Yunit 3: Ang Aking Paaralan

Transcription

Yunit 3: Ang Aking Paaralan
Yunit 3: Ang Aking Paaralan
Panimula:
Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa
sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang
bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan
at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng
bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing
pangalawang tahanan nila.
Mapahahalagan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mag-aaral na
matukoy at makasunod sa iba’t ibang alituntunin ng paaralan para sa
pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi—
isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan.
Mauunawaan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa
pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng
paaralan.
Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pagaaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa
pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.
Mga Tema:
Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 3 ang mga sumusunod na tema:
1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan
2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago
3. Kultura at pagkakakilanlan
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3 gamit ang modyul na ito,
inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. naipakikilala ang paaralan
2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan
3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa kanila
4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa
kwento ng paaralan
5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral
6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan
7. napahahalagahan ang kanilang paaralan
Mga Kasanayang Malilinang:
Komunikasyon:
Pagbabahahagi ng impormasyon
Pagsasalaysay
Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay
Pakikipanayam
Pagsusulat/ pagbubuo ng liham
Pagsusulat ng impormasyon sa tsart
Mapanuring pag-iisip:
Pagsusuri
52
Malikhaing pag-iisip:
Paglahok:
Paghahambing
Pagbubuo ng timeline
Pagbubuo ng graphic organizer
Pagpapangkat ng mga impormasyon
Pagsusuri ng mga larawan
Pagbubuo ng hinuha
Pagguhit
Pagpapahalaga
Pagkilala sa mahalagang bahaging
ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay
Paggalang sa paniniwala at damdamin ng
kapwa
Pakikiisa sa mga pangkatang gawain
Pagtapos sa gawain sa takdang oras
Paglalaro
Pagbabasa/pagbibigkas ng tula
Pag-awit
Pakikilahok sa talakayan
Iminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 3:
50 sesyon (30 minuto bawat isang sesyon)
Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan
Panimula:
Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa aking Paaralan
Pag-isipan:
Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang masasabi ng
mga mag-aaral tungkol sa kanilang paaralan?
Gawain 1
Anyayahan ang punong-guro ng inyong paaralan na maging
tagapagsalita sa inyong klase. Hilingin na magbahagi siya ng tungkol sa mga
batayang impormasyon ng inyong paaralan.
53
Paalalahanan ang iyong mga mag-aaral na makinig nang mabuti at
maging magalang sa pakikipag-usap sa punong-guro. Gabayan sila sa
pagtatanong ng mga sumusunod:
1.
Ano ang pangalan ng ating paaralan?
2.
Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?
3.
Kailan itinayo ang ating paaralan?
4.
Saan ito matatagpuan?
5.
Sino-sino ang mga taong bumubuo sa ating paaralan?
Gawain 2
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa kanilang
kwaderno o sa isang malinis na papel. Sabihin sa kanila na gawing makulay
ang larawang iguguhit.
Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan, maaari
ring hikayatin sila na ibahagi sa klase ang kanilang gawa. Ipalarawan din sa
kanila ang kanilang iginuhit batay sa pisikal na anyo nito tulad ng lawak ng
paaralan, dami ng silid-aralan, bilang ng palapag, at iba pa.
Gawain 3
Ipabuo sa mga mag-aaral ang graphic organizer na makikita sa
ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa
kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel.
Matapos ang pagbuo ng graphic organizer, itanong sa mga magaaral ang sumusunod:
a. Sa kasalukuyan, Ilang taon na ang ating paaralan?
b. Sa inyong obserbasyon, ano-ano ang bahaging ginagampanan ng
mga taong bumubuo sa ating paaralan?
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.
Tandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong
pinapasukan. Ito ang nagsisilbing iyong ikalawang tahanan.
54
Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay
Pag-isipan:
Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan sa mga mag-aaral?
Gawain 1
Basahin ang kwentong pinamagatang “Celia Studious and Conrad
Cat” na isinulat ni Regina S. Fernandez. Maaari itong isalin sa wikang
sinasalita ng mga mag-aaral upang maging mas madali ang kanilang pagunawa sa kuwento.
TRANSLATE TO FILIPINO
▬▬▬☺▬▬▬
Celia Studious and Conrad Cat
Every morning, Conrad Cat watched Celia Studious
walk to school. He listened to the tok!-tok!-tok! of her
black shoes on the street.
He smelled the pandesal and grape juice in her
lunchbox. He watched her red backpack bobbing
behind her.
The backpack looked as if it were full of books to read. Celia Studious
looked as if all she did was study.
“Doesn’t Celia Studious ever have fun?” Conrad wondered.
One morning, he decided that she should.
Celia Studious walked to school, just like she did each morning.
On Red Street, Conrad joined her. He walked right next to her.
“Hello,” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join
me and play?
I will play sipa until sunset. I will kick this pompom way up high. I will kick it up
one hundred times until it reaches the sky!”
“Playing sipa sounds like fun!”Celia Studious said. “It is nice of you to ask me
but I am on my way to school.”
And Celia Studious walked ahead.
On Yellow Street, Conrad joined her. From a mango tree branch, he swung
right in front of her.
“Hello again!” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like
to join me and play?
I will play my guitar until sunset; I will sing songs and dance to their time. You
can play the drums with your lunchbox, a fork, and a spoon.”
“Singing songs sounds like fun!” Celia Studious said. “It is nice of you to ask me,
but I am on my way to school.”
And Celia Studious walked ahead.
On Blue Street, Conrad joined her. He rode a circus bicycle around her.
“What a marvelous surprise to meet you once again!” Conrad said.
“You really must join me today! You really must join me and play!”
55
“I will play the part of a king; You can be the queen who is taking a nap. I will
save you from a make-believe dragon, we will bow, and the audience will
clap! After the show, we will go on a picnic. We will sit on a red-yellow-blueand-green blanket; we will eat puto, pancit, and hotdogs-on-sticks! Then we
will chase dragonflies until sunset!”
“Having a picnic and playing king and queen sounds like lots of fun!” Celia
Studious said. “But I am very sorry, I cannot join you today. I am going to
school, and must be on my way.”
And Celia Studious walked ahead, leaving Conrad behind.
“That Celia Studious has no fun,” Conrad sighed. Then he looked up and saw
Celia Studious standing before him.
“Hello,” Celia Studious said. “Would you like to join me today? I am on my way
to school. You can help me lead the flag ceremony We will sing the National
Anthem’s first line. We will beat our arms to the music, in 4/4 time.”
“In class, we will sit next to Tembong, we will laugh at his jokes and his funny
faces! We will color our books, and trade crayons with Luz, we’ll trade pencils,
erasers, and places!
“We will cut cardboard shapes of seashells and stars; we will string them
together, and hang them up high!
We will listen to Teacher Bing’s stories of traveling in a magical chair, of
mermaids with electric blue hair, of a frog whose best friend is a fly!”
“When the bell rings, it will be time for recess. We will eat chocolate biscuits
and drink melon juice. We will play habulan and chase dragon flies with
Rosita, Juan, Tembong and Luz!”
Conrad could imagine Celia Studious in school, in a room full of seashells and
stars. It looked grand!
In his mind, he saw Teacher Bing telling stories. He heard Celia laugh with her
friends.
He could see himself laughing with them!
“School sounds wonderful” Conrad said. “It is nice of you to ask me, Celia
Studious! I would love to go to school with you!”
And he did.
▬▬▬☺▬▬▬
Matapos basahin ang kwento, itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod:
a. Saan pumupunta si Celia araw-araw?
b. Ano-ano ang mga ginawa ni Conrad para hikayatin si Celia na
huwag nang pumasok sa paaralan?
c. Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa
paaralan?
d. Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia?
e. Ano-ano ang mga masasayang karanasan ni Celia sa kaniyang
paaralan?
f. Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa
paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman?
g. Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit?
56
Gawain 2
Itanong sa mga mag-aaral. Ano-ano ang mga masasayang
karanasan mo sa iyong paaralan?
Papiliin ang mga magAng Masasayang Karanasan ko sa Paaralan
aaral ng tatlong masasayang
karanasan nila sa paaralan at
ipaguhit ito sa loob ng mga bilog.
Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o
isang buong papel.
Ipabahagi sa klase ang
kanilang mga iginuhit na larawan. Itanong din sa kanila ang mga
sumusunod:
a. Bakit ito ang napili ninyong masasayang karanasan sa paaralan?
b. Sino-sino ang mga kasama ninyo sa mga karanasang ito?
c. Natutuwa ba kayo sa pagpasok sa paaralan araw-araw? Bakit?
Gawain 3
Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart na naglalaman ng mga larawan
ng mga ginagawa at natutunan ni Celia sa paaralan. Ipaguhit sa kanila sa
kabilang kahon ang mga ginagawa at natututunan nila sa kanilang
paaralan. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno o sa isang buong papel.
Ang mga ginagawa at natututunan ni
Celia sa paaralan
Ang mga ginagawa at
natututunan ko sa aking
paaralan
Maaari ring ipagawa sa klase ang gawaing tinatawag na think-pairshare. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa at
natutunan sa klase, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iginuhit sa isa
sa kanilang kamag-aral. Bigyan ng sapat na oras ang magkakapareha na
magbahaginan ng kanilang mga ginawa. Sabihin din na ihambing nila ang
kanilang mga iginuhit. Tanungin kung mayroon bang pagkakaiba at
pagkakatulad ang kanilang mga ginawa. Kapag tapos na ang
pagbabahaginan ng dalawang mag-aaral, atasan naman silang ibahagi
ang kanilang mga napag-usapan sa apat pa nilang mga kamag-aral. Ipaulit
57
ang ginawang paghahambing ng mga iginuhit na larawan sa napili nilang
apat pang kaklase.
Sa huling bahagi ng gawain, gabayan mo ang klase sa pagtalakay
ng kanilang mga ginagawa at natutunan sa paaralan. Itanong ang mga
sumusunod sa mga mag-aaral:
a. Marami ba kayong ginagawa at natutunan sa paaralan?
b. Ano ang naramdaman ninyo matapos ang ginawa ninyong
pagbabahagi ng inyong ginawa sa inyong mga kamag-aral? Bakit ito
ang naramdaman ninyo?
c. Alin sa inyong mga iginuhit ang pinakagusto ninyong gawin at
matutunan? Bakit?
d. Kung mayroon kang kaibigan na katulad ni Conrad Cat na yayayain
kang maglaro kaysa pumasok sa paaralan, ano ang gagawin mo?
Sasama ka ba sa kanya o hindi? Bakit?
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.
Tandaan:
Ang paaralan ay isang lugar kung saan marami kang
makikilalalang mga bagong kaibigan na iyong makakalaro,
makakasama mo sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit at iba pang
mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng
paaralan sa iyong buhay.
Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan
Panimula:
Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking Paaralan
Pag-isipan:
Ano-ano ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy o hindi
nagbago sa paaralan ng mga mag-aaral?
Gawain 1
Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa punung-guro o
sinumang tagapagsalita na iyong inanyayahan upang magbahagi tungkol
sa pinagmulan ng inyong paaralan.
58
Narito ang mga tanong na maaring tanungin mga mag-aaral sa
tagapagsalita:
a. Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito?
b. Nagbago po ba ang laki o sukat nito?
c. Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming
paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming
paaralan ngayon?
d. May uniporme po ba sila?
e. Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?
f. Ano-ano pa po ba ang mga nagbago rito?
Gawain 2
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Atasan ang bawat
pangkat ng mga mag-aaral na punan ng impormasyon ang tsart na
makikita sa ibaba. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno o isang buong papel.
Ngayon
Noon
Pangalan ng iyong paaralan
Lokasyon ng paaralan
Laki o lawak ng paaralan
Mga kasapi ng paaralan
Bilang ng mga mag-aaral
Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa
paaralan
Mga itinuturo sa paaralan
Batay sa mga impormasyong nakuha at naisulat ng mga mag-aaral,
tanungin sila kung ano ang mga bagay na nagbago at ang mga bagay na
nagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan?
Gawain 3
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa mga kahong
nasa ibaba. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno o sa isang buong papel.
Ang aking paaralan ngayon
Ang aking paaralan noon
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Marami bang bagay ang nagbago sa ating paaralan?
b. Sa iyong palagay, bakit nangyari ang mga pagbabagong ito?
c. Kung papipiliin ka, alin ang mas gusto mo, ang paaralan natin ngayon
o ang paaralan natin noon? Bakit?
59
Bigyang-diin ang mga kaisipan na nasa loob ng kahon.
Tandaan
May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na
nagpapatuloy o hindi nagbabago sa iyong paaralan.
Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan
ang nagdudulot ng mga pagbabago
o pagpapatuloy.
Aralin 3: AKO BILANG MAG-AARAL
Panimula:
Aralin 3.1 Ang Aking mga Gawain sa Paaralan
Pag-isipan
Ano-ano ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan?
Gawain 1
Atasan ang mga bata na pagsunud-sunurin ang mga larawan ng
mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Ipasulat ang bilang 1-5 sa
loob ng bilog, 1 ang pinakaunang pangyayari at 5 naman ang pinakahuli.
Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang
buong papel.
A.
B.
C.
D.
60
E.
Matapos ang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
a. Nadalian ka ba sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga
larawan? Bakit?
b. Bakit mahalagang alam mo ang pagkakasunod-sunod ng mga
gawain sa paaralan?
c. Ginagawa mo rin ba ang mga gawaing nasa larawan?
Gawain 2
Magpagawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga gawain ng
mag-aaral sa kanilang paaralan sa loob ng isang araw. Ipaguhit ang mga ito
sa loob ng kahon. Sabihin sa mga mag-aaral na kulayan ang kanilang gawa.
Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang
buong papel.
Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang
Araw
Bago
Magsimula
ang Klase
Habang
Nagtuturo ang
Aking Guro
Oras ng
Pagkain o
Recess
Bago Maguwian ang
Klase
Pabalikan ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral sa Gawain 2.
Papiliin sila ng kanilang paboritong gawain na ginagawa sa paaralan at
ipabahagi ito sa kanilang mga kaklase.
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Mayroon ba kayong kamag-aral na nagsabing paborito rin niya ang
paborito ninyong gawain?
b. Bakit ninyo ito naging paboritong gawain? Ano ang nararamdaman
ninyo sa tuwing ginagawa ninyo ang paborito ninyong gawain sa
paaralan?
Gawain 3
Ipakita sa mga mag-aaral ang
mga larawan na nasa ibaba.
Pakulayan ang mga larawan na
nagpapakita ng iyong mga itinuturo
sa kanila at mga
natututunan nila sa
Maari po ba
akong
paaralan.
makipaglaro
kay Laya
mamaya?
61
Gawain 4
Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham-pasasalamat sa
kanilang guro. Maaari silang sumulat ng liham para sa iyo o sa iba pa nilang
guro kung mayroon. Ipaalam sa kanila na maaari rin silang humingi ng tulong
sa kanilang magulang o tagapag-alaga upang punan ang mga patlang sa
kanilang isusulat
na liham.
Mahal na ____________________,
(Pangalan ng iyong Guro)
Maraming salamat po sa inyong walangsawang pagtuturo sa akin. Sa ating pag-aaral sa
klase, natutunan ko pong mag-____________,
mag-________________, at mag-_____________.
Nangangako po akong
________________________________________________
_____________________________.
Lubos na gumagalang,
____________________
(Isulat ang iyong buong pangalan)
Bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala sa loob ng kahon.
Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang gawain sa paaralan.
Nakatutulong ang mga ito upang matutunan mong magsulat,
magbilang, magbasa, gumuhit at magkulay ng larawan,
makipagkaibigan at iba pa. Pahalagahan mo ang iyong pag-aaral.
Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan
Pag-isipan:
Ano-ano ang mga dapat gawin ng mga bata sa paaralan bilang
mga mag-aaral?
Gawain 1
Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng batang si Len.
62
Sabihin sa kanila:“Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1. Ano-ano sa
palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang
pinapasukan?”
Ipasuri ang mga larawan at ipatukoy ang nagpapakita ng mga
tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral.
Tahimik at maayos na
pumipila tuwing flag
ceremonyy
Hindi tinatapos ang mga
gawaing ibinibigay ng
guro at sa halip ay
inuuna niya ang
kaniyang paglalaro
Nakikipag-usap sa
kaniyang katabi
habang nagtuturo ang
guro
Bumabati sa kaniyang
guro
Inililigpit ang
pinagkainan
matapos ang
recess
Tinatapon ang mga
ginamit na papel sa
silid aralan
Itanong ang mga sumusunod:
a. Bakit ito ang napili mong mga larawang?
b. Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong
napili?
c. Ano naman ang magyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing
hindi mo napili?
Gawain 2
Ipakita sa mga bata ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng
iba’t ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Itanong sa kanila kung alin
sa mga ito ang ginagawa nila sa bawat araw. Palagyan ito ng tsek ().
Ipagawa ito sa kwaderno o sa isang buong papel.
Mga Tungkulin ng Mag-aaral
Mga Araw na May Pasok
Lunes Mar
Miyer
Tes
Kules
Pumapasok sa paaralan sa wastong oras
Nakikinig sa guro habang siya ay nagtuturo
Nakikilahok sa mga gawain sa klase
Tinatapos ang mga gawaing ipinapagawa ng
guro sa klase
Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess
Itinatapon ang basura sa basurahan.
Ginagawa ang takdang-aralin
Binabati ang nakakasalubong na guro sa daan
63
Huwe
bes
Biyer
Nes
(Sumangguni sa Learner’s Manual Aralin 3.2 Gawain 2 para sa mga larawan)
Matapos lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kanilang
mga ginawa, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?
b. Ano ang naramdaman mo matapos mong malagyan ng tsek ang
mga tungkuling nagagawa mo bilang mga-aaral?
c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga
tungkulin sa paaralan?
Gawain 3
Ipakita at ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa titik A at titik
B. Ipatukoy ang mga larawang nagpapakita ng posibleng mangyari sa
huling bahagi ng ipinapakitang sitwasyon. (Sumangguni sa Learner’s Manual
Aralin 3.2 Gawain 3 para sa mga larawan)
A.
Pumasok si Jun
sa kanilang silid
aralan
Tahimik siyang
umupo sa
kaniyang upuan
at nakinig sa
kaniyang guro
habang
nagtuturo
Mataas ang
a. makukuhang
marka.
B.
Oras na ng
recess ng
klase ni Liberty.
a.
Nagbigay ng
pagsusulit ang
kaniyang guro
Mababa ang
b. makukuhang
marka.
Nag magsisimula
na uli ang klase,
itinapon nina
Liberty sa sahig
ang kanilang mga
pinagkainan
Masayang
nagkainan sina
Liberty kasama
ng kaniyang
mga kaibigan
Magiging
marumi ang
paaralan.
b.
Mapapanatili
ang kalinisan
ng paaralan
Matapos ipatukoy ang mga larawan, itanong sa mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
a. Alin sa dalawang larawan o sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa sa
tungkulin ng isang mag-aaral?
b. Bakit ito ang mga napili mong huling pangyayari sa ipinakitang
sitwasyon?
c. Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga
tungkulin?
64
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.
Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa paaralan.
Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral
upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din
ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.
Aralin 4. Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan
Panimula:
Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan
Pag-isipan
Ano-ano ang mga ipinatutupad na mga alituntunin sa inyong silidaralan?
Gawain 1
Atasan ang klase na bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita
ng iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.
Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang
buong papel.
Bago magsimula
ang klase
Habang
nagkaklase
Tuwing recess
Bago mag-uwian
Matapos ang gawain, itanong sa kanila ang mga sumusunod:
a. Bakit tayo mayroong mga alituntunin sa ating silid-aralan?
b. Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit?
65
Gawain 2
Basahin sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba.
Itanong sa kanila kung ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag
ginawa nila ang mga ito. Kung nagsusulat na ang mga mag-aaral, ipasulat
sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang kanilang sagot sa bawat
sitwasyon. Maaari ring ipaguhit ang kanilang mga sagot kung wala pang
sapat na kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat. Maaaring ipasulat
ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong
papel.
A.Tahimik na hinihintay ang iyong guro
bago magsimula ang klase
B.Nakikipag-kwentuhan ka sa iyong
katabi habang nagtuturo ang iyong guro
C.Isinisigaw mo ang iyong sagot kahit
hindi ka pa tinatawag ng iyong guro
para sumagot
D. Pumipila nang maayos
E. Hindi nagpapasa ng takdang- aralin
sa napagkasunduang araw ng pasahan
F. Tinatapos ang gawaing
ipinagpagawa ng guro sa takdang
oras/ araw ng pasahan
Gawain 3
Pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang graphic
organizer.
Itanong sa kanila ang mga sumusunod:
a. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga
alituntunin ng inyong silid-aralan?
b. Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga
alituntunin?
Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng sitwasyon sa loob ng angkop
na kahon. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno.
Hindi Pagsunod sa Alituntunin

Pagsunod sa Alituntunin
66
Tanungin ang mga mag-aaral:
a. Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin?
b. Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin?
c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin?
d. May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa
ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan?
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.
Tandaan: May iba’t ibang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong silidaralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili
ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito
sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamagaral at ng inyong guro.
Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan
Panimula:
Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking
Paaralan
Pag-isipan:
Bakit mahalaga ang paaralan para sa mga mag-aaral?
Gawain 1
Sabayan ang mga magaaral na awitin o bigkasin ang
“Bata pa Ako” na isinulat ni Julia
Abueva.
Bata Pa Ako
Di ka ba nagtataka
Ako'y nasa lansangan
At ikaw ay nasa sasakyan
Papuntang paaralan
Makatapos kaya ako
Kahit mga libro'y pinaglumaan mo
Pangarap lang ba
Pagka't mahirap lang ako
Pwede bang sumali sa inyong laro
Bata sino ba
Ang nagtuturo't gumagabay
sa'yo
May pag-asa pa bang
Maturuan din nya ako
Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako
Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba
Sana balang araw maging tulad din kita
Paano bang sumulat, magbasa ng gaya
mo
Sa lahat ng inaasam
Isa ang pinakagusto
Na sana'y pagtanda natin
Wala ng batang tulad ko
[From:
Bata alam mo ba, na bata rin ako?
Musmos pa rin ako,
Di lang napapansin
Magulang at kapatid,
Nakaasa sa akin
http://www.elyrics.net/read/j/juliaabueva-lyrics/bata-pa-akolyrics.html]
67
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ng
iyong mga kaklase ang nilalaman ng “Bata pa Ako”?
b. Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o
binasa? Nag-aaral kaya siya?
c. Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya?
d. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o
maranasan?
Gawain 2
Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng iba’t ibang tao na
nakapag-aral at hindi nakapag-aral.
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Ano kaya ang mangyayari sa mga bata sa kanilang pagtanda kung
hindi man lamang sila makapag-aral sa isang paaralan?
b. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring
mangyari sa mga taong nakapag-aral?
c. Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong
hindi nakapag-aral?
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang titik ng mga larawang nagpapakita ng
maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral.
Magpakita sa mga mag-aaral ng halimbawa bago ito ipagawa sa
kanila. Narito ang halimbawang makikita ng mga mag-aaral sa kanilang
module:
Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng
paaralan.
B.
A.
C.
H.
D.
G.
E.
F.
68
Gawain 3
Ipaguhit sa mga mag-aaral ng isang larawan na nagpapakita ng
kahalagahan ng kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno.
Sa tulong mo o ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga magaaral, papunan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa
kanila ang kanilang paaralan.
Mahalaga ang aking paaralan dahil ___________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.
Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa
tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking
kakayahan at mga kaalaman.
Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung
pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan.
Sa huling bahagi ng Yunit 3, tulungan ang mga mag-aaral na sagutin
ang ebalwasyon ng kanilang mga nagawa at natutunan. Matapos nila itong
gawin, sagutan ang hanay para sa ebalwasyon mo sa kanilang mga
kasanayan at kaalaman.
Ang Aking mga Nagawa at Natutunan
Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek ang angkop na
kahon sa iyong sagot.
Nagamit ko ang mga kasanayang ito:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
Mag-aaral Guro
Nasunod ko ang mga panuto
Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining
Nagbahagi ako ng aking kwento sa aking kamag-aral
Nakinig ako sa kwento ng aking guro
Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase
Nasuri ko ang iba’t ibang mga bagay
Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay
Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa
aking paaralan
9. Nakapag-isip ako ng maaring mangyari ng isang
sitwasyon
10. Napahahalagahan ko ang aking paaralang
kinabibilangan
69
Nagawa ko ang mga bagay na ito:
Mag-aaral Guro
1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa
aking paaralan
2. Natukoy ko ang iba’t ibang kasapi ng paaralan
3. Nakagawa ako ng isang panayam
4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan
5. Nakabuo ako ng timeline
6. Nakagawa ako ng graphic organizer
7. Nakaawit ako ng isang awit
8. Nakabigkas ako ng isang tula
9. Nakasuri ako ng isang awit o tula
10. Naipagmalaki ko ang aking paaralan
Mag-aaral
Naipapahayag ko ang mga ito:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
Guro
Natutunan ko ang mga batayang impormasyon tungkol
sa aking paaralan
Natutunan ko ang papel na ginagampanan ng paaralan
sa aking buhay.
Natutunan ko na may iba’t ibang kasapi na bumubuo sa
aking paaralan
Natutunan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago
sa aking paaralan
Natutunan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning
ipinatutupad sa aking paaralan
Natutunan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga
tungkulin bilang mag-aaral
Natutunan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at
paaralan
Komento ng iyong guro
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
70
PANGALAN NG PAARALAN
Taon ng Pagkatatag
Lokasyon
Mga Taong Bumubuo ng Paaralan
71