Untitled - OMF Literature

Transcription

Untitled - OMF Literature
All Scripture quotations, unless otherwise indicated, are taken from the
Holy Bible: New Century Version®. NCV. Copyright © 1987, 1988, 1991
by Word Publishing, a division of Thomas Nelson, Inc.
Used by permission. All rights reserved.
Other Scripture quotations are taken from:
Good News Translation. GNT. Old Testament section, copyright © 1976
by the American Bible Society. New Testament section, copyright © 1966,
1971, 1976 by the American Bible Society. Used by permission.
All rights reserved.
Magandang Balita Biblia. MBB. Copyright @1980 by the Philippine Bible
Society. Used by permission. All rights reserved.
The Message: The Bible in Contemporary Language. Copyright © 1993,
1994, 1995, 1996, 2000, 2001, 2002 by Eugene H. Peterson.
Used by permission of NavPress Publishing Group. All rights reserved.
New American Standard Bible®. NASB®. Copyright © 1960, 1962,
1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977 by The Lockman Foundation.
Used by permission. All rights reserved.
Holy Bible: New Living Translation®. 2nd edition. NLT®. Copyright ©
1996, 2004 by Tyndale House Publishers, Inc. Used by permission.
All rights reserved.
Boring Ba ang Bible Mo? How Your Story Fits in the Big Story
Copyright © 2014 by Rey Lemuel Crizaldo
Cover design by Nixon Na
Typesetting by Marianne Ventura
Published (2014) in the Philippines by
OMF Literature Inc.
776 Boni Avenue
Mandaluyong City, Metro Manila
www.OMFLit.com
ISBN 978-971-009-302-1
Printed in the Philippines
Contents
Introduction:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
The Hot Chicks 11
The Chick Boys 20
The Epic Failures 29
The Second Rates 38
The Success Stories 48
The Nerds 57
The Starving Artists 65
The Castaways 73
The Loners 81
The Kontrabidas 89
Conclusion:
Appendix:
Boring Ba ang Bible Mo? 5 Ano ba Talaga ang Kwento? 97
Tips and Tools para hindi maging Boring ang Bible mo 106
“May nakabasa na ba ng Bible from cover to
cover?”
Bata pa ako, tanong ko na yan. Sabi ko sa sarili
ko siguro kung meron man, ganap siyang “holy
man.” Umuusok sa kabanalan at destined na
mapunta sa Vatican. O kaya naman ay napasama
siya sa grupo ng mga “born-again” at malamang
ngayon eh may “calling” nang maging pari,
ministro o pastor. Pero para sa isang ordinaryong
tao na iniisip kung kaanu-ano ni Noah’s Ark
si Joan of Arc o kung ang mga epistles ay mga
babaeng apostles, kagila-gilalas ang makakilala
ng isang taong wagas kung magbasa ng Bible.
Tingin ko kasi sa Bible ay isang mahiwagang
aklat na naglalaman ng karunungang mas
malupit pa sa Encyclopedia Britannica at may
mga sagot na hindi kayang i-search ng Google at
6 BORING BA ANG BIBLE MO?
wala sa Wikipedia. Minsan kasi kakaiba din ang
English nito na huli ko pang nabasa sa mga banat
ni Shakespeare. Nosebleed ako sa mga thee, thou
shalt nots, forsaketh, at iba pang Old English
words na nagpa-tongue twister sa klase namin sa
World Literature.
Pero, tulad ng ilan, dati na-curious din naman
ako at minsan ko ding sinubukan na buklatin at
basahin ang Bible. Syempre, inumpisahan ko
sa Genesis. “In the beginning . . .” daw eh. In
fairness, nalagpasan ko ang kwento ni Joseph the
Dreamer, at nakaabot ako sa kwento ng Prince
of Egypt na si Moses, ng Ten Commandments,
at sa paghati sa Red Sea na lumamon ng buhay
sa army ni Pharaoh. Pero matapos yun, tila
hieroglyphics na din sa Egypt ang binabasa ko.
Marami na akong nabasang mga mala-scientific
names — mga Hittites, Jebusites, Amorites, at
iba pa na inakala kong kakaibang species ng
termites. At that point, na-bore na ako at tinigilan
ko na ang pagbabasa. Nabuo ang suspicion ko na
kakaibang aklat nga ang Bible at tila nababagay
lang basahin ng mga “kakaibang” nilalang. Siguro
nga ay sadyang hindi para sa mga hampas-lupang
katulad ko.
Sa ngayon, malamang nagtataka ka din kung
bakit nga ba mas na-excite tayong tapusin ang
pagkakapal-kapal na series ng The Lord of the
Introduction 7
Rings, Harry Potter, at yung mga nobela nina
Nicolas Sparks at John Green. Kung medyo
light-reader ka, eh mas fanatic kang sundan
ang samu’t-saring Japanese manga, Pinoy ghost
stories, at iba pang series sa Internet na hindi
kasing-intimidating basahin tulad ng Bible. Oo,
umamin ka na mas pinili mong basahin ang
mga aklat ni Bob Ong kesa sa mga kwento ni
Matthew, Mark, Luke at John. Kataka-taka, di
ba? At sa isang banda, nakaka-konsyensya. Ano
nga kayang hiwaga ang bumabalot sa munting
aklat na ito ng Bible? Bakit ba kapag hawak mo
ito ay tila ba nakikipag-arm wrestling ka isang
anghel at gusto mo na agad bitawan?
Sabi ng ilang analysts, siguro daw kasi
ang henerasyon ngayon ay sadyang hindi na
marunong magbasa. Dahil nakababad sa Internet
kaka-Facebook, YouTube at iba pang social
media networks, naging mahusay nga daw mag“surf” pero nawalan naman ng powers para sa
tinatawag na “sustained reading.” Pumasok na
nga raw tayo sa era ng “Non-Reading Society”
kung saan ang naghahari ay mga browsers at
hindi na mga books. Sa gitna ng pagkahumaling
ng mga tao sa Instagram at sa mga “selfie pictures,”
sinasabing the time has really come when we
take a close look to read pictures and merely
look at words. At kung sakali man na may mga
8 BORING BA ANG BIBLE MO?
letters ng alphabet na kailangan nating bunuin at
basahin, kailangang ito ay short and sweet. Malatweet sa Twitter, 140 characters lang at hindi
140 pages ang haba. Higit sa lahat kailangan
ay personalized ang pagkakasulat. Parang blog
lang at hindi parang handouts ng isang terror na
propesor. Because of the new technologies that
we have now, people still read, but not anymore
in the way that Shakespeare did.
May paliwanag dito ang media guru na si Neil
Postman. Sa obserbasyon niya, ang mga bagong
media technologies daw natin “does not just add
something; it changes everything” in our lives
and the society we live in. Nagbigay siya ng ilang
halimbawa: noong 1500s daw matapos maibento
ni Gutenburg ang printing press, “we did not
have an old Europe plus the printing press. You
had a different Europe. After television, America
was not America plus television. Television gave
a new coloration to every political campaign, to
every home, to every school, to every church, to
every industry, and so on.”1
Oo nga naman ano? Tulad ng mga puno,
high-rise na mga condominiums, at teribleng
trapik sa araw-araw, technology has become part
Neil Postman, “Five things we need to know about technological
change” in P. De Palma (Ed.), Annual Editions: Computers in
Society 10/11 (New York: McGraw Hill, 1998), 3-6.
1
Introduction 9
of the environment we live in. Lalo na sa panahon
ngayon na nag-tag team na ang Internet, mobile
phones, at computers, at naging all-in-one na.
Aba, tunay na the world has been so much
different. Pansin mo ba na hindi na lang oxygen
ang hinihinga natin ngayon, kasama na din ang
Wifi connection, di ba?
Aba, kung totoo ito eh wag na nga tayo
magtaka kung bakit hindi mo masabi ang sinabi
ni Bob Ong, “ABNKKBSNPLAKO.” At no wonder,
hanggang ngayon, hindi mo pa rin nababasa ang
Bible. Wag na magtaka kung up to now, hindi
ka sigurado kung nasa Bible nga ba talaga sina
Gaspar, Melchor at Baltazar. Pinag-iisipan mo pa
din kung bakit may manok si San Pedro. Well,
kung kasama ka sa tropang ito, eh, sakto! Para sa
iyo ang librong ito. Dala-dala mo sa utak mo ang
pangahas na tanong, “Boring ba ang Bible mo?”
Esther: The Beauty Queen
Ms. Universe in 1973 - check
Ms. International in 1964, 1970, 1979 & 2005 - check
Ms. Earth in 2008 - check
Ms. World in 2013 - check
Matapos nating maipanalo ang apat sa pinakaprestigious na beauty contest sa buong mundo,
masasabi na talagang sa Pilipinas matatagpuan
ang the best and the fairest of them all. Hindi na
nakakagulat kung sa mga susunod na international
beauty pageants mas marami pang mga Pinay
ang makikipagtagisan sa “mirror, mirror on the
wall.” Sila yung noong bata pa ay laging muse
ng buong klase. Sila yung kahit walang makeup ay tila diwatang bumaba sa lupa. Sila yung
kahit malakas mag-extra rice eh may pangsexiest women in the world ang vital statistics.
12 BORING BA ANG BIBLE MO?
Sila yung mga nilalang na sadyang ipinanganak
para maging maganda. Kadalasan effortless yan
ha. Pero bakit nga ba may mga nilikhang ang
ganda ay talaga namang mapapanganga ka na
lang? Sapat na bang dahilan ang maging crush
ng bayan sila?
Well, alam mo ba na sa Bible may legit din
na beauty queen na makikipagsabayan sa kahit
sinong Ms. Universe? Meet Ms. Israel, Esther,
ang pambato ng bansang Israel nang minsang
nagkaroon ng beauty contest sa ancient world
kung saan ang nakataya ay hindi lamang korona
kundi pagiging reyna. Panahon noon ng Persian
Empire, ang pinakamakapangyarihang kaharian
sa buong mundo na sakop ang kahabaan
ng teritoryo mula Ethiopa hanggang India.
Napatalsik kasi ang reyna ni King Xerxes kaya’t
iminungkahi sa kanya ng kanyang mga advisers
na magpasimula ng isang prestigious na search
para sa pinakamagandang dilag sa buong
imperyo.
Kung inaakala mo na ngayon lang naimbento
ang kikay stuff ng mga girls, aba, magugulat ka
sa preparation na ginawa ni Esther para mag­
paganda. Kasama ang iba pang contestants, isang
taon silang sumailalim sa beauty treatments:
pinaliguan sila ng finest oil, perfumes at iba pang
The Hot Chicks 13
cosmetics (Read Esther 2:12-13). At sa huli, si
Esther ang nagwagi at bumihag sa paningin ng
hari na talaga namang nabighani sa kanya ng
todo.
Pero hindi sa coronation night natapos
ang kwento ni Ms. Esther. Nang malagay sa
bingit ng kamatayan ang mga Israelita, hindi
siya nagdalawang-isip na gamitin ang kanyang
ganda para tulungan ang mga kababayan niya.
Nanatili siyang down-to-earth at may malasakit
sa mga taong kasama niya noong wala pa siya
sa rurok ng kasikatan. Hindi siya nalasing ng
fame, glamor at admiration of all. Yan ang tunay
na beauty queen, hindi lang may itsura at talino,
but most of all alam kung para saan gagamitin
ang angking kagandahan.
Basahin nang buo ang kanyang road to
stardom sa Bible (click on the book of Esther).
Dahil beauty queen ang bida, it won’t be boring.
Peksman!
Beauty Tips:
“Who knows, you may have been
chosen queen for just such
a time as this.”
— Esther 4:14
14 BORING BA ANG BIBLE MO?
Delilah: Femme Fatale
Kung natuwa ka sa kwento ni Esther, maaasar
ka naman sa susunod nating kwento. Paano ba
naman kasi, itong babae na ito, maganda nga
kaso lang sinayang niya. Bakit kamo? Eh pano,
ginamit sa panloloko, sa pagpapa-asa sa alam
niyang patay na patay sa kanya, at higit sa lahat
ipinagpalit ang dignidad sa konting datung.
Teka, teka, hindi kaklase mo o barkada ng
kaibigan mo ang sinasabi ko. Oo nga’t maraming
ganyan na nagkalat sa paligid natin. Ang angking
kagandahan hindi pinagyaman.
Ang sinasabi ko ay isang lethal beauty na
maba­­basa mo sa Bible. Prepare yourselves for a
tragic love story of deception, denial and . . .
Delilah. Yes, siya yung girlfriend ng mala-incredible
Hulk na si Samson. Kung di mo kilala ang magjowa na ito, naku eh scroll down your Bibles to
Judges 16:4-21. Ito ang isang classic story kung
saan pinatumba ng beauty ang isang brute. FYI,
si Samson ang ika-labindalawa sa legendary
Judges of the Jews. Pero alam ninyo kasi itong si
Samson, bagama’t may taglay na pambihirang
lakas at galing, ay saksakan ng hina pagdating sa
mga babae (sabagay ganyan naman daw ang
maraming magagaling na tao, hindi na masyado
nakakapag-isip pagdating sa love). Perfect example
The Hot Chicks 15
itong si Samson, naloko na siya minsan ng
babaeng minahal niya (read Judges 14:12-20). At
nang makita niya si Delilah, na-inlove na naman
ang loko.
Pero ito namang si Delilah, hinayaan na
gamitin ng ibang tao ang kanyang ganda para
sa pera. Dahil alam niyang baliw na baliw sa
kanya si Samson, hindi niya isinaalang-alang ang
damdamin ng taong nagmahal sa kanya ng tapat.
She broke his heart, not only once, but thrice.
And on the fourth time, she broke not only his
trust but also ended his career as a hero. Ginupit
niya ang mga dreadlocks sa buhok ni Samson na
siyang huling sign ng dedication ni Samson sa
Diyos kaya’t binawi ang supernatural strength
nito at natalo siya ng mga kalaban. Totoo ang
sabi nila, “the rise or fall of every man is a
woman.” Nakakalungkot na si Delilah piniling
ang kanyang beauty ay maging cause ng downfall
instead of victory ng lalaking nagmahal sa kanya.
Mahirap para sa atin isipin kung bakit may
mga babaeng katulad ni Delilah. Kung sakali
mang totoo yung sinasabi nilang “killer looks” eh
pinangatawanan niya yun. Di tulad ni Esther na
ang ganda ay naging daan para mabuhay ang
maraming tao, ang beauty ni Delilah parang
signboard ng MMDA – NAKAMAMATAY. Ay
16 BORING BA ANG BIBLE MO?
mali, MAY PINATAY NA! Siguro kasi hindi niya
inabutan si Spider Man. Hindi niya na-realize na
“Great power comes with great responsibility.” Sa
totoo lang, beauty is a lethal weapon. It can break
the hardest heart of any guy. It can fool the most
intelligent man. Isipin mo yung mga notorious
beauty in history and fantasy. Si Cleopatra ng
Egypt na inakit sina Julius Caesar at Marc Antony.
Si Marie Antoinette na sa sobrang luho ay nagrevolution sa France. Si Milady na kalaban ng
Three Musketeers. At yung stepmother ni Snow
White na muntik nang maging fairest of them all.
Lahat sila were not responsible in using the
stunning looks na ipinagkaloob sa kanila.
Nagpahamak sila ng tao. Sumira sila ng buhay.
Pinaikot nila sa kanilang mga kamay ang mga
taong patay na patay sa kanila.
Ganyan ang mga kwento sa Bible. Puno ng
drama. Pwede mong isabay sa kwento ng mga
callers ni Papa Jack — nakakaiyak na nakakainis
kung minsan. Ang hamon ko sa iyo, basahin
mo ng buo ang kwento ni Samson at Delilah.
Balikan mong muli ang imortal na kwento ng
isang manloloko at isang nagpaloko. Ganyan na
ganyan din ang maraming kwento sa tunay na
buhay.
The Hot Chicks 17
Deadly Lines:
“How can you say, ‘I love you,’ when you
don’t even trust me?”
— Delilah in Judges 16:15
Bathsheba: The Bathing Beauty
Yes, you read that right. Si Bathsheba ang un­
knowingly nakapag-seduce sa pinakamatinong
hari ng Israel na si David. Nakita kasi siyang
naliligo isang gabi ng hari. And as any man na
naka-jackpot maka-witness ng isang live show,
David gave her a second look, a really long care­
ful second look. But that look turned into an
uncontrollable lust. At dahil hari siya, ginamit
niya ang kapangyarihan niya para ma­­ku­ha at
matikman ang napagmasdang ka­gan­­dahan.
Ladies, it is a guy thing. Dapat maintindihan nin­
yo na kaming mga guys easily and auto­matically
get turned-on by what we see. Especially if what
is before us is not only sexy but also seductive.
Kung “love is blind, lust can see even the
microscopic.” It sees ang mga di dapat makita.
Lalo na kung talaga namang tempting. So kung
gusto mo malaman kung bakit dapat mong pagisipang mabuti ang popular na advice na “if you
have it, flaunt it,” then basahin mo ang sizzling
hot na kwento ni Bathsheba sa 2 Samuel 11.
18 BORING BA ANG BIBLE MO?
Rebecca: First and Last Girlfriend
Hindi ko alam kung totoo ang love at first
sight. Mas madaling isipin na totoo ang “first
impressions last.” Pero dito ako sigurado, “turnoffs are forever.” Kung mabaho ang kili-kili
mo o may nakalabas na buhok sa ilong mo,
nakakatatak yan sa isip naming mga lalaki.
Naalala ko noon sabi ng values teacher ko sa
mga kaklase ko, “Ang mga babae dapat laging
maganda at mabango. Dahil hindi mo alam kung
kailan dadating ang prince charming mo. Dapat
ready ka sa pagdaan niya.” Learn from Rebecca.
When Isacc first saw her near that well, he never
looked anywhere anymore. Alamin ang kanyang
kwento sa Genesis 24.
Rachel: Worth Waiting for
Uso pa ba si Miss Pakipot? Gaano ba katagal
willing maghintay kaming mga guys sa inyong
mga girls? Three weeks, three months, three
years? How long is long? Well, kung tanong mo
yan, basahin mo ang kwento ni Rachel. Tatalunin
niya siguro ang kahit sinong nagmamaganda
dito sa balat ng lupa. Well, 14 years lang naman
siyang patiently inantay ng lover boy niyang si
Jacob. Anong meron siya at ganoon kahaba ang
hair niya? Ayon sa kwento sa Bible, it must be
her “eyes.” Sundan kung paano na-lovestruck
The Hot Chicks 19
sa kanya si Jacob sa Genesis 29:1-30. Para sa
lahat ng mga girls out there, ang love story niya
ay timely reminder na kapag easy to get, easy
to forget. Ang hindi pinaghirapan, madali ding
pakawalan.
Huling Hirit
Minsan siguro naitanong mo kung bakit kaya
nilikha pa na may maganda at may hindi. Paano
naman yung mga may konting factory defect?
Paano yung sa mata ng ilan eh totally reject? Well,
ganito ang sabi ng isang verse sa Bible: “It is not
fancy hair, gold jewelry, or fine clothes that should
make you beautiful. No your beauty should come
from within you – the beauty of a gentle and quiet
spirit that will never be destroyed and is very
precious to God (1 Peter 3:3-4).”
Ang tunay na ganda, siguro nga, wala sa
panlabas, kundi nasa kalooban. Yan ang gandang
wagas at tunay na hindi kumukupas. Ladies and
gentlemen, yan ang “principle of lasting beauty”
na mababasa mo sa mga pahina ng Bible. Ewan
ko lang kung maisip mo pa na boring yan.