WHAT IS LOVE? Love, kung ako ang tatanungin mo… Yan... nalaman ko sa mundo. One word at apat na letters...
Transcription
WHAT IS LOVE? Love, kung ako ang tatanungin mo… Yan... nalaman ko sa mundo. One word at apat na letters...
WHAT IS LOVE? [ONE~SHOT] DESCRIPTION: WHAT IS LOVE? Love, kung ako ang tatanungin mo… Yan ang pinakamagulong salita na nalaman ko sa mundo. One word at apat na letters pero kayang sumira ng samahan ng magkaibigan na parehong na-inlove sa isa, suwayin ang magulang kung ang napili mong mahalin ay ayaw nila, mang-distract ng isipin habang nagle-lesson ang teacher mo sa unahan, at mangarap ng gising aabot pa hanggang pagpikit mo ng mata. O diba ang gulo? Hindi naman sa bitter ako (pero parang yun na nga ang lumalabas) pero gusto ko lang i-share ang point of view ko, para sa kin isa lang ang meaning ng love… si God. Pero kung sa mundo ng mga tao, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ito? Sabi nila masaya, minsan masakit, pero malalaman mo nga ba kung hindi mo pa naman talaga nararamdaman? hindi mo pa nararanasan? Masasabi ko rin kayang love is the greatest feeling I’ve ever feel? Ako si Aubade, samahan niyo akong alamin kung ano ang pagmamahal sa pisikal na mundo nating mga tao! PART 1 Dear Love Diary, What is love? It is a big illusion that can kill one’s ambition! Aubade’s POV Tapos na kong magsulat ng phrase sa What is love diary ko. Panibagong araw na naman ang natapos, at panibagong meaning na naman ng love ang nalaman ko. Paano? Ganito ikukwento ko… Flashback… “Jedi, bakit ba kanina ka pa hilot ng hilot diyan sa sintido mo? Tapos tinanong ka ng History teacher natin hindi ka nakasagot, first time ata mangyari yun para sa top 1 ng klase na tulad mo?” tanong ko nang matapos na ang klase namin. “Oo nga Jedi, nunyare?” segunda ni Vellice. Mugto ang mga matang humarap siya sa min…. “Kasi…*hik* kasi… *hik*--“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla na naman siyang umiyak. “Huy, ano ba kasing nangyayari sayo?” tanong ko uli. Dahan-dahan niyang pinunasan ang luha niya bago humarap uli samin, sinigurado niya pang kami lang ang naiwan na mga tao sa room. “B-Buntis ako…” BOOOOOOOOOOOOOOONNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!! Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya… Top 1 ng klase, graduating… tapos… BUNTIS! “Jedi, bakit niyo ginawa yan ng maaga?” tanong ko ng may halong inis. “Eh mahal ko talaga siya eh! kaya ayun.” umiiyak na naman na paliwanag ni Jedi. “Oo yun na nga pero mali, kasi… ano bata pa kayo tapos, ang mga pangarap mo…” ayoko ng ituloy pa. “Sira na ang mga pangarap mo.” Saad ni Vellice. End of flashback. At yun nga ang nangyari kaya nasulat ko yan, tama naman ako diba? Nagmahal gumuho ang pangarap! PART 2: Aubade’s POV Maaga akong pumasok ng school kinabukasan, hindi pa ko tapos sa Math assignment di ko na alam ang sagot eh magpapaturo muna ako kay Vellice. Pagpasok ko ng room… “Bass, paturo naman!” “Bass, ano bang sagot dito sa number 3? Di ko talaga alam eh.” “Bass, pakopya na lahat mabait ka naman eh!” -_- Bass Bass Bass, parang tunog lang ng buzzer ang pangalan niya. Tapos puro babae pa nagpapaturo sa kanya tapos parang tuwang-tuwa pa siya. Naku! Tapos napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya naman tumayo siya at lumapit sa kin. “Goodmorning Aubade!” bati niya sa kin. “Good morning your face!” tapos nilagpasan ko na siya. Bakit ba ang daming patay na patay sa kanya? Matalino lang naman siya sa Math, sa Science, sa History o sige sa lahat na! Oo may itsura pero yun lang yun. Lunch time… Ayan na naman may nakikita na naman akong masakit sa mata. Ang dami na namang umaaligid kay Bass. “Bass, ano bang gagawin ko para mahalin mo ko?” “Bass magpapakatalino rin ako sa Math at sa ibang subjects magustuhan mo lang ako!” “Bass, nag-aral ako magluto para mabigyan kita lagi ng masarap na lunch!” “Bass, pinagsigawan ko sa buong barangay na gusto kita!” “Kahit magmukha akong tanga Bass, para sayo gagawin ko!” -_- hindi ako makakain ng maayos, ang ingay. Nakakairita, hindi ba nahihiya ang mga babaeng to dahil sa ginagawa nila? “Aubade bakit ang sama na naman ng timpla ng mukha mo?” tanong sa kin ni Vellice. “Ang dami kasing nagpapakabaliw dahil lang sa love!” inis na sabi ko. “Eh kung ikaw ba kasi ang tatanungin… what is love?” “Kung ako ang tatanungin mo…” Dear Love Diary, Love can lead you to do such crazy thing without thinking that it is so embarrassing. PART 3: Aubade’s POV Uwian na! naglalakad na ko pauwi, di ko kasabay si Vellice kasi may gagawin pa raw siya sa journalism club. “Aubade!” Napalingon ako sa tumawag sa kin. “Bakit Bass Bass Bass?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa kin. “Sabay na tayo umuwi!” :/ eh? “Bakit mo naman ako gustong makasabay?” tanong ko. “Kasi crush kita, at gusto ko kasabay ko ang crush ko.” :/ eh? Tinaasan ko siya ng kilay. “Kailan mo pa ko naging crush?” “Mula ng masilayan ko ang maganda mong mukha.” :/ eh? “Oh eh mukha ko lang naman pala nagustuhan mo eh, makuntento ka na sa pagsilay di yung sasabay sabay ka pa, ano pati lakad ko crush mo?” tapos naglakad na uli ako, pero makulit ata talaga to dahil sinabayan niya pa rin ako. “Edi love na lang kita para pwede kitang makasabay.” Napatingin na naman ako sa kanya. “Kanina crush ngayon love, ano ba talaga?” “Magkaiba ang crush sa love pero dahil crush kita love kita.” “Ang gulo mo namang tao.” Sabi ko. “Pero kasabay na kita.” :/ eh? Tiningnan ko na lang siya habang parang baliw na masayang masaya dahil kasabay niya ako. Dear Love Diary, Love is a deep feeling, crush is a short-lived emotion, but Bass said once you have a crush you also love them. It’s so complicated. PART 4: “Aubade! Sabay na tayo mag-lunch.” Aubade’s POV Ilang araw na kong kinukulit ni Bass, ano bang trip niya? Crush niya lang naman ako kung makaasta naman siya parang boyfriend! Care ng care, sunod ng sunod, sabay ng sabay! Pero nagkaroon ng isang araw na hindi niya ko kinausap o nilapitan man lang akala ko nakatakas na ko sa kakulitan niya pero isang araw lang pala yun! back to business na uli siya ngayon! “Mamaya na nga ako magla-lunch, hindi pa ako tapos dito sa assignment sa Economics oh! Gusto mo ba akong managot?” Umupo siya sa harap kong upuan. “Ayaw mo naman kasing magpatulong sabi ko naman kasi sayo tulungan na kita eh, madali lang talaga yang equation na yan!” tapos bigla niyang kinuha ang papel ko. “Di ka rin bastusin no?” inis kong saad. “Tinutulungan na nga kita.” Aniya habang busy sa pag-solve ng assignment ko. Napa-pout na lang ako. “Bakit mo ba kasi ako tinutulungan?” tanong ko uli. “Love nga kasi kita ayaw kitang nahihirapan.” “Love na talaga? Di na crush?” tanong ko uli. “Na-realize ko, I fall for you more and more each day.” >/////< Namumula na ata ako. “Seryoso ka?” tanong ko uli sa kanya. “Oo naman.” Aniya at ningitian ako. “Paano mo naman nasigurado?” “Parang isang scientific method…. Ganito.” bigla siyang kumuha ng isa pang papel at nagsulat sa harap ko. Problem: How to prove that you’re in love with a girl? Hypothesis: I’m in love with her because I can’t stand not to see or talk to her even just with a single day. Data Gathering: I read several facts on the internet on how to prove that you’re in love with a girl and some of it says: You’re in love with a girl when all you got to do is to think of her every minute, you care, you wants to be with her all the time, you’re ready to make anything just to amaze her, and so on and so on. Hypothesis Testing: I tried not to talk her, focus my attention to other girls, and avoid seeing her for so long but I can’t resist and I end up doing the opposite. Conclusion: I’m really in love with her. >////< tama ba tong ginawa niya? Pati scientific method ginawa niya pa. “Now, that’s how I know that I love you.” Nakangiting saad niya sa kin. “Kailangan may proseso?” tanong ko uli, nawi-wirduhan na ko sa kanya eh. “Oo para lalong makasigurado.” Tiningnan ko lang uli siya, ang lalaking ito mahal ako at talagang sinigurado niya? Dear Love Diary, Love is a gradual process. Ang ikli, eh yan lang nalaman ko tungkol sa love ngayong araw eh! XD Ano pa kayang malalaman ko sa susunod? PART 5 “Aubade pwede ba kitang ligawan?” Aubade’s POV Okay yan na naman siya nangungulit, sinabi niya na ngang mahal niya ko, di pa nakuntento gusto pa kong ligawan? “Bakit mo ba ko gustong ligawan?” inis kong tanong. “Tinatanong pa ba yan? Natural gusto kitang maging girlfriend!” masayang sabi niya. “Ayoko.” Sagot ko. “Bakit naman?” tanong niya. Tiningnan ko siya ng diretso. “Kasi ayokong maging boyfriend ka.” “Eh bakit pa rin?” “Kasi ayokong mahalin ka.” “Bakit?” “Kasi mukha kang di gagawa ng matino.” “Bakit na bakit pa rin?” “Kasi maraming naghahabol sayo, maiinis sila sa kin.” “Bakit?” Ilang bakit pa ba ang tatanungin niya? -_- “Ayokong mapaaway.” Sagot ko na lang. “Pagtatanggol naman kita ah.” “Basta ayoko, in short ayokong magmahal dahil mahirap!” Bigla siyang ngumiti. “Wala namang madali kapag nagmahal ka eh.” >/////< Kamatis alert. “Ang pagmamahal ay para ring buhay Aubade, maraming susubok para malaman kung hanggang san ang kaya mong gawin at hanggang kelan ka lalaban. Pero sa huli, ikaw pa rin ang gagawa ng desisyon kung magpapatuloy ka o titigil na.” Nakatingin lang ako uli sa kanya, bakit ba ko laging naii-speechless dito kay Bass. “Basta liligawan kita ha!” aniya sabay tapik sa ulo ko at nakapamulsang naglakad palayo. Ako naiwang nakatulala… nakatulala sa kanya. Dear Love diary, He said love is challenging but for me, it’s annoying. Maikli na naman ang naisulat ko, bakit ganito? Simula ng makasama at makalapit ako sa kanya, kumukonti ang nasusulat ko. >.< tapos habang nagsusulat ako ganito yung naririnig kong tunog oh… ~dugdugdugdugdugdug~ Puso ko ba yun? >/////< Weird PART 6 “Sorry Miss nililigawan ko na kasi si Aubade, siya lang ang mahal ko.” Aubade’s POV Nagulat ako sa sinabing yun ni Bass nang may babaeng humarang at nagtapat na naman sa kanya. “Ayos ba yun?” nakangiting tanong niya sa kin. Ang sinagot ko? dakilang irap! >.< tapos bumalik na ko ng classroom. Nagtaka pa nga ako at biglang tumahimik ang buong classroom pagpasok ko. Napakunot noo tuloy ako, nung meron? Nagdire-diretso ako upuan ko at pabagsak na naupo sa upuan ko--- (“o”) Aubade is a slut! Napatayo uli ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang nakasulat sa blackboard. Tiningnan ko yung mga classmate ko particular yung mga girls… nagsisi-iwas sila ng tingin sa kin! “Vellice sinong may gawa niyan?” tanong ko sa kaibigan ko na katabi ko lang. “Alam mo na.” aniya at nagkibit-balikat. >.< yung mga babae ni Bass! Pupunta na sana akong blackboard para burahin ang nakasulat na yun nang bigla namang pumasok si Bass at napatingin din sa blackboard. Bago ko pa man siya maunahang burahin yun ay nauna na siya! BOOGS! Pabagsak niyang ibinaba yung eraser. “SINONG MAY GAWA NITO?” galit na tanong niya sa buong klase, pero lahat ay yumuko at walang nag-abalang sumagot ng tanong niya. Bigla siyang tumingin sa kin. (“ ~~~~~ ”) Halos manginig ako dahil sa talim ng tingin niya pero bigla rin yung lumambot saka niya ko nilapitan at hinawakan ang kamay ko paharap sa buong klase. “Hindi mang-aagaw si Aubade lalong hindi siya malandi. Walang may nag mamay-ari sa kin para sabihin niyo yun sa kanya, at kung talagang mahal at nirerespeto niyo ko sana ganun din ang gawin niyo sa babaeng mahal ko, dahil sinisigurado ko sa harap ninyong lahat. Poprotektahan ko siya.” >/////< Nagulat ako sa pahayag niya. Tapos ayan na naman yung weird na tunog… ~dugdugdugdugdugdug~ Dear Love diary, Love is protective. Ito na ata ang pinakamaikli kong nasulat! >.< PART 7 Umuulan, wala akong payong. >.< kababae kong tao wala akong payong. Tiningnan ko ang madilim na kalangitan. Paano ako uuwi? Kanina pa ko nakatambay dito sa waiting area. “Aubade!” Napalingon ako sa tumawag sa kin, siya na naman! ~dugdugdugdugdugdug~ O puso bakit ka ba ganyan kapag siya’y nariyan? >/////< Tumatakbo siyang pumunta sa kinaroroonan ko dahil wala rin siyang payong! “Bakit ka ba nagpapaulan?” tanong ko sa kanya. “Wala kasi akong payong.” Nakangiti pang sagot niya, siguro kung katulad ako ng mga nababaliw sa kanya matagal na kong natunaw sa mga ngiti niya. “O wala ka rin palang payong pinuntahan mo ko, mukha tayong tanga dito pareho umuulan walang payong.” Inis kong sabi at nag-cross arms. “May leather jacket naman ako oh.” saad niya. Tiningnan ko siya. “Hindi naman tayo kasya diyan.” “Oo nga, kaya ikaw na lang magtalukbong nito!” tapos bigla niyang tinalukbong ang jacket niya sa kin! >////< “T-Teka, paano ka?” tanong at pinilit ibalik sa kanya ang jacket niya. “Okay lang ako, ang mahalaga ikaw.” Aniya at ibinalik sa pagkakatalukbong sa ulo ko ang jacket. “Pero…” “Tara na!” tapos bigla niya akong hinila sa ulanan! Ang saya niya kahit nababasa na siya! Tapos mas pinili niya pang ibigay sa kin ang jacket niya kahit mawalan na siya ng pananggalang sa ulan! >////< Dear Love diary, Love is generous and sweet. Pinagmasdan ko ang latest entry ko, bakit parang magagandang salita na ang sinasabi ko ngayon tungkol sa love? Nakakadalawang beses na ah! Isa na lang mapapatunayan ko na… I’m also capable to love… PART 8 “Class, malapit na ang pageant wala pang representative ang section natin sa girl. Aubade’s POV Announce yan ng adviser namin, wala pa rin pala kaming representative sa girl, may napili na sa boys pero hindi si Bass dahil last year ay kasali siya at siyang title holder din nun para sa boys category. “Miss, si Aubade na lang po!” O.O napatingin ako sa nagsalita, Bass! Pinanlakihan ko siya ng mata pero ningitian niya lang ako. “Oo nga po si Aubade na lang!” “Yes Miss, tamang-tama na siya!” Segunda ng mga classmates ko. Aangal pa sana ako pero naging majority! “Okay si Aubade na.” final decision ng adviser namin. :///// Nang mag-lunch na ay nilapitan ako ni Bass. “Kaya mo yun!’ aniya. “Che!” inis kong sagot sa kanya. “Susuportahan naman kita eh!” aniya at kinuha ang kamay ko. >////< “Dapat lang suportahan mo ko, ikaw may kasalanan kung bakit ako kasali dun!” sabi ko sa kanya pero this time, nawala na ang inis ko. “Syempre naman, ako ang super supporter mo! Love kita eh!” then he wink. Napangiti ako. >////< ~dugdugdugdugdugdug~ Dear Love diary, Love is supportive. Napangiti ako ng isulat ko yun, maikli pero meaningful yan! Atsaka sige na… umaamin na ko… I’m definitely in love with Bass… PART 9 Aubade’s POV Kinakabahan ako, Pageant na! habang rumarampa nga kami feeling ko matatalisod ako pero kapag tumitingin ako kay Bass, nawawala lahat ng kaba ko. Napapalitan ng tuwa dahil nandiyan siya upang suportahan ako! >///< “Go Aubade!” sigaw niya na lalo kong ikinangiti. Nang mag-question and answer na ay hindi na ako gaanong kinabahan, habang tumatagal sa stage ay naging confident na ako. Thanks to Bass and of course to my friends din. “Candidate number 8 please come to the centre stage.” Tawag ng MC sa number ko. Huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa gitna. “What is love for you?” Yun ang tanong sa kin? Nananadya? Pero I’m more than willing now to answer that. I glance again to Bass before answering the question. “Love for me, is a single four letter word that turn my world upside down.” Tapos nagpalakpakan ang mga audience. Ngumiti ako bago muling bumalik sa pwesto ko kanina. Sa huli, hindi ako nanalo. Pero thankful pa rin ako dahil nagkaroon ako ng ganitong experience. Nang matapos ang pageant ay agad kong niyakap si Bass. “O bakit ka nangyayakap?” gulat na tanong niya. “Thanks for falling in love with me…” direkta kong sabi sa kanya. “You are worth to love.” Tapos ginantihan niya ang yakap ko. Siguro dapat ko na siyang sagutin… ^_^ ngayon ko lang nalaman masarap din pala ma-in love sa pisikal na mundo ng mga tao, at masaya ako dahil naranasan ko na rin. Hindi naman pala puro bitterness lang ang masasabi mo tungkol sa love dahil kung tatanungin mo ako ngayon… What is love? You’ll never know what it is until you experience it… End of story. AN: Thanks for giving a time to read this. Naisip ko lang kagabi. HAHAHA!