Untitled - Victory Los Baños
Transcription
Untitled - Victory Los Baños
Sabihin ninyo sa mga tagapamahala ng Juda at sa lahat ng kanyang mamamayan na pumunta silang lahat sa templo ng Panginoon na inyong Diyos at mag-ayuno. Humingi sila ng tulong sa Panginoon. Joel 1:14 Bakit Kailangang Mag-ayuno? Sa ating pagsalubong sa susunod na kalahating bahagi ng 2015, ating pasalamatan ang Diyos sa Kanyang katapatan at alamin ang Kanyang kagustuhan sa pamamagitan ng pananalangin. Ang pag-aaayuno ay panahon ng pagpapakumbaba sa Panginoon, pakikinig sa Kanyang tinig at pag-ayon ng ating mga sarili sa Kanyang kagustuhan. Sa ating paglaan ng ating mga sarili bilang isang simbahan sa Kanya, ating asamin ang pagkilos ng Diyos sa ating kalagitnaan. Ating ipagpatuloy ang paniniwala sa Diyos para sa kasagutan sa ating mga panalangin, nang sa gayon ay atin Siyang maparangalan sa lahat ng ating gagawin sa taong ito. Maghanda sa Pag-aayuno • Panatilihin ang pusong may pasasalamat habang nag-aayuno. Maging handa sa pagtanggap ng anumang atas mula sa Diyos. • Ipanalangin at pag-isipang mabuti ang mga ilalagay sa pahina para sa mga panalangin. Hingin ang gabay ng Banal na Espiritu. Mga Praktikal na Maaaring Gawin • Magpasiya sa isang uri ng pag-aayuno. Huwag gawin ang pagdedesisyon sa bawat araw. Magpasya bago pa man ang pag-aayuno at maging disidido sa paggawa nito. • Dahan-dahang ihanda ang katawan para sa pag-aayuno. Simulang kumain ng maliliit na bahagi lamang. Iwasan ang mga matatamis at matatabang pagkain. Dalawang araw bago ang pag-aayuno, kumain na lamang ng mga gulay at prutas. Sumangguni sa doktor kung kinakailangan. Mga Nasagot na Panalangin Ano ang iyong mga ipinagpapasalamat sa Diyos? Ano sa iyong mga panalangin para sa 2015 ang nasagot na ng Diyos? Ano ang mga pinakamagagandang mga nangyari sa iyo itong 2015? DAY 1 Parangalan Ang Diyos sa Pamamagitan ng Ating Mga Trabaho Anuman ang gawain ninyo, gawin ninyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran ninyo at hindi ang tao. 24Alam naman ninyong may gantimpala kayong matatanggap sa Panginoon dahil si Kristo na Panginoon natin ang siyang pinaglilingkuran ninyo at hindi ang tao. 23 mga taga colosas 3:23,24 BASAHIN Mga Kawikaan 12:24 • Mga Kawikaan 13:4 • 1 Corinto 10:31 ga Taga-Efeso 6:5-9 • 1 Tesalonica 4:11,12 M aaari nating parangalan ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga trabaho kung tayo ay maglilingkod ng buong puso at buong sipag. Ayaw ng Diyos na tayo ay maging pabaya, tamad, o walang sigla sa ating mga ginagawa— sa trabaho, pag-aaral, hanapbuhay, o paglilingkod sa ibang tao. Ang pagtatrabaho ng buong puso ay pagtatrabaho nang may sigasig, sipag, at saya. Nangangahulugan ito nang patatrabaho na nagmumula sa ating kalooban. Anuman ang ating ginagawa, dapat ito magpakita ng ating tapat na saloobin. Hindi tayo naglilingkod upang magpasikat o magyabang. Kahit pa ang ating mga trabaho ay nakababagot, nais ng Diyos na gamitin natin ito upang maparangalan at mapagpurihan Siya. Dahil sa tayo ay nagtatrabaho para sa Panginoon, at hindi para sa tao, nararapat lamang na gawin natin ito ng may pagkasabik at kahusayan. Hindi tayo dapat nagtatrabaho para lamang matapos ang trabaho. Kung tama ang ating pananaw, walang trabaho na magiging isang mabigat na pasanin para sa atin. Anuman ang ipagawa ng Diyos sa atin, nais Niyang gamitin natin ito upang Siya ay pagsilbihan. Ang pagsisilbi sa Diyos sa ating mga trabaho ay magbibigay din sa atin ng karangalan. Maging tayo man ay nag-aaral, naghahanda ng isang pag-uulat, tumatawag upang makapagbenta, o namumuno ng isang pagpupulong para sa isang negosyo, ang ating Pinuno, Pangulo, ang Diyos na Siya nating pinagsisilbihan ay nakakikita sa lahat ng ating ginagawa at naka-aalam kung paano tayo nagtatrabaho. Dahil dito, gawin natin ang ating mga trabaho ng buong puso. PAG-ISIPAN Paano ipinaghambing ng Bibliya ang taong tamad at mabagal sa taong masipag? Ano ang kabutihan ng pagiging masipag? Mga Kawikaan 12:24 Mga Kawikaan 13:4 Paano tayo dapat na nagtatrabaho at naghahangad na mamuhay? Mga Taga-Efeso 6:5-9 1 Tesalonica 4:11,12 TUGON Ano ang isang bagay na maaari mong gawin upang parangalan ang Diyos sa iyong trabaho? Paano mo magagawang magtrabaho ng taos-puso at may kahusayan? Ibahagi ito sa iyong Victory group. Isulat ang iyong faith goals para sa iyong pag-aaral, trabaho, bokasyon, o negosyo. Ipanalangin na sa katuparan ng iyong layunin, ang Diyos ay iyong mapagpurihan. DAY 2 Parangalan ang Diyos sa Pamamagitan ng Ating mga Relasyon Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isa’t-isa. mga taga-roma 12:10 BASAHIN Mga Taga-Efeso 4:32 • Mga Taga-Efeso 6:1-3 • Mga Taga-Filipos 2:1-11 Mga Taga-Colosas 3:12-17 • Mga Hebreo 13:1-4 A ng salitang Griyego para sa “pagmamahal” (philadelphia) sa talatang ito ay gaya ng palitan ng pagmamahalan sa pagitan ng mga magkapatid at magkapamilya. Ang mga Kristiyano ay dapat na nagmamahal sa mga nabibilang sa pamilya ng Diyos gaya ng kanilang pagmamahal sa kanilang pamilya dito sa lupa. Paano natin maipakikita ang ganitong uri ng pagmamahal sa ibang tao? Sa pamamagitan ng paghigit sa isa’t-isa sa pagpapakita ng karangalan, respeto, at kabaitan. Ang pag-uugaling ito ay taliwas sa gawi ng mundo na nakatuon sa pagtaguyod sa sarili bago ang ibang tao. Bilang mga tagasunod ni Kristo, dapat nating igalang ang ibang tao at hindi hangarin ang sariling karangalan. Hindi tayo dapat mainggit o magselos sa iba sa tuwing sila ay nakakukuha ng papuri at pagkilala. Sa halip na makipag-paligsahan dahil sa kasakiman, sinabi ni Apostol Pablo na dapat tayong makipagpaligsahan sa pagbibigay karangalan sa kapwa natin mananampalataya. Tayo ay sinabihan ng Bibliya na isipin na mas magaling ang ibang tao kaysa sa atin. Kung ito man ay ating kapamilya, kaibigan, kamag-aral, kasamahan sa trabaho, o kapwa mananampalataya, maaari nating parangalan ang Diyos sa ating pakikitungo sa kanila ng may pag-ibig, respeto, kabaitan, at malasakit. PAG-ISIPAN Anong pag-uugali ang dapat mong talikuran at ano ang dapat mong isaalang-alang, upang maitaguyod ang mabuting relasyon sa iyong kapwa batay sa Mga Taga-Filipi 2:1-5? Sa paanong paraan ka dapat makitungo sa iba ayon sa Bibliya, upang magawa mong papurihan at parangalan ang Diyos? Mga Taga-Efeso 4:32 Mga Taga-Colosas 3:12-17 Mga Hebreo 13:1-4 TUGON Gawin ang desisyon na parangalan ang iyong mga magulang kayo man ay nasa bahay, o nasa pampublikong lugar. Ano ang maaari mong simulan gawin upang maparangalan sila itong linggo? Paano mo magagawang magsabi ng mga salitang nakapag-bibigay pag-asa sa iyong pamilya, Victory group, at lugar kung saan ka nagtatrabaho itong linggo? Paano mo magagawang higitan ang isang tao sa pagbibigay ng papuri o paggalang? DAY 3 Parangalan ang Diyos Sa Pamamagitan ng Ating Mabubuting Gawa Sa lahat ng oras, ipakita ninyo sa mga taong hindi kumukilala sa Diyos ang matuwid ninyong pamumuhay. Kahit pinararatangan nila kayo ngayon ng masama, sa banding huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa ninyo at luluwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdating niya. 1 Pedro 2:12 BASAHIN Mga Salmo 37:1-6 • Mateo 5:14-16 • Mga Taga-Galacia 6:9 1 Timoteo 4:12 • Tito 3:14 • Mga Hebreo 13:16 • 1 Pedro 2:11 A ng Diyos ay dapat nating parangalan sa pamamamagitan ng ating pamumuhay dahil Kanyang tinitingnan hindi lamang sa ating pananalita kundi maging ang ating mga pag-uugali. Ang ating ikinikilos ay kasing halaga ng ating mga paniniwala. Itinuring ni Apostol Pablo ang mga Kristiyano na mga manlalakbay—mga dayuhang pansamantalang naninirahan sa mundo. Ang mga tao na may ibang mga paniniwala ay nagmamasid kung paano namumuhay ang mga Kristiyano. Dahil dito, tayo ay pinayuhan ni Pedro na mamuhay nang matuwid kasama nila nang sa gayun ay makita nila ang kapuri-puring paraan ng pamumuhay kahit pa may mga maling paratang o pag-uusig na ibinabato sa atin. Ito ay makapagbibigay karangalan sa Diyos at maka-aakay ng mga tao palapit sa Kanya. Atin nang narinig ang kasabihang, “Actions speak louder than words.” Ang kasabihang ito ay totoo sa ating pag-uugali at paraan ng pamumuhay kasama ang mga hindi Kristiyano. Hindi tayo maaaring mangaral sa kanila kung hindi natin isinasabuhay ang ating mga paniniwala. Subalit, kung ang ating mga ginagawa ay tugma sa ating pananampalataya, magiging mas madali ang pag-akit sa kanila patungo sa Diyos. Ang pangaral na ito ni Pedro ay gaya din ng sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo sa Mateo 5:16: “...pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at papurihin nila ang inyong Amang nasa langit.” PAG-ISIPAN Basahin ang Mateo 5:14-16. Saan inihambing ang mga taga-sunod ni Kristo? Bakit natin dapat ipakita ang ating ilaw sa mga tao? Bakit natin dapat ipagpatuloy ang paggawa ng tama sa mga tao? Mga Hebreo 13:16 Mga Taga-Galacia 6:9 Tito 3:14 TUGON Sino ang ipinapanalangin mong mabahaginan ng Mabuting Balita ng Diyos? Ano ang maaari mong gawing kabutihan para sa kanya itong linggo? Sa paanong paraan ka maaaring maging isang mabuting halimbawa sa iyong tahanan, paaralan, lugar ng pinagtatrabahunan, at maging sa iyong kapitbahay upang makita ng mga tao ang liwanag at pagmamahal ng Diyos sa iyong buhay? Ano mga pinaniniwalaan mong makakamit mo mula sa Diyos? Ano ang iyong mga faith goals para sa natitirang bahagi ng taon? Ano ang patuloy mo pang idinadalangin sa Diyos? Kaligtasan • Pagpapanumbalik ng Relasyon • Katagumpayan sa Pinansyal Kagalingan • Personal na Katagumpayan • Paglago ng Victory Group ang aking kasama sa pananalangin, , ay naniniwalang makakamit niya mula sa diyos ang . . . Kaligtasan • Pagpapanumbalik ng Relasyon • Katagumpayang Pinansyal Kagalingan • Personal na Katagumpayan • Paglago ng Victory Group 1 NAITAKDA 2 Fasting Options Water only Liquid only One meal only Others: Prayer meeting na dadaluhan: 3 Fasting Options Water only Liquid only One meal only Others: Prayer meeting na dadaluhan: Fasting Options Water only Liquid only One meal only Others: Prayer meeting na dadaluhan: Para sa schedule ng mga prayer meeting, bumisita sa victory.org.ph/fasting2015 victory.org.ph victoryph victoryph | #fasting2015 © 2015 by VICTORY® Reserbado ang lahat ng karapatang pag-aari. Lahat ng sipi ay mula sa ANG SALITA NG DIOS® Karapatang Pag-aari © 2010 ng Biblica® Ginamit na may pahintulot mula sa Biblica Publishing & Distribution Foundation, Inc.® Reserbado ang lahat ng pag-aari. victory.org.ph