dito.
Pagtatanghal ng bawat pangkat.
Pag-usapan ang mga usapan na napakinggan.
Paano ipinakilala ang sarili sa ibang tao? Ang kaklase sa ibang tao?
Paano maipakikita ang paggalang sa pagpapakilala?
Kailan ginamit ang kayo? Sila? Kami? Tayo?
3. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 58
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang
pangungusap.
Patnubayan ang mga bata na nagkamali sa paggamit ng mga panghalip na
tinalakay.
4. Paglalahat
Kailan ginagamit ang tayo? Kayo? Kami? Sila?
Ginagamit ang tayo at kami kung tumutukoy sa mga taong nagsasalaysay.
Ginagamit ang kayo kung nauukol sa mga taong kinakausap.
Ginagamit ang sila kung nauukol sa mga taong pinag-uusapan.
5. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin , p. 58.
Kung handa na ang mga bata sa kanilang pangungusap, pabilugin ang mga
bata. Balikan ang ginawang quilt ng klase. Tumawag ng isang “it” upang
mamili ng kaklaseng tatawagin upang basahin ang ginawang pangungusap.
Papikitin ang mata ng “it” at ipaturo ang ngalan ng tatawagin. Maaari rin
namang lagyan ng piring ang mata ng bata.
DRAFT
April 10,2014
110 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakasusulat ng talata nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at
maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang
paksa o isyu
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng isang talata na may mga mali ang pagkakasulat at
pagkakabaybay. (Maaaring gumamit ng anumang talata na nagamit na sa mga
nagdaang aralin o isang talata na hindi pa nababasa ng mga bata.)
Ipabasa ito sa mga bata.
Ano ang napansin mo sa talata?
Ano-ano ang mali dito?
2. Paglalahad
Ihanda ang tatlong card na may mga bilog na katulad nito.
DRAFT
April 10,2014
Isa, Dalawa, Tatlo…
Sabihin sa mga bata na kapag ipinakita ng guro ang card na may isang bilog,
mag-iisip nang nag-iisa ang bata ng sagot sa tanong na ibibigay.
Kapag nakita ang dalawang bilog, hahanap ng kapareha at ibahagi sa kaniya
ang sagot sa tanong.
Kapag tatlo naman ang nakitang bilog, bumalik na sa upuan at humanda sa
pagbabahagi ng sagot sa buong klase.
Itanong:
Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa bahay
ninyo? Sa paaralan?
Gamitin ang card para sa pagsagot ng mga bata.
111 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong muli.
Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa bahay
ninyo? Sa paaralan?
Hayaang ibigay ng mga bata ang kanilang sagot sa tanong.
Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng bawat bata.
Ipabasa ang mga pangungusap sa mga bata.
Itanong:
May gusto pa ba kayong idagdag? (Isulat kung may idinagdag.)
May gusto pa ba kayong alisin sa ating mga pangungusap?
(Kung mayroon, itanong ang dahilan at kailangan itong alisin. Pag-usapan ng
klase kung dapat o hindi nga dapat alisin.)
Ano ang magandang pamagat ng ating talata?
Ipabasa ang naisulat ng klase.
Itanong:
Paano isinulat ang pamagat?
Paano inumpisahan ang talata? Pangungusap?
Paano tinapos ang pangungusap?
Ano-anong salita ang isinulat gamit ang malalaking letra? Maliliit na letra?
Paano isinulat ang mga salita?
Ano-anong bantas ang ginamit sa talata?
Balikan muli ang talata na ipinabasa sa pag-uumpisa ng klase.
Itanong: Paano natin ito itatama?
Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang sagot at ipagawa ito sa
pisara o papel kung saan nakasulat ang talata.
Ipabasa muli ang talata.
4. Pagpapayamang Gawain
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipabasa ang Alamin Natin, p. 59.
Bigyan ang bawat pangkat ng sulatang papel.
Pasulatin ang bawat pangkat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong
pangungusap.
Paksa: Bakit kailangang maglaro ang batang katulad mo?
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 59.
Itanong sa mga bata: Ano ang larong nais mong matutuhan? Bigyan ng
paliwanag ang pagpili nito.
(Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang maisulat
nila ito nang wasto ayon sa mga punang ibinigay.)
DRAFT
April 10,2014
112 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Maghanda ng mga salita na may kaugnayan sa tauhan, lugar, araw, bagay, at
hayop. Isulat ang mga ito sa ilang roleta upang hindi magtagal ang mga bata sa
paggamit nito.
Gumawa ng isang bilog para sa tauhan, lugar, araw, bagay at hayop.
(Magkakaiba ang laki ng mga bilog na ito.)
Hatiin ito nang pantay-pantay at sapat upang maisulat ang mga salitang
naunang inihanda. Pagpatung-patungin ang mga bagay at lagyan ng one-head
fastener. Lagyan din ng panturo sa gitna .
Ipakita ang Roleta ng mga Salita sa mga bata.
Hayaang paikutin ito ng bata upang makakuha ng isang ngalan ng tao, lugar,
araw, bagay, at hayop
Ipagamit ang mga nakuhang ngalan sa pagpapaikot ng roleta upang makagawa
ng isang talata.
Subukang gamitin ang kami, tayo, kayo at sila.
Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong
pangungusap.
Ipabasa muli sa mga bata ang mga tanong na ginamit sa mga nagdaang aralin
tungkol sa pagsulat ng talata.
(Bigyan ng puna ang isinulat na talata ng mga bata. Ibalik ang papel na may
mga puna upang muling maisulat ng mga bata ang talata ayon sa patnubay ng
mga puna na ito.)
DRAFT
April 10,2014
Aralin 16
Magsama-sama Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng pamatnubay na tanong
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakagagamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan tulad ng sitwasyong
pinaggamitan ng salita
Pagsulat at Komposisyon
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Paunang Pagtataya
Maghanda ng isang tekstong babasahin sa mga bata. Maaari rin naman na
magparinig ng isang balita sa radyo o kaya naman ay isang patalastas o drama.
Kung wala pa rin ng mga ito, magparinig ng isang awit sa mga bata.
Pag-usapan ang napakinggan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga tanong.
113 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Obserbahan kung sino sa mga bata ang hindi makasagot sa mga tanong na
ibinigay. Gabayan sila upang maunawaan ang teksto na napakinggan at
maibigay ang tamang sagot sa tanong.
Unang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng pamatnubay na tanong
Paksang-Aralin
Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teskto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipalarawan ang isang bahagi ng paaralan o ng silid-aralan.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pagandahin pa ito, ano-ano ang gagawin
mo?
2. Paglalahad
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng isang malinis na papel.
Itanong: Kung magkakaroon ka ng isang hardin, ano-ano ang nais mong ilagay
dito?
Pagawain ang bawat pangkat ng blueprint.
Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang ipakita ang
ginawang plano ng kanilang hardin.
Basahin nang malakas ang kuwento.
DRAFT
April 10,2014
Si Mang Lino ay isang mabait na matanda. Mayroon siyang malawak na
bakuran na maraming nakatanim na malalaking puno. May puno ng mangga,
saging, tsiko, papaya at santol.
Marami ring ibon ang tumitigil sa kaniyang bakuran. Palipad-lipad at
umaawit pa ang mga ito. At madalas ay dumadapo sa mga puno.
Pati mga bata ay dumarayo rin sa kaniyang bakuran. Gustong-gusto nilang
maglaro dito. Tuwang-tuwa naman si Mang Lino na pagmasdan ang mga bata
na nasa kaniyang hardin na tila paraiso.
Isang araw, matagal nang naglalaro ang magkakaibigan, ngunit hindi pa
rin siya lumalabas sa kaniyang bahay. Kaya’t naglakas loob ang
magkakaibigan na katukin ang kaniyang pinto.
May sakit pala si Mang Lino. Isa-isang lumabas ang magkakaibigan at
humingi ng tulong sa kani-kanilang magulang. Nadala si Mang Lino sa ospital,
naalagaan nang ayos at nakahigop ng mainit na sabaw.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ihanda ang Librong Parisukat.
Gumupit ng isang papel at tupiin ang
apat na dulo nito upang makagawa
ng katulad ng nasa larawan.
Sulatan ng bilang isa hanggang
apat ang bawat sulok nito.
114 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Bigyan ng Librong Parisukat ang bawat pangkat.
Ipagawa sa bawat pangkat:
1. Isulat sa labas na bahagi ng libro.
a. Sa bilang 1, isulat ang pamagat ng kuwentong napakinggan.
b. Sa bilang 2, isulat ang tagpuan ng kuwentong napakinggan.
c. Sa bilang 3, isulat ang tauhan sa kuwentong napakinggan.
2. Isulat sa loob na bahagi
a. Sa bilang 1, isulat ang unang pangyayari.
b. Sa bilang 2, isulat ang suliranin.
c. Sa bilang 3, isulat ang naging solusyon.
d. Sa bilang 4, isulat ang naging katapusan ng kuwentong napakinggan.
Pag-uulat ng bawat pangkat sa natapos na gawain.
(Gabayan ang mga pangkat na hindi tama ang sagot upang masabi nila ang
tamang sagot sa bawat bahagi ng parisukat.)
Ipabasa ang mga tanong na nakasulat sa bawat metacard.
Sino ang nagmamay-ari ng bakuran?
Ano-ano ang makikita sa kaniyang bakuran?
Sino ang tumitigil sa kaniyang bakuran?
Ano ang ginagawa ng mga ibon sa kaniyang mga puno?
Sino ang dumarayo sa kaniyang bakuran?
Ano ang gustong-gustong gawin ng mga bata sa kaniyang bakuran?
Ano ang nangyari kay Mang Lino?
Paano siya gumaling?
Tumawag ng ilang mga bata upang isalaysay ang napakinggang kuwento sa
tulong ng mga ibinigay na tanong.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasang muli ang mga tanong.
Ipahanda ang kagamitan sa Art.
Gabayan ang mga bata na makagawa ng sarili nilang picture book ng
napakinggang kuwento.
Ipaalala sa kanila na magiging gabay nila ang mga tanong na nakasulat sa
metacard.
Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk para sa mga natapos na
picture book.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Tumawag ng ilang bata.
Papiliin sila ng isang picture book na ginawa ng kaklase.
Ipasalaysay ang napakinggang kuwento sa tulong ng aklat.
Itanong sa ibang bata kung tama ang pagkakasalaysay niya ng kuwento.
DRAFT
April 10,2014
115 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon
Paksang-Aralin
Pagsagot sa mga Tanong
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipaawit: “Magtanim ay Di Biro”
Itanong:
Bakit hindi biro ang pagtatanim?
2. Paglalahad
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Papunan ang organizer sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay na
kailangan sa pagtatanim. Maaaring magdagdag ang mga bata ng kahon kung
kinakailangan.
Kailangan sa
Pagtatanim
DRAFT
April 10,2014
Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain.
Talakayin ang mga sagot na ibinigay ng mga bata.
Ipabasa nang tahimik ang kuwento sa Alamin Natin, pp.59-60.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Maghanda ng dalawang malaking papel. Ipaskil ito sa pisara. Sulatan ng
NOON ang isang papel at NGAYON ang isa namang papel.
Ipaguhit ang larawan noon at ngayon ng bakanteng lugar sa barangay sa
inihandang papel sa pisara.
Pag-usapan ang iginuhit sa NOON at NGAYON.
Paano gumanda ang bakanteng lote?
Tumawag ng ilang bata upang ipakitang kilos ang bawat hakbang.
Itanong pagkakatapos magpakitang-kilos ang isang bata: Ano ang ginawa
niya?
Isulat ang sagot ng mga bata sa baitang ng isang hagdan. Ipaskil ito sa pagitan
ng NOON at NGAYON.
Panghuli…
Sumunod …
Pangalawa …
Una …
116 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipabasa ang mga hakbang na isinulat sa pisara.
Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ito?
Ano-anong salita ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod na hakbang na
isinagawa ng nagsasalita?
Tumawag ng ilang bata upang maisalaysay ang nabasang teksto sa tulong ng
mga sagot sa NOON at NGAYON.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa nang tahimik ang kuwento sa p. 60 at pasagutan ang mga tanong na
kasunod nito.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Masasagot ang mga tanong tungkol sa binasa kung babasahin nang mabuti at
nang may pang-unawa.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 61
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang sitwasyong pinaggamitan ng mga salita sa pagtukoy ng
kahulugan ng salita
Paksang-Aralin
Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Saan ka nakatira?
Ano-ano ang makikita rito?
2. Paglalahad
Ano ang ibig sabihin ng bukid?
Bigyan ang mga bata ng clay. Kung mayroon naman sila, ipakuha ito.
Gamit ang clay, hayaang gumawa ang mga bata ng mga bagay na nakikita sa
bukid.
Pagpapakita ng natapos na bagay mula sa clay.
Itanong: Nakikita ba ito sa bukid?
Pagsama-samahin ang mga bagay na nabuo sa clay upang makagawa ng
larawan ng isang bukid.
Ano ang bukid?
Ipagamit ang salita sa sariling pangungusap.
Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain.
Ano ang ibig sabihin ng bukid?
Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
Basahin ang pamagat ng tula.
Tungkol saan ang tula?
Basahin nang malakas ang tula sa mga bata. (Sabihin sa mga bata na sundan
ito nang tahimik gamit ang kopya ng tula na nasa p. 62.)
Tumawag ng ilang bata upang basahin ito nang malakas.
DRAFT
April 10,2014
117 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3.
Balikan ang mga hula na ginawa bago basahin ang tula.
Tama ba ang mga ito?
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasang muli ang tula sa mga bata.
Ipapikit ang mata ng mga bata upang ma-visualize nila ang sinasabi sa tula.
Itanong:
Saan nais tumira ng nagsasalita sa tula?
Paano inilarawan ang bukid sa unang taludtod?
Paano binigyang-kahulugan ang palay sa tula?
Anong salita ang pinatutungkulan ng pariralang/dalawang salitang walang
amoy?
Paano masasabing malinis ang tubig?
Ano ang kahulugan ng sariwang prutas sa tula?
Paano binigyang kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit sa tula?
Ikaw, nais mo rin bang tumira sa bukid? Bakit?
Ipabasang muli ang tula.
Tanungin ang mga bata kung may mga salita na hindi nila maunawaan.
Linangin ang mga salitang sasabihin ng mga bata.
Paano mo nasabi ang kahulugan ng mga salitang hindi nauunawaan ng
kaklase?
Ano-ano ang salitang may salungguhit sa tulang binasa?
Ano ang ibig sabihin ng bawat isa?
Itala at ipabasa sa mga bata ang kanilang sagot.
Paano mo nasabi ang kahulugan ng bawat isa?
Pagpapayamang Gawain
Ipabasa at pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 62.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Maaaring makapagbigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
sitwasyong pinaggamitan.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 63.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Paksang-Aralin
Pagbabaybay ng mga Salita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magsagawa ng paligsahan sa pagbabaybay sa loob ng klase.
Gamitin ang mga salitang natutuhan ng mga bata sa mga nagdaang aralin.
Bigyang-halaga ang nanalo sa paligsahan.
Sabihin nang dalawang beses ang salita.
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na maisulat ito.
118 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
4.
Sabihin muli ang salitang ipinababaybay.
Ipataas ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot.
Tingnan kung sino-sino ang tama, sino-sino ang mali.
Bigyan ng puntos ang mga may tamang pagkakabaybay ng salita.
Tumawag ng bata upang isulat ang salita sa pisara.
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa pisara.
Paglalahad
Ipabasang muli ang tula sa p. 62.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Takpan ang ilang salita sa tula.
Ipabasang muli ang tula.
Ano-ano ang salitang nawawala sa tula?
Ipasulat ito sa pisara.
Ipabasa ang isinulat sa ibang bata.
Tama ba ang kaniyang pagkakabaybay?
Tanggalin ang takip ng salitang pinahuhulaan upang malaman kung tama o
mali ang mga bata.
Gawin ito sa iba pang salita sa tula.
Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng mga card ng mga salitang natutuhan sa mga nagdaang aralin.
Tiyakin na ang ibang salita ay mali ang pagkakabaybay.
Ipabasa ang mga salita.
Sabihin sa mga bata na isulat ang OK sa kanilang show-me-board (SMB) kung
tama ang pagkakabaybay nito.
Kung mali naman, ipasulat sa kanilang SMB ang wastong pagkakabaybay ng
salitang ipinakita.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay
DRAFT
April 10,2014
5.
6.
Ipabaybay ang sumusunod na salita.
1.
2.
3.
4.
5.
kaibigan
bakuran
pamayanan
tahanan
barangay
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Basahin ang teksto upang masagot ang mga tanong tungkol dito.
Ang Guro
Dolorosa S. de Castro
Maagang gumising si Anthony. Suot ang kaniyang pinakamaganda at
pinakabagong damit, agad silang umalis ng kaniyang tatay.
119 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pagdating sa Bulwagan ng Kagitingan, sinamahan sila ng isang babae sa
upuang nasa unahan ng malaking entablado. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang
palatuntunang kaniyang pinanabikan.
Malakas na palakpakan ang kaniyang narinig nang tawagin ang “Anthony
Beltran.” Ito na ang pagkakataong kaniyang hinihintay. Taas-noo siyang umakyat ng
entablado at nagsimulang magsalita.
“Hindi naging hadlang ang paagkakaroon ng kapansanan upang marating ko
ang mga pangarap sa buhay. Bulag man ako, nagkaroon ako ng maraming mata. Mga
taong nakapaligid sa akin na nagsilbing aking inspirasyon. Una, ang aking mga
magulang, na laging nasa tabi ko. Hindi nila hinayaan na matalo ako ng paminsanminsan kong pagkaawa sa sarili. Nariyan din ang aking guro, si Titser Ruby.
Pinaniwalaan niya ang mga kakayahan ko. Tinulungan niya ako na malinang ang
aking talino at talento na naging susi sa tagumpay na mayroon ako ngayon. Sa kanila
ko natutuhan na, sa kabila ng aking mga kahinaan, may mga kalakasan pa rin akong
taglay na magagamit ko upang maging matagumpay at matulungan ang mga tao sa
paligid ko. Ako ay ako ngayon, dahil sa inyo, Tatay at Titser Ruby, maraming
salamat po. Para sa inyo po ang aking tagumpay.”
Inimbitahan niya ang kaniyang tatay at si Titser Ruby na samahan siya sa
entablado. Buong pagmamalaki niyang ipinakilala ang mga espesyal niyang guro.
Malakas na palakpakan ang muli niyang napakinggan habang pinapahid ang luha na
unti-unti nang pumapatak sa kaniyang mga mata.
DRAFT
April 10,2014
120 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Sagutan ang sumusunod na tanong na makikita sa loob ng bilog.
Ano ang
pamagat ng
kuwento?
Saan naganap
ang kuwento?
Ano ang aral
ng kuwento?
Sino-sino ang
tauhan?
Ano ang huling
pangyayari?
DRAFT
April 10,2014
Ano ang unang
nangyari?
Ano ang
solusyon?
Ano ang
suliranin ?
* Bigyan ang mga bata ng kopya nito.
121 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 17
Magtulungan Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pakikinig
Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang
Gramatika
Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho
at pagkakaiba batay sa tauhan at tagpuan
Pag-unawa sa Binasa
Naisasalaysay muli ang binasang teksto na may tamang pagkakasunod-sunod
sa tulong ng pamatnubay na tanong
Paunang Pagtataya
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng kami, sila tayo
o kayo.
DRAFT
April 10,2014
Sina Tinoy, Miguel, Lito, Nonong, at ako ay pupunta sa ilog.
____ay tutulong sa pag- aalis ng mga basura.
“_____ ba ni Tinoy ang magdadala ng kalaykay?” ang sabi ni Miguel
kay Lito.
“Oo magdadala ____ ng kalaykay,” tugon ni Lito.
“____nang tumulong sa ating kabarangay na maglinis ng ating ilog.
____ ay nauna na sa atin na pumunta doon ,” ang sabi ni Nonong.
“Oo nga, sumunod na tayo sa kanila. Madaling matatapos ang
paglilinis kapag tulong-tulong ____.”
Unang Araw
Layunin
Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang
Paksang-Aralin
Pagsunod sa Panuto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Laro: Kapit-kamay Kaibigan
Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
Sabihin sa mga bata na kailangan nilang mag-unahang makagawa ng
pinakamahabang linya gamit ang mga suot sa katawan at iba pang bagay na
makikita sa loob ng silid-aralan.
122 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Kapag sinabi ng guro ang SIMULAN, ang lahat at magsisimulang gumawa ng
linya. Kapag sinabi ng guro na TIGIL, kailangang huminto na ang bawat
pangkat.
Tapusin ang gawain sa loob ng 8 minuto.
Itanong:
Ano ang naramdaman ninyo habang isinasagawa ang gawain?
Ano ang nagtulak sa inyo upang makabuo ng linya?
Anong kaalaman ang natutuhan ninyo?
2. Paglalahad
Ipakita ang ilang babala (traffic signs) na makikita sa kalsada.
Ano ang gagawin mo kapag nakita ito?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipagawa sa mga bata ang sumusunod. Bigyan ng oras sa pagsasagawa nito.
(Ito ay nakadepende sa kakayahan ng iyong mag-aaral)
1. Hatiin ang isang papel sa apat na bahagi. Lagyan ng guhit ang bawat tupi.
2. Isulat ang bilang isa hanggangg apat sa bawat kahon.
3. Iguhit sa unang kahon ang ginagawa ng inyong pamilya tuwing araw ng
Sabado.
4. Isulat sa ikalawang kahon ang pangalan ng bawat kasapi ng pamilya.
Guhitan ang pangalan ni Bunso.
5. Sa ikatlong kahon, iguhit ang mga ginagawa ninyong magkakaklase nang
tulong-tulong sa paaralan.
6. Sa ikaapat na kahon, isulat ang iyong pangalan. Bilugan ito.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng bawat bata ang kanilang
natapos sa kaklase. Gamitin ang card ng Isa, Dalawa, Tatlo… na nasa p, 111.
Pagtalakayan ang sagot sa bawat kahon.
4. Pagpapayamang Gawain
Masunurin ka ba?
DRAFT
April 10,2014
Pagsunod
sa Panuto
1
Hindi
ako
nakinig
nang
mabuti
sa
ibinigay
na
panuto
kaya
hindi ko
ito
nagawa.
2
Hindi ko
nasunod
ang mga
panuto.
Lagi kong
tinitingnan
ang
trabaho ng
iba.
3
Nakasunod
ako sa mga
panuto pero
lagi akong
nagtatanong
sa aking
guro o
kaklase ng
gagawin.
4
Nakasunod
ako sa
lahat ng
panuto at
natapos ko
sa takdang
oras.
5
Nakasunod
ako sa
lahat ng
panuto.
Natapos
ko sa
takdang
oras at
nakatulong
pa ako sa
iba kong
kaklase.
Ano ang naging puntos mo?
123 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano ang ibig sabihin nito?
Bakit kaya naging ganito ang iyong puntos?
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Paano mo mababago o mapapanatili ang iyong puntos sa natapos na rubric?
Ipabakat ang isang kamay sa malinis na papel.
Ipagupit ito.
Sa palad ng kamay na ginupit, isulat ang iyong pangako.
Sundan ang format:
Mula ngayon, para makasunod ako sa mga panuto _________.
Ikalawang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang binasang teksto na may tamang pagkakasunod-sunod
(sa tulong ng pamatnubay na tanong)
Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
Paksang-Aralin
Pagsasalaysay Muli ng Nabasang Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Laro : Ikilos Mo at Huhulaan Ko
Maghanda ng isang kahon na kinalalagyan ng mga metacard na may sulat ng
ngalan ng katulong sa pamayanan.
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Ang bawat pangkat ay pipili ng isang kasapi na magsasakilos ng gawain ng
katulong ng pamayanan na bubunutin sa kahong hawak ng guro.
Mag-uunahan ang bawat pangkat sa pagsasabi kung sino sa mga katulong ng
pamayanan ang inilalarawan.
Ang pangkat na may pinakamataas na puntos ang panalo.
Itanong:
Madali ba ninyong natukoy ang tamang sagot?
Sino-sino ang katulong ng pamayanan na pinahulaan?
Ano ang naramdaman ninyo habang naglalaro?
Paano ninyo natukoy ang tamang kasagutan?
2. Paglalahad
Sabihin ang pamagat ng kuwento: “Si Arnold Magpapandesal.”
Bago ipabasa ang kuwento, pagbigayin ng katanungan ang bawat mag-aaral na
nais nilang masagot. Gabayan ang mga bata upang magawa ng tanong.
Halimbawa: Sino-sino ang bumili ng pandesal kay Arnold?
Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p. 64 - 65.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Balikan ang ibinigay na tanong ng mga bata bago basahin ang kuwento.
Pasagutan ito sa mga mag-aaral.
Gawin ang “Itanong Mo, Kuwento Ko.”
DRAFT
April 10,2014
124 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Bago magsimula ang klase,ihanda ang mga tanong sa istrip ng papel.
Idikit ito sa isang malaking filmstrip.
Ano ang unang
ginawa ni
Arnold?
Sino ang una
niyang
pinuntahan?
Ano ang
naging bonus
niya?
Sino-sino ang
iba pa niyang
pinuntahan?
Bakit natigilan
si Arnold?
Ano ang
sumunod na
nangyari?
Paano nagtapos
ang kuwento?
Ano ang
natutuhan sa
kuwento?
Sino ang huli
niyang
pinuntahan?
Ipasuri ang mga pangungusap.
Inilabas ni Aling Celia, ang pinuno ng barangay, ang kaniyang pinunong
alkansiya para idagdag sa pambili ng mga papremyo.
May pitong makukulay na pito na binili para sa mga barangay tanod.
Nakakita si Mark ng lumang pako sa may taniman ng pako.
Itanong:
Ano ang magkatulad na salita sa unang pangungusap? Pangalawang
pangungusap? Pangatlong pangungusap?
Paano sila nagkatulad?
Ano ang ibig sabihin ng unang pinuno? Pangalawang pinuno? Unang pito?
Pangalawang pito? Unang pako? Pangalawang pako?
Pagbigayin ang mga bata ng pares ng salita na magkaiba ang bigkas pero iisa
ang baybay. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 65- 66.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 66.
Gabayan ang mga bata sa paggawa ng album sa loob ng klase.
Magbigay din ng sapat na oras upang matapos ang gawain.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila
Paksang Aralin
Gamit ng Kami, Tayo, Kayo at Sila
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang kami, tayo, kayo,
at sila.
Isulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata.
125 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Ipagawa sa bawat pangkat.
Pangkat 1 – Gumawa ng isang simpleng saranggola.
Pangkat 2 – Magpaguhit sa mga bata ng hugis ng saranggola na nais nila.
Pangkat 3 – Kulayan ang ibibigay na saranggola.
Pangkat 4 – Ipakitang kilos kung paano magpalipad ng saranggola.
Pagpapakita ng pangkat ng natapos na gawain.
Ipabasa “Ang Lihim sa Likod ng Saranggola” sa Alamin Natin, p.67.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang lihim ng saranggola?
Sino-sino ang mga nag-uusap?
Ilarawan ang bawat tauhan sa usapan.
Dapat ba silang pamarisan? Bakit? Bakit hindi?
Ano ang pinag-uusapan nila?
Bakit maganda ang saranggola?
Ipabasang muli ang usapan.
Tutukuyin ang mga salitang may salungguhit.
Itanong:
Sino ang tinutukoy ng kayo? Sila? Kami? Tayo?
Paano at kailan ito ginagamit?
Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata sa pag-uumpisa ng
klase.
Ipasuri sa mga bata kung tama ang pagkakagamit ng kayo, sila, kami, at tayo.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang tanong at gawain sa Linangin Natin, p. 68.
Matapos ang nakalaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang
natapos na gawain.
Bigyang halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang kami? Tayo? Sila? Kayo?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 67 - 68.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagkakapareho at
pagkakaiba batay sa tauhan
Paksang-Aralin
Ang mga Tauhan sa Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Basahan nang malakas ang mga bata ng isang kuwentong hindi pa nila
naririnig.
126 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Maaaring gamitin kung ano ang mayroon ang guro, sa silid-aralan, sa silidaklatan.
Tutukuyin ang mga tauhan ng napakinggang kuwento.
2. Paglalahad
Ipabasang muli “Si Arnold Magpapandesal” at “Ang Lihim sa Likod ng
Saranggola.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ihanda ang organizer para sa pagtalakay ng mga binasang kuwento.
Pagkakaiba
Si Arnold Magpapandesal
Pagkakaiba
Ang Lihim sa Likod ng Saranggola
DRAFT
April 10,2014
Pagkakapareho
Ipatapos ang organizer sa bawat pangkat.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Pag-usapan ang pagkakaiba/pagkakapareho ng dalawang kuwentong binasa.
Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan?Pangatwiranan ang sagot.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, pp. 68 - 69.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, pp. 69 - 70.
Ipasulat sa kanang pakpak ang pamagat at mga tauhan ng isang kuwentong
nabasa. Sa kabila namang pakpak isulat ang pamagat at mga tauhan ng
ikalawang kuwento.
127 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
A. Alin sa mga larawan ang tumutukoy sa mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap?
Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
a.
b.
c.
d.
DRAFT
April 10,2014
e.
1.
2.
3.
4.
5.
f.
g.
h.
Sa tindi ng pagbayo ng bagyong Yolanda maraming puno ang bumagsak.
“Anak kunin mo nga ang paso, maglilipat ako ng mga halaman.”
Masayang naglalaro si Arthur gamit ang kaniyang bagong kapa.
Nanalo sa takbuhan ni Paul dahil siya ay nakapaa.
Nakiisa sa panawagan ng pangulo ang masa.
B. Punan ng kami, tayo, kayo, o sila upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
6. Balak ng pamilya Zuñiga na magbakasyon sa Romblon. ____ nais ninyo bang
sumama?
7. “Gusto namin, kaya lang pupunta ______ bukas sa Maynila.”
8. “Sayang! Mas masaya sana kung sama-sama _____.”
9. “Sa susunod na lang. Tanungin mo sina Amie, balita ko pupunta rin ____ .”
10. “Ganoon ba. Tatawagan ko_____ ngayon. Salamat.”
Basahin nang mabuti ang bawat panuto simula bilang 11hanggang 20. Gawin kung
ano ang hinihingi nito.
11. Gamitin ang likurang bahagi ng sagutang papel sa pagsagot.
12. Sabihin ang: “Magandang umaga.”
13. Lagyan ng tsek (/) ang kanang bahagi ng sagutang papel.
14. Lumundag ng tatlong beses habang sumisigaw ng Yehey!
128 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
15. Kantahin ang “Lupang Hinirang” nang may pagmamalaki.
16. Gumuhit ng tatlong bituin.
17. Tingnan kung nagawa na ng mga kasapi sa pangkat ang ika-11 hanggang ika16 na panuto.
18. Sabihin sa katabi na “Kaya mo iyan!”
19. Isulat ang: “Mabuhay! Tunay na henyo ka.”
20. Matapos mong mabasa ang lahat ng ito, isulat ang iyong pangalan sa kahit
saang bahagi ng sagutang papel.
Aralin 18
Damdamin, Igalang Natin
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento
Gramatika
Nagagamit ang panghalip na kami, tayo, at kayo sa usapan at sitwasyon
Kamalayang Ponolohiya
Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig
Palabigkasan at Pagkilala sa mga Salita
Nababasa ang mga salitang may klaster
Pag-unlad ng Talasalitaan
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na salita
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang hiram
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang dayagram
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Basahin ang kuwento na nakasulat sa isang malinis na papel. (Siguraduhing
malaki ang pagkakasulat ng mga salita upang mabasa ito ng lahat).
Ipasipi ang mga salitang may klaster. Ipasulat ang sagot sa sagutang papel.
Tumbang Preso
Dolorosa S. de Castro
“Cleto! Cleto! Cleto! Maglaro na tayo,” wika ni Trining.
“Sandali lang magpapaalam lamang ako kay Nanay,” sagot ni Cleto sa
mga kalaro.
“Nanay, makikipaglaro lamang ako kina Trining, ” paalam niya sa Ina.
“Sige pero huwag kang magtatagal, kakain na tayo ng hapunan,” bilin ng
Ina.
“Ano ba ang lalaruin natin?” tanong ni Cleto sa mga kaibigan.
129 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
“Ano pa? E di tumbang preso,” sagot ni Brille.
“Uy! Masaya yan.Ako na lamang ang taya,” wika ni Cleto.
“Pung!”
Natamaan ni Brille ang lata. Sabay takbo. Maliksing naitayo ni Cleto
ang lata at mabilis na nahabol si Brille.
“Taya!” hinahapo-hapong sabi ni Cleto.
“Pung!”
Natamaan ni Cleto ang lata.
“Pung!”
Natamaan ni Trining ang lata. Habol dito habol doon ang ginawa ni
Brille subalit talagang maliliksi ang kaniyang mga kaibigan.
Matapos ang isang oras, kahit gustong-gusto pa niyang maglaro,
nagpaalam na si Cleto sa mga kaibigan sabay sabing, “Bukas uli ha?”
Ipabasa sa mga bata ang kuwento.
Tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang naitala.
Isulat sa pisara ang mga salita.
Tama ba ang sagot ng bawat isa?
DRAFT
April 10,2014
Unang Araw
Layunin
Nasasagot sa mga tiyak na tanong sa kuwento
Naibibigay ang mensahe ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Mensahe ng Napakinggang Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Ipakuha ang water color ng bata.
Ano ang magiging kulay kapag pinagsama ang
Pula at asul (lila)
Pula at dilaw (kahel)
Berde at asul (blue green)
Pula at berde (brown)
Asul at dilaw (berde)
Tingnan kung nakukuha ng mga bata ang tamang kulay.
2. Paglalahad
Ipapikit ang mga mata ng mga bata.
Sabihing pumasok sa isang kuwarto na ang mga bagay ay walang kulay.
Gusto mo ba dito? Bakit ?
Basahin nang malakas ang kuwento sa mga bata.
May Magic ang Basahan
Angelika D. Jabines
Matagal nang hindi bumibisita sina Nando sa bahay nina Lola Maring.
(Itanong: Bakit kaya walang bumibisita sa bahay nina Lola Maring? )
130 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Bukod sa nag-aaral kasi silang magkakapatid ay malayo ang probinsiya ni Lola
Maring.
Ngunit, isang araw ng bakasyon, dinala ni Nanay Rosa si Nando sa bahay
nina Lola Maring . (Itanong: Bakit kaya siya rinala dito? )
Siyempre excited si Nando. Tiyak masasarap ang pagkain at higit sa lahat
makapaglalaro siya buong maghapon.
Pagpasok niya ng pintuan ng bahay ni Lola Maring biglang nalungkot si
Nando.
(Itanong: Bakit kaya siya nalungkot?)
Saan man siya tumingin, sa kanan , sa kaliwa, sa itaas, sa ibaba, kahit saan.
Kahit aling bagay ay walang kulay. Nakakalungkot talaga. (Itanong: Bakit
kaya walang kulay?
Napaupo na lamang siya sa isang sulok. At sa sobrang lungkot hindi niya
napansin na tumulo na pala ang kaniyang luha.
Dali-dali niyang pinunasan ang patak ng kaniyang luha dahil sa takot na
makita ito ng kaniyang Nanay.
Pero laking gulat niya! (Itanong: Bakit siya nagulat?)
May lumabas na kulay sa pagpunas niya ng ibabaw ng mesa. (Itanong: Ano
kaya ang sumunod niyang ginawa?)
Dali-dali siyang naghanap ng basahan, tubig at sabon. (Itanong: Ano ang
gagawin niya?)
Punas dito, punas doon, punas kahit saan.
Salamat nagkaroon na rin ng kulay ang kaniyang paligid.
Tiyak magiging masaya na rin ang kaniyang pagbabakasyon.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
Saan naganap ang kuwento?
Sino-sino ang tauhan?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Ano ang nangyari sa unang araw ni Nando sa bahay ni Lola Maring?
Gusto mo bang magbakasyon sa bahay ni Lola Maring? Bakit?
Anong katangian ni Nando ang ipinakita sa kuwento?
Kung ikaw si Nando, magpupunas ka rin ba ng mga gamit sa bahay?
Ano kaya ang naramdaman ng lola at ng Nanay at ni Lola Maring?
Talakayin sa klase ang tungkol sa kuwentong narinig.
Bakit malungkot si Nando?
Ano ang katangian ni Nando na dapat nating taglayin?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipaguhit sa mga bata ang isang bahagi ng bahay na paborito niya.
Pakulayan ito.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit
at ipaliwanag kung bakit ito ang kanilang iginuhit.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
DRAFT
April 10,2014
131 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
6. Karagdagang Pagsasanay
Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano ka magiging malinis sa bahay.
Ipabasa sa ilang bata ang naisulat na pangungusap.
Bigyang-puna ang mga pangungusap. Ibalik ito sa mga bata upang muli nilang
maisulat nang isinasaalang-alang ang mga punang ibinigay.
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong nabasa
Nababasa ang mga salitang may klaster
Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita
Paksang-Aralin
Mga Salitang may Klaster
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Nagkaroon na ba kayo ng plano na hindi natuloy?
Ano ang nangyari at hindi ito natuloy?
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng karanasan.
2. Paglalahad
Sabihin ang pamagat ng kuwento, “Muntik nang Hindi Matuloy.”
Pag-usapan ang pamagat ng kuwento.
Bakit kaya muntik nang hindi matuloy ang kuwento?
Isulat ang hula ng mga bata gamit ang prediction chart.
DRAFT
April 10,2014
Hula Ko
Tunay na Nangyari
Ipabasa ang kuwento na nasa Alamin Natin, p. 70 – 72.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Balikan ang mga hula na ibinigay bago basahin ang kuwento.
Tama ba ang mga ito?
Ano-ano ang tunay na nangyari sa kuwento?
Isulat ang mga sagot sa tamang kolum.
Ano-ano ang salitang hindi naunawaan sa binasang kuwento?
Isulat ang mga ito sa pisara sa paraang:
Salitang Hindi
Salitang
Salitang
Maunawaan
Kasingkahulugan
Kasalungat
132 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Basahin ang mga salitang hindi maunawaan.
Linangin ang bawat salita sa talaan.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang ito? Kasalungat?
Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.
Ipabasang muli ang kuwento.
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sumusunod.
(Bigyan ang bawat pangkat na mabubuo ng isang gawain.)
Gawain I
Ibigay ang hinihingi.
Sino?
Kailan? Pamagat Saan?
ng
Kuwento
DRAFT
April 10,2014
Ano?
Bakit?
Bituin ng Kuwento
Gawain 2
Gumawa ng puppet para sa bawat kasapi ng mag-anak sa kuwento.
Gamitin ang carboard, yarn, plastic na baso.
Isulat sa baso ang pangalan ng bawat miyembro ng pamilya.
(Inaasahang Produkto ng Pangkat)
133 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Gawain 3
Gumawa ng name tag para sa bawat ngalan ng mga larawan na nasa kuwento.
(Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan matapos ang inilaang oras para sa
dalawang gawain. )
Itanong:
Ano-ano ang bahagi ng kuwentong binasa?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.)
Tungkol saan ang kuwento?
Bakit nalungkot ang mga bata?
Paano napawi ang kanilang lungkot?
Saan sila nagpunta matapos magawa ang dyip nila?
Ano-anong katangian ang ipinakita ng bawat tauhan sa kuwento?
Dapat ba silang tularan? Paano?
Sino-sino ang bumubuo sa mag-anak sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.)
Ano-ano ang ngalan ng mga larawan na nasa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.)
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang isinulat sa Gawain 2 at 3.
Ano ang napansin sa mga salita?
Halimbawa:
Troy
Ipabasa ang salita.
Ipapantig ang salita. Ilang pantig ang bumubuo dito?
Itanong: Ano-anong letra ang bumubuo sa salita?
Alin-alin ang katinig? Patinig?
Pansinin ang unang pares ng letra sa simula ng ngalan.
Anong uri ng letra ang mga ito?
Ano ang tunog ng t? R?
Ano ang nangyari sa tunog ng dalawang letra nang pagsamahin sila sa isang
pantig?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
(Gawin ang proseso sa iba pang salita mula sa talaan. )
Kapag natapos na ang halos lahat ng salita, ipabasa muli ang mga salita.
4. Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang mga gawain sa Linangin Natin, p. 72.
5. Paglalahat
Ano ang salitang may klaster?
Ang klaster ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang
pantig.
Kailan nagiging magkasingkahulugan/magkasalungat ang mga salita?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipahanap at ipasipi ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon na makikita
sa Pagyamanin Natin, p. 73. (plantsa, trak, klinika)
DRAFT
April 10,2014
134 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila sa usapan at sitwasyon
Paksang-Aralin
Gamit ng Kami, Tayo, Kayo, at Sila
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pasagutan sa mga bata.
Isulat ang kami, tayo, kayo at sila sa angkop na pangungusap.
Ako at ang aking mga kaibigan ay pupunta sa plasa. ____ ay
maglalaro doon.
Si Kuya Eddie at Tatay Rogel ay nasa likod bahay. ____ ay
gumagawa ng saranggola.
“ Tara na sa ilog at maligo _____ roon,” ang sabi ni Malou sa
kaniyang mga kaibigan.
“_____ na lang ang magpunta sa palengke. Hindi na ako sasama,” ang
wika ni Kathy sa Nanay at kapatid niya.
Ipabasa ang mga pangungusap.
Pasagutan ito nang pabigkas at isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Paglalahad
Balik-aralan ang mga pangyayari sa kuwentong “Muntik nang Hindi
Matuloy.”
Ipakita ang pinalaking mga larawan mula sa kuwento.
Tutukuyin ng mga bata ang pangyayari/mga pangyayari sa kuwento na may
kinalaman sa larawan.
Ipabasa ang mga pangungusap sa Alamin Natin, p. 74.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Sino ang nagsabi ng unang pangungusap? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?
Kanino kaya sinabi ang unang pangungusap? Pangalawa? Pangatlo? Pangapat?
Ipabasa ang mga salitang may salungguhit.
Sino ang tinutukoy ng kayo? Tayo? Kami? Sila?
Kailan ginagamit ang kayo? Tayo? Kami? Sila?
Balikan ang mga pangungusap sa paunang pagtataya.
Ipabasang muli ang mga ito.
Sabihin kung tama o mali ang pagkakagamit ng kayo, tayo, sila at kami.
Pagpapayamang Gawain
Papunan ng kami, tayo, kayo at sila ang usapan sa Linangin Natin, p. 75. Paglalahat
Kailan ginagamit ang kami? Tayo? Sila? Kayo?
Ang kami ay pamalit sa ako at mga kasama.
Ang kayo ay pamalit sa ikaw at mga kasama.
Ang tayo ay pamalit sa akin at mga kasama.
DRAFT
April 10,2014
2.
3.
4.
5.
135 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ang sila ay pamalit sa siya at mga kasama.
6. Karagdagang Pagsasanay
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Ipagawa ang panuto sa Pagyamanin Natin p. 75.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang mga salitang hiram
Nagagamit ang kaalaman sa pagbabaybay upang maisulat ang salita nang wasto
Paksang-Aralin
Pagsulat at Pagbabaybay ng mga Salitang Hiram
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Ilagay ito sa tsart.
Ipagawa : Unahan Tayo!
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Pabilugan ang may tamang baybay.
(Sabihin sa mga bata na ito ay gagawin sa pamamagitan ng paligsahan.)
Miercoles
Mierkoles
Miyerkules
Miyercules
atencion
attensyon
atension
atensyon
Viernes
Viernez
Biyernes
Biernes
merienda
miryenda
miryinda
meryenda
zapatos
sapatoz
sapatos
zapatoz
Pagpapakita ng bawat pangkat ng kanilang mga sagot.
(Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang panalo)
Ipabasa ang mga salitang tama ang pagkakabaybay.
2. Paglalahad
Ipagawa ang Alamin Natin, p. 76.
Ipabasa ang mga salitang nasa roleta. (Maaaring dagdagan pa ng ilan pang
salitang hiram.)
DRAFT
April 10,2014
Linangin ang bawat salita sa roleta sa pamamagitan ng pagkuha sa mga dating
kaalaman/karanasan ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tumawag ng bata upang magpaikot ng roleta.
Ipabasa ang tinapatang salita.
Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
Isulat ang mga pangungusap sa pisara.
136 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipabasa ang mga pangungusap.
Itanong:
Ano ang napansin sa mga salita sa roleta?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Paano ito binaybay?
Alin-alin ang mabuti sa ating katawan?
Alin-alin ang hindi? Pangatwiranan ang sagot.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 75.
Basahin sa mga bata nang malakas.
Sosorpresahin namin si Lola Susan. Birthday niya kaya’t ibinili namin
siya ng cake. Pagdating naming doon, sa may gate pa lamang , dinig na namin
ang lakas ng tugtog ng kaniyang radyo. Maraming pagkain sa mesa. At sa
gitna nito ay may lechon pa. Kami at hindi si Lola ang nasorpresa.
Ipasulat sa pisara ang mga salitang hiram na napakinggan.
Tingnan kung tama ang kanilang pagkakabaybay. Kung mali, tulungan ang
bata na makuha ang tamang pagkakabaybay sa pamamagitan ng dahan-dahang
pag-uulit ng mga salita.
5. Paglalahat
Paano binabaybay ang mga salitang hiram?
Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng salitang hiram.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipakuha ang gamit ng mga bata sa Art.
Ipabasa ang Pagyamanin Natin, p. 75.
Pagawain ang bawat isa ng Picture Dictionary ng mga Salitang Hiram.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
A. Punan ang patlang ng kayo, tayo, sila at kami.
1. “Ikaw, si Myrna at si Janet ay dapat pumunta sa silid-aklatan.
Magsaliksik ___ doon ng tungkol sa Rehiyon II.”
2. Sina Iking, Erik at Fermin ay pumunta sa gym.
____ ay mag-eensayo para sa darating na liga ng basketball.
3. Sina Ramon at Honesto ay dadalo sa pansangay na pagsasanay sa
paggawa ng diyaryo sa Filipino samantalang ______ naman ay Ingles.
137 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
B. Bumuo ng 5 salitang may klaster sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng
mga pantig na nasa loob ng kahon.
tra
ma
pa
yek
so
ra
dya
di
ko
to
to
ka
pro
ket
gu
le
ba
re
gro
ba
ma
la
ho
ma
kli
C. Babasahin ng guro ang talata nang malakas sa mga mag-aaral. Ipaguhit ang
mensahe ng kuwentong narinig. Tasahin ito gamit ang nakalakip na
pamantayan.
DRAFT
April 10,2014
Madilim-dilim pa ay pumapadyak na si Mang Allan. Pag-uwi niya sa
bahay, masayang naghihintay ang kaniyang mga anak at asawa upang
pagsaluhan ang masarap na hapunang inihanda ni Aling Jenny, ang kaniyang
maybahay .
138 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 19
Magkuwentuhan Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang teksto
Wikang Binibigkas
Naiuulat nang pasalita ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan
Gramatika
Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa pangngalang nito, niyan, noon,
at niyon
Kamalayang Ponolohiya
Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento
Komposisyon
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan sa
kapaligiran
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
A. Piliin ang ang angkop na panghalip sa mga may salungguhit na salita sa bawat
pangungusap.
1. Mag-ingat ka sa paggamit ng kutsilyo baka ka masugatan. (nito, niyan,
niyon).
2. Edna, ‘ buti may pantasa ka. Puwede bang makahiram (nito, niyan, niyon)?
B. Palitan o dagdagan ang unahan o hulihang pantig ng salitang may salungguhit
upang makabuo ng bagong salita
3. Anong salita ang mabubuo kapag idagdag mo ang pantig na /ma/ sa
unahan ng salitang laki?
4. Anong bagong salita ang mabubuo kapag idadagdag mo sa hulihan ng
salitang tala ang pantig na /ba/?
C. Isulat ang wakas.
5. Naglalakad pauwi ng bahay si Galileo. Biglang bumuhos ang malakas na
ulan.
Unang Araw
Layunin
Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pagtukoy sa Mensahe ng Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magparinig ng ilang tunog mula sa mekanikal na bagay/sasakyan/kalikasan.
Halimbawa : sirena ng ambulansiya, kulog, tunog ng alarm clock
Itanong: Ano ang mensahe ng bawat tunog na napakinggan?
139 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Magpakita ng isang trumpo. (Maaaring tunay na bagay o larawan ang gamitin.)
Itanong ang nalalaman ng mga bata tungkol dito.
Tumawag ng bata upang ipakita kung paano ito laruin.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas.
Araw ng Sabado. Walang pasok sa eskuwela. Matapos tumulong sa mga
gawain sa bahay, nagpaalam si Roy sa kaniyang Nanay upang pumunta sa
bahay nina Rogel. (Itanong : Pinayagan kaya siya? Alamin ang hula ng mga
bata.)
(Magpatuloy ng pagbasa.)
Pagdating sa bahay nina Rogel, agad nitong ipinakita ang bago niyang
laruan. Isang makintab na trumpo. Pasalubong ito ng kaniyang Ate. (Itanong:
Bakit kaya siya pinasalubungan?)
(Magpatuloy ng pagbasa.)
Tinuruan ni Rogel ang kaniyang kaibigan kung paano ito laruin. Hindi
naman ito mahirap matutuhan kaya masaya silang naglaro nito.
Nakakaaliw ang pag-iiba-iba ng mga kulay nito. Ang sarap pagmasdan
ang bilis ng pag-ikot nito!Nakakakaba kung gaano katagal ito iikot. Hanggang
sa nakalimot ang dalawa sa oras.
Amoy nasusunog! Ano kaya iyon? (Itanong: Ano kaya ang nasusunog?)
(Magpatuloy ng pagbasa.)
Biglang, “Naku, ang sinaing. Nakalimutan ko.” (Itanong: Ano kaya ang
ginawa ng magkaibigan?)
(Magpatuloy ng pagbasa.)
Dali-daling pumunta ang magkaibigan sa kusina upang tingnan ang
sinaing. Siya namang pagdating ng Kuya galing sa palengke. (Itanong: Ano
kaya ang sumunod na nangyari?)
4. Pagpapayamang Gawain
Ano ang aral ng kuwento?
Ipaguhit ang sagot sa mga bata.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang natapos nilang
gawain. Gamitin muli ang Card ng Pakikipagtalasan sa p. 111.
Ano ang dapat tandaan kung may ipinagbilin sa atin ang ibang tao?
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Itanong: Kung ikaw si Rogel, ano ang gagawin mo sa kuwento?
Ipaguhit ang sagot sa tanong.
Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk.
Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata.
DRAFT
April 10,2014
140 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Naiuulat nang pasalita ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan sa
kapaligiran
Paksang-Aralin
Ulat sa Pangyayaring Nasaksihan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpakita ng larawan ng namumulot ng basura.
Pag-usapan ito. Hayaang makagawa ang mga bata ng kuwento tungkol dito.
2. Paglalahad
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Kung hindi basura, ano kaya ang napulot sa kuwento?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
Ipabasa ang kuwentong “Hindi Basura” sa Alamin Natin, p.77.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Balikan ang hula ng mga bata..
Itanong: Tama ba ang hula ninyo?
Ano ang pinupulot ng bata?
Bakit siya namumulot ng basura?
Ipakita sa mga bata ang Story Pyramid na ginawa (ng guro) bago pa man
magsimula ang klase.
Ano-ano ang nangyari sa kuwento?
Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong
Pangyayari
Ikalawang
Pangyayari
Unang pangyayari
Ipabasa ang mga naisulat sa pyramid.
Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 77.
141 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Papiliin ang mga bata ng isang napakinggang pag-uulat na naibigan nila.
Isulat ito sa pisara sa tulong ng mga bata.
Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap tungkol sa mga
pangyayari sa napakinggan nilang pag-uulat. Gabayan ang mga bata upang
maibigay ang mga ito nang may wasto at tamang pagkakasunod-sunod.
Matapos ang gawain, ipabasa ang natapos na pag-uulat.
Paano ito isinulat?
Ano-ano ang bantas na ginamit?
Paano ito sinimulan?
Paano isinulat ang mga pangngalan? Lugar? Pangyayari? Bagay?
Paano sinimulan at tinapos ang mga pangungusap?
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 78.
Bigyang-puna ang natapos na sulatin ng mga bata.
Ibalik ito sa kanila upang muling maisulat na isinasaalang-alang ang mga
puna na ibinigay.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang nito, niyan, at niyon
Napapalitan o nadadagdagan ng tunog/pantig upang makabuo ng bagong salita
Paksang-Aralin
Gamit ng Nito, Niyan at Niyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng isang pangungusap gamit ang nito,
niyan at niyon.
isulat ang mga ito sa pisara.
Ipabasa sa mga bata.
2. Paglalahad
Nakatikim ka na ba ng buko pie?
Ano ang lasa nito? Ipalarawan ang lasa nito sa malikhaing paraan.
Ipalabas ang clay ng mga bata, at ipagawa ang kanilang sariling buko pie.
Ipakita ang ginawa ng bawat isa at magbanggit ng isang pangungusap upang
maibenta ito.
Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 78.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Sino-sino ang nag-uusap?
Ano ang pinag-uusapan nila?
Paano inilarawan ang buko pie?
Ano ang sikreto sa lasa ng buko pie?
Ipabasa muli ang usapan. Tumawag ng bata na gaganap at babasa ng sinabi
ni Ren, Cindy at Aling Tess.
142 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipabasa nang malakas ang mga pangungusap na ginamitan ng
nito/niyan/niyon.
Ano ang tinutukoy ng nito? Niyan?Niyon?
Kailan ginamit ang nito? Niyan? Niyon?
Balikan muli ang mga pangungusap na ibinigay sa pagsisimula ng klase.
Ipabasa ang mga ito.
Tama ba ang pagkakagamit ng nito? Niyan? Niyon?
Paano maitatama ang maling gamit?
Ipabasang muli ang mga pangungusap.
Ipabasang muli ang usapan.
Ipabasa ang mga salita mula sa usapan.
bata
lasa
Ilang pantig mayroon sa salitang bata?
Ano-ano ang pantig na bumubuo dito?
Papalitan ang unang pantig ng salitang bata. Ano ang nabuo mong salita?
Itala ang mga salitang ibibigay ng mga bata.
Papalitan naman ang huling pantig ng salitang bata. Ano ang nabuo mong
salita?
Itala ang mga salitang ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga salitang nabuo.
Gawin ang prosesong natapos sa salitang lasa.
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang Linangin Natin, p. 78.
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang kanilang nabuo.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon?
Ginagamit ang panghalip na nito kung malapit sa nagsasalita ang pinaguusapan.
Ginagamit ang panghalip na niyan kung malapit sa kinakausap ang pinaguusapan.
Ginagamit ang panghalip na niyon kung malayo sa nag-uusap ang pinaguusapan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 78
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento
Paksang-Aralin
Wastong Wakas ng Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano kaya ang sumunod na nangyari matapos ang usapan nina Cindy?
Paano mo nasabi?
143 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng isang balete.
Idikit ito sa isang malaking papel.
Sabihin sa mga bata na kumuha ng isang kulay ng krayola. Gamitin ito sa
pagsulat ng kanilang kaalaman sa puno ng balete.
Basahin ang mga isinulat ng mga bata. Kung may makitang kakaibang
kaalaman, tanungin ang bata ng dahilan ng kanilang pagkakasulat ng salita.
Sabihin ang pamagat ng kuwentong “Sinong Takot sa Punong Balete?”
Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p. 79-80.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Bakit ayaw magbakasyon sa bahay ni Lola?
Bakit pinakakinnatatakutan ang puno ng balete?
Paano inilarawan ang balete?
Tumawag ng ilang bata upang iguhit sa pisara ang dahilan ng pagkatakot sa
puno ng balete?
Ano ang sorpresa ng kaniyang lola?
Ano-ano ang damdamin sa kuwento?
Bakit nagbago ang damdamin ng bata sa kuwento?
Ano kaya ang naging wakas ng kuwento?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 80.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 80-81.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Bigyan ng ilang minuto upang makalabas ng silid-aralan ang mga bata.
Hayaan silang magmasid sa kaniyang kapaligiran. Gabayan ang mga bata kung
saan sila pupunta. (Huwag iiwan ang mga bata.)
Matapos ang inilaang oras, pabalikin na ang mga bata sa kanilang sariling
upuan.
Paghandain ang mga bata ng isang maikling pag-uulat tungkol sa isang
pangyayaring kanilang naobserbahan sa labas.
Pag-uulat ng bawat bata.
Pamantayan sa Pagsasagawa
4
3
2
1
Pagiging
HandangKailangan pa
Medyo handa Walang
Handa
handa sa pag- ng ensayo
sa pag-uulat
kahandaan sa
uulat na
upang maging ngunit hindi
pag-uulat.
ginawa. Nag- maganda ang
nag-ensayo.
ensayo nang
pag-uulat.
mabuti
144 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Talasalitaan Gumamit ng
mga salitang
angkop at
nauunawaan
ng mga
tagapakinig.
Nakatutok
sa Paksa
100% na nasa
paksa.
Nilalaman
Nagpakita ng
lubos na pagunawa sa
paksa.
Gumamit ng
mga salitang
angkop sa
mga
tagapakinig
ngunit may isa
hanggang
dalawang
salita na hindi
nauunawaan
ng
tagapakinig.
99-90% na
nasa paksa.
Gumamit ng
mga salitang
angkop ngunit
may tatlo
hanggang
limang salita
na hindi
nauunawaan
ng
tagapakinig.
Gumamit ng
mahigit sa
limang salita
na hindi
nauunawaan
ng mga
tagapakinig.
89%-75% na
nasa paksa.
Walang
kaugnayan sa
paksa ang
iniulat.
Nagpakita ng
pag-unawa sa
paksa.
Nagpakita ng
napakaliit na
pag-unawa sa
paksa.
Hindi
nauunawaan
ang paksa.
DRAFT
April 10,2014
Aralin 20
Magmahalan Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang nito/niyan/niyon
Kamalayang Ponolohiya
Napapalitan at nadadagdagan ang mga pantig upang makabuo ng bagong salita
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
Pag-unawa sa Binasa
Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang graph
145 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paunang Pagtataya
Punan ng nito, niyan, at niyon ang bawat pangungusap.
Corazon
:
Lily
:
Corazon
:
Lily, mayroon ka na rin bang kopya _____ng
kuwentong gagamitin natin sa dula-dulaan sa
Huwebes?
Naku, wala pa nga. Sige, pahingi _______.
Salamat.
Walang anuman, sa uulitin.
Ipabasang muli ang mga pangungusap.
Tama kaya ang pagkakagamit ng nito/niyan/niyon?
Unang Araw
Layunin
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Katumbas na Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng mga batang tumutulong sa kanilang pamayanan.
Pag-usapan ang larawan.
Itanong: Paano maipapakita ang pagmamahal sa sariling pamayanan?
Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa papel na hugis puso.
Ibahagi ang sagot sa mga kaklase.
2. Paglalahad
Ikuwento sa mga bata ang kuwentong nasa baba.
Gamitin ang CABLA- Kuwento. Sa paraang ito, isasakilos ng mga bata ang
mga maririnig nilang salitang kilos.
Ganito Kami sa Pamayanan
Sampung magkakaibigan (bigyan ng hudyat ang mga bata na
magpangkat ng may tig-sampung miyembro) ang nag-usap-usap kung paano
nila maipakikita ang kanilang pagmamahal sa kanilang pamayanan. Ang iba sa
kanila ay nagwawalis ng bakuran. Ang iba naman ay namumulot ng basura sa
tabing kalsada. Ang iba naman ay nagsabi na dapat rin pagbukod-bukurin ang
mga basura. Mayroon din namang nagsabi na ilalagay na lang muna nila ang
kanilang balat ng kendi sa kanilang bulsa kung walang makitang basura.
Ganito sila sa kanilang pamayanan. Sa inyo ganito rin ba?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang pinag-usapan ng magkakaibigan?
Ano-ano ang ginawa ng magkakaibigan upang maipakita ang pagmamahal sa
kanilang pamayanan?
Tama ba ang ginawa nila?
Dapat ba silang tularan?
DRAFT
April 10,2014
146 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano ang iniwang katanungan sa atin?
Pasagutan ito sa mga bata.
Hayaang ibahagi ng mga bata ang ginagawa rin nilang pagtulong sa kanilang
pamayanan.
Kung hindi mo ba ito ginagawa, ibig bang sabihin ay hindi mo mahal ang
iyong pamayanan?
4. Pagpapayamang Gawain
Hayaang iguhit ng mga bata ang mga kaya pa nilang gawin upang maipakita
ang pagmamahal sa pamayanan.
Ipabahagi ang iginuhit sa mga kaklase. Hayaang ikuwento nila sa tatlo
hanggang limang pangungusap ang nilalaman ng kanilang iginuhit.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Hayaang humanap ang bawat pangkat ng mga larawan sa lumang diyaryo o
magasin na nagpapakita ng pagmamahal sa pamayanan. Gawin itong collage.
Ipakita ang ginawa ng pangkat at hayaang ikuwento ng bata ang nasa larawan.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Napapalitan at nadadagdagan ang mga pantig upang makabuo ng bagong salita
Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas
Paksang-Aralin
Pagbubuo ng Bagong Salita
Salitang Iisa ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Bigkas
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipabuo ang puzzle na ibibigay.
Matapos ang ilang minuto, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang nabuong
puzzle. Ipasulat ang ngalan ng nabuong larawan.
147 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
Ipabasa ang ngalan ng bawat larawan.
Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga binasang salita?
Paglalahad
Basahin nang malakas ang tula sa mga bata.
Pasundan ito sa mga bata sa pamamagitan ng pagbasa nang tahimik ng kopya
nito sa Alamin Natin, p 81- 82.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Sino ang mag-ina sa tula?
Ano ang pinagkakakitaan ng mag-anak?
Paano dinala ni Nanay ang kaniyang paninda sa palengke?
Saan nakatira ang mag-anak?
Paano mo nasabi ito?
Ipabasang muli nang malakas ang tula.
Anong kaugalian ang ipinakita sa tula?
Paano mo ito matutularan?
Ipabasang muli ang tula.
Ipabasa at ipatala ang mga salitang naka-bold ang sulat.
Itanong:
Ano ang napansin sa bawat pares ng mga salita?
Ano ang nangyari nang palitan ang pantig ng bawat salita?
Ano ang mabubuo kung papalitan ang unahan/hulihang pantig ng mga salita sa
bawat pares na itinala mula sa tula?
Ipabasa ang pangungusap sa mga bata.
Tila matagal pa ang pagtila ng ulan.
Ano ang napansin sa mga salita sa pangungusap?
May mga salita ba na magkatulad ng baybay?
Ano-ano ito?
Ano ang kahulugan ng unang tila? Pangalawang tila?
Hayaang magbigay ang mga bata ng salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba
ang bigkas na ginamit sa tula.
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 82.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang
natapos na gawain.
Tama ba ang mga salitang isinulat sa banderitas?
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 82-83.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
148 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang nito/niyan/niyon
Paksang-Aralin
Wastong Gamit ng Nito/Niyan/Niyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tingnan ang larawan. Gamitin ang nito, niyan o niyon upang makabuo ng
isang pangungusap na palagay mo ay sinabi ng babae.
DRAFT
April 10,2014
2. Paglalahad
Pagawain ang mga bata ng bangkang papel.
Palagyan ito ng disenyo.
Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang makapaglaro ng paligsahan ng
mga bangkang papel.
Matapos ang paligsahan, ano ang naramdaman mo?
Ipabasa sa mga bata ang usapan sa Alamin Natin, p. 83-84.
3. Pagtalakay at Paglalarawan
Itanong:
Saan nagkakayayaan ang magkakaibigan?
Ano ang ginawa nila?
Ano-ano ang damdamin sa maikling kuwento?
Paano ito ipinakita?
Ano ang katangian ng magkakaibigan?
Dapat ba silang tularan? Bakit?
Ano ang pinagtakhan nila?
Kanino nga kaya ang makulay na bangkang papel?
Basahin ang pangungusap sa unang larawan.
Itanong:
Ano ang itinuturo ng bata?
Saan ito naroon?
Anong salita ang ginamit upang ituro ang kinaroroonan ng tinutukoy na
bagay?
(Gawin ito hanggang sa mapag-usapan ang ikatlong larawan.)
Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon?
149 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayaman ng Gawain
Pagpangkat-pangkatin ang klase.
Ipagawa ang sinasabi sa Linangin Natin p. 82.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 83.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Nabibigyang-kahulugan ang pictograph
Paksang-Aralin
Pagbibigay-Kahulugan sa Pictograph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong: Ano ang mga hilig ninyong laro? Bakit?
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata upang ipaliwanag ang kanilang sagot.
2. Paglalahad
Itanong:
Dapat bang maglaro ang mga bata? Pangatwiranan ang sagot.
Bigyan ng pagkakataon na magbahagi ang mga bata ng kanilang sagot.
Ipabasa ang maikling teksto sa Alamin Natin, p. 84.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Tungkol saan ang binasa?
Ano-ano ang larong nabanggit sa seleksiyon?
Bukod sa mga nabanggit, ano pang ibang laro ang inyong alam?
Itala sa table ang sagot ng mga bata. Itanong kung ilan ang naglalaro ng mga
binanggit na larong Pinoy. Ipaalala na pipili lamang ng isang laro.
Gamit ang mga sagot ng bata, gumawa ng isang graph (maaaring bar graph o
pictograph). Ipaliwanag din ang ilang bahagi ng graph tulad ng pamagat, label
at legend.
Itanong:
Ano-ano ang larong Pinoy na nilalaro ng klase?
Aling laro ang mas gusto ng mga lalaki? Mga babae?
Aling laro ang hindi masyadong gusto ng mga lalaki? Mga babae?
Ilan lahat ang mga bata sa klase?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang Linangin Natin, p. 85
5. Paglalahat
Ano ang pictograph?
Ang pictograph ay isang paraan ng paglalahad ng mahahalagang impormasyon
o tala tungkol sa isang ulat sa pamamagitan ng larawan.
DRAFT
April 10,2014
150 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 86.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Sumulat ng isang pangungusap sa bawat larawan gamit ang nito, niyan, at niyon.
Pumili ng isang pares ng salita na iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at
gamitin sa sariling pangungusap.
DRAFT
April 10,2014
151 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Suriin ang pictograph. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Paaralan
Bilang ng Mag-aaral
Babae
Lalaki
Paaralang
Elementarya ng
Magtalas
Sinukuan ES
Paaralang
Elementarya ng
Pinagpala
Paaralang
Elementarya ng
Itinalaga
DRAFT
April 10,2014
1.
2.
3.
Anong paaralan ang may pinakamataas na bilang ng mag-aaral?
Ano naman ang may pinakamababa?
Sa iyong palagay, may epekto ba ang bilang ng mag-aaral sa husay ng
paaralan? Patunayan ang iyong sagot sa tatlong pangungusap.
152 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3
Ikalawang Markahan
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Kaalaman
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
napakinggang
tula/kuwento
Wikang Binibigkas
2
2
2
Nagagamit ang
magagalang na pananalita
sa angkop na sitwasyon
sa pagpapaliwanag
Gramatika
1
1
1
3
Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan
ng tao
Kamalayang Ponolohiya
1
1
1
4
Natutukoy ang mga
salitang magkakatugma
Napapantig nang
pabigkas ang mga salita
PROSESO/KAKAYAHAN
1
1
1
5
1
1
1
6
Nagagamit ang naunang
kaalaman o karanasan sa
pag-unawa sa
napakinggang teksto
Gramatika
1
1
1
7
Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan
ng tao
Kamalayang Ponolohiya
3
3
3
8-10
Napapalitan at
nadadagdagan ang mga
tunog upang makabuo ng
bagong salita
Pag-unlad ng Talasalitaan
1
1
1
11
Nagagamit ang mga
pahiwatig upang
malaman ang kahulugan
ng mga salita tulad ng
paggamit ng
kasignkahulugan at
kasalungat na mga salita
Napagyayaman ang
talasalitaan sa
pamamagitan ng
paggamit ng
magkasingkahulugan at
magkasalungat na salita
2
2
2
12-13
1
1
1
14
Mga Layunin
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
KAALAMAN
Pag-unawa sa Napakinggan
1-2
DRAFT
April 10,2014
Pag-unawa sa Napakinggan
153 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
1
1
1
15
1
1
1
16
Nagagamit ang
pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa
tao, bagay, at lugar sa
paligid
Kaalaman sa Limbag
2
2
2
17-18
Nahuhulaan ang
nilalaman/paksa ng aklat
sa pamamagitan ng
pagtingin sa mga larawan
Naikukumpara ang mga
kuwento sa pamamagitan
ng pagtatala ng
pagkakapareho at
pagkakaiba
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
19
1
1
1
20
Naiuugnay ang binasa sa
sariling karanasan
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
tekstong binasa
Pagsulat at Pagbabaybay
1
1
1
21
2
2
2
22-23
Nagagamit ang malaki at
maliit na letra, at ang
wastong bantas sa
pagsulat ng salita,
parirala, at pangungusap
Estratehiya sa Pag-aaral
1
1
1
24
Nagagamit ang
pangkalahatang
sanggunian
Nagagamit ang iba’t
ibang bahagi ng aklat sa
pagkalap ng
impormasyon
Komposisyon
1
1
1
25
1
1
1
26
Nasisipi nang wasto ang
parirala at pangungusap
Nakasusulat gamit ang
wastong bantas, malaki at
maliit na letra sa pagsulat
ng pangungusap
1
1
1
27
1
1
1
28
Mga Layunin
Kaalaman
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
Pag-unawa sa Binasa
Nailalarawan ang mga
bahagi ng kuwento
Naisasalaysay muli nang
may wastong
pagkakasunod-sunod ang
napakinggang kuwento sa
pamamagitan ng
pamatnubay na tanong
Pag-unawa
Gramatika
DRAFT
April 10,2014
154 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Mga Layunin
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Kaalaman
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Produkto/
Pagganap
PRODUKTO/PAGGANAP
Kinalalagyan
ng Bilang
29-40
Pag-unawa sa Napakinggan
Naiguguhit o naibibigay
ang mensahe ng
napakinggang teksto
Nakasusunod sa mga
panutong may 2-3
hakbang
Naisasakilos ang tulang
napakinggan
Nakikinig at nakikilahok
sa talakayan ng pangkat o
klase sa pagbibigay ng
pangunahing ideya ng
tulang napakinggan
Wikang Binibigkas
2
2
2
1
1
1
Naisasagawa nang
maayos ang
pagpapakilala ng ibang
tao
Naiuulat nang pasalita
1
ang mga naobserbahang
pangyayari sa pamayanan
Nagagamit ang
1
magagalang na pananalita
sa pagpapaliwanag
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
DRAFT
April 10,2014
1
1
1
1
Nababasa ang mga
salitang may klaster
Pag-unawa sa Binasa
2
2
2
Nakasusunod sa
nakasulat na panuto
Naisasalaysay muli ang
binasang teksto nang may
tamang pagkakasunodsunod sa tulong ng
pamatnubay na tanong
Nakapagbibigay ng
wakas ng binasang
kuwento
Nagbabago ang dating
kaalaman base sa
natuklasang kaalaman at
binasang teksto
Pagsulat at Pagbabaybay
1
1
1
1
1
1
1
1
1
Nababaybay nang wasto
ang mga salitang
natutuhan sa aralin
Estratehiya sa Pag-aaral
2
2
2
40
40
Nabibigyang-kahulugan
ang graph
KABUUAN
6
10
12
12
155 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
FILIPINO 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng napili
mong sagot.
Ang Aming Pamayanan
Dolorosa S. de Castro
Halina’t ating balikan, malinis na kapaligiran.
Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan.
Dito matatagpuan, bayang sinilangan,
Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan.
Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto,
Inhinyero at mga gurong dedikado
Patuloy na sumusuporta at nangangalaga
Makamit lamang kaunlarang ninanasa.
DRAFT
April 10,2014
Di pahuhuli mga kapitalista, mangingisda,
magsasaka at iba pang manggagawa
Ang dito’y makikitang nakikiisa
Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.
1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?
A. Calamba, Laguna
C. Luneta
B. Dapitan, Zamboanga
D. Tanauan
2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod ang
bayang sinisinta?
A. pagsunod
C. pakikiisa
B. pagsuporta
D. pangangalaga
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ng
kaisipan?
A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao?
B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o prinsipyo
ng bawat tao?
C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyo
ng bawat tao?
D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upang
mapanatili ang kapayapaan.
156 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin ay
nangangalaga sa kalikasan.
A. Kami
B. Nila
C. Sila
D. Tayo
5. Sa ikalawang saknong, ano-ano ang salitang magkasintunog?
A. arkitekto- sumusuporta
C. nangangalaga-ninanasa
B. kaminero-inhinyero
D. dedikado-pantrapiko
6. Ilang pantig mayroon ang salitang kapaligiran?
A. apat
B. dalawa
C. lima
D. Tatlo
Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol dito.
Palaruan sa Liwasang-Bayan
Dolorosa S. de Castro
“Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa ating
kabataan kundi sa lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nang
libre. Ang hiling ko lamang sa inyo ay pakaingatan at alagaan ito,” wika ng
Punong-Lungsod ng Agoncillo nang pasinayaan ang bagong liwasang-bayan
sa kanilang lugar.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa at
Angeline sa kanilang narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilang
lugar. Hindi na sila tatambay sa mall na nasa kabilang bayan upang
magpalipas ng oras.
“Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,”
ang kanilang nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at
makakamay sa kaniya.
DRAFT
April 10,2014
7. Bakit nagpasalamat ang magkakaibigan sa Punong Lungsod?
A. may bagong palaruan sa kanilang bayan
B. dumalo ang Punong Lungsod sa okasyon sa kanilang lugar
C. may inilaang pondo ang pamahalaan para sa kabataan
D. namigay siya ng tiket para sa libreng sine sa mall na malapit sa
kanilang lugar
8. Nagpunta ang magkakaibigang Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa
liwasang-bayan. Natuwa ____ sa sinabi ng Punong-Lungsod. Anong
salita ang angkop na ilagay sa patlang?
A. kami
B. sila
C. sina
D. tayo
9. Nanguna ang Punong-Lungsod sa pagpapasinaya ng bagong palaruan.
Nagbigay _____ ng mensahe para sa lahat na ingatan ang palaruang para
sa lahat.
A. kami
B. sila
C. siya
D. tayo
157 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
10. “Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan naming ito.”
Ano ang tinutukoy ng ito sa sinabi ng mga bata kay Mayor?
A. Liwasang-Bayan
C. mall
B. libreng laruan
D. palaruan
11. Kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang libre, ano ang bagong
salitang mabubuo?
A. libri
B. libro
C. libru
D. liblib
12. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan.
Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita.
A. nabalitaan
B. nalaman
C. napanood D. napansin
13. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?
A. alagaan
C. makapaglibang
B. makakamay
D. mapuntahan
14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit
sa paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan
C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan
D. palaruan-liwasan
15. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa
Liwasang Bayan?”
A. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
16. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong
binasa?
1. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
3. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
A. 3-1-4-2
B. 1-2-3-4
C. 3-1-2-4
D. 3-2-4-1
DRAFT
April 10,2014
Basahin upang masagot ang mga tanong tungkol dito.
Ang Nawawalang Patak ng Tubig
Maagang nagising si Lilibeth upang maligo at tulungan ang kaniyang nanay sa
pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Maaga rin ang kaniyang Kuya na tumutulong
sa kanilang ama sa paglalagay ng mga paninda sa lumang jeep na nakaparada sa may
tarangkahan.
Pagpasok ni Lilibeth sa kanilang paliguan, “Tubig! Tubig! Wala na namang
pumapatak sa gripo.” Sabay labas sa kanilang kusina.
Dala ang timba, unti-unti siyang naghakot ng tubig mula sa dram ng tubig na
inipon ng kaniyang nanay nang nagdaang gabi.
“Talaga nga yatang nararamdaman na natin ang epekto ng pagkasira ng ating
kapaligran. Bihira nang umulan kaya nagkukulang na ang tubig. Kailangan na nating
bumili pa ng ilan pang ipunan ng tubig,” ang narinig niyang sabi ng kaniyang Tatay.
158 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
17. Ano ang gagawin ng mag-anak upang hindi maghirap sa kawalan ng tubig sa
gripo? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
18. Sumasang-ayon ka ba sinabi ng Tatay sa kuwento? Suportahan ang iyong
kasagutan.
19. Sumulat ng isang pangungusap na nagsasabi ng epekto ng mga gawain na
ipinapakita ng sumusunod na larawan mula sa isang aklat.
20. Muling balikan ang mga kuwentong binasa sa pagsusulit na ito. Ibigay
ang hinihiling na impormasyon ng talaan na nasa ibaba.
Pamagat
Tauhan
Tagpuan
DRAFT
April 10,2014
21. Ano ang naramdaman mo matapos mong mabasa ang kuwento?
Bigyang-katwiran ang sagot.
22. Bakit naghakot ng tubig si Lilibeth?
23. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa paglutas ng suliranin na
ipinakita sa kuwentong “Ang Nawawalang Patak ng Tubig.”
24. Isulat nang wasto ang pangngusap.
ang pag-abuso sa kalikasan ang nagiging sanhi ng ating kapahamakan
25. Nais mong malaman ang epekto ng climate change. Anong sanggunian
ang gagamitin mo?
26. Hindi maunawaan ni Mark ang salitang climate change. Anong bahagi
ng aklat niya makikita ang kahulugan nito?
27. Sipiin ang pangungusap.
Tumulong si Lilibeth sa kaniyang nanay sap ag-iipon ng tubig sa
kanilang bagong biling dram.
28. Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap
tungkol sa pangangalaga sa ating kalikasan.
159 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Susi ng Pagwawasto
1. A
2. B
3. D
4. C
5. B
6. C
7. A
8. B
9. C
10. D
11. B
12. C
13. A
14. C
15. A
16. D
17. Mag-iipon ng tubig sa dram at magtitipid sa paggamit nito.
18. (depende sa sagot ng mga bata)
19. Ang kalbong kagubatan ay nagdudulot ng baha sa pamayanan.
20.
PAMAGAT
TAUHAN
TAGPUAN
Palaruan
sa
Anton, Jemar,
liwasang bayan
Liwasang
Luisa at
Bayan
Angeline
Nawawalang
Mark, Lilibeth,
sa bahay nina
Patak ng Tubig
Nanay at Tatay
Lilibeth
DRAFT
April 10,2014
21. (depende sa sagot ng mga bata)
22. Walang pumapatak na tubig sa gripo.
23. (depende sa sagot ng mga bata)
24. (depende sa sagot ng mga bata)
25. Encyclopedia
26. Glossary o talahuganan
27. (depende sa sagot ng mga bata)
28. (depende sa sagot ng mga bata)
160 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Gawain sa Pagganap
Layunin
Makapagbigay ng sariling wakas sa binasang kuwento
Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral
Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na nakasulat sa isang
papel. Pag-uusapan ng bawat pangkat ang nais nilang maging wakas ng napakinggang
kuwento. Matapos ang limang minute, maghahanda ang bawat pangkat ng isang duladulaan tungkol sa napagkasunduang wakas ng kuwento.
Kalagayan
Magbibigay ang mga mag-aaral ng sariling wakas sa napakinggang kuwento.
Pagkakasunduan sa pangkat ang isang wakas na napili ng pangkat upang isadula. Ito
ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na rubric.
Bunga
Maikling dula-dulaan ng sariling wakas ng napakinggang kuwento .
Pamantayan sa Pagsasagawa
4 3 2 1
DRAFT
April 10,2014
Malinaw at malakas ang boses.
Nagampanan at naipakita nang maayos ang mga dapat gampanan ng
mga tauhan sa pagtatanghal.
Malinaw na naipakita ang sariling wakas sa napakinggang kuwento.
Nakuha at napanatili ang interes ng mga manonood.
Kamang Puti
Nagmamadaling umuwi si Andrew sa kanilang bahay upang sabihin sa
kaniyang tatay ang isang magandang balita. Hindi niya tuloy napansin ang isang
mabilis at paparating na sasakyan.
Nasa isang puting kuwarto na nang siya ay magising. Nakahiga sa isang
kamang puti at may kumot pang puti sa kaniyang katawan. Kinusot niya ang
kaniyang mga mata at naaninag ang isang babaeng nakaputi rin ng suot.
Kukulbitin na niya ang babaeng nakaputi nang biglang pumasok ang pawisan
at takot na takot niyang tatay.
“Tatay, nasa langit na ba ako?”
“Naku hindi. Naandito ka sa ospital.”
Lumapit ang nars kay Andrew at iniabot ang isang maliit na kahon. Binuksan
niya ito at kinuha ang laman.
“Tatay, para sa iyo ang medalyang ito. Nanalo po ako sa paligsahan sa
pagguhit.”
Hindi napigilan ni Mang Ramon ang kaniyang luha at napayakap siya nang
mahigpit sa kaniyang anak na nakahiga pa rin sa kamang puti.
161 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 21
Kilalanin Natin
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nagagamit ang dating kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto
Gramatika
Nagagamit ang angkop na salita sa pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Kamalayang Ponolohiya
Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nagagamit ang mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa pagbibigay ng
kahulugan ng isang salita
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Pagsulat at Pagbabaybay
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Palakihin ang mga larawan sa ibaba. (Maaari rin namang gumamit ng ibang larawan.)
Ipakita sa mga bata ang mga larawan.
Pagawain ang mga bata ng tanong tungkol sa bawat larawan.
Ipabasa ang ginawang mga tanong sa mga bata.
Isulat ito sa pisara.
Tumawag ng batang sasagot sa mga ibinigay na tanong. Isulat din ang sagot sa tapat ng
bawat tanong.
Unang Araw
Layunin
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto
Nasasagot ang mga tanong ukol sa tekstong napakinggan
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Detalye ng Napakinggang Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipalaro ang “Ang Bangka ay Lumulubog.”
162 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Magbigay ng ilang mga kategorya na magiging batayan ng pagsasama-sama ng mga
bata. Ihuli ang pagsasama-sama ayon sa buwan ng kanilang kaarawan.
2. Paglalahad
Ano ang gusto mo sa susunod mong kaarawan?
Basahin nang malakas sa mga bata. Pasagutan sa mga bata ang tanong matapos ang
bawat linya ng kuwento.
Tatlo… Walo… (Tungkol kaya saan ang kuwento?)
X… X… X… X… X…X… (Para saan ang X?)
Isa, dalawa, tatlo… ( Ano kaya ang binibilang niya?)
Pagkagising sa umaga, unang pupuntahan ni Jenny ang isang kalendaryo na
malapit sa pintuan ng kanilang kuwarto.
Kukunin ang pulang krayola at magsusulat ng isang malaking ekis.
(Bakit niya sinusulatan ng X ang kalendaryo?)
Bibilang ng isa… dalawa… tatlo… (Bakit kaya siya nagbibilang?)
Dumating ang ikatlong araw.
Wala nang susulatan. (Bakit wala nang susulatan?)
Wala nang bibilangin. (Bakit wala nang bibilangin?)
Dali-daling lumabas si Jenny sa kaniyang kuwarto.
Wala si Tatay.
Wala rin si Nanay.
Wala si Ate.
Wala si Kuya. (Nasaan kaya sila?)
Isa.. dalawa… tatlo.. biglang pumatak ang kaniyang mga luha.
Nang biglang, (Ano kaya ang nangyari?)
“Maligayang Kaarawan, Jenny!”
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo. (Alin ang walo?)
Walong kandila ang kaniyang hinipan.
Walong halik.
Walong yakap mula kay Tatay, Nanay, Ate, Kuya, Lola, Lolo, Tiyo at Tiya.
Walong ensaymada na kanilang pinagsaluhan. (Ano ang okasyon?)
Salamat Tatay.
Salamat Nanay.
Salamat Ate.
Salamat Kuya.
Salamat Lola.
Salamat Lolo.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang nangyari bago sumapit ang kaarawan ni Jenny? Sa araw ng kaniyang
kaarawan?
Pangkat-pangkatin ang klase sa dalawa.
Ipagawa sa bawat pangkat ang “Buhay na Larawan.”
Tawagin ang unang pangkat.
Kapag sinabi ng guro na action ang mga bata sa unang pangkat ay magpapakitangkilos ng mga nangyari bago dumating ang kaarawan ni Jenny.
DRAFT
April 10,2014
163 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Kapag sinabi ang cut hihinto ang mga bata at ipi-freeze ang katawan sa kilos na
huling isinagawa.
Itanong : Ano-ano ang nangyari?
Ipagawa naman sa susunod na pangkat ang mga nangyari sa araw ng kaarawan ni
Jenny.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Anong pag-uugali mayroon si Jenny?
Dapat ba siyang tularan? Bakit?
Paano ka magiging Jenny sa bahay? Sa paaralan? Sa pamayanan?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipaguhit sa mga bata ang isang hindi malilimutang pagdiriwang ng kanilang
kaarawan. Ipagawa ito sa isang malinis na papel. Magpasulat ng dalawang
pangungusap tungkol dito.
5. Paglalahat
Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magpaguhit ng isang cake sa mga bata. Lagyan ito ng disenyong nais para sa
susunod na pagdiriwang ng kanilang kaarawan.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma
Nagagamit ang mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa pagbibigay-kahulugan
sa isang salita
Paksang-Aralin
Salitang Magkakatugma
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita
Ihanda ang mga larawan sa ibaba at ipakita sa mga bata.
Tukuyin nila ang ngalan ng bawat isa.
Pagsamahin ang mga larawan na magkakatugma.
Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa bawat larawan.
164 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
(Dagdagan pa ang mga larawan, lalo na kung makikita na marami pang bata ang
may maling kasagutan.)
2. Paglalahad
Ilarawan ang isa sa mga kaibigan mo.
Taglay mo ba ang katangian ng isang Pilipino? Pasagutan ang tseklist na ito.
Lagi
Minsan
Hindi
kailanman
1. Nagpapasalamat ako arawaraw sa Maykapal.
2. Ipinaghahanda ko ng
miryenda ang mga nagiging
panauhin sa aming bahay.
3. Tinutulungan ko ang aking
mga magulang at mga
kapatid sa mga gawain sa
bahay.
DRAFT
April 10,2014
4. Iginagalang ko ang mga
nakatatanda sa akin.
Talakayin ang sagot ng mga bata sa bawat criterion.
3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas ang “ Si Linong Pilipino” sa Alamin Natin, p. 87.
Pasundan ito nang tahimik na pagbasa sa mga bata.
Itanong:
Sino ang inilalarawan sa tula?
Paano siya inilarawan?
Ano-ano ang bilin ng kaniyang mga magulang?
Paano niya pinagmamalaki na siya ay Pilipino?
Ipabasang muli ang tula.
Ano-ano ang katangian ng isang Pilipino?
Itala ang mga sagot ng bata.
Itanong:
Taglay mo ba ang mga katangiang ito?
Paano mo maipagmamalaki na ikaw ay isang Pilipino?
Ipabasang muli nang malakas ang tula.
Basahin ang mga salitang magkakatugma na ginamit sa tula.
Paano sila naging magkatugma?
Ipabasa muli sa mga bata ang mga salitang magkakatugma.
Papiliin ng isang pares ng salita ang mga bata.
Hayaang magbigay sila ng mga salitang katugma ng napili.
Ipa basa
165 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipasuri ang mga pangungusap.
Kayumanggi si Lino. Hindi siya kaputian sa pamilya.
Isa siyang Pilipino. Nakatira siya sa Pilipinas.
Itanong:
Ano-ano ang salitang may salungguhit?
Ano ang ibig sabihin ng kayumanggi? Ng Pilipino?
Saan mo nakuha ang kahulugan ng mga salitang ito?
Ano ang salita o mga salita sa kasunod na pangungusap na nagsasabi ng kahulugan
ng kayumanggi? Pilipino?
Kasalungat ba ito o kasingkahulugan?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p.88.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang sagot.
Talakayin kung tama o mali ang kanilang kasagutan.
5. Paglalahat
Itanong: Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
Magkatugma ang mga salita kung magkapareho ng huling tunog.
6. Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang Pagyamanin Natin, LM p 88.
Magsagawa ng isang gallery walk upang makita ang mga natapos na gawain ng
kaklase.
Pabigyang-puna ang mga natapos na trabaho ng kaklase.
Pag-usapan ang mga salitang nakasulat sa bawat kulay ng bahaghari.
Kung kaya pa ng oras, pag-usapan kung bakit may bahaghari.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayari
Paksang-Aralin
Pagtatanong Tungkol sa Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipabasang muli ang tula sa Alamin Natin sa p. 87.
Hayaang gumawa ang mga bata ng ilang tanong tungkol sa binasa.
Ipabasa at ipasulat sa mga bata ang kanilang ginawang tanong sa pisara.
2. Paglalahad
Itanong:
Sino-sino ang Pilipino?
Ipakita ang ilang larawan ng mga Pilipino. Tukuyin kung sino ang nasa larawan.
(Pangkat-etniko)
Saan sila nakatira?
Ituturo sa mapa kung saan nakatira ang tinukoy na Pilipino.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang talata na “Pilipino Sila” sa Alamin Natin, p. 88.
166 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pangkatin ang klase.
Pasagutan ang sumusunod na tanong:
- Ano ang pangkat-etniko?
- Saan-saan makikita ang pangkat-etniko?
- Sino-sino ang pangkat-etniko?
- Ano-ano ang pagkakatulad nila?
- Ano ang mga pagkakaiba-iba nila?
Pag-uulat ng bawat pangkat sa kanilang sagot sa bawat tanong.
Isulat sa pisara ang sagot sa bawat tanong.
Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga pangkat-etniko?
Dapat ba silang ikahiya? Bakit?
Saang pangkat ka kabilang?
Paano mo ipagmamalaki ang pagiging Pilipino?
Balikan ang mga tanong at sagot sa naunang gawain.
Paano isinusulat ang tanong?
Ano ang tinutukoy ng tanong na ano? Saan? Sino?
Kailan ginagamit ang ano-ano? Sino-sino? Saan-saan?
Ipabasang muli ang mga tanong at sagot na ginawa sa bahaging paglalahad.
Tama ba ang mga sagot sa bawat tanong?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 89.
Ipabasa sa mga bata ang mga tanong na isinulat.
Itanong:
Tama ba ang mga ginawang tanong?
Kung mali, paano natin ito iwawasto?
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ano? Sino? Saan? Kailan?
Ginagamit ang sino kung ang itinatanong ay ngalan ng tao.
Ginagamit ang ano kung ang itinatanong ay bagay, hayop at pangyayari.
Ginagamit ang saan kung ang itinatanong ay lugar.
Ginagamit ang kailan kung ang itinatanong ay panahon.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 89.
Ipabasa ang mga tanong na isinulat. Pag-usapan kung tama ang mga tanong na
ginawa ng mga batang nagbasa ng kanilang isinulat.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata
Paksang-Aralin
Pagsipi ng Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan nila sa “Pilipino
Sila.” Ipasulat ito sa show-me-board.
167 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
4.
Ipataas sa mga bata ang natapos na pangungusap. Umikot upang tingnan kung sino
ang tama at sino ang mali ang pagkakasulat.
Tumawag ng ilang bata upang isulat ang kanilang pangungusap sa pisara.
(Huwag iwawasto ang mga nakitang mali ang pagkakasulat)
Paglalahad
Ipabasang muli ang “ Pilipino Sila, p. 88.”
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang bumubuo sa isang talata?
Paano isinulat ang simula ng pangungusap?
Paano ito tinapos?
Ilang talata mayroon sa binasang teksto?
Paano isinulat ang bawat talata?
Ano-anong bantas ang ginamit?
Ano-ano pa ang dapat tandaaan sa pagsulat ng isang talata? (Margin)
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 90.
Matapos ang inilaang oras, ipasuri sa mga bata ang natapos na sulatin.
Ipagamit ang rubric sa pagsusuri ng natapos na gawain.
1
2
3
4
Hindi nakapasok Hindi nakapasok ang Nakapasok ang
Nakapasok ang
ang simulang
simulang
simulang
simulang
pangungusap.
pangungusap.
pangungusap.
pangungusap.
Maraming mali sa May 3- 4 salita na
May 1-2 salita na Walang mali sa
pagkakabaybay
mali ang
mali ang
pagkakabaybay.
ng mga salita.
pagkakabaybay.
pagkakabaybay.
Maraming mali sa May 3- 4 salita na
May 1-2 salita na Walang mali sa
paggamit ng
mali ang paggamit ng mali ang
pagkakagamit
malaking letra.
malaking letra.
paggamit ng
ng malaking
malaking letra.
letra.
Maraming mali sa May 3- 4 na
May 1-2 na
Walang mali sa
pagkakagamit ng pangungusap na mali pangungusap na
pagkakaganit
bantas.
ang pagkakagamit ng mali ang
ng bantas.
bantas.
pagkakagamit ng
bantas.
Ipapasa ang sulatin ng mga bata, at pagkaraan, bigyang-puna ang mga ito.
Paglalahat
Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang talata?
Inaasahang sagot: Sa pagsipi ng talata, dapat na tandaan ang sumusunod:
- tamang pagkakabaybay ng mga salita
- wastong pagkakalagay ng mga bantas
- nakapasok ang unang pangungusap ng talata
- sapat na layo ng mga salita sa isa’t isa
- pantay na pagkakasulat
DRAFT
April 10,2014
5.
168 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 90.
Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Mula sa mga nabasang talata sa LM, papiliin ang mga bata ng isang talata na
may mga salitang magkatugma. Ipasipi ito sa malinis na papel.
Bilugan at pag-ugnayin ang mga salitang magkakatugma.
Ipagamit muli ang rubric sa pagsusuri ng siniping talata. Hayaang magpalitan ang
mga bata ng kanilang papel para sa gawaing ito.
Ipawasto sa mga bata ang mga nakitang pagkakamali sa kanilang sulatin.
Bigyan ng puna ang ipapasang sulatin ng mga bata upang maisulat muli ito.
Aralin 22
Pangalagaan Natin
Mga Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang
Gramatika
Nagagamit ang angkop na pagtatanong gamit ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano,
sino-sino
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagbibigay-paliwanag
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Komposisyon
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Ipakita ang larawan.
Pagawain ang mga bata ng dalawa hanggang tatlong tanong tungkol dito.
169 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Matapos ang inilaang oras, ipabasa sa mga bata ang ginawang tanong.
Tumawag ng ibang bata na sasagot sa bawat tanong na binasa.
Unang Araw
Layunin
Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang
Paksang-Aralin
Pagsunod sa Panutong may Tatlo hanggang Apat na Hakbang
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipaturo ang kaliwang kamay ng mga bata sa kaliwang bahagi ng silid-aralan.
Itanong: Ano ang nasa kaliwa ninyo?
Ipaturo naman ang kanang kamay ng mga bata sa kanang bahagi ng silid-aralan.
Itanong: Ano ang nasa kanan mo?
2. Paglalahad
Pangkat-pangkatin ang klase.
Ipaguhit sa bawat pangkat ang mapa ng sariling silid-aralan. (Ipagawa ito sa manila
paper o sa isang malaking papel.)
3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Gamit ang mapang natapos gawin, ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod:
- Lagyan ng tsek (/) ang pintuan. Kulayan ng berde ang pintuang may nakasulat
na seksyon ng klase.
- Lagyan ng palaso (
) ang bintana. Guhitan ito ng kurtinang kulay berde.
- Lagyan ng dalawang guhit ang mesa ng mga bata. Bilugan at isulat ang ngalan
ng guro sa isang mesang kulay dilaw.
- Lagyan ng dalawang guhit na pahilis ang pisara. Isulat din dito ang ngalan ng
paaralan.
Bigyan ng pagkakataon na ipakita ng bawat pangkat ang mga natapos na gawain.
Tumawag ng ilang volunteer upang magwasto ng mga sagot ng bawat pangkat.
(Tiyakin na ang magwawasto sa isang gawain ay hindi kabilang sa pangkat na
nagpakita ng gawa.)
Banggiting muli nang isa-isa ang mga panutong ibinigay.
Itanong: Tama ba ang sagot ng bawat pangkat?
(Bigyan ng isang puntos ang bawat tamang sagot.)
(Gawin ang proseso hanggang sa matapos lahat ang mga panutong ibinigay.)
(Ang may pinakamaraming puntos ang mananalo.)
Nagawa ba nang maayos ng bawat pangkat ang mga panutong ibinigay?
Bakit oo? Bakit hindi?
Ano ang ginawa ng pangkat upang maayos at wastong masunod ang mga
napakinggang panuto?
Paano natin pangangalagaan ang ating silid-aralan?
4. Pagpapayamang Gawain
Itanong : Paano ba natin pangangalagaan ang mga ilog sa ating kapaligiran?
Bigyan ng kopya ng larawan ang bawat pangkat. O kaya naman ay magpaguhit ng
limang puno sa isang malinis na papel.
DRAFT
April 10,2014
170 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
1.
IMCS Image Bank
Basahin nang malakas ang panuto. Ulitin nang dalawang beses upang mas
maunawaan ng mga mag-aaral ang dapat gawin. Maglaan ng ilang minuto para
maisagawa nila ang binanggit na panuto bago ibigay ang susunod.
1. Gumuhit ng isang parisukat. Isulat dito na BAWAL MAGTAPON NG
BASURA.
2. Lagyan ng tree guard ang bawat puno. Kulayan ito ng pula.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan upang makasunod sa mga panutong pabigkas?
Upang makasunod sa mga panutong pabigkas, dapat na pakinggan at unawain nang
mabuti ang mga panuto.
6. Karagdagang Pagsasanay
Bigyan ang bawat mag-aaral ng sipi ng larawang ito.
DRAFT
April 10,2014
IMCS Image Bank
Basahin nang malakas sa mga bata ang sumusunod na panuto. Ulitin nang
dalawang beses.
1. Iguhit kung paano mo aalagaan ang mga tanim na halaman.
2. Iguhit kung ano ang gagawin ni Tatay upang mapangalagaan ang bahay.
171 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Kulayan ang bubong ng bahay at isulat dito ang apelyido mo.
4. Bilugan ang mga halamang inaalagaan mo. Kulayan ang mga maaari nang
anihin.
5. Iguhit ang mga kapatid mo na naglilinis ng kapaligiran.
6. Iguhit at kulayan ang araw.
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagpapaliwanag
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa mga Tekstong Nagpapaliwanag
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang mga larawang ito.
Tukuyin sa mga bata kung ano ang ginagawa nila sa dalawang panahong ito.
DRAFT
April 10,2014
2. Paglalahad
Pasagutan sa mga bata ang KWL Chart.
K
W
Ano-ano ang uri ng
Ano ang nais mong
klima sa Pilipinas?
malaman sa “Ang Klima
at ang Aking Bansa?”
L
Ipasulat sa mga bata ang kanilang mga nalalaman sa K na kolum.
Ipasulat sa mga bata ang nais nilang malaman tungkol sa klima sa W na kolum.
Ipabasa sa mga bata ang talata sa Alamin Natin p. 90. Habang binabasa, ipasulat sa
L na kolum ang mga natutuhan sa sanaysay.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang mga isinulat sa W na kolum.
Nasagot ba ang mga ito sa pagbasa ng sanaysay?
Ano-ano ang natutuhan mo sa sanaysay?
Ipabasa ang mga isinulat sa L na kolum.
Tungkol saan ang binasang talata?
Bakit hindi katulad ng sa ibang bansa ang klima sa Pilipinas?
Bakit may tag-ulan?
Bakit may tag-araw?
Ano-ano ang puwede mong gawin kung tag-ulan? Kung tag-araw?
Paano mo mapapangalagaan ang iyong sarili kung panahon ng tag-ulan? Tag-araw?
172 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 91.
Pasulatin ang mga bata ng isang tanong tungkol sa iginuhit.
Ipabasa ito sa mga bata at tumawag ng ibang sasagot nito.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa araling ito na masasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong
nagpapaliwanag sa pamamagitan ng pag-unawa nang mabuti sa nilalaman ng
binasang teksto.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipabasa sa mga bata ang talata sa Pagyamanin Natin p. 91.
Pasulatin ang mga bata ng isang tanong tungkol sa isinulat.
Ipabasa ito sa mga bata at tumawag ng ibang sasagot nito.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang angkop ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, at sino-sino
Paksang-Aralin
Ano, Sino, Ilan at Saan, Kailan, Ano-ano, at Sino-sino
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Hayaang gumawa ang mga bata ng tanong tungkol sa larawan.
Ipabasa at ipasulat sa pisara ang tanong na ginawa ng mga bata.
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang teksto sa Alamin Natin , p. 90.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
(Isulat ang mga tanong na ito sa istrip ng papel. Ipaskil ang mga ito matapos
itanong sa mga bata. Isulat sa tapat nito ang sagot na ibibigay ng mga bata.)
173 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ilan ang klima sa Pilipinas?
Ano-ano ito?
Ilan sa ibang bansa?
Ano-ano ito?
Kailan ang tag-ulan sa Pilipinas? Sa ibang bansa?
Kailan ang tag-araw sa Pilipinas? Sa ibang bansa?
Ano-ano ang puwedeng gawin sa tag-ulan? Sa tag-araw?
Ipabasa ang mga tanong sa mga bata.
Itanong:
Paano isinulat ang mga tanong?
Ipabasa ang mga sagot ng mga bata.
Itanong:
Anong impormasyon ang ibinibigay sa tanong na ilan? Kailan? Saan? Ano? Anoano? Sino-sino?
Alin sa mga salitang ginagamit sa pagtatanong ang tumutukoy ng isahan?
Pangmaramihan?
Paano mo pangangalagaan ang sarili mo kung tag-ulan? Kung tag-araw?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 91.
Tukuyin sa mga bata kung tama ang mga ibinigay na mga tanong.
Bago magsimula ang klase, gumawa ng isang malaking dice. Isulat sa bawat
mukha nito ang mga tanong na ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, at sino-sino.
Ihanda rin ang istrip ng mga papel na kinasusulatan ng pangalan ng lahat ng bata sa
klase.
Ihagis ang dice upang malaman kung anong tanong ang ibibigay ng bata tungkol sa
paksa.
Bumunot ng isang pangalan ng bata upang siya ang magbigay ng tanong.
Gawin ito hanggang sa ang lahat ay makapagbigay ng tanong.
5. Paglalahat
Ano ang sagot sa tanong na ano? Sino? Saan? Ilan? Kailan? Ilan? Ano-ano? Sinosino?
Ginagamit ang ano sa pagtatanong tungkol sa isang bagay.
Ginagamit ang sino sa pagtatanong tungkol sa tao.
Ginagamit ang saan sa pagtatanong tungkol sa lugar.
Ginagamit ang kailan sa pagtatanong tungkol sa araw, linggo, buwan, oras, at taon.
Ginagamit ang ilan sa pagtatanong tungkol sa bilang.
Ginagamit ang ano-ano sa pagtatanong tungkol sa maraming bagay.
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata upang maisagawa ang Pagyamanin Natin, p. 91.
DRAFT
April 10,2014
174 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila sa sumusunod na sitwasyon.
- May nakita kang basura sa dadaanan mo.
- Tinatapakan ng kaibiganmo ang bagong sibol na halaman.
- Itinapon kung saan ng kaibigan mo ang balat ng kendi na kaniyang kinain.
2. Paglalahad
Itanong:
Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang pangalagaan ang kalikasan?
Gamitin ang “Isa, Dalawa, Tatlo” sa p. 111.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Bago magsimula ang klase maghanda ng mga papel na kulay pula, kahel at berde, at
Traffic Light Chart.
 Ipaliwanag sa mga bata na ang kulay berdeng papel ay para sa paksang
pangungusap; kahel na papel para sa mga sumusuportang pangungusap;
at pulang para sa katapusang pangungusap.
 Balikan ang tanong na sinagot sa bahaging paglalahad. Ang sagot ng mga bata
sa gawaing ito ang gagamitin sa susunod na gawain.
 Ano ang magiging paksang pangungusap natin? Isulat ito sa kulay berdeng
papel sa Traffic Light Chart.
 Ano-ano ang pangungusap na maaari nating isuporta sa naunang pangungusap?
Isulat ang mga ito sa kahel na papel. (Isang papel, isang pangungusap.)
 Ano ang magiging katapusang pangungusap? (Isulat sa pulang papel.)
Ipabasa ang natapos na talata.
Itanong:
May nais pa ba kayong idagdag? (Isulat kung may ibibigay pa ang mga bata.)
May nais ba kayong alisin? (Alisin kung may napagkasunduang alisin.)
Tama ba ang pagkakasunod-sunod natin ng mga pangungusap na nakasulat sa kahel
na papel? (Isaayos ang mga ito sa paraang napagkasunduan.)
Basahin muli sa mga bata ang mga pangungusap.
Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap? Ng mga salita?
Paano natin isasaayos ang mga ito sa anyong talata?
Hayaang galawin ang mga papel upang maidikit ito sa anyong talata. Ipaalala sa
mga bata na hindi puwedeng baguhin ang puwesto ng pula at berdeng mga papel.
Ipabasang muli ang nagawang talata.
Tama ba ang pagkakaayos ng mga pangungusap?
Ano ang dapat tandaan upang maging maganda at maayos ang talatang susulatin?
Paano natin pangangalagaan ang ating paaralan?
DRAFT
April 10,2014
175 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin p. 92.
Ipagawa ito sa Traffic Light Chart ng bawat pangkat.
Pagbasa ng mga naisulat ng bawat pangkat.
Pabigyang-puna ang natapos na sulatin sa ibang pangkat. Gamitin ang rubric na
naunang ginamit.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
Sa pagsulat ng talata, dapat na tandaan ang wastong baybay ng mga salita, at
ang wastong gamit ng bantas, at malaki at maliit na letra. Nakapasok ang unang
pangungusap, nagsisimula sa malaking letra ang unang salita at nagtatapos sa
tamang bantas.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 93.
Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Gamit ang Traffic Light Chart, pasulatin ang bawat bata ng isang talata tungkol sa
mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya sa pangangalaga ng kalikasan.
Matapos ang inilaang oras, ipagamit ang rubric upang masuri ang sariling sulatin.
Ipasulat muli ang talata at iwasto ang nakitang kamalian.
Bigyang-puna ang ipinasang papel ng mga bata. Isauli ito upang maisulat nila ang
talata ayon sa ibinigay na puna.
DRAFT
April 10,2014
Aralin 23
Pagyamanin Natin
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang tanong tungkol sa nabasang balita/anunsyo
Kamalayang Ponolohiya
Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Gramatika
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakikilala na ang tambalang salita na nananatili ang kahulugan
Pag-unawa sa Binasa
Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang graph
176 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paunang Pagtataya
Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa nagdaang pagdiriwang na ginanap sa
sariling bahay.
Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin.
Tutukuyin din ang mga pang-uring ginamit.
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang tanong tungkol sa napakinggang balita/anunsyo
Nakikilala na ang tambalang salita na nananatili ang kahulugan
Paksang-Aralin
Pakikinig ng Balita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong:
Anong balita ang inyong napakinggan ?
Hikayatin ang mga batang ibahagi ito sa katabi.
Tumawag ng ilang batang magbabahagi nito sa harap ng klase.
2. Paglalahad
Magsagawa ng isang karera ng mga bangka.
Pag-usapan ang palagay at damdamin ng mga bata tungkol sa karanasang ito.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Tinanghal na namang kampeon si G. Eric Latoza sa katatapos lamang na
Karera ng Bangka sa bayan ng San Ildefonso. Ito ay taunang paligsahan upang
bigyan ng pagkilala ang hanapbuhay sa bayan na malaki ang naitutulong sa pagunlad ng naturang bayan.
Madaling-araw pa lamang ng Lunes, ang dalawampung bangkero na kasali
sa naturang paligsahan ay nagtipon-tipon na sa pantalan ng naturang bayan. Sakay
ng kanilang naggagandahan at mga bagong bangka, nagsimula ang karera sa ganap
na 5:00 ng umaga. Samantala, tila tumigil ang mundo sa naturang bayan dahil sa
ang lahat ng magkakapitbahay ay nakaabang sa kung sino ang unang makararating
sa pantalan. Tumagal din ng mahigit isang oras bago tinanghal ang Bangkero ng
Taon.
Ang kampeon sa taong ito ay tumanggap ng cash prize at ang disenyo ng
kaniyang bangka ay gagawing modelo ng isang malaking kumpanya na gumagawa
at nagdidisenyo ng mga bangka na ikakalakal sa ibang bansa.
Itanong:
Tungkol saan ang balita?
Bakit ipinagdiriwang ang Karera ng Bangka?
Sino ang naging kampeon?
Bakit siya tinanghal na kampeon?
Ano-ano ang naging gamtimpala niya?
177 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paano natin pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa ating pamayanan?
Nakasali ka na ba sa isang paligsahan?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.
Ipabasa ang ilang mga salita buhat sa napakinggang balita:
- hanapbuhay
-kapitbahay
Linangin ang mga salita.
Ano ang kahulugan ng hanapbuhay? Ng kapitbahay?
Ano ang napansin sa mga salita?
Ano-anong salita ang bumubuo sa hanapbuhay? Sa kapitbahay?
Ano ang nangyari sa kahulugan ng mga salitang pinagsama?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase. Pagawain ng isang pagbabalita (live reporting) ang
bawat pangkat tungkol sa isang nasaksihang pagdiriwang.
Talakayin sa klase ang napakinggang pag-uulat ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pumili ng kapartner.
Gumawa ng sariling balita tungkol sa ginawang pagdiriwang sa inyong lugar.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasabi ang mga pangyayari sa balitang binasa
Nakapagbabahagi ng sariling kuwento kaugnay ng binasang balita
Paksang-Aralin
Pagbasa ng Balita
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magsagawa ng munting balitaan tungkol sa napakinggang balita ng mga bata.
2. Paglalahad
Itanong:
Ano-ano ang ginagawa ninyo sa pagsalubong sa Bagong Taon?
Tama pa bang ipagpatuloy ito? Bakit?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipabasa ang “Kultura sa pagsalubong sa Bagong Taon palitan na – DOH”
sa Alamin Natin, p. 93.
Pangkatin ang klase.
Pasagutan ang organizer sa bawat pangkat.
178 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Tungkol kanino?
Saan ito
nangyari?
Bakit mahalaga
ang balitang ito?
Anong nangyari?
Paksa
Bakit ito
nangyari?
Kailan ito nangyari?
Paano ito
nakaapekto sa mga
tao/pamayanan?
Bigyan ng pagkakataong mag-ulat ang bawat pangkat.
Tungkol saan ang balita?
May ganito ka rin bang karanasan tuwing Bagong Taon?
Pagbabahagi ng mga bata ng sariling karanasan.
Sang-ayon ka ba sa nais ng Department of Health?
Ipaliwanag ang sagot.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 94.
Isulat ang planner na ito sa malaking papel. Ito ang magiging gabay ng mga bata sa
pagbabahaging gagawin nila.
DRAFT
April 10,2014
Pamagat
Panimula
Una kong naobserbahan
Pangalawa
Sumunod
Panghuli
: __________________
: Sino, ano, saan, kailan
: __________________
: __________________
: __________________
: __________________
5. Paglalahat
Itanong:
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Dapat basahin nang mabuti ang isang balita upang maibahagi ito sa iba.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 96.
Ikatlong Araw
Layunin
Nailalarawan ang tao, bagay, hayop, at lugar
Nababaybay ang mga salitang natutuhan sa tekstong binasa
Paksang-Aralin
Salitang Naglalarawan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magmasid ang mga bata sa kanilang paligid.
179 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipalarawan ang isang nakita (gamit ng mag-aaral, gamit ng guro, gamit sa pagkain)
at pahulaan ito sa kaklase.
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang balita sa Alamin Natin, p. 93.
Ipatala ang mga pangngalan na ginamit dito. Sa tapat nito, isulat ang salita na
naglalarawan nito.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pagdiriwang na binanggit sa balita? (Isulat sa bilog sa loob.)
Ilarawan kung paano ito ipinagdiriwang? (Isulat sa bilog sa labas.)
Gamitin ang “Loob, Labas na Bilog” para dito.
Bagong
Taon
DRAFT
April 10,2014
Ano ang salitang ginamit?
Sino ang nabibiktima ng paggamit ng paputok?
Ilarawan ang nabibiktima.
(Gamitin ulit ang “Loob, Labas na Bilog.”)
Ano ang bagay na ginagamit sa pagdiriwang ng Bagong Taon?
Ilarawan ito.
(Gamitin ulit ang “Loob, Labas na Bilog.”)
Ipabasa ang mga salita sa labas na bilog.
Ano ang tawag sa mga ito?
Papiliin ang mga bata ng isang salita at ipagamit sa sariling pangungusap.
Ano ang gagawin mo upang hindi mapahamak tuwing darating ang pagsalubong sa
Bagong Taon?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 94-95.
Pagbabahagi ng natapos na gawain.
5. Paglalahat
Itanong: Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay o pook.
6. Karagdagang Pagsasanay
Basahin nang malakas ang isang teksto sa mga bata.
Gamitin kung ano ang naririyan. Tiyakin na may mga pang-uring ginamit.
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 95.
180 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang isang graph
Nagagamit ang graph sa pagpapakita ng isang impormasyong nakalap
Paksang-Aralin
Pagbibigay-Kahulugan sa Graph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipatala sa mga bata ang ginagawa tuwing sasapit ang Bagong Taon.
Ipabasa sa mga bata ang natapos na talaan.
2. Paglalahad
Itanong sa mga bata kung ilan ang gumagamit ng paputok at ilan ang hindi sa
pagsapit ng Bagong Taon.
Gumawa ng graph tungkol sa makakalap na impormasyon mula sa mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Tungkol saan ang graph?
Ilang babae ang gumagamit ng paputok? Hindi gumagamit?
Ilang lalaki ang gumagamit ng paputok? Hindi gumagamit?
Ano ang kaalamang nakuha mo sa graph na ipinakita?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Sa loob ng pangkat, magsagawa ng isang mini-survey tungkol sa mga okasyong
ipinagdiriwang ng bawat pamilya.
Ipakita ang impormasyong nakalap sa pamamagitan ng isang graph.
Maghanda ng tatlong tanong tungkol sa graph na ginawa.
Matapos ang inilaang oras, ipakita sa klase ang graph at sabihin ang mga tanong na
ginawa. Tumawag ng ibang bata para sumagot sa mga tanong.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pagawain ang mga bata ng isang survey.
Magtanong sa limang kaklase upang makagawa ng isang graph.
Maghanda rin ng tatlong tanong tungkol sa graph na ginawa.
Ano ang handa ninyong pagkain tuwing Bagong Taon?
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita sa klase ang
natapos na gawain.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Ibalik sa mga bata ang natapos na gawain na binigyang-puna.
Ipasulat nang muli ito. Ipaalala sa mga bata na isaalang-alang ang mga ibinigay na
puna.
181 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 24
Tangkilikin Natin
Linguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu
Gramatika
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salita na
matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita
Pag-unawa sa Binasa
Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto
Pagsulat at Pagbabaybay
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutuhan sa aralin (mga salitang dinaglat)
Komposisyon
Nasisipi nang wasto at maayos ang isang liham
Paunang Pagtataya
Papiliin ang mga bata ng isang gamit o bagay na makikita sa loob ng kanilang bag.
Pagawain ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa napiling gamit o bagay.
Tukuyin ang pang-uri.
DRAFT
April 10,2014
Unang Araw
Layunin
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa isyung napakinggan
Paksang-Aralin
Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang isang larawan. (Gumamit ng isang larawan na nakahanda na. Tiyakin na
may suliranin/isyu ang larawang ipakikita.)
Kunin ang reaksyon ng mg bata sa ipinakitang larawan.
2. Paglalahad
Pangkat-pangkatin ang mga bata batay sa nais nilang awit: Ingles o Filipino.
Paghandain ang bawat pangkat na iparirinig sa klase.
Bigyang halaga ang ginawang pag-awit ng mga bata.
Alin ang mas masarap pakinggan?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin sa mga bata.
182 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Papahinang Tinig ng Musika
Tunay ngang ang musika ay parte ng buhay ng bawat Pilipino. Ano man ang
okasyon may katapat na awitin. Sa panliligaw, sa pagpapakasal, sa pagsilang ng
sanggol, sa pagpapatulog ng bata, lahat may katumbas na awit. Maging sa
kasayahan o sa kalungkutan, sa iba’t ibang gawain o sa iba’t ibang kahilingan, may
awit din. Pero ang tanong alam mo ba ang mga ito? May alam ka bang awitin para
sa isa sa mga okasyong ito?
Ano nga ba ang mas inaawit mo ngayon? Ano ang mas nais mong
pakinggan? O kaya naman ay sabayan ng sayaw? Para sa iba ang mga awiting
Pilipino ay para lamang sa mga may edad, para lamang sa pagdiriwang ng Buwan
ng Wika. Sa panahon natin sikat na sikat ang mga dayuhang mang-aawit. Dahil na
rin sa impluwensiya ng ibang kultura, mas nakikilala ang mga dayuhang awitin na
para sa ilang kabataan ay mas madaling matutuhan at masabayan ng indak ng
katawan. Kaya nga ang mga manunulat ng musikang Pilipino ay muling
isinasabuhay ang mga lumang musika o kaya naman ay isinasalin na lamang ang
mga awiting Ingles upang tumama sa panlasa ng mga Pilipino.
Kung magpapatuloy ang ganito sa ating bansa, baka dumating ang panahon
na ang tinig ng musikang Pilipino ay unti-unting manghina.
DRAFT
April 10,2014
Itanong:
Ano ang pamagat ng napakinggang teksto?
Tungkol saan ito?
Ano ang pinagkukumpara?
Ano ang sinabi tungkol sa musikang Pilipino? Sa dayuhang musika?
Bakit ito nangyayari sa bansa?
Ano ang nangyari sa musikang Pilipino?
Sang-ayon ka ba dito? Ipaliwanag ang sagot.
Bakit pinamagatan itong “Papahinang Tinig ng Pilipino?”
Paano mo maipakikita ang pagtangkilik sa musikang Pilipino?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Hayaang magpahayag ang bawat kasapi sa pangkat ng kanilang reaksyon sa:
Aling awitin ang mas dapat ilagay sa iyong mp3, dayuhan o Pilipino?
Pagbabahagi ng napag-usapan sa buong klase.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang isyu?
6. Karagdagang Pagsasanay
Hayaang magbigay ng kanilang reaksyon ang mga bata tungkol sa pagtangkilik
ng mga Pilipino, partikular na ang mga kabataan, sa mga musikang dayuhan.
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghahanap ng maikling salita na
matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita
183 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paksang-Aralin
Paksa ng Isang Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng mga produktong gawa sa Pilipinas.
Hayaang magbigay ng kanilang nalalaman ang mga bata tungkol sa larawang
ipakikita.
2. Paglalahad
Patingnan sa mga bata kung saan gawa ang mga gamit nila.
Ipatala ang gamit at kung saan ito gawa.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot.
Magpakita ng ilang bagay na Made in ______ (ibang bansa) at Made in the
Philippines.
Papiliin ang mga bata ng gusto nila. Itanong kung bakit gayon ang kanilang pagpili.
- tsokolate
- laruan
- pagkain (prutas)
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang talatang “Tatak Pinoy” sa Alamin Natin, p. 95.
Itanong ang sumusunod matapos basahin ng mga bata ang talata.
Ano ang tinatalakay sa teksto?
Ano-ano ang produkto ng Pilipinas na binanggit?
Paano ito inilarawan?
Dapat bang tangkilikin ang mga ito? Bakit?
Paano mo tatangkilikin ang mga produkto ng Pilipinas?
Ipabasa nang muli ang teksto.
Itanong:
Tungkol saan ang teksto?
Ilang talata mayroon ang teksto?
Ano ang paksa ng unang talata? Ng pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?
Ipabasa ang ilang salita buhat sa binasang talata.
- sasabayan
- matamis
- manggagawa
Linangin ang bawat salita.
Ipagamit sa sariling pangungusap.
Ipabasa ang salitang sasabayan.
Ano-anong salita ang mabubuo sa salitang ito?
Isulat ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang mahabang salitang pinagkunan ng mga salita.
Ipabasa ang mga salitang ibinigay ng mga bata.
Gawin ang proseso para sa salitang matamis at manggagawa.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang mga talata sa Linangin Natin, p. 96.
Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang natapos na gawain.
DRAFT
April 10,2014
184 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang paksa ng isang teksto?
Paksa ang tawag sa pinag-uusapan sa teksto.
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata upang maisagawa ang Pagyamanin Natin p. 96-97.
Ikatlong Araw
Layunin
Nailalarawan ang mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan
Paksang-Aralin
Paglalarawan ng Bagay, Tao, at Lugar
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipaskil ang ilang larawan sa pisara.
Hayaang sumulat ang mga bata ng isang salitang maglalarawan dito.
I
DRAFT
April 10,2014
Ipabasa ang mga salitang itinala.
Angkop ba ang mga ito sa bawat larawan?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
2. Paglalahad
Itanong:
Tungkol saan ang binasang teksto noong ikalawang araw?
Ipabasang muli ang “Tatak Pinoy.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pasagutan ang sumusunod. Ipasulat ang sagot sa talaan.
Ano-ano ang produkto ng Pilipinas na binanggit?
Ano-ano ang pagkaing binanggit?
Paano ito inilarawan?
Produkto
Pang-uring Ginamit
Tumawag ng ilang bata upang iulat ang natapos na gawain.
Itala sa katulad din na talaan ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang mga salita sa unang hanay.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ipabasa ang mga salita sa ikalawang hanay.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ipagamit ang pares ng mga salita sa talaan sa sariling pangungusap.
185 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin p. 97.
Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk.
Pabigyang-puna kung tama o angkop ang salitang ginamit sa paglalarawan.
5. Paglalahat
Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari.
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata upang maisagawa nang wasto ang Pagyamanin Natin p. 97.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
dinaglat
Nasisipi ang isang liham
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Salitang Dinaglat
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipabasa ang ilang salitang dinaglat na nakasulat sa flash card.
Gawin ito sa pamamagitan ng isang paligsahan.
2. Paglalahad
Ilarawan ang pamayanang kinabibilangan.
Ano-ano ang pang-uring ginamit?
Child-friendly ba ang barangay na iyong kinabibilangan?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang isang liham na nasa Alamin Natin, p. 97- 98.
Itanong:
Para kanino ang liham?
Sino ang sumulat nito?
Ano ang laman ng sulat?
Sino-sino ang dumalo sa pagtitipon? (Isulat nang padaglat ang sagot ng mga bata.)
Ipabasa ang mga ito sa mga bata.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Bakit ito dinaglat?
Paano isinusulat ang mga salitang dinaglat?
Ipabasa muli ang liham.
Ano-ano ang bahagi ng liham?
Paano isinusulat ang liham?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipasipi sa mga bata ang liham na nasa Alamin Natin p. 98.
Ipagamit sa mga bata ang rubric upang masuri ang siniping liham.
DRAFT
April 10,2014
186 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4
Bahagi ng
Naisulat lahat
Liham
ng bahagi ng
liham.
Paggamit ng Walang mali sa
Malaking
paggamit ng
Letra at
malaking letra
Bantas
at mga bantas.
Pagbabaybay Walang salita
na mali ang
pagkakabaybay.
3
May isang mali
ang
pagkakasulat.
May isang mali
ang
pagkakagamit.
2
May dalawang
mali ang
pagkakasulat.
May dalawang
mali ang
pagkakagamit.
1
May tatlong
mali ang
pagkakasulat.
May tatlong
mali ang
pagkakagamit.
May isang
salita na mali
ang
pagkakabaybay.
May dalawang
salita na mali
ang
pagkakabaybay.
May tatlong
salita na mali
ang
pagkakabaybay.
5. Paglalahat
Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang liham at sa pagsulat ng mga
salitang dinaglat?
Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat, dapat tandaan ko ang
paggamit ng wastong bantas, malaki at maliit na letra.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli ang siniping liham. Ipasaalang-alang ang mga sagot sa pamatnubay na
mga tanong.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Ibalik sa mga bata ang siniping liham na binigyang-puna.
Ipasulat nang muli ito. Ipaalala sa mga bata na isaalang-alang ang mga ibinigay na
puna.
Aralin 25
Ipagtatanggol Natin
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan
Gramatika
Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga personal na
karanasan
Pag-unlad ng Talasalitaan
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan ng mga
salita batay sa pinaggamitan
Pag-unawa sa Binasa
Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng
tekstong binasa
187 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang graph
Paunang Pagtataya
Ipabasa “Ang Klima at ang Aking Bansa.”
Sipiin ang dalawang pangungusap na sumusuporta sa pangunahing kaisipan nito.
Unang Araw
Layunin
Naibibigay ang paksa ng kuwentong napakinggan
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Paksa ng Kuwentong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong:
Para sa iyo, ano ang super hero?
Ipaguhit ang sagot dito.
Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang natapos na gawain at ipaliwanag ang
iginuhit.
2. Paglalahad
May superpowers ka ba?
Gusto mo bang magkaroon nito? Bakit?
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.
Itanong:
Tungkol saan ang kuwento?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Super Pinoy
Jezreel M. Margallo
Wooshhh. Kablam. Pow. Blag. Ito ang mga naririnig ko sa tuwing
panonoorin ko ang paborito kong superheroes.
Pero may isa akong pinakapaborito sa lahat ng superheroes. Kakaiba ang
kapangyarihan niya. Superpinoy ang tawag ko sa kaniya. Kakaiba siya sa lahat ng
superheroes na napapanood ko.
Kapag kailangan ko ng tulong sa aking takdang-aralin, nariyan siya palagi.
Kapag nagugutom ako, isang magic lang niya ay may pagkain sa mesa namin.
Kapag maraming kalat sa bahay, ang kaniyang mahiwagang walis ang katukatulong ko.
Kapag may naririnig siyang umiiyak na bata, simbilis ng kidlat, nariyan siya
para patahanin ito. Kapag may nagugutom , kakainin na lang niya ibinibigay pa.
Kapag inaawit ang Pambansang Awit sa aming paaralan, isang senyas lang niya
titigil ang lahat sa paglalakad.
Siya si Rufino, ang aking tatay. Ang aking Super Pinoy.
188 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
Tungkol saan ang kuwento?
Sino ang tinutukoy na superhero sa kuwento?
Bakit siya naging superhero?
Katulad din ba niya ang tatay mo? Paano?
Sino ang superhero para sa iyo?
Paano ka magiging superhero?
Paano mo ipagtatanggol ang ibang bata? Ang ibang tao?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Paghandain ang bawat pangkat ng piping palabas tungkol sa powers ni Super
Pinoy.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang
inihanda.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipaguhit sa mga bata ang ilang paraan na kaya nilang gawain upang maging
superhero.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang
natapos na gawain.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng
tekstong binasa
Natutukoy ang kahulugan ng salita ayon sa mga sitwasyong pinaggamitan
Paksang-Aralin
Mga Sumusuportang Kaisipan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng larawan ng mga pangunahing pangangailangan ng bata tulad ng
pagkain, bahay, damit.
Ipakita ang bawat isa sa mga bata.
Pag-usapan kung natatamasa ito ng mga bata o hindi.
Sino ang nagbibigay nito sa inyo?
Bakit ito ibinibigay?
2. Paglalahad
Linangin ang salitang karapatan.
Ano-ano ang karapatan mo?
Ipasulat ang sagot sa isang sagutang papel.
Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang sagot at ipapaskil sa pisara.
189 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang “Ang Batang may K” sa Alamin Natin, p. 99.
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan sa talata.
Isulat ang mga ito sa pisara.
Ipabasa ang mga naitalang salita.
Linangin ang bawat salitang sasabihin ng mga bata.
Ipabasa sa mga bata ang pangungusap kung saan ginamit ang tinukoy na salita.
Batay sa pangungusap, ano ang ibig sabihin ng salitang naulila? Ng Bahay
ampunan?
Itanong:
Ano ang pamagat?
Ano ang pinag-uusapan dito?
Ano ang karapatan na ipinakita sa kuwento?
Ano-ano ang karapatan ng mga batang Pilipino?
Balikan ang sagot ng mga bata sa naunang gawain.
Ipabasa ang mga ipinaskil na karapatan ng mga bata.
Tukuyin kung alin sa mga ito ang tama at alin ang hindi.
Natatamasa mo ba ang mga ito?
Ano ang gagawin mo upang maipagtanggol ang karapatan ng bawat bata?
Paano mo mahihikayat ang ibang tao na igalang ang karapatan ng mga bata?
DRAFT
April 10,2014
Ipabasang muli ang talata.
Ano ang paksa ng talata?
Ano ang pangungusap na nagsasabi ng paksa ng talata?
Ano-ano ang pangungusap na sumusuporta sa paksa ng talata?
Ipabasa ito sa mga bata.
Isulat ang sagot ng mga bata gamit ang organizer.
Sumusuportang
kaisipan
Paksa
Sumusuportang
kaisipan
Ipabasa at pag-usapan ang laman ng organizer.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 100.
Ipagamit ang organizer.
Ipasulat ang paksa sa upuan at sa mga paa nito, isulat naman ang sumusuportang
kaisipan.
190 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paksa
Sumusuportang kaisipan
Pag-uulat ng bawat pangkat ng natapos na organizer.
Pag-usapan ang sagot ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang sumusuportang kaisipan sa isang talata?
Ito ay ang mga pangungusap na kaugnay ng paksa ng isang talata.
6. Karagdagang Pagsasanay
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na magawa ang Pagyamanin Natin, p.100.
Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin.
Bigyang-puna ang natapos na sulatin.
Ibalik sa mga bata upang muling maisulat ito nang wasto.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang tamang salitang kilos o pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal
na karanasan
Paksang-Aralin
Mga Salitang Kilos
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipabasa ang liham sa p. 98.
Sipiin ang mga pandiwa na ginamit dito.
Ipabasa ang sagot ng mga bata.
Ipatukoy sa mga bata kung tama o mali ang sagot ng tinawag na bata.
2. Paglalahad
Ipatanghal sa mga mag-aaral ang karapatan ng mga bata.
Tukuyin sa iba ang isinakilos na karapatan.
Ipabasa muli ang Alamin Natin, p. 99.
Pangkat-pangkatin ang klase.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang mga salitang kilos na ginamit sa kuwento?
Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.
191 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipabasa ang lahat ng mga salitang isinulat sa pisara.
Itanong:
Kailan ginawa ang bawat kilos?
Alin-alin ang mga salitang kilos na tapos na? Gagawin pa lamang? Ginagawa pa
lamang?
Pumili ng isang salitang kilos na ginamit sa kuwento.
Paano sasabihin ang pandiwang ito kung tapos nang gawin? Ginagawa na ?
Gagawin pa lamang?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 100.
Ipabasa sa klase ang ginawang pangungusap.
5. Paglalahat
Ano ang pandiwa?
Pandiwa ang tawag sa mga salitang kilos sa pangungusap. Ito ay may tatlong
panahunan – pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap.
6. Karagdagang Pagsasanay
Tumawag ng ilang bata upang magkuwento ng isang personal na karanasan na may
kinalaman sa pagtatamasa ng karapatan. Ipagawa sa mga makikinig ang
Pagyamanin Natin, p. 100.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang graph
Paksang-Aralin
Pagbibigay-Kahulugan sa Graph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita muli ang graph na nasa p. 85 ng LM.
Ano ang impormasyong makikita sa graph?
Anong karapatan ang tinatamasa rito ng mga bata?
2. Paglalahad
Itanong:
Ilan na sa inyo ang naospital?
Bakit kayo dinala sa ospital?
Hayaang magbahagi ng karanasan ang mga bata.
3. Pagtalakay/Pagpapahalaga
Ipasuri ang graph na makikita sa Alamin Natin, p. 101.
Itanong:
Ano-ano ang naging sakit ng mga bata?
Ano ang nangungunang sakit ng mga bata ayon sa graph?
Ano ang masasabi mo sa bilang ng mga babae kumpara sa bilang ng mga lalaking
nagkakasakit?
Ano ang impormasyong makikita sa graph?
192 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase at ipagawa ang Linangin Natin, p. 101.
Pagpapakita ng bawat pangkat ng natapos na graph.
Ano ang impormasyong ipinapakita ng graph na ibinahagi ng pangkat?
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Mabibigyang-kahulugan ang graph sa pamamagitan ng pag-unawa sa legend at
pagsagot sa mga tanong tungkol dito.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 101.
Ipabasa sa mga bata ang nasulat na pangungusap.
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may tatlo hanggangg limang pangungusap
tungkol sa isang karanasan na siya ay dinala sa ospital. Tukuyin sa talata ang karapatan na
natamasa. Bilugan ng kulay pula ang mga pandiwa sa pangnagdaang panahunan, berde sa
pangkasaluluyan at asul sa panghinaharap.
Gamitin ang rubric sa pagmamarka ng natapos na sulatin. Ipaliwanag ito sa mga bata
bago pa man sila magsimula ng pagsulat.
DRAFT
April 10,2014
Paksa
4
Malinaw na
naipahayag ang
paksa ng talata.
Sumusuportang May
kaisipan
pagkakaugnayugnay ang mga
pangungusap sa
bawat isa at sa
paksang
pangungusap.
3
Hindi
masyadong
malinaw ang
paksang
pangungusap.
May
pagkakaugnayugnay ang mga
pangungusap,
maliban sa isa
na walang
kaugnayan sa
paksa.
193 2
Hindi malinaw
ang paksang
pangungusap.
1
Walang
paksang
pangungusap.
May
pagkakaugnayugnay ang mga
pangungusap,
maliban sa
dalawa
hanggang tatlo
na walang
kaugnayan sa
paksa.
Walang
kaugnayan ang
mga
pangungusap sa
bawat isa.
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paggamit ng
Naisulat ang
malaki at maliit mga salita nang
na letra, bantas may wastong
gamit ng malaki
at maliit na letra
at mga bantas.
May isang mali
sa
pagkakagamit
ng malaki o
maliit na letra at
bantas.
May isa
hanggang
dalawang mali
sa
pagkakagamit
ng malaki o
maliit na letra at
bantas.
May tatlo
hanggang apat
na mali sa
pagkakagamit
ng malaki o
maliit na letra at
bantas.
Aralin 26
Pahalagahan Natin
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang teksto
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang pananalita ng paggalang sa pag-aanyaya
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto
Gramatika
Nagagamit ang tamang salitang kilos (pandiwa) sa pagsasalaysay ng mga personal
na karanasan
DRAFT
April 10,2014
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit nang wasto ang mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatan
Pagsulat at Pagbabaybay
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napanood
Paunang Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang organizer.
Kumpletuhin ang kaisipan sa mga speech bubble tungkol larawan na nakakahon.
Sa Palagay Ko…
Kapag nakakakita ako
ng ganito…
Naiisip ko na….
dahil …..
194 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang teksto
Paksang-Aralin
Pagbibigay-Hinuha
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang isang larawan.
Itanong: Ano kaya ang susunod na mangyayari dito?
IMCS Image Bank
DRAFT
April 10,2014
2. Paglalahad
Saan mo inilalagay ang balat ng iyong kinain na kendi?
Ipakita ang larawan ni Rumi.
IMCS Image Bank
Ano kaya ang sumunod na nangyari sa kuwento sa larawan?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas ang bawat linya ng kuwento. Basahin din ang tanong
matapos ang bawat linya.
Tumawag ng ilang bata upang sumagot.
Magpatuloy ng pagkukuwento.
Si Rumi ay mahilig magtapon ng basura kung saan-saan. Kahit may
basurahan na sa tabi niya, hindi pa rin niya ito ginagamit. (Ano kaya ang
mangyayari?) Bumara tuloy ang kanal sa kanilang lugar. (Ano ang susunod na
mangyayari?)
Isang gabi, habang siya ay mahimbing na natutulog, bumuhos ang
napakalakas na ulan. (Ano kaya ang mangyayari?) Paggising niya, laking gulat
195 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
niya. (Bakit siya nagulat?) Ang mga basura niyang itinapon, nakita niya sa loob ng
kanilang bahay.
Paghupa ng baha, (Ano kaya ang ginawa ni Rumi?) kinuha ni Rumi ang
walis at tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay at ng kanilang barangay.
Mula noon, hindi na siya nagtapon ng basura kung saan-saan.
http://sherinabarcelona.blogspot.com/2011
Itanong:
Tama ba ang mga hula mo sa mga itinanong habang binabasa ang kuwento?
Balikan ang tanong bago basahin ang kuwento. Tama ba ang sagot mo?
Sino si Rumi?
Ilarawan siya.
Ano ang nagpabago sa kaniya?
Kung maraming bata ang katulad ni Rumi, ano ang mangyayari sa ating
pamayanan?
Tama ba ang tularan siya? Bakit?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang organizer na ito, matapos basahin nang malakas ang kuwento ni
Rumi.
DRAFT
April 10,2014
Natutuhan ko mula sa
aking binasa na …
Sa pagkakaalam ko…
Kaya…
Tumawag ng bata upang ibahagi ang kanilang natapos na organizer.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipakumpleto ang organizer.
Tanong
Mula sa
aralin…
Mula sa akin…
Kaya nga…
Bakit bumabaha
sa pamayanan
tuwing
umuulan?
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sagot.
196 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpaguhit sa mga bata ng isang bagay na nais nilang mangyari sa kanilang
kapaligiran.
Palagyan ito ng pamagat.
Ipakita sa klase ang natapos na gawain. Ipaliwanag kung bakit iyon ang pamagat na
napili.
2. Paglalahad
Ano-ano ang kayamanan ng Pilipinas?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin, p. 102.
Itanong:
Tungkol saan ang binasa?
Ano ang paksa ng unang talata? Ikalawang talata? Pangatlo? Ikalima? Panghuling
talata?
Bakit mayaman ang Pilipinas?
Paano mo pahahalagahan ang yaman ng bansa?
Ano ang angkop na pamagat sa binasang talata?
Ipaliwanag kung bakit iyon ang pamagat na napili.
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata o kuwento?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasang muli ang teskto sa p. 102 upang magawa ang Linangin Natin, p. 103.
Magsagawa ng gallery walk upang makita ang mga pamagat na ibinigay ng bawat
bata.
Matapos ito, magsagawa ng botohan kung alin ang may pinakamagandang pamagat
para sa talatang binasa.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 103.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga personal na
karanasan
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pandiwa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga ginupit na dahon na sapat para sa lahat ng mga bata sa klase.
197 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
Isulat sa ilang dahon ang isang pandiwa. At ang iba naman ay sulatan ng
pangngalan.
Idikit ito sa ilalim ng upuan ng mga bata.
Sabihin sa mga bata na hanapin sa loob ng klase ang mga dahon na may nakasulat
na pandiwa.
Sabihin sa mga bata na ang sinumang makakakuha ng dahon na may pandiwa ay
maghahanda ng isang pangungusap na magsasabi ng personal na karanasan gamit
ang pandiwang nakuha.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng
pangungusap.
Tukuyin sa ibang bata ang pandiwang ginamit.
Paglalahad
Itanong:
Ano-ano ang yaman ng Pilipinas?
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Paano mo pahahalagahan ang likas na yaman ng bansa?
Pagawain ang mga bata ng pangungusap na sasagot sa ibinigay na tanong.
Ipabasa sa mga bata ang isinulat na pangungusap. Ipasulat o ipapaskil sa pisara ang
pangungusap nila.
Ipabasa ito sa buong klase.
Tutukuyin nila ang pandiwa na ginamit sa ibinigay na pangungusap.
Nasa anong panahunan ito?
Ipabasa ang lahat ng mga nakapaskil na pangungusap.
Itanong sa mga bata kung paano nila aayusin ang mga pangungusap upang
makabuo ng isang talata.
Ipabasa ang nabuong talata at pabigyan sa mga bata ng pamagat.
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 103.
Paglalahat
Ano-ano ang iba’t ibang panahunan ng pandiwa?
Ang pandiwa ay nasa pangnagdaan kung ginawa na,pangkasalukuyan kung
ginagawa pa lamang at panghinaharap kung gagawin pa lamang.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, 104.
Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang natapos na gawain.
Bigyang-puna ang natapos na gawain ng bawat bata.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatan
Paksang-Aralin
Paggamit ng mga Nakalimbag na Kagamitan
198 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng silid-aklatan?
Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan (kung mayroon) at dito magklase.
2. Paglalahad
Ano-ano ang makikitang kagamitan sa silid-aklatan?
Magpakita ng mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatan.
Tukuyin kung saan at paano ito ginagamit.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pangkat-pangkatin ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng paksa para sa pagsasaliksik.
- Yamang Lupa
- Yamang Tubig
- Yamang Tao
Hayaang pumili ang bawat pangkat ng kakailanganin nilang kagamitan (atlas,
encyclopedia, mga aklat, magasin, news clips)
Gamitin ang format na ibibigay para sa pagtatala ng mga impormasyon.
Paksa
Sanggunian
Mga Impormasyon na
Nakalap
DRAFT
April 10,2014
Pag-uulat ng bawat pangkat sa natapos na gawain.
Ano ang ginamit ng pangkat upang makakuha ng impormasyong kinakailangan sa
paksang napili?
Hayaang ipakita ito at ipaliwanag kung paano nila ito nahanap at ginamit sa
pagsasaliksik.
Paano natin pangangalagaan ang mga gamit sa loob ng silid-aklatan?
4. Pagpapayamang Gawain
Magbasa tungkol sa yaman ng Pilipinas.
Gamitin ang format sa pagsulat ng mga impormasyon na makukuha sa kagamitan
na mapipili.
Detalye
Detalye
Paksa
Detalye
Detalye
Pag-uulat ng bawat pangkat.
199 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magsaliksik tungkol sa climate change.
Kahulugan
Sanhi
Climate
Change
Epekto
Solusyon
Ikalimang Araw
Layunin
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Isang Ulat
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang nakita mong mga pangyayari sa iyong paligid?
Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang mga nasaksihan.
2. Paglalahad
Ano-ano ang makukuha natin sa puno?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang “Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno” na nasa Alamin Natin, p. 104.
Itanong:
Ano ang laman ng balita?
Ano-anong tanong ang sinasagot ng balitang nabasa?
Ganito rin ba ang ginagawa sa inyo?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang pangyayaring naobserbahan sa sariling
pamayanan.
Isulat ito sa pisara.
Ipabasa ang mga pangungusap sa pisara.
DRAFT
April 10,2014
Sino, Saan
at Kailan
Unang
Pangyayari
Paksa/
Ano Huling
Pangyayari
Sumunod
na
Pangyayari
200 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipabasa ang mga detalye sa organizer.
Paano natin ito isusulat nang patalata?
Gamitin ang organizer na ito:
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat o balita?
4. Pagpapayamang Gawain
Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang alalahanin ang mga nasaksihan nilang
pangyayari sa pamayanan na may kaugnayan sa paglilinis nito.
Bigyan ng oras ang mga bata na makasulat ng isang ulat tungkol sa nasaksihang
pangyayari.
Ipabasa ang sulatin na natapos.
Gamitin ang rubric sa p. 31.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang balita o ulat?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli ang talata. Isaalang-alang ang mga puna na nakuha sa ginamit na
rubrics at sa mga ibibigay ng guro.
Aralin 27
Paunlarin Natin!
DRAFT
April 10,2014
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pakikinig
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Kamalayang Ponolohiya
Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita
Pag-unawa sa Binasa
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa tulong ng timeline
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang salitang dinaglat at ang salitang hiram
Paunang Pagtataya
A. Palitan ng angkop na pang-abay ang mga salitang may salungguhit.
1. Mabilis umalis ang magkakaibigan.
2. Lumalakad nang mabagal ang mga bata papasok sa paaralan.
3. Nagsasalita siya nang marahan.
4. Masayang umaawit ang mga ibon sa parang.
5. Malimit silang mamasyal sa parke.
201 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
B. Isulat nang padaglat ang mga salitang may salungguhit.
Bumisita sa aming paaralan kahapon si Gobernador Ruiz. Kasama niya sina
Attorney Cruz at Ginoong Salazar. Sinalubong sila ng aming punungguro na si
Ginang Reyes. Sila ay nag-usap tungkol sa ipatatayong karagdagang gusali.
Unang Araw
Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipaguhit sa mga bata ang pagkakaiba ng siyudad at ng baryo.
2. Paglalahad
Itanong:
Saan mo nais manirahan? Bakit?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin sa mga bata ang maikling kuwento.
DRAFT
April 10,2014
Doon na Lamang
Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukan ang buhay sa
siyudad. Para naman maiba. Baka doon magbabago ang buhay. Kinuha niya ang
maliit na lagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad.
Hindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang na lugar. Madilim
na noon kaya humanga si Dodi sa mga naggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil
wala pa naman siyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isang maliit
na upuan sa tabi ng kalsada.
Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog bigla siyang nagising. Isang
malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mga katulad niya ang nagtatakbuhan at
nag-aagawan sa pagkaing nakalagay sa isang malaking plastic bag.
Nagpasiya si Dodi na maghanap ng trabaho. Nakakita siya ng isang
malaking gusali. Dito siya magbabaka-sakali. Pero kinailangan niyang
makipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito. Nakakabinging
busina ang narinig niya mula sa mga naiinis na tsuper.
Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nang papasukin siya ng
guwardiya kahit wala siyang ID. Matapos makipag-usap sa isang kahon na
nagsasalita, pinaakyat siya sa ikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin
siya sa gumagalaw na hagdan.
Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na pero wala pa siyang
bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain.
Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyang nasulyapan ang
mundong kaniyang pinanggalingan.
“Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. May pagkain.”
202 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino ang tauhan sa kuwento?
Saan ito naganap?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Ipasulat ang sagot ng mga bata sa metacard.
Ipabasa ang mga pangungusap na nakasulat sa metacard.
Ipaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa
kuwento.
4. Pagpapayamang Gawain
Gamit ang iniayos na mga pangungusap, muling ipasalaysay ang napakinggang
kuwento.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng filmstrip para sa kuwentong muling isinalaysay.
Ikalawang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa tulong ng timeline
Paksang-Aralin
Muling Pagsasalaysay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang ginagawa mo pagkagising at bago pumasok sa eskuwela?
Iayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod. (Ipaskil ang mga larawan sa
pisara. Maghanda ng isang timeline upang doon idikit ng mga bata ang mga
larawan.)
DRAFT
April 10,2014
Hayaang isalaysay ng mga bata ang kuwento mula sa mga larawang isinaayos.
2. Paglalahad
Ano ang magagawa mo upang makatulong sa pagpapaunlad ng inyong pamayanan?
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang “Doon na Lamang,” p. 106
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino ang tauhan dito?
Ilarawan siya.
203 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento?
Isulat ang pangyayari sa bawat kahon ng organizer.
Tumawag ng mag-aaral na muling magsasalaysay ng kuwento gamit ang timeline
na natapos.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p.110.
Tumawag ng ilang bata upang isalaysay ang binasang kuwento gamit ang natapos
na timeline.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata na magawa ang mga panuto sa Pagyamanin Natin, pp. 108.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Lingguhang Layunin
Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Paksang-Aralin
Pang-abay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Papunan ang puwang ng mga angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang
bawat pangungusap.
1. Si Dickson ay __________ na sumagot sa tanong ng guro.
2. __________ na nagpaliwanag si Lee sa kaniyang ina.
3. Ang pagong ay __________ na naglakad patungo sa dagat.
4. Magluluto nang ___________ ang lola sa pagdating ng kaniyang mga apo.
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Kailangan Lima,”sa Alamin Natin, p. 108
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano-ano ang pandiwang ginamit sa kuwento?
Ipasulat ang sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga salitang nasa pisara.
Ano-anong salita ang naglalarawan sa bawat kilos sa kuwento?
204 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipasulat ang mga ito sa pisara.
Ipabasa ang mga ito.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p.109.
5. Paglalahat
Ano ang pang-abay?
Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng kilos.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 109.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang salitang dinaglat
Paksang-Aralin
Mga Salitang Dinaglat
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng mga katulong sa pamayanan.
Pagbigayin ang mga bata ng pangngalang pantangi sa bawat isa.
Isulat ang sagot ng mga bata sa tapat ng bawat larawan na nakapaskil sa pisara.
Ipabasa ang isinagot ng mga bata.
2. Paglalahad
Sino-sino ang magkakaibigan sa “Kailangan Lima?”
Kilalanin ang mga ito matapos ang ilang taon.
Ipabasa ang Alamin Natin, p. 109-110.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang naging hanapbuhay ng bawat tauhan sa kuwento?
Isulat ang sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga ito.
Paano ito isusulat nang padaglat?
Ipabasa ang mga salitang dinaglat.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Paano ito isinusulat?
Ano ang ginagawa ng bawat isa sa pagpapaunlad ng pamayanan?
Sino ang wala sa magkakaibigan?
Kung ikaw si Rose, ano ang gusto mong maging paglaki mo?
Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot gamit ang salitang dinaglat.
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 110
5. Paglalahat
Itanong: Paano isinusulat ang salitang dinaglat?
Inaasahang sagot: Ang mga salitang dinaglat ay isinusulat nang pinaikli, pero
pareho pa rin ng ibig sabihin nito.
DRAFT
April 10,2014
205 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin , p. 110.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap.
Ikuwento dito ang isang pangyayaring naobserbahan na may kinalaman sa isang
katulong sa pamayanan.
Bilugan ang mga pang-abay na ginamit.
Guhitan ang salitang dinaglat sa talata.
Matapos ang inilaang oras, bigyang-puna ang natapos na sulatin upang maisulat muli
ito nang wasto.
Aralin 28
Mahalin Natin
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng timeline
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Pag-unawa sa Binasa
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyong
kailangan
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Ipasuri ang larawan.
Ano kaya ang sanhi nito? Ang bunga?
Pasulatin ang mga bata ng pangungusap na sagot sa mga tanong na ibinigay.
Ipabasa ang mga pangungusap.
206 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Naisasalaysay ang napakinggang teksto sa tulong ng timeline
Paksa
Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga papel na nakasulat ang bawat letra na bumubuo sa salitang
Filipino.
Bigyan ng hudyat ang mga pangkat upang isaayos ang papel at mabuo ang
inaasahang salita.
Ano ang nabuong salita?
Ipasulat sa paligid nito ang nalalaman nila sa salitang Filipino.
Ipaulat ang natapos na gawain.
2. Paglalahad
Ano ang gagawin mo kung hindi mo maintindihan ang wikang ginagamit ng kausap
mo?
Ipakita ang larawan ng isang tagak.
Pag-usapan ito.
Ipagawa sa mga bata ang tunog na nagagawa nito.
Basahin nang malakas sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Si Gandang Tagak
May isang tagak. Siya ang pinakamagandang tagak sa kaniyang lugar. Lahat
ay gusto siyang maging kaibigan. Lahat ay gusto siyang makasama.
Isang araw, nakasalubong siya ni Bibe. Binati siya nito ngunit hindi niya
pinansin. Ganoon din ang ginawa niya kina Gansa at Pugo. “Ano kaya ang
kaniyang problema?” ang sabi ng dalawang magkaibigan.
Minsan, nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng mga ibon sa kanilang lugar.
Isang gabi iyon para sa mga ibon na mula pa sa silangan kaya hindi nag-atubili si
Tagak na dumalo. Suot niya ang pinakamagandang damit at ang pinakamahal na
mga alahas kaya lahat ay napalingon sa pagdating ni Tagak sa pagtitipon.
Umupo siya sa tabi ng isang grupo ng mga ibon at nagsimulang
makipagkuwentuhan. Tawa dito. Ngiti dito. Tango doon. Nang magsimula na
siyang magsalita gamit ang wikang kanina pa niya naririnig, biglang nagtawanan
ang mga kausap niya. At sabay-sabay na nag-alisan sa kaniyang tabi.
Sa hiya ni Tagak, patakbo siyang umalis sa lugar na iyon. At nakasalubong
niya sina Bibe, Gansa at Pugo na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Sabay-sabay
nilang sinabi, “Tayo nang umuwi, kaibigan.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Tungkol saan ang napakinggang kuwento?
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Ilarawan siya.
207 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Isulat ang mga pangayayari gamit ang organizer .
(Isulat ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa loob ng bawat kahon.)
Ipakuwento nang muli ang napakinggan gamit ang natapos na organizer.
4. Pagpapayamang Gawain
Alisin sa pisara ang natapos na timeline.
Magpagawa sa mga bata ng sariling timeline ng napakinggang kuwento.
Ipasalaysay ang napkinggang kuwento gamit ang natapos na timeline.
Gamitin ang rubric para sa pagmamarka.
4
3
2
1
-
-
-
-
-
-
-
DRAFT
April 10,2014
May umpisa,
gitna at katapusan
Nailarawan nang
kumpleto ang
tagpuan
Nailarawan nang
maayos ang mga
tauhan
Natukoy ang
suliranin
Naisalaysay nang
may wastong
pagkakasunodsunod ng mga
pangyayari
Naipaliwanag
nang maayos ang
solusyon sa
suliranin sa
kuwento
Hindi
nangailangan ng
tulong upang
maalala ang mga
bahagi ng kuwento -
-
-
-
-
-
-
May umpisa,
gitna at katapusan
Nailarawan nang
kumpleto ang
tagpuan
Nailarawan nang
maayos ang mga
tauhan
Natukoy ang
suliranin
Naisalaysay nang
may wastong
pagkakasunodsunod ng mga
pangyayari
Naipaliwanag
nang maayos ang
solusyon sa
suliranin sa
kuwento
Nangailangan ng
1-2 na tulong
upang maalala
ang mga bahagi
ng kuwento 208 -
-
-
May mga
nabanggit na
detalye na wala
sa orihinal na
kuwento
Hindi naibigay
nang wasto ang
mga detalye sa
tauhan, tagpuan
ng kuwento
Wala sa tamang
pagkakasunodsunod ang mga
pangyayari na
nabanggit
- Nangailangan
ng 3-4 na tulong
upang maalala
ang mga bahagi
ng kuwento -
Hindi malinaw
ang mga
pangyayari sa
kuwento
-
Nagbigay ng
kakaunting
detalye sa
kuwento
-
Ang pagtulong
na ibinigay ay
hindi sapat
upang
maisalaysay
nang ayos at
wasto ang
napakinggang
kuwento Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng timeline ng isang napakinggang kuwento.
Ipakita ito sa kaklase at hayaang isalaysay niya ang mga ito nang may wastong
pagkakasunod-sunod.
Ikalawang Araw
Layunin
Napag-uugnay ang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang talata
Paksang-Aralin
Sanhi at Bunga
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong sa mga bata ang dahilan kung bakit nagiging makalat sa loob ng silidaralan.
Itanong din sa kanila ang magiging bunga kung hindi lilinisin ang mga kalat na ito.
2. Paglalahad
Itanong:
Ano ang pumapasok sa isipan sa salitang ilog?
Bakit dapat mapanatiling malinis ang ating mga ilog?
Ipabasa ang kuwento ni “Mariang Tilapya” sa Alamin Natin, p. 111.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino ang may-akda nito?
Saan naganap ang kuwento?
Sino-sino ang tauhan?
Ilarawan ang bawat isa.
Ano ang unang pangyayari sa kuwento?
Ano ang sumunod na pangyayari?
Ano ang huling pangyayari sa kuwento?
Ipagawa nang pangkatan. Bigyan ang bawat pangkat ng organizer.
DRAFT
April 10,2014
Sanhi
Sanhi
Bunga
Ano ang
suliranin
nina
Mariang
Tilapya?
Bunga
Sanhi
209 Bunga
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Sanhi
Sanhi
Bunga
Paano
nasolusyonan
ang suliranin
nina Mariang
Tilapya?
Bunga
Bunga
Sanhi
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Ano ang ibig sabihin ng sanhi? Bunga?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin p. 112.
Matapos ang nakalaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa natapos na
gawain.
Ano-ano ang kilos na naganap sa kuwento?
Ano ang dahilan ng bawat pagkilos?
Ano ang naging sanhi nito?
5. Paglalahat
Ano ang sanhi? Ano ang bunga?
Ang sanhi ay ang dahilan ng kilos o pangyayaring naganap.
Ang bunga naman ay ang epekto ng kilos o pangyayaring naganap.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 113.
Pag-uulat ng sagot sa natapos na gawain.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Paksang-Aralin
Pang-abay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Itanong: Ano-ano ang ginagawa mo sa bahay?
Ipagawa sa mga bata sa pamamagitan ng pagkilos ang sagot sa tanong.
Itanong habang isinasagawa ng ibang bata ang kilos.
Paano isinagawa ang kilos?
2. Paglalahad
Ano ang problema ni Mariang Tilapya?
Nabigyan ba ito ng solusyon?
Paano?
Ipabasang muli ang kuwentong “Si Mariang Tilapya” sa p. 111.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong: Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa kuwentong binasa?
210 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipatala ang mga sagot sa pisara.
Paano ito isinagawa sa kuwento?
Ipabasa ang mga itinalang salita.
Alin sa mga ito ang nagsasabi ng kilos? Naglalarawan ng kilos?
Ipahanap sa kuwento ang sasagot sa:
Anong salita ang naglalarawan kung paano
- naglakad si Rosa?
- hinanap ni Rosa ang munting tinig?
- nagising si Rosa?
- napangiti si Rosa?
Ipabasa ang mga salitang isinagot sa mga tanong na ibinigay.
Ano ang ginagawa ng mga salitang ito sa pangungusap? Sa pandiwa?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 114.
Isunod ang pag-uulat sa natapos na gawain.
Ano-anong pang-abay ang ginamit sa kuwento?
5. Paglalahat
Ano ang pang-abay?
Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa kilos o gawi.
6. Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 117.
Ipasuri ang mga larawan. Pagawain ang mga bata ng isang pangungusap na
maglalarawan ng kilos sa larawan.
Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyon o
datos na kailangan
Paksang-Aralin
Paggamit ng Balangkas sa Pagtatala ng Impormasyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Magparinig ng isang balita sa mga bata.
Ano-ano ang mahahalagang detalye na napakinggan?
Paano mo ito natandaan?
2. Paglalahad
Pangkat-pangkatin ang klase.
Ipagawa ang nakasulat sa activity sheet na matatanggap.
Punan ang hinihingi ng graphic organizer batay sa kuwentong “Mariang Tilapya.”
211 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
I–
Tagpuan
Tauhan
Suliranin
Pamagat
Solusyon
Aral
II –
DRAFT
April 10,2014
Pamagat
Huling
Pangyayari
Gitnang
Pangyayari
Unang
Pangyayari
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Ano ang kahalagahan ng paggamit ng nakalarawang balangkas sa pagtatala ng mga
impormasyong kailangan?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, 115.
Ipatala ang mahahalagang impormasyon na makukuha dito.
Pag-uulat ng sagot sa natapos na gawain.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Ang nakalarawang balangkas ay ginagamit sa pagtatala ng impormasyon o datos na
kailangan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 116.
212 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Salungguhitan ng isa ang bahaging nagpapahayag ng sanhi at dalawa ang nagpapahayag ng
bunga sa mga pangyayari.
1. Dahil sa walang tigil na pag-ulan kaya bumaha sa kapatagan.
2. Mataas ang marka ni Harold dahil masipag siyang mag-aral.
3. Nabali ang sanga ng mga puno sa lakas ng hangin kahapon.
4. Masayang umuwi ang mga manlalaro dahil nanalo sila.
5. Nabusog ang mga bata sa masarap na handa ng kaniyang kamag-aaral.
Bilugan ang pang-abay sa pangungusap.
6. Siya ay mabagal kumilos kaya naiwan ng barkada niya.
7. Pasuray-suray lumakad ang lasing na nakita ko.
8. Sumagot sila nang pasigaw sa guro kaya naparusahan.
9. Kami ay payukong lumakad para hindi mauntog.
10. Ang mga bata ay matuling umakyat sa puno ng bayabas.
Aralin 29
Ipagmalaki Natin
DRAFT
April 10,2014
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento
Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggang balita
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para sa
Pag-unawa sa Binasa
Nababasa ang mga salitang klaster at may diptonggo
Nakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang salita na nananatili
ang kahulugan
Komposisyon
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
katutubo, salitang hiram, mga salitang dinaglat
Nakasusulat ng isang talata nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit
na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa, isyu
Paunang Pagtataya
Ano ang naramdaman mo sa pagbasa ng kuwento ni “Mariang Tilapya?”
Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol dito.
213 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento
Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggang balita
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Sariling Wakas sa Napakinggang Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang magagandang tanawin. Papiliin ang mga bata kung aling tanawin ang
nais nilang puntahan. Sabihin kung bakit nila nais itong puntahan.
Ano-ano ang magagandang tanawin na makikita sa ating bansa?
Ipabigay pa ang ibang nalalaman ng ibang bata.
2. Paglalahad
Itanong:
Anong lugar na ang napasyalan mo?
Hayaang magbahagi ang ilang bata ng kanilang karanasan.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Bakit kaya lakbay-aral?
Isulat ang mga sagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
Lakbay-Aral
DRAFT
April 10,2014
ni Florenda B. Cardinoza
Oktubre 19, 2013 ang araw na pinakahihintay ni Marc. Pinayagan siya ng
kanyang ina na sumama sa field trip ng kanilang paaralan.
“Marc matulog ka na ngayon at huwag mong kalilimutang isuot ang iyong
pajama. Maaga kayong aalis bukas,” wika ng kanyang ina.
“Opo, Inay” ang mahinahong sagot niya.
Kinabukasan, maagang gumising si Marc. Inihanda na ng kaniyang ina ang
dadalhin niyang mga baon tulad ng spaghetti, sandwich na may palaman na keso.
Pinadala rin ang cellphone niya.
“Marc mag-ingat ka at huwag lalayo sa mga kaklase mo, ” ang bilin at
paalala ng kaniyang ina.
“Opo, Inay, iingatan ko po ang aking sarili,” ang sagot ni Marc.
Una nilang pinuntahan ang Pambansang Museo at dito niya nakita ang
magagandang tanawin sa ating bansa. Habang sila ay naglalakad, natanaw niya ang
malalaking picture frame na nakasabit at may nakaukit.
“Wow! Ang ganda talaga ng Pilipinas!” wika ni Marc.
“Dito matatagpuan ang Bulkang Mayon, Boracay na may pinong buhangin,
Hagdan-hagdang Palayan na ginawa ng mga ninuno, Underground River sa
Palawan, at marami pang iba. Narito rin ang iba’t ibang pera ng ating bansa na may
mga larawan ng mga taong nagbigay ng karangalan sa ating bansa tulad nina Juan
Luna, Sen. Ninoy Aquino at kaniyang asawa na si Pang. Cory Aquino, Jose Rizal,
Emilio Aguinaldo, at marami pang iba.
214 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
“Dapat nating ingatan at ipagmalaki sa iba,” wika ni Dino, ang kaniyang
kaklase.
“Oo nga, bukod sa mga magagandang tanawin na iyan at kilalang Pilipino,”
napatigil si Marc sa paglalakad at napabuntong-hininga naalaala pala niya ang
kaniyang ama.
“Marami na ring mga Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa ating bansa,
tulad ng tatay ko na nagtatrabaho sa ibang bansa. Saludo ako sa kaniya,” wika ni
Marc.
Balikan ang tanong na ibinigay bago basahin ng guro ang kuwento.
Ipabasa ang mga sagot ng mga bata.
Itanong:
Tama ba ang hula mo?
Ipagawa nang pangkatan.
I – Iguhit ang mga lugar na binanggit sa kuwento
II – Isadula ang wakas ng kuwento
III – Kumpletuhin ang graphic organizer.
Wakas
DRAFT
April 10,2014
Gitna
Simula
Itanong:
Ano ang pamagat ng kuwento?
(Tawagin ang pangkat na sumagot nito.)
Saan naganap ang kuwento?
(Tawagin ang pangkat na sumagot nito.)
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na sumagot nito.)
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Panggitna? Panghuli?
(Tawagin ang pangkat na sumagot nito.)
Ano-anong mga lugar ang nabanggit sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na sumagot nito.)
Sino-sino ang mga nabanggit na Pilipino sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na sumagot nito.)
Dapat ba silang ipagmalaki? Bakit?
Ano-ano pa ang dapat nating ipagmalaki sa ating bansa?
Paano mo ipagmamalaki ang ating bansa?
215 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayamang Gawain
Ipasadula sa bawat pangkat ang napagkasunduang wakas ng napakinggang
kuwento.
Pagsasadula ng bawat pangkat.
Talakayin ang ipinakita ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Sabihin din sa kanila na humanda para ipakita ito sa harap ng klase.
Pangkat-pangkatin ang klase.
Tumawag ng isang bata at ipakuwento ang karanasan niya sa lakbay-aral.
Ano-ano ang nararamdaman ng isang taong nakapagbigay ng karangalan sa ating
bansa?
Kung ikaw ay hindi pa nakaranas na ipagmalaki ang bansang Pilipinas sa iba, ano
ang gagawin mo?
Ikalawang Araw
Layunin
Nababasa ang mga salitang klaster at may diptonggo
Paksang-Aralin
Mga Salitang may Klaster at Diptonggo
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Dugtungan.
Sabihin... Pinayagan si Marc na sumama sa field trip.
Tumawag ng ilang bata na magdudugtong sa kuwento hanggang sa matapos ito.
2. Paglalahad
Saan-saang lugar sa Pilipinas ang nais mong marating?
Bakit nais mong makarating dito?
Ipabasa “ Sakay Na,” pp. 116 – 117.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Bakit “Sakay Na” ang pamagat ng teksto?
Saan-saang lugar nagpunta ang dyip?
Ilarawan ang bawat lugar na binanggit.
Ipaturo ito sa mapa.
Ipakita ang mga inihandang larawan ng mga lugar na nabanggit.
Pag-usapan ang mga makikita sa larawan.
Alin sa mga ito ang nais mong marating? Ipaliwanag ang dahilan.
Ipabasa muli ang teksto. Ipatala ang mga salitang may klaster at diptonggo.
Ipabasa ang mga itinalang salita. Ipasulat ito sa pisara.
Ipabasa ang mga salita sa pisara.
Ano-ano ang salitang may klaster? May diptonggo?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin p. 117-118.
DRAFT
April 10,2014
216 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang salitang may klaster? May diptonggo?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin p 119.
Bigyang-puna ang natapos na sulatin.
Ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat nang wasto.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na tungkol sa, tungkol kay, ayon kay, at ayon sa
Paksang-Aralin
Wastong Gamit ng tungkol sa, tungkol kay, ayon kay, at ayon sa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang mga salitang tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa na nakasulat
sa flash card.
Ipabasa ang mga ito.
Pasulatin ang mga bata ng pangungusap gamit ang mga ito.
Ipabasa ang naisulat na pangungusap.
2. Paglalahad
Magpakita ng isang puting sobre.
Ano kaya ang laman nito?
Pahulaan sa mga bata at isulat ang kanilang sagot sa pisara.
Ipabasa “Puting Sobre, “ pp. 118-119.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang laman ng sobre?
Tama ba ang hula ninyo? Kilalanin ang mga tama ang hula.
Sino ang sumulat ng liham?
Kanino ito ipinadala?
Bakit sumulat si Maricel?
Ano ang ibinalita niya?
Pansinin ang pagkakagamit ng tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa.
Paano ginagamit ang tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin p. 119.
Ipabasa sa mga bata ang sulat na ginawa nila.
Bigyang puna ang pagkakagamit ng mga pang-ukol.
Kung may nakitang mali, itanong sa mga bata kung paano ito iwawasto.
5. Paglalahat
Ano ang pang-ukol?
Pang-ukol ang tawag sa mga salitang kataga, salita, o pariralang nagsasaad ng
kaugnayan ng pangngalan sa iba pang bahagi ng pangungusap.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 119.
DRAFT
April 10,2014
217 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
hiram
Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang
maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Salitang Hiram at Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pasulatin ang mga bata ng limang salitang may salitang katutubo, salitang hiram,
mga salitang dinaglat natutuhan sa naunang aralin. Ipagawa ito sa show-me-board.
Ipabasa ang ginawang talaaan.
Pabigyang puna sa ibang bata ang ipinakitang gawain ng kaklase.
2. Paglalahad
Ipabasa ang “Puting Sobre.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipatala sa mga bata ang mga salitang hiram na ginamit dito.
Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Isulat sa pisara nang may wastong baybay.
Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap ang bawat salita.
Ipabasang muli ang mga salita.
Itanong:
Paano binibigkas ang mga hiram na salita?
Paano isinusulat ang mga hiram na salita?
Ipabasang muli ang “Puting Sobre.”
Paano isinulat ang talata?
Paano isinulat ang pangungusap?
Ano-anong bantas ang ginamit?
Ano ang ipinahihiwatig nito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 120.
5. Paglalahat
Paano isinusulat ang mga hiram na salita?
Binibigkas ang mga salitang ito ayon sa bigkas sa wikang Ingles.
Isinusulat ang mga salitang hiram sa dating alpabeto at marami ring salitang hiram
na hindi binabago ang baybay.
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 120.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang talata tungkol sa isang karanasan sa paglalakbay o
pamamasyal. Paguhitan ang mga salitang may klaster. Bilugan ang salitang hiram.
218 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 30
Ikarangal Natin
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para sa
Pag-unawa sa Binasa
Naibibigay ang lagom ng binasang teksto
Kasanayan sa Aklat at Limbag
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at
pagkakaiba batay sa tema
Komposisyon
Nakasusulat ng isang talatang nagsasalaysay
Paunang Pagtataya
Ipabasa ang “Mariang Tilapya.”
Magpasulat ng isang talata na may dalawa hanggang apat na pangungusap bilang buod
nito.
DRAFT
April 10,2014
Unang Araw
Layunin
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Katumbas ng Napakinggang Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipagawa sa mga bata ang Travel Planner.
Ipasulat sa isang papel ang limang lugar sa Pilipinas na nais nilang puntahan.
Ipabasa sa mga bata ang ginawang talaan.
Ipaturo sa mapa ng Pilipinas kung saan makikita ang mga tinukoy na lugar.
(Gabayan ang mga bata sa pagtukoy ng lokasyon ng mga piniling lugar.)
2. Paglalahad
Itanong:
Anong lugar na ang napasyalan mo?
Hayaang magbahagi ang ilang mga bata ng kanilang karanasan.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong:
Bakit kaya kakaibang paglalakbay ang pamagat ng kuwento?
Isulat ang mga sagot ng mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
219 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Kakaibang Paglalakbay
Angelika D. Jabines
Magmula nang magkaisip ako, lagi kong nakikita si Tatay na pumupunta sa
aming bodega sa likod-bahay. Pero hindi ako nagtanong kung bakit siya laging
naroon. Ang natatandaan ko lang, sa araw ding iyon, magkukuwento siya sa akin
tungkol sa magagandang lugar, natatanging tao, mga kaugalian at kung ano-ano
pang tungkol sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Dahil sa kaniya, nalaman ko tuloy ang mas maraming kuwento tungkol sa
Pagsanjan Falls sa Laguna, sa Maria Cristina Falls sa Mindanao, sa Krus ni
Magellan sa Cebu at marami pang lugar sa bansa.
Ikinuwento rin niya sa akin tungkol sa hari ng Pinoy Komiks na si Carlo
Caparas, kay Nick Joaquin na ating Pambansang Alagad ng Sining para sa
Literatura at marami pang Pilipinong may katangi-tanging ambag sa ating bansa.
Sa kaniya ko rin nakilala ang iba’t ibang sayaw, laro, okasyon, kaugalian na
hindi pa naituturo ni Teacher.
Ang dami talagang nalalaman ni Tatay!
Pero halos mag-iisang buwan na, hindi ko na nakikita si Tatay sa bodega.
Hindi na rin siya nagkukuwento. Dinapuan kasi siya ng sakit at kailangan niyang
tumigil sa ospital. Miss na miss ko na si Tatay.
Sa pag-uwi ni Nanay pagkagaling ng ospital, may bilin daw sa akin si Tatay.
Kaya pumunta ako sa bodega. Sa lugar kung saan laging pumupunta si
Tatay. Doon ko nakita ang isang kahon na may nakalagay na pangalan ko. Binuksan
ko ito. Ang daming selyo. Iba’t ibang selyo ng Pilipinas at ng ibang bansa.
Binuklat ko ito isa-isa. Dito pala kumukuha ng kuwento si Tatay. At
ngayon parang katabi ko pa rin si Tatay hanggang sa aking pagtulog.
DRAFT
April 10,2014
Balikan ang tanong na ibinigay bago basahin ng guro ang kuwento.
Ipabasa ang mga sagot ng mga bata.
Itanong:
Tama ba ang hula mo?
Ipagawa nang pangkatan.
I – Iguhit ang mga lugar na binanggit sa kuwento.
II – Gumawa ng name tag ng mga tao na nabanggit sa kuwento.
III – Kumpletuhin ang graphic organizer.
Mga Pangyayari
Pamagat
Tagpuan
220 Mga Tauhan
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong
Ano ang pamagat ng kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa nito.)
Saan naganap ang kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa nito.)
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa nito.)
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Panggitna? Panghuli?
(Tawagin ang pangkat na gumawa nito.)
Ano-anong mga lugar ang nabanggit sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa nito.)
Saan makikita ang bawat isa?
Ipaturo sa mga bata ang lokasyon nito sa mapa ng Pilipinas.
Ipadikit sa mga bata ang iginuhit na larawan sa tamang lokasyon nito sa mapa.
Sino-sino ang mga nabanggit na Pilipino sa kuwento?
(Tawagin ang pangkat na gumawa nito.)
Dapat ba silang ipagmalaki? Bakit?
Ano-ano pa ang dapat nating ipagmalaki sa ating bansa?
Paano mo ipagmamalaki ang ating bansa?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Pabilugin ang mga bata kasama ang kanilang pangkat.
Bigyan ang bawat isa ng oras upang makapagkuwento sa mga kasama ng isang
karanasang hindi niya malilimutan tungkol sa kaniya at sa sinumang miyembro ng
kaniyang pamilya.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Sabihin sa mga bata na magbabahagi sila ng isang karanasan nila sa pamamasyal sa
isang magandang lugar sa pamamagitan ng pagguhit.
Sabihin din sa kanila na humandang ipakita ito sa harap ng klase.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Naibibigay ang buod ng binasang teksto
Paksang-Aralin
Pagbubuod ng Binasang Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakuwento sa mga bata ang napakinggang kuwento noong unang araw sa
pamamagitan ng tatlo hanggang apat na pangungusap.
2. Paglalahad
Paano mo ipinagmamalaki na ikaw ay isang Pilipino?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang “Kayamanan sa Pagsulat,” p. 120.
221 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Itanong:
Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
Saan-saan ginagamit ang tula?
Paano naisasalin sa mga bata ang kultura sa pamamagitan ng tula?
Paano mo ikararangal ang pagiging mayaman ng Pilipinas?
Ano ang pangunahing ideya ng teksto?
Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na nakuha sa teksto?
Ipatala ang mga ito sa mga bata.
Ipabasa ang mga pangungusap na isinulat.
Sa pamamagitan ng mga pangungusap, gabayan ang mga bata na makagawa ng
isang paglalagom tungkol sa binasang teksto.
Pasundan ang pattern.
Ang ____________ ay tungkol sa ____________________. Ayon sa teksto,
ang _____________________________, ______________________,
_______________ at _______________________.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang Linangin Natin, p. 121.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng natapos na gawain.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng buod ng isang teksto?
Ang buod ng isang teksto ay ang pinaikling nilalaman ng isang kuwento o
babasahin. Ito ay maaaring tatlo o higit pang pangungusap.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 121.
Matapos ang inilaang oras, ipabahagi ang buod na natapos.
Bigyang-puna ang pagkakasulat nito. Ibalik sa mga bata upang muling maisulat.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para sa
Paksang-Aralin
Wastong Gamit ng laban sa, Ayon sa, at Para sa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa?
Pasulatin ang mga bata ng pangungusap gamit ang mga ito.
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Kayamanan sa Lapis.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pasulatin ang mga bata ng mga pangungusap batay sa binasang teksto.
Ipagamit ang laban sa, ayon sa, at para sa?
Ipabasa sa mga bata ang sinulat na pangungusap.
Itanong:
Tama ba ang pagkakagamit ng laban sa? Ayon sa? Para sa?
Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa?
222 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipabasang muli ang mga pangungusap na ginamit sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang pagkakagamit ng pang-ukol?
Paano iwawasto ang mga mali?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 122.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sagot.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang dugtungan sa Pagyamanin Natin, p. 122.
Ikaapat na Araw
Layunin
Napagsasama ang mga dalawang pantig upang makabuo ng salitang may klaster
Nakasusulat ng isang talatang nagsasalaysay
Paksang-Aralin
Mga Salitang May Klaster
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pasulatin ang mga bata ng limang salitang may klaster.
Ipabasa ang ginawang talaaan.
Itanong:
Ano ang klaster sa bawat salita?
2. Paglalahad
Ipabasa ang “Kayamanan sa Pagsulat.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipatala sa mga bata ang mga salitang may klaster na ginamit sa teksto.
Linangin ang bawat salita.
Ipagamit sa sariling pangungusap ang bawat salita.
Ipabasang muli ang mga salita.
Itanong:
Ilang pantig ang bumubuo sa bawat salita?
Ano-anong pantig ang bumubuo sa bawat salita?
Ano ang klaster sa bawat salita?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 122.
Bigyang-puna ang naisulat na talata matapos itong maibahagi sa klase.
5. Paglalahat
Ano ang salitang may klaster?
Ang klaster ay dalawang katinig na magkadikit sa isang pantig. Ito ay tinatawag
ding kambal-katinig.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 123.
DRAFT
April 10,2014
223 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Ipasipi sa mga bata at paguhitan ang lahat na pang-ukol na ginamit.
Lahat ng bata ay kinukumbinsi ng kanilang mga magulang at guro na mag-aral
upang magkaroon ng maayos na buhay. Batay sa datos ng pamahalaan hindi lahat ng bata
sa ngayon ay nagsisikap makapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay ng iba nating
mamamayan. Sa kabila nito maraming programa laban sa kahirapan ang patuloy na
ipinapatupad ng ating pamahalaan kaya ang mga bata ay nagsusumikap din ayon sa
kanilang kakayahan.
DRAFT
April 10,2014
224 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON
IKATLONG MARKAHAN
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Kaalaman
Nagagamit ang naunang
kaalaman o karanasan sa
napakinggang teksto
Gramatika
1
1
1
1
Nagagamit ang angkop
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Pag-unlad sa Talasalitaan
2
2
2
2-3
Nakagagamit ng mga
1
pahiwatig upang
malaman ang kahulugan
ng mga salita (context
clues)
Kaalaman sa Aklat at Limbag
1
1
4
Nahuhulaan ang
1
nilalaman/paksa ng aklat
sa pamamagitan ng
pahapyaw na pagbasa
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
1
1
5
Naipamamalas ang
paggalang sa ideya,
damdamin, at kultura ng
may-akda ng tekstong
napakinggan o nabasa
Proseso/Kakayahan
2
2
2
6-7
1
1
1
8
Nasasagot ang mga
1
tanong tungkol sa
binasang tekstong pangimpormasyon
Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
1
1
9
Nagagamit ang wika
bilang tugon sa sariling
pangangailangan o
sitwasyon
1
1
10
Mga Layunin
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
KAALAMAN
Pag-unawa sa Napakinggan
DRAFT
April 10,2014
Gramatika
Nagagamit ang angkop
na pagtatanong tungkol
sa mga tao, bagay, lugar
at pangyayari
Pag-unawa sa Binasa
1
225 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Nakikilala na ang
dalawang salita ay
maaaring maging
tambalang salita na
nananatili ang kahulugan
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
Nasasabi ang paksa o
tema ng binasang teksto
Pagsulat at Komposisyon
1
1
1
12
Nagagamit ang malaki at
maliit na letra at mga
bantas sa pagsulat
Pag-unawa sa Napakinggan
1
1
1
13
Nakasusunod sa
panutong may tatlo
hanggang apat na
hakbang
Pang-unawa
1
1
1
14
Mga Layunin
Kaalaman
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
Pag-unlad ng Talasalitaan
11
Pagpapahalaga sa Wika at Literasi
DRAFT
April 10,2014
Nakadarama ng
pagbabago sa sariling
damdamin ay pananaw
batay sa binasang teksto
Pag-unawa sa Napakinggan
2
1
1
15
Nakasusunod sa
panutong may tatlo
hanggang apat na
hakbang
Kamalayang Ponolohiya
1
1
1
16
Nakapagbibigay ng mga
salitang magkakatugma
Pag-unlad ng Talasalitaan
1
1
1
17
Nakagagamit ng mga
palatandaang nagbibigay
ng pahiwatig (context
clues) upang maibigay
ang kahulugan ng salita
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
18
Naibibigay ang mga
sumusuportang kaisipan
sa pangunahing kaisipan
ng binasang teksto
Pagsulat at Pagbabaybay
1
1
1
19
Nagagamit ang wastong
bantas, malaki at maliit
na letra sa pagsulat
Pag-unawa sa Napakinggan
1
1
1
20
Napagsusunod-sunod ang
mga pangyayari sa
kuwentong napakinggan
2
4
4
21-24
Antas ng Pagtatasa
226 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Nakasusulat ng isang tula
na may tamang tema at
tugma
Pag-unawa sa Napakinggan
3
8
8
Nakapagbibigay ng
sariling wakas sa
napakinggang kuwento
KABUUAN
4
8
8
35
40
Mga Layunin
Kaalaman
Proseso/
Kakayahan
Pangunawa
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
Produkto/Pagganap
Komposisyon
25-32
33-40
40
DRAFT
April 10,2014
227 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng sagot.
Pag-aalaga ng mga Hayop
Modesta R. Jaurigue
Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba ng bahay si Mang Carlos upang
pumunta sa likod-bahay. Doon, makikita ang kaniyang inaalagaang iba’t ibang alagang
hayop. May mga bibe, manok, kambing at mga baboy. Ito ang nagsisilbi niyang libangan
mula nang tumigil siya sa pagiging kawani ng gobyerno sa edad na animnapu at lima. Dito
lumalakas ang kaniyang katawan at nagsisilbing ehersisyo sa araw-araw. Bukod dito,
nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita.
1. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos?
A. Paghahalaman
C. Pagtitinda
B. Paghahayupan
D. Pangingisda
2. Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?
A. sa harapan ng bahay
C. sa likuran ng bahay
B. sa may bakanteng lote
D. sa may tumana
3. Pag-aalaga ng hayop ang nagsilbing libangan ni ______.
A. Mang Oscar
C. Mang Rey
B. Mang Carlos
D. Mang Cesar
4. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita. Ang kahulugan ng
salitang may salungguhit ay _____.
A. trabaho/ pinagkakakitaan
C. ehersisyo
B. libangan
D. aralin
5. Ang paksa ng talata ay ______.
A. paghahanapbuhay
C. pangingisda
B. pagtitinda ng mga Produkto
D. pag-aalaga ng hayop
6. Anong ugali ang ipinakita ni Mang Carlos sa kuwento?
A. Pagkamatapat
C. Pagkamaalaga
B. Pagkamapagbigay
D. Pagkamapagkakatiwalaan
7. Paano kaya inaalagan ni Mang Carlos ang kaniyang mga hayop?
A. pinakakain nang mabuti
C. nililinis na mabuti ang tirahan nito
B. pinaiinum nang tama
D. lahat ng nabanggit
DRAFT
April 10,2014
Pagtupad sa Pangarap
ni Modesta R. Jaurigue
Bata pa lamang si Marlon ay pangarap na niyang makatapos ng kursong
inhinyero. Bagamat ulila na siya sa mga magulang ay hindi ito naging hadlang
upang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa yelohan
sa piyer simula dapithapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng
madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga.
Hindi kaagad siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang kaya sa gulang
na labindalawa ay nasa ikatlong baitang pa siya pero hindi niya ito ikinahihiya
bagkus mas lalo pa siyang nagiging pursigido sa pag-aaral.
228 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
8. Anong uri ng mag-aaral si Marlon?
A. masikap
C. magalang
B. matapat
D. maalalahanin
9. Bakit kaya hindi pinag-aral agad si Marlon ng kanyang mga magulang?
A. Mag-aalaga sa mga kapatid
C. Kapos sa pera
B. Dahil hindi pa handang mag-aral
D. Hindi sila bilib kay Marlon
10. Kung ikaw si Marlon, ano ang gagawin mo?
A. Magtatrabaho na lamang upang kumita ng pera
B. Ipagpapatuloy ang pag-aaral habang nagtatrabaho
C. Tumigil muna sa pag-aaral.
D. Humanap ng taong susuporta sa pag-aaral.
11. Ikahon ang dalawang tambalang-salita mababasa sa pangungusap.
Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapit-hapon hanggang alas
8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00
ng umaga.
12. Ang talata ay tungkol sa ______.
A. Pagtatrabaho ni Marlon
C. Pagsisikap sa pag-aaral
B. Pagiging ulila sa magulang
D. Pagsuko sa buhay
13. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang tao?
A. Nakatutulong sa pag-unlad ng tao
C.Nagkakaroon ng magandang trabaho
B. Nabubuo ang tiwala sa sarili
D.Lahat ng nabanggit
14. Sundin ang panuto:
Magdrowing ng dalawang bilog
Sa isang bilog isulat ang pangarap ni Marlon.
Sa pangalawang bilog naman ay ang dapat niyang gawin upang matupad
iyon.
DRAFT
April 10,2014
Biyaya ng Maykapal
ni Modesta R. Jaurigue
Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan,
Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan,
Nagbibigay-halaga sa kagandahang taglay,
At dulot nitong yaman sa bawat nilalang.
Atin laging isaisip, kapakanan ng kapaligiran,
Upang tayo’y makinabang, pagdating ng araw,
Iya’y adhikain ng Poong Maykapal,
Ang maibigay sa atin, biyaya ng kalikasan.
15. Bakit dapat pangalagaan ang kalikasan?
A. Nagbibigay ganda sa kapaligiran
B. Nagdudulot ng yaman sa mga tao
229 C. Regalo ito ng Diyos
D. lahat ng nabanggit
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
16. Gumuhit ng isang bilog at isulat sa gitna ang biyayang ating natatanggap sa
kalikasan.
17. Guhitan ang katugma sa ikalawang linya ng salitang may salungguhit
Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan,
Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan.
18. Iya’y adhikain ng Poong Maykapal. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit
ay:
A. layunin
C. pangako
B. dasal
D. sumpa
19. Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa ating kalikasan?
A. Pagtatapon ng basura kahit saan
C. Pagtatanim ng puno at
halaman
B. Pagsusunog ng mga plastik, styro at iba pa
D. Paggamit ng plastik
20. Isulat ng tama ang lipon ng mga salita na may wastong bantas.
aba kaygandang pagmasdan na ating kalikasan
21-24 Pagsunud-sunurin ang mga ideya tungkol sa pagtatanim ng halaman. Isulat na
muli sa patlang.
A. Itanim ang halaman sa parteng hapon upang hindi malanta.
B. Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan.
C. Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng saging
kung araw.
D. Bungkalin ang pagtataniman ng lupa at pinuhin ito.
DRAFT
April 10,2014
PRODUKTO/ PAGGANAP
Gumawa ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap matapos
basahin ang kuwento.
Ang Magkakaibigan
Magsasaliksik ang magkakaibigan na Criselle, Dexter, Brando, at Gracia. Sumakay
sila sa dyip ni Mang Primo.
“Mamang Primo, para na po diyan sa tapat ng Premiere Restaurant.”
Nang pumasok sila sa computer shop, maraming estudyante ang gumagamit ng
computer. Sa isang tabi, nakita nila si Trisha na nagpi-print ng pina-scan ng isang magaaral.
“Oy mga bata, nandito pala kayo. Ano ba ang gagawin ninyo?” tanong ni Aling
Gloria.
“Magre-research po kami,” wika ni Gracia.
230 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pamantayan sa Pagsulat
2
Walang paksang
pangungusap.
5
8
Hindi malinaw ang pagkakasulat ng Kumpleto at malinaw ang
paksang pangungusap.
paksang pangungusap.
Hindi magkakaugnay ang May isang pangungusap na walang May pagkakaugnay ang
mga pangungusap.
kaugnayan sa paksang pangungusap. mga pangungusap.
May 3- 4 na salita na mali May 1- 2 na salita na mali ang
ang pagkakabaybay,
pagkakabaybay, pagkakagamit ng
pagkakagamit ng mga
mga malaking letra at bantas.
malaking letra at bantas.
Walang mali ang
pagkakabaybay,
pagkakagamit ng mga
malaking letra at bantas.
Gawaing Pagganap
Makapagbigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwentong “Ang
Magkakaibigan” sa pasalitang pamamaraan. Gagampanan ng bawat pangkat na may 10
mag-aaral. Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “Ang
Magkakaibigan”. Sa loob ng 5 minuto, mag-iisip ang bawat pangkat ng wakas ng kuwento.
DRAFT
April 10,2014
Pamantayan sa Pagsasagawa
PUNTOS
8
5
2
PAMANTAYAN
Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa
pasalitang pamamaraan. Nakagagamit ng malaki at maliit na letra at mga
bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo o salitang hiram. Nakagagamit
ng mga salitang klaster o may diptonggo.
Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa
pasalitang pamamaraan. Nakagagamit nang malaki at maliit na letra at
mga bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo o salitang hiram.
Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa
pasalitang pamamaraan.
231 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
SUSI SA PAGWAWASTO
1. B
2. C
3. B
4. A
5. D
6. C
7. D
8. A
9. C
10. B
11. dapithapon
madaling‐araw 12. C
13. D
inhinyero Magsisikap DRAFT
April 10,2014
14.
o puwedeng tumanggap ng malapit na kasagutan
15. D
16.
pagkain o puwedeng tumanggap ng ibang kasagutan
17. kalikasan, kalinisan
18. A
19. C
20. Aba! Kay gandang pagmasdan ng ating kalikasan.
21-24.
a.
Bungkalin ang lupa na pagtataniman at pinuhin ito.
b.
Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan.
c.
Itanim ang halaman ng parteng hapon upang hindi malanta.
d.
Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng saging
kung araw.
232 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 31
Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nasasagot ang mga tanong ukol sa napakinggang usapan
Gramatika
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar,
at pangyayari
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa balitang binasa
Komposisyon
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan
Paunang Pagtataya
Ipasuri ang larawan. (Ilagay ito sa isang malaking papel o kaya naman ay iguhit
ang larawang ito o gumamit ng anumang larawan na may katulad na paksa.)
DRAFT
April 10,2014
Pasulatin ang mga bata ng dalawang tanong tungkol sa larawan.
Ipabasa ang isinulat na mga tanong.
Ipaskil ang mga papel na pinagsulatan ng mga bata ng tanong upang sila na rin
ang magsuri kung tama o mali ang mga ito sa susunod na aralin.
Unang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan
Paksang-Aralin
Pakikinig sa Isang Usapan
233 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tutukuyin ng mga bata kung kaya o hindi nila kayang gawin ang makikita sa
mga larawang ipakikita.
Kung kaya, tumayo sa tapat ng paskil na KAYA KO at kung hindi naman ay
sa tapat ng HINDI KO KAYA.
Gamitin ang mga larawan na sumusunod. Maaari rin naman na gumamit ng
mga larawan na mayroon na.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang talento.
Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng kanilang talento.
Ano ang ibig sabihin ng salitang talento?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Si Thea
Tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa bahay-ampunan. Dumating na ang
mga mag-aaral sa kalapit na paaralan upang magkaroon ng isang maikling
palatuntunan.
Ilang minuto na lang magsisimula na ang palabas, pero hindi pa rin
dumarating si Nerry. Siya pa naman ang unang kakanta bilang pambukas ng
palatuntunan.
Bb. Hilario : Naku, nasaan na kaya si Nerry?
Magsisimula na tayo, naiinip na ang mga bata.
Bunny
: Opo nga, e. Andito na ang lahat ng magsisiganap
at ang lahat ay handa na. Si Nerry na lang talaga
ang kulang.
Bb. Hilario
: Ano ba ang maganda nating gawin?
Trining
: Alam ko na po, baka puwedeng si Thea na ang
gumanap ng parte ni Nerry. Pag nag-eensayo kasi
tayo lagi ko siyang nakikitang nakikisabay kay Nerry
sa pag-awit.
Malugod na tinanggap ni Thea ang alok ng kaniyang guro at mga
kaibigan. Buong husay siyang umawit sa harap ng mga bata. Lalo siyang
234 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
ginanahan nang makita niya na tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa loob ng
bulwagan.
Sino-sino ang nag-uusap?
Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat?
Ano ang naging suliranin nila?
Ano sa palagay mo ang nangyari kay Nerry?
Paano nabigyan ng solusyon ang kanilang suliranin?
Paano mo ilalarawan si Thea?
Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Thea? Ipaliwanag ang sagot.
Paano mo ibabahagi sa iba ang iyong talento?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Paghandain ang bawat pangkat ng isang usapan tungkol sa kani-kanilang
talento o kakayahan.
Tawagin ang bawat pangkat upang iparinig ang kanilang usapan.
Magtanong sa mga bata tungkol sa napakinggang usapan.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa araling ito ang pagsagot nang wasto sa mga tanong tungkol
sa napakinggang usapan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipaulat ang isang usapang napakinggan mula sa mga kaibigan.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa Binasa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang kaya mong gawin?
Hayaang ipakitang-kilos ito ng mga bata.
Tutukuyin ng mga bata ang kilos na ipinakita ng kaklase.
Itanong: Nagagawa ninyo rin ba ito?
2. Paglalahad
Ipasulat sa mga bata sa mapa na nasa pisara ang naaalala nila sa salitang
kariton.
kariton
Ano?
Sino?
235 Iguhit
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3.
4.
Ipabasa at pag-usapan ang mga salitang naisulat ng mga bata sa mapa.
Ipabasa ang pamagat ng teksto sa Alamin Natin, p. 125.
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang “Natatanging Regalo” sa p. 125.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang balitang binasa?
Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto?
Ano ang regalong binanggit sa teksto?
Paano ito dapat gamitin?
Ano ang ibubunga kung gagamitin ito nang tama sa sarili? Sa kapwa? Sa
bansa?
Ilarawan ang Pilipino na binanggit sa teksto.
Bakit siya dapat tularan?
Paano mo siya matutularan?
Bakit siya dapat ipagmalaki?
Ano-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba? Paano?
Pagpapayamang Gawain
Pasagutan sa pangkat ang organizer na makikita sa Linangin Natin, p. 126.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Talakayin sa klase ang tamang sagot sa mga tanong na makikita sa organizer.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa araling ito na masasagot nang wasto ang mga tanong tungkol
sa aking binasa kung uunawain nang mabuti ang nilalaman nito at tatandaan
ang mahahalagang impormasyon na nakapaloob dito.
Karagdagang Pagsasanay
Gumawa ng ilang news room sa loob ng silid-aklatan.
Gumupit ng ilang kopya ng balita. Idikit ito sa manila paper at sulatan ng
limang tanong.
Ipaskil ang mga ito sa loob ng silid.
Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 126.
Papiliin sila ng isang news room. Ipabasa ang balitang nakapaskil dito at
pasagutan din ang inihandang katanungan.
Matapos ang ilang minuto, bigyan ng hudyat ang bawat pangkat na makapunta
naman sa ibang news room.
Gawin ito hanggang sa makabalik sa orihinal na news room ang bawat
pangkat.
Matapos ang inilaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa mga tanong
na binasa sa news room na unang napuntahan.
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.
DRAFT
April 10,2014
5.
6.
236 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at
pangyayari
Paksang-Aralin
Wastong Pagtatanong
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang pumili ang mga bata ng isang bagay o larawan mula sa kanilang
gamit.
Pagbigayin sila ng isang tanong at pasagutan sa isang kaklase.
Isulat sa pisara ang tanong na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga tanong na isinulat sa pisara.
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang teskto na nasa Alamin Natin, p. 125.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang tanong na ginawa ng mga bata tungkol sa kanilang binasa.
Isulat ang mga ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Paano sinimulan ang mga tanong?
Paano ito tinapos?
Ano-anong salita ang ginamit upang simulan ang tanong?
Kailan ginagamit ang ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan?
Ano ang sagot na ibinibigay sa tanong na nagsisimula sa ano? Saan? Sino?
Kailan? Ilan?
Ano ang ibig sabihin kapag ang ano/saan/sino ay inuulit?
Balikan ang mga tanong na ibinigay sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang pagkakagawa ng mga ito?
Ano ang dapat tandaan kapag magtatanong sa ibang tao?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipabasa ang mga ito at tumawag ng ibang bata upang sagutin ito.
Talakayin kung tama ang pagkakagawa ng mga tanong.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagtatanong?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.127.
Pag-uulat ng sagot sa pagsasanay.
Pabigyang-puna ang ginawang tanong ng mga bata sa kanilang kaklase.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan
237 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paksang-Aralin
Pagsipi ng mga Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang pangkalahatang sanggunian?
Anong impormasyon ang makukuha sa bawat isa?
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang talata sa Pagyamanin Natin, p. 131.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang tinutukoy na natatanging regalo?
Paano ito dapat gamitin?
Bakit kailangang ibahagi ang mga ito?
Paano mo mapapaunlad ang kakayahan mo?
Ipabasa muli ang “Natatanging Regalo.”
Ano ang pamagat nito?
Paano ito isinulat?
Ilang talata ang bumubuo dito?
Paano sinisimulan ang talata?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127.
Ipasuri ang natapos na gawain gamit ang rubric sa Patnubay ng Guro, p. 170.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 128.
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang maisagawa ang mga ito.
Matapos ito, bigyang-puna ang sagot na ipapasa ng mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Magpatukoy ng isang natatanging Pilipino na nais makapanayam ng mga bata.
Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang magbasa tungkol sa napiling
natatanging Pilipino.
Magpagawa ng tatlong tanong na nais ibigay ng mga bata sa natatanging
Pilipinong nais nilang
makapanayam.
Ipagamit ang format na ito.
Pamagat ng Binasa
Sanggunian
Siniping talata mula sa binasa
238 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Aralin 32
Batang Pinoy Ako, Matatag Ako
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Gramatika
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Pag-unawa sa Binasa
Nasasagot ang tanong na bakit at paano
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Komposisyon
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan
Paunang Pagtataya
Pag-usapan ang larawan na nasa gitna.
Pasulatin ang mga bata ng tanong na nagsisimula sa paano at bakit.
DRAFT
April 10,2014
Bakit?
Paano?
Ipabasa sa mga bata ang nakasulat na mga tanong.
Unang Araw
Layunin
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento
Paksang-Aralin
Pagbuo ng Katumbas na Kuwento
Panlinang na Gawain
1.
Tukoy-Alam
A. Magdikta ng mga limang salita na natutuhan ng mga bata sa mga aralin.
Tingnan kung tama ang pagkakabaybay nila.
(Gawin ang Horn Method sa linggong ito. Bago simulan ang klase sa
araw-araw.
Lunes – pre-test
Martes – ituro ang mga salita
239 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Miyerkules – test
Huwebes – muling ituro ang mga salita sa unang araw
Biyernes – mastery test)
B. Nakaranas ka na hindi makasali sa isang paglalaro ng mga kaibigan?
Ano ang naramdaman mo nang mangyari ito?
2. Paglalahad
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
Isulat sa pisara ang magiging sagot ng mga bata.
Hula Ko…
Hula Hula
Tunay
na Tunay na
Nangyari Nangyari
Hula Tunay na Tunay na
Nangyari Nangyari
Hula DRAFT
April 10,2014
Basahin ang kuwento sa mga bata.
Pastol Man ay Mabuti Rin
(Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3, St. Mary’s Publishing House)
“Juan, bakit ka masaya?” tanong ng kaniyang nanay nang umuwi
si Juan isang hapong iyon.
“Kasali po ako sa dula-dulaan namin sa paaralan para sa Pasko,”
sagot ni Juan.
“Anong papel ang iyong gagampanan sa dula-dulaan?” tanong
ng Nanay.
“Hindi ko po alam. Bukas pa po ibibigay ng guro ang aming mga
papel.”
Masayang-masaya si Juan nang matulog. Sabik na sabik siyang
malaman ang papel na kaniyang gagampanan sa dula-dulaan.
Kinabukasan, maaga siyang gumising at naghanda sa pagpasok.
Masigla siyang nagpaalam sa kaniyang nanay at saka tumungo sa paaralan.
Natutuwa rin ang kaniyang nanay.
Ngunit malungkot nang umuwi si Juan noong hapong iyon. Matamlay
siyang lumapit sa kaniyang nanay.
“Anong nangyari, Juan? Wala ka bang papel sa dula?”
“Mayroon po, Nanay.”
240 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3.
“Ganoon naman pala. Bakit ka malungkot?”
“Mangyari po, isang pastol ang ibinigay sa aking papel. Ayaw ko po
ng papel na pastol. Ang gusto ko po ay maging anghel. Hindi nila ako
binigyan ng papel na anghel.”
“Alam mo, Juan, hindi natin laging natatamo ang lahat ng ating naisin.
At mainam naman ang papel ng pastol. Mahalaga ang ginampanang papel ng
mga pastol. Hindi ba mga pastol ang nakakita sa tala at sila ang unang
pumunta sa sanggol na Jesus?”
Napangiti si Juan.
“Siyanga po pala, Nanay. Mainam nga ang papel na pastol.”
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Balikan ang organizer na “Hula Ko.”
Ano-ano ang tunay na nangyari sa kuwento?
Pasagutan muli sa mga bata ang organizer.
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino-sino ang tauhan?
Tungkol saan ang kuwento?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Bakit mahalaga ang mga pastol?
Ano ang nangyari kay Juan sa kuwento?
Ano-ano ang damdamin ni Juan sa kuwento?
Ano ang dahilan ng kaniyang mga naging damdamin sa kuwento?
Tama ba ang nagiging damdamin niya?
Paano nagbago ang kaniyang damdamin?
Ano ang mensahe ng kuwento?
Paano mo dapat tanggapin ang pagkabigo?
Pagpapayamang Gawain
May karanasan ka bang tulad ng kay Juan?
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sariling karanasan na katumbas
ng napakinggang kuwento.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay
Iguhit ang tauhan na nais mong gampanan sa dula-dulaan na sinalihan ni Juan.
Matapos ang ilang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit at
bigyan ng paliwanag ang ginawa.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang tanong na bakit at paano tungkol sa binasang teksto
Paksang-Aralin
Pagsagot ng bakit at paano
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Balikan ang kuwento na ipinarinig sa mga bata noong unang araw.
241 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
Itanong:
Bakit masaya si Juan?
Bakit nalungkot si Juan?
Paano napawi ang kaniyang lungkot?
Paglalahad
Ipakuwento sa mga bata ang pag-aalagang ginagawa sa kanila ng mga
magulang.
Ipabasa sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 128-129.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Sino ang bida sa teksto?
Ilarawan siya.
Ano ang katangian ni Kano?
Dapat ba siyang tularan?
Paano ka magiging isa ring Kano?
Isulat ang mga tanong na ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata.
Sa tapat nito, isulat ang sagot na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ito sa mga bata.
Bakit siya naging inspirasyon sa buhay ni Titser Blu?
Paano naging matatag si Kano sa kabila ng mga paghihirap niya?
Ano ang isinasagot sa tanong na bakit? Paano?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 134.
Tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang mga ginawang tanong.
Tama ba ang pagkakagamit ng bakit at paano?
Paglalahat
Ano ang sagot sa tanong na bakit? Paano?
Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata na maisagawa ang Pagyamanin Natin, p. 129.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag
ang kanilang ginawa.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar
at pangyayari
Paksang-Aralin
Paggamit ng Angkop na Pagtatanong
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga papel na may nakasulat na mga salitang natutuhan sa
aralin.
Ipalaro sa mga bata ang “Pinoy Henyo.”
Gabayan ang mga bata na makapagtanong nang maayos upang mahulaan ang
nakasulat sa papel.
242 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Ipagawa ang organizer na makikita sa Alamin Natin, p. 130.
Ipabasang muli ang kuwento ni Kano.
Ipatapos ang organizer na unang ginawa.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pagawain ang bawat pangkat ng klase ng mga tanong tungkol sa binasang
kuwento.
Ipabasa sa bawat pangkat ang ginawa nilang katanungan.
Pasagutan sa ibang pangkat ang ginawang mga tanong.
Ano-anong salita ang ginagamit sa pagtatanong?
Kailan ginagamit ang ano-ano? Sino-sino? Saan-saan? Kailan? Ilan?
Ano pa ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong?
Kailan ito ginagamit?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa ang mga tanong na ginawa ng mga bata. Pabigyang-puna ito sa ibang
bata.
Ipasulat muli ang nagawang tanong.
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 130.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano at sino-sino?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 130.
Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata upang maisulat muli ang mga ito nang
wasto at tama.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan
Paksang-Aralin
Paggamit ng mga Salitang Natutuhan sa Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magdikta ng mga salitang natutuhan ng mga bata kuwento ni Kano.
Ipasulat sa pisara ang mga idiniktang salita.
Tingnan kung tama ang pagkakasulat ng mga ito.
2. Paglalahad
Dalhin ang mga bata sa labas ng silid-aralan.
Papaglaruin ang mga bata ng larong takbuhan.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pagbalik sa loob ng silid-aralan, pag-usapan ang natapos na gawain.
Isulat ang mga pangungusap sa pisara hanggang sa makagawa ng isang talata.
Matapos isulat ang talata, itanong:
May nais pa ba kayong idagdag? Alisin?
Paano isinusulat ang isang talata?
243 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano-anong bantas ang ginamit sa talata?
Ano ang ipinahihiwatig ng mga bantas na ginamit?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasulatin ang mga bata ng sariling talata tungkol sa isang pangyayaring
naobserbahan sa natapos na paglalaro ng klase sa labas ng silid-aralan.
Bigyang-puna ito gamit ang rubric na nasa p. 195.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli sa mga bata ang talata na binigyang-puna ng guro.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na araw. Ipagpatuloy ang
mga hindi natapos.
Aralin 33
Pilipino Ako May Mayamang Kultura
DRAFT
April 10,2014
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang
teksto
Wikang Binibigkas
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Gramatika
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang graph
Paunang Pagtataya
Sumulat ng tatlong pangungusap na naglalarawan ng isang pagdiriwang na
nasaksihan sa sariling pamayanan. Salungguhitan ang ginamit na pang-uri.
Unang araw
Layunin
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang
teksto
Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu
244 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paksang-Aralin
Pagbibigay-Reaksyon sa Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Palakihin ang larawan sa ibaba. Kung hindi naman kaya, gumamit ng larawan
na may katulad na tema.
Ipakita at pag-usapan ito.
Kunin ang reaksyon ng mga bata sa ipinakikita ng larawan.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang kultura.
Ipaguhit sa mga bata ang pagkakaunawa sa salita.
Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng iginuhit.
Pag-usapan ang mga ipinakita ng mga bata.
Ano ang ibig sabihin ng salitang kultura?
Basahin nang malakas.
DRAFT
April 10,2014
Kulturang Pilipino
Ma. Luisa O. Felicia
http://www.emanilapoetry.com
Ang bansa nati’y mayaman sa katutubong wika
Kaya mamamayan nati’y iba-iba ang salita
Ngunit bawat isa nito’y dapat bigyang-halaga
Upang bansa nati’y magkaunawa at lumigaya.
Kung ang bawat Pilipino’y may pagpapahalaga
Sa mga kulturang Pilipinong ating minana
Sa mga ninunong sinauna
Tiyak na lalago ang ating kultura.
Hindi ko naman sinasabing mabubuti ang lahat nito
Ngunit manahin sana natin ang makabubuti sa ating pagkatao
At iwaglit naman ang hindi makabubuti sa tao
Upang sumulong din ang bansa nating mga Pilipino.
245 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ang salitang opo ay nakakalimutan na
Pati na rin ang pagmamano sa mga nakatatanda
Ngunit mga kagawiang ito'y napakaganda
Maipamulat sana natin sa mga bata.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Anong mga salita ang hindi nauunawaan sa napakinggang tula?
Linangin ang bawat salita na mangggagaling sa mga bata.
Ano ang tinatalakay sa napakinggang tula?
Ano ang isinasaad ng unang taludtod? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?
Saan mayaman ang Pilipinas?
Ano-ano ang kultura ng mga Pilipino?
Ano ang mangyayari kung pahahalagahan natin ang ating kultura?
Paano natin mapahahalagahan ang ating kultura?
Ano-anong kultura natin ang nakabubuti sa pag-unlad ng bayan?
4. Pagpapayamang Gawain
Pag-usapan ang sagot nang pangkatan.
Totoo ba na nakalimutan mo na ang paggamit ng po o opo?
Pag-uulat ng bawat pangkat sa napag-usapan sa pangkat.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang paksa o isyu?
6. Karagdagang Pagsasanay
Balikan ang naibigay na reaksyon sa simula ng klase.
Palagyan sa mga bata ng marka ang kani-kanilang sarili.
Gamitin ang rubric na ito.
DRAFT
April 10,2014
4
Naipahayag nang wasto ang
damdamin.
Naipakita ang kaalaman sa
isyu o paksa na pinaguusapan.
Nagamit nang wasto ang
wika sa pagpapahayag ng
sariling kaisipan.
3
2
Ano ang marka na ibinigay mo sa sarili?
Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang dahilan sa pagbibigay ng marka sa
sarili.
246 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasabi ang mga pangyayari sa usapang binasa
Nakapagbabahagi ng sariling kuwento kaugnay ng binasang usapan
Paksang-Aralin
Mga Pangyayari sa Isang Usapan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Nakasali ka na ba sa Santacruzan o sa isang reynahan?
Hayaang pag-usapan ng mga bata ang kanilang karanasan.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang Santacruzan.
Ikuwento kung bakit ito ipinagdiriwang.
Ipakita ang larawan ni Reyna Elena at ni Prinsipe Konstantino.
Sabihin sa mga bata ang mahalagang ginagampanan ng mga ito sa
Santacruzan.
Ipabasa sa mga bata ang usapan sa p. 131.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Bakit kakaiba si Prinsipe Konstantino?
Sino-sino ang nag-uusap?
Ano ang pinag-uusapan nila?
Bakit pinakahihintay ng lahat ang Mayo 31?
Ano-ano ang pangyayari sa usapang napakinggan?
Dapat pa bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito? Pabigyan ng katwiran ang
sagot na ibibigay ng bawat bata na tatawagin.
Paano mo pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa bansa na tulad nito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132.
Pag-usapan ang ibinigay na pangungusap ng tinawag na mga bata.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 132.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit.
Ipabasa rin ang pangungusap na nasulat.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan
Paksang-Aralin
Pang-uri
247 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng flashcard ng mga salita. Siguraduhin na may nakasulat na mga
pang-uri.
Ipabasa ito sa mga bata at tutukuyin din nila kung pang-uri o hindi ang bawat
salita.
2. Paglalahad
Pangkat-pangkatin ang klase.
Ipaguhit sa isang pangkat ang damit para kay Angela at sa isang pangkat
naman ay ang korona na kaniyang gagamitin.
Pagpapakita ng natapos na gawain.
Ipalarawan sa ibang bata ang ipinakitang damit at korona.
Ano ang pang-uri?
Ipagawa ang panuto sa Alamin Natin, p. 132.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang pang-uri na ginamit sa usapan? Itala ang sagot ng mga bata.
Ano ang inilarawan ng bawat isa?
Ipabasang muli ang inilistang mga salita.
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
Tama ba ang pagkakagamit ng pang-uri?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Ano-ano ang pang-uring ginamit?
5. Paglalahat
Ano ang pang-uri?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133.
Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk.
Pag-usapan ang mga nakita. Magpabigay ng isang pang-uri para sa isang
pangngalan na nakita mula sa mga iginuhit.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang graph
Nakabubuo ng sariling graph upang maibigay ang impormasyon na nakalap
Paksang-Aralin
Pagbibigay-kahulugan sa graph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipaawit: “Lubi-lubi”
Pag-usapan ang awit.
2. Paglalahad
Ipabasa muli ang usapan nina Angela at Aiah.
248 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan?
Pabigyang-katwiran ang pagpili na ginawa.
Maghanda ng cut out ng simbolo para sa mga babae at para sa mga lalaki.
(Malaya sa pagpili kung ano ito. )
Itanong muli:
Sino sa mga tauhan sa usapan ang nais mong tularan?
Igawa ng graph ang makukuhang impormasyon .
Ipakita sa mga bata ang paggawa ng pictograph.
Ano ang ipinakikita ng graph?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 133.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng kaniyang isinulat na pangungusap.
5. Paglalahat
Ano ang pictograph?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133.
Pag-uulat ng natapos na gawain.
Tumawag ng ilang bata upang magsabi kung ano ang natutuhan nila sa
nakitang pictograph.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtayaya
Sumulat ng tatlong pangungusap na maglalarawan ng isang prusisyon, reynahan o
parada na maaaring nasaksihan o nasalihan. Ilarawan ito at guhitan ang pang-uri na
ginamit.
Aralin 34
Bata Man Ako, Kaya kong Maging Hero
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan
Gramatika
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan
Kamalayang Ponolohiya
Nakapagbibigay ng salitang magkakatugma
Pag-unawa sa Binasa
Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Pagsulat atPagbabaybay
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutuhan
249 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Komposisyon
Nakakasulat ng isang talata
Paunang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na may magkatugmang salita.
Bilugan ang mga magkakatugmang salita na ginamit.
Ipabasa at ipasulat sa pisara ang natapos na pangungusap.
Unang Araw
Layunin
Naibibigay ang paksa ng tekstong napakinggan
Paksang-Aralin
Paksa ng Tekstong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang ilang larawan ng mga bayani.
Bakit sila naging bayani?
2. Paglalahad
Paano magiging bayani ang isang bata?
Basahin nang malakas.
DRAFT
April 10,2014
Grade 5 pupil, Pinarangalan
Online Balita; Dec. 12, 2011
Itinuring na bayani ang isang Grade V pupil sa nangyaring pagbagsak ng
light cargo plane na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng maraming iba
pa sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City.
Ang pagkilala ay ginawa ni Pangulong Benigno S. Aquino III at
Department of Education (DepEd) matapos nitong iligtas ang isang bata
habang nagaganap ang sunog.
Dinalaw ni DepEd Secretary Armin Luistro sa Makati Medical Center
(MMC) ang estudyanteng si Rodielyn Molina na una nang kinilala ng
Pangulo.
Sinasabing nagtamo ng second-degree burn si Molina habang
isinasalba ang isang bata sa nasusunog na bahay.
Si Rodielyn, 11, ay mag-aaral ng F. Serrano Elementary School na
kasamang naabo sa sunog bunga ng pagbagsak ng eroplano.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Pangkat-pangkatin ang klase at pasagutan ang organizer na nasa ibaba.
Paksa
Mga Pangyayari
Saan, Kailan at Ano ang Nangyari?
Pangunahing Tauhan
250 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Pag-uulat ng bawat pangkat ng sagot sa natapos na gawain.
Sino ang tinukoy na bayani sa balita?
Bakit siya itinuring na isang bayani?
Paano binigyang-halaga ang kaniyang ginawa?
Kung ikaw si Rodielyn, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Ipaliwanag
ang sagot.
Paano ka magiging munting bayani?
4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng isang puzzle na katulad ng nasa ibaba. Siguraduhin na ang
bahagi ng puzzle ay katumbas ng bilang ng mga bata na nasa klase.
DRAFT
April 10,2014
Bigyan ang bawat bata ng bahagi ng puzzle upang isulat dito ang paksa ng
napakinggang balita.
Tumawag ng bata upang basahin ang isinulat at ipadikit sa tamang puwesto
nito sa puzzle.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magpagawa sa mga bata ng isang poster na nagpapakita kung paano
maiiwasan ang paksa sa napakinggang balita.
Ikalawang Araw
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa
Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma
Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang
teksto
Paksang-Aralin
Pag-unawa sa Tekstong Binasa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pasulatin ang mga bata ng pares ng salitang magkatugma.
Ipabasa ito sa mga bata.
Itanong sa mga bata kung tama o mali ang pares na ibinigay ng tinawag na
kaklase.
251 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Sino ang bayani sa napakinggang balita sa unang araw?
Bakit siya naging bayani?
Kaya mo ba siyang tularan? Pangatwiranan ang ibinigay na sagot.
Ipabasa sa mga bata ang tula sa Alamin Natin, p. 134.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng tula?
Bakit itinulad ang mga bayani sa mga bulaklak?
Saan-saan makikita ang mga bayani ng bayan?
Ano ang kabayanihan nilang ginagawa?
Paano maging bayani?
Bilang isang bata, paano ka magiging isang bayani?
Ano ngayon ang pakahulugan mo sa kabayanihan?
Ipabasang muli ang tula.
Magpasulat ng dalawang pares ng mga salitang magkakatugma na ginamit sa
tula.
Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita ng bawat pares na
unang tinukoy.
Kailan sinasabing magkatugma ang mga salita?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 135.
Ipabasa sa mga bata ang sagot sa Tanikala ng mga Magkakatugmang Salita.
5. Paglalahat
Kailan nagiging magkatugma ang mga salita?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 135.
Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap.
Bigyang-puna ang ibinigay na mga pangungusap at salitang magkakatugma.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, lugar at pangyayari
Paksang-Aralin
Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Lugar at Pangyayari
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang nasa paligid mo?
Pumili ng isa. Ilarawan ito at pahulaan sa klase.
Ano-anong pang-uri ang ginamit sa paglalalarawan na isinagawa?
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Kabayanihan” sa Alamin Natin p. 136.
Ipagawa sa mga bata ang panuto na nakasulat dito.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa tula?
Ano ang pang-uring ginamit sa bawat salita?
252 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ipagamit ang mga tinukoy na pang-uri sa sariling pangungusap.
Ipabasa muli ang mga pangngalan na naitala.
Ipahambing ito sa isa/dalawa o higit pang pangngalan gamit ang angkop na
pang-uri.
Ano ang nangyayari sa pang-uri kapag dalawa/higit sa dalawa ang
pinaghahambing?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 136.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot sa pagsasanay.
Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-uri?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 136.
Bigyang-puna ang isinulat ng mga bata.
Ipasulat muli ang mga ito nang isinasaalang-alang ang mga puna na ibinigay
ng guro.
Ikaapat na Araw
DRAFT
April 10,2014
Layunin
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutuhan
Nakakasulat ng isang talata
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng isang bayaning Pilipino.
Tutukuyin ng sa mga bata ang ngalan nito at ang kabayanihang nagawa.
2. Paglalahad
Linangin ang salitang bayani.
Paano ka naging bayani?
Itala ang mga kaisipang ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Gamit ang mga kaisipang nakatala sa pisara, hayaang sumulat ng talata na
may apat hanggang limang pangungusap ang mga bata.
Bigyan ang mga bata ng sapat na oras para sa gawaing ito.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipabasa nang mahina ang natapos na talata.
Pabigyang-puna ang pagkakabaybay ng mga salita, ang pagkakagamit ng mga
bantas, ang pagkakasulat ng talata.
Sabihin sa mga bata na makipagpalit ng papel sa kaklase.
Pabigyang-puna ang natapos na sulatin ng kaklase.
253 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli ang talata na binigyang puna ng kaklase at guro.
Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Inaasahang hindi matatapos ng mga bata ang mga gawain sa Ikaapat na Araw
kaya’t ipagpatuloy ito. Pabilugan ang mga pang-uri na ginamit sa talata.
Aralin 35
Karapatan Mo, Karapatan Ko, Pantay Tayo
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan
Wikang Binibigkas
Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas
Gramatika
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan at pamayanan
Pag-unawa sa Binasa
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa tulong ng balangkas
Pagsulat at Pagbabaybay
Nasisipi nang wasto at maayos ang liham
DRAFT
April 10,2014
Paunang Pagtataya
Ipasulat ang mga gawain sa araw-araw. Ipagamit ang format na nasa ibaba.
Pabilugan ang pandiwa na ginamit sa pangungusap.
Araw
Gawain
254 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari ng Kuwentong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga larawang nagpapakita ng mga karapatan ng batang
Pilipino.
Ipakita sa mga bata at tukuyin ng ang bawat isa.
Ano-ano ang karapatan ng isang batang Pilipino?
Alin sa mga ito ang natatamasa mo?
2. Paglalahad
Ano ang gagawin mo kung walang gamit na katulad ng sa iyo ang kapatid
mo?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Bakit kaya “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Basahin sa mga bata.
Isa…. Isa…. Isa…. Isa….
Angelika D. Jabines
Sa murang edad ay naulila na agad ang batang si Myrna. Kaya inaruga
siya ng mga magulang ni Luz.
Isang araw, dumating ang ninang ni Luz. May dala itong malaking kahon
para kay Luz. Agad-agad niya itong binuksan.
Isang bestida. Isang bestida.
Isang manika. Isang manika.
Isang aklat. Isang aklat.
Isang tsokolate. Isang tsokolate.
Isang pares ng sapatos. Isang pares ng sapatos.
Isang kahon ng pangkulay. Isang kahon ng pangkulay.
Nagtataka tuloy na lumapit ang kaniyang ninang.
“Bakit pinagbubukod mo ang mga dala ko sa iyo?”
“Ito pong isa sa akin, ito naman pong isa para kay Myrna. Pagdating niya
po ibibigay ko ito sa kaniya. Dapat kasi lagi kaming hati.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng kuwento?
Bakit “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento?
Balikan ang isinagot ng mga bata bago basahin ang kuwento.
Tama ba ang hula ninyo?
Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Kung ikaw si Luz, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Isulat ang sagot ng mga bata sa organizer na nasa susunod na pahina.
DRAFT
April 10,2014
255 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Mga Pangyayari
Mga Pangyayari
Tagpuan
Pamagat
4. Pagpapayamang Gawain
Ipasalaysay muli sa mga bata ang napakinggang kuwento nang may wastong
pagkakasunod-sunod sa tulong ng nakalarawang balangkas.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Kadena ng Kuwento.
Pangkat-pangkatin ang klase.
Paupuin nang pabilog ang bawat pangkat. Magtalaga ng Simula na bata sa
bawat pangkat. Siya ang magsisimula ng pagsasalaysay ng kuwentong
napakinggan. Susundan siya ng bata sa kaniyang kanan sa pagsasabi ng sunod
na pangyayari sa kuwento. Ipagawa ito hanggang sa matapos ng pangkat ang
pagsasalaysay ng napakinggang kuwento.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod
sa tulong ng balangkas
Paksang-Aralin
Pagsasalaysay sa Tulong ng Balangkas
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng mga metacard na nakasulat ang sumusunod:
- Isa... Isa... Isa...
- Luz
- Myrna
- Ninang
256 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
-
Dumating ang ninang.
Naulila si Myrna.
Binuksan at pinagbukod-bukod ni Luz ang mga dala ng
kaniyang ninang.
- Inalagaan ng mga magulang ni Luz si Myrna.
- Nagtaka ang ninang ni Luz sa kaniyang ginagawa.
Ipabasa ang bawat isa sa mga bata.
Ipapaskil ang bawat metacard sa wasto nitong label.
(Pamagat, Tauhan, Pangyayari)
Ipasalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng natapos na gawain.
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng isang silid-aklatan.
Ano-ano ang ginagawa ninyo sa lugar na ito?
Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng Piping Palabas.
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga nakitang kilos.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Ipabasa ang mga naisulat.
Ipabasa ang “Si Chelly at ang Aklat” sa pp. 136 – 137.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng kuwento? (Isulat ang sagot sa tamang lagayan.)
Tungkol saan ang unang talata? Pangalawang talata?
(Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.)
Ano ang sumusuporta sa kaisipan sa unang talata? Pangalawang talata?
(Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.)
DRAFT
April 10,2014
Pamagat _________________
I. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
II. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
Ipasalaysay muli ang nabasang teksto sa tulong ng natapos na balangkas.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 137.
Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay muli ng napakinggang kuwento sa
tulong ng balangkas.
Kung kaya ng panahon, tawagin ang lahat ng bata.
Gamitin ang rubric sa pagmamarka.
257 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4
Pagkakasunod Naisalaysay
-sunod ng mga ang
Pangyayari
napakinggang
kuwento nang
wasto at may
tamang
pagkakasunod
-sunod ng
lahat ng mga
pangyayari
Nailalarawan
ang tagpuan at
ang lahat ng
tagpuan
Tauhan at
Tagpuan
3
Naisalaysay
ang
napakinggang
kuwento nang
wasto at may
tamang
pagkakasunod
-sunod ng
mga
pangyayari
ngunit may isa
na hindi
nabanggit
Nailalarawan Nailalarawan
ang tagpuan at ang lahat ng
ang lahat ng
tauhan
tagpuan
2
Naisalaysay
ang
napakinggang
kuwento nang
wasto at may
tamang
pagkakasunod
-sunod ng
mga
pangyayari
ngunit may
dalawa
hanggang tatlo
na hindi
nabanggit
Nailalarawan
ang tagpuan
ngunit hindi
lahat ng
tauhan
1
Naisalaysay
ang
napakinggang
kuwento nang
hindi ayon sa
tamang
pagkakasunod
-sunod ang
mga
pangyayari
Hindi
nabanggit ang
tauhan at
tagpuan ng
napakinggang
kuwento
Binasa lamang Hindi nagamit
ang balangkas ang balangkas
sa
pagsasalaysay
DRAFT
April 10,2014
Paggamit ng
Balangkas
Nagamit nang
wasto ang
balangkas sa
pagsasalaysay
May isang
datos sa
balangkas na
hindi
nabanggit
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 137.
Ikatlong Araw
Layunin
Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan at pamayanan
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pandiwa
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano ang mga patalastas sa TV na inyong napapanood?
Alin ang inyong paboritong patalastas?
Bakit ninyo ito paborito?
258 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
4.
(o kaya naman)
Maghanda ng isang larawan ng patalastas na ginupit sa dyaryo o magasin.
Ipakita at pag-usapan ito sa klase.
Paglalahad
Dapat bang tularan si Chelly? Bakit?
Ipagawa sa mga bata ang Alamin Natin, p. 38.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat ng klase upang maisagawa ang
panuto dito.
Pagtalakay
Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na
gawain.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Ano ang paksa ng mga patalastas na napanood?
Ano-ano ang kilos na ipinakita sa bawat patalastas?
Itala ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ano ang kahalagahan ng pagbabasa?
Paano mo mahihikayat ang ibang bata na magbasa ng aklat?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138.
Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap.
Paglalahat
Ano ang pandiwa?
Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata sa Pagyamanin Natin, p. 138.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng mga bata ang isinulat na mga
pangungusap.
DRAFT
April 10,2014
5.
6.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nasisipi nang wasto at maayos ang liham
Pakasang Aralin
Wastong Pagsipi ng Liham
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Nakatanggap ka na ba ng isang liham?
Ano ang nilalaman nito?
Ipakita ang balangkas ng liham. Palagyan ng label sa mga bata ang bawat
bahagi nito.
2. Paglalahad
Ipakita muli ang balangkas ng kuwentong “Si Chelly at ang mga Aklat.”
Ipasalaysay muli ang kuwentong ito sa tulong ng balangkas.
Ipagawa ang Alamin Natin, p. 138.
3. Pagtalakay/Pagpapahalaga
Sama-samang paggawa ng liham para sa isang kaibigan.
259 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Saan kaya nakatira si Chelly? (Isulat ang pamuhatan.)
Sino ang susulatan niya? (Isulat ang bating panimula.)
Ano-ano ang laman ng kaniyang sulat? (Isulat ang laman ng liham)
Ano-ano ang nais ninyong sabihin kay Chelly?
Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga pangungusap.
Alin sa mga ito ang una nating isusulat sa pag-uumpisa? Alin ang susunod?
(Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng mga pangungusap na ibinigay.)
Paano niya wawakasan ang kaniyang sulat? (Isulat ang bating pangwakas.)
(Isulat ang lagda.)
Ano-ano ang bahagi ng liham?
Paano isinusulat ang liham?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138.
Bago ipapasa ang papel ng mga bata. Itanong ang sumusunod:
Kumpleto ba ang mga bahagi ng aking liham?
Tama ba ang pagkakasipi ko ng ngalan ng mga lugar, bagay, at tao?
Tama ba ang mga bantas?
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang liham?
6. Karagadagang Gawain
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 138.
Ipaalala sa mga bata na bigyang pansin ang mga puna na ibinigay ng guro.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang maikling liham na may tatlo hanggang apat na
pangungusap. Ikuwento sa kaibigan ang mga ginagawa ng mga tao sa sariling
tahanan, paaralan o pamayanan sa pangangalaga sa iyong karapatan. Paguhitan ang
pandiwa na ginamit.
Gamitin ang KKK sa pagmamarka ng natapos na gawain.
Kalinisan – limang puntos
Kumpleto – limang puntos
Kawastuhan – limang puntos
Aralin 36
Pamilyang Pinoy, May Pananagutan
Lingguhang Layunun
Pag-unawa sa Napakinggan
Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento
260 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Gramatika
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain
sa tahanan, paaralan, at pamayanan
Pagsulat at Pagbabaybay
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Komposisyon
Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay
Paunang Pagtataya
Ipasulat sa mga bata ang mga gawain nila sa paghahanda sa paaralan sa anyong
patalata.
Pasalungguhitan ang mga pandiwang ginamit.
Tumawag ng ilang bata upang basahin ang natapos nilang talata.
Unang Araw
Layunin
Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang
Paksang-Aralin
Pagsunod sa Panuto
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Magsagawa ng isang maikling ehersisyo. Maaaring gamitin ang warm-up
exercise na ginagamit sa Physical Education na klase.
Obserbahan ang mga bata kung sino ang nakasusunod at kung sino ang hindi.
2. Paglalahad
Nakasunod ka ba sa isinagawang ehersisyo?
Bakit ? Bakit hindi?
Ibigay ang sumusunod na panuto:
1. Gumuhit ng isang hugis na may tatlong sulok. Pumadyak. Pumalakpak ng
tatlong beses.
2. Ipakita ang pinakamaliit na daliri sa kanang kamay. Ikaway ang kaliwang
kamay at pumadyak ng dalawang beses.
3. Sabihin nang malakas ang pangalan ng nanay mo. Sabihin nang mahina
ang pangalan ng tatay mo. Ibulong ang pangalan mo.
4. Umikot ng tatlong beses. Bumalik sa sariling upuan at maupo nang
tahimik.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Nasunod mo ba ang mga ibinigay na panuto?
Bakit nasunod ang lahat ng mga ibinigay?
Bakit hindi?
Anong katangian ang ipinapakita kung sinusunod mo ang lahat ng mga panuto
na ibinigay sa iyo o kaya ay napakinggan o nabasa?
Paano mo maipakikita ang pagiging masunurin sa tahanan? Paaralan? Sariling
pamayanan?
DRAFT
April 10,2014
261 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayamang Gawain
Maghanda ng limang panuto na nais ipagawa sa bawat pangkat.
(Maging malaya sa paggawa nito.)
Ibigay sa bawat pangkat ang kopya ng mga panuto.
Ipabasa sa pinuno ng bawat pangkat ang nakasulat na mga panuto.
Matapos ang inilaang oras, sabihin sa mga bata na bigyan ng marka ang
kanilang natapos na gawain.
5
4
3
2
1
Nasunod ko
Nasunod
Nasunod ko
Hindi ko
Hindi ako
nang wasto ang ko nang
nang wasto
nasunod
nakinig sa
lahat ng mga
wasto ang ang mga
nang
aking leader
panuto.
lahat ng
panuto ngunit wasto ang kaya hindi ako
Tumulong pa
mga
kailangan ko
mga
nakasunod sa
ako sa aking
panuto.
pa itong
panuto.
mga panutong
kaklase na hindi
ipaulit muli sa
kaniyang
alam ang
aking leader.
ibinigay.
gagawin.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaaan upang makasunod sa mga panuto?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ulitin ang warm up exercise na ginawa sa simula ng klase. Gamitin ang
rubric na nasa itaas upang bigyan ng marka ang ginawa ng kaklase.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng wakas ng binasang teskto
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagong
salita mula sa isang salitang-ugat
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Wakas
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Ilarawan ang sariling pamilya.
Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasang hindi nila malilimutan
kasama ang sariling pamilya.
2. Paglalahad
Ano ang ibig sabihin ng huwarang pamilya?
Pag-usapan ang mga ibibigay na sagot ng mga bata.
Ipagamit sa sariling pangungusap ang huwarang pamilya.
Ipabasa ang “Huwarang Pamilya” sa p. 139.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang binasang tula?
Sino-sino ang binanggit sa tula?
262 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ilarawan ang bawat isa.
Bakit sinabing huwaran ang kanilang pamilya?
Paano magiging huwarang anak?
Paano magiging huwaran ang sariling pamilya?
Ipabasang muli ang tula.
Pangkat-pangkatin ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng katulad ng nasa ibaba.
Ipasulat ang hinihingi ng organizer.
Pangalan ng Kasapi
ng Pamilya
Posibleng
Mangyari
batay sa tula
DRAFT
April 10,2014
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Ano kaya ang nangyari sa huwarang pamilya?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 140.
Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 140. Magsagawa ng gallery walk upang
makita ang natapos ng mga bata.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan
Paksang-Aralin
Pandiwa
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipasuri ang larawan. Pagawain ang mga bata ng pangungusap tungkol sa kilos
ng bawat kasapi ng mag-anak sa larawan.
263 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Ipabasang muli ang “Huwarang Pamilya.”
Itala ang mga salitang nagpapakita ng kilos.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Sino-sino ang kasapi ng pamilya?
Ano ang ginagawa ng bawat kasapi? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Saan nila ito ginagawa?
Ano ang dapat nating gawin sa mga tungkulin at gawain natin?
Paano tayo magiging huwaran sa ating sariling tahanan? Paaralan?
Pamayanan?
Ipabasang muli ang talaan ng mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
Ipabasang muli ang pangungusap na isinulat sa simula ng klase.
Ano-anong pandiwa ang ginamit?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 140.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.
5. Paglalahat
Ano ang pandiwa?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 141.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.
DRAFT
April 10,2014
Ikaapat na Araw
Layunin
Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin
Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay
Panlinang ng Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang tungkulin mo sa bahay? Sa paaralan? Sa pamayanan?
264 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Kumuha ng kapareha. Ipakita at pag-usapan ang ginawang talaan ng mga
gawain nang nakaraang araw.
Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na makagawa ng isang talatang
nagsasalaysay ng kanilang karanasan sa pagtupad ng mga gawain sa
tahanan/bahay/paaralan na naitala sa natapos na talaan.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin.
Ipasagot sa mga bata habang hawak ang kanilang natapos na sulatin.
- Paano mo isinulat ang pamagat ng iyong talata?
- Paano mo sinimulan ang talata?
- Paano ito winakasan?
- Paano mo isinulat ang mga ngalan ng tao/bagay/hayop/lugar?
Tumawag ng bata upang magbigay ng isang pangungusap mula sa sulatin.
Isulat ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Paano pa ito mapapabuti? Gabayan ang mga bata para makagawa ng isang
mabuting pangungusap.
Gawin ito sa iba pang pangungusap.
4. Pagpapayamang Gawain
Makipagpalit ng papel sa kaklase. Bigyang-puna ang sulating isinulat ng
bawat isa.
5. Paglalahat
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat muli ang talatang ginawa. Ipasaalang-alang ang mga puna na ibinigay
ng guro at ng kaklase.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na Araw, kaya’t
ipagpapatuloy ito.
Aralin 37
Kaligtasan Ko, Kaligtasan Mo, Atin Ito
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pakikinig
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento
Wikang Binibigkas
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhin
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Pag-unawa sa Binasa
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho
at pagkakaiba nito
265 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit nang wasto ang electronic na kagamitan sa silid aklatan
Paunang Pagtataya
Ipasulat sa mga bata sa isang malinis ang kanilang sagot sa tanong na:
Ano ang gagawin mo kung may dumating na panauhin sa inyong bahay at
ikaw ang nakapagbukas ng pintuan?
Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang sagot.
Unang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang teksto
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Wakas
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng larawan ng mga traffic sign.
Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila kapag nakita ang bawat
larawan.
2. Paglalahad
Paano magiging ligtas sa kalsada?
Basahin nang malakas sa mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Kaligtasan sa mga Kalsada, Tiniyak
Online Balita; June 12, 2013
SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinaigting ng Department of
Public Works and Highways (DPWH)-Region I ang pagsasaayos sa mga
kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian,
partikular ang mga mag-aaral, sa mga lugar na malapit sa mga eskuwelahan.
Sa pahayag ni Esperanza Tinaza, Information Officer II ng DPWH 1,
kasabay ng pagbubukas ng klase ay magkakabit at magpipinta ng mga
guardrail, lilinawan ang centerline pedestrian crossing/lane marking, at
paluluwangin ang mga entrance sa mga paaralan, partikular sa LaregLareg
National High School sa Villasis-Malasiqui-San Carlos Road sa Malasiqui,
Pangasinan.
Pinatag din ang mga lubak, inaspalto ang mga kalsada, nilinis ang mga
daluyan, binaklas ang mga delikadong billboard at signage at nagkabit ng
mga warning sign sa mga pangunahing kalsada sa buong Region 1.
– Liezle Basa Iñigo
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang nilalaman ng teksto?
Saan ito naganap?
266 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano-ano ang ginawa upang maging ligtas ang kalsada?
Sino-sino ang makikinabang sa sinabing proyekto?
Ano ang mangyayari sa mga bata matapos ang proyekto? Sa mga matatanda?
Sa iba pang tao sa pamayanan?
Ano ang gagawin bago magsimula ang klase?
Ano ang susunod na mangyayari dito?
Ano ang magiging wakas ng mga pangyayaring nabanggit?
Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang bahagi ng organizer.
Simula
Gitna
Wakas
DRAFT
April 10,2014
4. Pagpapayamang Gawain
Sabihin ang maaaring mangyari kung hindi susundin ang mga makikitang
babala.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay Ipakita ang larawan sa ibaba.
Ano ang susunod na mangyayari?
267 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho
at pagkakaiba nito
Paksang-Aralin
Ang Mga Kuwentong Nabasa Ko
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng karanasan na may kinalaman sa bagyo.
2. Paglalahad
Ano-ano ang dapat gawin kapag may parating na bagyo?
Ipabasa ang mga kuwento sa Alamin Natin, p. 141-142.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
Tungkol saan ang kuwento?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Ano ang ginawa ng bawat tauhan sa kuwento?
Ano ang katapusan ng kuwento?
Tama ba ang ginawa ng mag-anak sa kuwento?
Ano ang mangyayari kung hindi ginawa ng isang kasapi ng mag-anak ang
dapat niyang gawin sa kuwento?
Ano ang natutuhan mo sa kuwento?
Ano ang dapat gawin kung may paparating na bagyo? Kapag may bagyo?
Pagkatapos ng bagyo?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 142.
Tumawag ng bata upang ibahagi ang sagot.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 143.
Ipabahagi sa mga bata ang natapos na gawain.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos o gawi
Paksang-Aralin
Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tumawag ng ilang bata upang magpakitang-kilos ng mga paghahandang dapat
gawin para makaiwas sa sakuna kapag may kalamidad tulad ng bagyo.
Pahulaan sa ibang bata ang pandiwa na ipinakita.
268 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
4.
5.
Ipalarawan ang kilos na ginawa ng kaklase.
Itala ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Paglalahad
Dapat bang tularan ang pamilya ni Mang Romy?
Paano mo mahihikayat ang sarili mong pamilya na maging katulad nila?
Ipabasang muli ang “Laging Handa.”
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang dapat gawin upang makaiwas sa sakuna?
Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento?
Sino ang nagsagawa nito?
Bakit niya ito ginawa?
Ano ang posibleng nangyari kung hindi niya ito ginawa?
Paano niya ito isinagawa? Itala sa pisara ang mga sagot at ipabasa ito.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 143.
Pag-uulat ng bawat pangkat ng natapos na gawain.
Ano-ano ang pandiwang ginamit? Pang-abay?
Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-abay?
Kasanayang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 143.
Matapos ang inilaang oras, ipadikit ang pangakong ginawa sa isang ginupit na
papel na hugis puso. Ipabasa muna sa harap ng klase bago ito ipadikit.
DRAFT
April 10,2014
6.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang kagamitang electronic sa silid- aklatan
Paksa
Kagamitang Electronic sa Silid-Aklatan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy –Alam
Ano ang gagawin mo kung hindi mo makita sa nakalimbag na kagamitan
ang iyong kailangang impormasyon?
2. Paglalahad
Linangin ang salitang electronic.
Magbigay ng ilang kagamitang electronic sa bahay/ silid-aralan.
Ipakita rin ang mga electronic na kagamitan sa silid-aklatan.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Magtalakayan sa klase kung paano gamitin ang bawat kagamitang electronic.
Ano ang dapat tandaaan sa pagsasaliksik gamit ang kagamitang electronic?
4. Pagpayamang Gawain
Gumawa ng isang flyer tungkol sa paghahanda sa sakuna. Gumamit ng
kagamitang electronic sa pagsasaliksik ng mga datos na ilalagay sa flyer.
269 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gamit ang kagamitang electronic, ipaayos pa ang ginawang flyer.
Ikalimang Araw
Panligguhang Pagtataya
Ipakita sa klase ang natapos na flyer. Kung hindi pa tapos ang ibang bata,
bigyan pa sila ng sapat na oras.
Pabigyan ng puna ang ginawa ng kaklase.
Gamitin ang rubric sa pagmamarka.
4
3
2
1
Panuto
Nasunod lahat May isang
May dalawa
Walang
ng mga
panutong
hanggang
panutong
panutong
hindi nasunod. tatlong
nasunod.
ibinigay.
panutong
hindi nasunod.
Lay out
Malinis,
Malinis at
Hindi
May
malinaw at
malinaw.
malinaw ang
kaguluhan ang
madaling
nilalaman.
pagkakalahad
basahin at
ng nilalaman.
unawain ang
nilalaman.
Nilalaman
Naipahayag
May isang
May dalawa
Hindi
nang wasto
kaisipan na
hanggang
naipahayag
ang lahat ng
hindi
tatlong
nang maayos
dapat na
masyadong
kaisipan na
ang lahat ng
paghahanda
naipaliwanag. hindi
nais sabihin.
para sa
masyadong
kalamidad.
naipaliwanag.
DRAFT
April 10,2014
Aralin 38
Ang Teknolohiya at Ako
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng balangkas
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawi
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto
270 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paunang Pagtataya
Sumulat ng isang pangungusap gamit ang tambalang salita.
Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap at Tutukuyin ng ang ginamit ng
tambalang salita.
Isulat ang mga ito sa pisara.
Ano ang kahulugan ng bawat tambalang salita?
Unang Araw
Layunin
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng balangkas
Paksa
Muling Pagsasalaysay ng Tekstong Napakinggan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng napakinggang balita sa radyo o
telebisyon.
2. Paglalahad
Itanong sa mga bata kung nakagamit na sila ng cellphone /cellular
phone/mobile phone? Internet? Chat?laptop? Wifi?
Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang karanasan.
(Kung hindi pa nakakaranas makagamit ang mga bata nito, magkuwento
tungkol sa mga ito o kung may celfone /cellular phone/mobile phone,
internet o laptop, ipakita ito sa klase kung paano gamitin.)
Linangin ang salitang internet.
Ipagamit ang salita sa sariling pangungusap.
Basahin sa mga bata nang malakas.
DRAFT
April 10,2014
Si Mimi at ang Internet
Lumipat ang pinsan kong si Mimi sa Amerika noong isang taon.
Nakakausap ko na lamang siya sa telepono.
Isang araw, sinabi sa akin ni Mama na makakausap at makikita ko raw
si Mimi! Sabik na sabik akong sumunod kay Mama. Inisip ko na maaaring
umuwi na si Mimi bilang sorpresa.
Pinaupo niya ako sa harap ng computer. Teka, paano ko makikita at
makakausap si Mimi dito?
Maya-maya pa, biglang lumabas si Mimi sa monitor!
“Totoo ba ito? Bakit nasa telebisyon si Mimi?
Artista na ba ang pinsan ko?
Hindi pala!”
Nalaman kong nakakausap ko pala siya sa pamamagitan ng internet.
At siya ay gumagamit ng web cam para makita ko siya sa monitor.
Maaari na palang makausap nang harapan ang isang taong nasa
malayo sa pamamagitan ng computer at internet.
271 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang kuwento?
Nasaan ang bawat tauhan sa kuwento?
Paano nagkakausap ang magpinsan?
Bakit nasabik ang nagkukuwento?
Ano ang natutuhan niya sa karanasan niya?
Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng internet sa pakikipag-usap sa ibang
tao?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Isulat ito sa anyong balangkas.
Pamagat _________________
I. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
II. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
DRAFT
April 10,2014
Ipabasa ang balangkas.
4. Pagpapayamang Gawain
Tumawag ng bata na magsasalaysay muli ng kuwento sa tulong ng natapos na
balangkas.
5. Paglalahat
Ano ang balangkas?
6. Karagdagang Pagsasanay
Magpaguhit sa mga bata ng tatlong kahon.
Sa loob nito, ipaguhit ang mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos na
gawain.
Ikalawang Araw
Layunin
Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto
Paksa
Pagbibigay ng Solusyon
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ipatala sa mga bata ang salitang maiuugnay nila sa salitang teknolohiya.
Pag-usapan ang sagot ng mga bata.
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa paggamit ng
teknolohiya sa bahay o sa paaralan.
272 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan na ito.
3.
Bakit kaya ganito ang kaniyang hitsura?
Gusto mo bang maging katulad niya? Pangatwiranan ang sagot.
Ipabasa “Nakatulong nga Ba?” sa p. 144.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tungkol saan ang binasang teksto?
Sino ang panauhin sa kuwento?
Ilarawan siya.
Ano-ano ang ginawa niya sa kuwento?
Tama ba ang mga ito? Bakit? Bakit hindi?
Ano ang suliranin sa kuwento?
Ano ang dapat niyang ginawa sa kuwento?
Ano ang dapat nating gamitin sa paggamit ng teknolohiya?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 145.
Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 145.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos
na talaan.
DRAFT
April 10,2014
4.
5.
6.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi
Paksa
Paggamit ng Pang-abay
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-alam
Gawin ang “Buhay na Larawan.”
273 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
2.
3.
4.
Sa paghudyat ng guto, magsisimulang ipakita ng pangkat ang mga ginawa ni
Galileo sa kuwento.
Kapag sinabi ng guro na “TIGIL” hihinto ang mga kasapi ng pangkat.
Tutukuyin ng sa mga nanood ang mga kilos na ipinakita ng bawat pangkat.
Paglalahad
Sino si Galileo?
Sama-samang pagguhit ng mga bata sa hitsura ni Galileo.
Ipabasang muli ang “Nakatulong nga Ba?”
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang katangian ni Galileo na dapat tularan? Hindi dapat tularan?
Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa kuwento?
Paano ito isinagawa? Itala sa pisara ang magiging sagot ng mga bata.
Saan ito isinagawa?
Kailan ito isinagawa?
Ipabasa ang mga ito. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ipagamit ang mga tinukoy na pang-abay sa sariling pangungusap.
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 146
Tumawag ng bata na magbabahagi ng karanasan.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang bawat uri ng pang-abay?
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 147.
Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot sa natapos na gawain.
DRAFT
April 10,2014
5.
6.
Ikaapat na Araw
Layunin
Natutukoy ang kahulugan ng mga salitang tambalan
Paksang-Aralin
Mga Salitang Tambalan
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpatukoy sa mga bata ng mga bagay na laging magkatambal.
Saan ito makikita? Ginagamit?
2. Paglalahad
Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento ni Galileo?
Ipabasa ang “Nakatulong nga Ba?”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Saan gumamit si Galileo ng computer?
Isulat ito sa pisara.
Anong oras nakatapos sa mga gawain si Galileo? Isulat sa pisara ang sagot.
Bakit ganitong oras na siya nakatapos?
Paano sana niya ito maiiwasan?
Ipabasang muli ang mga sagot na isinulat sa pisara.
274 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano ang mapapansin sa mga salitang ito?
Ilang salita ang bumubuo dito?
Linangin ang mga salitang bumubuo dito.
Ano ang nangyari sa mga kahulugan nito nang pagsamahin ang mga ito?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 147.
Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot.
5. Paglalahat
Ano ang tambalang salita?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 148.
Tumawag ng bata na magbabahagi ng sagot.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Gumawa ng sariling diksyunaryo ng tatlong tambalang salita. Sundan ang
format na ito.
Unang Salita
Pangalawang Salita
Tambalang Salita
Kahulugan
DRAFT
April 10,2014
Aralin 39
Pagpapaunlad ng Bansa Ko, Kaisa Ako
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Naiuulat nang pasalita ang naobserbahang pangyayari
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol
Pag-unawa sa Binasa
Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa
Estratehiya sa Pag-aaral
Nabibigyang-kahulugan ang graph
275 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Paunang Pagtataya
Sa isa hanggang dalawang pangungusap, ibigay ang buod ng larawan.
IMCS
Image Bank
Unang Araw
Layunin
Naiuulat nang pasalita ang naobserbahang pangyayari
Paksang-Aralin
Pag-uulat ng Naobserbahang Pangyayari
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Pag-usapan ang ipakikitang mga larawan.
DRAFT
April 10,2014
2. Paglalahad
Magpakita ng isang buto ng puno.
Itanong kung ano ang naaalala ng mga bata sa tuwing makakakita nito.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
Basahin nang malakas ang kuwento.
Saan Kaya Napunta?
Masayang sinalubong ni Dennis ang kaniyang tatay na kagagaling
lamang sa kaniyang trabaho. Iniabot nito sa kaniya ang isang supot. (Ano kaya
ang laman nito?)
276 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Agad itong binuksan ni Dennis. Isang maliit na pakete na may nakaguhit
na mga kamatis ang laman nito. Malulungkot na sana si Dennis nang lumapit
ang kaniyang tatay. (Bakit kaya lumapit ang Tatay?)
Niyakag siya sa likod-bahay. Nagdukal ng lupa. Kinuha ang pakete na
hawak ni Dennis. Hindi nagtagal tumulong na rin si Dennis sa ginagawa ng
kaniyang ama.
Binilinan siya ng Tatay na diligan ito at alagaan.
Kinabukasan, maagang nagising si Dennis. Pinuntahan niya ang lugar na
pinagbaunan nilang mag-ama ng mga buto. Takang-takang siya. Wala siyang
kamatis na nakita. Saan kaya napunta ang mga buto?
(Bakit wala siyang nakitang kamatis?)
Sumunod na araw. Ganoon pa rin. Wala pa rin.
Araw-araw, wala. Hanggang sa napagod na sa paghihintay si Dennis.
Makaraan ang ilan pang araw nagulat na lamang si Dennis nang mula sa
malayo ay may matanaw maliliit na kulay berde sa lugar na kanilang
pinagbaunan. (Ano kaya ang natanaw niya?)
Dali-dali siyang pumunta rito. Tuwang-tuwa siya nang makita nga na
may mga bagong dahon na lumalabas mula sa ilalim ng lupa.
Lalo siyang nasabik kaya tuwing umaga, binibisita niya ito at kung tuyo
na ang lupa, agad niya itong dinidiligan.
Ilan pang araw, lumaki na ang halaman. Namulaklak. Namunga.
Pinagtulungan nilang mag-ama ang pangunguha ng naglalakihan at
nagpupulahang mga kamatis mula sa hardin ni Dennis.
Masayang binilang ni Dennis ang natira niyang pera matapos bumili ng
tinapay para sa kaniyang ina at mga kapatid.
DRAFT
April 10,2014
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng kuwento?
Tungkol saan ang kuwento?
Ano ang pasalubong ng Tatay ni Dennis?
Bakit nainip si Dennis?
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Anong katangian ang ipinakita ni Dennis?
Ano ang naging bunga nito?
Ano ang magiging bunga kung lahat ay magiging katulad ni Dennis?
4. Pagpapayamang Gawain
Pangkat-pangkatin ang klase.
Pag-usapan sa pangkat ang mga naobserbahang pangyayari na may kinalaman
sa pagtutulungan sa pamilya, paaralan o sa pamayanan.
Tumawag ng pangkat upang iulat ang mga napag-usapan sa pangkat.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Tumawag ng bata upang iulat ang mga naobserbahan sa natapos na
pangkatang gawain.
277 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ikalawang Araw
Layunin
Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa
Paksang-Aralin
Buod o Lagom ng Teksto
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng ilang malalaking papel.
Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Tumawag ng bata upang iguhit ito sa
inihandang malaking papel. (Gawin ito hanggang sa matapos ang kuwento.)
Ipasalaysay sa mga bata ang napakinggang kuwento sa tulong ng natapos na
mga larawan ng kuwento.
2. Paglalahad
Ipakita ang larawang ito.
DRAFT
April 10,2014
IMCS Image Bank
Tulungan ang batang babae na makarating sa kabila ng ilog.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng kanilang gagawing pagtulong.
Banggitin ang pamagat ng kuwentong ipababasa.
Para saan kaya ang tulay na kahoy? Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.
Ipabasa ang “Tulay na Kahoy” sa pp. 149-150.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Para saan ang tulay na kahoy?
Balikan ang mga naitalang sagot ng mga bata. Tutukuyin ng kung alin sa mga
ito ang sagot sa tanong na ibinigay.
Bakit nawala ang tulay sa bayan nina Pipoy Pagong?
Paano nakatulong si Pipoy sa kaniyang kababaryo?
Sino si Kulas Kuneho?
Ano-ano ang ginawa niya sa kuwento?
Paano niya natutuhan ang kaniyang leksyon?
Paano siya bumawi kay Pipoy?
Sino ka sa dalawang tauhan ng kuwento? Pangatwiranan ang ginawang
pagpili.
Ano-ano ang kaya mong gawin upang makatulong sa kapwa mo? Sa
pagpapaunlad ng pamayanan?
278 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa kuwento?
Isulat ang sagot sa format na ito.
Pamagat _________________
I. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
II. ______________________________
a. ___________________________
b. ___________________________
c. ___________________________
Ipabasa sa mga bata ang natapos na balangkas.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, pp. 150-151.
Ipabasa sa mga bata ang natapos na buod ng binasang kuwento.
5. Paglalahat
Paano nakagagawa ng buod ng isang talata o kuwento?
Upang makuha ang buod o lagom ng binasa, kailangang alamin ang paksa ng
bawat talatang bumubuo ng seleksyon. Sa tulong ng mga paksang ito,
makukuha ang diwa ng binasa.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 151.
Matapos ang inilaang oras, tumawag ng bata upang magbahagi ng natapos na
gawain.
Bigyang-puna ang nakasulat na buod ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang
maisulat muli nang wasto.
DRAFT
April 10,2014
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol
Paksang-Aralin
Wastong Gamit ng Pang-ukol
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Magpabigay ng isang pangungusap tungkol sa kuwento nina Pipoy at Kulas.
Ipabasa ito sa mga bata.
Ano ang pang-ukol na ginamit?
2. Paglalahad
Ipagawa ang gawain sa Alamin Natin, p. 152.
Ipabasa sa mga bata ang mga tinapos na pangungusap sa Alamin Natin.
Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara.
Ipabasa ang mga ito sa klase.
279 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang salitang ginamit upang mag-ugnay sa pangungusap?
Ano-ano ang pinag-ugnay sa bawat pangungusap?
Kailan ginagamit ang tungkol sa? Para sa? Ayon kay?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 152.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.
Ano-anong pang-ukol ang ginamit sa mga pangungusap na ibinigay?
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-ukol?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 152.
Ipabasa ito sa tatawaging bata. Bigyang-puna ang isinulat na talata. Ibalik ang
papel sa bata upang muli nila itong maisulat.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang graph
Paksang-Aralin
Pagbibigay-Kahulugan sa Graph
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
2. Paglalahad
Ipabasa muli ang “Tulay na Kahoy.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Tama ba ang paglalarawang ginawa sa bawat tauhan ng kuwento?
Sino ka sa dalawang tauhan? Pangatwiranan ang ginawang pagpili ng mga
bata.
Gumawa ng graph na tulad ng nasa susunod na pahina upang maipakita ang
pinili ng mga bata.
DRAFT
April 10,2014
Mga Tauhan
Bilang ng Babae
Bilang ng Lalaki
Pipoy Pong
Kulas Kuneho
(Ilagay sa tamang hanay ang bilang ng babae/lalaki na magsasabi na sila ay si
Pipoy o Kulas sa kuwento.)
Ilan ang pumili kay Pipoy? Kay Kulas?
Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan mo mula sa graph na
natapos.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 152 – 153.
Sagutan nang sama-sama ang mga tanong na nakasulat dito.
280 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 154.
Ipabasa sa mga bata ang naisulat na mga pangungusap.
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Ipakumpleto sa mga bata ang mga pangungusap tungkol sa mga natutuhan sa
aralin sa linggong ito.
Ngayong linggong ito, natutuhan ko _________________________.
Hindi ko masyadong maunawaan ang ________________________.
Nais ko sana ng dagdag na paliwanag tungkol sa _______________.
Aralin 40
Panatag na Buhay, Kayamanan Ko
DRAFT
April 10,2014
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol
Komposisyon
Nakasusulat ng liham pangangalakal
Paunang Pagtataya
Isulat ang mga bahagi ng liham pangangalakal sa metacards.
Ipabasa ang bawat bahagi.
Ipasipi at ipasaayos nang wasto ang bawat bahagi ng liham ng pangangalakal sa
isang malinis na papel.
Lubos na gumagalang
Pebrero 3, 2013
G. Nardo Cruz
Personnel Officer
FBC Publishing House
2453 Rosal St., Mandaluyong City
Marissa Santer
Mahal na G. Cruz
Katawan ng liham
Aplikante
281 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Unang Araw
Layunin
Naibibigay ang paksa ng talatang napakinggan
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Paksa ng Talata
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano ang paksa ng larawan?
DRAFT
April 10,2014
2. Paglalahad
Ano ang pangarap mo sa buhay?
Ano-ano ang dapat mong gawin upang maabot ito?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Ano ang naging sagabal sa pangarap ni Marissa?
Basahin sa mga bata.
Matutupad Na
Hindi pa sumisikat ang araw, gising na si Maritess. Kahit gusto pa
niyang matulog, kailangan na talaga niyang bumangon at maligo kahit
malamig ang tubig na inipon niya nang nagdaang gabi. Hihigop lamang ng
mainit na gatas at lalakad na siya.
“Pandesal, pandesal kayo riyan!” Ito ang kaniyang laging sigaw na
nagsisilbing orasan ng kaniyang mga suki.
Malapit nang sumikat ang araw. Malapit na rin namang maubos ang
kaniyang panindang pandesal. May lima pa para kay Bb. Vasquez, ang dati
niyang guro.
Katulad ng mga nagdaang mga araw, dumaan muli siya sa paaralan na
malapit sa kanilang bahay. Iniabot ang natitirang pandesal sa kaniyang dating
guro. Dala rin niya ang mga gawain sa paaralan na kaniyang tinapos nang
ilang araw.
May isang oras ding magkatabi sa upuan ang dalawa. Matiyaga niyang
pinakinggan ang mga itinuturo sa kaniya ng kaniyang guro. Matapos ito,
masaya nilang pinagsaluhan ang limang pandesal na kaniyang dala. Pag-uwi
niya may dala na naman siyang mga bagong gawain.
282 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Bago tuluyang maghiwalay, iniabot sa kaniya ni Bb. Vasquez ang isang
maliit na papel.
“ Gusto mo bang maabot ang iyong pangarap? Ikaw ang aming hanap!”
Napayakap nang maghigpit si Marissa sa kaniyang guro.
“Salamat po, makababalik na rin ako sa paaralan. Matutupad ko na ang
aking pangarap.”
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang pamagat ng napakinggan?
Saan ito naganap?
Sino-sino ang mga tauhan ng kuwento?
Ilarawan ang bawat isa.
Ano ang pangarap ni Marissa?
Bakit muntik nang hindi ito matupad?
Paano niya ito matutupad?
Anong katangian ni Marissa ang dapat mong tularan? Ipaliwanag ang sagot.
4. Pagpapayamang Gawain
Hayaang magbigay ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa
napakinggang kuwento.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Iguhit ang sarili mong pangarap. Ilagay din kung paano mo ito maaabot.
DRAFT
April 10,2014
Ikalawang Araw
Layunin
Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho
nito
Paksang-Aralin
Paghahambing ng mga Kuwento
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Maghanda ng isang malaking dice. Isulat sa bawat mukha nito ang salitang
pamagat, tagpuan, tauhan, at pangyayari.
Tumawag ng isang bata upang ibato ang dice.
Ipabigay ang hinihingi ng mukha ng dice tungkol sa napakinggang kuwento
nang unang araw.
2. Paglalahad
Ano kaya ang sunod na ginawa ni Marissa matapos mabasa ang ibinigay ni
Bb. Vasquez?
Ipabasa ang Alamin Natin, p. 154-155.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang ginawa ni Marissa?
Ano ang inilagay niya sa sulat?
Tama ba ang kaniyang ginawa?
283 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Pabigyang paliwanag ang sagot na
ibinigay.
Gamitin muli ang dice na ginamit sa simula ng klase upang matukoy ang mga
elemento ng kuwento.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 155.
Tumawag ng bata upang magbahagi ng kanilang sagot sa natapos na gawain.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa at gabayan ang mga bata sa paggawa ng gawain sa Pagyamanin
Natin, p. 156.
Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang sagot.
Ikatlong Araw
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na tungkol sa
Paksang-Aralin
Pang-ukol
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Tungkol saan ang larawan? Ipakita sa mga bata ang larawan.
DRAFT
April 10,2014
Ano-ano ang pang-ukol na ginamit?
2. Paglalahad
Ano ang pangarap ni Marissa?
Paano niya ito matutupad?
Ipabasang muli ang liham ni Marissa.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano-ano ang nilalaman ng liham ni Marissa?
Isulat sa pisara ang pangungusap na ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
Ano-anong pang-ukol ang ginamit?
Ano ang pinag-ugnay ng bawat isa?
284 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
4. Pagpapayaman ng Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 156.
Tumawag ng magbabahagi ng sagot.
5. Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-ukol?
6. Karagdagang Pagsasanay
Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa ng Pagyamanin Natin, p. 157.
Matapos ang inilaang oras, ipabahagi sa mga bata ang natapos na gawain.
Ikaapat na Araw
Layunin
Nakasusulat ng liham pangangalakal
Paksang-Aralin
Liham Pangangalakal
Panlinang na Gawain
1. Tukoy-Alam
Ano-ano ang nilalaman ng isang liham?
2. Paglalahad
Ipabasa ang liham ni Marissa.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang nilalaman ng liham ni Marissa?
Kanino siya sumulat?
Kailan siya sumulat?
Paano isinusulat ang liham pangangalakal?
Ano-ano ang bahagi nito?
Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang liham pangangalakal ?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangangalakal?
Balikan ang mga bahagi ng liham na iniwasto sa paunang pagtataya.
Tama ba ang pagkakalagay ninyo ng bawat bahagi?
Paano itatama ang mga mali ang pagkakalagay?
4. Pagpapayaman ng Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p. 157.
Ipabasa sa mga bata ang ginawang liham.
Bigyang-puna ang naisulat na liham ng mga bata.
5. Paglalahat
Paano isinusulat ang liham pangangalakal?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 157.
DRAFT
April 10,2014
Ikalimang Araw
Panlingguhang Pagtataya
Pasulatin ang mga bata ng isang liham para sa guro. Ipalagay ang mga natutuhan
sa buong linggo.
285 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
* Basahin ang liham na ginawa ng mga bata upang malaman ang mga natutuhan
nila sa buong linggo at kung paano pa sila matutulungan para sa mga aralin ng linggo
na hindi nila masyadong naunawaan. Hindi bibigyang ng puna ang isinulat na liham
ng mga bata. Ipaalala sa mga bata na maging makatotohanan sa pagsasabi ng mga
natutuhan sa linggo.
DRAFT
April 10,2014
286 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON
IKAAPAT NA MARKAHAN
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Kaalaman
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
napakinggang usapan
Gramatika
1
2
2
1-2
Nagagamit ang angkop
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit ang mga
salitang kilos sa paguusap tungkol sa iba’t
ibang gawain sa tahanan,
paaralan, at pamayanan
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
3
1
1
1
4
Mga Layunin
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
KAALAMAN
Pag-unawa sa Napakinggan
DRAFT
April 10,2014
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
tekstong binasa
Kamalayang Ponolohiya
2
2
2
5-6
Napagsasama-sama ang
mga tunog upang
makabuo ng bagong
salitang may diptonggo
Proseso/Kakayahan
1
1
1
7
Napagsusunod-sunod ang
mga pangyayari ng
kuwentong napakinggan
Gramatika
1
1
1
8
Nagagamit ang angkop
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit ang mga
salitang kilos sap aguusap tungkol sa iba’t
ibang gawain sa tahanan,
paaralan, at pamayanan
Kamalayang Ponolohiya
1
1
1
9
1
1
1
10
Napapalitan at
nadaragdagan ang mga
tunog upang makabuo ng
bagong salita
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
11
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
binasang teksto
2
2
2
12-13
Pag-unawa sa Napakinggan
287 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
1
1
Nasasagot ang mga
tanong sa napakinggang
usapan
Nakasusunod sa
panutong mag tatlo
hanggang apat na
hakbang
Gramatika
1
1
1
15
1
1
1
16
Nagagamit ang angkop
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit nang wasto
ang pang-abay
Pag-unlad ng Talasalitaan
1
1
1
17
1
1
1
18
Nakagagamit ng mga
2
pahiwatig upang
malaman ang kahulugan
ng isang salita
Kaalaman sa Limbag at Aklat
2
1
19-20
Naikukumpara ang mga
teksto sa pamamagitan ng
pagtatala ng
pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga ito
Pag-unawa sa Binasa
1
1
1
21
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
binasang teksto
Pagsulat at Pagbabaybay
2
2
2
22-23
Nababaybay nang wasto
ang mga salitang
natutuhan sa aralin
Nagagamit ang wastong
bantas, malaki at maliit
na letra sa pagsulat
Komposisyon
1
1
1
24
2
2
2
25-26
Nakasusulat ng isang
talata
Estratehiya sa Pag-aaral
1
1
1
27
Nagagamit ang
pangkalahatang
sanggunian batay sa
pangangailangan
2
2
2
28-29
Mga Layunin
Kaalaman
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
Estratehiya sa Pag-aaral
Nagagamit ang
pangkalahatang
sanggunian batay sa
pangangailangan
Pang-unawa
1
14
Pag-unawa sa Napakinggan
DRAFT
April 10,2014
288 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Bilang
ng
Araw
Bilang
ng
Aytem
Naibibigay ang paksa ng
kuwento o tekstong
napakinggan
Naisasalaysay muli ang
napakinggang teksto sa
tulong ng balangkas
Gramatika
1
Kaalaman
Antas ng Pagtatasa
Proseso/
PangKakayahan
unawa
Produkto/
Pagganap
Kinalalagyan
ng Bilang
1
1
30
1
1
1
31
Nagagamit ang angkop
na pagtatanong tungkol
sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari
Nagagamit ang mga
salitang kilos sa paguusap tungkol sa iba’t
ibang gawain sa tahanan,
paaralan, at pamayanan
Pag-unawa sa Binasa
2
2
2
32-33
1
1
1
34
Naiuugnay ang binasa sa
sariling karanasan
Nagbabago ang dating
kaalaman base sa
natuklasang kaalaman sa
binasang teksto
Nakapagbibigay ng
wakas ng binasang
kuwento
Pag-unawa sa Napakinggan
1
1
1
35
1
1
1
36
1
1
1
37
Naisasakilos ang usapang
napakinggan
Wikang Binibigkas
1
1
1
38
Nakabubuo ng isang
katumbas ng
napakinggang kuwento
Nagagamit ang dating
kaalaman sa pag-unawa
ng napakinggang
kuwento
KABUUAN
1
1
1
39
1
1
1
40
40
40
Mga Layunin
PRODUKTO/PAGGANAP
Wikang Binibigkas
DRAFT
April 10,2014
40
289 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Basahin ang usapan at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
Tamang Gawi sa Pagtatanong at Pakikipag-usap
Modesta R. Jaurigue
Tunghayan ang pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa kanilang guro.
Cha at Che
:
Magandang umaga po, Gng. Jessica Lavarez.
May sadya po kami sa inyo.
Gng. Lavarez :
Magandang umaga naman. Maupo kayo.
Theo
:
Ma’am,bago po lamang kami sa paaralang ito.
Ibig po sana naming malaman kung saan po ang daan
papuntang silid-aklatan .
Sid
:
Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang magbasa.
Gng. Lavarez : Ganoon ba? Magandang hakbang ang inyong gagawin na
pagpunta sa silid- aklatan. Makatutulong ito sa inyong
pag-aaral at makapagpapaunlad sa pagbasa nang
mabilis.Ang silid-aklatan ay katapat ng silid ng ikatlong
baitang.
Mga Mag-aaral : Maraming salamat po Ma’am.
DRAFT
April 10,2014
1. Ano ang dahilan ng pagpunta ng mga mag-aaral kay Gng. Jessica Lavarez?
a. magtatanong kung saan ang papuntang silid-aklatan
b. manghihiram ng aklat
c. bibili ng pagkain
d. magbibigay ng proyekto
2. Sino ang nagsabi ng “Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang
magbasa.”
a. Cha
b. Che
c. Theo
d. Sid
3. Saan po ang papuntang silid-aklatan ?
Anong panghalip pananong ang ginamit ?
a. po
b. papunta
c. saan
d. silid-aklatan
4.
“Ibig po naming manghiram ng aklat.”Anong salitang kilos ang ginamit sa
pangungusap?
a.
aklat
b. ibig
c. namin
d.
manghiram
290 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
Basahin ang talaa upang masagot ang mga tanong tungkol dito.
Mahalaga ang Pagkain nang Tama
Modesta R. Jaurigue
Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba
pa at ang pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at
nakapagpapatibay ng resistensiya upang tuluyang makaiwas sa anomang
karamdaman at tumutulong sa paglaki.
Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong
maghapon,kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw:
agahan,tanghalian at hapunan.
Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang katawan.
5. Anong pagkain ang nakapagpapatibay ng resistensya?
a. french fries
b. gulay
c. sitsirya
d. popcorn
6. Ano ang dapat gawin upang lumusog ang katawan?
a. Kumain ng tamang pagkain.
b. Kumain ng maling pagkain
c. Maglaro maghapon.
d. Magbasa ng aralin.
7. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang
lumakas ?
a.
lumabas
b. lumayo
c. malakas
d. malaya
8. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa talata.
DRAFT
April 10,2014
1.
Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong
maghapon.
2.
Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang
katawan.
3.
Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba
pa at ang pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at
nakapagpapatibay ng resistensiya upang tuluyang makaiwas sa
anomang karamdaman at tumutulong sa paglaki.
kinakailangang kumain ng
agahan,tanghalian at hapunan.
4.
a.
b.
4, 3, 2, 1
1, 2, 3, 4
beses
sa
isang
araw:
c. 2, 1, 3, 4
d. 3, 1, 4, 2
291 tatlong
Patnubay ng Guro sa Filipino 3
9. Ano ang kailangan natin upang maging malakas at puno ng enerhiya?
a. kumain
b. maglaro
c. magsayaw
d. mamasyal
10. Sa inyong palagay ano ang maidudulot ng pagkain ng agahan?
a. Magiging alisto sa klase.
b. Hindi mahuhuli sa klase.
c. Magkakaroon ng bagong laruan.
d. Matatapos nang maaga ang mga gawain.
Si Tom
Modesta R. Jaurigue
Kring…….”Yehey! Labasan na “. Sigaw ng mga mag-aaral ng Ikatlong
Baitang. Lahat ay nagmamadaling nagligpit ng mga gamit . Nakita ni Tom na
itinapon ng mga kaklase ang mga papel sa basurahan.” Bakit itinapon ninyo ang
mga papel na wala pang sulat, sayang naman” ang sabi ni Tom. ”Bibili na lang
kami bukas at saka yukos na ang mga yan “ ang sagot ni Cloe. Kinuha ni Tom
ang mga papel na itinapon ng mga kaklase at inilagay sa envelope. Nagtasa ng
kanyang lapis at inilagay sa lagayan ng mga lapis at ng makita na maayos na ang
kanyang mga gamit saka tumayo at inihanda ang sarili sa pag-uwi
DRAFT
April 10,2014
11. Itinapon ang mga papel sa basurahan.
Anong salitang kilos ang ginamit sa pangungusap?
a. basurahan b. itinapon
c. mga
d. papel
12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang
nagamit ?
a. naayos
b. nagalit
c. natuwa d. nawala
13. Saan inilagay ni Tom ang mga papel na kinuha sa basurahan?
a. sa basurahan
b. sa envelope c. sa ilalim ng bangko d. sa bag
14. Ano ang ginawa ni Tom nang marinig ang tunog ng bell?
a. Inayos ang gamit
c. tumakbo
b. Nakipag-usap sa kaklase d. tumayo
15. Ano ang sinabi ni Tom sa kaklase na nagtapon ng papel sa basurahan?
a. Bakit ninyo itinapon ang mga papel na wala pang sulat sayang naman.
b. Bakit mali ang itinapon ninyo sa basurahan?
c. Bakit hindi ninyo itabi ang mga di- nagamit na papel.
d. Bakit kayo tumakbo agad?
16. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin sa pagtitipid ng sulatang papel?
a. Itabi ang sulatang papel na hindi pa nagagamit o nasusulatan.
b.Itapon ang gusto na papel.
c. Maglagay ng karton sa ilalim ng papel upang di bumakat ang kasunod na
susulatan.
d.Burahin ang namaling sulat sa papel at ipagpatuloy ang pagsusulat.
292 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
17. Saan nangyari ang kuwento ?
a. hardin
b. klinika
c. palaruan
d. silid-aralan
18. Ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay______________ ng mga gamit.
Punan ng wastong pang- abay na may kilos upang mabuo ang pangungusap
a. Nagmamadaling nagligpit
b. Umalis ng maingay
c. Itinapon ang papel
d. Inayos ng mabuti
19. Kring… Labasan na”, sigaw ng mga mag-aaral sa Ikatlong baitang.
Anong salita ang maaaring ipalit sa salitang labasan na ?
a. Pasukan na.
b. Uwian na.
c. Rises na.
d. Maglalaro na.
20. ”Bibili na lang kami ng papel bukas at saka gusot na ang mga iyan.”
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Ayos
b. punit
c. puti
d. sira
21. “Bibili na lang kami bukas at saka yukos na ang mga iyan,” ang sagot ni
Cloe. Inayos ni Tom ang mga aklat at inilagay sa envelope ang sulatang
papel na di-nagamit.
Ano ang pagkakaibang gawi ni Cloe at ni Tom sa pagliligpit ng sulatang
papel?
DRAFT
April 10,2014
a. Si Tom ay matipid samantalang si Cloe ay hindi matipid sa sulatang papel.
b. Si Tom ay hindi matipid samantalang si Cloe ay matipid sa sulatang papel.
c. Si Cloe at si Tom ay matipid sa sulatang papel.
d. Si Cloe at si Tom ay parehong hindi matipid sa sulatang papel.
Si Puti
Modesta R. Jaurigue
Ako ay may alagang aso, puti ang tawag ko sa kaniya.May apat na
anak. Kulot na kulot at puting-puti ang balahibo niya.Masarap siyang
kalaro.Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-upo,paglundag at
pagkuha ng tsinelas.
Nakatutuwa ang aking alagang aso!
22. Ano ang alaga na nabanggit sa talata?
a. agila
b. aso
c. kambing
d. pusa
23. Ilan ang anak ni Puti ?
a. isa
b. tatlo
c. apat
d. wala
24. “Ako ay may alagang aso, Puti ang tawag ko”.
Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay __.
a. Kulay asul
b. kulay berde c. kulay bulak
d. kulay itim
25. Nakakatuwa ang aking alagang aso !
Anong bantas ang ginamit sa katapusan ng pangungusap ?
a. kuwit b. padamdam
c. pananong
d. tuldok
293 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
26. Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-upo,paglundag at
pagkuha
ng tsinelas. Anong salitang hiram ang ginamit sa pangungusap?
a. pag-upo b. tricks
c. tinuruan
d. tulad
27. Sumulat ng talata na kahalintulad ng paksa ng kuwentong “Si Puti.”
28. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng sangguniang aklat?
a. Paghanap ng mabibili.
b. Paghanap sa kahulugan ng salita
c. Paghanap sa araling pinag-aralan
d. Paghanap sa mga takdang aralin.
29. Nais ni Rosheen malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang
sanggunian maliban sa aklat na kaniyang ginagamit, sa iyong palagay saan
siya makakikita?
a. diksyunaryo
b. indeks c. pabalat d. talaan ng nilalaman
Ang Batang si Maria
Modesta R. Jaurigue
Sina Maria ay naninirahan sa tabi ng ilog. Marami silang tanim sa
paligid ng kanilang bahay. Siya ay mabait, masunurin, masipag at
matulungin. Kapag araw ng Sabado, tumutulong siya sa gawaing bahay at
sumisimba naman tuwing araw ng Linggo kasama ang kaniyang ama’t ina.
Isang araw, habang si Maria ay nagwawalis ng kanilang bakuran,
may lumapit na mga batang naglalaro.
“Maria , nagugutom kami, maaari bang makahingi ng bunga ng puno
ng kaimito?”
Aba!Oo kumuha na kayo pero mag-ingat kayo baka kayo ay
mahulog,” ang sagot ni Maria .
Maraming bata at matanda ang humihingi kay Maria ng prutas.
Binibigyan niya ito at hindi pinagdadamutan kahit kailan.
“Talagang mapagbigay na bata si Maria,” wika ng mga tao.
DRAFT
April 10,2014
30. Ibigay ang paksa ng kuwento .
31. Gumawa ng balangkas ng binasang kuwento.
32. Ano ang nilalaman ng kuwento ??
33. Anong magandang ugali ni Maria ang nagustuhan mo ?
34. Ano ang magandang gawi ang ipinakita ni Maria nang humingi ang mga
batang nagugutom ?
35. Nakapagbigay ka na rin ba tulad ni Maria, ano ang naibigay mo na?
Isulat ito sa isang pangungusap.
36. Kung ikaw si Maria, ano ang mararamdaman mo sa mga nanghihingi ng
bunga ng kaimito? Isulat sa isang pangungusap ang kasagutan.
37. Sumulat ng isang pangungusap sa naging wakas ng kuwento.
294 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
38-40
Gawaing Pagganap
Layunin
1. Makabuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggan o nabasang kwento
2. Maipakitang kilos o pagsasatao ng nabuong kuwento
Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral
Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “ Ang
Miryenda ni Nicole.”
Sa loob ng 5 minuto,iisip ng katumbas na kuwento ang bawat isa.
Karagdagang 5 minuto upang ihanda ang kinakailangang gamit para sa
pagsasadula o pagsasatao.
Kalagayan
Magsasagawa ang mga mag-aaral ng gawain, pagsasadula o pagsasatao na
katumbas ng napakinggang kuwento. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip
na pamantayan.
Pamantayan sa Pagsulat
DRAFT
April 10,2014
PUNTOS
PAMANTAYAN
12
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang
kuwento. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pagunawa ng napakinggang teksto .Naibibigay ang paksa ng kuwento
o sanaysay na napakinggan.
9
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang
kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto .Naibibigay ang paksa ng
kuwento o sanaysay na napakinggan.
6
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang
kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto at di- naibigay ang paksa ng
kuwento o sanaysay na napakinggan.
3
Hindi nakabuo ng isang kuwentong katumbas ng napakingang
kuwento. Hindi nagamit ang naunang kaalaman o karananasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto at di-naibigay ang paksa ng
kuwento o sanaysay na napakinggan.
Ang Miryenda ni Nicole
Modesta R. Jaurigue
Ang paboritong miryenda ni Nicole ay instant noodles at ang baon niya sa
paaralan ay chips at kendi.Hindi siya mahilig uminom ng tubig. Wala siyang hilig sa
prutas at gulay.
Isang gabi, binasag ang katahimikan nang malakas na sigaw ni Nicole.
295 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
“ Inay! Inay!” ang malakas na tawag ni Nicole habang namimilipit sa sakit at
hawak-hawak ang tiyan.
“Tayo sa ospital at dadalhin kita ng malaman natin kung bakit sumasakit ang
tiyan mo,” ang wika ng nanay ni Nicole.
“Ayaw ko po Inay. Takot ako sa turok at gamot,” iyak ni Nicole.
“ Hindi puwede kapag hindi natin pinatingnan ang sakit mo, maaaring
maghina ka at mawalan ng malay,” sambit ni Aling Mameng.
Walang nagawa si Nicole kundi ang sumama siya sa ina.Habang nasa
sasakyan papuntang ospital, panay ang dasal at pagsisisi ni Nicole,naiisip niya kasi na
ang lagi niyang miryenda ay mga pagkaing walang sustansya.
“Hmm..Sobrang pagkain at dhindi natunawan ang anak ninyo. Huwag
kayong mag-alala, okey na po siya,” ang wika ng doktor.
“Salamat naman po, akala ko po ay grabe na ang sakit ng anak ko,”,ang
pasasalamat ni Aling Mameng.
Nalaman ni Nicole ang kaniyang pagkakamali at nasambit na magbabago na
siya.
DRAFT
April 10,2014
SUSI SA PAGWAWASTO
1. A
2. D
3. A
4. C
5. A
6. A
7. C
8. D
9. A
10. A
11. C
12. A
13. B
14. B
15. A
16. A
17. B
18. A
19. B
20. C
21. A
22. A
23. C
24. C
296 Patnubay ng Guro sa Filipino 3
25. D
26. D
27.
28. A
29. A
30. Si Maria ang batang mapagbigay
31. Ang Batang si Maria
I. Ang pakikisama ni Maria sa mga tao
A. Mabait
B. Masunurin
C. Masipag
D. Matulungin
II. Ang mga gawain ni Maria
A. Palasimba
B.Masipag magwalis
C.Tumutulong sa gawaing Bahay
32. Huwarang Bata
33. Matulungin
34. Mapagbigay
35. Oo nagbibigay ng pagkain,papel sa mga kaklase
36. Maawa dahil sila ay nagugutom.
37. Bibiyayaan ng magandang buhay si Maria sa pagiging mapagbigay niya.
DRAFT
April 10,2014
297 

Similar documents

K to 12 Curriculum Guide

K to 12 Curriculum Guide pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe. Sa dul...

More information