prayer and fasting

Transcription

prayer and fasting
t
h
g
fi
...
ht of faith
ig
f
d
o
o
g
e
Fight th
12
1 Timothy 6:
2014
and
prayer
fasting
january 6-10
fi li pi no
Inaanyayahan ang bawat miyembro na makilahok sa taunang pag-aayuno at
pananalangin. Ito ang panahong sama-sama nating inihahandog ang ating mga
sarili, pamilya, at gawain sa Panginoon. Manalig tayo sa Diyos na tulungan Niya
tayong magtagumpay sa bawat bahagi ng ating buhay sa taong ito.
at
praktikalanya uganboay
sa pag-a
pananalangin
Pagkatapos, sinabihan ni Josue
ang mga tao, “Linisin n’yo ang inyong
sarili dahil bukas gagawa sa inyo
ang Panginoon ng mga kamanghamanghang bagay.” JosuE 3:5
M
ula pa noon, tinatawag na ng Diyos ang Kanyang bayang magpakumbaba
sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Ginagamit ng Diyos ang
pag-aayuno bilang sandatang espirituwal para itaguyod ang Kanyang kaharian,
magdala ng pagbabago, at magbigay tagumpay sa buhay ng Kanyang mga
anak. May kapangyarihang matatamo kapag kusa tayong nagpapakumbaba at
naghahangad na matupad ang kalooban ng Diyos.
Bilang isang pamilya, sinisimulan natin ang bawat taon ng panahon ng pagaayuno at pananalangin. Sa ganitong paraan, iniaalay natin sa Diyos ang ating
mga sarili at ang paparating na taon. Sama-sama rin tayong nananalig sa Diyos
para sa tagumpay sa sarili nating buhay, pamilya, pananalapi, at simbahan.
Sa mga nakaraang taon, bilang resulta ng pag-aayuno at pananalangin, marami
na ang nakaranas ng kaligtasan, paggaling, promosyon, pagkakabati-bati
sa pamilya, pagpapalang pinansyal, at nakamamanghang paglago ng mga
discipleship group at simbahan. Laging pinananabikan ng lahat na marinig ang
mga patotoo tungkol sa pagtugon ng Diyos sa mga panalanging higit pa
sa inaasahan.
Buong-puso tayong manalig na ito’y taon ng himala at kasagutan sa panalangin.
BKainkaitkailangang
Mag-ayuno?
“Sabihin ninyo sa mga namumuno sa Juda
at sa lahat ng kanyang mamamayan na
magsipunta silang lahat sa templo ng
Panginoon na kanilang Diyos at mag-ayuno.
Humingi sila ng tulong sa Panginoon.” Joel 1:14
1. Nag-ayuno si Hesus.
1
Pagkatapos nito, dinala ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin
ng diyablo. 2Doon ay nag-ayuno si Jesus ng 40 araw at 40 gabi, kaya nagutom
siya. Mateo 4:1,2
Bumalik si Jesus sa Galilean na taglay ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kumalat
sa lahat ng lugar doon ang balita tungkol sa kanya. Lucas 4:14
Bago sinimulan ni Hesus ang Kanyang gawain, nag-ayuno muna Siya ng
apatnapung araw. Kailangan Niya ang espirituwal na lakas upang matupad
Niya ang Kanyang mga layunin. Pinapahina ng pag-aayuno ang ating pisikal
na pangangatawan ngunit pinapalakas naman nito ang ating mga espiritu.
Mas nahahanda tayo nito para sa gawain ng Diyos.
2. Ang pag-aayuno ay pagpapakumbaba at pag-aalay ng sarili
sa Diyos.
Kapag sila’y nagkakasakit ako’y nalulungkot para sa kanila; nagdaramit ako ng sako at
nag-aayuno pa. . . . Salmo 35:13
Ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng biyaya ng Diyos. Kapag
magpapakumbaba tayo, agad tayong napapalapit sa Panginoon. Kung
isinasantabi natin ang ating sarili upang ilaan sa Diyos, nagkakaroon tayo ng
pagtitimpi sa ating damdamin at mga pagnanais.
3. Mas magiging sensitibo tayo sa Banal na Espiritu
kapag nag-aayuno.
Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa
kanila, “Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, dahil may ipapagawa ako sa
kanila.” Mga Gawa 13:2
Kapag isinasantabi nating pansamantala ang mga natural nating pagnanais,
magiging mas sensitibo tayo sa tinig ng Banal na Espiritu. Mas malinaw natin
Siyang napakikinggan. Mas naitutuon natin ang ating isipan sa Diyos at
napapasakop sa Kanyang kalooban. Binibigyang-daan nito ang Banal na
Espiritu na makakilos sa ating buhay.
4. Nagdudulot ng pagbabago ang pag-aayuno.
. . . Noong unang taon ng paghahari niya, nalaman ko sa mga Kasulatan na
mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng 70 taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay
Propeta Jeremias. 3Dahil dito, ako’y lumapit at nanalangin sa Panginoong Diyos. Nagayuno ako, nagdamit panluksa at naglagay ng abo sa ulo. Daniel 9:2,3
2
Natutulungan tayo ng pag-aayuno na magtiyaga sa pananalangin. Noong
panahon ni Daniel, alam niyang patungo sa tiyak na kapahamakan ang Israel.
Alam din niyang ang tanging solusyon dito ay ang pananalangin at pagaayuno. Sa buong kasaysayan ng tao, ginamit ng Diyos ang pag-aayuno at
pananampalataya sa pagbago at pagligtas ng maraming bansa.
5. Mabuti sa kalusugan ang pag-aayuno.
Nililinis ng pag-aayuno ang ating tiyan sa mga “toxin.” Itinuturing ng mga
doktor na mainam na lunas ang pag-aayuno para sa ilang allergy at sakit. Sa
simpleng pagdisiplina sa sarili, natutulungan tayo ng pag-aayuno na pigilan
ang mga nakasasamang adiksyon sa ating buhay.
pasagphaag-haaanydunao
“Tipunin mo ang lahat ng Judio na nandito sa Susa at mag-ayuno kayo para sa
akin. Huwag kayong kumain o uminom sa loob ng tatlong araw. Ako at ang mga
alipin kong babae ay mag-aayuno rin. At pagkatapos, pupunta ako sa hari kahit na
labag sa batas. At kung papatayin man ako, handa akong mamatay.” Ester 4:16
1. Manalig sa Diyos!
Maingat at mapanalangin mong punuan ang pahina na may hiling panalangin.
Humingi ng patnubay sa Banal na Espiritu. Gawing malinaw at detalyado ang
mga ipananalangin para sa sarili, pamilya, pananalapi, at simbahan. Ito ang mga
pinaniniwalaan mong tugon ng Diyos sa iyong panalangin sa loob ng linggong ito
at sa buong taon. Asahan mong sasagot ang Diyos. Manatiling mapagpasalamat
habang nag-aayuno at pagkatapos nito.
2. Pumili ng uri ng pag-aayuno.
Hinihikayat ang lahat na piliin ang “water only” o kaya “liquid fast” para sa kabuoan ng
panahon ng pag-aayuno. Gayunman, dahil marami ang hindi kaya ang ganitong uri
ng pag-aayuno dahil sa pagdadalantao, trabaho, o kundisyong medikal, mayroong
ibang pagpipilian. Maaaring paghaluin ang iba’t ibang klase ng pag-aayuno.
Halimbawa, pwedeng “liquid fast” sa unang tatlong araw, at “one-meal-a-day fast”
sa susunod na mga araw. Pwedeng pumili ng anumang kombinasyon ng pagaayuno na akma sa iyong sitwasyon. Ipanalangin mo ang uri ng iyong pag-aayuno,
at sikaping tuparin ito. Iwasang pumili ng uri ng pag-aayuno sa mismong araw nito.
Humingi ng tulong at lakas sa Diyos.
3. Planuhin ang mga susunod na araw.
Bawasan ang mga nakapanghihinang mga gawain sa panahong ito. Iwasang
mapagod para mas maraming oras ang mailaan sa pananalangin at pagbabasa
ng Bibliya.
4. Ihanda ang espiritu.
Higit sa lahat, ang ating taunang pag-aayuno ay panahon kung kailan nagtitiwala
tayong mas makikilala pa natin ang Diyos. Maging handa na may ipakita ang
Banal na Espiritu sa iyong mga bagay na dapat mong baguhin. Ang pagsisisi ay
ang pundasyon ng pag-aayuno at pananalangin. Maging handa sa pagsisisi at
pagbabago. Ialay ang lahat at buksan ang puso sa Kanya.
5. Ihanda ang katawan.
Maging maingat sa kabuuan ng pag-aayuno. Huwag kumain sa eat-all-you-can sa
bisperas ng pag-aayuno bilang kapalit ng ilang araw ng hindi pagkain. Makabubuti
kung unti-unting ihahanda ang katawan para sa pag-aayuno. Unti-unting magbawas
ng pagkain isang linggo bago magsimula ang pag-aayuno. Iwasan ang pagkaing
matataba o may maraming asukal. Dalawang araw bago ang pag-aayuno, kumain ng
sariwang prutas at gulay lamang. Kumunsulta sa doktor kung kinakailangan.
Habang Nag-aayuno
“Kapag nag-aayuno kayo, huwag ninyong tularan ang mga pakitangtao. Sapagkat sinasadya nilang magmukhang malungkot para ipakita sa
mga tao na nag-aayuno sila. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang
gantimpala. 17Sa halip, kung mag-aayuno kayo, maghilamos at magayos kayo ng sarili, 18upang hindi malaman ng mga tao na nag-aayuno
kayo, maliban sa inyong Ama na hindi nakikita. At ang inyong Ama na
nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang magbibigay ng gantimpala
sa inyo.” Mateo 6:16-18
16
1. Hanapin ang Panginoon.
Ilaan sa pananalangin at pagbabasa ng Bibliya ang oras na karaniwang
ginagamit sa pagkain. Makilahok sa kahit isang prayer meeting sa inyong
lokal na simbahan. Magkakaroon ng mga prayer meeting araw-araw sa bawat
simbahan sa kabuuan ng pag-aayuno. Tawagan ang pinakamalapit na simbahan
para sa schedule. Maging handang tumugon sa sasabihin sa iyo ng Diyos.
Sa panahon ng pag-aayuno, hinihikayat namin kayong basahin at sagutan ang
araling kalakip ng gabay na ito.
2. Magpasiyang magbago.
Anuman ang sabihin o ituro ng Diyos, agad mong gawin ito. Kung kailangan
mong makipag-ayos sa isang tao, kausapin mo siya kaagad. Kung may mga
asal o nakagawiang kailangang baguhin, iwasto mo ito. Magpatulong sa iyong
group leader sa pagsasagawa ng iyong desisyon.
3. Mga praktikal na gabay
•
•
•
•
•
•
Iwasan ang medikal pati ang herbal na gamot. Pero kung may kasalukuyang
ginagamot sa iyo, huwag mong itigil ang pag-inom ng gamot nang walang
pahintulot ng doktor.
Limitahan ang pisikal na gawain at ehersisyo. Kung araw-araw kang nageehersisyo, bawasan mo ito ng kaunti. Dalawa hanggang limang kilometro
na lakad lang ang pinakamabigat na ehersisyong pupuwedeng gawin arawaraw habang nag-aayuno.
Magpahinga nang mabuti.
Manatili sa diwa ng pananalangin buong araw. Manalangin para
sa iyong pamilya, simbahan, bansa, mga misyonero, world missions, atbp.
Uminom ng maraming tubig.
Habang nag-aayuno, maging handa sa mga oras ng panghihina, pagiging
mainisin, at pagkakabalisa.
Panggpkaagt-aaypuonso
Pumili sina Pablo at Bernabe ng mga mamumuno sa bawat iglesya.
Nag-ayuno sila at nanalangin para sa mga napili, at ipinagkatiwala nila
ang mga ito sa Panginoon na kanilang pinananaligan. Mga Gawa 14:23
1. Unti-untiin ang pagkain.
Wakasan ang pag-aayuno gaya ng paghahanda mo rito. Huwag biglain
ang katawan. Kakailanganin ng ating katawan ang hanggang pitong araw
bago ito masanay muli sa normal na pagkain. Huwag agad kumain ng
mabigat pagkatapos mag-ayuno. Magsimula sa prutas at juice. Unti-unting
magdagdag ng pagkain tulad ng gulay at nilagang patatas. Kumain nang
paunti-unti at malimit sa buong araw.
2. Ipagpatuloy ang pananalangin.
Huwag tumigil manalangin dahil tapos na ang pag-aayuno. Gamitin ang
nakaraang pag-aayuno upang palakasin ang iyong buhay panalangin
sa buong taon.
3. Asahan ang sagot sa iyong mga panalangin.
Manalig na sasagutin ng Diyos ang mga panalangin mo. Huwag mawalan
ng pag-asa at magsumikap sa pananalangin kahit wala pang nangyayari.
Itago ang kopya mo ng prayer points, at tingnan muli ito pagkatapos ng taon.
Makikita mo rito kung paano sumagot ang Diyos at puwede mo
itong ipagpasalamat.
pangwakas
Purihin natin ang Diyos na makakagawa
ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin
sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang
kumikilos sa atin. Efeso 3:20
Ang taunan nating pag-aayuno at pananalangin ay nagbibigay sa atin ng
pagkakataong ihanay ang ating buhay sa kalooban ng Diyos at ialay sa Kanya
ang bagong taon. At sa sama-sama nating pagpapakumbaba at pananalangin sa
Kanya, maaasahan natin ang Kanyang dakilang pagkilos sa ating kalagitnaan.
Kalooban ng Diyos na tayo ay magtagumpay sa ating buhay. Manalig
na kikilos ang Diyos sa buhay mo ngayong taon na mas higit pa sa maaari mong
hilingin o isipin. Ngayo’y tumanggap ka ng panibagong direksyon. Maging
handang gawin ang mas dakila pang mga bagay sa Diyos
ngayong taon!
Sinturon
ng Katotohanan
Papagrahasahanda Ang
pag-aayuno
Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang
katotohanan. . . . Efeso 6:14
basahin
Salmo 51:6 • Salmo 86:11 • Juan 1:17 • Juan 8:31,32 • Efeso 6:10-14
A
ng hindi pagkakasundo sa espirituwal na bagay ay tunay na kinakaharap ng mga disipulo
habang sumusunod kay Jesus. Si Apostol Pablo ay nagbabala na may mga sasalungat sa
pamumumuhay natin para kay Kristo at na sundin natin ang pinag-uutos Niyang magdisipulo
ng maraming bansa. Ang kinaganda naman nito ay naglaan ang Diyos ng baluting espirituwal
kung saan mapagtatagumpayan natin ang lahat ng pakana ng diyablo.
Sinasabi sa Efeso 6:10,11 na “magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila
niyang kapangyarihan,” at “gamitin n’yo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo
ng Diyos.” Kailangan nating mapagtanto na lumalaban tayong may lakas at kapangyarihan
kay Kristo na nagtagumpay na sa lahat ng kapangyarihan at awtoridad sa pamamagitan ng
ginawa Niya sa krus (Colosas 2:15). Nais nating maunawaan at maging wasto ang paggamit
ng kumpletong baluti sa panahon ng pag-aayuno at panalangin na may pananalig na ating
mararanasan ang Kanyang tagumpay sa ating buhay sa taong ito!
Noon, ang sinturon ng isang Romanong mandirigma ay hindi lamang upang panatilihing
nasa lugar ang baluti, kundi, sa lapad nito, sapat na upang takpan ang gilid ng baywang at
mga mahahalagang bahagi ng tiyan. Gayun din, ang katotohanan ng Salita ng Diyos ang
nangangalaga at naghahanda sa ating lumaban ng mainam na laban ng pananampalataya.
Kailangang higpitang maigi ang sinturon na ito sa ating pakikipaglaban upang tayo ay maging
mas mahusay.
Kinilala ni Jesus ang diyablo bilang “ama ng kasinungalingan” (Juan 8:44), at ang panlilinlang
ang isa sa mga lumang pakana ng kaaway (Genesis 3:13). Maaari nating malaman at iwasan
ang mga kasinungalingan ni Satanas sa pamamagitan ng katotohanan ng Salita ng Diyos na
ating panlaban.
pag-isipan
Ayon sa Juan 1:17, saan nanggagaling ang katotohanan?
Ano ang sinasabi ni Jesus na dapat nating gawin upang matutunan natin ang
katotohanan (Juan 8:31,32)? Ano ang kinalabasan ng pag-alam ng katotohanan?
isabuhay
Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang mga kasinungalingan ng kaaway na maaari mong
pinaniwalaan na kailangang palitan ng katotohanan. Maglaan ng panahon sa pananaliksik
ng Kasulatan at pananalangin.
Ang palagiang pagbabasa ng Salita ng Diyos ay nakakagawa ng imbakan ng katotohanan
sa ating mga buhay. Sa iskalang mula isa hanggang sampu, sukatin ang sarili sa kung
gaano mo kadalas binabasa ang iyong Bibliya (sampu kung araw-araw at isa kung
madalang/hindi palagi). Gawin ang nararapat na pagbabago at humiling ng grasya sa
Diyos na maging palagian ang iyong pagbabasa ng Bibliya (Salmo 1:2; Josue 1:8).
1
Pananggalang
Dibdib Pagkamatuwid
day
sa
ng
. . . Isuot n’yo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib n’yo.
Efeso 6:14
basahin
A
Isaias 61:10,11 • 2 Corinto 5:21 • Efeso 4:20-24 • Filipos 3:9
ng mga sinaunang mandirigma ay nagsuot ng pananggalang upang
takpan ang kanilang dibdib at pangalagaan ang kanilang puso sa mga bumubulusok
na espada at lumilipad na pana. Ang mandirigmang may pananggalang ay malayang
nakakalaban ng may tapang at kumpyansa. Pinoprotektahan ng pananggalang ng
pagkamatuwid ang ating mga puso laban sa mga akusasyon ng kaaway tulad ng
kasinungalingan, takot, at pagkondena mula sa mga nakalipas nating kasalanan
(Pahayag 12:10).
Hindi tayo nagiging matuwid sa pamamagitan ng ating mabuting gawa. Nang mamatay si
Jesus at nabuhay muli, ang Kanyang katuwiran ay napasa sa atin (Roma 4:24-5:1). Tayo ay
makalalapit lamang sa Diyos ng buong tapang at may pananalig kapag nakasisiguro tayo
na ang ating pagiging matuwid ay na kay Kristo (Hebreo 4:16). Ang ating pananggalang sa
dibdib ay ating katayuan sa Diyos na nagbubunga ng matuwid at banal na pamumuhay.
pag-isipan
Ayon sa 2 Corinto 5:21, sino ang gumagawa at tagapagbigay ng pagkamatuwid?
Ano ang bahagi natin (Efeso 4:24)?
Paano natin dapat isinusuot ang pananggalang ng pagkamatuwid (Filipos 3:9)?
isabuhay
Aling mga pag-iisip o pakiramdam ang maaaring makahandlang sa iyo na mamuhay sa
katotohanan ng iyong pagkamatuwid kay Kristo? Hilingin sa isang taong magulang na
sa pananampalataya tulad ng iyong Victory group leader na samahan ka sa panalangin.
Aling mga bagay ang ginagawa mo na sa tingin mo ay lalong nagpapalapit sa iyo sa
Diyos? Tigilan na ang pagtiwala sa mga bagay na ito para sa iyong pagiging matuwid.
Manalig lamang kay Kristo at sa ganap Niyang gawa sa krus.
day
Sapatos na Hatid
ang
Ebanghelyo
ng Kapayapaan
2
Isuot n’yo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral
ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan.
Efeso 6:15
basahin
Isaias 52:7 • Isaias 61:1,2 • Roma 1:16,17 • Roma 10:13-15
N
akakatulong ang sapatos upang malayang makahakbang at makalusob ang
mga sundalo habang nakatuon ng buo ang kanilang pansin sa labanan na kanilang
kinakaharap. Ang tamang sapatos ang umaalalay sa kanilang galaw.
Bahagi ng wastong kagamitan ng isang sundalong Kristiyano ay ang pagiging handa
sa lahat ng oras upang magbahagi ng Magandang Balita ng kaligtasan na makakapagayos ng isang makasalanan sa Diyos. Ang sapatos ng ebanghelyo ay kumakatawan sa
ating maluwag na pagsunod sa Banal na Espiritu sa bawat pag-udyok Niya sa ating
magpahayag ng Magandang Balita ng kaligtasan. Upang tayo ay magkaroon ng mga
pagkakataon na ibahagi ang Mabuting Balita, kailangan tayong mabuhay ng mapayapa sa
ating kapwa (Roma 12:18). Kinakailangan nating magkaroon na matibay na ugnayan sa mga
nangangailangang makapakinig ng ebanghelyo. Kapayapaan sa Diyos at kapayapaan sa
kapwa ay naghahatid sa atin ng matibay na paninindigan, tulad ng sapatos na may makapit
na swelas na hindi madudulas o matatapilok.
pag-isipan
Ano ang dapat nating gawin sa kapayapaan na mayroon tayo na sinasabi sa Isaias 52:7?
Papaano tayo magiging mas handa upang magbahagi ng Magandang Balita ng
kaligtasan na maghahatid ng kapayapaan sa buhay ng iba?
isabuhay
Ipagdasal ang dalawa o tatlong kakilala na nangangailangang makapakinig ng
ebanghelyo. Maglaan ng panahon na sila ay maipagdasal niyo sa inyong Victory group.
Magbahagi ng ebanghelyo ng madalas. Ibahagi ang Kanyang kwento sa tatlong tao
ngayong linggo.
day
Panangga
3Pananampalataya
ng
Di lang iyan, gamitin n’yo rin bilang panangga ang pananampalataya n’yo
para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga
palasong nagliliyab. Efeso 6:16
basahin
Habakuk 2:3,4 • Roma 10:8,17 • Hebreo 11:1-6 • 1 Juan 5:4,5
A
ng panangga ang dumedepensa sa sundalo at kanyang baluti. Ang pananggang
nabanggit ay dalawa at kalahating talampakan ang lapad at apat at kalahating
talampakan ang haba, gawa sa matibay na kahoy, at nababalot ng bakal o balat. Noong
Bagong Tipan, ang panangga ay binabalot sa balat upang madaling masugpo ang mga
panang tinira sa sundalo. Inilulubog ang mga pana sa alkitran at pinaliyab, ngunit ang
wastong panangga ay maaasahang makapagliligtas sa sundalo.
Ang mga sundalo sa labanan ay magkakatabi at sama-sama ang mga panangga.
Gumagawa sila ng mahabang pader o hugis kwadro sa kanilang mga panangga na mainam
na nagpoprotekta sa lahat ng tabihan. Kung may paglusob galing sa itaas, makakapagkubli
sila sa likod ng mga panangga upang makaiwas sa mga sibat o mga nagliliyab na pana.
Ang panangga ng pananalig ay ginawa upang pawiin ang mga nagliliyab na pana ni Satanas
tulad ng pagdududa, kalituhan, maling akala, pagkaawa sa sarili, at takot. Pinapana tayo ng
pagdududa ni Satanas sa tuwing hindi natin agad natatanggap ang tugon sa panalangin.
Ngunit ang ating pananalig ay nakasalalay sa Kasulatan na hindi mapagdududahan.
Tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako at Salita. Panatilihin nating nakataas ang
ating panagga dahil alam nating iniingatan tayo ng Diyos Ama na nagliligtas at naglalaan
para sa Kanyang mga anak.
pag-isipan
Saan nanggagaling ang pananampalataya (Roma 10:17)? Lumalago ka ba sa iyong
pananampalataya? Bakit o bakit hindi?
Papaano pa kayo lalago sa inyong pananampalataya ng iyong pamilya? Papaano mo
matutulungan ang iyong mga kaibigan na lumago sa kanilang pananalig?
isabuhay
Pumili ng dalawa o tatlong bersikulo sa Bibliya na tungkol sa pangako ng Diyos sa iyo
at para sa iyong kalagayan o pangangailangan. Pagnilay-nilayan at kabisaduhin ang
mga bersikulo.
Ipahayag at angkinin ng may pananalig ang mga biyaya at pabor ng Diyos sa iyong
buhay at sa iyong pamilya. Magsanay na bigkasin ito palagi sa isang pribadong lugar.
day
4
Helmet
Kaligtasan
Ang
ng
Isuot n’yo bilang helmet ang tinanggap ninyong
kaligtasan . . . Efeso 6:17
basahin
Salmo 27:1; 140:7 • Isaias 59:17 • Efeso 2:4-9 • 1 Tesalonica 5:8,9
A
ng helmet ang nag-iingat sa ulo ng Romanong sundalo mula sa pinsalang
matatamo sa pagkabagok o matinding pag-atake ng kalaban. Ito ang
pinakapansin-pansin at palamuting bahagi ng isang baluti. Ginawa ito upang
maiwasan ang mga atake at palo ng kaaway sa ulo. Hinahayaan din nitong
makakita ng maayos ang mandirigma habang prinoprotektahan nito ang ulo.
Ang unang tinutumbok ni Satanas ay ang ating isip, at kasinungalingan ang
kanyang pangunahing sandata. Sinisikap ng kaaway na pagdudahan natin
ang Diyos at ang ating kaligtasan. Ginawa ang helmet upang pangalagaan ang
ating pag-iisip—ang kakayahan ng mananampalataya na makapagnilay-nilay at
mangatuwiran. Ang helmet ng kaligtasan ang nag-iingat sa ating pag-iisip na
pagdudahan ang katotohanan ng ginawang pagligtas ng Diyos sa atin.
Ang helmet ng kaligtasan ay napakahalagang bahagi ng baluti para sa mga anak
ng Diyos. Ang halaga nito ay buhay ni Jesus. Nararapat lamang na lagi tayong
mulat sa panghuli at ganap na alay ni Kristo na nagdulot ng panghabangbuhay
na kaligtasan.
pag-isipan
Papaano inilarawan ang Diyos sa Salmo 140:7? Ano ang sinasabi nito tungkol sa ugnayan
natin sa Kanya?
Sa espirituwal na pananalita, bakit sa tingin mo kailangan ng ulo ng proteksyon?
isabuhay
Hilingin sa Panginoon na siyasatin Niya ang iyong isip at ipakita sa iyo ang mga pag-iisip
na gusto Niyang baguhin mo. Manalangin para sa pagbabago (Roma 12;2).
Humanap ng isang disipulong magulang na sa pananalig at ibahagi ang iilan sa iyong
mga pag-iisip na madalas ay nahihirapan ka. Humingi ng panalangin para rito.
day
5
Ang
Espada ng Espiritu
. . . at gamitin n’yo bilang espada ang Salita ng Diyos na
kaloob ng Banal na Espiritu. Efeso 6:17
basahin
Salmo 19:7-11 • Jeremias 23:29 • Mateo 4:1-11 • Hebreo 4:12
A
ng espada ang tanging sandatang pangsugod sa baluti, ngunit pupwede rin
itong gamiting pangsangga. Ang mga mapagmataas na pangangatuwiran,
mga makamundong pilosopiya, at mga negatibong pag-iisip ay mga sandatang
ginagamit ng kaaway na panlaban sa mga mananampalataya (2 Corinto 10:4,5).
Hinuhugot ng mga tao ng Diyos ang espada ng Espiritu kapag ginagamit nila ang
Salita ng Diyos upang lupigin ang mga kaisipang ito upang sumunod kay Kristo.
Si Jesus ay tinukso ng diyablo ng tatlong ulit habang Siya ay nag-aayuno sa
disyerto. Sa lahat ng panunuksong ito, napagtagumpayan ni Kristo si Satanas sa
pamamagitan ng pagbigkas ng Salita ng Diyos.
pag-isipan
Sa Jeremias 23:29, inihalintulad ang Salita ng Diyos sa dalawang bagay. Ano
ang mga ito at ano ang sinasabi ng mga analohiyang ito?
Alin sa mga pagsasalarawan sa Salita ng Diyos sa Hebreo 4:12 ang malakas
ang tama sa iyong kasalukuyang kalagayan? Bakit?
isabuhay
Humiling sa Diyos ng napapanahong pangako o salita ng pag-asa para sa
iyong pamilya o kaibigan. Manalangin at humingi ng payo kung paano at kailan
mo ibabahagi sa kanila ito.
Pinapahintulutan ka ng pagkakabisa ng mga bersikulo sa Bibliya na dagliang
makahugot sa Kasulatan sa panahon ng espirituwal na sagupaan. Pumili ng
isa o dalawang araw sa bawat linggo upang magkabisa ng isang bersikulo sa
Bibliya. Manalangin para sa kakayahan at karunungan upang gawin ito
ng madalas.
Ngayong taon, nananalig ako sa Diyos para sa . . .
Personal
Espirituwal na Pagbabago • Paggaling • Kaunlaran at Kasaganaan
Bukas-palad na Pagbibigay
Pamilya
Pagkakasundo • Kaligtasan ng Pamilya
Pag-aaral/Trabaho
Kahusayan • Pag-angat
Gawain sa Simbahan
Paglago ng Victory group • Kaligtasan ng mga Kaopisina, Kaklase,
mga Boss, at Empleyado
“Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo
ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin
ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking
Amang nasa langit.” Mateo 18:19
kasama sa pananalangin
schedule
1
2
Fasting Options
Water fast
Fasting Options
Water fast
Liquid fast
Liquid fast
Eat one meal only
Eat one meal only
Others:
Others:
Prayer meeting to attend:
Prayer meeting to attend:
3
4
Fasting Options
Water fast
Fasting Options
Water fast
Liquid fast
Liquid fast
Eat one meal only
Eat one meal only
Others:
Others:
Prayer meeting to attend:
Prayer meeting to attend:
5
Fasting Options
Water fast
Liquid fast
Eat one meal only
Others:
Prayer meeting to attend:
Karapatang Pag-aari © 2014 EVERY NATION PRODUCTIONS
Reserbado ang lahat ng karapatang pag-aari
Lahat ng sipi ay mula sa ANG SALITA NG DIOS® Karapatang Pag-aari © 2010 ng Biblica®
Ginamit na may pahintulot mula sa Biblica Publishing & Distribution Foundation, Inc.®
Reserbado ang lahat ng karapatang pag-aari
victory.org.ph
victoryph
victoryph | #fasting2014