Saliksik - Bahay Saliksikan Sa Kasaysayan
Transcription
Saliksik - Bahay Saliksikan Sa Kasaysayan
Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Artikulo MGA BAGONG PAGTINGIN KAY ANDRES BONIFACIO AT SA KATIPUNAN Angelito S. Nunag Extension Program in Pampanga University of the Philippines - Diliman, Quezon City Abstrak Isang daan dalawampu’t dalawang taon na ang nakalilipas simula nang itatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan subalit marami pa ring mga tanong at usapin ang bumabalot at naghihintay ng mga kasagutan ukol sa Supremo at Pangulo ng Haring Bayan Katagalugan at sa itinatag niyang kilusan. Ang papel na ito ay isang pagtatangkang bigyang-kasagutan ang ilan sa mga tanong at usaping ito. Naglalaman ito ng mga bagong asersyon, pagtingin, at pagtatasa ukol kay Bonifacio at sa Katipunan na taliwas sa namamayaning pananaw at tradisyunal na pag-aaral ukol sa Himagsikang Pilipino. Gamit ang mga primaryang batis na nagmula sa Archivo General Militar de Madrid, ipapakita ng papel na ito kung saan nakabatay at nakaugat ang pagtatatag sa Katipunan; kung kailan at ano ang tunay na pinagmulan nito; at kung ano ang mga ideya at konseptong bumabalot at naghahari kay Bonifacio at sa mga Katipunero sa kanilang pagtatatag ng isang kaayusan at kabuuang sosyo-pulitikal-kultural na taal lamang sa kanila bunga ng kanilang mga partikular na karanasan bilang bahagi ng Katagalugan—isang kabuuang sumasaklaw sa lahat ng mga tao at bayan na tumubo sa sangkapuluan. INTRODUKSYON Sa harap ng bulto-bultong literatura ukol kay Andres Bonifacio at sa Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (Katipunan o KKK), hindi rin maikakaila ang bulto-bultong tanong, usapin, at kontrobersya na bumabalot kay Bonifacio at sa itinatag niyang kilusan. Manapa’y kung kailan dumadami ang literatura ay 92 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 doon din higit na dumadami ang bilang ng mga tanong dahilan upang higit na maging malabo ang ating pag-unawa at pagtatasa kay Bonifacio at sa Katipunan. Ang papel na ito ay isang pag-aaral ukol kay Andres Bonifacio at sa Katipunan. Isa itong pagtatangkang mailabas ang mga bagong kaalaman ukol kay Bonifacio at sa Katipunan sa harap ng mga bagong tuklas na dokumento. Hangarin ng papel na itong maituwid ang ilang maling pagtingin sa Supremo at sa kanyang kilusang pinangunahan. Dasal ng may-akdang ang papel na ito ay makatulong sa pagbibigay-linaw sa mga namamayaning maling pagtingin ukol sa Supremo at sa Katipunan. Gayumpaman, hindi papasok at sasawsaw ang papel na ito sa diskurso ng elit kontra masa; Bonifacio kontra Rizal; Katipunan kontra La Liga Filipina; at rebolusyon kontra reporma. Marami nang pag-aaral ang nailathala ukol sa mga usaping ito. Sa halip, tututok ito sa ilang bagay ukol kay Bonifacio at sa pagkakatatag ng Katipunan na matagal na ring pinagtatalunan. Sa partikular, bibigyang-linaw kung kailan talaga nabuo ang nabanggit na kilusan at kung ano ba talaga ito sa simula pa lamang ng kanyang pagkakatatag. Ilalantad din ng papel na ito ang tunay na istruktura, porma, at mithiin ng Katipunan sa simula ng pagkakatatag nito gayundin ang ebolusyon ng mga istrukturang ito. Bibigyang-diin din ang mga ideya at konseptong bumalot at naghari kay Bonifacio at sa mga Katipunero sa kanilang pagtatatag ng isang kaayusan at kabuuang sosyo-pulitikalkultural na taal lamang sa kanila bunga ng kanilang partikular na karanasan bilang bahagi ng Katagalugan. Kaugnay nito, ang tanging layunin ng papel ay ipakita ang mga bagong kaalaman ukol kay Bonifacio at sa Katipunan mula sa mga bagong batis na nagmula sa Archivo General Militar de Madrid partikular ang Caja 5677. Nangahas ang may-akdang pamagatan itong “Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan” sapagkat papalutangin nito ang mga bagong kaalaman ukol sa Supremo at sa itinatag niyang kilusan. Isa pa, ang mga bagong kaalamang ito ay sasaling sa mga namamayaning asersyon at konklusyon ng mga tradisyunal na pag-aaral, kung kaya’t gaya ng sinasabi ng pamagat “mga bagong pagtingin.” Binubuo ang papel na ito ng apat na bahagi. Sa unang bahagi, tatalakayin ang mga ginamit na primaryang batis mula sa Archivo General Militar de Madrid partikular ang Caja 5677. Ilalarawan ang mga nilalaman nitong dokumento at kung paanong ito ay napasakamay ng may-akda. Ilalatag naman sa ikalawang bahagi ang konsepto ng Katagalugan ng mga Anak ng Bayan bilang isang kabuuang angkop, ukol, at para lamang sa mga tumubo sa sangkapuluan. Dito, dadalumatin ang mga sumusunod na konsepto: Katagalugan ni Bonifacio, Anak ng Bayan, at Inang Bayan. Ipapakita rin sa bahaging ito ang Kataastaasang Katipunan bilang soberenya ng mga Anak ng Bayan. Sa ikatlong bahagi, uugatin ang simula ng Katipunan at ipupunto na ito ay isang hiwalay at partikular na entidad sa La Liga Filipina at hindi lamang ito ordinaryong kilusan bagkus isang Pamahalaang Pambansa. Sa ika-apat na bahagi, tatalakayin ang tunay na istruktura ng 93 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Katipunan gayundin ang ebolusyon nito. Sa konklusyon, susumahin ang mga bagong kaalaman ukol kay Bonifacio at sa Katipunan. ANG MGA PRIMARYANG BATIS MULA SA ARCHIVO GENERALMILITAR DE MADRID: MGA DOKUMENTO, LATHALAIN, AT KASULATAN UKOL SA KATIPUNAN Minarapat ng may-akdang talakayin sa bahaging ito ang mga batis na ginamit sa kanyang pag-aaral upang maibigay ang karampatang pagkilala sa mga responsableng naging dahilan at nagbigay-daan upang mapasakamay niya ang mga nasabing dokumento. Gayundin, upang mailatag ngayon pa lamang ang kredibilidad ng mga naturang dokumento nang sa gayon ay maging bukas sa sinumang magnanais na kwestyunin ang awtentisidad at kredibilidad ng mga batis na ito. Kaugnay nito, inaanyayahan niya ang mga historyador, eksperto, at sinumang may interes sa Katipunan, Himagsikan, at kay Andres Bonifacio na muling balikan ang mga batis na ito upang maging kaisa sa pagsasakatuparan ng layuning mailabas ang katotohanan ukol sa bahaging ito ng ating kasaysayan. Taong 2012 ay naatasan ang may-akdang maging mananaliksik at konsultant ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (National Historical Commission of the Philippines o NHCP) para sa proyekto ng huli na imodernisa ang museo at dambana ng Pinaglabanan sa lunsod ng San Juan. Dito ay napasakamay niya ang mga dokumento at sulatin ng Katipunan na nasa pangangalaga at koleksyon ng Archivo General Militar de Madrid (AGMM) sa bansang España. Mula sa inisyatibo ng Komisyoner at Tagapangulo ng nasabing ahensyang si Dr. Ma. Serena Diokno, ipinagkaloob ng AGMM ang kopya ng mga nasabing dokumento sa NHCP. Ang ugnayan ukol sa pagkakaloob na ito ay naganap sa pagitan ng dalawang ahensya mula sa opisyal na pakikipagtalastasan ng bawat isa sa kanila. Gayumpaman, tanging isang caja (Caja 5677) lamang ang napunta sa Pilipinas, bagama’t binubuo ang cajang ito ng humigit-kumulang na isang libong dokumentong nakaayos o nakagrupo sa mga legajo. Ang Caja 5677 ay naglalaman ng mga legajo simula 1.1 hanggang 1.148 kung saan ang bawat isa ay may minimum na isang dokumento at maksimum na apatnapu’t isa na pawang mga nakasulat sa wikang Tagalog. Mayaman sa bagong impormasyon ang mga batis na ito. Naglalaman ang mga ito ng mga katitikan ng mga pulong ng Katipunan partikular ang kapulungan ng Kataastaasang Sanggunian, atas at kautusan ng nasabing kapulungan, komunikasyon ng mga Katipunero sa isa’t isa partikular ang mga opisyales, listahan o padron ng mga miyembro gayundin ng mga nagtaksil sa kilusan, akda ng mga opisyales gaya ng mga tula at sanaysay, proseso ng pagsali at pagpili sa mga miyembro, plano ng pagsalakay, at marami pang iba.1 94 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Noong Disyembre 2013, inilathala ni Jim Richardson ang kanyang librong The Light of Liberty: Documents and Studies on the Katipunan, 1892-1897. Ang nasabing akda ay tumutukoy rin sa kalipunan ng mga nasabing dokumento na nakapaloob sa Caja 5677. Gayumpaman, bukod sa Caja 5677, isinama rin ni Richardson sa kanyang libro ang isa pang caja gayundin ang mga dokumento tungkol sa Katipunan na matagal nang nailimbag at ginagamit ng mga historyador tulad ng Dekalogo ni Bonifacio at Kartilya ni Emilio Jacinto dahil ayon sa kanya “anumang kalipunan ng dokumento ukol sa KKK ay magiging kulang kung wala ang mga ito” (Richardson 2013, xiv) (akin ang malayang salin). ANG KATAGALUGAN NG MGA ANAK NG BAYAN: PAGTATATAG NG ISANG KABUUANG ANGKOP, UKOL, AT PARA LAMANG SA MGA TUMUBO SA SANGKAPULUAN Laganap ang literatura na nag-uugnay kay Bonifacio at sa Katipunan kay Jose Rizal at sa La Liga Filipina. Nariyan halimbawa si Gregorio Zaide (1968, 78) na nagsabi “sa labi ng Liga Filipina umusbong ang bagong lipunang nakatakdang tuparin kung ano ang pinangarap ng mga propagandista” (akin ang malayang salin). Ayon naman kay Teodoro Agoncillo (1990, 150), kung pag-aaralan ang pamamaraan at “istruktura ng Katipunan ay nagpapakita na naimpluwensyahan ito ng Masoneriya… at ng La Liga ni Rizal…” (akin ang malayang salin). Sinusugan ni John Schumacher (1998b, 132) ang pananaw na ito at sinabing ang Katipunan ni Bonifacio ay direktang pagpapatuloy ng La Liga Filipina ni Rizal. Binigyang-diin din niya ang pagkakahanlintulad ng mga hangarin nina Rizal at Bonifacio. Ayon sa kanya, “inaantisipa nito ang napipintong paghihiwalay ng Pilipinas mula sa España, kahit na sa armadong pakikibaka sa bandang huli, ngunit ito ay pagkalipas lamang ng apat na taong paghahanda. Kahit man si Rizal ay umasa ng paghiwalay sa España pagdating ng tamang panahon, bagama’t magkakaiba sila ni Bonifacio noong 1896 ukol sa kung ito ba ang tamang panahon o hindi pa” (Schumacher 1998b, 132) (akin ang malayang salin). Malinaw ritong tanging panahon lamang kung kailan isasagawa ang hangaring ito ang pagkakaiba nina Bonifacio at Rizal. At upang higit na bigyang-diin ang pagkakapareho, binanggit ding walang pagkakaiba ang paggamit ng mga propagandista sa panahong ito sa mga salitang “liga” at “katipunan.” Ayon kay Schumacher (1998b, 130), “una sa lahat ay mayroong pagpapatuloy ng pagpapangalan. Tinawag ni Rizal ang kanyang organisasyon na La Liga. Ngunit ang natural na ibig sabihin ng liga sa Tagalog ay katipunan” (akin ang malayang salin). Idinagdag pa ni Schumacher na ang mga naunang kasapi ng Propaganda ay ginamit ang mga salitang ito na iisa ang pakahulugan. Sa kabilang banda, may mga bumabatikos sa walang pakundangang pag-uugnay kay Bonifacio at Rizal gayundin sa Katipunan at La Liga Filipina. Ayon kay Milagros Guerrero, ang mga tradisyunal na historyador ay karaniwang ikinakabit ang mga akda ni Rizal sa 95 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 mga sinulat ni Bonifacio kung saan ang mga akda ng huli ay kopya lamang ng mga sinulat ng una (Guerrero 1998, 158). Pinuna ni Guerrero ang kabiguan ng mga tradisyunal na interpretasyong makita ang lenggwahe at kultura bilang susi sa pag-unawa sa pagiging orihinal ng literatura ng Katipunan at kaiba ito sa mga naunang Propaganda-Repormang literatura. Binigyang-diin din niya ang pagtalikod at pagkondena ni Rizal sa rebolusyon (Guerrero 1998, 164). Ganito rin ang pananaw ni Renato Constantino na nauna nang nagpanukala ng pagiging anti-rebolusyon ni Rizal. Ayon kay Constantino, ang ating pambansang bayani ay hindi pinangunahan ang rebolusyon, bagkus itinakwil niya ito (Constantino 1969, 4). Ipinunto niyang tinalikuran ni Rizal ang rebolusyon sapagkat bilang ilustrado minaliit ni Rizal ang kakayahan at kapangyarihan ng mga tao (Constantino 1969, 21). Kaugnay nito, binigyang-diin ni Constantino na ang Katipunan ni Bonifacio ang kabaligtaran ng pamamaraan ng mga ilustrado (Constantino 1969, 25). Samantala, pinuna ni Floro Quibuyen ang ganitong pananaw at inanalisa ang koneksyon ni Rizal sa rebolusyon gayundin ang tunay nitong pagtingin sa nasabing paghihimagsik. Ayon sa kanya, ang argumento ni Constantino ay nakasandig sa maling asersyon na si “Rizal ay repormista na ‘mahigpit na itinakwil’ ang Rebolusyon” (Quibuyen 1999, 71) (akin ang malayang salin). Tinanong din ni Quibuyen kung “bakit mayroon matinding emosyon sa panig ng mga progresibong nasyonalista, tulad ni Constantino, laban kay Rizal bilang repormista, gayung ang lahat ng ebidensya ay nagsasabi ng kabaligtaran nito?” (Quibuyen 1999, 70) (akin ang malayang salin). Sa harap ng mga nagbabanggaang pananaw, makabubuti at praktikal na tingnan ang mga bagong lutang na dokumento ng Katipunan upang mapalutang ang mga ideya at konseptong bumalot kay Bonifacio at kanyang mga kasama sa pagtatatag ng nasabing kilusan. Ang pagpapalutang sa mga ideyang ito ay lubhang importante at makatutulong sa pagbibigay-liwanag at tamang pagtatasa sa magkakasalungat na pananaw. Sa kanilang pagtatatag ng Katipunan, malinaw kina Bonifacio ang pag-angkin, pagkilala, at pagpasa ng kapangyarihan mula sa mga mananakop patungo sa kamay ng mga “anak ng bayan.” Inilatag nila ang ideyang ito bilang rasyunal ng pagtatatag nila ng Katipunan “ang pagkatatag ng pamamahala nitong mataas na kabalakan, ayon sa nabanguit sa naunang kabanata ay ang kapangyarihan ng bayan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.2-3)2 (akin ang diin). Kaugnay nito, wala nang iba pang kikilalaning kapangyarihan kundi lamang ang Katipunan, “sa katuiran ng katauhan, pagkatapus; ang K.K.K ay hindi kumikilala ng ibang mataas na kapangyarihan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.2-3). Malinaw kung gayon na sa simula pa lamang ay hangarin na nina Bonifacio ang paghiwalay sa kamay ng mga Español at magtayo ng isang kabuuang angkop at para lamang sa kanila. Taliwas ito sa naisin ng mga ilustrado na manatili sa ilalim ng kapangyarihan ng España. Sa kanyang sulat kay Ferdinand Blumentritt noong 1887, binanggit ni Rizal na “sa kasalukuyang kalagayan hindi namin nais humiwalay sa España… maaari pa ring makuha ng España ang Pilipinas sa habang panahon, kung 96 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 magiging makatwiran lamang ang España” (Schumacher 1998a, 98) (akin ang malayang salin). Sa kanyang depensa sa kanyang paglilitis, binigyang-diin din ni Rizal ang pagsampalataya niya sa España, “ako ay hindi sang-ayon sa rebolusyon dahil umaasa akong bibigyan tayo ng España ng libertad… dahil nakikita kong para maiwasan ang mga pangyayari sa hinaharap, ang mahigpit na ugnayan sa pagitan ng España at ng mga Pilipino ay kinakailangan… marami ang nagpakahulugan sa sinabi kong ‘pagkakaroon ng libertad’ bilang ‘pagkakaroon ng independensya,’ na dalawang magkaibang bagay” (Rizal 1896, 340) (akin ang malayang salin). Base rito, hindi maitatanggi ang magkaibang pananaw nina Bonifacio at Rizal sa harap ng mga pangyayari sa Pilipinas noong ika-19 na dantaon. Ang hangarin nina Bonifacio na humiwalay sa España ang siyang gagabay at huhubog sa kabuuang itatatag nila kung saan mabibigyan ito ng konkretong anyo sa pagtatatag ng Katipunan. Isasagawa ito sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang partikular na karanasan bilang mga nagtataglay ng kapangyarihan ng bayan. Kaugnay nito, dadalumatin nila ang mga konsepto ng Katagalugan, anak ng bayan, at Inang Bayan. Ang Katagalugan Ang konsepto ng “Katagalugan” para kay Bonifacio at sa Katipunan ay nangangahulugan ng pagtatatag ng isang sosyo-pulitikal-kultural na kabuuan na angkop, ukol, at para lamang sa mga tumubo sa sangkapuluan. Sa pagtatatag ng Katipunan, walang ibang nasa isip si Bonifacio at kanyang mga kasama kundi itatatag din ang sarili nilang bayan—ang Katagalugan. Tahasan itong binanggit sa dakilang layunin ng Katipunan na nagsasabing “ang layon pinaguusig ng K.K.K. ng mga A.N.B.3 ay ang sakupin at pagayusin ang bantog na lahing Tagalog” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.1). Sa talababa ng dokumentong ito, ipinaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng lahing Tagalog para sa Katipunan: “sa wikang tagalog ay itinuturing ang lahat ng lahi niang tumubo dito sa sankapuluan, samakatuid: Bikol, Iloko at Kapangpangan man etc ay kinikilalang tagalog din” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.1) (tingnan ang Larawan 1). Malinaw kung gayon ang pagtukoy sa Katagalugan bilang isang kabuuang sasaklaw sa lahat ng taong tumubo sa Pilipinas. Sa kamalayan nina Bonifacio, walang dudang ang Katagalugan ay ang kabuuang partikular lamang para sa kanila sapagkat sinasaklaw at niyayakap nito tangi lamang ang mga taong tumubo sa sangkapuluan. Makikita ang lohika at batayan ng asersyong ito sa mahigpit na kondisyong ipinatupad sa sinumang nagnanais na maging kasapi ng Katipunan “…upang madapat tanggapin sa sinapupunan ng KKK ay kinakailangang mahigpit: 1. tunay na tagalog sa kapanganakan at lahi” (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.36.4). Hindi maikakaila kung gayon ang pagiging eksklusibo ng kabuuang nais itatag nila Bonifacio para lamang sa mga tumubo at may ugat sa sangkapuluan.4 Napakahalaga ng mga konseptong “tumubo” at “nag-ugat” sa diskurso nina Bonifacio sapagkat dito umiinog ang lahat. Mula sa perspektibang ito madali nang 97 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 LARAWAN 1 Layunin ng KKK at Pakahulugan sa Katagalugan Makikita sa dokumentong ito ang dakilang “layon” ng Katipunan at ang pakahulugan sa “Lahing Tagalog” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.1). maunawaan kung bakit tinatanggap din sa Katipunan ang mga Pilipinong may dugong banyaga: “tatanggapin din naman ang mga halong-lahing insik buhat sa ikalawang salin at halong-lahing kastila buhat sa ikaapat na salin” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.4). Base rito, wala nang mas mahalaga pa kina Bonifacio kundi ang “pinagtubuan” o “pinagugatan” ng isang tao kung kaya’t nga kahit may dugo itong banyaga hindi naman maikakaila ang dugong nananalaytay sa kanila mula sa kanilang ugat o mga ninuno. Ang pagbibigay-diin ni Bonifacio at ng Katipunan sa “pag-ugat at pagtubo sa sankapuluan” ay walang dudang sumasalamin sa hangarin nilang magtayo ng isang sosyo98 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 pulitikal-kultural na kabuuan na nakabase sa kanilang sariling karanasan, kalinangan, at kasaysayan. Napakahalaga ng paggamit ni Bonifacio ng salitang sangkapuluan sapagkat pinapakita nito ang konsepto ng isang kabuuang sasakop at magbubuklod sa lahat ng pangkat etniko na taal sa Pilipinas. Walang ibang tinutukoy si Bonifacio, kung gayon, kundi ang Katagalugan bilang isang kabuuang angkop, ukol, at para lamang sa lahat ng taong tumubo sa lahat ng pulo sa bansa. Mula sa deklarasyong ito ni Bonifacio at ng Katipunan, ang konsepto ng isang kabuuan o “pangkalahatang bayan” ay isinilang.5 Ito ay isang pangkalahatang bayan sapagkat sinasaklaw nito ang maliliit na kabuuan o bayan na ginagalawan at kinabibilangan ng bawat pangkat etniko sa Pilipinas. Ang Katagalugan, kung gayon, ay ang “pangkalahatang bayan” ng lahat ng taong tumubo sa sangkapuluan. Walang duda ang pagiging pangkalahatan nito sapagkat lumalampas ito sa hangganang etnolinggwistiko kung kaya nga’t ang lahing Tagalog ay sumasaklaw hindi lamang sa mga Tagalog mismo kundi maging sa lahat ng tumubo sa sangkapuluan: Bikol, Iloko, Kapampangan, Bisaya, etc… Sa “pangkalahatang bayang” ito, ang lahat ng pangkat etniko rito sa bansa ay nawawala at nalulusaw upang bumuo at maging bahagi ng entidad na ito. Dito, ang lahat ng pangkat etniko ay nagiging isang lahi (ang lahing Tagalog) ng lahat na tumubo sa sangkapuluan. Kaugnay nito, kaya nga eksklusibo ang pagiging bahagi o miyembro ng kabuuang ito; isang karapatan at pribilehiyo na para lamang sa mga tumubo sa sangkapuluan. Mahigpit ang paggamit at pakahulugan ng Katipunan sa salitang “tumubo.” Mula sa kanilang pananaw, ang ibig sabihin ng “tumubo sa sankapuluan” ay hindi lamang ang “pagkapanganak” at “paglaki” sa Pilipinas ng isang indibiduwal. Bagkus, ito ay nangangahulugan din na ang kanyang kapanganakan ay mula dapat o nag-ugat sa mga sinauna at taal na tao sa bansa bago pa man ang pagdating ng mga kolonisador. Ang isang indibidwal ay dapat “nag-ugat at tumubo” sa sangkapuluan. Malinaw kung gayon sa simula pa lamang ang hangarin ni Bonifacio at ng Katipunan na magtayo ng isang kabuuan na angkop, ukol, at para lamang sa mga “lahing Tagalog.” Inihihiwalay nila ang kanilang sarili sa mga mananakop bilang ibang lahi na may sariling ugat. Kung kaya nga’t ganoon na lamang kahigpit ang kanilang pamantayan sa pagpili ng mga taong kasapi ng “Katagalugan.” Sa pamantayang ito, ang mga insulares ay hindi itinuturing na kabahagi ng “pangkalahatang bayan” o Katagalugan sapagkat bagama’t sila ay ipinanganak sa Pilipinas, sila ay hindi nag-ugat at tumubo sa sangkapuluan. Ito ang dahilan kung bakit napakahigpit ng batayan pagdating sa kapanganakan ng mga taong nais maging kasapi ng Katipunan. Ang bawat isa ay dapat “tunay na tagalog sa kapanganakan at lahi” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.4) (akin ang diin). Kaugnay nito, madaling intindihin kung bakit ibinibilang sa kabuuang ito ang mga “halong-lahing insik” at “halong-lahing kastila” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.4). Bagama’t may dugong banyaga ang mga ito, hindi naman maitatanggi, gaya ng nabanggit 99 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 sa itaas, na nananalaytay rin sa kanila ang dugo ng mga taong tumubo sa sangkapuluan. Kung gayon, sila man ay may “ugat” at “tumubo” rito sa Pilipinas. Gayumpaman, dahil sa kanilang banyagang dugo at ugat, mahigpit ang Katipunan sa pagpataw ng kundisyon bago sila tanggapin bilang kasapi—“tatanggapin din naman ang mga halong-lahing insik buhat sa ikalawang salin at halong-lahing kastila buhat sa ikaapat na salin” (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.36.4) (tingnan ang Larawan 2). LARAWAN 2 Pamantayan sa Pagiging Kasapi ng KKK Makikita sa dokumentong ito ang mahigpit na pamantayan sa pagpili ng mga kasapi sa Katipunan lalunglalo na sa mga halong-lahing Pilipino (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.4). 100 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Mahihinuha ritong binibigyan ng sapat panahon ang mga may halong lahi upang marahil ay muling umugat sa kanilang kamalayan ang mga karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng mga taong “tumubo sa sangkapuluan.” Isa itong paraan ng pagtiyak na nakabatay ang kanilang damdamin at kamalayan sa damdamin at kamalayan ng mga “anak ng bayan.” Kapansin-pansin ding mas malaking panahon ang ibinibigay sa mga “halong-lahing kastila” kumpara sa mga “halong-lahing insik.” May mga paliwanag na maaaring itugon dito. Ang mga Español ang mga mapang-aping kolonisador sa mata ng mga taong tumubo sa arkipelago kung kaya’t marahil ay mas mahabang panahon ang ibinibigay sa mga “halong-lahing kastila” upang mas mamayani sa kanilang dugo ang dugo ng mga “Katagalugan.” Sa mas mahabang panahong ito, mas mapapaloob sa kanilang kamalayan ang mga karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng mga taong tumubo sa sangkapuluan. Kumbaga, muling uugat sa kanilang kabuuan ang ugat ng “anak ng bayan” na dumadaloy sa kanilang dugo bagama’t may halo ito. Samantala, maaaring sabihing ang mga Tsino ay hindi mapang-aping mananakop sa kanilang pananaw at may maganda nang ugnayan sa kanila ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Español. Sa sanaysay ni Rizal na “Ang Katamaran ng mga Pilipino,” inuugat niya ang panahon kung kailan malayang nakikipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga Tsino. Dito, binigyang-diin ni Rizal ang magandang ugnayan ng mga Pilipino at Tsino, “isang manuskritong Tsino noong ika-13 dantaon… ay nagpapahayag ng relasyon ng Tsina sa mga isla—pawang relasyong pangkalakalan—at ng mga gawain at katapatan ng mga mangangalakal sa Luzon na kumukuha ng mga produkto ng Tsino at ipinagbibili sa sangkapuluan… (Rizal 1890, 233234) (akin ang malayang salin).” Ang mga Anak ng Bayan Ang pagiging eksklusibo ng kabuuang ito para lamang sa mga tumubo sa sangkapuluan ay may malaking dahilan para kay Bonifacio at sa Katipunan. Ito ang magiging pangunahin nilang batayan upang maangkin nila ang pagiging “anak ng bayan.” Ang pagaangking ito ay naipahayag na rin ng ilang historyador. Binanggit ni Guerrero na habang tinuturing ng mga ilustrado ang kanilang sarili bilang hijos del pais, tinitingnan naman ng mga Katipunero ang kanilang sarili bilang mga “anak ng bayan” (Guerrero 1998, 160). Ayon pa kay Guerrero, ayaw ng mga Katipunerong tawagin ang kanilang bansa na Filipinas ngunit “gumamit sila ng termino na tunay na makapagbibigay sa kanila ng identidad anuman ang kanilang etnolinggwistikong klasipikasyon at pinagmulan” (Guerrero 1998, 160) (akin ang malayang salin).” Hindi nakapagtatakang tatawagin ng mga Katipunero ang kanilang mga sarili na mga “anak ng bayan” sapagkat sila ay nag-ugat at tumubo sa sangkapuluan. Ang mga “anak ng bayan” ay ang mga taong tumubo sa sangkapuluan at nakaugat ang kanilang kamalayan sa karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng mga taal at sinaunang Pilipino. Sa ganitong punto, ang mga Español— Peninsulares man o Insulares, at ang mga Tsino ay hindi mga “anak ng bayan” sapagkat 101 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 iba ang kanilang kalinangan, karanasan, at kasaysayan. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga repormistang ilustrado ay hindi rin maibibilang sa mga “anak ng bayan” sapagkat ang kanilang kamalayan ay hindi naman nakaugat sa kalinangan, karanasan, at kasaysayan ng mga tumubo sa sangkapuluan. Hindi maitatangging ang kanilang kamalayan ay mula sa labas at bilang mga anak ng kanilang “Inang España”—patunay rito ang pagtangi at pagtangkilik nila sa España. Malinaw na ang nais nila ay maging probinsya ng España ang Pilipinas; ang pumasok at maging isa sa kaayusang kolonyal na itinatag ng mga Español (Constantino 1975, 155-156). Walang dudang hindi sila “anak ng bayan” sapagkat hindi sila bahagi ng kabuuang nais itatag ng mga “anak ng bayan.” Sa pagdaan ng panahon, ang mga elit na ito ay magnanais ding magtayo ng kanilang sariling kaayusan at kabuuan. Gayumpaman, ang hangarin nilang ito ay hindi upang palitan ang kaayusang kolonyal kundi palitan lamang ang mga kolonyal na namumuno. Hindi maitatanggi kung gayon ang magkaibang kamalayan ng mga repormistang ilustrado at elit at ng mga “anak ng bayan.” Ang sa huli ay walang dudang nakabatay sa karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng mga taong tumubo at nag-ugat sa sangkapuluan. Sa kanyang akdang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” inugat ni Bonifacio (1896) ang marangal na nakaraan ng mga Tagalog o mga taong tumubo sa sangkapuluan. Sa pagtatatag ng “pangkalahatang bayan” o Katagalugan, tanging ang mga eksklusibong miyembro lamang nito samakatwid ang may karapatang tawaging “anak ng bayan.” Sila ay mga “anak ng bayan” sapagkat sila ay tumubo at nakaugat sa sangkapuluan. Mahalaga ang pag-angkin nilang ito bilang mga “anak ng bayan” sapagkat ipinapakita nito hindi lamang ang pag-uugat nila sa taal na karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng mga taal na Pilipino kundi binibigyan din nito ng matibay na basehan ang pagtatayo nila ng sariling sosyo-pulitikal-kultural na kaayusan at kabuuan. Bilang mga “anak ng bayan,” nasa kanila ang lahat ng karapatan upang angkinin, itayo, at buuin ang Bayan/Pangkalahatang Bayan/Katagalugan. Malinaw ito sa kanilang deklarasyong nagsasabing tanging sila lamang ang tunay na nagmamay-ari ng sangkapuluan at may hawak ng lahat kapangyarihan dito: Yamang jindi natatala sa alinmang catoiran na ang sino man ay macapag jauac at cumamcam ng jindi niya lupa o pag-aare, ay caming may areng tunay at tubo sa lupang ito na linupig at quinamcam may tunay na catoiran, huag na ang maningil nang pautang dajil sa manga gauang yaon, cun di na lamang jingin na isauli sa amin ang buong capangyarijan sa manga capuloang ito bucod pa sa cami ay jindi nag cacailangan na pangjimasucan at pamunoan nang taga ibang lupa… (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.20) (akin ang diin). Ang mga “anak ng bayan” kung gayon ay magsisilbing pundasyon ng kabuuang ito sapagkat ang pagkakatatag nito ay nakabase sa kapangyarihan ng bayan: “ang pagkatatag 102 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 ng pamamahala nitong mataas na kabalakan… ay ang kapangyarihan ng bayan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.2-3) (akin ang diin). Ang kapangyarihang ito ay magmumula sa lahat ng mga “anak ng bayan” at aayon sa kagustuhan at kapakanan ng lahat: “ang kapangyarihan ay nasa kapisanan ng lahat ng mga Kap. na pinag-iisahan ng layong pasia ang ucol sa kalahatan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.3) (akin ang diin). Ang Inang Bayan Ang konsepto ng “anak ng bayan” ay nakaugnay rin sa konsepto ng “Inang Bayan.” Palulutangin ni Bonifacio at ng Katipunan ang konsepto ng “Inang Bayan” upang bigyan ng distinksyon ang sangkapuluan o Katagalugan (Pilipinas) sa España. Ang “Inang Bayan” ang personipikasyon ng Katagalugan na magluluwal sa kanyang sinapupunan ng mga “anak ng bayan.” Ang mga “anak ng bayan” ang siyang mga tunay na anak ng “Inang Bayan” at ang tunay na ina ng mga “anak ng bayan” ay ang “Inang Bayan.” Gagamitin nina Bonifacio at mga Katipunero ang relasyong ina at anak upang palalimin ang konsepto ng “anak ng bayan.” Sa pagpapalalim na ito, mabibigyan ng karapatan ang mga “anak ng bayan” na sagipin ang “Inang Bayan” at kalingain ang bawat isa. Malinaw sa kanilang isipan ang imahen at ideya ng isang tunay na ina—isang inang hindi gumagawa ng karumal-dumal sa kanyang mga anak. Sa kanilang deklarasyon, binigyang-diin nila ang España bilang “nag-aangking Ina” dahilan upang dapat mahiwalay ang Pilipinas sa España (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.1). Mula sa kanilang pananaw, ang tunay na ina ay hindi gumagawa ng karumal-dumal sa kanyang mga anak. Taliwas ito sa ginagawa ng España na pagtataksil, pagmamalabis, at pagmamatigas ng loob (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.1). Sa puntong ito, walang dudang ang España ay hindi ang tunay na ina bagkus isang huwad at nagpapanggap na ina. Makatwiran kung gayon ang humiwalay sa kaayusang kolonyal at pagtatag ng bagong kaayusan—ang Katagalugan: Pagsasaysay ng mga cadahilanan ng pagjiualay ng Capuloang ito sa nag aanquing Yna. Ang umudioc sa amin na jumiualay sa E… ay ang malabis niyang ugali, matigas na loob, catacsilan at iba pang manga carumaldumal na gaua na jindi dapat gamitin ng sino mang Yna sa alin mang anac, gaya ng manga sumusunod (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.1). Makatwiran din ang pagtatayo ng isang kabuuang angkop at para lamang sa mga tumubo sa sangkapuluan o mga “anak ng bayan.” Gagamitin nila ang kanilang kasaysaysan upang balangkasin ang kabuuang ito: 103 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Yamang, nang unang silay lumiligao, upanding tumutuntong sa manga Capuloang ito, ay pinangacoang majicpit ang caniyang mga inanac, na tatauaguing capatid at ipagtatanggol sa anomang manga capanganiban tuloy bibijisin sa cajubaran, at jindi aasalin ang manga nanga sabe na sa itaas, datapoa’i, jindi tinutupad ang ganoong pinagcasundoan. Yamang, magbujat nang una, ang E… sa caniyang pagsamsam at pagcacalat ng canyang capangyarihan sa boong Capuloang ito, jindi gumugol ng malaquing pujunan, maguing pagod, dugo o bujay man, pagcat, ang mga campon niyaon ay sinalubong ng malaquing capacumbabaan at tinanggap nang boong pag-irog, ayon sa canilang magandang pangaco at pag asang ariing anac at capatid ang boong tagarito, na di lulupiguin at paglililujan sa mga pinagcasunduan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.18-19). Mula sa kanilang pananaw, umasa ang mga “anak ng bayan” o ang mga Tagalog sa mga pangako ng nagpapanggap na ina. Sa puntong ito, handang paampon sa huwad na ina ang mga “anak ng bayan”—umasa silang ituturing na mga anak at kapatid ng mga dayo. Gayumpaman, sila ay nilinlang at nilupig (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.18) (tingnan ang Larawan 3). Bunga nito, ang mga “anak ng bayan” bilang tunay na anak ng tunay na “Inang Bayan” ay mamumulat sa hangaring “bunutin sa gayong caalipinan, cadustaan, caapijan, at iba pang maraming calabisan na tinitiis nitong Sangcapuloan na quinamcam at linupig nang ualang awa, matacao at dayucdoc na nag papangap Jalimao” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.21) (akin ang diin). Samakatwid, ang mga “anak ng bayan” ay mga tagapagligtas ng “Inang Bayan” at tagapagtayo ng bagong kabuuan—ang Pangkalahatang Bayan o Katagalugan. Kaakibat ng pagiging “anak ng bayan” ang pagaalay ng lahat lahat sa kanya maging ang kanya mang sariling buhay: “Ang lahat ng mga kap. ayon sa kaniang karapatan ay may mga katungkulang umibig sa bayang tinubuan hanggang sa gugulin sa kania ang lahat ng pinakamamahal sa buhay at hangang ang kania mang buhay” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.6) (akin ang diin). Ang pag-angkin ng mga tumubo sa sangkapuluan bilang mga “anak ng bayan” at ang paguugnay nito sa konsepto ng “Inang Bayan” ay nagpapakita ng kanilang pananaw bilang isang pangkalahatang pamilya o mag-anak. Sa pagtawag sa kanilang mga sarili bilang mga “anak ng bayan,” ang lahat ng tumubo sa sangkapuluan ay naging magkakapatid. Hindi lamang ito, nagresulta rin ito sa pagbabanyuhay ng sangkapuluan bilang “Inang Bayan.” Lohikal ito sapagkat ang pagkamagkakapatid ay bunga ng isang ina; at nagkakaroon lamang ng kabuluhan ang pagiging isang anak sa harap ng isang ina. Hindi maitatanggi ang ganitong kamalayan ng mga Katipunerong manghihimagsik. Mula sa kanilang pananaw, tunay silang magkakapatid at iisang dugo lamang ang nananalaytay sa kanilang mga ugat: 104 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 LARAWAN 3 Saloobin Kaugnay ng Paglilinlang ng España Sinasaad sa dokumentong ito ang saloobin ng mga Katipunero ukol sa panlilinlang sa kanila ng España noong unang araw na dumating sila sa bansa (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.18). 105 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Hayo na mga tagalog kayo ay gumising at magkaisa sa gawa! Ang bawat isa’y lumingap sa lahat at ang lahat ay lumingap sa bawat isa. Kayong lahat ay tunay na magkakapatid; iisa ang dugong tumatakbo sa inyong mga ugat, iisa ang lupang inyong tinubuan, iisa ang araw na namulatan ng inyong mga mata, nagbigay init sa inyong katawan at iisa ang inyong paghati’t pagkaayop; bakit di pagisahin naman ang inyong mga kalooban at kaisipan, upang maging isa din ang lakas ninyong lahat at nang walang mangahas lumibak at yumurak ng inyong mga banal na matuwid? (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.83.7). Maliwanag na ang kanilang pagkamagkakapatid ay dulot ng “Inang Bayan”—ang iisang lupang tinubuan ng lahat ng tao sa sangkapuluan. Hindi rin nakapagtatakang ang isa sa mga paraan upang maitayo ang bagong kabuuan o ang Katagalugan o ang Pangkalahatang Bayan ay ang pagkamagkakapatid, pagkamagkaparis, at pagtutuwangan: Ang mga paraan na gagamitin sa ikaaabot ng lubhang malaki at marangal na layon ay ang mga sumusunod: Guisingin sa nangahihimbing na puso ang banal na pag-ibig sa bayang tinubuan Iaral ang magandang kaasalan ng bayan. Magkamit ng lakas ng katawan, magandang kaasalan at kaisipan sa pamamaguitan ng lubos na pagkakaisa at masikap na pagsusunuran Pagkamagkakapatid, pagkamagkaparis at pagtutuangan… (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.36.1-2) (akin ang diin). Tunay ngang malalim ang pang-unawa at pag-uugnay nina Bonifacio at mga Katipunero sa pamilya at sa bagong kabuuang kanilang itinatag. Bukod sa mga nabanggit, patunay rito ang pagtangi nila sa KKK bilang isang nilalang na may sinapupunan (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.36.4). Sa sinapupunang ito nabubuo at ipinapanganak ang mga “anak ng bayan.” Katulad din ng isang sanggol na nabubuo sa loob ng siyam na buwan sa sinapupunan ng isang ina, ang mga “anak ng bayan” ay dumadaan din sa ganitong proseso. Ang pagtupad sa mga mahihigpit na rekisitos bago “ipanganak” ang isang “anak ng bayan” ay maihahalintulad sa piryud na ito ng pagbubuo ng sanggol sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina. Sa KKK, ang “pagbubuntis” na ito o “pagbubuo” ay tinatawag nilang “pagdalisay.” Walang dudang ipinapanganak ang bawat isang “anak ng bayan”! Makikita ito sa pagturing nila sa mga kasapi na ng KKK bilang mga “inanak” at sa mga magiging kasapi pa lamang bilang mga “paaanak”: 106 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Upang matacpang madali ang jalaga nang salaping nasasabe sa nangungunang cautosan, ang Cataast… Catip… ay nag-uutos na calaquip ang malunos na tagjoi sa caniyang mga inanac at paaanac na pagpaloalan sa boanboan ang naturang jalaga magbuhat sa mga arao, panajon at paraan na pauang natatala… (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.38-39) (akin ang diin). Sa ganitong konteksto, hindi maitatanggi ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga anak (ng bayan) sa pagbubuo ng (pangkalahatang) mag-anak (Katagalugan o Pangkalahatang Bayan). Tulad ng nabanggit sa itaas, sila ang tagapagligtas at tagapagtayo ng buong pamilya (bagong kabuuan o Pangkalahatang Bayan). Tungkulin nila ang sagipin at ipagtanggol ang “Inang Bayan” laban sa pang-aalipin sa pamamagitan ng paglaban o himagsikan: Yamang ang isang bayan, capag pinagpupunoan nang laban sa caniyang mga interes, cailangan, at mga tunay o tapat na jangad, ay mairoong catoirang ijapay ang namumuno na may ganoong asal, at cung dumating ang ganitong janga, ay jindi paglaban o kalilojan, cung di pagbalicuas sa ningas nang hirap, na pinagsusucbahan sa caniya sa isang salita ay pagtatanggol sa matapat na catoiran (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.16) (akin ang diin). Sa harap ng pagyurak at paglapastangan sa “Inang Bayan,” walang sinuman sa mga “anak ng bayan” na hindi maghihimagsik ang kalooban: Datapua’t kung ang Baya’y ang Katagalugan na nilapastangan at niyuyurakan katuiran niya’t puri ng taga-ibang Bayan, ng tunay na bangis ng hayop sa parang, Di gaano kaya ang ipaghihinagpis ng pusung tagalog sa puring na lait? at aling kalooban na lalung tahimik ang di pupukawin sa panghihimagsik? (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.94.4). Sa kabilang banda, ang ina naman ang pinagmumulan ng ligaya at kaginhawahan ng mga anak. Kaugnay nito, ang “Inang Bayan” ang sagot sa mga pang-aabuso ng huwad na ina; tanging ang kapakanan lamang ng kanyang mga anak ang nais niya. Siya ang nag-iisang ina na nagpapasigla ng lumong katawan at nagpapaligaya ng malungkot na puso: Ah! ito’y ang inang Bayang tinubuan na siyang una’t tangi na kinamulatan ng kawiliwiling liwanag ng araw na nagbigay init sa lumong katawan. 107 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Sa kanya ay utang ang unang paglangap ng simoy ng hanging nagbibigay lunas sa inis na puso na sisingap-singap ng pinakadustang kanyang mga anak… Tubig niyang malinaw na anaki’y hubog bukal sa batisang nagkalat sa bundok, malambot na huni ng matuling agos, nakaaaliw din sa pusoug may lungkot (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.94.2-4). Gayumpaman, ang inang ito ay inaglahi ng bagong salta, dayuhan, at huwad na ina. Bunga nito, nasadlak siya sa pagkabusabos at kaawa-awang kalagayan: Kung ang pagkabaun niya’t pagkalugmok sa lusak ng daya’t tunay na pagayop, supil ng panghampas, tanikalang gapos, at luha na lamang ang pinaaagos? Sa anyo niyang ito’y sino ang tutunghay, na di aakayin sa gawang magdamdam? (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.94.5). Bukod dito, ang kanyang marangal at maginhawang nakaraan ay naglaho at tanging pagasa na lamang sa kalayaan sa hinaharap ang tanging tangan: Ang nangakaraang panahon ng aliw ang inaasahang araw na darating ng pagkatimawa ng mga alipin liban pa sa Bayan, saan tatanghalin? At ang balang kahuy at ang balang sanga ng parang niya’t gubat na kaayaaya kung makita’y sasagi sa alaala ang ina’t ang giliw, lumipas na saya (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.94.3). Sa ganitong kalunos-lunos na kalagayan, ang mga “anak ng bayan” ay inaasahang lumingap sa “Inang Bayan”: “Mangyayari kaya, na ito’y malangap, at hindi lingapin ng tunay na anak, kung sa inang tiis ay nasasayapak ng mga kastilang gumanti ng hirap?” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.94.5) (tingnan ang Larawan 4). Hindi maitatangging ang kabuuang nais itatag ni Bonifacio at ng Katipunan ay produkto ng kanilang sariling karanasan, kalinangan, at kasaysayan bilang mga tumubo sa sangkapuluan. Ang sosyo-pulitikal-kultural na kabuuang ito ay walang dudang nakaugat sa karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng bayan. Ang konsepto ng Pangkalahatang Bayan na inianak ng kaisipan nina Bonifacio at mga Katipunero ay isang matibay na patunay rito. Ang Pangkalahatang Bayang ito ay isang bagong kabuuan na sumasakop at nagbubuklod sa lahat ng maliliit na kabuuan o bayan na kinabibilangan at ginagalawan ng lahat ng pangkat etniko sa Pilipinas. Dito, nalulusaw ang hangganan ng bawat pangkat etniko upang maging isang lahi—ang lahing Tagalog, ang lahi ng lahat ng tao na tumubo at nakaugat sa sangkapuluan. Ang pagiging eksklusibo ng Pangkalahatang Bayan 108 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 para lamang sa mga taal sa sangkapuluan ay isang paraan upang iugnay ang bagong kabuuang ito sa kalinangan at kasaysayan ng bayan. LARAWAN 4 Bahagi ng Tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” Matutunghayan sa dokumentong ito ang orihinal na tulang pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan.” Sa bahaging ito ay inilalarawan ng may-akda ang nakalulunos na kalagayan ng Inang Bayan at kung ano ang damdamin at dapat gawin ng isang anak ng bayan (AGMM Caja 5677, leg.1.94.5). 109 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Katagalugan ang tawag ng Katipunan at ni Bonifacio sa Pangkalahatang Bayan. Bilang isang pangkalahatang kabuuan na sumasaklaw, nagbubuklod, at kumakanlong sa maliliit na kabuuan o bayan ng mga tumubo sa sangkapuluan, ang Katagalugan ay nagbabanyuhay bilang “Inang Bayan.” Bukod dito, ang Katagalugan ang pangkalahatang kabuuang sasalungat at lalaban sa naghaharing kolonyal na kaayusan. Kaugnay nito, ang “Inang Bayan” ang siyang tunay na ina ng mga tumubo sa sangkapuluan at hindi ang huwad at nagpapanggap na Inang España ng mga ilustrado. Kailanman ay hindi naging magkaparis ang dalawa sapagkat ang “Inang Bayan” ay nakaugat sa partikular at taal na kalinangan at kasaysayan ng mga umusbong sa Pilipinas samantalang ang Inang España ay mula sa banyagang kaayusan ng mga Kanluranin. Gayumpaman, ang Katagalugan ay tumutukoy lamang sa sosyo-pulitikal-kultural na kabuuan o entidad na nais itatag ni Bonifacio at ng Katipunan at hindi ito ang pangalan na ibinibinyag nila para entidad na ito. Mula sa kanilang pananaw, kung dumating ang panahon na magtagumpay sila sa kanilang hangarin at maihiwalay ang Katagalugan sa España, ang maitatag nilang bagong kaayusan at kabuuan ay bibigyan ng nababagay na pangalan: “Sa pagtupad nang mga nalalaman sa nangungunang Pinagcasundoan ay ipinag uutos namin sa boong nasasacupan ng manga Capuloang ito, na sa capanajunan ay bibigyan nang nababagay na pangalan, at aming ipinagbibilin nang boong pag-ibig, na ganapin at ipaganap ang mga sumusunod na pasiya” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.25) (akin ang diin). Makikita rin sa paggamit ng konseptong “anak ng bayan” ang pagkaugat ng kabuuang ito sa karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng bayan. Ito ay sapagkat ang mga “anak ng bayan” ay tumubo sa sangkapuluan. Ang mga “anak ng bayan” ay tumutukoy lamang sa mga taong tumubo sa sangkapuluan o sa lahat ng etnolinggwistikong grupong umusbong at umugat sa lahat ng pulo sa Pilipinas. Sila ang mga lahing Tagalog na nabuo bunga ng pagkalusaw ng mga pangkat-etnikong ito upang maging isang katawan o kalipunan ng mga umusbong sa sangkapuluan. Mahalaga ring bigyang-diin ang kaugnayan nito sa konsepto ng “Inang Bayan” sapagkat pinalulutang nito ang konsepto ng “mag-anak” bilang batayan ng dinamiko sa loob ng kabuuang ito. Sa pamilyang ito, pinapahalagahan ang papel ng mga anak sa pagbubuo ng mag-anak gayundin ang papel ng ina bilang kanlungan at batis ng kaligayahan at kaginhawahan. Ang ganitong pagtingin sa pinaguusapang kabuuan ay hindi maitatanggi na taal na kaisipan ng mga taong tumubo sa sangkapuluan. Samakatwid, walang pag-aalinlangang ang Katagalugan ng mga “anak ng bayan” ay isang kabuuang angkop, ukol, at para lamang sa taong tumubo sa sangkapuluan. Ang sosyopulitikal-kultural na kabuuang ito ay walang dudang halaw at nakaugat sa karanasan, kalinangan, at kasaysayan ng bayan. Ang bagong kabuuang ito ay itatatag upang salungatin at patalsikin ang naghaharing kolonyal na kaayusan. Ang hangaring ito ay isasakatuparan sa pamamagitan ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan. 110 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 ANG KATIPUNAN BILANG ISANG SOBERENYA AT PAMAHALAANG PAMBANSA AT ISANG ENTIDAD NA HIWALAY SA LA LIGA FILIPINA Sa bahaging ito, uugatin ang simula ng Katipunan at bibigyang-diing isang soberenya ito at isang hiwalay at partikular na entidad sa La Liga Filipina. Hindi lamang isang ordinaryong kilusan ang Katipunan, bagkus, isa itong pamahalaang pambansa. Ang Kataastaasang Katipunan Bilang Soberenya ng mga Anak ng Bayan Sa pag-angkin ng mga tumubo sa sangkapuluan bilang mga “anak ng bayan” inilatag nila ang basehan ng pagtatayo ng isang soberenya: isang kapangyarihang sasaklaw, sasakop, at mangingibabaw sa Katagalugan/sangkapuluan at lahat ng mga Tagalog/pangkat etnolinggwistiko o “anak ng bayan.” Bilang mga “anak ng bayan,” sila ang tunay na nagmamay-ari ng sangkapuluan at dahil dito, sila rin ang tanging may karapatan sa buong kapangyarihan sa mga Kapuluan: “…ay kaming may aring tunay at tubo sa lupang ito na linupig at kinakamkam… na isauli sa amin ang buong kapangyarihan ng mga Kapuloan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.20) (akin ang diin). Sa puntong ito, inihihiwalay nila ang itinatatag nilang bagong kabuuan mula sa namamayaning kaayusang kolonyal bilang isang nagsasariling kapangyarihan sapagkat sila ay “hindi nagkakailangan na panghimasukan at pamunuan nang taga-ibang lupa” (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.37.20) (akin ang diin). Kaugnay nito, itatatag nila ang Kataastaasang Katipunan bilang nag-iisang soberenya sa sangkapuluan na hahawak sa lahat ng kapangyarihan dito: Ysinasaysay na ang manga Capuloang ito ay jumijiualay sa… magbujat sa arao na ito at walang quiniquilala at quiquilanlin pang Puno at macapangyayare cung di itong Cataastaasang Catipunan. Ang Cataastaasang Catipunan ay tumatayo magbujat ngayon at siya ang magjajauac nang manga daquilang capangyarijan dito sa boong Capuloan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.25-26). Sa ganitong pangyayari, ang kapangyarihang pulitikal at panlipunan ay inililipat mula sa kamay ng mga mananakop patungo sa bayan sa pamamagitan ng Katipunan. Malinaw ito sa kamalayan ni Bonifacio at mga Katipunero sapagkat ang basehan ng “…pagkatatag ng pamamahala nitong mataas na kabalakan… ay ang kapangyarihan ng bayan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.2-3) (akin ang diin). Bunga nito, sa mga “anak ng bayan” nakasalalay at magmumula ang kapangyarihan at ito ay gagamitin ayon sa kapasyahan at kabutihan ng lahat o ng bayan: “Ang kapangyarihan ay nasakapisanan ng lahat ng mga 111 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Kap. na pinag-iisahan ng layong pasya ang ukol sa kalahatan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.3). Sa paningin ng mga Katipunero walang duda ang pag-angkin ng bayan sa kapangyarihang pulitikal at panlipunan dahil “…sa katuwiran ng katauhan, pagkatapos; ang K.K.K. ay hindi kumikilala ng ibang mataas na kapangyarihan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.3). Samakatwid, ang Katipunan sa simula’t simula ay binalangkas at binuo bilang isang pamahalaan ng Pangkalahatang Bayan o pamahalaang pambansa. Ang Kataastaasang Katipunan Bilang Pamahalaang Pambansa at Partikular na Entidad sa La Liga Filipina Sa artikulong ito, binibigyang-diin ng may-akda na ang Kataastaasang Katipunan sa simula pa lamang ng pagkakabalangkas nito ay inihahanda na bilang isang pambansang pamahalaan. Pinalulutang din ang argumentong ang Katipunan ay hiwalay na entidad sa La Liga Filipina at hindi maaaring ito ay kontinwasyon lamang ng huli. Sinasabi ng mga aklat pangkasaysayan na noong Hulyo 6-7, 1892, itinatag nina Bonifacio, Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Valentin Diaz, Jose Dizon, at Teodoro Plata ang isang lihim na kilusan na tinawag nilang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Gayumpaman, anim na buwan bago pa mangyari ang nasabing pagtatatag na ito ay binalangkas na nina Bonifacio at kasamang mga Katipunero ang isang samahang naglalayong kamtin ang kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon. Noong Enero 1892 itinatag nila ang Kataastaasang Katipunan at ipinroklama ang paghiwalay sa España gayundin ang pagtangi sa Kataastaasang Katipunan bilang soberenyang sasakop sa buong kapuluan: Manga daquilang cautosan Sa pagtupad nang manga nalalaman sa nangungunang pinagcasunduan ay ipinag uutos naming sa boong nasasacupan ng manga Capuloang ito, na sa capanajunan ay bibigyan nang nababagay na pangalan, at aing ipinagbibilin nang boong pag ibig, na ganapin at ipapagaganap ang mga sumusunod na pasya. Ysinasaysay na ang manga Capuloang ito ay jumijiualay sa… magbujat sa arao na ito at ualang quiniquilala quiquilqnlin ang Puno at macapangyayare cung di itong Cataastaasang Catipunan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.37.25-26) (akin ang diin). Hindi maipagkakaila kung gayong ang pagkakatatag ng Katipunan sa simula’t simula pa lamang ay nilalayon na bilang isang pambansang pamahalaan (Nunag 2014a, 15). Walang 112 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 dudang isa itong pambansang pamahalaan sapagkat tumatayo ito sa sarili niyang paa at inaaangkin ang paghawak ng kapangyarihan sa buong kapuluan: “Ang Cataastaasang Catipunan ay tumatayo magbujat ngayon at siya ang magjajauac nang manga daquilang capangyarihan ditto sa boong Capuloan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.37.26). Bukod dito, malinaw na patunay ang pagbabalangkas at pagbubuo ng burukrasya para sa nasabing pamahalaan. Dito itinatalaga ang isang Lubhang Mataas na Pangulo na siyang mangangasiwa sa Katipunan kasama ng 12 Haligi: 3. Ang Cataast. Catip. ay jinajauacan ngayon ng isa catao na gaganap ng Lubjang mataas na catungcolan an Pangulo, at labing dalaua catauo naman na tatauaguing manga Jaligue na pauang lalagay at mangag papasiya sa ilalim ng capangyarijan niyaon at sa jarap ng sacsi nito, sa pagpupulong na tatauaguing tagaingat o tagatangap (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.37.26-27). Wala ding dudang isa itong gobyerno para lamang sa mga “anak ng bayan” sapagkat ang kapangyarihan ay nasa kamay ng bayan: “ang pagkatatag ng pamamahala nitong mataas na kabalakan… ay ang kapangyarihan ng bayan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.37.2526) (akin ang diin). Bukod dito, mali ring sabihing ang Katipunan ay direktang kontinwasyon ng La Liga Filipina ni Rizal. Ang La Liga ay naitatag noong Hulyo 3, 1892 kung saan ang pangunahing layunin nito ay pagkakaisa at pagpapalakas ng komersyo at industriya (Rizal 1896, 339). Nais din nitong magkaroon ng reporma, edukasyon para sa mga Pilipino, at proteksyon sa karahasan at kawalan ng hustisya (Agoncillo 1990, 147). Malinaw ang mga ito sa deklarasyon ni Rizal sa kanyang depensa noong siya ay nililitis: Ang mga layunin ng Liga ay pagkakaisa, pagpapalakas ng komersyo at industriya, etc… Ipakita nila ang konstitusyon ng Liga at doon matutunghayan na ang aking hangarin ay pagkakaisa, komersyal at industriyal na pagbabago… (Rizal 1896, 339, 342). Maliban dito, hindi rin nagtagal ang buhay ng La Liga sapagkat daglian din itong namatay matapos ipatapon si Rizal sa Dapitan. Ayon mismo kay Rizal: Ang Liga… ay hindi nagtagal, namatay ito pagkatapos ako ay ipatapon sa Dapitan… Hindi ito nabuhay o naitatag, dahil pagkatapos ng unang pagpupulong, hindi na ito naulit pang muli. Namatay ito sapagkat ako ay ipinatapon nila pagkatapos… (Rizal 1896, 340). Base rito, makikitang maliit ang tsansang maging direktang kontiwasyon ng La Liga ang Katipunan. Una, magkaiba ang layunin at tunguhin ng dalawang organisasyon. Pangalawa, ang 113 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 maikling buhay ng La Liga ay nakapagbibigay ng duda ukol sa magiging malaking epekto nito sa Katipunan. Anu’t ano pa man, may mabibigat na patunay na makapagsasabing ang Katipunan ay hindi maaaring maging direktang kontinwasyon ng La Liga. Anim na buwan bago pa maitatag ang La Liga, binalangkas at itinayo na ng mga “anak ng bayan” ang Kataastaasang Katipunan. Enero pa lamang ng taong 1892, nagdeklara na ng paghihiwalay ang Katipunan sa España (tingnan ang Larawan 5). Kasabay nito, inangkin niya ang lahat ng kapangyarihan at pamamahala sa buong kapuluan: “ang Kataastaasang Katipunan ay tumatayo magbuhat ngayon at siya na ang maghahawak nang mga dakilang kapangyarihan dito sa buong Kapuluan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.25-26) (akin ang diin). Si Bonifacio at ang lahat ng Katipunero ay sumumpang palalayain ang bayan mula sa pananakop ng mga Kastila at ipagsasanggalang ito sa kolonisasyon anuman ang mangyari: …ipag tatangol at gagauing mapilit ano mang mangyare na siya ay mag sarili at majiualay at di namin papayagang malupig pang muli nang nagjajauak ngayon at nang iba pang Cajarian na mangajas lumupig…. Sumusumpa din naman cami na aming gaganapin at ipagaganap ang mga cautusang sa juli ay inilagda at pinagcaisajan nang manga guinoo na naga jajarap sa Cataastaasang Catipunang ito, na aming iguinagalang at ipinagdidiuang sa… ica… ng Enero isang libo ualong daan at siyam na puo at dalaua (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.22-24) (akin ang diin). Samakatwid, imposibleng maging direktang kontinwasyon ng Liga ang Katipunan sapagkat nabalangkas at naitatag na ito sa hanay ng mga “anak ng bayan” anim na buwan bago pa man itayo ni Rizal ang kanyang Liga (Nunag 2014a, 15). Hindi maaaring ang isang bagay na naunang naganap ay maging pagpapatuloy ng isang bagay na di hamak na nahuling nangyari. Bukod dito, hindi valido ang asersyong nabanggit sa itaas sapagkat magkaiba ang dalawa. Ang Katipunan ay hindi lamang isang simpleng lihim na kilusan. Malinaw sa isipan ni Bonifacio at ng mga Katipunero sa simula pa lamang na ang kanilang itinatatag na kilusan ay isang pamahalaan: “ang Kataastaasang Katipunan ay tumatayo magbuhat ngayon at siya na ang maghahawak nang mga dakilang kapangyarihan dito sa buong Kapuluan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.25-26) (akin ang diin). Hindi maikakailang sa harap ng mga “anak ng bayan” isang hiwalay na pamahalaan ang kanilang itinatatag: “Ang pagkatatag ng pamamahala nitong mataas na kabalakan… ay ang kapangyarihan ng bayan... sa katuwiran ng katauhan, pagkatapos; ang K.K.K. ay hindi kumikilala ng ibang mataas na kapangyarihan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.36.2-3). 114 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 LARAWAN 5 Pagbabalangkas at Pagbubuo ng Katipunan noong Enero 1892 Matutunghayan sa mga dokumentong ito ang pagbabalangkas at pagbubuo ng Katipunan Enero pa lamang ng taong 1892 (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.23-24). 115 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Kung kaya nga’t babalangkasin din nila ang burukrasyang siyang mamamahala ng sangkapuluan. Maliban sa mga pangunahing sangay ng Katipunan (Kataastaasang Kapisanan, Kataastaasang Sanggunian, Sangguniang Bayan, Sangguniang Balangay, Sangguniang Balangay na walang nakasasakop na Sangguniang Bayan, at Hukuman),7 itatatag din ang mga departamento ng pamahalaang Katipunan. Kaugnay nito, nilikha ang “Kaha Real” o “Sisidlang Hari,” na mangangasiwa sa pinansyal na usapin gayundin ang Saklolohang-gamutan at Kaawaang-gawa ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan na isang kagawarang “tangi na siyang mamamahala sa mga pagsaklolo sa mga K. dapat saklolohan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.25.1-2). Walang dudang ang Katipunan ay isang buong entidad na bago pa mabuo ang La Liga. Bukod sa burukrasya, nakalatag na ang kanilang layunin at pamamaraan upang makamit ito. Buo na ang loob ni Bonifacio at lahat ng Katipunero na ipagtanggol at palayain ang bayan sa pamamagitan ng pag-aaklas: Yamang hindi gawang kalilohan ang magtanggol at umibig sa kanyang bayan lalo na kung iniinis at inaalipin ng katuwirang ihapay ang namumuno na may ganung asal, at kung dumating ang ganitong hanga, ay hindi paglaban o kalilohan, kung di pagbalikwas sa ningas ng hirap, na pinagsusukbahan sa kanya sa isang salita ay pagtatanggol… (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.37.15-16) (akin ang diin). Kaugnay nito, nakalatag na rin ang mga programa ng pagkilos upang maabot ang kanilang aspirasyon: Alinsunod sa lahat nang mga gawang kapusongan, na nasasaysay sa una… kaming nagtibay sa ibaba nitong kasulatan ay nagkaisang loob at panukala na bunutin sa gayong kaalipinan, kadustaan, kaapihan at iba pang maraming kalabisan na tinitiis nitong Sangkapuluan… (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.21) (akin ang diin). Walang gatol nilang ipatutupad at gaganapin ang kanilang mithiin hanggang kamatayan: …na sila’y napaiilalim at napasasacop sa caniyang manga cautosan at ipag uutos pa; na ang mga itoi gaganapin at ipagaganap sucdang icalagot ng canilang bujay, alang-alang sa pagliligtas nang canilang bayan at sa icagagaling nito sampo ng canilang manga anac (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.32). 116 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 ANG TUNAY NA ISTRUKTURA NG KATIPUNAN AT ANG EBOLUSYON NITO Bilang bahagi ng mga programa ng pagkilos at pamamaraan upang makamit ang kanilang dakilang layuning humiwalay sa España at magtayo ng sarili nilang sosyo-pulitikalkultural na kabuuan, binalangkas ni Bonifacio at ng mga “anak ng bayan” ang istruktura ng pamahalaang Katipunan. Kaugnay nito, itinalaga ang isang Pangulo para mamuno at magpatakbo ng gobyerno. Ang taong ito na tatawaging Lubhang Mataas na Pangulo ang siyang hahawak sa Katipunan at gaganap ng lubhang mataas na katungkulan. Kasama niya sa pamamahala ng pamahalaan ang 12 katao na tinatawag na “Haligi” kung saan ang mga ito ay nasa ilalim ng pamamahala at kapangyarihan ng Lubhang Mataas na Pangulo: Ang Kataast… Katip… ay hinahawakan ngayon ng isa katao na gaganap ng Lubhang mataas na katungkulan na Pangulo, at labing dalawa katao naman na tatawaging mga Haligi na pawang lalagay at mangag-papasiya sa ilalim ng Kapangyarihan niyaon… (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.26). Samantala, ang mga Haligi ay igugrupo sa tatlong pulutong at ang bawat isa rito ay magtatalaga ng 12 kabig na tatawaging “Suhay.” Binibigyan ng karapatan ang bawat pulutong na mamahala sa kani-kanilang sakop ayon sa ngalan ng Katipunan. Ang mga suhay naman ay kukuha rin ng 12 miyembro na kikilalanin bilang mga “kamay”; at ang bawat kamay naman ay kukuha ng 20 katao na tataguriang “kampon” (tingnan ang Diagram 1): Ang labing dalauang Jaligue ay binabajague sa tatlong pulutong 1.2.3. na cung mag ipon ay pianmmunoan ng Lub. Mat. Na Pangulo. Bauat pulutong ay may capangyarijang sarile at macapamajala sa canicanilang sacop, sa ngalan ng Cataast. Catip. Bauat pulutong ay bajalang magjalal nang caniyang cabig na labindalauang tauo na tatauaguing sujay. Bauat sujay ay may catungculan din naman na magjalal nangn labingdalauang camay at bauat isa nito ay dalauang puoong campon na pauang mababait at may ingat na tapang (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.27-28). Napakahirarkikal ng istrukturang ito. Tanging ang mga pinuno lamang ng bawat sangay ang may ugnayan sa isa’t isa. Ang mga pinuno ng mabababang sangay ay mapapasailalim sa pamamahala ng mga pinuno ng mas matataas na sangay sa kanila. Sa dalawang pinakamataas na sangay, ang mga pinuno ng pulutong ay nasa ilalim ng pamamahala at 117 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 DIAGRAM 1 Istruktura ng Katipunan Batay sa Pagkakabalangkas noong Enero 1892 Inilalarawan sa diagram na ito ang unang istruktura ng Katipunan nang ibalangkas ito noong Enero 1892 (Nunag 2014a, 18) (Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San Miguel). kapasyahan ng Lubhang Mataas na Pangulo sa pamamagitan ng Kataastaasang Katipunan (Nunag 2014a, 17). Sa katunayan, ang Lubhang Mataas na Pangulo ang siyang pumipili kung sino sa mga haligi ang dapat mamuno sa bawat pulutong: Sa mga Haligi na mangagpupuno sa balang Pulutong ay pangungunahan nang isa sa kanila na ihahalal nang Lub… Mat… na Pangulo at yaon lamang ang pakikialaman nito tungkol sa anumang ibig na ipag-utos sa sinasakupang Pulutong (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.28). 118 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Ang lahat ng pangkabuuang pagpapasya ay pribilehiyo ng Lubhang Mataas na Pangulo sa pamamagitan ng Kataastaasang Katipunan: Ang lahat na loobin at panukalain o ipagpasiya ng alinman sa tatlong pulutong, ay ipagbibigay alam o isasangguni sa Cataast. Catip. Gayon din naman ang gagawin ng mga pinuno sa kapwa na nakatataas sa kanila (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.28). Samantala, sa pagbubuo ng isang desisyon, kasama ng Lubhang Mataas na Pangulo ang “Sangguni,” isang sangay na binubuo ng mga Haligi. Sapat na ang korum na tatlo o anim na miyembro upang magdesisyon; sa ganitong sitwasyon, ang kagustuhan ng nakakarami ang siyang mananaig: Kailanman magkaroon ng anumang dahilang dapat magtayo nang Sangguni sa harap ng Kataastaasang Katip… ay ang Pangulo magpapatawag sa mga Haligi na magpulong upang ding magpasya ang isa at iba sa araw, oras, at lugar na ipagbilin niyaon at kapagdakay tutupdin ang gayong pabilin. Ang anim o kung dili ay tatlong Haligi, katamtaman ng magtayo nang Sangguni, sakaling wala ang iba, at susundin ang anumang loobin o ipagpasya nang karamihan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.29-30). Bukod sa burukrasya, nagtatag din ang Katipunan ng mga departamento na siyang tutugon sa kanilang mga pangangailangan upang matupad ang kanilang mithiin. Kaugnay nito, nilikha ang “Kaha Real” o “Sisidlang Hari,” isang sangay na mangangasiwa sa mga usaping pinansyal na gugugulin sa paghahanda, kakailanganin, at gagawin sa pagtatanggol at paghihiwalay ng bayan sa España (tingnan ang Larawan 6). Bilang karagdagan, dito rin kukunin ang mga tulong pinansyal para sa mga kamag-anak ng sinomang “anak ng bayan” na magbubuwis ng buhay: Paglilikja ng Kaja Real o “Sisidlang Jare” Sapagcat ang Cataast… Catip… ay ualang nalalaan, upang igugugol sa manga pagjajanda, cacailanganin, gagaoin at iba pang paraang nauucol sa pagtatangol at paglaban na mapajiualay itong Sangcapuluoan ay minarapat nang naturang Catip… na lumicja ng isang Sisidlang-Jare na sa capanajunan ay makapagpapaloal sa manga pag gugugulang yaon na juag culangin nang ano man, upan din namang mairoong isaclolo sa manga asawa at anac nang sino mang culanging palad na mamatay sa ganong panajon (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.37.37). 119 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 LARAWAN 6 Paglikha ng “Kaja Real” o “Sisidlang Hari” Sinasaad sa dokumentong ito ang paglikha ng “Kaha Real” o “Sisidlang Hari” na mangangasiwa sa kaban ng bayan na gugugulin para sa pagtatanggol sa bayan at paghihiwalay nito sa España (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.37.37.). 120 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Kaugnay nito, nagpaluwal ang Katipunan sa pamamagitan ng isang utang sa bayan ng halagang sampung milyong piso (tingnan ang Larawan 7). Tunay ngang ang Katipunan ay isang pamahalaang bayan sapagkat inaangkin niya ang karapatang pangasiwaan ang kaban ng bayan. Inilalagay niya sa kanyang mga kamay ang kapasyahan kung paano gugugulin ang pera ng bayan ayon sa interes nito: Sa manga bagay na ito ay ang Catip. nagbubucas mag bujat ngayon nang utang na $10.000.000$ sampuong lacsa na caniyang pagbabayaran cung dumating ang lubjang mapalad na caarauan nang pagcajiualay nitong manga Capuloan (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.38) (akin ang diin). Sa ganitong kalagayan, ang mga “anak ng bayan” ay inoobliga na “kalakip ang malunos na taghoy sa kanyang mga inanak at paaanak na pagpaluwalan sa buwan-buwan ang naturang halaga magbuhat sa mga araw, panahon at paraan na pawang natatala sa sumusunod na hagdan…” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.38-39). Samantala, sa isang pagpupulong na ginanap noong Marso 22, 1896, pinagpasyahan ng Kataastaasang Kapisanan ang pagtatayo ng “isang pulutong na tangi na siyang mamamahala sa mga pagsaklolo sa mga K. dapat saklolohan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.25.1-2). Bunga nito, naitatag ang “Saklolohang-gamutan at Kaawaang-gawa ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.” Isa itong kagawarang mangangasiwa “sa pag-abuloy at sa iaabuloy sa sino mang nararapat saklolohan, gayundin naman sa mga ambag na natatalaga na at itatalaga pa dito ng lahat ng mga Katipon alinsunod sa mga tadhana ng Panuntunan” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.38.1). Ang pangunahin nitong tungkulin ay magbigay ng libreng ayuda medikal sa lahat ng mga katipong magkakasakit. Bahagi ng tulong na ito ang libreng manggagamot, gamot, mga kasangkapang gagamitin sa panggagamot, gayundin ang tulong pinansyal na kakailanganin ng maysakit sa kanyang pagpapagaling: Ytong Saklolohang-gamutan at Kaawaang gawa ng K.K.K. ng mga A.N.B. ay aabuloy ng walang bayad sa lahat ng manga Katipong inabot ng ugaling pagkakasakit ng mangagamut, kagamutan, kasangkapan sa pag gagamut pangangalaga at gagastahing halagang kahating kualta araw-araw sa kailangan ng maysakit at kahati rin sa bawat isang bantay araw-araw, kailan ma’t maguing kailangan sa may karamdaman (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.38.3-4). Ang ayuda medikal na ito ay ipinaaabot din sa lahat ng kamag-anakan ng bawat katipon “ng wala ring bayad sa mga may sakit na asawa, anak, magulang o iba man pamangkin at alila kung mga walang asawa, kasama sa bahay at sakop ng pamamahala ng isang Katipon” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.38.4). Hindi lamang ang kasamaang-palad 121 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 LARAWAN 7 Pag-utang ng Pamahalaang Bayan sa mga Anak ng Bayan Sinasaad sa dokumentong ito ang pag-utang ng Katipunan o “pamahalaang bayan” ng halagang sampung milyong piso sa mga “anak ng bayan” (AGMM 5677, leg.1.37.38.). 122 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 na dulot ng pagkakasakit ang handang tulungan ng kagawarang ito. Bahagi ng kanyang mandato ang lingapin at tulungan ang pamilya ng isang katipong makukulong o maipapatapon sa ibang lugar bunga ng kanyang pagtupad sa kanyang tungkulin: Kung sa panunupad ng kanyang katungkulan dito sa Katipunan, ang katipon ay mangyaring matutop at mapiit sa bilangguan o mapatapon sa malayong lupain sa pasya ng kapangyarihang kaaway at di mailigtas ng lakas at paraang magagawa ng pulutong at ng Katipunan ay gugugulan ng saklolohang-gamutan at kaawaang gawa at ng K.K.K. ng nauukol sa pagliligtas at kailangan sa buhay niya at aabuluyan pa sampu ng kanyang mga alagang anak ng ipasisiya ng kapangyarihan ng Kap. Sang. o kaya ng Katipunan Kap. ng Sangb. sakaling sila ang abutin ng ganitong sakuna (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.38.5). Ang kagawarang ito ay pamamahalaan ng isang pulutong sa ilalim ng pangangasiwa ng Kataastaasang Pangulo ng Kataastaasang Sanggunian at ito ay “makakalat sa lahat ng mga Sanggunian, Balangay, at Hasikan na Kinaroroonan ng mga A.N.B…” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.38.1). Sa bawat Sanggunian, Balangay, at Hasikan, ang Saklolohanggamutan at Kaawaang-gawa ng Katipunan ay magsisilbing botika o bilihan ng gamot bilang pronta nito. Ngunit sa likod nito, ito ay magsisilbing lihim na ospital at tirahan ng mga katipong naatasang mangasiwa dito: Ang Saklolohang-gamutan at Kaawaang-gawa ng K.K.K. ng mga A.N.B. ay malalagay sa isang hayag na bahay tindahan ng gamut at lihim na hospital tirahan ng pulutong na mangangasiwa nitong saklolohan sa lahat ng lugar na kanyang katatayuan at dito malalagay ang gamut at kasangkapang gamit ukol sa maysakit sampu pa ng manggagamot at mga alagad na ibang mga nangangasiwa (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.38.8). Hindi rin lingid sa kamalayan ni Bonifacio at ng Katipunan ang pangangailangang magtayo ng isang hukbo upang ipagtanggol ang bayan. Sa bagay na ito, ang Lubhang Mataas na Pangulo sa pamamagitan ng Kataastaasang Katipunan kasama ang mga Haligi ay magpupulong upang magdesisyon: Sa kapanahunan at kailanma’t marapatin ng Katast… Katip… Na kailangan ang magtayo nang isang Hukbo sa alinmang probinsiya na nasasakupan nitong Kapuluan ay magpupulong ang mga Ginoong Haligi upang pagusapan ang mga nauukol sa bagay na yaon (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.37.30-31). 123 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Ang Binagong Istruktura ng Katipunan Sa paglaki ng bilang ng mga kasapi sa Katipunan binago ang istruktura nito. Noong Hulyo 1892 itinatag ni Bonifacio at kanyang mga kasama ang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Hindi malabong ang organisasyong ito ang siya ring organisasyon na nauna nang binalangkas noon pang Enero 1892. Maaari ring sabihing sa panahong ito, Hulyo 1892, pagkatapos ng anim na buwan, ay pormal nang pinangalanan ang nauna na nang samahang Kataastaasang Katipunan bilang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan. Hindi mahirap intindihin ang katotohanan ng asersyong ito. Ang pagbabago ng istruktura gayundin ang dinamiko sa loob ng istrukturang ito (sa pagitan ng bawat sangay nito) ay esensyal sa pagpapalitaw ng saysay ng asersyong nabanggit. Mula sa nauna nang burukrasyang tinalakay sa itaas, ang istruktura ng Katipunan ay mababago at mahahati sa tatlong sangay sa panahong ito (Hulyo 1892): ang Kataastaasang Sanggunian, ang Sangguniang Bayan, at ang Sangguniang Balangay. Ang bawat isang sangay o konseho ay binubuo ng Pangulo, Kalihim, Taga-usig, Ingat-yaman, at mga Kasangguni (Agoncillo 1990, 150). Ayon sa tradisyunal na pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Sangguniang Bayan ang kumakatawan sa lalawigan o probinsya samantalang ang Sangguniang Balangay ang sa munisipyo o bayan (Agoncillo 1990, 150). Sinusugan ito ni Guerrero na nagsabing “…ang Katipunan ay mayroong tatlong sangay: ang Kataastaasang Sanggunian o Supreme Council, ang Sangguniang Bayan o Provincial Council” (Guerrero 1998, 149) (akin ang diin at malayang salin). Sa memorya naman ni Isabelo de los Reyes binanggit niyang “sa bawat bayan, may isang karaniwang lupon, tinatawag na Sangguniang Bayan, na naging munisipyo… sang-ayon sa mga karaniwang lupon, mayroong mga distrito o isang uri ng kabesera ng barangay na tinatawag na mga seksiyon o balangay (De los Reyes 1899, 89-90) (akin ang diin at malayang salin). Base rito, makikitang ang pagbubuo ng mga sangay ay batay sa lugar: ang Sangguniang Bayan ay sa lebel ng lalawigan o probinsya at ang Sangguniang Balangay ay sa lebel naman ng bayan, munisipyo, at barangay (Nunag 2014a, 13). Gayumpaman, mali ang ganitong pagtingin sapagkat ang pagbubuo ng isang konseho ay ayon sa dami ng bilang ng miyembro nito at hindi sa lugar na kinapapalooban nito (Nunag 2014a, 31). Malinaw na nakasaad ito sa atas ng Katipunan ukol sa pagbubuo ng isang Sangguniang Bayan (Sb.) at Sangguniang Balangay (By.): Alinsunod sa kaayusang sinusunod, tungkol sa pagtatayo ng Sb., kung ang isang By. sa isang bayang walang Sb. pa ay magkaroon ng kabilangang 124 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 nauukol na mga k. nasasanib, ang k.p. ay nagpahayag na kinakailangang magtayo ng Sb… (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.85.1). Sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon, ang Tundo ay isa lamang sa mga arrabales ng siyudad ng Maynila. Ngunit sa Tundo pa lamang ay mayroon ng mga Sangguniang Bayan; isa na rito ang Sangguniang Bayan Katagalugan kung saan nasa ilalim ng pamamahala nito ang mga Sangguniang Balangay na Kabuhayan, Katotohanan, at Pagtibain (Nunag 2014a, 19). Sa distrito naman ng Palomar, sa Tundo pa rin, ay naroroon naman ang Sangguniang Bayan Pingkian at pinamamahalaan nito ang dalawang Sangguniang Balangay (Nunag 2014a, 19). Samantala, sa mga bayan namang nasasakupan ng probinsya ng Maynila sa panahong ito ay makikita rin ang ganitong konsiderasyon. Sa bayan ng Malabon, halimbawa, sa lalawigan ng Maynila ang isang Sangguniang Balangay ay itinaas sa pagiging Sangguniang Bayan dahil lumalabis na ang bilang ng mga miyembro para sa isang Sangguniang Balangay (Nunag 2014a, 21): Alinsunod sa kaayusang sinusunod, tungkol sa pagtatayo ng Sb., kung ang isang By. sa isang bayang wala pang Sb. ay magkakaroon ng kabilangang nauukol sa mga kpong. (katipong) nasasanib, ang K.P. ay nagpahayag na kinakailangang magtayo ng Sb. sapagkat ang mga k. (katipon) ng By. Dimahipo ay lumalabis pa sa kabilangang hanap. Sa bagay na ito ay ginawa ang paghahalal ng mga pinuno sa itatayong Sb. na magdadala ng pangalang dala ng dating By. Sa mga paghahalal ay lumabas na P. ang kap. na Mapilit, t. ang kap. na Tala, kal. ang kap. na Madarag, at ty. ang kap. na Laot… at saka ipinahayag ng k.p. sa madlang nangakaharap, na magmula sa araw na ito ay natatayo na ang Sb. “Dimahipo” sa bayan ng Malabon (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.84.1-2) (akin ang diin). Ganito rin ang kaso sa Mandaluyong sa probinsya pa rin ng Maynila kung saan ang Sangguniang Balangay Makabuhay ay ginawang Sangguniang Bayan dahil sa lumalaking bilang ng mga kasapi: Alinsunod sa kaayusang sinusunod, tungkol sa pagtatayo ng Sb., kung ang isang By. sa isang bayang walang Sb. pa ay magkaroon ng kabilangang nauukol na mga k. nasasanib, ang k.p. ay nagpahayag na kinakailangang magtayo ng Sb., sapagkat ang mga k. ng By. Makabuhay ay lumalabis pa sa kabilangang hanap… Tuloy tumanggap ng kani-kanilang katungkulan, at saka ipinahayag ng k.p. sa buong kapulungan na magmula sa araw na yaon 125 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 ay natatayo na ang Sb. “Makabuhay” sa Bayan ng Mandaluyong (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.85.1). Kung sa pagbubuo ng isang Sangguniang Bayan ay may lumabis pang mga miyembro na hindi naman sapat ang bilang na itinatakda sa pagtatayo ng Sangguniang Bayan, ang mga labis na ito ay igugrupo bilang isang Sangguniang Balangay. Sa ganitong paraan nabubuo ang isang Sangguniang Balangay gaya ng pangyayari sa Mandaluyong: Ayon sa talagang palakad ay sinimulang magtayo ng isang bagong By. na kasasaniban ng lahat ng mga k. hindi naihalal sa ano mang katungkulan sa Sb. Sa kaibigan ng lahat ay inalanan ng “Tala” itong bagong By (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.85.2). Ganito rin ang nangyari sa bayan ng Sta. Ana kung saan itinatag ang Sangguniang Bayan Kasilawan. Gayumpaman, talagang marami ang sobrang bilang ng mga kasapi bagama’t hindi naman sapat para sa pagtatayo pa ng isang Sangguniang Bayan. Bunga nito, nagkaroon na lamang ng pangangailangang magtayo ng tatlong Sangguniang Balangay para sa mga lumabis na miyembro—ang Sangguniang Balangay Agapan, Matatag, at Tagisan: …ang nagiging kadahilanan ng pagpupulong na ito, ay ang pagtatayo ng Sb., sapagkat ang kabilangan ng mga katipon sa By. na ito ay lumalabis pa sa talagang kinakailangan… Kapagkatapos nito ay ipinahayag ng K.P. na mula sa araw na ito ay natatayo na sa bayan ng Sta. Ana ang Sangguniang Bayang Kasilawan. Ayon sa talagang palakad ay sinisimulan namang magtayo ng tatlong By. na masasakupan ng Sb. ito. Sa bagay na ito ay inalanan ang isa ng By. Agapan, ang isa ay By. Matatag at ang isa ay By. Tagisan, ang una’y sa nayon ng Samayan, ang ikalawa sa S. Roque, at ang ikatlo sa Suaboy (AGMM 18921897, Caja 5677, leg.1.57.1). Walang dudang ang pagbubuo ng mga sangay o konseho ay nakabatay sa bilang ng mga kasapi. Mahihinuha mula ritong ang pagbabagong naganap sa naunang istruktura ng Katipunan ay bunsod ng pagdami ng mga kasapi nito. Dahil sa lumulobong bilang ng mga miyembro kinailangang imodipika ang istruktura kasabay ng paglulunsad ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo 1892. Hindi rin imposibleng sa panahong ito, pagkatapos ng anim na buwan na mabalangkas ang Kataastaasang Katipunan, gagap na gagap na nina Bonifacio at mga Katipunero ang pagdalumat sa bayan. Kung kaya’t kasabay ng pagbabago sa istruktura ay ilulunsad ang 126 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Kataastaasang Katipunan bilang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. May lohika ang ganitong interpretasyon sapagkat binibigyan nito ng paliwanag ang tunay na naging anyo ng balangkas ng Katipunan sa panahong ito gayundin ang dinamiko sa pagitan ng mga sangay o konseho nito. Ayon sa mga tradisyunal na pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, ang Katipunan ay binubuo lamang ng tatlong konseho gaya ng nabanggit sa itaas. Ang ganitong pagtingin ay lubhang simple at kulang sapagkat di hamak na mas masalimuot ang tunay na istruktura ng Katipunan. Sinasabing ang Kataastaasang Sanggunian ang pinakamataas na kapulungan at siyang nangangasiwa sa dalawa pang mas mababang sangay—ang Sangguniang Bayan at Sangguniang Balangay. Bilang pinakamataas na konseho, ang mga opisyal nito ay natatangi dahil sa paglalagay nila ng katagang “Kataastaasan” sa kanilang titulo at posisyon upang mapagkilanlan sila sa kapwa nila opisyales sa mas mababang kapulungan. Kung kaya’t ang Pangulo nito ay tinatawag na Kataastaasang Pangulo; ang Kalihim bilang Kataastaasang Kalihim; ang Taga-usig bilang Kataastaasang Taga-usig; etc… Kaugnay nito, ang lahat ng komunikasyon, sulat, atas, at kautusan na nagmumula sa Kataastaasang Sanggunian ay madaling makilala sapagkat ang lagda ng mga opisyales ay palagiang mayroong letrang “K” sa tabi ng kanyang posisyon (Nunag 2014a, 19) (tingnan ang Larawan 8). Makikitang si Bonifacio ay lumalagda bilang K.P. o Kataastaasang Pangulo; si Emilio Jacinto bilang K.Kal. o Kataastaasang Kalihim; si Pio Valenzuela bilang K.T. o Kataastaasang Taga-usig. Ang sumunod naman sa Kataastaasang Sanggunian ay ang Sangguniang Bayan na siyang namamahala sa mga Sangguniang Balangay. Ang Pangulo ng una ang siyang nangangasiwa sa mga Pangulo ng huli. Ang Sangguniang ito ang siyang nangangasiwa sa mga gawain ng Katipunan sa isang partikular na lugar samantalang ang Sangguniang Balangay naman ang namamahala sa operasyon ng Katipunan sa nasasakupang nitong lokalidad. Gaya ng nabanggit na, ang mga Pangulo ng Sangguniang Balangay, bilang pinakamababang konseho, ay pinamamahalaan ng Pangulo ng Sangguniang Bayan. Gayumpaman, tulad din ng natalakay sa itaas, ang pagbubuo ng isang sanggunian ay nakabatay sa dami ng bilang ng mga kasapi nito. Sa ganitong punto, may mga Sangguniang Balangay na hindi pa nasasakop ng kahit alin mang Sangguniang Bayan sapagkat wala pa silang sapat na bilang upang bumuo ng isang Sangguniang Bayan na sasakop sa kanila. Kaugnay nito, ang mga Pangulo ng mga Sangguniang Balangay na wala pang nakasasakop na Sangguniang Bayan ay direktang nasa pangangasiwa ng Kataastaasang Sanggunian (Nunag 2014a, 19) (tingnan ang Diagram 2). Samakatwid, hindi lamang tatlo ang sangay ng Katipunan. Mayroong isa pang mahalaga sa kabuuan ng Katipunan. Sa hirarkiya, makikita ang Kataastaasang Pangulo bilang pinuno 127 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 LARAWAN 8 Lagda ng mga Opisyales ng Kataastaasang Sanggunian at Sangguniang Bayan Matutunghayan sa dokumento sa itaas ang lagda ng tatlong pinakamatataas na opisyales ng Kataastaasang Sanggunian. Mapapansin ang lagda ni Andres Bonifacio (Maypagasa) na mayrong mga letrang K.P.; ang kay Emilio Jacinto (Pingkian) na mayrong K.Kal.; at ang kay Pio Valenzuela (Dimasayaran) na mayroong mga letrang K.T. (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.77.3). Samantala, maikukumpara ito sa dokumento sa ibaba ng mga opisyal sa Sangguniang Bayan Makabuhay. Ang Pangulo na si Bakal ay lumagda gamit lamang ang letrang “P” samantalang ang Kalihim na si Bituin ay lumagda bilang “Kal.” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg. 1.49.3). ng Kataastasang Sanggunian; siya rin ang nangangasiwa ng lahat ng Pangulo ng Sangguniang Bayan at gayundin ng lahat ng Pangulo ng Sangguniang Balangay na wala pang nakasasakop na Sangguniang Bayan. Sa ilalim ng Kataastaasang Pangulo ay ang mga Pangulo ng Sangguniang Bayan; sila naman ang namamahala sa lahat ng mga Pangulo ng mga nasasakupan nilang mga Sangguniang Balangay at sila rin ang kinatawan ng mga Pangulo ng ito sa harap ng Kataastaasang Pangulo. Sa pinakaibaba naman ay naroroon 128 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 DIAGRAM 2 Tatlong Sangay ng Katipunan Inilalarawan sa diagram na ito ang tatlong sangay ng Katipunan gayundin ang mga opisyales ng bawat isa. Pansinin ang Sangguniang Balangay na walang nakakasakop na Sangguniang Bayan na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Kataastaasang Sanggunian (Nunag 2014a, 24) (Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San Miguel). ang mga Pangulo ng mga Sangguniang Balangay na nasa ilalim ng pamamahala ng isang Sangguniang Bayan; tanging sa Pangulo lamang ng nakasasakop na Sangguniang Bayan lamang sila maaaring makipag-ugnayan at hindi direkta sa Kataastaasang Pangulo. Bukod dito, ay naroroon din sa pinakaibaba ang mga Pangulo ng Sangguniang Balangay na walang nakasasakop na Sangguniang Bayan bagama’t sila ay direktang pinangangasiwaan ng Kataastaasang Pangulo. Hindi malayo kung gayong ang itinatag na Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo 1892, sa katotohanan, ay ang Kataastaasang Katipunan na nauna nang binalangkas at itinayo ng Enero pa lamang. Patunay rito ang pagbabago ng kanyang istruktura bunga ng pagdami ng bilang ng mga kasapi nito. Ang paghahati sa Katipunan sa tatlong sanggunian ay direktang epekto ng paglaki ng populasyon nito kung kaya’t magkakaroon ng transisyon mula sa naunang burukrasya tungo sa binagong 129 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 istruktura. Ang pagbabagong ito ay kinakailangan upang tugunan ang lumalaking bilang ng mga “anak ng bayan.” Bunga nito, naging mas masalimuot ang tunay na balangkas ng Katipunan. Ayon sa mga historyador, ang Kataastaasang Kapisanan (Katipunan Assembly) ang nagsisilbing lehislatibong sangay ng Katipunan (Guerrero 1998, 150). Ito ang gumagawa ng mga atas at kautusan para sa buong Katipunan o pamahalaan ng Pangkalahatang Bayan. Katulong din ito ng Kataastaasang Sanggunian sa paggawa at pagpapatupad ng mga kautusan. Kaugnay nito, sinasabing ang Kataastaasang Sanggunian ang pinakamataas na sangay ng Katipunan. Gayumpaman, sa pag-aanalisa sa mga dokumento ng Katipunan, makikitang ang Kataastaasang Kapisanan ay higit na mas mataas at may mas malawak na kapangyarihan kaysa sa Kataastaasang Sanggunian (Nunag 2014a, 25). Ito ay sa kadahilanang bukod sa pagtatakda nito ng mga batas at kautusan, ang Kataastaasang Kapisanan ang may huling pasya ukol sa mabibigat na kasong kinasasangkutan ng mga kasapi: Sapagkat ang K. tiwalag na Kap. na Burgos, bago pa na pagtalastas na siya’y natitiwalag ay nakitaan na ng pagbabalik loob; sapagkat ang pagsusumikap na dating nakita sa kanya ay muling sumusungaw, sapagkat ang pagsusumikap na ito ay hindi rin kumukupas kahit naalaman na niya ang sa kanya’y ipinarusa; sapagkat ang mga salitang nabitiwang minsang wari ay hilig sa mga ipinamamarali ng mga taksil ay hindi iba ang pinagbuhatan, kundi ang pagkabatang loob niya, na pinatunayan ng lahat na nakakikilala sa kanya, at dahil dito’y nagbuhat ang mabiglaanang maniwala kahit sandali sa lilong hikayat ng mga nasabing taksil; at sapagkat nakitaan ng malaking pagsisisi sa nagawang pagkukulang, ay minarapat ng K.K. na ang kap. na Burgos ay patawarin sa ginawang sala at mabalik, at maalis sa pagkatiwalag ng wala nang tatlong buwang subok at wala ding bayad sa pagkabalik. Sapagkat may mga sumbong na dumating sa K.S. laban sa mga gawa ng kap. na Kalapati na pinanganlang kanlulan ng k. ito ang katipunan; sapagkat sa mga pag-uusig na ginawa wari’y tunay na nagkasala; sapagkat sa katungkulan niyang Kal. ng Sb… ay hindi gumaganap ng anoman lamang mula ng tanggapin niya ang katungkulan; at sapagkat lumalabas na inuudyukan nito ang kap. na Kampilan na ama niya, na huwag tumupad sa mga katungkulang sinagutan, ay minarapat ng K.K., na ang k. Kalapati ay matiwalag muna hanggang pinag-uusig ang buong katotohanan ng mga sumbong na tinanggap, at maparusahan kung mapatunayang maysala o kaya mabalik kung mapagkilalang wala (AGMM 1892-1897, Caja 567, leg.1.42.2-5) (akin ang diin). 130 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Bukod dito, ang Kataastaasang Kapisanan ang tanging may kapangyarihan na gumalaw at gumamit ng mga pondo o pera ng buong Katipunan (Nunag 2014a, 27). Samantala, binibigyan ng karapatan ang bawat sangay na galawin ang perang nauukol lamang para sa kanilang sangay: Ang salapi ng Kat. ay matitipon ng dalawang pagtitipon: isa, ang salaping matitipon ng buong Kat. na di magagalaw kundi sa pasya’t kaibigan ng K.K.; at isa ang salaping tangi ng bawat isang pulutong, buhat sa K.S. hanggang sa kahuli-hulihang By. at Hukuman; ang salaping ito ay pamamahalaan ng pulutong na kinauukulan (AGMM 1892-1897, Caja 567, leg.1.42.5-6). Bilang karagdagan, ang Kataastaasang Pangulo ng Kataastaasang Sanggunian ay may pananagutan sa Kataastaasang Kapisanan ukol sa pamamahala at pangangasiwa ng Saklolohang-gamutan at Kaawaang-gawa ng Katipunan. Kailan man naisin ng Kataastaasang Kapisanan na humingi ng sulit-linis ukol sa mga pangangasiwa ng Kataastaasang Pangulo ay kailangang sumunod ang huli sa kagustuhan nito: Ang Kat. Kap. ng Sangb. sa mga tadhanang panahon nitong Panuntunan o Kailanma’t maging kailangan ng mabuting pamamahala ay tatanggap at hihingi ng sulit-linis ng Pamamahala at Pangangasiwa nitong Saklolohanggamutan at Kawang-gawa ng K.K.K. sa kanyang Kat. na P. ng Kat. Sang. at mga nahalal na mangangasiwa sa Marilag na Hantungan ng pangangasiwa (AGMM 1892-1897, Caja 567, leg.1.38.3). Dapat ding bigyan ng pansin ang tunay na komposisyon ng Kataastaasang Katipunan. Hindi tama ang sinasabi ng mga tradisyunal na pag-aaral na ito ay binubuo lamang ng mga kasapi ng Kataastaasang Sanggunian at ng mga Pangulo ng dalawang mas mababang sangay. Sa katotohanan, ang bumubuo nito ay ang mga miyembro ng Kataastaasang Sanggunian, ang mga Pangulo ng Sangguniang Bayan, at ang mga Pangulo ng Sangguniang Balangay na walang nakasasakop na Sangguniang Bayan (Nunag 2014a, 27) (tingnan ang Diagram 3). Ang ganitong ideya ay mula kay Jacinto at pinagtibay ng Kataastaasang Kapisanan sa pulong na ginanap sa bahay ni Bonifacio noong Enero 1, 1896: Sa palagay ng kap. na Pingkian ay pinagkaisahan itong sumusunod tungkol sa mga Pinakakatawan: una: ang Pinakakatawan ng mga pulutong sa Kataastaasang Kapisanan ay ang mga pangulo ng mga Sb. at By. ng di nasasakupan ang alin mang Sb… (AGMM 1892-1897, Caja 567, leg1.46.10). 131 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 DIAGRAM 3 Istruktura ng Katipunan at Komposisyon ng Kataastaasang Kapisanan Inilalarawan sa diagram na ito ang tunay at tamang istruktura ng Katipunan gayundin ang komposisyon ng Kataastaasang Kapisanan (Nunag 2014a, 26) (Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San Miguel). Ang Sangguniang Lihim at ang mga Hukuman Hindi lamang ang mga sangay na nabanggit sa itaas ang nararapat na bigyang-pansin. Dapat ding bigyang-linaw kung ano talaga ang Sangguniang Lihim at ang papel na ginagampanan nito sa dinamiko ng mga sangay ng Katipunan. Upang masupil ang mga tiwali at taksil sa Katipunan, itinatag ang Sangguniang Lihim noong Nobyembre 30, 1895: Ipinagsangguni din naman sa kalahatan ang karapatang magtayo ng isang Sangguniang Lihim. Kapagkatapos ng isang mahaba at ulit-ulit na paglilining, pinagkaisahan na ang Sangguniang Lihim na ito ay magkakaroon ng kapangyarihang gumawa ng akalaing nararapat sa 132 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 ikatutupad ng kanilang katungkulang magtanggol sa Kat., laban sa kanino pa mang makagugulo at makawawasak dito… (AGMM 1892-1897, Caja 567, leg.1.41BIS.14). Binubuo ito ng tatlo kataong hindi alam ang pagkakakilanlan ng bawat isa. Tanging isang tao lamang ang nakakaalam kung sinu-sino sila na siyang magsisilbing tagapamagitan ng tatlo at ng Katipunan: Tatlong k. ang siyang mangangatawan ng S.L., na di makikilala ng sino pa man, liban sa isa. Ang isang ito ay siyang pipili ng tatlong kasangguning lihim, at siya ding makikipag-alam sa kanila’t sa Kat… (AGMM 1892-1897, Caja 567, leg.1.41BIS.15). Ayon kay Agoncillo, ang Sangguniang Lihim ay may kapangyarihang humusga at magpataw ng parusa sa mga tiwaling kasapi: “Ngunit ang Sangguniang Lihim… pinatawan ng parusang pagkatiwalag ang mga miyembro na sinasabing nilapastangan ang lihim ng kilusan…” (Agoncillo 1990, 151) (akin ang malayang salin). Ibig sabihin, kung gayon, ang Sangguniang Lihim ay may kapangyarihan ng hudikatura. Gayumpaman, ang tanging kapangyarihan lamang ng nasabing ahensya ay magsakdal at tumiktik sa mga tiwaling kasapi: “ang mga pangunang katungkulan ng Sangguniang Lihim, ay ang umusig at laging tumiktik sa loob at labas ng Kat…” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.41BIS.14). Wala itong kapangyarihan ng hudikatura gayundin ng lehislatura (Nunag 2014a, 27). Sa katotohanan, ang Kataastaasang Sanggunian ang siyang dumidinig at humusga sa mga ganitong kaso ayon sa atas ng Kataastaasang Kapisanan: Sapagkat ng ikatlo ng Enerong umiiral ay tumanggap ang K.S. ng mga sumbong na laban sa k. Kidlat T. ng By. “Katotohanan”; sapagkat sa pulong na ginawa nitong K.S. ng ikapitong araw ng buwan ding ito, ay humarap sa kautusan nitong K.S. ang naturang k. at nagpahayag at sumagot sa mga tanong na ginawa sa kanya; sapagkat sa mga ipinahayag ay lumabas: una, na siya’y sumusuway sa K. Kapisanan at samakatuwid sa K.K.K.; ikalawa, na siya’y hindi lamang nagtangka kundi talagang kinusang ginawa na mahihiwalay ang By. “Katotohanan” sa K.K.K.; ikatlo, na ang K. Kidlat ay nagkasala sa ikatatlong atas ng K.K. sa pulong na ginawa nito ng ikatlongpung araw ng Nobyembreng nagdaan; ikaapat, na siya’y kumulos ng salapi sa kanyang By. na di ipinagbigay alam hanggang sa nausisa sa kanya; at ikalima, na sa mga pagpapahayag na ito ay may mga sinabing walang katotohanan, kahit kasusumpa pa lamang na sasabihin ang buong katotohanan; sapagkat ang mga salang ito ay malinaw na pinatunayan ng sariling bibig ng K. Kidlat, bukod pa sa iba’t ibang pinagkakakilanlan; at sapagkat isa lamang sa mga salang ito ay labis-labis nang siya’y 133 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 maparusahan, ayon sa nasasabi sa naturang ika tatlong atas ng K.K. sa pulong ng Nobyembreng nagdaan; itong K.S. sa pagtupad ng kanyang katungkulan, ay humatol sa K.Kidlat (Hermogenes Plata) at pinarusahang siyang matiwalag sa Kat. at masama ang kanyang larawan sa piling ng sa mga taksil (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.42.12-14) (akin ang diin). Samantala, ang mga Hukuman ay wala ring kapangyarihan ng hudikatura. Ibig sabihin, wala silang kakayahang umusig at humusga sa mga miyembro nito. Bagkus, ang mga Hukuman ay tumutukoy lamang sa mga lalawigan o probinsya na mayroong mga naitatag na mga sanggunian sa kanilang lugar. Katulad din ng iba pang sangay o pulutong gaya ng Kataastaasang Sanggunian, Sangguniang Bayan, at Sangguniang Balangay, ang Hukuman ay isa lang ding sangay o pulutong: “…tangi ng bawat pulutong, buhat sa K.S. hanggang sa kahuli-hulihang By. at Hukuman…” (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.42.5) (tingnan ang Diagram 4). Kaugnay nito, ang Pangulo ng Hukuman ang siyang kumakatawan sa kanyang pulutong tuwing may pagpupulong kasama ang Kataastaasang Sanggunian: Sa mga P. ng lahat ng mga S.B.,By. at Hkan., at sa mga kap. na Tagaisok, Dimasayaran, Maniangat, Pingkian at iba pang nararapat dumalo. Minamahal na mga kap.: Ipinagkakapuring ipagbigay alam sa inyong mga karangalan na sa Sabadong darating ika tatlong puong araw ng lumalakad na buwan, ay gagawin ang isang malaking pagpupulong sa bayan ng Caloocan at sa bahay ng kap. na Liwayway at sa ikawalong palo ng tanso sa bakal ng umaga. Sa bagay na ito at sa karapatang kayo’y magsidalo, sapagkat pinakakatawan ng kani-kaniyang pulutong ang bawat isa sa mga P., at sa mga katungkulan at tanging paglilingkod at katalinuhan ng mga iba, kayong lahat ay aming pinamamanhikan na mangyari lamang dumalo sa nasabing pagpupulong (AGMM 1892-1897, Caja 5677, leg.1.45.1-2) (akin ang diin). Bunga nito, ang probinsya ng Maynila ay tinatawag na Hukuman ng Maynila; ang Kabite ay Hukuman ng Tangway; ang Laguna ay Hukuman ng Lalaguna; ang Bulakan ay Hukuman ng Bulakan; ang Rizal ay Hukuman ng Morong; etc… Ang mga hukumang ito marahil ang sinasabi ng mga historyador na konseho na lumilitis sa mga tiwaling kasapi ng Katipunan. Subalit tulad ng nabanggit sa itaas, ang Kataastaasang Sanggunian sa pamamagitan ng Kataastaasang Kapisanan ang tanging mga sangay ng lumilitis at humuhusga sa mga nasabing masamang miyembro. Anu’t ano pa man, hindi maikakailang ang pagtatayo ng mga hukuman ay bunsod ng paglaki ng bilang ng mga “anak ng bayan.” 134 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 DIAGRAM 4 Tunay, Kumpleto, at Tamang Istruktura ng Katipunan Inilalarawan sa diagram na ito ang tunay, kumpleto, at tamang istruktura ng Katipunan (Nunag 2014a, 28) (Paglalarawang kaloob ni Julia Giezl San Miguel). KONKLUSYON Hindi maitatangging ang kamalayan ni Andres Bonifacio at ng lahat ng mga kasapi ng Katipunan ay nakaugat sa kanilang karanasan, kalinangan, at kasaysayan bilang mga tumubo sa sangkapuluan. Gagamitin nila ang kamalayang ito sa kanilang pagdalumat sa konsepto ng bayan. Bunga nito, itatatag nila ang Katagalugan—isang sosyo-pulitikalkultural na kabuuan na angkop, ukol, at para lamang sa mga tumubo at nag-ugat sa sangkapuluan. Sa ganitong pagtingin, hindi maipagkakailang ang kabuuang ito ay walang iba kundi ang “pangkalahatang bayan” sapagkat sinasaklaw nito ang lahat ng maliliit na kabuuan o bayan na ginagalawan at kinabibilangan ng bawat pangkat etniko sa Pilipinas bago pa man dumating ang kolonisasyon. Tunay na pangkalahatan ang kabuuang ito 135 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 dahil nilalampasan nito ang hangganang etnolinggwistiko. Malinaw kung gayon na ang Katagalugan at ang “Pangkalahatang Bayan” ay iisa sapagkat kinapapalooban ang mga ito ng lahat ng taong tumubo sa sangkapuluan. Bunga nito, ang lahing Tagalog ay tumutukoy sa lahat ng grupong etnolinggwistiko sa buong bansa. Napakahalaga para kina Bonifacio ang ganitong pagtingin sapagkat binibigyan nito ng matibay na batayan ang pag-angkin nila bilang mga “anak ng bayan.” Ang ganitong pagbubuo ng kanilang sarili at kamalayan ay gagamitin nilang pundasyon ng kanilang binubuong Katagalugan o Pangkalahatang Bayan. Dito iinog ang lahat. Bilang mga “anak ng bayan,” tanging sila lamang ang may karapatan sa sangkapuluan; sila ang nagmamayari at dapat may hawak ng lahat ng kapangyarihan dito. Buo ang kanilang paniniwala dito sapagkat inanak sila ng bayan (umusbong, tumubo, at umugat sila sa sangkapuluan). Kaugnay nito, ang Katagalugan ay hindi lamang simpleng entidad o lugar na kanilang pinananahanan. Ito ay walang iba kundi ang kanilang ina na nagluwal sa kanila (umusbong, tumubo, at umugat sa sangkapuluan)—ina, sapagkat sila ang anak. Sa harap ng isang ina lamang nabibigyan ng kahulugan ang kanilang pagiging anak. Malinaw kung gayon sa kaisipan at kamalayan ni Bonifacio at ng mga Katipunero ang konsepto ng kabuuang kanilang itinatayo bilang isang pamilya o mag-anak. Base rito, ang Katagalugan ay ang “Inang Bayan” samantalang sila, ang lahing Tagalog o ang mga taong tumubo sa sangkapuluan, ay ang mga “anak ng bayan.” Bunga nito, may kaakibat na responsibilidad ang kanilang pribilehiyo bilang mga “anak ng bayan.” Tungkulin nilang sagipin ang “Inang Bayan” mula sa pang-aalipin at pang-aalipusta ng dayukdok na halimaw—ang nagpapanggap at huwad na Inang España. Kaugnay nito, may tungkulin din sila sa kanilang kapwa—ang kalingain ang bawat isa bilang magkakapatid na may iisang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat. Sentral samakatwid ang relasyong inaanak sa binubuong kabuuan nina Bonifacio kung saan napakahalaga ng papel na ginagampanan ng bawat isa. Mula sa pagpapalalim na ito ng konsepto ng bayan, bibigyang-anyo nina Bonifacio ang Katipunan. Ang Katipunan ay tatayo bilang soberanya para sa mga “anak ng bayan.” Kakatawanin nito ang lahat ng kapangyarihang nauukol para sa lahing Tagalog. Magsisilbi itong katauhan ng itinatatag nilang bagong kabuuan na siyang sasalungat at lalaban sa namamayaning kaayusang kolonyal. Ito ang pag-aanyo ng Katagalugan bilang pangkalahatang kabuuan na tatayo at hindi titinag sa harap ng matinding puwersa ng banyagang kabuuang pilit na sumasaklaw sa kaisipan, kamalayan, at kabuuan ng mga taong tumubo sa sangkapuluan. Hindi maitatanggi ang katotohanang ito dahil sa pamamagitan ng Katipunan ang kapangyarihang panlipunan at pulitikal ay inililipat mula sa kamay ng mga mananakop tungo sa poder ng bayan. 136 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Sa puntong ito, ang Katipunan ay walang dudang binalangkas at binuo bilang isang pamahalaan ng Pangkalahatang Bayan sa simula pa lamang. Walang ibang nasa isip sina Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan kundi ang humiwalay sa España at magsarili bilang isang soberenya. Ito ang kanilang pagkakaiba sa mga repormistang ilustrado at elit na mga lider na nagnanais lamang ng pagpapalit ng pamunuan sa ilalim pa rin ng banyagang kabuuan na kanilang inangkin bilang kanila. Kabaligtaran naman ang nais ng mga Katipunero na itatag ang pangkalahatang pamahalaan ng mga “anak ng bayan” na isang pag-aanyo ng kabuuang taal lamang sa kanila dahil nakaugat ito sa kanilang kalinangan at kasaysayan bilang mga tumubo sa sangkapuluan. Mula sa ganitong balangkas ng isip, mas mabibigyan ng linaw at tamang pang-unawa ang Katipunan gayundin ang Supremo nitong si Andres Bonifacio. Kaugnay nito, maraming pagwawasto ang dapat gawin sa ating kasaysayan partikular sa himagsikan, sa Katipunan, at kay Bonifacio. Klarong-klarong magkaiba ang kamalayan ng mga “anak ng bayan” at ng mga repormistang ilustrado o elit. Kung gayon, hindi maaaring sabihing ang Katipunan ay direktang kontinwasyon ng La Liga ni Rizal. Mula sa pananaw ni Bonifacio at ng mga manghihimagsik, ang Katipunan ay isang pamahalaan ng mga “anak ng bayan”; ang La Liga ay hindi, isa lamang itong organisasyong naglalayon ng reporma sa kolonyal na Filipinas noon. Bukod dito, ang Katipunan ay nauna nang binalangkas at binuo nina Bonifacio anim na buwan bago pa man itatag ni Rizal ang kanyang La Liga. At simula sa araw na iyon, malinaw ang kanilang intensyong magsarili at magtayo ng bagong kabuuan sa pamamagitan ng isang pag-aaklas sukdulang ikalagot ng kanilang mga buhay. Napakahalagang bigyan ng diin ang puntong ito. Malaki ang implikasyon ng bagong impormasyong ito—ang Katipunan ay binalangkas at binuo Enero pa lamang ng taong 1892. Binibigyang-linaw nito ang mga sumunod na kaganapan sa Katipunan partikular ang naganap noong Hulyo 1892 hanggang bago sumiklab ang himagsikan noong 1896. Gaya ng nabanggit sa itaas, isa sa mga napakahalagang implikasyon nito ay ang Katipunan ay isa ng pamahalaan simula ng ito ay isilang. Patunay rito ang burukrasyang itinayo ng mga “anak ng bayan” gayundin ang iba’t ibang kagawaran ng kanilang pamahalaan na tumutugon sa kanilang mga paghahanda at pangangailangan upang isakatuparan ang kanilang aspirasyong paglaya sa kolonyal na kaayusan. Malinaw na ang Katipunan ay kumpleto at buo na bilang isang pulitikal na entidad bago pa ang Hulyo 1892. Sa bagay na ito, hindi malayong ang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan na itinatag noong Hulyo 6-7, 1892 ay ang paglulunsad lamang ng Kataastaasang Katipunan na binalangkas at binuo noong Enero pa ng nasabing taon. Maaari ring sabihing ang kaakibat nitong istruktura ay ang binago na lamang na istruktura ng naunang Kataastaasang Katipunan. Lohikal ang ganitong interpretasyon sapagkat sa pamamagitan nito mas mabibigyang-linaw ang tunay na istruktura ng 137 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Katipunan gayundin ang dinamiko ng mga sangay nito. Idagdag pa na sa panahong ito, Hulyo 1892, anim na buwan pagkatapos na balangkasin nina Bonifacio ang Kataastaasang Katipunan, ay gagap na gagap na ng mga kasapi ang pagdalumat sa bayan kung kaya’t napapanahon na upang ilunsad ito bilang Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Bilang panghuli, napakahalagang maiwaksi ang mga kamaliang nakapaloob sa mga tradisyunal na pag-aaral ukol sa tunay na istruktura ng Katipunan sapagkat magbibigay daan ito tungo sa higit na malalim, makabuluhan, at tunay na pagtatasa at pang-unawa hindi lamang kay Andres Bonifacio at sa Katipunan kundi maging sa ating sariling pagkaPilipino. Talahuli 1 Nais pasalamatan ng may-akda ang mga tumulong sa pananaliksik at pag-aayos ng mga dokumento na sina Randy Rodriguez at Julia Giezl San Miguel. 2 Ang ispeling na ginamit sa siping ito at sa mga sunod pang sipi ay halaw mismo sa mga orihinal na teksto. 3 Ang ibig sabihin ng K.K.K. ng mga A.N.B. ay Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Karaniwan ding ginagamit na lamang ang Katipunan upang tukuyin ang nasabing samahan. 4 Ukol sa ispeling ng salitang “sangkapuluan,” ginamit ng may-akda ang “sankapuluan” sa orihinal/sipi, samantalang “sangkapuluan” naman sa kanyang naratibo. 5 Halaw ito sa artikulo ng may-akda na “The Intellectual and Enlightened Revolutionary” (Nunag 2014b) na sinulat para sa antolohiya kay Bonifacio na ililimbag ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa taong 2014. Tingnan din ang sinulat ng may-akda na “The First and True Structure of the Katipunan” (Nunag 2014a) bilang bahagi ng kanyang panayam sa pambansang kumperensya ng Philippine National Historical Society (PNHS) na ginanap sa Liceo de Cagayan, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Philippines noong Oktubre 24-27, 2013. 6 Ang mga sumusunod na pagtalakay ay halaw sa panayam na ginawa ng may-akda sa pambansang kumperensya ng Philippine National Historical Society (PNHS) na ginanap sa Liceo de Cagayan, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Philippines noong Oktubre 24-27, 2013. Makabubuting tingnan din ang nasabing panayam sapagkat kumprehensibo ang kanyang naging pagtalakay dito ukol sa nasabing usapin at sa tunay na istruktura ng Katipunan gayundin sa ebolusyon nito (Nunag 2014a). 7 Tingnan ang artikulo ng may-akda na “The First and True Structure of the Katipunan” (Nunag 2014a) para sa tunay at kumpletong istruktura ng Katipunan. Sanggunian Agoncillo, Teodoro A. 1990. History of the Filipino People; Eighth Edition. Quezon City: R.P. Garcia Publishing. 138 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.25. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.36. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.37. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.38. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.41BIS. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.42. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.45. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.46. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.57. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.83. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.84. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.85. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 1892-1897. Caja 5677, leg. 1.94. Kalipunan ng mga dokumento. Madrid: Archivo General Militar de Madrid (AGMM). 139 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Bonifacio, Andres. 1896. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog. Nasa Panitikan ng Rebolusyon(g 1896); Isang Paglingon at Katipunan ng mga Akda nina Bonifacio at Jacinto, may-akda Virgilio Almario, 152-153. Manila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1993. Constantino, Renato. 1969. Veneration Without Understanding. Quezon City: Renato Constantino. Constantino, Renato. 1975. Constantino, 1993. The Philippines: A Past Revisited. Quezon City: Renato De los Reyes, Isabelo. 1899. Memoria: Ang Madamdaming Alaala ni Isabelo de los Reyes Hinggil sa Rebolusyong Filipino ng 1896-1897. Tsln. Teresita A. Alcantara. Quezon City: T.A. Alcantara, 2001. Guerrero, Milagros C. 1998. Andres Bonifacio and the Katipunan. Nasa Kasaysayan: The Story of the Filipino People; Volume 5; Reform and Revolution, mga may-akda Milagros C. Guerrero at John N. Schumacher, 149-167. Mandaluyong City: Asia Publishing Co. Nunag, Angelito S. 2014a. The First and True Structure of the Katipunan. The Journal of History 60 (Enero-Disyembre): 10-36. Nunag, Angelito S. 2014b. The Intellectual and Enlightened Revolutionary. Manuskrito. National Historical Commission of the Philippines, Manila. Quibuyen, Floro C. 1999. A Nation Aborted: Rizal, American Hegemony, and Philippine Nationalism. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2008. Richardson, Jim. 2013. The Light of Liberty: Documents and Studies on the Katipunan, 1892-1897. Quezon City: Ateneo de Manila University Press. Rizal, Jose P. 1896. Data for my Defense. Nasa Political and Historical Writings, mayakda Jose Rizal, 338-349. Manila: National Historical Commission of the Philippines, 2011. Schumacher, John N. 1998a. The Vision of Jose Rizal. Nasa Kasaysayan: The Story of the Filipino People; Volume 5; Reform and Revolution, may-akda Milagros C. Guerrero at John N. Schumacher, 83-111. Mandaluyong City: Asia Publishing Co. 140 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan Saliksik E-Journal Tomo 3, Bilang 2 | Nobyembre 2014 Schumacher, John N. 1998b. Two Paths to Freedom. Nasa Kasaysayan: The Story of the Filipino People; Volume 5; Reform and Revolution, may-akda Milagros C. Guerrero at John N. Schumacher, 113-148. Mandaluyong City: Asia Publishing Co. Zaide, Gregorio F. 1968. The Philippine Revolution. Manila: The Modern Book Company. 141 NUNAG: Mga Bagong Pagtingin kay Andres Bonifacio at sa Katipunan