Dating rektor at iba pang Tomasino, nominado sa
Transcription
Dating rektor at iba pang Tomasino, nominado sa
Tomo LXXXVII, Blg. 1 • Ika-29 ng Agosto, 2015 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas Imahen ng Santo Niño de Cebu, bumisita sa Maynila MULING pinaalalahanan ang mga laiko na kanilang responsibilidad ang alagaan ang kalikasan bilang bahagi ng kanilang misyon at pananampalataya. Itinampok sa pagbisita ng imahen ng Santo Niño de Cebu sa Kalakhang Maynila ang prusisyon sa Ilog Pasig noong ika-16 ng Agosto. Tugon ito ng mga paring Agustino sa Laudato Si’, ang ikalawang ensiklika ng Santo Papa Francisco na inilathala noong Hunyo 18. Ayon kay P. Harold Rentoria, O.S.A., direktor ng ika-450 na anibersaryo ng “Kaplag” o ang pagkakatagpo ng imahen ng Santo Niño sa Sugbu, idinaan ang prusisyon sa Ilog Pasig upang ipakita sa mga tao ang patuloy na pagkasira ng kalikasan. “The historic fluvial procession in Pasig River of the image of Santo Niño de Cebu is in support of the call of Pope Francis in his encyclical Laudato Si’ to be good stewards of God’s creation and Imahen PAHINA 8 PIT SENYOR! Dinagsa ng mga deboto ang pagbisita ng imahen ng Santo Niño de Cebu, ang pinakamatandang relikong Katoliko sa bansa, sa Parokya ng Nuestra Señora de Gracia sa Makati. G.L. CADUNGOG Senior high school, ilulunsad na UST nanguna sa Medicine, Nutrition, OT, PT exams NAMAYAGPAG ang mga Tomasino sa nagdaang licensure examinations para sa Medicine, Nutrition and Dietetics, Occupational Therapy (OT) at Physical Therapy (PT). Muling pumangalawa ang Unibersidad sa katatapos na NutritionistDietitian Licensure Examinations. Nagtala ng 98.77-porsiyentong passing rate ang UST kung saan 80 sa 81 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Higit na mataas ito sa 90.53-porsiyentong passing rate noong nakaraang taon o katumbas ng 86 na Tomasinong pumasa mula sa 95 na kumuha ng pagsusulit. Nasa ikapitong puwesto sa listahan ng 10 na nakakuha ng pinakamatataas na marka ang Tomasinong si Chelsea Rae Mercadillo na nagtamo ng 83.15-porsiyentong marka. Bahagyang tumaas ang pambansang passing rate ng nutrition pagsasalaysay ni Joselito Z u l u e t a , patnugot ng Philippine Daily Inquirer sa Lifestyle Arts and Books, sa kasaysayan ng Baybayin sa UST. Ayon dito, taong 1911 nang unang nasilayan ng mga Filipino ang sulatin ng Baybayin habang ipinagdiriwang ng Unibersidad ang ika-300 na anibersario nito. “As against the claim of the American UPANG makasunod sa pambansang reporma sa edukasyon, nakatakdang ilunsad ng Unibersidad sa akademikong taon 2016-2017 ang Senior High School (SHS), na magdaragdag ng ika-11 at ika-12 na baytang sa mataas na paaralan. Ayon sa opisyal na pahayag ng UST sa Facebook PAHINA nito, ang SHS ay alinsunod sa mga pamantayan sa ilalim ng Philippine Qualifications Framework at ASEAN Qualifications Framework, kung saan inuuri ang antas ng kasanayan at edukasyon na kailangan bilang kuwalipikasiyon sa iba’t ibang trabaho. Si Pilar Romero, kasalukuyang supervising teacher ng Christian Living sa Education High School ng Unibersidad, ang magiging punongguro ng SHS na magbubukas ng klase sa Gusaling Buenaventura Garcia Paredes, O.P. sa isang taon. Ayon kay Romero, malaki ang maitutulong ng SHS sa pagiging handa ng mga mag-aaral na tutuloy sa kolehiyo. “It is expected that after two years in SHS, the students have acquired a certain degree of maturity not only with the age, but in the sense that they are ready enough to handle what’s there in college. It will give them an advantage because the SHS is a great pre-university training,” ani Romero sa isang panayam sa Varsitarian. Dagdag pa niya, ihinahanda na ng Unibersidad ang mga silid-aralan na gagamitin ng SHS at inaasikaso na rin ang pagkuha sa mga guro. “The SHS will be a seedbed of innovations as we aim not only to ensure, but also enhance the quality of education that we are giving in the University,” ani Romero. “We are conceptualizing a better type of learning space for the students and we will be getting faculty members who have experience, competence and those who are experts at their field.” Samantala, UST Junior High School (JHS) na ang tawag sa dating UST High School, ayon sa isang memorandum na inilabas ng Office of the Secretary General noong ika-31 ng Hulyo. Mananatili naman ang Education High School bilang laboratory school ng College of Education. Sinimulan ng UST ang pagtanggap ng aplikasyon para sa SHS noong ika-15 ng Hunyo. Magtatapos ito sa ika-22 ng Enero ng 2016. Nakatakdang isagawa ang UST Entrance Test o USTET para sa SHS sa ika-27 ng Setyembre at Baybayin PAHINA 3 Senior PAHINA 5 Dating rektor at iba pang Tomasino, nominado sa Nat’l Book Awards KABILANG ang dating rektor ng Unibersidad sa mga Tomasinong manunulat na nominado para sa taunang National Book Awards. Ang sanaysay na “We Become What We Love” ni P. Rolando V. de la Rosa, O.P. ay nominado sa Essay Category-English Language ng nasabing patimpalak. Magaganap ang opisyal na paglulunsad ng kaniyang bagong libro, na inilimbag ng UST Publishing House (USTPH), sa mismong araw ng parangal sa Setyembre. Tumayong rektor ng Unibersidad si de la Rosa noong 1990 hanggang 1998, at muli noong 2008 hanggang 2012. Nagsilbi rin siyang tagapangulo ng Commission on Higher Education noong 2004 hanggang 2005. Ginawaran siya ng National Book Award noong 1991 para sa kaniyang akda na “Beginnings of the Filipino Dominicans: A Critical Inquiry into the Late Emergence of Native Dominicans in the Philippines and Their Attempt at Self-Government.” Ang iba pang mga akdang nailimbag ng USTPH na nominado sa patimpalak ngayong taon ay ang “For Love and Kisses” ni Andrea Pasion-Flores, para sa kategoryang Fiction Category-Short Stories; at “KRITIK/CRITIQUE: Essays from the J. Elizalde Navarro National Workshop on the Criticism of the Arts and Humanities, 20092012” na pinamatnugutan ni Oscar Campomanes, para sa kategoryang Anthology. Samantala, ang “Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular” ni Romulo Baquiran Jr. ang isa sa mga napili para sa kategoryang Literary Criticism/ Literary History-Philippine Language, kasama ang “Hidden Codex: Fictive Scriptures” ni Jose Marte A. Abueg para naman sa Poetry-English Language. Ilang tanyag na Tomasino ang napabilang rin sa listahan ng mga nominado. Isa na rito si Joselito de los Reyes, may-akda ng “Paubaya” na inilabas ng USTPH, para sa kategoryang Poetry-Philippine Language. Nominado rin siya sa kategoryang Essay para sa “Istatus Nation.” Nangibabaw naman ang tatlong akda ni J. Neil Garcia sa Literary Criticism/Literary History-English Language. May mga pamagat ito na “Homeless in Unhomeliness: Postcolonial Critiques of Philippine Literature” at “The Postcolonial Perverse” vol. 1 at vol. 2. Hinirang din na isa sa mga nominado para sa NonLiterary Division-Food Category, ang “Espiritu” ni Lourd de Veyra na Awards PAHINA 3 Exams PAHINA 10 UST Baybayin, inilimbag sa Lumina Pandit II PATULOY ang UST Archives sa pagpapabatid ng kahalagahan ng katutubong sistema ng ating pagsusulat, isang taon makalipas pormal na igawad ang titulong National Cultural Treasure (NCT) ng National Archives of the Philippines (NAP) ang koleksiyon ng sinaunag mga dokumento na nasusulat sa Baybayin na pawang matatagpuan lamang sa Arkibo ng pinakamatangdang pamantasan sa Asya. Ang Baybayin ang alpabeto ng mga sinaunang Tagalog bago pa man dumating ang mga Kastila na nagpakilala ng pagsusulat sa alpabetong Romano. Binubuo ng 14 katinig at tatlong patinig ang Baybayin na nagmula sa panahong bago pa man dumating ang mga Kristiyano o mga Muslim sa Filipinas. Kasunod ng pormal na pagkilala sa tinaguriang “UST Baybayin Scripts” ni NAP Direktor Victorino Manalo noong ika22 ng Agosto ng nakaraang taon, kasamang inilimbag ang mga dokumento at pagaaral ng Baybayin sa “Lumina Pandit II: A Continuum,” isang aklat sa kasaysayan na inilusad noong ika-16 ng Mayo sa pangunguna ng UST Miguel de Benavides Library at sa pakikiisa ng Union Bank of the Philippines. Sinabi ni UST Arkiwista Regalado Trota Jose na tanging ang mga dokumentong nadeklarang NCT ang nailimbag nang buo samantalang bahagi lamang ito ng sa iba pang documento sa Baybayin na nasa pangangalaga ng UST. Isang buong kabanata ang inilaan sa libro para sa paglalahad ng mga pag-aaral tungkol sa Baybayin. Kasama sa inilimbag na libro ang 2 Balita Patnugot: Dayanara T. Cudal IKA-29 NG AGOSTO, 2015 12,000 sumali sa UST Freshmen Walk Nina KATHRYN V. BAYLON at ALHEX ADREA M. PERALTA BITBIT and makukulay na bandera, lobo at mga instrumento, masayang dumaan sa ilalim ng Arch of the Centuries ang 12,815 bagong mag-aaral ng UST noong ika-5 ng Agosto bilang bahagi ng taunang “Welcome Walk” na simbolo ng kanilang pagiging ganap na Tomasino. “Sobrang saya at magical ng experience kasi ramdam mo na welcome ka talaga,” ani Eliza Elento, estudiyante mula sa College of Fine Arts and Design. “Ganap na ganap na Thomasian na kami.” Ayon sa Office of the Registrar, naitala ang pinakamaraming bilang ng mga freshmen sa Faculty of Arts and Letters na pumatak sa 1,404, pumangalawa naman ang Graduate School freshmen na nasa 1,302 at pumangatlo ang Faculty of Engineering na may 1,252 na freshmen. Matapos ang pagdaan ng mga estudyante sa arko, isang Misa ang idinaos sa UST Open Field kung saan pormal na sinalubong ni Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P ang mga bagong Tomasino. Sa kaniyang homiliya, hinikayat ng Rektor ang mga bagong Tomasino na huwag matakot sa mga suliranin na kanilang haharapin habang nasa unibersidad. “Do not commence the academic year with a grasshopper mentality, but think that you have the power of a superhero. Face your giants,” aniya. “You don’t need to master all the elements and become an avatar to survive your fears.” Dagdag pa ni P. Dagohoy kabilang sa mga kakaharaping “giants” ng mga mag-aaral ay ang mga propesor, pagsusulit at mga aralin. “UST is where champions in life are born. We eat giants for breakfast,” ani P. Dagohoy. Naging tradisyon na mula noong 2002 ang Welcome Walk, kung saan dumadaan sa makasaysayang arko sa harap ng Kalye España ang mga bagong Tomasino. Ang Arch of the Centuries ay nagsilbing lagusan ng lumang gusali ng Unibersidad sa Intramuros, Maynila (nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig), na dinaanan ng mga bayani at santong Tomasino. Isa-isang inilipat ang mga bato ng lagusan mula Intramuros patungo sa kasalukuyang lokasyon nito sa Sampaloc, hanggang pasinayaan ang arko noong 1954. 3 bagong dekano, itinalaga ng UST TATLONG bagong dekano ng Unibersidad ang naglalayong mas mapabuti pa ang antas ng edukasyon sa UST upang makasabay sa ibang bansa. Hinirang na bagong dekano ang mga propesor na sina Aleth Therese Dacanay ng Faculty of Pharmacy at Allan de Guzman ng College of Education. Si Romeo Castro naman ay tumatayong dekano ng College of Fine Arts and Design (CFAD). Matapos maglingkod ng dalawang taon bilang kalihim ng Faculty of Pharmacy, si Dacanay ay hahalili kay Prop. Elena Manansala, samantalang papalitan naman ni De Guzman ang officer in charge na si P. Jesus Miranda O.P. na pansamantalang humalili sa dating dekano na si Clotilde Arcangel. Si Castro, instructor mula sa departamento ng Industrial Design, ang kapalit ni Cynthia Loza na nagsilbing dekano ng CFAD mula 2009. Ugnayan sa labas ng bansa Layunin ng tatlong bagong dekano na mapalawak pa ang ugnayan ng Unibersidad sa labas ng bansa. “We need to increase the linkages internationally. With the advancements in technology, we need to develop and update the curriculum that best prepares the students for the industry,” wika ni Castro sa isang interbyu sa Varsitarian. Inamin ni Castro na kailangan pang pagbutihin ng CFAD ang pananaliksik. “The research capacity of a university is something international communities look at, so we need to also work on that. We can admit that the college still has a lower output in research so we are focusing on that. However, it is not an overnight process,” ani Castro. Sa isang interbyu kay Dacanay, patuloy na bumubuo ang Unibersidad ng isang “rich academic environment.” Sa kanyang paunang talumpati bilang dekano, hinikayat ni Dacanay ang 3,389 na kasapi ng Faculty of Pharmacy na harapin ang mga umuusbong na hamon dulot ng moderninasyon at globalisasyon. “I am proud to be leading the faculty where innovative and rigorous academic programs are being taught by not only competent but excellent faculty, providing students with the opportunity to become part of an institution that is dedicated to making a global impact through cutting-edge research, education, Dekano PAHINA 11 Dumaan sa ilallim ng Arch of the Centuries ang mga freshmen bilang simbolo ng kanilang pagiging ganap na Tomasino. BASILIO H. SEPE Mag-aaral ng Law, Journalism, patnugot ng ‘V’ sa ika-87 nitong taon PANGUNGUNAHAN ng isang Civil Law freshman at dalawang Journalism seniors ang Varsitarian, opisyal na pahayagang pangmagaaral ng UST, sa ika-87 na taon nito. Itinalagang punog patnugot si Lord Bien Lelay, dating patnugot ng Balita, habang ang dating katuwang na patnugot ng Balita na si Arianne Merez ang bagong katuwang na patnugot. Kasama nila sa Editorial Board si Angeli Mae Cantillana, dating manunulat ng Pintig, bilang tagapamahalang patnugot. Samantala, ang Graduate School freshman na si Dayanara Cudal ang pinangalanang patnugot ng Balita kasama ang Journalism senior na si Danielle Ann Gabriel bilang katuwang na patnugot ng Balita. Pangungunahan naman ng Journalism seniors na sina Mary Gillan Frances Ropero at Rhenn Anthony Taguiam ang Natatanging Ulat at Online, ayon sa pagkakabanggit. Tatayo rin bilang coordinator ng Agham at Teknolohiya si Taguiam. Sa unang pagkakataon, magkakaroon ng katuwang na patnugot ng Online na gagampanan naman ng Journalism senior na si Roberto Vergara Jr. Ang Tampok ay nasa ilalim ni Erika Mariz Cunanan, isang Civil Law freshman habang hawak naman ni Aliliana Margarette Uyao, isang estudyante ng Physical Therapy ang Panitikan. Patnugot ng Filipino ang Management Accounting senior na si Maria Koreena Eslava, habang patnugot ng Pintig, ang seksiyong panrelihiyon, ang Pharmacy senior na si Marie Danielle Macalino. Tumatayong editor ng Mulinyo (lifestyle and arts) si Daryl Angelo Baybado, na isa ring Journalism senior, at coordinator ng Palakasan ang Journalism junior na si Delfin Ray Dioquino. Samantala, bagong direktor ng Dibuho ang Fine Arts senior na si Ava Mariangela Victoria at patnugot ng Potograpiya ang Fine Arts junior na si Basilio Sepe. Ang mga bagong manunulat ng Balita ay ang mga estudyante ng Journalism na sina Kathryn Jedi Baylon, Clarence Hormachuelos, Alhex Adrea Peralta at Jerome Villanueva. Kabilang naman sa Palakasan sina Carlo Casingcasing, John Chester Fajardo, Philip Martin Matel at Randell Angelo Ritumalta, mga estudyante ng Journalism. Para sa Natatanging Ulat, ang mga bagong manunulat ay mga estudyante ng Journalism na sina Paul Xavier Jaehwa Bernardo at Monica Hernandez. Kasama naman ang Journalism sophomore na si Maria Corozan Inay, Education senior na si Mary Grace Esmaya at Speech and Language Pathology sophomore na si Vianca Ocampo sa Tampok. Samantala, ang Panitikan ay binubuo nina Zenmond Duque II, isang Civil Law senior, at Cedric Allen Sta. Cruz, isang Literature sophomore. Ang Filipino ay binubuo nina Jasper Emmanuel Arcalas at Bernadette Pamintuan na pawang estudyante ng Journalism. Para sa Pintig, kasapi ang Journalism senior na si Kristel Nicole Sevilla at Political Science sophomore na si Lea Mat Vicencio. Binubuo ng Journalism seniors na sina Mia Rosienna Mallari at Kimberly Joy Naparan, kasama ang Food Technology junior na si Julius Roman Tolop, na nagsisilbi ring student assistant ng pahayagan, ang Agham at Teknolohiya. Para sa Mulinyo, kasapi ang Journalism sophomore na si Amierielle Anne Bulan at Communication Arts juniors na sina Czarina Fernandez at Ethan James Siat. Kabilang naman sa Dibuho ang Journalism junior na si Kirsten Jamilla, Fine Arts senior na si Freya Torres, at si Iain Rafael Tyapon na nasa ika-apat na taon na sa Architecture. Kasapi naman ng Potograpiya ang mga estudyante ng Fine Arts na sina Geonabeth Cadungog, Alvin Joseph Kasiban, Amparo Mag-aaral PAHINA 5 Pag-aaral ng Tomasinong nars, kinilala sa Thailand Ni DANIELLE ANN F. GABRIEL KINILALA ang kakayahan ng Unibersidad na maglabas ng dekalibreng mga Nursing graduate at alumni sa pag-aaral na nagwagi ng Best Paper Award sa isang komperensiya sa Thailand. Sa nakalipas na 1st International Conference on the Development of Economy, Society, Environment and Health noong ika-23 hanggang 24 ng Hulyo sa Thailand Science Park Convention Center, kinilala ang mataas na passing rate ng UST sa taunang Nursing board exams. Sa pag-aaral na pinamagatang, “What it takes to succeed in the Philippine Nursing Licensure Examinations (PNLE): A retrospective qualitative inquiry on the journey of Thomasian Board Topnotchers,” tinalakay ng propesor na si Marica Estrada mula sa College of Nursing ang mga salik sa pagiging topnotcher ng mga Tomasino sa naturang pagsusulit. Ayon sa pag-aaral ni Estrada, nagsimulang maghanda para sa board exams ang mga Tomasinong topnotcher sa unang taon pa lamang sa kolehiyo. Isinaisip agad ng mga mag-aaral ang hangad na manguna sa pagsusulit. “As early as their first year, these nursing topnotchers were already visualizing their goal of coming out on top of the exams. They were motivating themselves and it showed because they would create their own study methods and memorization techniques and they would study the concepts by heart,” ani Estrada sa isang panayam. Dagdag niya, malaking bagay ang pakikitungo ng mga guro at estudyante sa isa’t isa at ang mga programang maghahatid ng karagdagang kaalaman, kasiyahan at inspirasyon sa mga mag-aaral. “There has to be effort from professors to encourage and guide the students to learn. Kapag nakikita ng mga estudyante na tinutulungan sila, mas gaganahan silang mag-aral,” ani Estrada. Aminado si Estrada na kailangan pang humabol ng UST pagdating sa makabagong teknolohiya na magagamit sa pag-aaral, na mayroon ang mga pamantasan ng ibang Asyanong bansa. Ngunit tiwala si Estrada na angat ang Unibersidad pagdating sa “hands-on experience.” Ayon kay Estrada, mas maraming pagkakataon ang mga Tomasinong mag-aaral na magamit ang kanilang kaalaman sa praktikal na paraan dahil sa nakakasalamuha nila ang mga pasyente. “We may not have the simulation and other innovations, but our students deal with human interaction and real instances so that is our edge,” ani Estrada. Kasama ni Estrada sa ginawang pag-aaral ang dalawa pang instruktor galing Nursing na sina La Arnie Lazalita at April Joy Gascon. Tinalo nila ang 11 pang presentasyon mula sa iba’t ibang Asyanong bansa. Kabilang ang UST sa top-performing schools ng PNLE. Mula 2007, nagtala ang UST College of Nursing ng lagpas 98 porsiyento na passing rate at 149 na topnotchers. Noong nakaraang taon, nagtala ang Unibersidad ng 99.55 porsiyentong passing rate kung saan 446 mula sa 448 na kumuha ng exam ang nakapasa. Mas mataas ito kaysa noong 2013 kung saan 99.04 porsiyento o 411 mula sa 415 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa. Bumaba naman ang pambansang passing rate mula 42.81 porsiyento noong 2013 hanggang 38.46 porsiyento noong 2014. Dahil sa pagbabago ng akademikong kalendaryo ng UST, iniurong ang pagkuha ng PNLE ng nagsipagtapos na batch ng nursing, na dapat sana ay noong Mayo. Sa Nobyembre kukunin ng mga nagsipagtapos ang pagsusulit. Ang College of Nursing ay itinuturing ng Commission on Higher Education na Center of Excellence. Level III ang accreditation nito sa Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation. Katuwang na Patnugot: Danielle Ann F. Gabriel IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Mga departamentong GenEd inianib sa Artlets Ni ALHEX ADREA M. PERALTA PITONG akademikong departamento mula sa pamamahala ng Office of the Vice Rector for Academic Affairs ang isinailalim na sa Faculty of Arts and Letters (Artlets) upang masunod ang alituntuning “vertical articulation” na atas ng Commision on Higher Education (CHEd). Dahil sa pagbabago, lumobo sa 350 mula 165 ang bilang ng mga miyembro ng faculty sa Artlets. Naipatupad ang pagkakahanay ng mga departamento ng Philosophy, Literature, English, History, Foreign Languages, Political Science at Economics sa fakultad noong ikalawang semestre ng akademikong taon 2014-2015. Sampu na ang departamento sa Artlets kabilang ang mga departamento ng Communication and Media Studies, Interdisciplinary Studies, at Sociology na dati nang nasa ilalim ng fakultad. “Vertical articulation would provide synchronization between the academic disciplines and the faculties and colleges that they are related to,” ani Prop. Michael Anthony Vasco, dekano ng Artlets. Ayon kay Vasco, bago pa man siya naitalagang dekano noong 2010, iminungkahi na ang paghahanay ng mga akademikong departamento sa Artlets noong panahon ng panunungkulan ni Armando de Jesus, dekano ng Artlets mula 2006 hanggang 2009. Matapos ideklara ng CHEd ang programang philosophy bilang Center of Excellence at ang mga programang journalism at literature bilang Center of Development, isinunod ang realignment project. Inaprubahan ito ng Academic Senate na kinabibilangan ng mga dekano, at ng Board of Trustees at Board of Regents na binubuo ng mga miyembrong itinalaga ng Order of Preachers. “There were already proposals to make A[rtlets] some sort of a service liberal arts college of the university, but it took several years to materialize ... When some of our academic programs were able to acquire their center of excellence and center of development titles, we thought that we were ready to realign the programs [to the faculty],” ani Vasco. Kaugnay pa rin ng realignment, nailipat ang Department of Psychology sa College of Science habang sa College of Education naman ang Kagawaran ng Filipino. Bahagi ng CHEd Policies and Standards ang Vertical Articulation Policy na nagsisilbing basehan ng pagsusuri sa lahat ng mga paaralan upang masiguro ang magandang antas ng edukasyon sa bansa. “Vertical articulation means the programs from bachelor’s, then master’s, to the doctorate degree levels are compartmentalized and aligned accordingly to the academic unit that grants the degree,” ani Vasco. “This would also mean that the faculty members are now managed by an academic unit that is directly related to the subject that they are teaching.” Nilinaw naman ni Vasco na hindi bibitiwan ng mga gurong sumailalim sa Artlets ang teaching loads mula sa mga kolehiyong pinagtuturuan nila bago maipatupad ang realignment. “The teachers are only academically aligned to the faculty. Magtuturo pa rin sila sa mga colleges kung saan nabigyan sila ng teaching loads,” sabi ni Vasco. Ugnayan ng CRS sa Malaysia, magsisimula na KASADO na ang ugnayan ng College of Rehabilitation Sciences (CRS) at ng INTI International University sa Malaysia para sa student and faculty mobility programs at research collaborations. “It is really academic enhancement. With ASEAN 2015 and the move to be global, we really have to go beyond the confines of the University. We have to let our students experience the world outside while they are still in the program,” ani Cheryl Peralta, dekano ng CRS. Bilang isang programang nagbibigay ng pagkakataong makapag-aral o makapagtrabaho sa ibang bansa ang isang mag-aaral habang tinatapos ang kaniyang kurso, layunin ng student and faculty Baybayin MULA SA PAHINA 1 and Filipino detractors of the missionary orders that the Church did nothing to conserve the cultures of the natives and in fact set them back further to primitive times by the obscurantism and superstition of the friars, Libertas published the baybayin,” aniya Zulueta. Ang Libertas ang dating pahayagang pangmadla na nilathala ng Unibersidad. Makalipas ang tatlong taon, isinalin ng edukador na si Ignacio Villamor at ng iskolar na si Norberto Romualdez, Wika MULA SA PAHINA 6 paggamit ng wika sa Unibersidad. Subalit nabuwag ang nasabing departamento nang 1970. Ibinalik lamang ito noong 2009 bilang Departamento ng Filipino. Resolusyon Kaugnay ng mga isyu na tinalakay sa pambansang kongreso—kabilang ang pangangalaga sa katutubong wika, pagsasanay sa mga guro at pagpapaigting ng pagsasalin sa wikang Filipino—nagpasa ng tatlong resolusyon ang KWF at ang mga delegadong dumalo sa pagpupulong. Nilagdaan ng mahigit 500 delegado na binubuo ng mga guro, opisyal, estudyante at iba pa mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ang mga sumusunod na resolusyon: resolusyong nagrerekomenda ng programadong hakbang sa pagsasalin ng mga textbook; resolusyon na nagrerekomenda na magkaroon ng programadong pagsasanay ng mga guro sa Filipino mobility program na matulungang maihanda ng mga mag-aaral ang kanilang sarili para sa iba’t ibang “potential areas of practice” na maari nilang siyasatin pagtapos ng kanilang pag-aaral. Maliban sa napirmahang memorandum of understanding, mayroon nang mga pinaplanong programa ang CRS. “We have planned at least one outbound and one inbound student mobility program for this school year,” ani Peralta. Bagama’t pinaplano pa rin, bahagyang nagbahagi ang dekano tungkol sa sistema ng pagpili ng mga mag-aaral na sasailalim sa programa. “When we choose the students, we do not only consider kung willing sila magbayad na parehong nagsipagtapos sa Unibersidad, ang mga sinaunang dokumento. Sa isang panayam sa Varsitarian, sinabi ni Jose na napabilang ang UST Baybayin Scripts bilang NCT dahil ito ang may pinakamahaba at pinakakumpletong dokumento ng baybayin. “Ito lang ‘yung talagang buong document [and] the whole document is written in Baybayin,” aniya. Dagdag pa ni Jose, ito ang kauna-unahang dokumento sa kasaysayan na nadeklara bilang NCT ng NAP. Nahahati sa dalawang dokumento ang UST Baybayin Scripts na nagmula pa noong ikaat resolusyong nagreremokendang gumawa ng programadong hakbang sa pangangalaga ng mga katutubong wika. “Ang paggamit ng wikang Filipino ay hindi dapat hadlangan at gamitin sa ilan lamang na asignatura. Pinalalawak pa natin ang puwersa sa paggamit ng Filipino,” ani Roberto Añonuevo, Direktor-Heneral ng KWF, na pinangunahan ang paglikha ng mga resolusyon. Ito ang kauna-unahang Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika na isinagawa ng KWF sa loob ng mahigit 79 taon. “Ang pagpaplanong ito’y makasaysayan dahil napakalaking pagtitipon nito para harapin ang mga problema sa pagpapalaganap ng wika at makaipon tayo ng mga komentaryo at mungkahi kung paano pauunlarin ang wikang pambansa,” ani Virgilio S. Almario, tagapangulo ng KWF. Ang Pambansang Kongreso ay tatlong araw na pagpupulong ng mga guro, manunulat, at opisyal mula sa iba’t ibang rehiyon mula ika-5 hanggang ika-7 ng Agosto sa Lingayen, Pangasinan. o kung interesado sila. Hihingan din ang mga mag-aaral ng outputs mula sa kanilang naging pag-aaral,” ani Peralta. Dagdag pa niya, maraming maitutulong ang ganitong mga programa para sa mga mag-aaral tulad ng pagiging exposed sa state-of-the-art facilities at ang mas malawak na kaalaman sa cultural competency dulot ng interaksyon sa mga mag-aaral mula sa ibang bansa. Kabilang ang Niigata University of Health and Welfare ng Japan, Seton Hall University at California Baptist University sa Estados Unidos at Hong Kong Polytechnic University sa mga pamantasan na mayroon nang naunang partnerships sa CRS. CLARENCE I. HORMACHUELOS 17 na siglo. Tungkol sa deeds of sale ng lupa sa Tondo ni Doña Catalina Baycan kay Don Andres Capiit ang unang dokumento. Samantala, tungkol naman sa ibinentang lupa ni Doña Maria Silang kay Doña Francisca Longar sa Mayhaligue ang pangalawa. Ikalima ang UST Baybayin Scripts sa mga kinilala bilang “articles of cultural importance” o NCT dito sa Unibersidad, Noong 2010, dineklara ang ilang apat na pook sa kampusbilang NCT—ang Arch of the Centuries, UST Main Building, UST Central Seminary/ Fathers’ Residence, at UST Open Grounds. ERIKA MARIZ S. CUNANAN at MARIA KOREENA M. ESLAVA InfoQuest MULA SA PAHINA 9 21 na siglo. Ani De Leon, mas napagtutuunan ng pansin ngayon ang mga exotic at di-kilalang mga pagkain pati na rin ang relasyon ng magandang kinakain sa kalusugan ng tao. Ayon naman kay Gatchalian, kailangang maging ligtas ang kakainin ng tao mula bukirin hanggang sa mga plato. Binigyangdiin niya ang food defense, kung saan sa mga pagawaan at iba pang negosyo magsisimula ang paniniguro ng kaligtasan ng kakainin ng Exams MULA SA PAHINA 11 anim si Ana Bianca Peralta (89.17), ikapito si Thomas Vincent Vergara (89.08) at pangsampu naman si Lester Bryan Co (88.83). Tumaas sa 85.28 porsiyento ang pambansang passing rate para sa taong ito kung saan 2,491 mula sa 2,921 na kumuha ng pagsusulit Awards MULA SA PAHINA 1 inilimbag ng Anvil Publishing, Inc. Naitakdang idaos ang National Book Awards sa Setyembre. Ang National Book Awards ay inoorganisa ng Manila Critics Circle at ng National Book Development Board, at iginagawad sa mga akda na isinulat, dinisenyo at nailimbag sa Pilipinas. Ngayong taon, idinagdag ang Language Studies sa mga kategorya ng patimpalak, at ito ay igagawad ng Komisyon sa Wikang Filipino. ZENMOND G. DUQUE II at CEDRIC ALLEN P. STA. CRUZ mamamayan. Kabilang sa kanilang pagsasanay ang hazard analysis, hazard control, at risk management. Dagdag ng mga dalubhasa, kailangang magkaroon ng parte ang gobyerno sa paniniguro ng food safety gaya ng pagtulong ng Department of Health, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry at Department of the Interior and Local Government. Ani De Leon, mabisang masisimulan ng mga pagawaan ang paniniguro sa food safety sa pamamagitan ng paglilinis sa lugar na pinagtatrabahuhan. Lahat ng mga manggagawa ay dapat may tamang kagamitan, nakapag-hugas ng mga kamay at paa, at nasa tamang kondisyon upang magtrabaho. ang pumasa, kumpara sa 81.25 porsiyento o 2,218 na pumasa mula sa 2,730 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon. Kasama sa mga bagong duktor ang dating patnugot sa agham at teknolohiya ng Varsitarian na si Alena Pias Bantolo, at dating manunulat sa seksiyong Pintig na si Camille Abigael Alcantara. KATHRYN V. BAYLON at DAYANARA T. CUDAL Balita 3 UST gagawing modelong career center Ni CLARENCE I. HORMACHUELOS SA TULONG ng bansang Amerika, inilunsad ng UST Counseling and Career Center (UCCC), dating Guidance and Counseling Department, ang isang proyektong layong maging “model career development center” ang Unibersidad sa Filipinas. Ang programang Career Development Center ay tutulong na maging mas handa ang mga Tomasino sa pagkuha ng mga trabaho. Ito ay sa ilalim ng Science, Technology, Research and Innovation for Development Program (STRIDE) ng United States Agency for International Development. “STRIDE aims to promote better linkages and communication between academe and industries that employ its graduates. The Career Development Center can definitely build the gaps between work-related student competencies and industry needs through more activities that are very relevant, up-to-date, and readily accessible; and through strengthened and increased linkages in different sectors here and abroad,” ani Prof. Lucila Bance, director ng UCCC, sa isang panayam. Magkakaroon ng on-campus training para sa mga miyembro ng UCCC sa ilalim ng mga kasangguning akademikong institusyon sa Estados Unidos na kabilang sa proyekto. Inaasahan din ang mas makabagong sistema sa counseling at pag-abiso sa mga mag-aaral ukol sa mga karera na akma sa kanilang kakayahan at pinag-aralan. Sa susunod na tatlong taon, bubusisiin ng UCCC kasama ng ilang international consultants ang iba’t ibang aspekto ng proyekto sa UST. “The counselors will focus on the employability of our students once they graduate from the University,” ani Bance. Ngayong akademikong taon, nilatag ng UCCC ang mga proyekto tulad ng “Thomasian Assessment Towards Competence and Empowerment” (ThomACE), isang personality and skill assessment program, at ang Thomasian Career Readiness and Employment (ThomCARE) na magtatampok ng career fair at mga externship programs. Mga opisina, binigyan ng bagong ngalan BINAGO ng Unibersidad ang pangalan ng ilang mga tanggapan alinsunod sa pagpapalakas ng mga serbisyo nito. Ang Guidance and Counseling Department ay kilala na sa tawag na University Counseling and Career Center (UCCC), bahagi diumano ng mga hakbang tungo sa pagpapakadalubhasa sa paggabay sa bawat Tomasinong mag-aaral, partikular sa mga karerang kanilang tinatahak. “The structural changes in the department will bring about intensified career programs and services such as career competencies training, industry partnerships, mock interviews, on-campus recruitment, career coaching, internships, and externships. These activities aim to facilitate career success for every Thomasian,” ayon sa opisyal na Facebook PAHINA ng UST. Mayroong 43 guidance counselors at 16 satellite offices ang UCCC sa buong Unibersidad, na direktang nasa ilalim ng Office of the Vice Rector for Academic Affairs. Kikilalanin naman sa bagong pangalan na Office of the Vice Rector for Research and Innovation ang dating Office for Research and Innovation. Ang dating titulong Assistant to the Rector for Research and Innovation ni Prop. Maribel Nonato ay itinaas sa hanay ng mga pangalawang rektor at tatawagin na Vice Rector for Research and Innovation. Ang Office of the Vice Rector for Research and Innovation na unang tinawag na Office for Research and Development ang namumuno sa programang pananaliksik ng Unibersidad. Kabilang rito ang Research Center for Natural and Applied Sciences; Research Cluster on Culture, Education and Social Issues; Research Center for Health Sciences at Center for Health Research and Movement Science. Ito rin ang namamahala sa Intellectual Property and Technology Transfer Office at nagsisiguro sa implementasyon ng intellectual property policies sa Unibersidad. Pinalitan na rin ang pangalan ng UST High School, na ngayon ay UST Junior High School na. Ito ay dahil sa napipintong pagbubukas ng UST Senior High School sa isang taon (basahin ang kaugnay na balita sa p. 1). J.P. VILLANUEVA 4 Opinyon IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Editoryal Filipino bilang poligloto SA KABILA ng mabilis at samu’t saring pagbabago sa komunikasyon, pantay na pagpapahalaga pa rin ang dapat ituon natin sa Filipino, katutubong wika, at dayuhang wika na humuhubog sa kultura at kasaysayan ng Filipinas. Sa paglulunsad ng “Linguistic Atlas ng Filipinas” ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na naglalayong itala ang mga impormasyon gaya ng distribusiyon, deskripsiyon, at mapa ng mga wika sa bawat rehiyon, mas mapagyayaman at mabibigyang-pansin ang mga katutubong wika. Ilan sa mga ito ang unti-unti nang nawawala o iilan na lamang ang nagsasalita. Kasabay ng mga hakbang upang mas makilala ang mga wika na tila isinasantabi na, dapat ring palakasin ng gobyerno at akademiya ang patuloy na pagpapayabong ng dayuhang wika—Kastila at Ingles—na naging bahagi na ng ating kasaysayan at pagkakakilalan. Kilala ang mga Filipino sa mahusay na paggamit ng salitang Ingles sa iba’t ibang larangan. Ingles ang pangunahing wikang ginagamit sa mga kolehiyo at unibersidad, gobyerno, trabaho, mga legal dokumento at iba pa. Malaking bahagdan din ng midya sa bansa, lalo na sa mga peryodiko. Sa kabilang banda, napakalaking bahagi ng kasaysayan ng Filipinas ang nakasulat sa wikang Kastila. Maraming pahayagan ng mga Filipino ang nalathala sa Kastila sa loob at labas ng bansa, katulad ng La Solidaridad ng mga Propagandista: nagsisilbi ang mga ito na fuente o balong ng mga impormasyon sa pagsisiyasat sa kasaysayan ng bansa. Hanggang sa bisperas ng digmaan, Kastila ang lingua franca, ang wika ng liderato pulitikal at komersiyo, ang wika ng mga pantas at dalubhasa, ang wika ng mga makata’t artista. Ito rin ang wika ng mga mga sinasabing hijos de pais at mga nasyonalista. Kastila ang wika ng mga pundador ng bayang Filipinas—nina Rizal, Del Pilar, Mabini at Aguinaldo. Ang tinuturing na Bibliya ng bansang Filipinas ay nakasulat sa Kastila— ang Noli Me Tangera at El Filibusterismo. Isa rin ang Kastila sa mga tinuturing na “Romance languages” na halaw sa Latin, ang lingua franca ng Pax Romana. Kabilang sa mga wikang ito ang Pranses, Portuges, at Italyano, pawang mayayamang wika. Dahil din sinakop ng mga Romano ang Britanya, maraming salitang Ingles ay halaw sa Latin. Dagdag pa rito, binubuo ng mga hiram na salita mula sa mga Kastila ang mga pang-araw-araw na salitang gamit ng mga Filipino sa pakikipag-usap. Halimbawa na lamang ang paggamit ng mga numerong Kastila sa pagsasabi ng halaga ng pera at oras. Kastila at ibang wikang “romance” ang salita ng humigit-kulang na isang bilyong tao. Kastila ang salita ng mga nangungunang mga manunulat, makata, dalubhasa sa mundo. Ang kultura popular na mula sa Espanya at Latino Amerika ay isang kulturang Editoryal PAHINA 6 Pagpapakatotoo at pagiging Filipino MADALAS kong itinatanong sa sarili na kung ipinanganak kaya akong lahing Kanluranin sa halip na Filipino, mas magiging maganda kaya ang aking buhay? Mula pagkabata, hinubog ako ng mga tradisyon at kaugaliang sariling atin na tunay na maipagmamalaki. Lumaki akong sanay na magmano at gumamit ng "po" at "opo" bilang tanda ng pagrespeto sa mga nakatatanda. Madalas akong kumain nang nagkakamay. Nabuo ang aking pagkabata sa paglalaro ng mga larong katutubo kabilang na ang tumbang preso, patintero, at luksong-baka. Naaalala ko pa noong musmos pa lang ako, paborito kong panuorin ang “Batibot,” “Sineskwela,” “Hiraya Manawari” at iba pang lokal na programang pambata. Masaya rin ako sa pagkain ng mga kakanin gaya ng suman, palitaw, puto at marami pang iba tuwing meryenda. At nanatili pa rin ang sinigang bilang Kailangan nating magkaroon ng internasiyunal na pag-iisip, hindi para abandunahin ang ating pagka-Filipino, ngunit para pahalagahan ito. pinakapaborito kong pagkain. Sa kabila ng pagkagiliw ko sa mga banyagang palabas, libro at pagkain, hindi pa rin nawala sa akin ang pagmamahal ko sa bansang Filipinas. Gayunpaman, hindi ko rin naman maitatanggi na unti-unti ring nagiiba ang persepsiyon ko sa aking identidad bilang isang Filipino simula nang tumanda ako at mamulat sa mga modernong bagay kabilang na ang telebisiyon at Internet. Marami sa mga Filipino ang mas nagnanais makapangibang-bansa at mas ginugustong magkaroon ng foreign citizenship. Ayon sa pag-aaral ng Pew Research Center sa kanilang 2013 Global Attitudes Project, nakita na nangunguna ang Filipinas sa mga bansang may “favorable view” sa US at sa mga Amerikano. Kabilang rin tayo sa mga ibang lahi na namamalagi sa US simula pa 1990. Noong 2013, naitala ang mga Filipino bilang may pinakamalaking populasyon ng migrante sa US—4.5 porsiyento mula sa kabuuang 41.3 milyong populasyon ng mga migrante sa Estados Unidos. Dahil sa kagustuhan ng marami sa atin na makapagsimula ng bagong buhay sa banyagang bansa, karamihan sa ating mga skilled workers at professionals ang nangingibang-bayan na nagiging sanhi ng “brain drain.” Hindi naman natin sila masisisi dahil na rin sa kakulangan ng oportunidad dito sa ating bansa. Sa kabila nito, naniniwala pa rin ako na darating ang pagkakataon na matatagpuan ng mga taong marunong magtiyaga at magpursigi sa kanilang larangan, kahit gaaano pa kahirap, ang bansang kanilang kalalagyan. Dapat nating mapagtanto na sa halip na itakwil natin ang buhay sa sariling bansa upang mamuhay sa bayang hindi natin sinilangan, sikapin nating ialay ang ating mga talento at kakayahan sa pagpapaganda at pagpapalago ng ating Inang Bayan. Nagsasawa na akong Excelsior PAHINA 5 Piling-piling pelikula ng ating panahon ITINATAG NOONG ENERO 16, 1928 LORD BIEN G. LELAY Punong Patnugot ANGELI MAE S. CANTILLANA Tagapamahalang Patnugot ARIANNE F. MEREZ Katuwang na Patnugot DAYANARA T. CUDAL Patnugot ng Balita DANIELLE ANN F. GABRIEL Katuwang na Patnugot ng Balita MARY GILLAN FRANCES G. ROPERO Patnugot ng Natatanging Ulat ERIKA MARIZ S. CUNANAN Patnugot ng Tampok ALILIANA MARGARETTE T. UYAO Patnugot ng Panitikan MARIA KOREENA M. ESLAVA Patnugot ng Filipino MARIE DANIELLE L. MACALINO Patnugot ng Pintig DARYL ANGELO P. BAYBADO Tumatayong Patnugot ng Mulinyo RHENN ANTHONY S. TAGUIAM Patnugot ng Online ROBERTO A. VERGARA, JR. Katuwang na Patnugot ng Online AVA MARIANGELA C. VICTORIA Direktor ng Dibuho BASILIO H. SEPE Patnugot ng Potograpiya Balita Kathryn Jedi J. Baylon, Clarence I. Hormachuelos, Alhex Adrea M. Peralta, Jerome P. Villanueva Pampalakasan Carlo A. Casingcasing, Delfin Ray M. Dioquino, John Chester P. Fajardo, Philip Martin L. Matel, Randell Angelo B. Ritumalta Natatanging Ulat Paul Xavier Jaehwa C. Bernardo, Monica M. Hernandez Tampok Mary Grace C. Esmaya, Maria Corazon A. Inay, Vianca A. Ocampo Panitikan Zenmond G. Duque II, Cedric Allen P. Sta. Cruz Filipino Jasper Emmanuel Y. Arcalas, Bernadette A. Paminutan Pintig Krystel Nicole A. Sevilla, Lea Mat P. Vicencio Agham at Teknolohiya Mia Rosienna P. Mallari, Kimberly Joy V. Naparan, Julius Roman M. Tolop Mulinyo Amierielle Anne A. Bulan, Ma. Czarina A. Fernandez, Ethan James M. Siat Dibuho Kirsten M. Jamilla, Freya D.L.R. Torres, Iain Rafael N. Tyapon Potograpiya Alvin Joseph Kasiban, Amparo Klarin J. Mangoroban, Miah Terrenz Provido FELIPE F. SALVOSA II Katuwang na Tagapayo JOSELITO B. ZULUETA Tagapayo Tumatanggap ang Varsitarian ng mga sulat/komento/mungkahi/ kontribusyon. Tanging ang mga sulat na may lagda ang kikilalanin. Ang mga orihinal na akda ay dapat typewritten, double-spaced, at nakalagay sa bond paper, kalakip ang sertipikasyon na naglalaman ng pangalan ng may-akda, contact details, kolehiyo at taon. Maaring gumamit ng sagisag-panulat ang may-akda. Ipadala ang kontribusyon sa opisina ng THE VARSITARIAN, Rm. 105, Tan Yan Kee Student Center Bldg., University of Santo Tomas, España, Maynila. “ANONG paborito mong pelikula?” Malaki ang posibilidad na banyagang pelikula ang sagot mo, at malapit na akong sumang-ayon sa ibang nagsasabi na wala na talagang patutunguhan ang industriya ng pelikulang Filipino subalit hindi maaaring magbulag-bulagan ako sa ibang lokal na pelikulang nag-aalok ng alternatibong perspektibo at karanasan. Nakakasawa nga naman kung paulit-ulit lamang ang kwento o storyline ang makikita sa takilya. Paulitulit na usapang kabit, pagiibigang mayaman at mahirap, at kung ano pa mang kwentong halos wala nang (at madalas) kwenta pero bumebente pa rin dahil sikat ang mga artistang gumaganap sa mga ito. Noong 2014, sa taunang Metro Manila Film Festival, tinanghal na top four films ang "The Amazing Praybeyt Benjamin,” “Feng Shui 2,” “My Big Bossing” at “English Only, Please.” Dalawa sa apat na pelikula ay umiikot sa slapstick na komedya, habang ang isa ay nagrisiklo na lamang ng minsang pumatok na pelikula. Sa kabila ng pagkabigo ng nasabing film festival na maghatid ng mga pelikulang babalik-balikan matapos ang ilang henerasyon, isinalba naman tayo ng iilang Para sa iba, ang mga pelikula ay maaring isang pampalipas-oras lamang. Pero para sa iba, isa itong paraan para masilip ang pinipilit na kinubling realidad ng mundo. makabagong rebolusyonaryo ng takilya. Hindi ko maaaring hindi isama sa usapan sina Brilliante Mendoza, Erik Matti, Lav Diaz, Adolfo Alix Jr., Jim Libiran at marami pang ibang direktor, na iwinagayway ang bandila ng ating bansa sa maraming international film festivals sa Estados Unidos, Cairo, Berlin, Cannes, Venice, Vienna at Rotterdam. Kahit pa nilangaw ang mga pelikula nila sa lokal na takilya, ay kataas-taasang puri at parangal naman ang naging katumbas sa ibang bansa. Masakit isipin na kulang na nga ang suporta ng mga Filipino sa independent films dito sa Pilipinas ay kulang pa rin ang suporta ng ating gobyerno sa ating mga kapuwa Filipinong sumusugal sa kanilang sining. Dapat nating pangalagaan ang mga tao, bagay, at lugar na naipamamalas ang ating kultura. Kasama na rito ang mga pelikula, na nagsisilbing repleksyon ng panahon natin at kung nasaan tayo bilang isang lipunan. Batay sa opisyal na website ng ating gobyerno, sa national budget ng 2016 na mahigit P3 trilyon, P1.3 bilyon lamang ang mapupunta sa National Commission for Culture and the Arts, na pinaghahatian pa ng apat na subsections, kasali ang National Historical Commission, National Library, at National Archives. May pondo namang P120 milyon ang Film Development Council of the Philippines. Totoo naman na hindi maaaring ipagpalit ang pagkain ng isang nagugutom na pamilya sa dignidad ng isang pelikula, pero importante rin na maglagay tayo ng sapat at naayong pondo para sa ikatatagal at ikatatatag ng ating sining. Buti na lamang, maraming independent at nongovernment organizations ang nagsisikap buhayin at panatiliin ang apoy ng ating kultura at sining, lalo na ang pelikulang Filipino. Patotoo rito ang mga film festival tuland ng Cinemalaya, CineFilipino, Cinemanila, at Cinema One Originals. Dagdag pa dito ang pagsisikap ng ABS-CBN Film Restoration, na isapubliko muli ang mga klasikong pelikulang Filipino tulad ng kina Mike de Leon (Kisapmata, Batch '81, Sister Stella L), Ishmael Bernal (Relasyon, Himala), Lino Brocka (Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, Insiang) at Marilou Diaz-Abaya (Karnal, Jose Rizal, Muro Ami). Isa sa mga dahilan kung bakit malaki ang respeto ko sa mga indie films, maliban sa madalas ay hindi malaki ang pondo, exposure at suporta para sa mga taong nasa likod nito, ay ang kakayahan nitong tumagos sa pagkatao ng isang manonood. Mula sa mga usaping sensitibo ukol sa sex, diborsyo, droga, homoseksuwalidad, at maging relihiyon, nagsisilbing isang eye-opener ang mga naturang pelikula sa parehong tamis at alat ng tunay na buhay. Gayunpaman, hindi Tempus PAHINA 5 Opinyon 5 IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Kasarinlan para sa mga may kapansanan KUNG ikaw ay ipinanganak na may kapansanan, nakikita ka ba ng iba bilang isang tao sa unang tingin? O ang iyong inkapasidad ba agad ang nagbibigay ng depinisyon sa iyong pagkatao? Ayon sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO) noong 2010, mahigit sa isang bilyon o 15 porsiyento ng populasyon sa buong mundo ang mayroong pisikal na kapansanan na nagsisilbing hadlang sa kanilang pamumuhay. At 80 porsiyento mula sa bilang na ito ay mula sa mga developing countries, kung saan limitado ang serbisyong rehabilitasyon para sa kanilang kalagayan. Isa na rito ang Filipinas. Nakasaad sa 2010 datos na inilabas ng National Statistics Office (NSO) na mayroong 16 na “persons with disability” (PWD) sa bawat 1,000 Filipino, 40 porsiyento nito ay nagmula sa pangkat na may edad na 15 hanggang 49. Kung ganito kalaki ang populasyon ng mga taong may kapansanan sa ating bansa, bakit sila hindi mabigyan ng puwesto at kahalagahan sa lipunan? Mag-aaral MULA SA PAHINA 2 Klarin Mangoroban, at Medical Technology sophomore na si Miah Terrenz Provido. Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer Arts na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang Journalism lecturer at mamamahayag na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo. Upang mapabilang sa pahayagan, nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso ng pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang Senior MULA PAHINA 1 ika-6 ng Disyembre ngayong taon, at ika-31 ng Enero ng susunod na taon. Ang resulta ay ilalabas sa ika-15 ng Marso sa susunod na taon. ‘Academic strands’ Maaaring pumili ang bawat estudyante ng SHS sa anim na “academic strands” upang makapaghanda sa kolehiyo: Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand; Liberal Arts, Education and Social Science Strand; Accountancy and Business Management Strand; Music and Arts Strand; Physical Education and Sports Strand; at HealthAllied Strand. Binago ng Unibersidad ang panukalang “tracks” ng pamahalaan mula sa sumusunod: Academic, TechnicalVocational-Livelihood at Sports and Arts. Ang Academic track na panukala ng pamahalaan ay may tatlong strands: Business, Accountancy, Management Tempus MULA SA PAHINA 4 maaaring itanggi na malaking bahagi ng ating populasyon ang hindi nagpapahalaga sa malalim na kahulugan ng mga pelikulang "indie." Para sa iba, ang mga pelikula ay maaring isang pampalipas-oras lamang. Pero para sa iba, isa itong paraan para masilip ang pinipilit na kinubling realidad ng mundo, na madalas ay tinatakpan ng mga nagsasampalan na mga May kakayahan tayong hubugin ang tiwala ng mga PWD sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita na sila ay may importansya rin sa ating komunidad. Bago pa man magkaroon ng terminong PWD, ang malimit na ginagamit na salita patukoy sa mga may kapansanan ay negatibo, tuland ng “lame” o “crippled” o “baliw.” Para sa iba, walang masama rito. Ngunit, natanong na ba natin ang ating mga sarili kung gaano kinahon ng mga salitang ito ang mga taong may kapansanan na hindi naman ginusto ang kanilang kalagayan? Sa pamamagitan ng terminong PWD, nagkaroon sila ng pagkikilala bilang mga tao na likha rin ng Panginoon at mga indibidwal na kapantay ng mga normal na tao. Sa ating bansa, nakasanayan na natin tingnan nang may awa sa ating mga mata ang mga PWD o kaya naman ay isipin na sila ay mas mababa sa atin dahil sa kanilang mga “pagkukulang.” Hindi man natin ito namamalayan, nakikita at nararamdaman ito ng bawat PWD. Tuluyan lamang nagiging disabled kung pati ang tingin nila sa kanilang sarili ay walang kapasidad at kakayahan. Nakakabahalang isipin na kaysa protektahan natin ang mga PWD, tila tinutulak pa natin ang kanilang kalooban papalayo sa atin. Dahil dito, sila ay nagkakaroon ng takot sa lipunan at nahihiyang maging panayam sa komite ng pagpili at iba’t ibang staff development activities. Ang komite ay pinangunahan ni Christian Esguerra, mamamahayag ng ANC at dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama ni Esguerra sina Eldric Paul Peredo, abogado at propesor sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian, at Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana. Kasama rin sa komite ang dekano ng Graduate School na si Marilu Madrunio at direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo, na pawang doktorado. Excelsior makakita ng mga taong pilit ikinukubli ang kanilang tunay na identidad bilang mga Filipino—mga kinikulayan ng blonde ang buhok, pinapaputi ang balat at kung anu-ano pang pisikal na modipikasyon para magmukhang “foreigner.” Lingid sa kanilang kaalaman, ang pagiging foreigner o banyaga sa sariling bayan ang pinakamalaking insulto na maaari nilang makuha. Marahil kung tatanungin ko ang mga Filipino tungkol (BAM); Humanities, Education, Social Sciences (HESS); at Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM). Idinagdag ng UST ang Health-Allied Strand at Music and Arts Strand. Ayon naman sa opisyal na website ng UST, may magkakatulad na core subjects ang mga programang akademikong nakahanay sa curriculum guides ng Department of Education (DepEd). Kontekstwalisado ang mga asignatura ayon sa katangian ng bawat strand. “Each strand likewise has specialized subjects that prepare the students for the tertiary program they intend to pursue,” sabi ng UST website. Maglalaan ang Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand ng kinakailangang academic grounding sa mga gustong kumuha ng kurso sa kolehiyo sa physical sciences, mathematics, engineering at technology. Nakadisenyo ang Liberal Arts, Education, and Social Science Strand upang mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral na naglalayong kumuha ng kurso sa liberal arts (philosophy, literature, communication arts, journalism), education at social science (sociology, history, behavioral science, psychology and asian studies). Makatutulong ang Accountancy and Business Management Strand sa pagbibigay ng sapat na pre-university training sa mga gustong magtuloy ng kurso sa entrepreneurship, banking, accountancy, finance at management sa mga korporasyon at sa industriya ng hotel at turismo. Ihahanda ng Music and Arts Strand ang mga gustong magtuloy sa performing arts, media and visual arts at industrial arts, habang ang Physical Education and Sports Strand ay naglalayong makapagsanay ng mga mag-aaral sa physical education at sports science. Para naman sa mga papasok sa mga tertiary programs tulad ng biochemistry, medical kontrabida, naghahabulan na mga "goons" na nakasuot ng leather jacket at mga pulis, o "pa-tweetums" ng mga teen stars na mas siguradong kakagat sa masa. Mahirap sabihing wala nang patutunguhan ang industriya ng pelikulang Filipino kung sa mga mall lang tayo manunuod. Ang tunay na mga pelikulang nangungusap sa atin bilang manonood ay nasa mga tagong lugar na kailangan nating hanapin. Ang tunay na pelikula ay mananatili sa mga buhay natin, matapos mang magsara ang takilya. Pagboto MULA SA PAHINA 4 MULA SA PAHINA 8 Vote,” isang voters’ education program, na naglalayong maisakatuparan ang malinis na halalan at matalinong pagboto sa 2016. Ani Henrietta De Villa, tagapangulo ng PPCRV, ang inilunsad na kampanya ay naglalayong gumabay sa mamamayan tungo sa “Catholic vote,” na aniya’y boto na hindi naka-depende sa anumang bagay bukod sa sa paghingi ng tulong sa atin at sa ating pamahalaan. Sa huli, nakikita nila ang kanilang mga sarili bilang kahihiyan sa lipunan. Subalit, tila hindi prayoridad ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga PWD. Makikita natin ito sa mga itinatayong imprastruktura at gusali na walang mga tiyak na pasilidad para sa madaling pagpunta at paggamit ng mga taong may kapansanan. Malinaw na nakasaad sa Republic Act 7277 na bahagi ng ating lipunan ang mga PWD at kailangan silang bigyan ng suporta ng pamahalaan para sa kanilang pangkalahatang pagpapabubuti sa sarili. Gayunpaman, kahit maganda ang layunin ng batas na ito, hindi pa rin ito lubusang naisasakatuparan. Kaysa mapaglaanan ng pondo ang mga pangangailangan ng bawat PWD, mas napupunta pa ang kaban ng bayan sa mga proyektong wala namang makabuluhang benepisyo sa lahat. Imago PAHINA 10 sa mga bagay patungkol sa Filipinas, maraming hindi makasasagot. Sa katunayan, marami pa rin sa mga magaaral sa elementarya ang hindi nakaaalam sa pamagat ng ating pambansang awit. Isa itong patunay na hindi nagbibigay ng dedikasyon ang mga Filipino upang linangin ang pag-aaral ng kultura at identidad ng isang tunay na mamamayang Filipino. Kung hindi ko ipagmamalaki na isa akong Filipino at kung hindi tatanggapin ng iba na Filipino rin sila, habang panahong malulugmok ang ating bansa Excelsior PAHINA 10 technology, nursing, nutrition and dietetics, pharmacy, physical and occupational therapy, at speech pathology ang HealthAllied Strand. Solusyon Nauna nang ibinalita ng Varsitarian na ang SHS ang isa sa mga solusyon ng UST sa pansamantalang pagkawala ng mga mag-aaral sa kolehiyo dahil sa pagpapatupad ng repormang K to 12. Sa isang taon, 13 na programa sa kolehiyo lamang ang bubuksan sa UST, dahil inaasahang kaunti lamang ang mga mag-aaral na papasok sa unang taon ng kolehiyo. Sa 2016, papasok sa ika-11 na baytang ang mga mag-aaral sa halip na tumuloy sa kolehiyo. Ang sistemang K to 12 ay binubuo ng kindergarten, anim na taon ng elementarya, apat na taon ng Junior High school at ang karagdagang dalawang taon sa SHS. Ito ang hakbang ng DepEd sa pagpapaigi ng kaledad ng basic education sa bansa. A.A.M. PERALTA AT J.P. VILLANUEVA kunsensiya ng isang botante. “One Good Vote campaign is specialized, it is peopledriven, and it is communityconscience based,” ani De Villa sa isang panayam sa Ucanews noong ika-16 ng Abril. Dagdag pa ni De Villa, ang “One Good Vote” ay nakasentro sa mga kabataan, at ilan sa mga proyekto nito ay ang pagbibigay kaalaman sa mga botante tungkol sa karakter at kakayahan ng bawat kandidato. Hadlang sa Katolikong boto Sa isang pagsusuri na pinamagatang “The Child in Pagpapakatao sa social media BINIYAYAAN ang tao ng kapasidad na intindihin ang iba na kung tawagin ay “empathy” o pang-unawa, na nagsilbing gabay sa paglaganap (o instrumento ng pagkawasak) ng mga sibilasyson at kultura na humubog sa mundong ginagalawan natin ngayon. Ayon sa pag-aaral nina Jean Decety at Kalina Michalsa ng Social Cognitive Neuroscience Laboratory, naaayon sa pangangailangan ng ebolusyon ang kapasidad ng tao na umunawa, at nalilinang ito habang tayo ay tumatanda. Hindi na mahirap isipin na ang ating pang-unawa rin ang nagiging susi upang makisama sa iba, kahit na ang personal na pakikisama ay pinapalitan na ng chat log at Skype. Sa mga tulad kong kabataan na lumaki sa pagitan ng mga tradisyunal na laro at paglaganap ng teknolohiya, madaling sabihin na kaya kong makihalubilo sa iba sa loob at labas ng social media. Sa kasamaang palad, hindi ito madali para sa mga kabataang hindi naabutan ang pikunan sa Pendong Peace, at unahan sa pag-“viva” tuwing naghahanap ng taya. Ayon sa aklat ni Danah Boyd na “It’s Complicated” at pagaaral ni Nick Pernisco, hirap gamayin ng modernong kabataan ang kanilang mga personalidad bagamat nasa iisang “mundo” (ang social media) lamang sila. Dagdag ng pag-aaral ng grupo nina L. Mark Carrier sa California State University, bagamat may empathy sa pakikihalubilo sa social media, mas tumitibay ng lima o anim na beses ang mga relasyong nahuhubog ng personal na interkasyon. Sa “fast culture” kung saan lahat ay mabilis (mula pagkain hanggang sa pagkuha ng impormasyon), nasasanay ang kabataan na ipagpaliban ang maaaring gawin nang personal kung kayang gawin ito online—maging ang paghahayag ng saloobin na maaari namang ibahagi sa iilang mga kaibigan na mas maiintindihan ito. Nakikita na ngayon na mas nabibigyang halaga ang pakikihalubilo sa social media maski na ito ay isang artipisyal na pamamaraan ng Sa social media na natin napapagana ang empatiya, dahil iniisip nating mas kaya nating umintindi kapag nakatago tayo sa likod ng screen. pakikisama. Ayon pa sa pag-aaral ni Marcos Suliveres, ang direct interaction na siyang pinakamahalaga sa lahat ng klase ng komunikasyon ay unti-unting nawawala sa paglaganap ng social media. Buhat sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng isang text box na puro salita ang laman, mauudyok ang paglabas ng samu’t saring emosyon para lamang ipaintindi ang sarili sa iba. Ito ang malaking kabalintunaan ng social media. Tinatawag itong “hyperconnectivity,” o ang pagbibigay ng kapangyarihan ilahad ang saloobin sa buong mundo kapalit ng pagsubaybay sa mundo ng iba. Ito ang kabayaran sa pagiging konektado sa virtual world. Bagamat nabigyan na tayo ng kapasidad ng social media na makihalubilo nang hindi nakikipag-usap sa totoong buhay, nawawalan ng saysay ang direct interaction. Bakit mo pa kailangan isaad ang iyong nararamdaman nang personal kung kaya mo na itong gawin sa text? Ito marahil ang dahilan kung bakit may tinatawag na “moral panic” sa social media, o ang konsepto na maaaring maging banta sa lipunan ang isang bagay dahil sa mga istorya at artikulo na nababasa ukol dito. Masyado na tayong nagiging dependent sa kakayahan ng social media na palitan ang pakikihalubilo natin sa iba. Sa social media na natin napapagana ang empatiya, dahil iniisip ng iba na mas kaya nating umintindi kapag nakatago tayo sa labas ng ating mga screen, na kaya nating ipakita ang pag-intindi sa pagsasabi ng “totoo”—ng lahat—nang hindi natatakot. Kailangang maalis ang takot na ito lalo na sa kabataan. Bagamat unti-unting nagiging isang pangangailangan ang pagiging Aletheia PAHINA 10 Pagwawasto Sa editoryal ng nakaraang edisyon, Environmental Degradation Traced to Individualism, Corruption (Volume LXXXVI, No. 11, ika-22 ng Agosto 2015), sinabing unang ensiklika ni Papa Francisco ang Laudato Si’, na pawang mali. Ikalawa na ito at nauna na ang Lumen Fidei, na lumabas noong 2013. Humihingi kami ng paumanhin sa pagkakamali. –Patunugot Matthew 18:2, isn’t he a best presidential bet?” ipinaliwanag ni P. Leander Barrot, O.A.R. ng Catholic Biblical Association of the Philippines (CBAP) na ang kahirapan ay nagiging hadlang sa pagsulong Catholic vote. Ito ang dahilan kaya talamak ang bilihan ng boto tuwing halalan. “Dishonesty, fraud, vote buying and vote bullying will always be around the bend come voting period. Nevertheless, the campaign for a free election is supposed to be the work not only of the Catholic church,” ani Barrot sa kanyang pagsusuri na inilahad sa isang kumperensiya noong Abril. Ipinaliwanag ni Barrot na ang pagboto ay nararapat lamang na ayon sa konsensiya ng bawat botante at may layunin na mapabuti ang political na sektor ng bansa. “Every single, free, true, and morally authentic vote is in reality a powerful tool for leadership change that will lead to societal progress and inclusive growth and development. This is the hope after every true vote is cast,” aniya. KRYSTEL NICOLE A. SEVILLA 6 Filipino Patnugot: Maria Koreena M. Eslava IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Katatasan sa pagtuturo ng wikang Filipino, binigyang-diin sa pambansang kongreso Ni JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS Ruth Mabanglo Mga kuha ni ALVIN JOSEPH KASIBAN HINAMON ng mga dalubhasa sa wikang Filipino ang mga guro na lalong pag-ibayuhin ang kanilang pagtuturo ng wikang pambansa at wikang katutubo. “Hindi tayo makakaasa na maging mahusay na mahusay ang mga mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo (mga guro) nito,” ani Ruth Mabanglo, dating propesor sa Unibersidad ng Hawaii, sa unang araw ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika na idinaos sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan noong ika-5 ng Agosto. Ayon kay Mabanglo, kailangang suriin ang kakayahan ng mga guro na nagtuturo ng wikang Filipino gayundin ang mga materyales na kanilang ginagamit na nakalulumpo sa kakayahan nilang magturo at manaliksik. “Sa kasalukuyan, hindi naman makatotohanan ang mga aklat na pinagagamit sa mga estudyante. Isinulat ito ng mga awtor na ang nasa isip ay leksiyon ang tangi [nitong] layunin, upang mapadali ang gawain,” aniya. Makabubuting gamitin bilang panturo ang mga “soap opera” at pelikulang Filipino sapagkat hindi nakatuon ang mga ito sa pagtuturo kundi sa gumagamit ng wika, at makahuhubog pa ang mga ito sa pandinig ng mga mag-aaral. Batid naman ni Jimmy Fong, komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na ang papalit-palit na kurikulum ang nagpahirap sa mga gurong magturo sa wikang katutubo. “Ang pagbabaybay sa mother tongue at sa Filipino ay parehong-pareho. Ito ang sabihin ninyo sa kanila (mga mag-aaral),” ani Fong. “Maraming mag-aaral ang nawawalan ng motibasyong matututo sa wikang Filipino pagtuntong ng ika-apat na baitang dahil sa kasanayan sa wikang katutubo,” dagdag pa niya. ‘Patakarang Pangwika’ “Higit sa kawalan ng kasanayan sa pagtuturo sa wikang Filipino, nakababahala din ang kawalan ng isang unibersidad ng sarili nitong patakarang pangwika o language policy dahil nawawalan ng tiyak na tunguhin ang mga itinuturo sa magaaral,” ayon kay Prop. Prospero De Vera III, Vice President for Public Affairs ng Unibersidad ng Pilipinas. “Mekanismo ito (patakarang pangwika) upang ang galing ng [wikang Filipino] ay umusbong at lumabas. Walang direksyon sa kaguruan, sa mga estudyante lalo nang walang nailalaang atensyon doon sa pagproduce ng knowledge products,” sabi ni De Vera sa isang panayam sa Varsitarian. Ayon kay Roberto Ampil, tagapangulo ng Departamento ng Filipino, ang patakarang pangwika ang siyang nagtatakda kung anong wika ang dapat gamitin—Ingles o Filipino—sa larang ng pananaliksik, paguturo sa klase, maging sa pag-uusap sa isang pulong o sa mga magulang hanggang sa mga sertipiko at palatandaan. “Ang patakarang pangwika ang nagbibigay sa atin ng identidad kung ang institusyon ba ay maka-Ingles o maka-Filipino,” sabi ni Ampil sa isang panayam sa Varsitarian. “At malinaw na ang Unibersidad ay walang patakarang pangwika.” Sa kaso ng UST, naisasantabi ang mga proyektong nagsusulong sa wikang Filipino lalo na sa pananaliksik at paggamit nito sa iba’t ibang disiplina dahil sa kawalan ng patakarang pangwika. Dagdag pa rito, hindi napalalakas ang wikang Filipino at ang kursong kaugnay nito, tulad ng Bachelor of Science in Education Major in Filipino, patungo sa pagkakaroon ng Masteral at Doktorado na programa, ayon kay G. Jonathan Geronimo, guro ng Filipino sa College of Commerce and Business Administration. “Kung may malinaw na polisiya, madaling masusuportahan ang ganitong mga simulain (proyekto) sa pagtuturo gamit ‘yung Filipino sa teknikal na disiplina at gayon din ang pangangailangan sa lumalakas na pananaliksik sa larangan ng Filipino sa UST,” ani Geronimo sa isang panayam sa Varsitarian. “Gusto natin maging premiere university sa pananaliksik [ngunit hindi tayo] makapagsagawa ng pananaliksik dahil ang inaakala natin ay dapat sa Ingles lang ito gayong ang daming oportunidad at pagkakataon para sa Filipino – galugarin at magsagawa ng pananaliksik sa wikang Filipino bilang midyum,” ani Ampil. Sa mahigit apat na dekada ng Unibersidad, hindi ito nagkaroon ng sariling patakarang pangwika. Taong 1938 nang itinaguyod ni Jose Villa Panganiban, nagtatag ng Varsitarian, ang Departamento ng Tagalog upang isulong ang Roberto Añonuevo Jimmy Fong Wika PAHINA 3 Virgilio Almario Usapang Uste Editoryal Diwa ng Kabataan MULA SA PAHINA 4 Ni BERNADETTE A. PAMINTUAN NOON pa man, kayunin na ng Unibersidad ang palawakin at paunlarin ang kaalaman at wastong paggamit ng wikang pambansa kung kaya't isang kapisanan ang itinatag ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Edukasyon noong Agosto 1947. “Diwa ng Kabataan” ang naging tawag sa naturang samahan sapagkat pangunahing adhikain nito ang buksan ang kamalayan ng mga Tomasino sa kagandahan at kahalagahan ng Wikang Filipino. Kinabilangan ito noon ng mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Education Major in Filipino. Si Jose Villa Panganiban, isang lengguwista’t unang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad, ang naging unang tagapayo nito samantalang si Emiliano Rico Silverio naman ang unang nahalal na pangulo. Magugunitang si Panganiban din ang itinuturing na tagapagtatag o “Ama ng Varsitarian” dahil pinangunahan niya ang pagkakatatag ng pahayagan noong 1928. Setyembre 1947 nang ipagdiwang ang tinaguriang pista ng Diwa ng Kabataan na dinaluhan naman ng mga mananagalog. Idinaos ang animo’y kapihan ng mga tanyag na mambabalarila at mga bantog na pangalan sa larangan ng panitikang Filipino. Nagkaroon ng tulaan at awitan, tampok ang mga lathala ng mga manunulat. Sa pagtitipon ding ito pinagkasunduang gawaran ang ilang miyembro bilang Mutya ng Pagtitipon, Mutya ng Inang Wika at Mutya ng Diwa ng Kabataan. Isang buwan makalipas ang pista, ginawaran ng kapisanan sa Caloocan ang ilang manunulat sa Filipino. Nilahukan ito nina Lope K. Santos, Dionisio San Agustin, Nemesio Caravana at marami pang ibang peryodista sa iba’t ibang pahayagan at magasin. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng mga samahang pampanitikan sa Unibersidad, tulad ng UST Panulat, Tanggol Wika at marami pang iba, ang mga layunin at gampanin na sinimulan ng Diwa ng Kabataan. Layon nila na imulat ang kamalayan ng mga Tomasino sa pambansang wika at bigyan ng panibagong sigla ang paggamit nito. Katuwang ang mga guro, mga mag-aaral at mga nagpapakadalubhasa sa wika, inaasahang mas magiging malaki ang maiaambag ng Unibersidad sa pagyabong ng Filipino sa mga henerasiyong darating. unang organisasiyon sa Filipinas na kumakalinga at nagbibigay ng edukasiyon sa mga hearingimpaired. Naitatag ito bilang pagalala sa kaniyang namayapang anak. Tinutulungan ng nasabing nonprofit foundation ang mga batang may kapansanan sa pandinig at pagsasalita. Napamahal na kay Buhay at magiliw siyang tinatawag na “Teacher Mom” ng mga batang kaniyang natulungan. Dagdag pa rito, naging kaunaunahang tagapangulo ng Speech Department ng Unibersidad si Buhay, at nagsilbi bilang speech therapist sa Manila Hearing Aid Center at sa Apolinario Mabini Rehabilitation Center na nasa loob mismo ng UST Hospital. Walang pag-iimbot na ibinahagi ni Buhay ang kaniyang kaalaman at ginamit ito upang makatulong sa kaniyang kapuwa. Bukod sa pagiging isang alagad ng agham panrehabilitasiyon, isa rin siyang prominenteng may-akda at respetadong akademiko. Pinarangalan siyang “Most Exalted Sister” ng Phi Lambda Sigma Sorority at ng iba pang samahan kagaya ng Honorary Society for Women in Speech in America at Quota International, Inc. Tomasino Siya Dugong Tomasino ang nananalaytay sa isang tanyag na speech therapist na ginugol ang buhay sa paglilingkod at pagaaruga sa mga may kapansanan sa pagsasalita at pandinig. Nagtapos ng kursong AB Philosophy sa Faculty of Philosophy and Letters (ngayon Arts and Letters) si Leticia Nietes-Buhay noong 1952 at nagpakadalubhasa sa larangan ng Speech Therapy sa Unibersidad ng Illinois sa Estados Tomasalitaan Unidos. Upasala (PNG) - paghamak sa Taong 1987 nang itatag kapuwa; panlalait; pagmumura niya ang Maria Lena Buhay Memorial Foundation, Inc. at Usapang Uste PAHINA 10 nagsilbing direktor nito. Ito ang global. Tinatayang sa susunod na hererasyon, ang magiging presidente ng Estados Unidos ay Kastila ang unang wika. Maging ang mga Koreano, Hapon at Sino ay nag-aaral ng Kastila para lalong mapatingkad ang kanilang komersiyo. Bukod sa pagiging bahagi ng araw-araw na buhay ang paggamit sa wikang Ingles at Kastila, ang kasanayan sa paggamit ng mga ito ay nagbibigay ng potensiyal sa mga Filipinong umangat sa labas ng bansa. Pinapatunayan ito ng iba’t ibang pandaigdigang enkuwesta o panlipunang pagsisiyasat na pumapalo mula sa ikatlo hanggang sa ika-anim na puwesto ang Filipinas bilang bansang may pinakamalaking English-speaking population. Sa kabila nito, nakababahala na marami pa rin sa mga Filipino, kahit na mga nakapagtapos na sa kolehiyo, ang hirap sa pakikipagtalastasan gamit ang mga pandaigdigang wika, lalo na sa Ingles, kung saan ang mga naunang henerasiyon ay garil na. Lalo pang nakababahala na hindi na pinagyaman ng Filipino ang Kastila, na tulad ng Ingles ay isang "global language." Hindi rin kaaya-aya para sa tinaguriang pangalawa sa mga pinakamalaking “business process outsourcing (BPO) country” ang resulta na isang pag-aaral ng IT & Business Process Association of the Philippines na walo hanggang 10 porsiyento lamang ang hiring rate na naitatala sa Filipinas dahil sa kakulangan sa kasanayan, lalo na sa paggamit ng wikang Ingles. Marami ang nakakapagsalita ng Ingles, ngunit sa hindi tamang paraan—kulang ang kaalaman sa paggamit ng tamang balarila at hindi pulido ang pagbuo ng mga pangungusap. Samantala, maaari sanang mapalawig ang lakas ng Filipinas sa BPO kung marunong lamanag mag-Kastila ang Filipino dahil maging ang mga malalaking kumpanya sa Estados Unidos at sa Kanluran ay nangangailangan ng Editoryal PAHINA 10 Tumatayong Patnugot: Daryl Angelo P. Baybado IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Mulinyo 7 Dalawang Tomasino bida sa opera ni Rossini TAMPOK ang tinig ng mga Tomasinong sina Noel Azcona at Ronaldo Abarquez sa konsiyertong La Cenerentola, isang rendisyon ng klasikong opera na pagsasadula ng kuewentong Cinderella, ng Italyanong si Gioachino Rossini sa Meralco Theater noong ika-15 Agosto. Ang baritonong si Azcona ay gumanap bilang si Don Magnifico, ang pangunahing kontra-bidang amain ni Cenerentola, habang ang robalo (bass) namang si Abarquez ang gumanap sa papel ni Propesor Alidoro. May kaunting pagkakaiba sa orihinal na istorya ng Cinderella ang bersyon ni Rossini: nagpanggap bilang kawal ang prinsipeng si Ramiro, at ang pagbibigay ng pulseras ni Cenerentola kay Ramiro imbis na pagkaiwan ng glass slipper. Pinalitan naman ni Propesor Alidoro ang papel ng fairy godmother. Sa tulong ni Propesor Alidoro, nakarating sa palasyo si Cenerentola dahilan kung paano nagkatagpo sila ni Prinsipe Ramiro. Napahimig ng isang matikas at malambing na duweto ang dalawa, at nang alukin ni prinsipe Ramiro ng kasal si Cenerentola ay agad siyang umalis at iniwan sa Prinsipe ang suot na pulseras. Tungo sa dulo ng konsiyerto, nakilala ni Ramiro kung sino ang may-ari ng pulseras dahil nakita nito sa bahay ni Don Magnifico ang kapares na pulseras Rossini PAHINA 10 Kabilang ang dalawang Tomasinong sina Noel Azcona at Rolando Abarquez sa mga pangunahing mang-aawit sa “La Cenerentola,” ang Italyanong comic opera ni Giaochino Rossini na itinanghal sa Meralco Theater noong ika-15 ng Agosto. G.L. CADUNGOG Tunog at himig inilarawan ng sining biswal KUNG nakikita ng mga mata ang musika, ano nga ba ang magiging hitsura nito? Dalawang Tomasino ang kasama sa In Transit, isang natatanging art eksibit na naglalayong mabigyan ng tulay ang dalawang magkaibang uri ng sining: musika at visual arts. Pawang mga produkto ng College of Fine Arts and Design sa kursong Advertising Arts, kasama sina Ronald Caringal at Geloy Concepcion sa mga 19 na mga likhang-sining upang isalarawan o bigyang kokreto ang mga piyesang gawa ng mga 19 na musikero. Gamit ang musika ng bentilador at mga padyak ng sapatos na ginawa ng kaniyang katambal na kompositor, nabuo ni Caringal ang likhang pinamagatang “Linear Movement” na binubuo ng dalawang piyesa: isang oil-on-canvas at isang LED sign. Isang serye ng horizontal linear dots na nagpapalit-kulay mula sa matingkad patungo sa madilim na kulay ang kuwadro. Samantala, lupon ng mga asul na bilog na gumagalaw sang-ayon sa kuwadro ang likha niyang electrical LED sign na lumilikha ng isang optical illusion: isang imahe ng sabay na paggalaw ng dalawang nasabing obra. “Movement for me is consumption of time and space. Kasi the concept of the exhibit is movement. I wanted to represent a journey. I wanted to represent moving from one point to another na ‘yung pinakabasic form na puwede, kinalabasan niya ay ‘yung dots,” sabi ni Caringal sa isang panayam ng Varsitarian. “‘Yung ginawa ng kapartner ko na work, it’s more of trickling sounds where the process required me to listen to the audio for eight straight hours. I made a series of manual optical illusion dots that I complemented with a LED light which I think is a sign for transit,” dagdag ni Caringal. Gumamit naman si Concepcion ng “mixed media” sa kaniyang “Etraksid”— dalawang black-and-white na retrato at isang canvas painting. Ang unang retrato ay mga taong naghihintay ng masasakyan sa isang eskinita, at ang isa naman ay retrato ng mga manok sa kulungan. Para sa sentrong obra, nagpinta siya ng isang pigura ng tao sa tema ng itim at abo. Ayon sa pintor, isang street slang ang “Etraksid” na ang ibig sabihin ay diskarte kapag binaliktad. “I basically just listened to the music while working on the painting and picking the photos. I did not require myself to make an artwork that will fit the music. I just made an artwork while listening to the music,” ani Concepcion sa isang e-mail sa the Varsitarian. “For me In Transit is the feeling of going somewhere but you still do not have a final destination in mind. You can go back, you can stop, you can do whatever you want.” Ginamit din ang kaniyang painting bilang isang freedom wall para sa mga tagamasid ng eksibit. “The freedom wall is really not in the plan. During the installation, I just had an idea to put a pen and let the viewers write what they feel about the music, and so the collaboration continues.” MA. CZARINA D. FERNANDEZ Pinakikinggan ng isang tagapagmasid ang musikang pinanggalingan ng obrang binigyangkahulugan. G.L. CADUNGOG “Pinagaaralan Pa,” “Viral” at “Mabuhey... Babalik Ka Rin “” ni Melvin Culaba. MGA NAPAPANAHONG usapin sa lipunan ang itinampok ng Tomasinong pintor na si Melvin Culaba sa kaniyang eksibisyong pinamagatang Marker na itinanghal mula Hulyo hanggang Agosto sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP. Sa pamamagitan ng kaniyang mga obra na gumagamit ng istilong social realism, umaasa si Culaba na magsilbi itong paalala sa publiko na alagaan ang mga historical sites ng bansa. “Ito ay pagpapahalaga o paggalang sa kasaysayan o historical sites na pinapabulok at nasisira,” ani Culaba sa isang mensahena ipinadala sa Varsitarian. Maliwanag ang paggamit ng nasabing istilo sa “Wala nang Aangguluhan, Tibagin na ‘Yan,” na naglalarawan ng isang itim na asong kagat ang retrato ng Rizal Monument at ng pinagtatalunang kondominyum ng Torre de Manila. “Sabi ni [Joseph] Estrada na [um]anggulo ka lang daw para hindi makuha sa picture ang Torre,” ani Culaba. “Ang solusyon ko, tibagin na.” Para kay Culaba, ang kanyang pagtatanghal ay naglalahad ng kaniyang mga sentimyento sa mga isyu na tinatalakay at kinakatawan ng bawat larawan. “Ang ‘Debateng O-A (apple-orange)’ ay patungkol sa walang silbing pulitiko,” aniya, samantalang. ang “Pinag-aaralan Pa” ay tungkol naman sa kalidad at mga problema sa edukasyon sa bansa. Isa pa sa mga nilikha ni Culaba, ang “I Was Here” na naglalarawan ng isang bata na kinukuhanan ng “selfie” ang kaniyang sarili. Samantala, ang mga larawan na “Mabuhey… Babalik Ka Rin” at “Makibaboy… ‘Wag Matakot” ay nagpapakita ng mahirap na pamumuhay sa lungsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng “Marker,” nais maiparating ng pintor ang mensahe ng korupsiyon, kamamangman ng masa, at kawalan ng katarungang panlipunan. Melvin Culaba, binuhay sa obra ang mga isyung panlipunan 8 Pintig Patnugot: Marie Danielle L. Macalino IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Pagkukulang ng administrasyong Aquino, inilahad ng mga obispo at lider Katoliko Nina KRYSTEL NICOLE A. SEVILLA at LEA MAT P. VICENCIO NAGKULANG ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatupad ng nararapat na aksiyon upang malutas ang problema sa korupsiyon at kahirapan sa bansa, pahayag ng ilang Katolikong lider bansa. Inilahad ni Obispo Broderick Pabillo, auxiliary bishop ng Maynila, ang ilang butas sa mga isinambit ng pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA). Ayon kay Pabillo, ang mga nabanggit sa SONA ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-27 ng Hulyo ay mga magagandang bagay na kanyang nagawa, ngunit nakaligtaan nitong banggitin man lang ang kaniyang mga pagkukulang. “Yung mga kapalpakan niya, hindi niya binanggit katulad ng Mamasapano, pork barrel, Freedom of Information at Disbursement Acceleration Program. Hindi niya talaga binigay yung totoong ‘state of the nation,’” ani Pabillo sa Varsitarian sa isang panayam. Sa huling SONA ng Pangulo, ipinagmalaki ni Aquino ang mga kaunlarang tinamo ng bansa sa ilalim ng kanyang pamamalakad. Inilahad niya sa kanyang SONA ang pagbuti ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa simula ng kanyang termino noong 2010. Ani Aquino, may stable inflation rate na 1.7 porsiyento sa loob ng ikalawang quarter ngayong taon. Ilan pa sa mga inihayag niya ay ang unemployment rate para sa taong 2015 na pumalo ng 6.8 porsiyento, ang pinakamababang natamo simula noong 2005. Ang administrasyon din di umano ni Aquino ang may pinakamaraming nailaan sa mga sector ng edukasyon at pangkalusugan. Bilang halimbawa, ibinida niya ang kaniyang proyekto na Pantawid Pilipino Program na nagbigay ayudo sa 4.4M na pamilya. Gayunpaman, hindi sang-ayon si Pabillo sa ibinida ng pangulo na “pag-unlad ng kalagayan ng mga mahihirap.” Ayon sa kanya, dumarami ang pera ng bansa ngunit sa mga nasa “itaas” napupunta at hindi sa mga tunay na nangangailangan. “Hindi naman naging inclusive ‘yung growth. Ibig sabihin kung tumaas man ‘yung ating income, yung GDP natin, hindi naman bumaba sa pangangailangan ng mga tao,” aniya. Dagdag ni Pabillo, maraming ibang solusyon ang maaaring gawin upang mabawasan ang kahirapan sa bansa tulad na lamang ng land reform at pagbibigay ng permanenteng trabaho sa mga mamamayan. Sang-ayon si P. Guiseppe Arsciwals, O.P., rektor ng Santo Domingo Church, na hindi pa rin nawawala ang kahirapan sa bansa at iginiit na hindi ito matatanggal sa isang iglap. “It will take a lot of time and effort. Perhaps, hindi pa nagti-trickle down yung mga programs for the poor kaya hindi pa ito nasusugpo,” ani P. Arsciwals. Hinimok ni P. Arsciwals na dapat mas pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang mga kailangan ayusin sa halip na balikan ang mga pagkukulang ng nakaraang administrasyon. Komposisyon ng Filipinong Dominiko, ‘jubilee hymn’ ng Order of Preachers ITINALAGANG opisyal na awit para sa pagdiriwang ng ika-800 taon ng pagkakatatag ng Order of Preachers ang komposisyon ng isang Filipinong Dominiko. Ayon kay P. Guiseppe Arsciwals, O.P., kompositor ng Dominican Jubilee Hymn at rektor ng Dambana ng Santo Domingo sa lungsod Quezon, layunin ng awit na “Laudare, Benedicere, Praedicare” na ipaalala ang ganda ng Dominikong pamumuhay at hikayatin ang mga laiko na makisali sa pagdiriwang. Sa isang taong, gugunitain ng mga Dominiko ang lumipas na walong siglo simula noong aprubahan ng Santo Papa Honorio III ang orden taong 1216. Ani P. Arsciwals, bawat saknong ng kanta ay naglalarawan sa misyong isinasabuhay ng mga Dominiko—pag-aalay sa Diyos at pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Ipinahihiwatig nito na dapat tularan si Santo Domingo de Guzman, ang nagtatag ng pandaigdigang orden ng mga tagapangaral kung saan ang mga kasapi ay kilala bilang mga Dominiko. “‘Laudare, Benedicere, Praedicare’ itself describes the life of the Dominicans. The title speaks for itself,” aniya sa isang panayam. Nagsimulang mapukaw ng kanta ang atensiyon ng mga mananampalataya nang manalo ito sa International Competition for a Jubilee Hymn ng International Liturgical Commission of the Order of Preachers, noong nakaraang ‘Cultural problem’ Sa isang liham pastoral kaugnay ng SONA at ng nalalapit na eleksiyon noong Agosto 11, ipinaliwanag ni Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippibes (CBCP), na ang korupsiyon ay isang “cultural problem” at kinakailangang pagtuunan ng malaking pansin. “The problem of corruption has become cultural. It has become part of our cultural norm behaviour so it will certainly take more than just policies. Because the problem of corruption is really systematic, we have to be very serious about this,” ani Villegas. Ani Villegas, nararapat pa ring pagtuunan ng pansin ang mga mahihirap lalo na at binigyang-diin ni Aquino ang umanoy pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. “While there are figures to prove that investments have risen and that economic fundamentals are strong, as pastors, we are deeply concerned with the inclusiveness of economic gain. Government and corporate figures remain items of cold statistics until they are translated into better lives by those now most disadvantaged,” sambit niya. CBCP suportado ang edukasyon tungo sa tamang pagboto SUPORTADO ng Simbahang Katoliko ang pag-eendorso ng mga laiko ng kanilang mga pambato sa pambansang halalan sa 2016. Subalit iginiit ni Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic B i s h o p s ’ Conference of the Philippines (CBCP), na “There was a competition organized by the curia of the Dominican Order in Rome. They invited composers to put music into the lyrics that they have created,omaniya. Ani P. Arsciwals, hindi naging madali ang paggawa ng kanta sapagkat ang titik nito ay binubuo ng apat na banyagang wika—Latin, Kastila, Ingles at Pranses, mga opisyal na wika ng Order of Preachers. Epekto sa laiko Para kay Richard Pazcoguin, katuwang na director ng Campus Ministry, ang Jubilee Hymn ang magsisilbing daan upang magkaroon ng kaalaman ang laiko sa buhay Dominiko. Dagdag niya, ang huling bahagi ng kanta ay humahamon sa laiko na dalhin ang pananampalataya sa lahat. “Ang unang epekto siguro ay awareness, kung ano talaga `yung Dominican identity. `Yung huling saknong nu’ng kanta, hinahamon ka niya,” ani Pazcoguin. Ngunit hindi magiging madali ang pag-unawa nito sa laiko, ayon kay Joan Trocio, associate professor mula sa Institute of Religion. “Ang karisma talaga ni Santo Domingo ay preaching. Nandito naman `yun sa kanta,” aniya. Iginiit ni Trocio na ang pinakadiwa ng turo ni Santo Domingo ay mananatiling nakaukit sa mensahe ng kanta. DARYL ANGELO P. BAYBADO at MARIE DANIELLE L. MACALINO “It’s very easy to blame the previous administration. I think tama na ‘yung blaming ng previous administration and just stick to what he has done,” aniya. hindi kailanman mag-eendorso ng kandidato ang Simbahan. Ipauubaya ang pagpili sa mga botante nang naaayon sa turo ng Simbahan, aniya. “While the CBCP and the Catholic Church in the Philippines will never endorse a particular candidate or a particular party, leaving the consciences of voters sovereign in this respect, in keeping with long-accepted moral teachings of the Church, we commend efforts such as these to arrive at a collective discernment on the basis of Catholic standards and principles, that are not necessarily sectarian,” ani Villegas sa isang liham pastoral noong Agosto 11. Hinikayat ng CBCP ang mga laiko at diyosesis na magdaos ng mga pampublikong harapan ng mga kandidato upang mas mailahad nila ang kanilang mga saloobin at plataporma. “As the political engine is revved for the presidential elections, we urge our lay persons to be actively engaged in the apostolate of evangelizing the political order ... We encourage debate among the candidates, and we hope that our dioceses will organize public fora and debates that allow the public to familiarize themselves with the positions, platforms, plans, beliefs and convictions of our candidates,” ani Villegas, ang arsobispo ng Lingayen-Dagupan. Voters’ education para sa Katolikong boto Isinulong naman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang “One Good Pagboto PAHINA 5 Imahen ng Santo Niño de Cebu, bumisita sa Maynila MULA SA PAHINA 1 address the effects of climate change in the country and the world,” ani P. Rentoria sa panayam sa Varsitarian. Dagdag niya, ipinahatid rin ng fluvial procession na masasagip pa ang mga nilikha ng Diyos na tila namamatay na, tulad ng Ilog Pasig, kung magtutulungan at mas papahalagahan pa ang mga ito. “The Santo Niño de Cebu who holds the world in his hands would like us to take care of the gift of creation. An example is the Pasig River. The work to save the Pasig River should not only be a concern of a few, but of us all,” aniya. We have to pray for conversion of heart that instead of destroying our environment, we have to save it and be good stewards.” Idinaos ang prusisyon mula daungan sa Intramuros hanggang sa Guadalupe Viejo sa lungsod ng Makati. Pagkatapos, dinala ang imahen sa Parokya ng Nuestra Señora de Gracia. Nagkaroon ng Banal na Misa bago ito inilipat sa Parokya ng Santo Niño de Cebu sa Biñan, Laguna noong ika-17 ng Agosto. Pagpapaigting ng Katolikong pananampalataya Maliban sa pag-aalaga ng kalikasan, layunin rin ng pagbisita ng imahen na paalalahanan ang mga Katoliko ng kanilang pananampalataya at misyon na ihayag ang mabuting balita ng Panginoon. “Since the image of Santo Niño de Cebu is the oldest religious icon in the Philippines and the symbol of our Catholic Faith, the visit reminds the people of their Catholic faith and invites them to reflect and deepen their faith in Jesus Christ,” ani P. Rentoria. Kinakailangang alalahanin ng mga laiko ang kanilang misyon bilang mga Kristiyano sa imahen ng batang Hesus, ani P. Andres Rivera, Jr. O.S.A. sa Banal na Misang ginanap sa Parokya ng Nuestra Señora de Gracia. “Ito’y nagpapahiwatig at nagpapaalala sa ating misyon bilang mga Katoliko. Nawa’y ipahayag natin ang Mabuting Balita at maranasan natin ang makapangyarihang salita ng Diyos,” ani P. Rivera. Isa lamang ang pagbisita ng imahen sa Maynila sa mga pangyayari kaugnay ng Kaplag 2015, ang ika-450 na anibersaryo ng pagkakatagpo sa imahen ng Santo Niño noong ika-28 ng Abril 1565. Nakatakdang bumisita ang imahen sa mga parokya sa bansa bago matapos ang pagdiriwang sa ika-28 ng Agosto 2016, kung saan pangungunahan ni P. Alejandro Moral, O.S.A., prior general o pinuno ng Orden ng San Agustin sa Pilipinas, ang selebrasyon. Ito rin ang ika-450 na anibersaryo ng mga Agustino sa Pilipinas at ika-50 na anibersaryo naman ng pagiging “Basilica Minore” ng simbahan ng Santo Niño sa Cebu. Ang imahen ng Santo Niño ang pinakamatandang relihiyosong reliko sa bansa. Handog ito ni Ferdinand Magellan kay Reyna Juana nang mabinyagan siya noong 1521 sa Cebu. Natagpuan ang imahen noong 1565 nang simulan ng mga Kastila, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi, ang pananakop sa Pilipinas. KRYSTEL NICOLE A. SEVILLA at LEA MAT P. VICENCIO Agham at Teknolohiya 9 IKA-29 NG AGOSTO, 2015 UST kasado sa malakas na lindol Ni MIA ROSIENNA P. MALLARI HANDA ang Unibersidad sa posibleng pagdating ng “The Big One”—ang lindol mula sa West Valley Fault na maaaring umabot sa 7.2 magnitude at magdulot ng malawakang pinsala sa kalakhang Maynila. Matapos mailunsad ang “shake drill” sa kalakhang Manila noong ika30 ng Hulyo, ang pangkalahatang hatol sa pagresponde ng Unibersidad ay tiyak ang kahandaan para sa kalamidad. Batid ng direktor ng Office of Public Affairs na si Giovanna Fontanilla na matagumpay at maayos na nailunsad ang earthquake drill dahil sa maagang pagpaplano at masigasig na pagaaral ng mga posibleng sitwasyon sa isang lindol. Malaking tulong rin ang seryosong pakikiisa ng mga tao sa aktibidad. “Sinusubukan nating gawing second nature ang safety ng mga tao, [na makakamit] kapag paulit-ulit [na ginagawa ang mga drill],” ani Fontanilla na nangangasiwa sa impormasiyon sa ilalim ng UST Crisis Management Committee na pinamumunuan naman ni P. Manuel Roux, O.P., vice rector for finance ng Unibersidad. Ang Crisis Management Committee ay hindi pa nakakapaglabas ng post-drill evaluation na maglalaman ng mahahalagang detalye ukol sa drill tulad ng mga mungkahi kung alin pang aspekto ang maaaring pagbutihin sa paghahanda ng Unibersidad, pati ang mga pagkukulang sa nasabing drill. Gayunpaman, sinabi ni Bureau of Fire Protection Inspector Efren Bereñas na ang pagsasagawa ng earthquake drill sa Unibersidad ay pumatak lamang sa dalawang antas, “very evident” at “evident.” Gawa ito ng mabilis na pagresponde ng mga kalahok sa drill pati na ang sistema ng paniniguro kung mayroong mga “nasaktan” o naiwan sa loob ng bawat gusali. Ayon kay Bereñas, kung mayroon mang dapat pagbutihin sa drill, ito ang pagtawag o roll call ng bawat incident commander sa kani-kanilang departamento. “Nasa [incident] commander na po ‘yan. Kailangan alam nila kung kumpleto, kung ilan `yung under nila,” aniya. Dahil sa populasyon ng Unibersidad na lampas sa 40,000, batid ng kumander ng Security Office na si Joseph Badinas na sa panahon ng krisis ay halos imposible nang magpatuloy ng mga sibilyan sa loob ng Unibersidad. Sinang-ayunan ito ni Bereñas na naglinaw pa na ang mga ahensya ng gobyerno ang mamumuno pagdating sa paglikas ng mga tao sa komunidad sa paligid ng Unibersidad. Sakop ng shake drill noong Hulyo ang paglikas ng mga residente sa mga apektadong lugar hanggang sa pagresponde ng mga awtoridad. Kalahok sa aktibidad ang mga ahensya tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Metro Manila Development Authority. Ito ang kauna-unahang metro-wide na earthquake drill sa kasaysayan ng bansa. Kasado ang depensa Samantala, siniguro ng mga opisyal ng Unibersidad na makakayanan ng mga gusali sa loob ng pamantasan ang isang 7.2-magnitude na lindol. Sa naunang ulat ng Varsitarian, sinabi ni Lawrence Pangan, tagapamahala ng Buildings and Grounds ng Unibersidad, na kayang labanan ng mga gusali ang isang lindol na aabot sa 8.0 magnitude. Bagaman maaaring magkaroon ng malalaking pinsala sa mga gusali, hindi sila mapapatumba ng lindol. Propesor ng biology kinilala ng Metrobank Foundation KINILALA ang isang Tomasino bilang isa sa sampung Outstanding Teachers ng Metrobank Foundation Inc. para sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng biology. Si Thomas Edison de la Cruz, propesor, tagapangulo ng Department of Biological Sciences ng College of Science at isang mananaliksik mula sa Research Center for Natural and Applied Sciences (RCNAS), ay isa sa mga nagwagi para sa Higher Education category, kasama si Analyn Salvador-Amores ng University of the Philippines-Baguio. Taxonomy ang pangunahing interes ni de la Cruz na kaniyang nakuha noong nag-aaral siya sa Braunschweig University of Technology sa Alemanya para sa kaniyang doktorado noong 2006. Tumatalakay ang disiplina sa pagkilala ng mga uri at klase ng hayop at halaman. Pinagtutuunan ng pansin ni de la Cruz ang fungal taxonomy, o ang pagkakaiba-iba ng mga fungi at paghahanap ng bagong species nito, dahil kakaunti lamang ang nagpapakadalubhasa sa larangang ito sa bansa. “Gusto naming malaman ang mga klase ng fungi na mayroon tayo at kung maaari, maghanap ng mga bagong species nito dahil mga yaman itong dapat ingatan,” aniya. Dedikasyon sa larangan Binanggit ni de la Cruz na bagaman marami na siyang natanggap na parangal, ang kaniyang hilig at pagmamahal sa pananaliksik ang naghihikayat sa kanya na pagbutihin pa lalo ang trabaho bilang isang siyentipiko. “Ito ang nag-uudyok sa akin, kapag gumagawa ako ng pananaliksik, dahil gusto ko talaga itong gawin. Ang mahalaga, gusto at mahal natin ang ginagawa natin,” ani de la Cruz. Naniniwala ang propesor na ang pagmamahal sa gawain ang magsisilbing unang hakbang upang maging matagumpay ang sinuman sa kahit anong karera. “Mahirap harapin ang mga pagsubok,” aniya. “Kung mahal mo talaga ang ginagawa mo, susunod na ang lahat.” Sasama si de la Cruz sa hanay ng higit na 300 guro na binigyang parangal ng Metrobank Foundation Inc. mula 1985, matapos na mapili mula sa higit 400 na nominado. Ayon sa Facebook PAHINA ng Metrobank Foundation Inc., tatanggap ng P500,000 ang pinanggalingang paaralan, at ang guro ng tropeo at plaque. Gaganapin ang seremonya ng pagpaparangal sa ika-3 ng Setyembre. Nabigyang-parangal din si de la Cruz noong nakaraang taon ng National Academy of Science and Technology-The World Academy of Sciences (NAST-TWAS) Prize for Young Scientists in Biology para sa kaniyang pag-aaral ng biodiversity at ecological patterns ng mga fungus katulad ng marine at mangrove fungi, endophages, macrofungi at fruticose lichens. Bukod pa rito, itinanghal din siyang Outstanding Young Scientist noong 2012 para sa disiplinang mycology, o ang pag-aaral ng mga fungi. Isang advisory body ng Department of Science and Technology ang NAST na kumikilala sa mga siyentipikong Filipino at ang kanilang mga naitulong sa iba’t ibang larangan ng agham, habang layunin naman ng TWAS ang maitaguyod ang pagbabago at pag-usbong ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagpaparangal at pagkakaloob ng research grants sa mga miyembro mula sa iba’t-ibang bansa. Iginagawad ang NAST-TWAS Prize for Young Scientists taun-taon para sa mga mananaliksik na nakapagbigay ng mga kontribusyon sa iba’t ibang larangan tulad ng biology, chemistry, mathematics at physics. Si de la Cruz ay isang propesor sa College of Science kung saan din niya natapos ang kaniyang bachelor’s degree sa larangan ng microbiology noong 1996. Sa Unibersidad din niya nakuha ang kaniyang master’s degree noong 1999. KIMBERLY JOY V. NAPARAN at RHENN ANTHONY S. TAGUIAM Dagdag ni Rene Echavez, inhinyero sa Manila City Hall, pinapayuhan ng mga dalubhasa ang mga mayari ng mga bahay at gusali na kailangang patibayin ang mga ito laban sa lindol. “Anticipated na rin kasi sa design ng mga gusali ang mga lindol na tulad nito,” aniya. “Nagbago na kasi ang Building Code matapos ang lindol noong 1990 [sa Luzon].” Ang lindol noong 1990, na may lakas na 7.8 magnitude at may epicenter sa Nueva Ecija, ay kumitil ng 1,621 na buhay. Ito ang naging basehan ng mga pagbabago sa ilalim ng Republic Act No. 6541 o ang National Building Code na dapat sundin ng mga gusaling ginagawa at pinapaayos sa buong bansa. Ayon kay Reynaldo Rosario, isang inhinyero at tagapamahala ng Maintenance Division ng National Capital Region para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga departamento ng gobyerno tulad ng DPWH ay nakahanda na sa isang malawakang plano sakali mang mangyari ang mga trahedya tulad ng lindol. InfoQuest Nakasaad sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ang bawat gampanin ng mga government organizations, non-government organizations, at local government units sa panahon ng sakuna. Noong nakaraang taon, inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang kanilang pagsusuri sa West Valley Fault na mayroong malaking posibilidad na magsimula ng lindol na yayanig sa kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan. Ang nasabing lindol ay maaaring magdulot ng higit P2.6-bilyong halaga ng pinsala sa ekonomiya bukod pa ang higit-kumulang na 31,000 buhay na nasa peligro at tinatayang 14,000 hanggang 385,000 na kataong sugatan. Tanong ni Thomas Sergio P. Andal mula sa Faculty of Arts and Letters Maiiwasan ba ang food poisoning? Nina RHENN ANTHONY S. TAGUIAM at JULIUS ROMAN F. TOLOP MAHIGPIT na magkatunggali ang suka-sibuyaspipino combo at ang minatamis na sawsawan sa tradisyunal na tambayan sa kanto lalo na’t pinagaagawan ito ng mga mamimiling dalubhasa sa pagkain ng tokneneng, isaw at iba pang street food. Lingid sa kaalaman ng Tomasinong street food gourmet, umaabot sa 40 milyon hanggang 81 milyon ang nagiging kaso ng foodborne illnesses sa buong mundo kada taon. Nakapapatay ito ng 8,000 hanggang 12,000 na katao taun-taon, ayon pa sa datos ng Quality Partners Company Ltd. Bagaman likas na sa mga mag-aaral ang maging stressed habang pumapasok, naging paksa na ng ilang mga pag-aaral ang relasyon ng pagkain sa stress ng tao. Sa pag-aaral nila Tanja Adam at Elissa Epel ng University of California, San Francisco, naisaad na mas napapakain ang isang indibidwal kapag stressed kaysa hindi. Hindi maikakailang maraming posibleng panggalingan ng kontaminasyon. Maaaring magmula ang kontaminasyon sa pagkain, mga kagamitan, at mula sa naghahanda. Mahahati ang mga food hazards, o mga bagay na delikadong ihalo sa pagkain, sa tatlong bahagi: ang biological hazards na mula mismo sa pagkain, ang chemical hazards kabilang na ang masyadong maraming additives at preservatives, at ang physical hazards na mula sa kapaligiran. Halimbawa, ang salmonella at staphylococcus, mga bacteria na karaniwang nahahanap sa pagkain, ay madaling kumalat sa mainit na temperatura. Nahahanap sila sa mga parte ng katawan katulad ng ilong at lalamunan at maaaring maikalat sa pamamagitan ng paghawak. Kapag hindi ito naagapan, maaari itong maging sanhi ng lagnat, pagtatae at iba pang komplikasyon. K a r a n i w a n g pinagmumulan ng impeksyon ang tubig, hangin, basura, mga insekto at hayop, ang mismong pinagbalutan ng pagkain, pati na rin ang mga mismong naghanda ng pagkain. Nagsisimula sa loob A y o n kila Miliflora Gatchalian, chief executive officer ng Quality Partners Company at Sonia de Leon, pangulo ng Foundation for the Advancement of Food Science & Technology, ang kasalukuyang problema ng food poisoning ay maaaring malutas na sa loob pa lamang ng pagawaan at hindi sa labas nito. Naibahagi nila noong ika-5 ng Agosto sa isang food safety forum sa Quezon Avenue na kailangang makasunod ang mga kumpanya sa mga trend sa larangan ng pagkain ngayong ikaInfoQuest PAHINA 3 Mayroon ka bang mga siyentipikong katanungan? Hayaang sagutin iyan ng Varsitarian! Ipadala ang inyong mga katanungan kalakip ang inyong pangalan at kolehiyo sa [email protected]. Itatampok sa InfoQuest section sa pahina ng Science and Technology ang mga piling katanungan kasama ang kasagutan mula sa mga dalubhasa. 10 Buhay Tomasino IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Direktor ng Dibuho: Ava Mariangela C. Victoria NINA KIRSTEN M. JAMILLA, FREYA D.L.R. TORRES AT IAIN RAFAEL N. TYAPON Editoryal MULA SA PAHINA 6 mga marunong mag-Kastila para sa kanilang industriya. Bagaman lahat ng paaralan sa bansa ay mayroong required subject na naglalayong luminang sa abilidad ng mga mag-aaral na magsalita ng Ingles, nabibilang lang sa daliri ang mga unibersidad at kolehiyo na mayroong required subject sa wikang Kastila, kabilang na rito ang Unibersidad ng San Carlos sa Cebu at Unibersidad ng Santo Tomas. Imago MULA SA PAHINA 5 Nariyan ang kamakailan lamang na isinakatuparang paggamit ng smart card na Beep para sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT). Sa simula pa lang, hirap nang gumamit ang mga PWD ng LRT at MRT ng walang gabay ng ibang tao ngunit kaysa bigyan ng atensiyon ang problemang ito na sana ay may solusyon na dati pa, ito ay hindi napagtuunan ng pansin. Isang pang malinaw na halimbawa ng pagwawalang-bahala ng gobyerno sa mga alalahanin ng PWD ay ang mga makikitid na pintuan ng mga silid sa mga pampublikong opisina at maging sa ibang mga ospital at klinika, na hindi madaanan ng wheelchair na Usapang Uste MULA SA PAHINA 6 Hal.: Hindi niya inalintana ang mga upasala dahil alam niyang walang katotohanan ang mga ito. Mga Sanggunian: The Varsitarian: Tomo XVII Blg. 9, Agosto 11, 1947 The Varsitarian: Tomo XVII Blg. 11, Septyembre 10, 1947 The Varsitarian: Tomo XVII Blg. 18, Oktubre 10, 1947 Rossini MULA SA PAHINA 7 na iniwan ni Cenerentola sa kaniya. Sa parteng ito din ipinamalas ng mga bidang mang-aawit ang grandiyosong giant double crescendo—isa sa mga kilalang istilo ni Rossini sa opera. Nagtapos ang kuwento sa pagpapatawad ni Cenerentola sa kaniyang mga hermanastra (stepsisters) kung kailan narinig ang nakakahumaling na kresendo at diminuendo ng kanilang mga boses. Bidang Tomasino Naging posible ang pagganap ni Azcona at Abarquez, na pawang nagtapos Maituturing bilang malaking kontribusiyon ang pagsisikap ng Unibersidad na panatalihin ang kalinangan sa wika dayuhan o sariling wikang Filipino at mga katutubo. Sumasalamin sa pagsisikap ng UST na mapahalagahan ang iba’t ibang wika sa minsang pagkakaroon ng Libertas, isang Katolikong peryodikong itinatag ni P. Buenaventura Paredes, O.P. na nakasulat sa wikang Kastila, ng Kalayaan, pahayagan sa Tagalog, at Varsitarian, na mayroong regular na seksiyong Filipino. Iilan na lang rin ang mga institusyong kagaya ng UST ang gumugunita sa mayamang kontribusyon ng mga Kastila— mula sa disenyo at arkitektura ng mga impratruktura hanggang sa pagkakalimbag ng dalawang bersiyon ng Lumina Pandit na naglalaman ng mga makasaysayang aklat at publikasiyon na naikubli ng Unibersidad simula noong ika-16 siglo. Ang kasanayan sa pakikipagtalastasan gamit ang iba’t ibang global language ay maiituring bilang isang competitive edge ng isang bansa. Mapalad ang Filipinas dahil sa bukod sa yaman ng kultura, maipagmamalaki rin nito ang human resources na pinapatunayan ng 2.3 milyong overseas Filipino workers, ayon sa huling ulat noong 2014. Bagaman karamihan dito ay mga unskilled workers, malaking konsiderasyon pa rin ang kasanayan sa pagsasalita ng wikang Ingles. Ngunit hindi dapat hayaan ng mga Filipino na ang pagiging isa sa mga top English-speaking na mga bansa ay manatiling isang bansag o taguri lamang. Kasabay ng patuloy na pagpapayaman at pagbuhay sa mga kadalasang gamit ng mga PWD. Nariyan din ang maliliit na sukat ng mga banyo na hindi magamit ng mga PWD. Nakakalimutan ding lagyan ng mga rampa ang harapan ng mga gusali at handrail ang gilid ng hagdanan para sa mas madaling nilang transportasyon. Maging sa trabaho, mas maliit ang oportunidad para sa mga PWD kaysa sa mga walang kapansanan. Marahil ito rin ay dahil sa diskriminasyon sa mga PWD. Malaki ang pagkakaiba natin sa Amerika kung saan maging ang ilang silid-pahingahan ay may braille na nakadikit sa pader para sa mga bulag. Maraming trabaho rin ang bukas sa bansang ito para sa mga PWD na may sapat na suweldo at konsiderasyon sa pasilidad ng mga opisina. Hindi maitatanggi na maaaring ang problema ay nakaatang sa ating kultura bilang Filipino na matagal nang nakakahon sa pag-iisip na ang mga PWD ay pasakit. Dahil dito nagkakaroon ng problema sa komunikasyon o social barriers sa pagitan ng mga normal at mga may kapansanan, na mahirap buwagin. Kadalasan, nakakaligtaan natin na bilang mga mamamayan, tungkulin nating makipagkapuwa-tao at respetuhin ang dignidad ng bawat isa, normal man o may kapansanan. May kakayahan tayong hubugin ang tiwala ng mga PWD sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila na sila ay may importansya rin sa ating komunidad at pagkumbinsi sa kanila na kaya rin nilang makipagsabayan sa iba’t ibang larangan. Dito pumapasok ang Community- Based Rehabilitation (CBR) kung saan tinuturuan ang mga PWD at kanilang mga pamilya ng mga nararapat na exercises at treatments para sa kanilang kondisyon. Layunin ng CBR na maging independent ang bawat PWD at mamuhay sila ng may sariling kasarinlan. Maging ang Unibersidad ng Santo Tomas ay nagsisikap na maging bahagi ng CBR taon-taon. Sa kasalukuyan, may walong partner communities ang UST para sa CBR, kabilang ang mga lugar sa Naga City, Camarines Sur at Bataan. Sa huli, responsibilidad ng bawat isa sa atin na ipakita sa mga PWD na sila ay may lugar din sa ating lipunan. Kailangan nating ipadama sa kanila na sila ay hindi naiiba sa ating mga normal na Filipino upang sila ay magkaroon ng tunay na kasarilan. The Varsitarian: Tomo XX Blg. 7, Agosto 10, 1948 The Varsitarian: Tomo XX Blg. 9, Agosto 28, 1948 2014 TOTAL Awards Souvenir Program. Leticia Nietes-Buhay. Nakuha mula sa http://www. p h i l s t a r. c o m / e d u c a t i o n - a n d home/2014/07/03/1341916/ outstanding-thomasian Leticia Nietes-Buhay. Nakuha mula sa http://www.mb.com.ph/totallythomasian/ Exams Nagtala ang Unibersidad ng 80.33-porsiyentong passing rate sa OT board exams kung saan 49 na Tomasino ang pumasa mula sa 61 na kumuha ng pagsusulit. Mas mataas ito sa 65.52 porsiyento na nakuha ng UST noong nakaraang taon. Dalawang Tomasino ang napabilang sa limang nakakuha ng pinakamatataas na marka. Naghati sa ikalimang puwesto sina Mark Timothy Arroz at Edmund John Cayanong na parehong nakakuha ng gradong 80. Tumaas ang pambansang passing rate ng OT board exams sa 62.94 porsiyento o 107 na pumasa mula sa 170 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 57.06 porsiyento noong nakaraang taon. Nagtala naman ang UST ng passing rate na 88.76 porsiyento sa PT licensure examinations kung saan 79 na Tomasino ang nakapasa mula sa 89 na kumuha ng pagsusulit. Bahagya itong mababa kumpara sa 91.74 porsiyento noong nakaraang taon kung saan 100 ang pumasa mula sa 109 na kumuha ng pagsusulit. Pumangalawa ang Tomasinong Excelsior na perspektibo ukol sa iba’t ibang kultura ng mundo dahil sa modernisasyon. Sa panahon ngayon, kailangan na ng mga taong magkaroon ng internasiyunal na pag-iisip, hindi para abandunahin ang identidad natin bilang mga Filipino, ngunit para mas lalo pa nating pahalagahan ito. Sa kabila ng mga patungpatong na suliraning kinakaharap ng Filipinas at samu’t saring negatibong impresyon ng mga banyaga sa mga Filipino, hindi ko pa rin maikakaila na marami pa ring rason para ipagmalaki ko sa buong mundo na isa akong Filipino. sa Conservatory of Music, dahil sa imbitasyon ni Joseph Uy, tagapamahala ng Manila Chamber Orchestra Foundation. Bagamat dalubhasa na sa pagkanta ng Italyano, inamin ni Azcona na hindi madali ang kanilang pagsasanay para sa konsiyerto. “I have sung many Italian songs and a number of Italian operas but this particular opera is quite challenging," ani Azcona. "Not only vocally but to get used to the text being sung at a very fast tempo was taxing.” Kasalukuyang assistant music director ng UST Singers si Azcona at dati namang miyembro ng UST Singers, UST Coro Tomasino at UST Liturgikon MULA SA PAHINA 1 board exams sa 64.74-porsiyento, katumbas ng 705 na pumasa mula sa 1,089 na sumailalim sa pagsusulit, kumpara sa 63.59-porsiyento noong nakaraang taon o 634 na pumasa mula sa 997 na kumuha ng pagsusulit. Samantala, natatanging topperforming school naman ang Unibersidad sa OT licensure examinations. Ensemble si Abarquez, na nagtapos ng Bachelor of Music in Voice. Kabilang rin sa mga tampok na mang-aawit sina Karin Mushegain na gumanap bilang si Cenerentola, Arthur Espiritu bilang si Prinsipe Ramiro, Byeong-In Park bilang Dandini, Myramae Meneses bilang Clothilde at Tanya Corcuera bilang Tisbe. Kasama nila ang Manila Symphony Orchestra at Aleron all-male choir sa ilalim ng pamamatnubay ng konduktor na si Darrell Ang. Mapupunta sa Juan Antonio Lanuza Endowment Fund for Advance Vocal Studies ang mga malilikom mula sa konsiyerto upang makatulong sa mga kabataang may hangaring maging mangaawit. MULA SA PAHINA 5 sa kahirapan. dahil magsisimula lamang ang pag-asenso kapag naging totoo tayo sa ating mga sarili. Dapat rin nating mapagtanto na maraming nagbuwis ng buhay para ipaglaban ang ating kalayaan at karapatan nating maging malaya— ang tawagin at kilalanin ng ating mga mananakop bilang isang lahi na kayang tumayo sa sarili nating mga paa. Hindi mapipigilan ang pagkakaroon ng mas malawak rehiyunal na pananalita, nararapat ring mas pagtibayin pa ng mga Filipino ang kakayahan sa pagsasalita ng Ingles at Kastila. Hindi maaalis ang katotohanan na ang Filipinas ay hindi native speaker ng mga wikang ito, ngunit ang bilang ng mga mamamayang makapagsasalita, makapagsusulat, at makapagbabasa nito sa kahit sa pinakasimpleng paraan ay maituturing na isang kakayahan. Kung nagagawang buhayin ang mga naghihingalong wikang rehiyunal sa bansa, marahil kaya ring pagtibayin ang kakayahang makipagtalastasan nang tama sa wikang Ingles at Kastila. Aletheia MULA SA PAHINA 5 konektado natin sa Internet, hindi ibig sabihin ay kailangan nating ibahagi ang bawat aspeto ng ating pagkatao rito. Sa lahat ng maaari nating iugnay sa social media, kailangang makita na ang tunay na pakikisama ay hindi makikita sa screen at maibabahagi gamit ang keyboard at touch pad. Ang social media ay naging isang ilusyon ng pagpapakatao, isang artipisyal na medium upang bigyan ng pisikal na anyo ang ating mumunting mundo sa ating mga isipan. Kaya lamang ipakita ng social media ang mga mumunting mundo na maaari nating makita sa iba, ngunit nasa personal pakikisama natin ang kapangyarihang maging bahagi ng mundo nila. Exams PAHIINA 11 IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Palakasan 11 UST, panatag ang loob sa Season 78 Ni CARLO A. CASINGCASING HAMON ngayon sa UST na depensahan ang UAAP General Championship sa pagsisimula ng bagong UAAP season sa Sept. 5. Ayon kay Gilda Kamus, kalihim ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) at board member ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP), aasahan ang mas mahigpit na kumpetisyon sa pagitan ng mga unibersidad sa darating na Season 78 upang masungkit sa pangkalahatang kampeonato. “Everybody can be a champion for a particular season. We win some, we lose some. This year we [will] try our best. Our athletes always give their best, but other schools also prepare,” ani Kamus. Aniya, mas naging sabik diumano ang mga Tomasino na makamit ang overall championship matapos makaranas ng dalawang taong pagkabigo kontra sa De La Salle University. Sa kabilang banda, hindi hadlang ang hindi pagkakaroonng UST ng “prized rookies” upang makamit ang titulo sa ikalawang sunod na taon, bagkus isa itong oportunidad upang makagawa ang UST ng sarili nitong mga dekalibreng manlalaro, ani Kamus. “‘Yung passion ng players, ‘yung willingness nila to win, matters. Malaking factor ang recruitment. Sabihin na natinna [‘yung iba] nakukuha nila ‘made’ na. Tayo, gumagawang [sariling] ‘stars’,” ani Kamus. Malaking parte ang gagampanan ng individual sporting events at kumpiyansa si Kamus na mapapanatili ng Unibersidad ang overall championship sa darating naseason. Sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang UST sa dami ng pangkalahatang kampeonato, taglay ang 40 na titulosimula nang maitatag ang UAAP noong 1938. Tigresses nakahandang bumawi Ni JOHN CHESTER P. FAJARDO KUMPIYANSA ang UST Growling Tigresses na mamamayagpag sila sa darating na UAAP Season 78 kahit na underdog ang tingin sa kanilang nakararami. Sa paglisan ng mga beterano na sina Mythical Five member Lore Rivera, three-point specialist Kristine Siapoc, at Kim Reyes, naging maliit at undermanned ang lineup ng koponan, ngunit hindi ito nakikitang hadlang ng Tigresses. Bagkus, ginawa nila itong motibasyon upang mapaigting ang kanilang running system. “From the start hanggang dulo tatakbo nang tatakbo ang mga players natin,” ani head coach Chris Cantojos sa Varsitarian. “Hindi tayo magso-slow down o magre-relax.” Tiwala si team captain Maica Cortes na kahit maliit ang kanilang lineup, kakayanin pa rin nilang makipagsabayan. “Dati kasi lahat ng mga senior talagang may mga talent. Ngayon kahit maliliit, pursigido sila na lumaban. Kumbaga nandoon ‘yung buong puso nila, hindi kagaya last year, confident na papasok pero walang napuntahan,” wika ni Cortes. Hindi magiging madali ang kampanya ng Tigresses dahil kapwa malalakas ang lineup ng De La Salle University at defending champions National University Lady Bulldogs. Gayunpaman, magiging kritikal ang karanasan at kumpiyansa na nakuha ng koponan sa kanilang pagkapanalo ng kampeonato sa Filipino-Chinese Basketball League at pagkamit ng ikalawang puwesto sa Fr. Martin Preseason Cup. “Malayo ‘yung mararating namin, ngayon iba ‘yung samahan namin. Okay ‘yung commitment ng lahat at ang goal namin, [mag-champion], hindi lang Final Four o runner-up,” ani Cortes. Pangungunahan ni Cortes ang Tigresses samantalang magiging kritikal ang mga magiging kontribusyon nina Jen Angeles, Candice Magdaluyo at Sophia Felizarta. Malaki ang inaasahan sa kapatid ni Lore na si rookie Elondra Rivera na makapag-ambag kaagad sa koponan kasama sila Christina Fenus at Ruby Teresa Portillo nakapuwa nanggaling sa Team B. Pagsangga Exams MULA SA PAHINA 12 MULA SA PAHINA 10 dahil na rin sa paglakas ng ibang UAAP teams. Pangungunahan ni team captain Patricia Barredo ang laban para sa Lady Shuttlers ngunit kailangang ma-angat nila Steffi Aquino, Sugar Vizmonte at Airish Macalino ang kanilang performance upang lumaki ang tiyansa ng koponan na makapasok sa Final Four. Maaari pang hindi makalaro ang ibang key players ng team matapos magkaroon ng problema sa class schedule ang mga Commerce students na kabilang sa koponan. “Natapat ‘yung schedule ng pasok sa training. Ang available na schedule sa kanila 5-9 ng gabi, iyon ‘yung training schedule namin.” Kung hindi magagawan ng paraan ang schedule ng training, mapipilitang ipasok ang mga players mula Team B upang punan ang mga puwestong maiiwan ng mga hindi makakapagensayo. si Ma. Jessica Sarah Isaac (markang 85.75) sa listahan ng 10 na nakakuha ng pinakamatataas na marka. Tumaas ang national passing rate sa PT kung saan 63.36 porsiyento o 550 ang pumasa mula sa 868 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 58.47 porsiyento noong nakaraang taon. Samantala, natamo naman ng Unibersidad ang ikalimang pwesto sa listahan ng top-performing schools sa katatapos na Physician Licensure Examination ngayong Agosto, habang limang Tomasino ang kabilang sa 10 na may pinakamatataas na marka. Nagtamo ang Unibersidad ng 98.31-porsiyentong passing rate kung saan 408 mula sa 415 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa—pinakamarami sa bansa ngayong taon. Pumangalawa si Jan Christian Feliciano (90 porsyento), ikalima si George Michael Sosuan (89.25), ika- Dekano larangan ng teacher education, nutrition and dietetics, food sciences at library and information science. “As the new servant leader of the College of Education, I have this strong conviction that the college is a fertile ground for innovative breakthroughs in the areas of teacher education, nutrition and dietetics, food sciences and library and information science,” ani de Guzman sa isang panayam. “[W]e shall adopt a collaborative framework that will operate under the dictum ‘dividing the work, multiplying the results’.” D.A.F. GABRIEL, C.I. HORMACHUELOS at A.A.M. PERALTA MULA SA PAHINA 2 clinical practice and professional service,” aniya. Plano ni Dacanay na dagdagan ang mga seksiyon ng clinical pharmacy at bumalangkas ng mga estratehiya upang mapanatili ang matataas na resulta ng board exams sa Pharmacy at Medical Technology sa tulong ng enrichment programs. Para naman kay de Guzman, ang College of Education ay lugar para sa makabagong mga tagumpay sa Exams PAHINA 3 Cortes Tigers, kumbinsidong makaaabot sa Final 4 Junior Tigershark, nagtala ng bagong rekord sa Singapore Ni CARLO A. CASINGCASING HUMAKOT ng tatlong ginto at tatlong pilak na medalya at nakapag-set ng bagong records ang isang Junior Tigershark sa kakatapos lamang na 2015 Singapore Invitational Swimming Championship na ginanap sa Singapore Island Country Club noong ika-2 ng Agosto. Nasungkit ni Junior Tigershark Sean Terence Zamora ang tatlong gintong medalya sa 100-meter butterfly, 100-meter backstroke a t 200-meter individual medley e v e n t s sa kategoryang boys’ 14-15. Bukod pa rito, nagawang basagin ni Zamora ang 100-meter butterfly record matapos magtala ng 1:01.27 minuto kumpara sa 1:02.16 na tala ni Joseph Schooling na isang multi-gold medalist sa katatapos lang na Incheon Asian Games at Southeast Asian Games. Nagtala rin ng bagong rekords na 1:02.95 minuto sa 100-meter backstroke at 2:16.75 minuto sa 200-meter individual medley si Zamora upang maungusan ang mga rekords ni Schooling na itinala noong 2010. Subalit kinapos ang Junior Tigershark sa mga events na 50-meter backstroke, 100-meter freestyle at 100-meter breaststroke, dahilan upang makapag-uwi lamang siya ng pilak sa mga ito. Para kay Zamora, ang kanyang exposure sa mga internasiyonal na paligsahan ay makapagbibigay sa kaniya ng karanasan at kumpiyansa sa kanyang pagsabak sa darating na UAAP. “My focus is to improve myself so both winning gold and breaking records are just secondary. Ang sa akin lang ay ma-improve ko ‘yung sarili ko, masaya na ako na ma-experience ‘yung ganoong leagues,”ani Zamora. Kinilala rin ang kahusayan ni Zamora sa larangan ng paglanggoy matapos siyang gawaran ng Philippine Swimming League bilang Male Swimmer of the Year noong Enero. Noong nakaraang UAAP Season 77, naguwi rin si Zamora ng dalawang gintong medalya mula sa 200-meter individual medly at 100-meter butterfly events at apat na pilak na medalya mula naman sa 200-meter backstroke, 50-meter backstore, 200-meter freestyle at 200-meter butterfly events. Ni RANDELL ANGELO B. RITUMALTA SA PAGBUBUKAS ng panibagong UAAP season, muling nangangakong magpapakitang-gilas ang UST Growling Tigers matapos ang nakadidismayang kampanya noong nakaraang taon. Siguradong gutom sa kampeonato ang Tigers dahil 2006 pa noong huli nilang masungkit ang korona. Para kay head coach Bong dela Cruz, malayo ang mararating ng Tigers ngayon kung maiiwasan lang ang injuries. “Last year kasi ‘di healthy ‘yung team, ‘di naman natinp uwedeng sabihin na alibi sa tao na hindi healthy ‘yungteam. ‘Pag healthy, we can go all the way. Ang target is Final Four and next is finals,” ani dela Cruz. Pangungunahan nina co-captains Kevin Ferrer at Ed Daquioag ang kampanya ng koponan sa taong ito. Makakasama pa rin nila ang twotime Mythical Five member na si Karim Abdul. Sisiguruhin naman ni Ferrer na hindi na mauulit ang lahat ng pagkakamali noong nakaraang taon, kasabay ng mentalidad na magiging isa siyang mabuting halimbawa sa kaniyang mga teammates bilang isa sa mga go-to guys ng koponan. Ayon kay Daquiaog, maiituturing na isa sa magpapatibay ng kanilang koponan ang pagsali ni PBA legend Alvin Patrimonio sa kampo ng coaching staff ng UST. “Nakakatulong ‘yung mga pinapagawa niya tuwing tune-up game, naa-apply [namin] ‘yung mga natutuhan [sa kaniya]. Kumbaga, ‘yun ‘yung bala namin na baon pagdating sa UAAP,” ani Daquioag. Sa pagpasok ni Patrimonio, aasahan ang mga magiging kontribusiyon nina Jeepy Faundo at Jon Macasaet bilang mga backup ni Karim Abdul. Iginiit ni dela Cruz na higit pa sa handa ang Tigers sa kanilang pagbawi ng korona at mataas ang kumpiyansa na mas maganda ang ilalaro ng grupo sa paparating na season. “Everybody has learned the lesson from last year. Hopefully, ine-expect namin mataas ‘yung magiging place,” aniya. Unang masusubukan ang bangis ng mga Tigre kontra sa koponan ng Adamson sa pagbubukas ng panibagong season sa ikalima ng Setyembre. Zamora Palakasan IKA-29 NG AGOSTO, 2015 Pagsangga para sa titulo Aries Capispisan “Malakas pa rin ang tiyansa ng Tiger Jins na maretainang championship, dahil halos wala namang nawala mula sa Season 77,” wika ni Bautista. Ng SPORTS TEAM MATAPOS putulin ng UST ang paghahari ng De La Salle University noong nakaraang season para sa kanilang ika-40 na overall crown, higit na inaasahan ang mga first semester sports upang bigyan ng maagang abante ang Unibersidad sa karera para sa UAAP general championship. Cherry Rondina Lady Booters, La Salle nagtabla sa Football Cup Ni DELFIN RAY M. DIOQUINO HINDI nagpatinag ang UST Lady Booters sa endgame at naitabla ang laban kontra De La Salle University Lady Archers, 1-1, sa Philippine Football Federation Women’s Invitational Cup sa Rizal Memorial Stadium noong ika-23 ng Agosto. Matapos ang ilang missed attempts, naibuslo ni Lady Booter Charisa Lemoran ang equalizer sa penalty time sa ika-91 na minuto galing sa assist ni Hazel Lustan. Tangan ngayon ng UST ang 1-1-0 win-drawloss nakartada. Nagkaroon ng pagkakataong maitabla ng Lady Booters ang laro nang mas maaga sa ika83 at ika-88 na minute ng regulation period mula sa mga atake ni Lemoran, ngunit matibay ang depensa ng La Salle. Kontrolado ng UST ang ball possession at nagtala ng 15 on-target goal attempts subalit nahirapan sila sa pag-iskor dahil sa maling spacing sa loob ng pitch. “Ang nangyayari, more on crowded spaces kami so hindi namin nako-convert into goals. So ang gagawin namin next time, kailangan magwiden at mag-communicate para maka-convert,” ani acting head coach Geraldine Cabrera. Maagang nakapuntos ang Lady Archers sa likod ng ika-39 minuto na goal ni Nicole Andaya ngunit nahirapan nasilang makaiskor muli dahil sa higpit ng depensa ng UST na pinangunahan ni goalkeeper Ivy Lopez. Samantala, ginulat ng Lady Booters, na nagtapos sa huling standings noong nakaraang UAAP season, angdefending women’s football champions Far Eastern University, 1-0, sa kanilang unang laro noong ika-21 ng Agosto. BEACH VOLLEYBALL Tiger Spikers Nakaraang taon: Ikalawang puwesto Prediksiyon: Kampeon Pangungunahan ni Season 76 Rookie of the Year Kris Roy Guzman ang kampanya ng Tiger Spikers ngayong taon patungo sa titulo kasama ang bagong katambal na si Anthony Lemuel Arbasto. Mamumuhunan sa depensa ang koponan bunsod ng pagkawala ng beteranong si Mark Gil Alfafara na pinangunahan ang koponan sa huling dalawang taon. “Nag-mature na siya (Guzman) at saka nakapaglaro na siya sa Nestea [beach volleyball competition] kaya malaki‘yung advantage niya,” ani Tiger Spikers assistant coach John Paul Doloiras. Bagaman kailangan pang pagtuunan ng pansin si Arbasto, kumpiyansa si Doloiras na magagawang masungkit ng koponan ang titulo dahil na rin sa haba ng preparasyon na kanilang ginagawa. Makatutulong ang pagkawala ng kasalukuyang kampeon mula sa National University na sina Edwin Tolentino at Season 77 Most Valuable Player Joseph Henry Tipay upang mangibabaw ang Tiger Spikers ngayong taon. Lady Spikers Nakaraang taon: Kampeon Prediksiyon: Kampeon Pagtitibayin lalo ng Lady Spikers ang kanilang kapit sa korona gamit ang mas mahigpit na depensa at opensa sa loob ng sand court. Bagaman mas lumakas ang koponan ng Ateneo de Manila University, Far Eastern University at Adamson University, kumbinsido si Doloiras na muling gagana ang sistemang kanilang ipinakita sa nakaraang taon. Kahit na kagagaling lang sa injury ang katambal na si Rica Jane Rivera, ang Rookie of the Year noong nakaraang season, handang pangunahan ni Season 77 Most Valuable Player Cherry Anne Rondina ang koponan patungo sa pangalawang sunod na titulo. Inaasahang makatutulong ang pagkakalantad ni Rondina noong Hunyo sa Queen of the Sands beach volleyball tournament kung kailan nasungkit niya ang ikatlong puwesto. “Hindi pa naman sila mature pero ang nilalaban namin, ‘yung technique talaga. Sa skills kami bumabawi at sa tamang approaches,” ani Doloiras. Junior Tigresses Nakaraang taon: Ikalawang puwesto Prediksiyon: Finals Matapos silang kapusin noong nakaraang season, muling nagbabalik ang mas pinalakas na Junior Tigresses upang bawiin ang nakawalang kampeonato ngayong Season 78. Pangungunahan nina co-captains Eya Laure at Mary Regina Mangulabnan ang mas maliit at batang koponan ng Tigresses. Sa kabila ng paglisan nina Pauline Gaston, Alyssa Teope at Gyra Baroga, mataas pa rin ang kumpiyansa ni head coach Emilio Reyes na magiging championship caliberang team at muling aabot sa finals. “Kakayanin naming bawiin. ‘Di lang tayo sasali, magko-compete tayo. ‘Di man ganoon kalalaki, pero ‘yung puso ng mga bata na ito naguumapaw,” ani Reyes. Handa na ring magpakitang gilas ang mga rookie na sina Joanne de Guzman, Bernadeth Pepito at Joyce Abueg upang lalong mapagtibay ang magiging kampanya ng koponan. TAEKWONDO Tiger Jins Nakaraang taon: Kampeon Prediksiyon: Kampeon Matapos bawiin ng Tiger Jins ang kampeonato mula sa De La Salle University, pipiliting panatilihin ng UST ang korona ng men’s taekwondo sa pangunguna ni Season 77 Most Valuable Player Paul Romero at ng nagpapagaling na si Rookie of the Year Aries Capispisan. Ayon kay assistant coach Gershon Bautista, handang-handa ang Tiger Jins para sa pagbubukas ng susunod na season, kabilang na ang pagdating ni rookie Russell Gargantes mula Butuan City. Lady Jins Nakaraang taon: Ikatlong Puwesto Prediksiyon: Kampeon Mula sa isang mapait na pagkatalo ng Lady Jins noong nakaraang taon, nagbabalik ang mga beterano upang bawiin ang korona mula sa University of the Philippines. Muling magpapakitang-gilas sin Korina Paladin at Abigail Cham, kasama ang rookie na si Alyssa Asegurado upang lumaban para maibalik ang korona sa España. Kabilang sa mga kasama sa Lady Jins ngayong taon ay ang mga nagkamit ng gintong medalya sa Philippine National Games Luzon leg noong Hulyo na sina Colleen Heria (finweight), Arriane Asegurado (featherweight) at Marjelle Sy (welterweight). “Kayang-kaya ng Lady Jins na makuha ulit ang championship, at sa tingin ko naman ay gagawin nila ang lahat upang manalo,” ani Bautista. BADMINTON Male Shuttlers Nakaraang Taon: Ikalimang puwesto Prediksiyon: Ikalimang puwesto Sa pagkawala ni former team captain Patrique Magnaye, magiging mahirap ang landas na tatahakin ng UST Male Shuttlers upang makaabot sa Final Four, ayon kay head coach Noli Cajefe. “Kahit isa lang ‘yung nabawas, malaking kawalan, kasi siya ‘yung leader,” ani coach Cajefe. “May mga junior at rookie pero hindi pa ganoon ka-competitive.” Nasa balikat ngayon nina Paul Pantig, Mark Sotea, Alcaed Lee Sabanal at John Edgar Reyes ang pag-angat sa bandera ng mga Male Shuttler na may haharaping malaking balakid sa kanilang mga counterpart sa NU, Ateneo, UP at La Salle upang makasingit sa Final Four. Female Shuttlers Nakaraang Taon: Ikalimang puwesto Prediksiyon: Final Four Nananatitiling buo ang roster ng UST Lady Shuttlers, ngunit katulad ng Male Shuttler, maliit pa rin ang tiyansa nilang masungkit ang korona Pagsangga PAHINA 11 Bonleon, bagong bangis na aabangan sa Tigers MATAPOS ang dalawang taong pananatili sa sidelines dahil sa UAAP residency rule, handa nang magpakitanggilas si Mario Bonleon para sa UST Growling Tigers. Magiging isa sa mga scoring options ng koponan si Bonleon matapos itong magtala ng double digit outputs sa nakaraang FilOil Flying V Premier Cup bilang shooting guard, isa sa mga puwestong nagkaproblema ang UST noong nakaraang season dahil sa injuries nina Ed Daquioag at Kevin Ferrer. Nagpamalas ang dating miyembro ng RP Under-18 Youth Team ng kaniyang maalab na scoring nang siya ay magtala ng 13 sa kaniyang 22 puntos sa huling yugto ng kanilang panalo laban sa Mapua Institute of Technology, 78-59, noong ika-30 ng Abril. “Tutulungan ko ang mga veteran sa scoring. Pero ‘yung scoring, secondary na lang, ang iniisip ko muna is defense,” ani Bonleon. Inatasan si Bonleon ni head coach Bong dela Cruz na pagtuunan ng pansin ang kaniyang depensa dahil siya ang inaasahang pumigil sa mga star players ng iba’t ibang koponan tulad nina Kiefer Ravena at Jeron Teng. Kumpiyansa ang dating University of the East Red Warrior na makababalik ang koponan sa Final Four, sa pangunguna ng mga beteranong sina Ferrer, Daquioag, at Karim Abdul. “Ikumpara [natin] ang skill set ng Tigers sa ibang UAAP team, malalim talaga ang team natin this year,” aniya. Bagama’t hindi pa siya naglalaro para sa Growling Tigers sa UAAP, bitbit na niya ang karanasan ng pagkapanalo noong naglaro siya sa De La Salle University-Greenhills na dinala niya ang Greenies sa finals. Naging parte rin siya ng Adidas Nations Global Team noong 2013 kung kalian nakadaupang palad niya ang mga kasalukuyang rookies sa National Basketball Association (NBA) na sina Jahlil Okafor at Stanley Johnson. “Ang promise ko lang wala pa akong sinalihang school na hindi pumunta sa finals. Sana makatulong ako sa pagdadala sa finals.” PHILIP MARTIN L. MATEL